• Tidak ada hasil yang ditemukan

BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK AT PAMANAHONG PAPEL

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK AT PAMANAHONG PAPEL"

Copied!
49
0
0

Teks penuh

(1)

BATAYANG KAALAMAN SA

PANANALIKSIK

(2)

BATAYANG KAALAMAN SA

PANANALIKSIK

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Maraming manunulat at mga eksperto ang

nagbibigay ng ibat-ibang interpretasyon at

pagpapakahulugan sa pananalliksik.

Ayon kay AQUINO (1974)

Ang pananaliksik ay isang maingat at

sistematikong paghahanap ng kaukulang

impormasyon o datos sa tiyak na pasang

pagaaralan.

(3)

Ayon kay MANUEL at MEDEL (1976):

Ng nanaliksik ay isang prosesong paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang particular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan.

Ayon kay PAREL SANCHES (1980) ang pananaliksik bilang sistematikong

pagaaral o pagsisiyasat bilang sagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.

(4)

Ayon kina TREECE at TREECE (1977)

Ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng sulosyon sa mga suliranin. Ito ay tinipong mga

datos sa kontroladong sitwasyon para ssa

pagpapaliwanag at pagbibigay ng prediksyon.

Ayon kina ATIENZA at iba pa (1996) ng Unibersidad

ng pilipinas

Ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat,

sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o

pagaaral tungkol sa isang bagay , konsepto,kagawian, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

(5)

MGA KATANGIAN NG

PANANALIKSIK

(6)

Ang pananaliksik ay sistematiko

Ito’y sumusunod sa maayos at

makabuluhang proseso na nagbubunsod

sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon

sa suliranin o anuman na naglalatung

matuklasan ang bagay na hinahanapan

ng kasagutan.

(7)

Ang pananaliksik ay empirikal

Ipinapakita dito na kapag ang lahat ng

datos ay kumpleto na, ang mga

ebidensya ay handa na upang

mapatunayan o mapasinungalingan ang

binuong hipotesissa umpisa pa lamang

ng pagsisiyasat. Ang mga empirikal na

mga datos na ito ay magsisilbing

(8)

Ang pananaliksik ay pagsusuri

Itoy masusing pag-aaral sa mga datos

na kwantitatibo at kwalitatibo.

Sinasabing kwantitatibo kapag ang

pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng

mga bilang na ginagamit samantala ang

kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at

tiyak na pagbibigay ng kuro kuro o

interpretasyon.

(9)

Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa

mga dokumentong nakuha na magiging

batayan sa pagbibigay ng konklusyon.

Ang mga datos na sinusuri sa isang

pananaliksik ay karaniwang hango sa

talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at

iba pa. ang mga dokumentong ito ang

sinisiyasat ng mabuti upang mabigyan ng

interpretasyon.

(10)

Ang pananaliksik ay obhetibo,

walang kinikilingan at lohikal

 Ipinapakita sa pahayag na ito na ang

anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinion ng mananaliksik. Isa pa, ang mananaliksik ay

dapat walang pinapanigan o kinakampihan at dapat itala ang anuman ang magiging resulta ng pagaaral. Isang krimeng matatawag ang pagmamanipula sa resulta ng anumang

pagaaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging obhetibo.

(11)

Ang pananaliksik ay ginagamitan

ng Hipotesis

 Ayon kay GAY (1976)

Ang hipotesis ay pansamantala o

temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isaagawang pagaaral. Ipinakikilala ng hipotesis ang

kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pagaaral.

(12)

Makatutulong din ito sa pagbibigay ng

pormat sa presentasyon, pagsusuri at

interpretasyonng mga datos sa

ginagawang pagaaral. Ang ibang mga

thesis ay hindi na gumagamit ng mga

tanong sa simula ng kabanata at sa

halip, gumagamit ng kwantitatibo o

estadistikang pamamaran.

(13)

Tungkulin at responsibilidad

ng mananaliksik

(14)

Katangian ng isang mananaliksik

Ang isang mananaliksik ay masigasig

 napakaraming impormasyon na makukuha sa gagawing pananaliksik subalit kailangang

pagtiyagaan at pagsikapang makuha ang mga aklat , dyornal, magasin, tesis at disertasyon na

makatutulong sa paksang pagaaralan. Maliban dito, mahalaga at nakatutulong din ang ibat-ibang

institusyon , media at nga taong may kaalaman sa paksang pagaaralan. Kung hindi masigasig ang mananalisik sa paghahanap ng tamang

impormasyon, maaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.

(15)

Ang mananaliksik ay masinop

pagkatapos na makuha ang lahat ng

impormasyong kailangan sa gagawing pananaliksik, sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng

mgaimpormasyon. Pagingatan ang mga talang ito para hindi maaksaya ang panahon sa

muling paghahanap kung sakaling mawala ang mga dokumentong kailangan.

(16)

Ang mananaliksik ay masistema

Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat

kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa pananaliksik. May talatakdaan siya kung kalian ang pagkuha ng mga datos, pakikipanayam sa taong napili na

makapagbibigay ng impormasyon, pagsusuri ng mga datos, pagsulat ng unang burador ng sulating pananaliksik at iba pa. kung walang sistema ang pananaliksik, malabong matapos niya ito sa itinakdang panahon.

(17)

Ang mananaliksik ay maparaan

Kailangang marunong dumiskarte sa

sarili ang mananaliksik. Kung hindi niya

mahanap ang impormasyon. Kailangan

gumawa siya ng paraan para makita o

makuha ito. Sa bahaging ito makikita

ang pagiging maparaan ng isang

(18)

Ang mananaliksik ay magaling

magsiyasat

Ang mga impormasyong nakuha ay

tinitimbang na mabuti kung nararapat at

di-nararapat isama. Sinusuring mabuti

ang interpretasyon ng mga datos kung

itoy may kaugnayan o may kabuluhan sa

paksang pinagaaralan.

(19)

Ang pananaliksik ay may pananagutan

Ang mga awtoridad o eksperto at mga

manunulat na ginagamit sa pananaliksik ay dapat kinikilala. Mahalangang isulat ang

pangalan ng mga taong ito upang hindi

maparatangan ng pangongopya lamang ang isinulat ng ibang tao. Bukod ditto, responsable rin ang mananaliksik sa bawat datos na

kinukuha hanggang sa mabuo ang isinasagawang pagaaral.

(20)

Responsibilidad ng isang mananaliksik

 Huwag mangopya ng mga impormsyong gagamitin sa sulating pananaliksik. May batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng impormasyon na hindi kinakilala ang tunay na sumulat nito.

Tinatawag na PLAGIARISM ang tuwirang pangongopya ng ga impormasyon.

(21)

Ayon kay Atienza at iba pa, ang

plagiarism ay:

Tuwirang paggamait ng orihinal na

termino o salita na hindi

ginagamitan ng bantas na panipi at

hindi binabanggit ang

pinaghanguan;

Panghihiram ng mga ideya o

pangungusap at pinapalitan lamang

ang pagkakapahayag ngunit hindi

kinikilala ang pinaghanguan;

(22)

Pamumulot ng mga ideya mula sa ibat

ibang mananaliksik o manunulat at

pinagsasama sama lamang ang mga ito

subalit hindi itinala ang pinaghanguan

datos:

Pagsasalin ng mga termino na nasa

ibang wika na inangkin at hindi itinala na

salin ang mga ito; at

(23)

Pagnanakaw ng bahagi ng isang

disenyo, banghay, himig nang hindi

kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang

mananaliksik subalit inangkin na siya

ang naghagilap ng mga datos.

Humingi ng permiso o pahintulot sa

manunulat ng akdang gagamitin sa

pananaliksik. Isa itong pagkilala sa

awtoridad ng nasabing manunulat.

(24)

 Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon. Nagpapakita ito na kinikilala mo ang taong orihinal na

nagbigay ng gayong ideya.

 Gamawa ng bibliograpiyasa mga ginamit na sanggunian bilang nagpapatunay na may

(25)

 Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta gn isinagawang pag-aaral. Isang

malaking kamalian ang pandaraya sa resulta ng pananaliksik.

 Sundin ang prosesong inaprubahan ng

tagapayo sa paggawa ng pananaliksik. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang anumang pagtatangka na manipulahin at dayain ang isinagawang pag-aaral.

(26)
(27)

Kahulugan

Pamanahong Papel – isang uri ng

papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang

akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term

(28)

BAHAGI NG PAMANAHONG

PAPEL

(29)

MGA PAHINANG PRELIMINARI O

FRONT MATTERS

1. Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng

pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.

2. Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala

sa pamagat ng pamanahong

papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.

(30)

3. Dahong Pagpapatibay – ang tawag sa

pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

4. Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito

ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.

(31)

5. Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang

pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang

kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

6. Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala

ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

7. Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina

(32)

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

NITO

(33)

1. Ang Panimula o Introduksyon

ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

2. Layunin ng Pag-aaral

inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang

pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

(34)

3.

Kahalagahan ng Pag-aaral

inilalahad ang signifikans ng

pagsasagawa ng pananaliksik ng

paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito

kung sino ang makikinabang sa

nasabing pag-aaral.

4.

Saklaw at Limitasyon

tinutukoy ang simula at hangganan ng

pananaliksik

(35)

1. Definisyon ng mga Terminolohiya

ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan. Maaaring itong:

Operational na Kahulugan – kung paano ito ginamit sa pananaliksik

Conceptual na Kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

(36)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

AT LITERATURA

(37)

tinutukoy ang mga pag-aaral at mga

babasahin o literaturang kaugnay ng

paksa ng pananaliksik

tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng

huling sampung taon.

gumamit ng pag-aaral at literaturang

lokal at dayuhan.

(38)

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG

PANANALIKSIK

(39)

a. Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga

salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

b. Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.

(40)

c. Instrumento ng Pananaliksik – inilalarawan ang

paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung

paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

d. Tritment ng mga Datos – inilalarawan kung anong

istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga

numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga

(41)

KABANATA IV

PRESENTASYON AT

INTERPRETASYON NG MGA

DATOS

(42)

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga

datos na nakalap ng mananaliksik sa

pamamagitan ng tekstwal at tabular o

grafik na presentasyon. Sa teksto,

inilalahad ng mananaliksik ang kanyang

analisis o pagsusuri.

(43)

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON at

REKOMENDASYON

(44)

1. Lagom - Dito binubuod ang mga datos at

informasyong nakalap ng mananaliksik na

komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

2. Konklusyon - Ito ay mga inferenses,

abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad

batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.

3. Rekomendasyon - Ito ay ang mga

mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

(45)

MGA PANGHULING PAHINA

Ang Listahan ng Sanggunian ay isang

kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

 Ang Apendiks ay tinatawag ding

Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon,

transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

(46)

Paksa at Pamagat ng pananaliksik

Hanguan ng Paksa :

 Sarili – karanasan, nabasa, napakinggan,

napag-aralan at natutuhan

 Dyaryo at Magasin– napapanahong isyu, kolum,liham

sa editor,at iba pang seksyon ng dyaryo at magasin

 Radyo, TV at Cable TV– programang edukasyunal  Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro

 Internet

(47)

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng

Paksa

Kasapatan ng Datos– sapat na literatura

hinggil sa paksa

Limitasyon ng Panahon

Kakayahang Pinansyal

Kabuluhang Paksa

(48)

Paglilimita ng Paksa

 Panahon  Edad  Kasarian  Perspektib/ pananaw  Lugar

 Propesyon o Grupong kinabibilangan

 Anyo o uri

 Partikular na halimbawa o kaso

(49)

Pagdidisenyo ng Paksa

Ang pamagat ay kailangang maging malinaw

( hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy) at tiyak hindi masaklaw.

 May iminumungkahi ring bilang ng mga salita sa pamagat, hindi kasama ang mga salitang pangkayarian tulad ng

pantukoy,pananda at pang-ugnay. Hanggat maaari ang mga salita ay hindi kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu.

Referensi

Dokumen terkait

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan- Kalookan na kasalukuyang nag-aaral ngayong ikalawang semestre taong

Ang kabanata na ito ay dapat talakayin ang mga pamamaraan ng pananaliksik na magagamit para sa pag-aaral at kung ano ang naaangkop para dito upang gamitin bilang tugon para sa

Kung hindi ipinakulong ng unang lalaki ang kapwa niya alagad, ano kaya ang nangyari sa kanya.. Siya ay ipinakulong dahil di niya mababayaran ang milyung-milyong

• Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas noong mga unang panahon ng ating pagkabansa..  Mga Wikang lumaganap

Layunin ng Multilinggwalismo sa makatuwid ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o dialekto o wika ng tahanan bilang pangunahing wika ng pagkatuto

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng

LAYUNIN NG PAG-AARAL Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang pananaw ng mga tagasagot sa social-distancing na mga selebrasyon at pagdiriwang batay sa kaarawan, kapistahan,

Di nagtagal, sa tulong ng ECLIPSE ay natutunan ng mga bata ang mga kasanayan tulad ng pagsusuri sa kalagayan, pamumuno at pagpapalakas sa samahan, pakikiisa sa iba pang mga samahang