ANG MABUTING BALITA (Mt. 14:13-21)
Pagbasa sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo,
Nang hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.”
Ngunit sumagot si Hesus: “Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” Sinabi nila: “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.” Sinabi niya: “Akin na.”
At iniutos niyang maupo sa damuhan ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket. Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata.
Pagninilay:
May dalawang klase ng pagkagutom, ang pisikal at espiritwal. Ang pisikal ay natutugunan ng pagkain subalit ang espiritwal kailanman ay hindi kayang punan ng kasaganaan ng pagkain. Ang pagkauhaw sa Diyos ay isang napakalaking pagkagutom na nagaganap ngayon sa ating lipunan. Nakakalimutan natin na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kung hindi sa Salita ng Diyos na ating naririnig sa bawa’t umagang naririto tayo sa loob ng paaralan. Hindi ka ba kuntento sa buhay mo? Sa gitna ng karangyaan nararamdaman mo ba ang lungkot? Halina’t lumapit sa Panginoon Siya lang ang tanging makakapuno sa ating pagkagutom.
Manalangin tayo:
Sa gitna ng pagkauhaw sa Iyo Panginoon, pukawin mo ang aming mga puso upang mahalin ka ng lubusan ngayon at kailanman Amen.
San Juan Bautista De La Salle … Ipanalangin mo kami!
Hesus, manatili ka sa aking mga puso… magpakailanman!
MULA SA OVCAR – MULA SA TANGGAPAN NG PUNONG GURO:
1. Malugod na pinasasalamatan natin ang Departamento ng TLE/HELE sa pamumuno ni G. Jonas Lara para sa katatapos lamang na pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Nawa ang mga aral na inyong natutunan hinggil sa tamang nutrisyon at pag-aalaga ng katawan ay huwag mawaglit upang mapanatili ang inyong malusog na pangangatawan. Palaging tama ang kasabihang: Ang malusog na pangangatawan ay tunay na yaman.
2. Ngayon naman ay nagsisimula na tayo sa pagdiriwang ng Buwanng Wika. Ang mga nakatakdang gawain ay pangungunahan ng Departamento ng Filipino sa pamumuno ni Bb. Ever Aleta at Gng. Rizza Limbo. Patuloy nating suportahan ang mga programa na laan para sa patuloy nating pag-unlad bilang tao at miyembro ng isang komunidad.
Pagpalain tayong lahat ng Diyos!
3. Ngayong araw din ay magsisimula ang ating Unang Kapatang Pagsusulit. Naway sumainyo ang Banal na Espiritu Santo upang kayo ay gabayan sa gawaing ito. Paghusayin ang pagsasagot at ipakita nang buong galing ang mga kasanayang natutunan sa mga nakaraang aralin.
MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Ngayon ang unang araw ng ating unang markahang pagsusulit. Kaya’t inaasahan ang mga bata na basahin at unawain nang mabuti ang panuto at mga tanong upang makasagot nang maayos sa pagsusulit.
Nursery 1
AUGUST 3 AUGUST 4 AUGUST 5
7:00-8:40 (1st session) 10:30-11:30 (2nd session)
Assembly/Homeroom 7:00 – 7:40 (1st session) 10:30-10:50 (2nd session)
Assembly/Homeroom Assembly/Homeroom
8:40-9:40
(1st session) Reading
7:40 – 8:40
(1st session) Math Oral Test
Bulletin No. 036 03 Agosto, Lunes, 2015
INTEGRATED SCHOOL
MISSION VISION
“To be a sign of faith as an excellent educational institution, sharing in the Lasallian mission of teaching minds, touching hearts and transforming lives.”
Nursery 2 & Kinder
AUGUST 3 AUGUST 4 AUGUST 5
7:00-8:40 (1st session) 11:40:12:40 (2nd session)
Assembly/Homeroom 7:00 – 7:40 (1st session) 11:40-12:00 (2nd session)
Assembly/Homeroom Assembly/Homeroom
8:40-9:40 (1st session) 12:40- 1:40 (2nd session)
Reading
7:40 – 8:40 (1st session) 12:00- 1:00 (2nd session)
Filipino Oral Test
9:40-10:00 Recess
8:40 – 9:40 (1st 1ession) 1:00 – 2:00 (2nd session)
Math Completion
10:00-11:00 (1st session) 1:40- 2:40 (2nd session)
Language Arts
Grades 1 – 3
AUGUST 3 AUGUST 4 AUGUST 5
7:00- 8:40 Assembly/Homeroom 7:00 – 7:40 Assembly/Homeroom Assembly/Homeroom 8:40- 9:40 Christian Living 7:40 – 8:40 Language Arts Filipino
9:40-10:00 Recess 8:40 – 9:40 Math Social Studies
10:00-11:00 Reading
11:00-12:00 Science
Grades 4 – 6
AUGUST 3 AUGUST 4 AUGUST 5
7:10-8:40 Assembly/Homeroom 7:00 – 7:40 Assembly/Homeroom Assembly/Homeroom 8:40-9:40 Christian Living 7:40 – 8:40 Social Studies Filipino
9:40-10:00 Recess 8:40 – 9:40 Math Science
10:00-11:00 English
2. Ang unang pagsusulit ngayong araw ay magsisimula sa ganap na 8:40 n.u. upang mabigyan pa ng panahon ang ilang batang naghihintay ng “exam permit”.
3. Pagkatapos ng pagsusulit, pinaaalalahanan ang mga bata na pumunta na agad sa kani-kanilang lugar-hintayan para di maghintay nang matagal ang inyong magulang.
4. Malugod na pagbati at pasasalamat ang aming ipinaaabot sa Departamento ng HELE sa pamumuno ni G. Jonas Lara at gayundin sa Departamento ng Preschool sa pamumuno ni Gng. Malen Camitan para sa matagumpay na pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon. Maraming salamat sa lahat ng klase at mga guro sa inyong pagsuporta sa kanilang inihandang gawain.
5. Ngayong araw ay simula naman ng pagdiriwang ng buwan ng Wikang Pambansa at Kasaysayan. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa mga programang inihanda ng mga departamento ng Preschool, Filipino at Araling Panlipunan.
Mula sa Departamento ng Christian Living Seven Attitudes in Prayer
—Making prayer effective 3 Persistance
In Matthew 7:7-8 the Greek carries the idea of "keep on asking, keep on seeking, keep on knocking". Jesus said we should always pray and not give up (Luke 18:1-8, 1Thessalonians 5:17, Acts 16:23-25).
http://www.simplybible.com/f246.htm (to be continued...)
Maraming salamat sa mga gurong tagapayo at mga mag aaral na nakiisa sa Misa ngayong umaga. Huwag nating kaligtan ang manghikayat o mag anyaya sa iba na magsimba araw-araw at gawin itong isang debosyon.
Baitang 2 BG 108 Bb. Grace Robles Baitang 6 BB 406 Gng. Lorna Bagares Baitang 3 BB 206 Gng. Ellen Ramirez Baitang 4 *BB 309 Gng. Liezel Magnaye Mula sa Departamento ng Araling Panlipunan
Bilang pagtugon sa D.O. # 9, kaugnay ng pagdiriwang ng “Buwan ng Kasaysayan” ngayong Agosto na may temang “Kalipunan ng mga Mamamayang Pilipino:May Sapat na Kaalaman, Pagmamahal at Pagmamalaki sa Kasaysayan at Yamang Kultura ng Bansa”, ang departamento ng Araling Panlipunan ay nagtakda ng iba’t ibang gawain. Isa na dito ang pagtatala sa bulletin ng mga kaukulang impormasyon hinggil sa bansang Pilipinas at mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan nito. Inaasahan ang
pagsuporta at pakikiisa ng lahat ng myembro ng ating komunidad sa lahat ng nakalinyang gawain. Maraming salamat po.
Mula sa mga Punong Tagadisiplina
1. Pasasalamat kay Gng Leonie Landicho ng BB 404 sa pagsusumite ng mga “folders” (Incident, Cleanliness at Log-in Log-out). Gayundin kay Gng. Liezel Magnaye at sa lahat ng gurong tagapayo ng Antas 6 sa pagsusumite ng listahan ng “key monitors.”
2. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng “haircut inspection”. Ang mga kalihim ng bawat klase ay inaasahang maisumite ang listahan ng mga batang lalaki na di nagpagupit.
MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG JUNIOR HIGH SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Ang Departamento ng Filipino ay naghanda ng mga gawain para sa pagdiriwang na may temang FILIPINO: WIKA NG PAMBANSANG KAUNLARAN. Ang lahat ay inaasahang makikilahok sa mga gawaing inihanda.
2. Pagpalain nawa ang bawat isa sa pagsagot sa mga pagsusulit. Sagutang maigi ang bawat tanong at tingnan ang rubric bilang pamantayan ng inyong pagsagot.
3. Pagsusulit ngayong araw: 8:40-9:40 Math; 10:00-11:00 Filipino 4. Pagsusulit bukas 7:40-8:40 English; 8:40-9:40 Social Studies Gawain ngayong Agosto:
10, 17 Senior High School promotion in Grade 10 13 PEP Rally
27 Buwanang Pagpupulong ng JHS Community Mula sa Departamento ng Filipino
Ang tema ng pagdiriwang sa buwan ng Agosto ay “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran”. Inaasahan ang aktibong pakikibahagi ng lahat sa mga gawaing inihanda ng departamento ng Filipino.
Baitang 10- Paligsahan sa Pagguhit ng Editoryal Kartun- Agosto 6 Baitang 9 - Paligsahan sa Dagliang Pagtatalumpati- Agosto 7 Baitang 8 - Paligsahan sa Pagbigkas ng Tula- Agosto 11
Baitang 7 - Paligsahan sa Masining na Pagkukwento - Agosto 12
Ang sumusunod na mag-aaral ng Baitang 10 ay magkakaroon ng maikling oryentasyon ngayong ika-3 ng Agosto, ganap na ika- 11:10 ng umaga sa BM204. Inaasahan ang inyong pagdalo.
Antas /Seksyon Buong Pangalan
10- CMR201 CANTOS, Marcus Lopez
10- CMR202 Montealto, John Lenard E.
10- CMR203 REGALADO, Simon Regs Miramon
10- BM201 DIMAANDAL, John Ric Xavier Cuna
10- BM202 CUEVAS, Esethkiel Raven Ordoñez
10- BM203 MACASAET, Jasper Vince Josef
10- BM204 LAROSA, Paul Kenneth Villagracia
10- BM205 DIMAANO, Royce Jan Kiefer Amul
10- BM206 MAGALONA, Justine Vargas
10- MM201 COSIP, Lauryn Kaye Gamier
10- MM202 Gilmo , David Ivan Lex
10- MM203 SONACO, Kerima Ruth Miclat
10- MM204 SABIDO, Coleen Andrei Medrano
10- BM105 YOUNG, Kim Jan Gracielle Maligaya Alamin Natin
Maraming salita sa wikang Filipino ang hindi lubusang nauunawaan ng karamihan sa atin. Narito ang kahulugan ng ilang mga salitang dapat ay ALAM NATIN!
1. AGNOS. Ito ay palawit sa kuwintas na may nilalamáng banal na relikaryo o alaalang mula sa isang tagpo o bagay na nabanggit sa Bibliya. Nagiging mamahálin ang kuwintas sa relikaryong nilalamán ng palawit, bukod pa sa paniniwalang inangkat ito mula sa Herusalem at benditado sa Roma. Itinuturing na isang mahalagang hiyas ang ágnos sa lipunan ng mga relihiyoso noong panahon ng Espanyol.
2. AGUNYAS. Ito ay mula sa salitang agonias ng wikang Espanyol na tumutukoy sa tugtog ng kampana ng simbahan para sa namatay. Tinutugtog nang mabagal ang batingaw sa mismong araw ng pagkamatay ng isang miyembro sa komunidad lalo na’t isa itong táong kilalá.
Mula sa Sagisag Kultura ng Filipinas(edisyong 2013) ni Virgilio S. Almario Mula sa Departamento ng Christian Living
1. Ngayong simula ng pagsusulit, ang buong departamento ng Christian Living with Character Education ay nagpapahayag ng aming suporta sa mga mag-aaral. Nawa ay lubos ninyong maunawaan at masagutan ang mga katanungan sa pagsusulit.
Kaya’t inaanyayahan namin kayo na magdasal muna bago simulan ang pagsusulit. Narito ang isang panalangin na maaari ninyong gamitin:
MULA SA OVCAD - HUMAN RESOURCE DEPARTMENT:
PAALALA SA LAHAT NG PART-TIME FACULTY: Ang Contract of Employment para sa unang semestre ng taong 2015-2016 ay maaari ng malagdaan sa opisina ng HRD simula Agosto 3-7, 2015, 7:30am-7:00pm at sa Sabado, Aug. 1 at 8 , 9:00am-4:00pm. Maraming Salamat!
MULA SA OVCM - TANGGAPAN NG TAGA GABAY:
1. Maraming salamat kina Gng. Mayo Mantuano, Gng. Angie Samonte, Gng. Carmen Bautista, at G. Alvin Petalio para sa kanilang suporta sa ginanap na Pagpupulong ng mga Magulang ng Antas 9 noong Biyernes. Mabuhay kayong lahat!
2. Para sa mga mag-aaral at gurong tagapayo ng Antas 10. Magkakaroon ng pagpupulong ang mga magulang ng Antas 10 sa Miyerkules, ika-5 ng Agosto, 1:00 – 4:00 ng hapon sa BHV Gymnasium. Inaasahang maisumite ngayong araw ang mga “reply slip” ng sulat na ipinamigay noong Huwebes. Ang mga gurong tagapayo ay pinakikiusapang hikayatin ang mga estudyante na sabihan ang kanilang mga magulang na dumalo sa mahalagang pagpupulong na ito. Salamat.
Prayer Before an Examination
Dear Lord, as I take this exam, I thank you that my value Is not based on my performance, but on your great love for me.
Come into my heart so that we can walk through this time together.
Help me, not only with this test, but the many tests of life that are sure to come my way.
As I take this exam, bring back to my mind everything I studied and be gracious with what I have overlooked.
Help me to remain focused and clam, confident in the facts and in my ability,
and firm in the knowledge that no matter what happens today you are there with me. Amen Source: http://www.salesiansireland.ie/prayer-spirituality/everyday-prayers/prayer-before-study-exams/
MULA SA OVCM – INSTITUTIONAL LASALLIAN FORMATION OFFICE:
Iskedyul ng Rekoleksyon
Aug 11 G9 LS 301, LS 302, LS 403 Aug 26 G8 LS312, LS 410, LS 405 Aug 12 G8 LS 211, LS 212, LS 409 Sept 1 G8 LS 311, LS 407, LS 408 Aug 19 G8 LS 305, LS 306, LS 310 Sept 2 G8 LS 411, LS 412, LS 406 Aug 25 G8 LS 309. LS 307, LS 308