2 Ano ang kaibahan ng presyo ng sariwa at tuyong palay?
EXPLAINER The
Sa naunang Explainer, ating natutunan ang kaibahan ng tuyo at sariwang palay at ang kaugnayan nila sa presyo ng palay.
Dahil sa kaibahan ng kalidad ng sariwa at tuyong palay, malaki din ang kaibahan ng kanilang presyo o buying price sa merkado.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang presyo ng tuyong palay noong ikatlong linggo ng Setyembre 2020 ay nasa P16.84/kg. Ang presyo ng tuyong palay ay nagkakaiba depende sa barayti ng palay.
Halimbawa, mas mataas ng P0.50/kg - P2.00/kg ang NSIC Rc216, NSIC Rc160, at NSIC Rc218 kumpara sa ibang barayti ng palay. Mas mabango at malambot kasi ang mga barayti na ito kapag naluto, mga bagay na hinahanap ng mga mamimili. Isa pangpinanggagalingan ng pagkakaiba ng presyo ng tuyong palay ay ang umiiral na presyo sa lugar at ang presyo ng bigas.
Ang mga rice miller-traders na siyang nagsasagawa ng paggiling ng palay ang karaniwang nagtatakda ng presyo ng palay.
Nakabatay ang presyo ng tuyong palay sa umiiral na presyo ng bigas sa merkado. Ibig sabihin, bumababa ang presyo ng palay kapag nagiging mas mura ang presyo ng bigas at tumataas naman kapag mataas ang presyo ng bigas.
PRESYO NG TUYONG PALAY
Ang presyo ng sariwang palay ay nakabase sa moisture content at sa presyo ng tuyong palay. Kapag ang sariwang palay ay pinatuyo, nababawasan ang timbang nito dahil sa nawalang moisture content na tinutuos ng mga traders sa pagbibigay ng presyo. Ito ang paliwanag kung bakit ang
%MC ay isa sa basehan ng pagpresyo ng sariwang palay.
Kapag mas mataas ang moisture content, mas mababa ang presyo na binibigay ng mga traders dahil tinutuos nila ang shrinkage losses (loss in weight due to drying is from 25% to 14%). Kung may mga halo, dumi at may berdeng butil ang palay, ito ay binabawas din sa presyo. Bukod pa rito, kailangan ding ibawas ang gastos sa pagpapatuyo at iba pang nagastos. Higit sa lahat, kailangan ding isaalang-alang ang ibabawas pa ng trader para sa kanyang kita.
Bilang pamantayan, ang presyo ng sariwang palay (Ps) ay maaaring matantya mula sa presyo ng tuyong palay (Pt) gamit ang moisture content ng sariwang palay (%MCs) at tuyong palay (%MCt). Makikita ito sa formula sa baba. Habang tumataas ang %MC ng sariwang palay, mas lumalaki ang nababawas sa timbang nito na dahilan ng pagbaba ng presyo.
PRESYO NG SARIWANG PALAY
Presyo ng tuyong palay (P/kg) = P16.84 Moisture content ng sariwang
palay (%MCs)
= 25%
Moisture content ng tuyong palay ( %MCt)
= 14%
Table 1. Halimbawang kalkulasyon sa buying price ng sariwang palay.
Item Presyo
(P/kg) Presyo ng tuyong palay 16.84 Katumbas na presyo ng sariwang palay na may 25
%MC
14.686
Gastos (P/kg): 2.60
Gastos sa pagpapatuyo, pagdala sa mercado at administratibo
1.10
Dumi, halo at berdeng butil 1.00 Kita o tubo ng trader 0.50 Buying price ng sariwang palay
12.09
HALIMBAWA
Mula sa presyo ng tuyong palay na P16.84/kg, magiging P14.69/kg na lang ang katumbas na presyo ng sariwang palay. Ito ay dahil sa ibinawas sa presyo ang timbang ng moisture content nito. Mula sa isang kilo ng sariwang palay na may 25% moisture content, magiging 0.87 kilo na lang ang kanyang timbang kapag ito ay pinatuyo. Ibabawas pa dito ang gastos sa pagpatuyo at iba pang mga nagastos.
Karaniwang mas mababa ang presyo ng sariwang palay na mas madami ang dumi, halo, at berdeng butil na tinutuos din ng mga traders na siyang nagpapababa sa inaalok nilang halaga. Tandaan din na sa presyong iniaalok ng mga traders ay ibinabawas pa nila ang kanilang kita. Karaniwan, hindi bababa sa P0.50 ang kita o net profit ng mga traders sa bawat kilo ng sariwang palay na binibili niya. Suma-tutal, ang magiging presyo sa pagbili ng sariwang palay ay P12.09/kg na lang (Table 1).