• Tidak ada hasil yang ditemukan

pdfcoffee.com masusing banghay aralin sa araling panlipunan 8 pdf free

N/A
N/A
Pat Madrid

Academic year: 2023

Membagikan "pdfcoffee.com masusing banghay aralin sa araling panlipunan 8 pdf free"

Copied!
9
0
0

Teks penuh

(1)

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

 Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europa.

B. Tiyak na Layunin

1. Masusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Europa.

2. Matataya ang mga kadahilanan ng unang yugto ng imperyalismo.

3. Maiisa-isa ang mga taong naging bahagi ng imperyalismong kanluranin.

II. NILALAMAN A. Paksang Aralin:

 Imperyalismong Kanluranin

 Mga Motibo at Salik sa eksplorasyon

 Mga taong naging bahagi ng eksplorasyon B. Sanggunian:

 Modyul ng Mag-aaral

 Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig

 Pahina 231-235

 Punong may akda: Celia D. Soriano

C. Kagamitan: Pisara,Laptop,Speaker, Tarpapel at mga larawan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:

1. PANALANGIN

Bago tayo tumungo sa talakayan ngayong araw, pangunahan muna natin ito ng munting panalangin.

Zeth, maaari mo bang panguhan an gating panalangin?

2. PAGBATI

Magandang Umaga, ___________

Bago kayo magsiupo ay makikisimot muna ng mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuan.

Maaari na kayong magsiupo.

3. PAGTATALA NG LIBAN

Kessia, bilang class monitor ng silid-aralan, ilan ang bilang ng liban ngayong araw?

Maraming salamat, lubos kong ikinagagalak na tila pinahahalagahan nyo ang pagpasok sa eskwela.

4. PAGBABALITA

Bago tayo tumungo sa talakayan, tayo munang magbalitaan na regular nating ginagawa.

Gaya ng nakasanayan ang inyong balita na ibabahagi ay ibabalita ko sa silid-aralan.

Sino ang gusto muling magboluntaryo upang maging cameraman ?

Maraming salamat, tiyak ko na alam mo ang anggulo ng iyong guro.

Magandang magandang umaga sa inyong lahat, narito ako ngayon sa silid-aralan ng St. Mark upang kapanayamin ang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang balitang napakinggan kamakailan lamang.

(Dadako ang guro sa kanan,kaliwa at likurang bahagi ng silid- aralan upang magtanong ng balita sa mga mag-aaral.) Maraming maraming salamat, muli ako si Sir. JR. Nag-uulat.

Opo.

Ang lahat ay magsitayo para sa panalangin.

Magandang Umaga din po, Sir. JR.

Maraming Salamat po.

Wala pong liban ngayong araw.

Ako po.

Ako po, tinalakay po natin ang paksang protestante ni Martin Luther.

(2)

5. PAGBABALIK-TANAW

Bago tayo dumako sa bagong paksa, tayo munang magbalik- tanaw sa nakaraang talakayan.

Sino sa inyo ang makapagbabahagi ng paksang tinalakay kamakailan lamang?

Magaling, at sino nga muli si Martin Luther, at ano kaya ang kanyang ginampanan sa ating relihiyon?

Mahusay, lubhang naunawaan ninyo ang ating nakaraang talakayan.

B. PAGLINANG NG GAWAIN 1. ENGAGE (Pakikilahok)

Bago tayo tumungo sa ating talakayan,mayroon akong inihandang pagganyak na may kaugnayan sa ating paksang tatalakayin.

Mayroon ako ditong mga larawan na nasa estado na puzzle at jumbled letters na kinakailangan ninyong pag-ugnayin batay sa kahulugan o kaugnayan ng mga ito. Magtatalaga ako ng isang minuto para sa bawat larawan at salita.

Kailangan ko ng inyong guro ng limang pares na mag-aaral na magsasagawa ng ating pagganyak.

Sino ang gustong magboluntaryo?

Mga Larawan:

1. COMPASS

2. MAPA

3. BARKO

4. PAMPALASA

5. GINTO

Siya po ang nagtatag ng relihiyong protestante na tumaliwas sa ilang turo ng simbahang katoliko.

(Ang mag-aaral ay magsisitaasan ng kamay kasama ang kanilang mga napiling kapares.)

(3)

2. EXPLORE (Pagsasaliksik)

Batay sa kanilang nabuong salita, mayroon akong inihandang pangkatang Gawain na may kaugnayan dito.

Kayo naman ngayon ay ipapangkat ko sa limang grupo upang magbigay ng kanikanilang ideya patungkol sa mga larawan na kaakibat ng nabuong salita.

Magtatalaga naman ang inyong guro ng tatlong minuto upang mabilisang mapag-usapan ang inyong nais ibahagi sa klase sa paraan ng munting pag-uulat.

(Brainstorming)

Narito ang ating pamantayan sa pangkatang Gawain.

PAMANTAYAN:

Puntos Deskripsyon

5 Nagpakita ng lubos at

kagilagilalas na pang-unawa sa salita at larawan na iniulat.

3 Nagpakita ng pagkaunawa

sa iniulat sa unahan.

1 Hindi gaanong naging

dalubhasa sa iniulat sa unahan at kinakailangan pa ng munting pagsasanay.

(Makalipas ang tatlong minuto)

Simulan natin ang munting pag-uulat sa pangkat isa.

Magaling, batid ko na pamilyar kayo sa compass at gamit nito.

Bigyan ng isang palakpak.

Dumako naman tayo sa ikalawang pangkat.

Mahusay!

Bigyan ng dalawang palakpak

Mapunta naman tayo sa ikatlong pangkat.

Aba, kagilagilalas, naiugnay ng mainam ang larawan sa kasalukuyang gamit nito.

Bigyan ng tatlong bagsak.

Unang Pangkat: Compass

Ang aming salita po na nabuo sa aktibidad kanina ay ang compass ito po ay maaaring magamit sa paglalayag upang matukoy ang ibat-ibang direksyon.

Ikalawang Pangkat: Mapa

Ang mapa ay ang patag na representasyon ng mundo, ginagamit ito sa pagtukoy ng ibat-ibang lokasyon at lugar sa mundo.

Ikatlong Grupo: Barko

Ito po ay ginagamit sa paglalayag upang makapunta sa ibat- ibang lugar sa daigdig, maaari din po itong maging paraan ng transportasyon sa kasalukuyan.

Ikaapat na Bagsak: Pampalasa

Ito ay mga ibat-ibang pampalasa na kadalasang ginagamit sa mga putahe o pagkain na inihahanda sa pang-araw-araw.

Maaari din po itong gamitin sa pagprepreserba ng mga pagkain.

Ikalimang Pangkat: Ginto

Ito po ay ginagamit noong unang panahon bilang

pangunahing kabayaran sa mga produktong binibili natin, sa kasalukuyan naman po ay ito ay ginagamit sa mga alahas at ibat-ibang pangdekorasyon.

(4)

Ano naman kaya ang munti ngunit siksik na maibabahagi ng pangkat apat?

Magaling lubos na tiyak ang inyong paliwanag.

Bigyan ng apat na bagsak.

At ang huling pangkat naman na hindi magpapahuli, ikalimang pangkat.

Tumpak, maliwanag pa sa ginto ang inyong paliwanag.

Dahil sa napakahusay ninyong pag-uulat, kayong lahat ay makakatanggap ng tig lilimang puntos.

3. EXPLAIN (Pagpapaliwanag)

Batay sa ating isinagawang pangkatang Gawain, ano sa inyong palagay ang ating paksang tatalakayin?

Mahusay, ang ating tatalakayin ngayong araw ay may kaugnayan sa inyong nabanggit at ito ay ang paksang

“IMPERYALISMONG KANLURANIN”

Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng imperyalismo? Sino kaya ang maaaring magbahagi ng kaniyang ideya.

Magaling, tama ang ideya at karagdagan pa dito ay maaari itong masalamin sa impluwensyang military,pangkabuhayan at maging sa politika.

Ano ano naman kaya ang maaaring motibo ng pagsasagawa ng panggagalugad ng mga Europeong bansa?

Magaling, tama ang lahat ng inyong kasagutan.

Dagdag pa dito ay ang kanilang kagustuhan na:

 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

 Paghahangad ng Katanyagan

 Paghahangad ng Kayamanan

Ngunit, napapaisip ba kayo kung ano o sino ang nagbigay ng mga ideya na ito sa mga bansang Europeo?

Mayroon akong larawan ng aking kaibigan na ipapakita sa inyo, kilala ninyo ba siya?

Larawan ni Marco Polo:

Magaling, isang dahilan ng pagnanais ng mga ito ay dahil kay Marco Polo, isang manlalayag na Europeo na nag-engganyo sa mga Europeo na manggalugad sa Asya partikular na sa bansang China sa kanyang libro na “The Travels of Marco Polo”.

Trivia:

Alam nyo ba na hindi si Marco Polo ang siyang nagsulat ng

Maaari po na tungkol sa paglalayag o paglalakbay.

Ito po ay ang pagsakop ng makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

Sa aking palagay po ay dahil sa kanilang pangangailangan.

Opo.

Siguro po siya ay si Marco Polo.

Sa Portugal at Spain po.

Ang bansang Portugal po.

(5)

kanyang libro? Naging tagasulat niya ang kanyang kaibigan na si Rusticiano na nakasama niya noong siya ay nabilanggo sa China.

Ngayon naman, matapos ninyong malaman ang isang tao sa likod ng kagustuhan ng mga Europeong bansa sa

panggagalugad ay ipapakita ko naman sa inyo ang dalawang bandila kung saan nakatira ang aking ilang kaibigan.

Pagpapakita ng larawan:

Kanino kayang bandila ang mga naturang ito?

Magaling, ito nga ang bandila ng bansang Portugal at Spain na unang nagsagawa ng panggagalugad.

Sino kaya sa dalawang bansang ito ang unang kumilos sa pangagalugad?

Mahusay, sino naman kaya ang pinakanaging pundasyon ng panggagalugad ng bansang Portugal?

Tumpak muli ang inyong kasagutan.

Pagpapakita ng larawan ni Prinsipe Henry:

Siya ay naging tanyag sa paglalayag kaya siya ay binansagan na “The Navigator” pinangunahan niya rin ang pagpapatayo ng mga paaralan na nagtuturo ng tamang nabigasyon at isa din siyang manlalayag.

Dahil sa kanyang pagiging tanyag, siya ay hinangaan ng mga katulad niyang manlalayag at ninais na sundan ang kanyang yapak.

Ang aking dalawang kaibigan na nakatira o tumira sa bansang Portugal ay kanyang naengganyo.

Sila ay si Bartolomeu Dias at Vasco Da Gama.

Pagpapakita ng kanilang larawan:

Sino kaya sa inyong palagay si Bartolomeu Dias at ano kaya ang kaniyang ginampanan?

Magaling, siya ay nakarating sa katimugang bahagi ng Africa

Siguro po ay si Prinsipe Henry.

Isang manlalayag po na portugese na nakadiskobre ng Cape of Storm o mas kilala sa kasalukuyan na Cape of Good Hope.

Isa din po na manlalayag na naglayag sa ngalan ng Portugal.

PORTUGAL

SPAIN

Prinsipe Henry

“The Navigator”

Bartolomeu Dias

Vasco Da Gama

(6)

kung saan siya ay napapad dito dahil sa bagyo. Tinawag niya itong Cape of Storm at kilala din sa tawag na Cape of Storm sa kasalukuyan.

Sino naman kaya si Vasco Da Gama?

Mahusay, siya ay naglayag sa kanlurang bahagi ng India at dito nakapagtatag ng kalakalan ng cinnamon at paminta ngunit kalaunan siya ay bumalik sa Portugal dahil sa mga muslim na kanyang naging katunggali.

Dumako naman tayo sa aking ilan pa na kaibigan na nakatira o tumira sa bansang Spain.

Pagpapakita ng larawan ni Christopher Columbus at Amerigo Vespucci:

Sino kaya sa inyo ang nakakakilala sa aking dalawang matalik na kaibigan na sila Chistopher Columbus at Amerigo

Vespucci?

Magaling, tama ang iyong kasagutan.

Trivia:

Inakala niya na siya ay nakarating sa Asya o sa bansang India kaya tinawag niya ang mga tao dito bilang mga Indians.

Noong mawala si Columbus ay itinuloy naman ni Amerigo ang panggagalugad, narating niya ang mga bansa sa Amerika o ang kontinente ng Amerika, itinama niya ang paniniwala na nakadiskubre si Columbus ng mga bagong bansa sa asya kundi bagong kontinente na Amerika kayat sa kanya hinango ang pangalan na Amerika.

Nauunawaan ba ang buhay o mga nagawa ng aking mga kaibigan?

Para sa karagdagang impormasyon narito naman ang ilang mga tao na alam ko na hindi na lingid inyong kaalaman.

Pagpapakita ng iba pang larawan:

Sa aking palagay si Christopher Columbus po ang manlalayag na nag-akala na siya ay nakarating sa kontinente ng Asya,o bansang India, at si Amerigo Vespucci naman po ay ang pinaghanguan ng pangalan ng Amerika.

Opo, lubos po naming naiintindihan ang kanilang mga ginampanan.

Opo.

Chistopher Columbus

Amerigo Vespucci

Ferdinand Magellan

Ruy Lopez de Villalobos

(7)

(Pagtatanong sa mga bata sa kanilang mga ideya patungkol sa tatlong larawan na ipinakita ng guro)

Magaling, napakahusay ng inyong mga ipinahayag.

(Dadagdagan ng guro ang mga naging kasagutan o ibinahagi ng mga mag-aaral).

4. ELABORATE

Lubos ba ninyong naintindihan ang ating paksang tinalakay ngayong araw?

Upang mas malaman ko ang inyong lubos na naging pag- unawa sa paksang tinalakay ay mayroon akong tatlong katanungan na isasaad at Malaya kayong magbahagi ng inyong kasagutan patungkol dito.

1. Sa iyong palagay naging mahalaga ba ang panahon ng panggagalugad o eksplorasyon ? At bakit?

2. Ano kaya ang kalagayan ng mga bansa sa kasalukuyan kung hindi nagkaroon ng panahon ng

panggagalugad?

3. Bilang isang butihing mag-aaral, ano kaya ang iyong pipiliin, ang lumayo sa bansa at pamilya kapalit ng pang-araw-araw na pangangailangan o ang manatili at makuntento sa kung ano ang mayroon ?

Lubos kong nakikita na naunawaan ninyo ang ating paksang tinalakay ngayong araw. Naway mapahalagahan nyo ang kaganapang ito sa ating kasaysayan na nagpabago o lubos na nakaapekto sa ating kasalukuyang pamumuhay gaya ng mga pagkilos,pananamit,pagkain at marami pang bagay.

5.Evaluate:

Bago tayo magtapos, kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel at sagutan ang mga sumusunod.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga sumusunod na bilang kung ito ay may kaugnayan sa paksang tinalakay.

____1. Relihiyon ____6. Barko

____2. Palaro ____7. Bagong Lupain ____3. Ginto ____8. Pagtutunggali ____4. Teritoryo ____9. Nabigasyon ____5. Compass ____10. Mapa At para naman sa inyong takdang aralin.

Takdang Aralin:

Magsaliksik patungkol sa mga naging epekto ng imperyalismong kanluranin sa bansa at gumawa ng repleksyon patungkol dito.

Mayroon pa ba kayong katanungan kaugnay ng paksa?

Wala na po.

Maraming salamat at paalam na din po Sir. JR.

Miguel Lopez de Legazpi

(8)

Dahil wala na kayong katanungan ay magpapaalam na ang inyong guro.

Maraming Salamat at paalam na ____

(9)

MASUSING

BANGHAY ARALIN SA ASIGNATURA NG

ARALING

PANLIPUNAN 8

Inihanda ni: Petsa:

Sir. Macalintal JR F. Marso 12, 2019

Araling Panlipunan

Referensi

Dokumen terkait

(4) Hambatan dalam penerapan kurikulum yaitu perencanaan pembelajaran yang tidak tepat waktu, Guru dituntut harus kreatif dalam mengembangkan RKM dan RKH serta keterbatasan

Menjamin ke Panpel bahwa telah memperoleh semua hak dan izin yang diperlukan dan untuk memberikan hak, sekarang dan masa depan kepada Panpel untuk menayangkan klip film peserta

Karena dipicu penyakit/trauma berat, akan terjadi aktivasi pembekuan darah, terbentuk fibrin dan deposisi dalam pembuluh darah, sehingga menyebabkan

trigonometri yang melibatkan segitiga tepat ( Ting. 3 ) trigonometri yang melibatkan segitiga tepat ( Ting.  penggunaan buku sifir bagi mencari nilai sinus, kosinus, dan

Biasanya lecet pada puting terjadi karena posisi bayi yang salah saat menyusui, yakni karena puting tidak masuk ke dalam rongga mulut bayi sampai areola mammae sehingga bayi

Medikua etorri de N ARTE , ezin izan dugu ezer egin  Hasta que ha venido el médico, no hemos podido hacer nada Ez mugitu HARIK ETA nik esaten dizudan ARTE  No te muevas hasta

- Di dalam puasa Ramadhan tidak lain bagi yang sengaja membatalkannya - Bagi yang meninggalkan niat puasa pada waktu malam di dalam puasa fardu - Bagi yang sahur sedang

Baş bölgesi, kalp, akciğerler, mide ve bağırsaklar, böbrekler, Tanden, Vücudun yansı (Hanshin Chiryo), vücudun ağrılı bölgeleri. (Grip olduğum zaman hemen yatar,