• Tidak ada hasil yang ditemukan

Gawad SalikSik-wika

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Membagikan "Gawad SalikSik-wika"

Copied!
1
0
0

Teks penuh

(1)

PANAWAGAN

PARA SA PANANALIKSIK

Ang Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Sentro ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng Gawad Saliksik-Wika ay tumatanggap ng panukalang saliksik sa wikang Filipino.

Ang Gawad Saliksik-Wika ay programa ng UP-Diliman SWF na naggagawad ng pondo at suporta para sa mga pananaliksik na may kinalaman sa wikang Filipino at kulturang Filipino. Ang gawad ay isang kompetisyon at ipagkakaloob taon-taon.

Bukas ang gawad sa mga gurong may ranggong Katuwang na Propesor pataas at REPS na may ranggong Mananaliksik ng Unibersidad I pataas mula sa UP Diliman at ang saliksik ay maaaring isagawa ng indibidwal o ng grupo. Ang ipagkakaloob na gawad ay mula sa halagang Ph100,000 minimum at Ph150,000 maximum at batay sa rekord ng mga nagawa na pananaliksik ng proponent.

Isasapubliko ang resulta ng pananaliksik sa isang forum na itataguyod ng SWF. May karapatan din ang UP-Diliman SWF sa unang paglalathala ng anumang resulta ng pananaliksik.

May kalayaan ang proponent na magpanukala ng anumang proyekto ng pananaliksik na may kaugnayan sa wikang Filipino at kulturang Filipino. Gayunman, binibigyan-diin ang mga sumusunod na paksa ng pananaliksik:

• saliksik sa gamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at bilang opisyal na wika

• saliksik sa wikang Filipino bilang wika ng karunungan sa iba’t ibang disiplina

• gramatika at mga diksiyonaryong Filipino at iba pang wika sa Pilipinas

• pagpapayaman ng Filipino batay sa mga wika sa Pilipinas

• saliksik sa mga palisi at patakarang pangwika sa Pilipinas

• Filipino bilang larangan.

Sa Oktubre 30 ang huling araw sa pagsumite ng proposal ng pananaliksik at sa Enero 2016 ang pagpapahayag ng gagawaran.

Kinakailangang magsumite ng proposal (pormularyo*) at updated curriculum vitae sa Direktor ng UP Sentro ng Wikang Filipino, 3/Palapag, Gusaling SURP, E. Jacinto Street, UP Diliman, Lungsod Quezon.

*Maaaring ma-download ang pormularyo at mabasa ang alituntunin sa SWF website: http://pages.upd.edu.ph/

sentrofilipino

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Sentro ng Wikang Filipino:

3/Palapag, Gusaling SURP, E. Jacinto St., UP Diliman, Lungsod Quezon 1101 (02) 924-4747, (02) 426-5838, (02) 981-8500 lokal 4583

Gawad SalikSik-wika

(SwF Research Grant)

Referensi

Dokumen terkait

Ito ay nagsasama ng mga batang bata imigrante, na ang mga pamilya inilipat sa isang bagong wika na kapaligiran, pati na rin ang mga tao na natutunan ang kanilang ina dila

Ang paggamit ng Wikang Filipino ay lubos na nakatutulong upang mas mabilis na maunawaan ang mga proseso ng pag-aaral ng Basikong Nihongo sa halip na dalawang wika

kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. Pampanitikan -

Layunin ng Multilinggwalismo sa makatuwid ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o dialekto o wika ng tahanan bilang pangunahing wika ng pagkatuto

pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sisitema ng bawat paaralan.Dito itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit itong

 Kalihim Romero ng Kagawaran ng Edukasyon (1959): wikang pambansang batay sa Tagalog inumpisahang tawaging Filipino  Purismo sa Wika. o Kongresista Inocencio

May tatlong klase ng mga guro ang dumadalo sa ganitong panayam na ubod ng optimismo ang pamagat: ang una ay mga gurong naghahanap ng saysay o katuturan sa pagtuturo ng Filipino bilang

Ang kahusayan ng nominado bilang mananaliksik sa Filipino ay susuriin batay sa mahusay at epektibo niyang paggamit sa Filipino bilang kasangkapan sa pananaliksik, gayundin ang kabuluhan