• Tidak ada hasil yang ditemukan

Buod Ng El Filibusterismo

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Buod Ng El Filibusterismo"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

Buod ng El Filibusterismo(DARWIN)

Matapos ang masalimuot na pangyayari na bumabalot sa mga tauhan sa Noli Me Tangere, lalo pa itong pinaigting ng diwa ng paghihiganti, karahasan at karuwagan sa akdang El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simuon- isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara na maituturing na kakambal ng impiyerno.

Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga abang ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular ang mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan. 'Di nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente- isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. 'Di naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa pakana ng mga kastila. Naiiba sa mga ito si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyang pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Juli kaya't wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral at mga kasapi sa AWK sa pangungutya at paggawa ng katatawanan sa mga prayle, sila'y napagbintangang mga utak ng pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga kastila. Ang mga nagkalat na paskin ay siyang naging matibay na patunay laban sa kanila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryosong pagkamatay ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon na unti-unti siyang binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay ng huli matapos na malaman na pumanaw na ang nag-iisang dalaga na nagbibigay-lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit nang magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwa ng paghihiganti.

Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito ngunit ang lahat ng kanyang paniniwala ay sinalungat ng pari. Nang makatanggap sila ng liham na nag-uutos na isuko ang taong tinatago ni Padre Florentino agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya.

Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap.

--- - --- - Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniring ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kasimbilis halos ng lintik sa sinambilat ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bias ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Siya, ay pinag-uusig ngayon ng mga may kapangyarihan, ay tumakas sa bahay ni Pari Florentino na nasa baybayin ng

karagatang Pasipiko. DI naluwata'y papalapit na ang mga alagad ng batas na darakip sa kanya. Uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya kay Pari Florentino ang tunay niyang pangalan at pagkatao. Isinalaysay niya sa paring ito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay mula nang siya ay bumalik sa Pilipinasna buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas.Binanggt niya ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maigupo ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mpangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang nagging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

The Ati-Atihan Festival is an annual feast held in honor of the Santo Niño held every month of January and concluding on third Sunday, in the town of Kalibo, Aklan. It is the wildest among Philippine fiestas and considered as the Mother of All Philippine festivals. Celebrants paint their faces with black soot and wear bright, outlandish costumes as they dance in revelry during the last three days of this two week-long festival. Catholics and non-Catholics alike observe this special day with processions, parades, dancing, and merrymaking. There is a modest range of accommodation in Kalibo: Tourists are advised to book reservations well before the Ati-Atihan. The Ati-Atihan Festival, having become a hodge-podge of Catholic ritual, social activity, indigenous drama, and a tourist attraction, now stretches over several days. Days before the festival itself, the people attend novena masses for the Holy Child (Santo Niño) and benefit dances sponsored by civic organizations. The formal opening mass emphasizes the festival’s religious intent. The start of the revelry is signaled by rhythmic, insistent, intoxicating drumbeats, as the streets explode with the tumult of dancing people. The second day begins at dawn with a rosary procession, which ends with a community mass. The merrymaking is then resumed. The highlight of the festival occurs on the last day, when groups representing different tribes compete. Costumes, including the head-dress, are made of abaca fibers, shells, feathers, bamboo, plant leaves, cogon, and sugar cane flowers. The day ends with a procession of parishioners carrying bamboo torches and different images of the Santo Niño. The contest winners are announced at a masquerade ball that officially ends the festival.

(2)

Buod ng El Filibusterismo(KimberT)

Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Nagbabalik si Crisostomo Ibarra bilang si Simoun- isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara.

Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular sa mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang

negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan. Hindi nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente. Siya ay isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. Hindi naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa kagagawan ng mga kastila. Naiiba sa kanila si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyang

pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Huli kaya't wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral ,sila'y napagbintangang mga utak ng pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga Kastila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryosong pagkamatay ni Huli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si Kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pinamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon ay unti-unting bumabalik. Ito ang naging dahilan upang sumama siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay nito matapos na malaman na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal. Ngunit nang magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwa ng paghihiganti. Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez, hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito. Sinalungat ng pari ang lahat ng kanyang paniniwala. Nang makatanggap si Padre Florentino ng liham na nag-uutos na isuko si Simoun ay agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga

(3)

dayuhang nagpahirap sa kanya. Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap.

Si Dr. Jose Protacio Rizal ang ating Pambansang Bayani, siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “NOLI ME TANGERE”, at “EL FILIBUS TERISMO.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “LA LIGA FILIPINA.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “MI ULTIMO ADIOS.” (Ang Huling Paalam), upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

--- ---

---Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora

Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo[2]. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa

katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849. Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog).Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka. Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang si Rudolf Virchow. Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo nanggaling),[5] kahit pa

nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay.

--- ---

Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos.

Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong.

Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.

Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso.

Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng

(4)

Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.

Agustin Caralde Fabian

Si

Agustin Caralde Fabian

(Agosto 15, 1901-1976) ay isa sa kinikilalang haligi ng

panitikan ng Pilipinas. Sa Filipino man o sa Ingles, na higit na kilala ng mga mambabasa sa

kanyang mga sagisag na Angel Fernandez, M.S. Martin, Felicisimo Correz, Augusto E. Fuentes, F.

Bani, at Pilar Buendia.

Sa mga kapwa manunulat, malimit na tinatawag siyang ”Ba

Maltin.” Editor ng Lingguhang Graphic bago sumiklab ang Iklawang

Digmaaang Pandaigdig, naging general manager siya ng Liwayway

Publications Inc. pagkatapos ng digma hanggang sa kanyang

pagretiro sa unang bahagi ng dekada sisenta.

Ilan sa mga sinulat niyang nobela ay :

---Timawa,

---Maria Marcedes,

---Sino Ako?

---Mga Dayupay,

---Basta Mayaman,

---Hindi Man Hanapin,

---Magbayad Ka!

---Ana Malaya,

---Ginoong Salapi at

---Limatik.

Kabilang sa mahahalagang gawad na ipinagkaloob sa kanya ang

Pro Patria

,

pampanguluhang gawad sa panahon ng Pangulong Carlos P. Garcia para sa namumukod na mga

Filipino noong 1961. Gayundin ang

Gawad Quezon sa Panitikan

na kaloob ng Panitik ng

(5)

Referensi

Dokumen terkait

Mediko –  Mediko ng Berbanya na hindi alam kung ano ang sakit ni Haring Fernando Juana -Siya ang isang kapatid ni Donya Maria at ang isa pang anak ni Haring Salermo na naninirahan

Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata..

pagbabalik-tanaw o flashback nailahad ang naging sanhi ng pagkawalay ng bunsong anak nina Amy at Ariel na kung saan ay aksidenteng nabitawan ni Jessie ang kamay ni Joanna

Tumatak sa akin ang mga sesyon na iyon dahil sa unang pagkakataon, nalaman kong hindi dapat sisihin ng isang babae ang sarili kung siya’y naabuso.. Na karapatan

lnilahad naman ni Socrates na isa pa ring pilosopong Griyego na ang retorika ay isang pagtatalo kung saan magandang pinili ang salita upang higit na maging kaakit-akit

Napagbalingan ni Donya Victorina ang binatang si Linares at inutusan ito na hamunin ang alperes dahil kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi malaman

Nang gumaling na si Labaw, inutusan niya ang kanyang mga anak na magpunta kung saan naroroon si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata dahil nabalitaan niya

Kaayusangitosapagkatangligidngpananalansangaydinapapipigilsapagtikom, hindi dahil sa hindi na ito pinapayagan, hindi dahil sa ito’y pinopolisiya, kung hindi, itinuturing na kasi itong