• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ulat sa Monolinggwalismo, Multilinggwalismo at Bilinggwalismo

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ulat sa Monolinggwalismo, Multilinggwalismo at Bilinggwalismo"

Copied!
8
0
0

Teks penuh

(1)

MGA KAPARAANAN SA PAGPAPAUNLAD NG WIKA Ulat nina: Richard P. Moral Jr. at Leah Farfaran

MONOLINGGWALISMO

Ang Pilipinas dahil isang bansang multilinggwal ay nahihirapang pasanin ang batas ng monolinggwalismo. Ang monolinggwalismo ay isang kaparaanan at pagbabagong penomenang pangwika na puspusang tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa madaling sabi layunin ng monolinggwalismo na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang French.

Sa anumang talastasan kailangan ang isang wika na magiging tulay sa pakikipagtalastasan, wika ng komersyo, wika ng negosyo at wika sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga Bansang Nangunguna sa paggamit ng Monolinggwal

Kapansin-pansin ang mabilis na pag-unlad ng mga bansang Hapon, South Korea at Pransya na mahigpit na ipinag-uutos ang sistemang monolinggwal sa kani-kanilang bansa. Ang iisang wika ay gagamiting panturo sa anumang larang (field) o asignatura dahilan upang mas lalong magkaunawaan ang bawat isa at makagagawa ng mas produktibong ani. Kung susuriin, mahigpit ang patakarang Monolinggwal kaya naman isang malaking hamon ito sa Pilipinas kung magkaganun. Kung ekonomiya ang pagbabatayan ng mga bansang Monolinggwal ay walang dudang mauunlad at mayayaman ang mga ito. Tumatagos kasi sa kanilang kurikulum ang mga patakarang-pangwika.

Ang Patakarang Monolinggwal sa Edukasyon

Recognising and responding to diversity is a key principle for quality education (UNESCO, 2008). Monolingual policy has a strong focus on improving quality and access of education for children disadvantaged by their ethnicity. This policy experienced that language of instruction acts as a major barrier to education for children who do not have access to the school language. In Bangladesh’s Chittagong Hill Tracts, for example, where indigenous children must learn in Bangla, the dropout rate is double the national average at 60%. The World Bank estimates that half the children out of school globally do not have access to the language of school in their home lives, indicating the significance of language barriers in education (World Bank, 2005).

Sa inilahad na pangyayari, nangangailangan ng isang matibay na pundasyon ng wika kung saan nagiging balakid ang wika sa paaralan upang matuto ang mga mag-aaral, sa mga unang taon ng pag-aaral kailangan

(2)

nitong gamitin ang wikang pamilyar sa isang bata upang mas lalong mahikayat ang mag-aaral dahil alam nila ang wikang ginagamit sa pagtuturo. Ang edukasyong monolinggwal ay pinagtitibay na paigtingin ang gamit ng iisang wika sa anumang pagkatuto o asignatura dahil sa napakaraming patunay na pag-aaral na ang mga bata’y mas madaling matuto sa konsepto kung nasa unang wika kadalasang ituturo. Kaya kailangan ng isang revisyong pangwika kung ipapatupad ito sa Pilipinas

Ang Edukasyong Monolinggwal ay nakatuon sa sumusunod na pag-unlad:

• Language (and the need for learning in mother tongue) is at the centre of education policy • Clear guidance indicates local language is valued in schools

• Learner-centred teaching approaches are promoted

• Flexible modes of entry to teacher training are available for minority language speakers • Early education in mother tongue promotes language development and preliteracy skills

• There is support for participatory production of writing systems and literacy materials in local languages; schools are encouraged to engage with parents and communities

• Teachers are encouraged to be aware of and promote language acquisition • Moves to assess national examinations in local languages are under way.

(Pinnock, 2009) MULTILINGGWALISMO

Pansinin ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan upang ang Multilinggwalismo ay maging isang mabisang instrumento sa patakarang pangwika mayroon tayo.

Sa talumpati ni Senador Pimentel sa Senado noong Setyembre 5, 2007, tinalakay niya ang kahalagahan ng rehiyonal o iba pang mga wika sa bansa para sa isang matatag na republika. Ayon sa kanya mahalagang mapanatili ang mga wika sa iba’t ibang panig ng bansa upang mapasigla at mapalaganap ang ating sariling kultura. Naniniwala si Pimentel sa tinuran ni Dr. Kenneth Hale ng Massachusetts Institute of Technology: “When you lose a language, you lose a culture, intellectual wealth, a work of art.”

Ipinaliwanag ni Sen. Pimentel na hangga’t hindi natin pinangangalagaan ang ating sariling katutubong mga wika, unti-unti itong mawawala sa ating kamalayan, sa ating pasalita at pasulat na komunikasyon, gayundin unti-unti mamamatay ang mga wikang ito. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa isang bansa ang karaniwan na sangayon. Ayon pa sa kanya: I submit that forcing the language of one ethnic group such as Tagalog

upon other ethnic groups is divisive and disruptive of national fabric. The key word here is “forcing” a foreign language on a people. It does not unite.

Ayon kay Pimentel, ang kanyang mungkahi ay maidagdag ang mga pangunahing wika ng mga partikular na lugar bilang opisyal din na wika. Kaugnay nito, iminungkahi ni Sen Pimentel ang pagbago ng kurikulum ng mga paaralan na gamitin ang mga pangunahing wika sa rehiyon bilang midyum ng pagtuturo mula Baitang I hanggang IV. Sa interpelasyon, sinabi ni Pimentel na ang nakatadhana sa Konstitusyon na paggamit ng mga rehiyonal na wika bilang pantulong na opisyal na mga wika ay hindi nasusunod.

(3)

Multilinggwalismo ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing medyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat. Layunin ng Multilinggwalismo sa makatuwid ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o dialekto o wika ng tahanan bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa unang baitang hanggang ikaapat, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa bago ibababad sa Wikang Ingles. Kailangang matamo muna na ang isang mag-aaral ay bihasa na sa unang wika na susundan ng pangalawa at pangatlo. Kaiba ito sa patakarang sinusunod ng mga Pilipino ngayon nasa unang baitang pa lamang ay sabay nang itinuturo ang Ingles (70%) at Filipino (30%) bukod pa sa kanilang wikang ginagamit sa tahanan.

Katunayan, noong ika-16 ng Mayo 2007 ay pinagtibay ng Pangkalahatang Asembliya ng United Nations ang isang resolusyong nagsusulong sa multilinggwalismobilang paraan ng pagtataguyod, pangangalaga at pagpapanatili sa dibersidad ng kulturaat wika sa buong mundo kasabay ng pagpapahayag sa taong 2008 bilang “Pandaigdigna Taon ng Mga Wika.” Nauna pa rito’y naglabas ng opisyal na paninidigan ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) pabor sa multilinggwalismo (2003). Ayon sa nasabing dokumento,

“Studies have shown that, in many cases, instruction in the mother tongue is beneficial to language competencies in the first language, achievement in other subject areas, and second language learning.”

Ibinatay ng UNESCO ang ganitong paninindigan sa pananaliksik nina N. Dutcher at G.R. Tucker (1997) at S. Mehrotra (1998) na pawang pinondohan ng World Bank, isang entidad na pangunahing nagsusulong ng globalisasyon sa ekonomiya. Pinakamahalagang konklusyon ng pananaliksik nina Dutcher at Tucker ang napatunayang bisa ng unangwika ng bata bilang wikang panturo sa maagang bahagi ng pag-aaal. Ipinaliwanagnilang mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawang paksang-aralin at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.Sa antas lokal, napatunayang balido ang konklusyon nina Dutcher at Tucker kung susuriin ang matagumpay na paggamit ng unang wika bilang pangunahing wikang panturo sa Lubuagan, Kalinga. Sa pagsusulit sa kakayahan sa pagbasa ng mga nasa ikatlong baitang ng elementarya na saklaw ng 2006 National Achievement Test (NAT), nanguna ang Lubuagan

“Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan saIngles ng ating mga estudyante...” Sa ganitong diwa’y pinagsusumikapan ngayon ng KWF na maipaliwanag sa taumbayan ang kabutihan ng

multilinggwalismo upang malao’y matanggap nila ito. Sa kasalukuyan, patuloy na umaalingawngaw ang mataginting na tinig ng KWF para sa multilinggwalismo gaya ng ipinahayag ng tagapangulo nito:

“It is time to foster respect for ALL languages especially endangered languages, and to promote and protect them. Let us celebrate our linguistic diversity with the peoples of the world. Wika Mo. Wikang Filipino. Wika ng Mundo. Mahalaga!” (Nolasco 2008).

(4)

– sa 10 distrito sa dibisyon ng Kalinga – sa English (76.5%) at Filipino (76.44%) dahil “...ang unang wika ay siyang ginamit na medyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan, kahit sa science at math ” (Nolasco 2007).

Mga Bansang Multilinggwal

Ang Morroco ay bansang may apat na opisyal na wikang ginagamit ang Arabic, French, Spanish at Amazigh. Ang Bolivia ay mayroong 36 na minoridad na wika na ginagamit sa anumang antas ng pakikipagtalastasan. Ang India na may 23 na opisyal na wika na pangunahin ang Hindi na may 40%, Malayalam, Tamil, Kannada at Telugu bilang mga pangunahing wika. Ang Belgium na may tatlong opisyal na wika: Dutch 59%, French 31% at German 10% habang sa Switzerland ay may apat na pangunahing pambansang wika ang german, French, Italian at Romansh. Kaiba naman ang kalagayan ng Luxembourg na isang halimbawa ng trilinggwal na sosyedad na may tatlong wikang opiasyal, ang Luxembourgish, French at German na ginagamit din sa kanilang patakarang pangkurikulum, sa unang apat na taon ng pagkatuto ng bata ay kailangang maging bihasa muna siya sa wikang Luxembourgish, susundan ito ng dalawang taong ganap na pagtuturo ng French at ang huling taon ay ilalabi sa German. Ibig sabihin kailangan munang maging bihasa sa unang wika bago ipasok ang isa pang wika hanggang sa ito’y ganap na maisakatuparan.

Bakit Kailangan ng Isang Patakarang Multilinggwal

Malinaw na Filipino ang wikang nagbubuklod at wikang ginagamit ng sambayanang Pilipino, at nangingibabaw pa ring wikang pangkomonikatibo na ginagamit sa lahat ng antas ng edukasyon. Katuwang ng Filipino, malaganap din ang paggamit ng mga dayalekto lalo na sa elementarya sapagkat nananatiling unang wika ng marami-raming bata ang mga wikain sa Pilipinas. Samakatwid, kapwa Filipino at mga katutubong dayalekto ang mas mabisang pangunahing wikang panturo kaysa sa Ingles sapagkat umiiral at nakaugat na sa lipunang Pilipino ang mga ito. Natumbok ni Dr. Melania L. Abad (2007) ang ganitong konsepto:

“Ang pagkatuto ay mabilis at epektibokung direktang gumigising ito sa maraming pandama at sensibilidad ng mga mag-aaralat wala nang iba pang wikang kakatawan dito kundi ang wika niya sa araw-araw atwikang magbibigay sa kanya ng higit na tiwala at pagkakakilanlan...”

Kakambal ng pakikibaka para tuluy-tuloy na itaguyod at gamitin ang wikang Filipino at mga katutubong dayalekto ang pagsisikhay na isulong din ang Ingles at iba pang wikang dayuhan sa Pilipinas dahil sa mga konsiderasyong kultural at sosyo-ekonomiko. Wasto si Nelson Turgo (2006) sa pagbibigay-diin na mali ang kaisipang malaganap na umiiral “na sa pagpapalakas ng Pambansang Wika, pinapahina ang Ingles.” Maraming pananaliksik na ang nagpatunay na ang matibay na pundasyon ng unang wika ay nagbubunsod sa mabilis na pagkatuto ng/sa iba pang wika. Samakatwid, ang pagpapalakas ng unang wika, ng pambansang wika, ay pagpapalakas din sa pagkatuto ng wikang banyaga sa hinaharap.

(5)

Sa isang masaklaw na pag-aaral, sinuri ni Susan Malone (2003) ang mga nangingibabaw na patakarang pangwika sa mga bansa sa Asya. Lumabas sa kanyang pag-aaral na may mga pagkakataong napag-iiwanan ang unang wika sa edukasyon kaya naman nagbigay siya ng isang rekomendasyon na dapat pakinggan ng ating pamahalaan:

“Provide a strong educational foundation in the language the learners know best, enabling them to build on the knowledge and experience they bring to the classroom.”

Ibinatay ni Malone ang kanyang rekomendasyon sa naunang pananaliksik nina Wayne Thomas at Virginia Collier (2001):

“The strongest predictor of L2 [second language] student achievement is the amount of formal L1 [the children’s first language] schooling. The more L1 grade-level schooling, the higher L2 achievement..”

Sa konteksto ng Pilipinas, kailangan nating palakasin ang pagtuturo at paggamit ng Filipino at mga dayalekto upang magamit natin itong matibay at mapagkakatiwalaang tulay sa lubos na pagkatuto ng Ingles at iba pang wikang dayuhan.

Hakbang ng Pamahalaan sa Patakarang Multilinggwal

Ibibigay ko ang isang sanaysay na nanalo sa Gantimpalang Collantes hinggil sa plano o hakbang ng pamahalaan upang matamo ang Multilinggwalismong lipunan.

Matagal nang gumugulong ang kampanya para sa sabay na pagtataguyod ng wikang Filipino at mga dayalekto ng Pilipinas. Mula nang ihayag ng Konstitusyon ng1987 ang masaklaw na depinisyon at katangian ng Filipino bilang buhay na wika na Pilipino (na batay sa Tagalog) ang korpus at lilinangin sa tulong ng iba pang wikang umiiral sa Pilipinas, namatay na ang dating lagablab ng mapanghating rehiyunalismo. Unti-unti nang naging maluwag at maganda ang pagtanggap ng mga pangkat na di Tagalog sa wikang Filipino. Aktibong nagsusumikap ang mga akademista na “ipauso” o palaganapin ang pag-asimila sa mga salitang katutubo para sa mga salitang walang eksaktong katumbas sa Tagalog. Ang paglilimbag ng UP Diksyunaryong Filipino ay isang malaki at makabuluhang ambag sa ganitong proseso sapagkat isinama ng mgaleksikograper nila ang mga salitang buhat sa iba’t ibang wikang katutubo ng Pilipinas upang unti-unting makapasok sa pang-araw-araw na talasalitaan ng mga pangkaraniwang Pilipino ang mga salitang mula sa mga wikangkatutubo. Walang ibang dapat magpasimuno sa ganitong proseso kundi ang mga taal na tagapagsalita ng mga dayalekto gaya ng mga Bisaya, ayon kay Leoncio P. Deriada(1995).Sa pamamagitan ng pag-asimila sa mga katutubong salita, napalalakas ang wikang Filipino lalo na sa aspekto ng intelektwalisasyon at nasyonalisasyon. Dapat ipagpatuloy ang pagtataguyod sa leksikograpiya sa Filipino at mga dayalekto upang maging ganap ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan at para maisakatuparan din ang istandardisasyon ng wikang pambansa.Makabubuti ring pag-aralan at pakinisin pa ang panukalang-batas na inihain ni Kinatawan Magtanggol Gunigundo ng Lunsod ng Valenzuela na pinamagatang An Act Establishing a Multilingual Education and Literacy Program

(HB 3719). Waring akma ang panukala ni Gunigundo sa paninindigan ng KWF na isulong ang multilinggwalismo sa pamamagitan ng paggamit sa unang wika bilang pangunahing wikang panturo mula pre-school hanggang Grade VI. Sa antas sekundarya, Filipino at Ingles naman angipinapanukala ng KWF na maging pangunahing wika ng pagtuturo, habang magiging “pantulong na midyum o hiwalay na asignatura” naman ang unang wika at rehiyunal na lingua franca. Sa ilalim ng ganitong kalakaran, masusunod ang natural na batas sa pagkatuto ng ikalawang wika: alalaon baga’y kailangan munang patibayin ang unang wika na siyang magiging pundasyon ng lahat ng pagkatuto. Nilulutas ng ganitong kompromiso ang problema ng mga rehiyong di Tagalog sa sabay-sabay na paggamit ng dayalekto, Filipino at Ingles mula pa sa unang taon ng kanilang pag-aaral.

(6)

Mabibigyan ng sapat na panahong “magpakadalubhasa” sa unang wika ang mga estudyanteng mula sa mga rehiyong di Tagalog bago isabak sa edukasyong bilinggwal/multilinggwal. Makabuluhang ikampanya rin ang pagsasanib ng panukalang-batas ni Kinatawan Guinigundo at ng HB 1138 o Batas na Nagtatakda ng Filipino bilang Opisyal na Wika ng Pagtuturo sa mga Paaralan na akda naman ni Kinatawan Liza Maza ng Gabriela Party-list. Sa gayong paraan, kapwa mapalalakas ang wikang Filipino at mga dayalekto sa bansa habang hindi napapabayaan o naisasantabi ang wikang Ingles at iba pangwikang dayuhan.Sa pagsasanay naman ng mga guro ng/sa Filipino, na isa sa pinakamahahalagang komponent ng pagpapaunlad sa wikang pambansa, kapuri-puriang papel ng KWF at mga pambansang samahang pangwika na walang-sawa sa pagsasagawa ng mga rehiyunal at pambansang seminar, seminar-worksyap at mga forum sa layuning mapaghusay ang paraan ng pagtuturo ng/sa Filipino. Sa mga pambansang seminar-worksyap na nadaluhan ko ay may kinatawan ang halos bawat rehiyon ng Pilipinas. Malayo na talaga ang narating ng Filipino at lalo pang malayo ang mararating nito kung tuluy-tuloy nating panghahawakan ang mga nakamtang tagumpay at lalo pang magsusumikap ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng mga programang pabor sa Filipino. Makatutulong ang pagkakaloob ng mas maraming iskolarsyip sa mga gusting mag-major sa Filipino, gayundin sa mga nais kumuha ng master at doktorado sa wikangFilipino. Karaniwan, dehado ang mga major sa Filipino pagdating sa iskolarsyip dahilang prayoridad ay Agham, Matematika at Ingles. Kailangang tratuhing kapantay ng iba pang asignatura ang Filipino lalo na pagdating sa pondo ng iskolarsyip para sa mga magiging guro at sa mga gurong kumukuha ng pag-aaral sa antas gradwado. Para mapanatili ang multilinggwal na bentahe ng mga Pilipino, maaaring tularan ng iba pang paaralan ang eksperimental na offering ng Department of Linguistics ng U Png mga asignatura sa Cebuano. Katunayan, nahuhuli pa nga ang Pilipinas sa ganitong larangan sapagkat sa isang unibersidad sa Asya Pasipiko ay matagal nang nakatala angIlokano bilang isang asignaturang elective. Sa matamang pag-aaral ukol sa at pagsasakatuparan ng mga ganitong mungkahing hakbang, bukod pa sa mga umiiral na aktibidad,madaling maisasabalikat at magiging ganap ang pag-unlad ng wikang Filipino at mga dayalektona siyang magiging tulay sa pagtawid natin sa ganap na multilinggwalismong lagpas pa sa simpleng pag-aaral ng Ingles lamang.

(7)

[EXECUTIVE ORDER NO. 210] May 17, 2003

ESTABLISHING THE POLICY TO STRENGTHEN THE USE OF THE ENGLISH LANGUAGE AS A MEDIUM OF INSTRUCTION IN THE EDUCATIONAL SYSTEM

WHEREAS, Section 7, Article XIV of the 1987 Constitution provides that for purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English; WHEREAS, it is a declared policy of the State to promote education as a means to achieve and maintain an accelerating rate of economic development and social progress;

WHEREAS, there is a need to develop the aptitude, competence and proficiency of our students in the English language to maintain and improve their competitive edge in emerging and fast-growing local and international industries, particularly in the area of Information and Communications Technology [ICT];

WHEREAS, strengthening the use of the English language as a medium of instruction also depends on the improvement of the entire educational system, particularly in the training of educators and the provision of learning materials and resources;

WHEREAS, the Department of Education [DepEd], the Commission on Higher Education [CHED] and the Technical Education and Skills Development Authority [TESDA] fully support the policies sought to be established herein and have favorably endorsed the issuance of this Executive Order;

NOW, THEREFORE, I, GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby order:

SECTION 1. Declaration of Policies. - The following policies are hereby established: a. English shall be taught as a second language, starting with the First Grade.

b. As provided for in the 2002 Basic Education Curriculum, English shall be used as the medium of instruction for English, Mathematics and Science from at least the Third Grade level.

c. The English language shall be used as the primary medium of instruction in all public and private institutions of learning in the secondary level, including those established as laboratory and/or experimental schools, and non-formal and vocational or technical educational institutions. As the primary medium of instruction, the percentage of time allotment for learning areas conducted in the English language is expected to be not less than seventy percent (70%) of the total time allotment for all learning areas in the secondary level.

It is the objective of the foregoing policies to develop the aptitude, competence and proficiency of all students in the use of the English language to make them better prepared for the job opportunities emerging in the new, technology-driven sectors of the economy.

SECTION 2. Institutions of Higher Education. - Institutions of higher education, including State Colleges and Universities [SUCs], are hereby encouraged to adopt the use of the English language as the primary medium of instruction in the tertiary level. The CHED shall adopt measures to promote and encourage the use of the English language as the primary medium of instruction in the tertiary or higher education level.

(8)

SECTION 3. Proficiency of Teachers. - The DepEd, through the National Educators' Academy of the

Philippines [NEAP], the Educational Development Project Implementing Task Force [EDPITAF], the CHED, the TESDA, as well as through the educational institutions in the private sector, shall evaluate the proficiency of educators in the English language and conduct training programs nationwide to develop and improve it.

SECTION 4. Support Mechanisms. - The implementing authorities specified in Section 5 hereof shall

undertake to secure the funding support necessary to provide adequate learning materials and resources that will develop the aptitude, competence and proficiency of students in the English language. They shall also

collaborate in developing an evaluation instrument that will make it possible to monitor the progress of educators and students in achieving the policy objectives established herein.

SECTION 5. Implementing Authorities. - The DepEd and the TESDA are hereby directed to take active steps to ensure the implementation of this Executive Order and monitor compliance therewith in all public and private institutions of learning in the elementary and secondary levels, including those established as laboratory and/or experimental schools, and non-formal and vocational or technical educational institutions.

SECTION 6. Implementing Rules and Regulations. - The DepEd, the CHED and the TESDA are hereby authorized to issue the appropriate rules and regulations for the effective implementation of the policies established herein.

SECTION 7. Report to the President. - Within thirty (30) days from the issuance of this Executive Order, the DepEd, the CHED and the TESDA shall submit to the President a plan of action to effectively implement the provisions of this Executive Order.

SECTION 8. Use of the Filipino Language. - Pursuant to the Constitutionally-mandated policy of the Government to ensure and promote the evolution, development and further enrichment of Filipino as the

national language of the Philippines, the Filipino language /shall continue to be the medium of instruction in the learning areas of Filipino and Araling Panlipunan.

SECTION 9. Guarantee of Academic Freedom. - Nothing in this Executive Order shall be construed as limiting the academic freedom of institutions of higher education.

SECTION 10. Repealing Clause. - All executive issuances, rules and regulations or parts thereof which are inconsistent with this Executive Order are hereby repealed, amended or modified accordingly.

SECTION 11. Effectivity. - This Executive Order shall take effect immediately upon approval. City of Manila, MAY 17, 2003

(Sgd.) GLORIA MACAPAGAL-ARROYO By the President:

(Sgd.) ALBERTO G. ROMULO Executive Secretary

Referensi

Dokumen terkait

Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral sa unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing ay ang “pag-aaral at

Kaiba sa “bilinggwalismo” ng mga Pilipino na nakakiling sa Ingles, ang multilinggwalismo sa mga bansang nabanggit ay pangunahing nakasalig sa paggamit ng wikang

Layunin ng tesis na ito na alamin ang mga dahilan sa pagkaadik ng mga mag- aaral sa cellphone upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon o hakbangin ng kanilang mga magulang na

Susubukang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral sa kursong BS ETM at BS IT sa unang taon ng Mindanao University

Mailalarawan ito sa sumusunod na hanayan: Pangkalahatang Kasanayang Pangwika Katangian ng Wika Funsiyon ng Wika layunin o gamit ng wika Paglalarawan wikang nagagamit para ilarawan

SUBUKAN DIN ANG LCC, MOET, O RCMAS BILANG GABAY SA PAG-ABONO Alamin ang tamang dami, uri, at tyempo ng pagpapataba sa pamamagitan ng mga decision-tools na maaaring i-download sa

Mula sa mga balita na inilalabas ng pambansang network hanggang sa proseso ng produksiyon at interpretasyon na umiiral ay konsistent ang samahan sa pagtugon sa layunin at paninindigan

Maaaring sabihing nahahati sa dalawang agos ang mga artikulo sa isyung ito: ang unang tatlong artikulo ay paggalugad sa wika at kalinangang umuusbong sa lupa, katutubo at kaligiran ng