• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pamanahong Papel Homosekswalidad

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pamanahong Papel Homosekswalidad"

Copied!
15
0
0

Teks penuh

(1)

PAMANAHONG PAPEL: SAME-SEX RELATIONSHIP (Babae sa Babae)

Review of Related Literature !.Panimula

Ang ating lipunan ay nagbabago sa bawat oras na lumilipas. Ang dating mali ay nagiging tama na sa paningin ng mga tao, ang dating pinandidirian at kinasusuklaman ay ngayon tanggap na sa karamihan ng mga lipunan. Tulad na lamang ng

Relasyon Homosexual na dating nakikita bilang isang mortal na kasalanan ay ngayong tanggap na sa ibang mga lipunan dahil na rin sa epekto ng bukas at lumalagong isip ng mga tao ukol sa isyung ito.

Bago nating bigyang kahulugan ang Relasyong Homosexual o Same-sex relationship, alamin muna natin ang kahulugan ng Homosexual. Ano nga ba ang Homosexual? Ayon sa Collins Dictionary (2003), ang salitang Homosexual ay “a person who is sexually attracted to members of the same sex.” Ayon naman Merriam-Webster Dictionary(2012), “a homosexual person and especially a male.”

Samantalang sa pagkakahulugan ng International HIV & AIDS Charity, “The term 'homosexual' is not nowadays sex specific.” Ang salitang Homosexual daw ay unang ginamit ng mga Victorian Scientists na may palagay na ang atraksyong sekswal na namamagitan sa dalawang taong pareho ang kasarian at ang kanilang pag-uugali ay mga simtomas ng tinatawag na mental disorder o moral deficiency. Mula sa mga pagkakahulugan ng Homosexual, masasabi natin ang Relasyong Homosexual ay kinasasangkutan o binubuo ng dalawang taong may parehong kasarian, maaaring dalawang babae o lalaki. Ang mga lalaking Ang gay ay..ayon kay.. Sa opinyon naman ni..,ang salitang "gay".. Sa kabilang dako, Ang "lesbian" naman ay

pinangahulugang..ayon kay.. At ayon naman kay.... Masasabi nating ang relasyong homosexual ay maaring babae sa babae o lalali sa lalaki. Sa pamanahong papel na ito, mas binibigyang diin ang relasyong homosexual na binunubuo ng 2 babae.

II. Mga Kwento at Karanasan ng mga Prominenteng Lesbyana tungkol sa kanilang Same-Sex Relationship

A. Kwento at Karanasan ng Homosexual na relasyon ng isang prominenteng International Celebrity na si Ellen Degeneres

(2)

Si Ellen Degeneres,54 taong gulang, ay isang napakasikat na personalidad sa Amerika. Siya ay isang animal rights activist (Moland, 2011), komedyante at kilalang-kilala bilang magaling na talk show host kanyang palabas na Ellen™ dahil na rin sa angking galing sa pag-iinterbyu at pagbibigay-aliw sa mga tao. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na isang bukas na lesbyana si Ellen. Sa nasabing palabas niya rin inamin sa publiko na siya ay isang lesbyana noong 1997. Nagkaroon siya ng relasyon sa iba‟t ibang mga babae at ilan sa mga ito ay sina Anne Heche at Alexandra Hedison. Ang kasalukuyan niyang

karelasyon na si Portia De Rossi,39 taong gulang at isang aktress, ay kanyang nakilala noong Disyembre taong 2004 na siyang tunay na nagpatibok ng kanyang puso. Inalok ni Ellen si Portia ng kasal at binigyan ito ng 3-carat diamond ring. Noong tinanggal ng California ang pagbabawal sa pagpapakasal ng dalawang taong homosexual, agad silang nagpakasal sa harap ng 19 na taong malapit sa kanilang dalawa. Noong Ika-18 ng Agosto, 2008 sinasabing ang kanilang kasal ang isa sa mga “highest-profile gay marriage” pagkatapos maging legal ang ganitong uri ng unyon sa California.

Hanggang sa ngayon ay masaya pa rin silang dalawa. Kakalipat lamang nila sa isang mansyon sa Malibu na dating pag-aari ni Brad Pitt. Sinasabi ng marami na ito raw ay dahil gusto nila magkapamilya pero sabi ni Ellen sa isang interbyu ni Lizbeth Scordo ng Yahoo!-ABC News Network na bagama‟t mahilig sila sa mga bata, wala silang balak magkaroon ng sariling mga anak.

(3)

B. Kwento at Karanasan ng Homosexual na relasyon ng isang prominenteng Local Celebrity na si Aiza Seguerra

Si Aiza Seguerra ay kilalang kilala sa Pilipinas bilang isang Lesbyana. Kahit na ganito ang pagkakakilala sa kanya ngayon, nakilala siya noon bilang isa sa mga pinakamagaling na batang aktres ng kanyang panahon. Nawala siya sandali ngunit bumalik siya bilang isang mang-aawit.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Aiza Seguerra ay isang Tomasino. Siya ay

nakakuha ng kanyang degree sa College of Fine Arts and Design sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Noong Ika-18 ng Agosto,2007, inamin ni Aiza na siya ay isang lesbyana. Siya ay nasa isang mahabang relasyon ngayon kay Chen Sarte. Maraming ispekulasyon na silang dalawa ay nagpakasal na sa Amerika ngunit wala silang inaamin ukol dito. „Di tulad ng relasyon ni Ellen at Portia, ang pagsasama ni Aiza at Chen ay hindi masyadong bunyag sa publiko. Marahil, ito ay dahil isang katolikong bansa ang Pilipinas at hindi pa tayo masyadong bukas sa ganitong uri ng mga relasyon

III. Pananaw ng Ibang Tao sa Same-sex Relationship sa Pagitan ng Dalawang Babae

Masasabi natin na ang relasyon ay isang ugnayan sa pagitan ng dalawang tao o higit pa. Ngunit hindi lang sa dalawa o higit pang tao nagkakaroon ng ugnayan. Mayroon ding ugnayan ng tao sa kanyang paligid, sa mga halaman, sa mga hayop. Kadalasan, ang unang pumapasok sa ating isipan kapag narinig natin ang salitang relasyon ay uganayan ito ng dalawang tao, isang lalaki at isang babae. Ngunit, ano kaya ang

(4)

Ayon sa Merriam-Webster‟s dictionary, “heterosexism is a discrimination or prejudice by heterosexuals against homosexuals”. Ayon sa pag-aaral ni Kelley M. Hollander, na pinamagatang “Exploring Heterosexism through Relationship

Perception of Same and Other Sex Avatar Stimuli”, may mga tao na kapag nakakakita ng dalawang lalaking magkasama ay maiisipan agad ng mga nakakakita sa kanila na sila ay may relasyon na hihigit pa sa magkaibigan o sila ay may „romantic

relationship‟. Ito ay tinatawag na heterosexism. Sa kanyang pag-aaral,

ang heterosexism ay binigyang pagpapakahulugan ni Herek (2007) bilang: “...can be understood as a culturally ideology embodied in institutional practices that work to the disadvantage of sexual minority groups even in the absence of individual

prejudice or discrimination.”

Ayon din naman sa kanya, iba-iba ang pagtingin ng mga tao sa mga magkarelasyon na magkaparehas ang kasarian. May mga ibang tao na kapag

nakakakita sila, sila raw ay magkaibigan lang at wala ng hihigit pa doon. May iba rin na maiisipang sila ay roommate lang. Pero may mga tao rin na ang pagtingin nila tungkol ay isang pagkakasala sa simbahan. Ito‟y sa kadahilanang labag ito sa kalooban ng Diyos.

IV. Katangian ng mga Lesbyana kumpara sa normal na babae

Ayon sa Merriam-Webster‟s Dictionary, “lesbian is from the reputed homosexual band associated with Sappho of Lesbos; of or relating to homosexuality between females.”

Masasabi na ang mga lesbyana ay magkalapit ang katangian sa tunay na lalaki. Ang kanilang gupit o ayos ng buhok, pananamit, paglalakad ay halos magkasingparehas sa tunay na lalaki. Masasabi rin natin na kung ikukumpara sa normal na babae ay

pawang mas malalakas ang ,mga lesbyana, sila ay mas makisig, mas malakas ang loob at hindi masyadong sensitibo. Sa pananamit naman, ang mga lesbayana ay hindi

masyadong maarte kumpara sa normal na babae, gusto ng mga lesbyana ay simple lang.

Masasabi natin na magkalayo ang mga katangian ng lesbyana sa normal na babae. May mga lesbyana na parang lalaki na talaga, hindi mo na talaga mapapansin ang kanyang pagkababae.

V. Paosibilidad ng mga babae sa homosekswalidad at homosexual relationship Ang pagiging homosekswal ay hindi namamana o nakukuha sa genetics. Ayon sa pag-aaral ni Paul Cameron, Ph.D., may mga iba‟t ibang salik na nagdudulot sa isang babae na piliing maging isang homosekswal. Kabilang na dito ang mga sumusunod:

(5)

pagkakamulat sa maagang homosekswal na karanasan, pagkakaroon ng mga

kaibigang homosekswal, pagkakaroon ng hindi magandang relasyon sa ina o sa ama, at ang pagiging outcast sa lipunan. Ang pagiging homosekswal, marahil, ay bunga lamang ng kung paano sila pinakikisalamuhaan at tinatanggap ng lipunan. Dagdag pa rito, isa sa nakakapaghikayat sa mga babae na maging homosekswal ay pagkakaroon ng impluwensya ng mga nakatatandang homosekswal din.

Ayon naman sa pag-aaral ni Dr. Whitehead at ni Briar Whitehead:“There is much higher incidence of homosexuality among those who have been raised in large cities rather that in rural areas, arguing that the environment is much more powerful in the development of homosexuality”

VI. Pagkakaiba ng Homosexual Relationship sa Heterosexual Relationship Nabigyang katarungan ang mga sabi-sabi na mas masarap magmahal ang kapwa babae sa isang online forum ng “Mukamo Filipino Blog and Forum” tungkol sa pagkakaiba ng pagmamahal ng isang lalaki at ng isang babae.

Sabi ng isang partisipante sa forum na nagngangalang WickedGirl (2011), “Let's accept the fact na merong lalaki na pumapatol talaga sa gay pero straight guy sila. Bakit pumapatol ang straight na lalaki sa gay? 1.) Just for fun, 2.) Experiment. Parang babae din yan, may mga straight na babae na pumapatol sa tomboy dahil katwiran nila mas masarap magmahal ang tomboy kesa lalaki or di kaya just for fun and experiment.”

Sa opinyon naman ng isa pang partisipante sa forum na may pangalang Jonas (2011), “…kadalasan 'yung pumapatol sa gay at lesbian ay dahil sa security and comfort. Ang mga gays at lesbians are known to be good providers. They really give it their all. Hindi lang love and care but the whole package kapag nagmahal sila…” VII. Adbentahe at Disadbentahe ng Same-sex relationship

Iba-iba ang pananaw ng tao sa pakikipagrelasyon sa kapwa pareho ng kasarian. Sa isyung ito, agaw eksena ang mga pagtututol ng gobyerno at sari-saring opinion ng iba‟t-ibang relihiyon.

Mga Adbentahe ng Same-Sex Relationship Mga Disadbentahe ng Same-Same

(6)

1. Ang mga homosekswal ay mas konti ang anak o kaya‟y walang anak kung kaya‟t mas may lakas sila upang maging aktibo sa komunidad. 2. Ayon sa isang riserts, ang mga batang pinalalaki sa same sex na magulang ay mas mabuti ang kalagayan sa iba‟t- ibang aspeto tulad ng akademiko, sikolohiya at ugali. Halos parehas lang sa normal na magulang.

3. Mas ramdam ang pagkakapantay-pantay sa ganitong relasyon

4. Nababawasan ang domestic violence 5. Mas naiintindihan ng bawat isa ang nararamdaman dahil parehong sensitibo sa pakiramdam.

1. Ang pinakakilalang dahilan: Kasalanan ito sa Diyos (para sa mga Katoliko)

2. walang “pro-creation”

3. ang mga batang may magulang na same sex ay maaaring makaanas ng diskriminasyon at pang-aapi

4. pinahihina nito ang tradisyunal na katangian ng pamilya na mahalaga sa komunidad

5. maaaring malito ang mga batang may same sex na magulang tungkol sa kanilang kasarian 6. maaaring makaapekto sa mortality rate 7. kakaunti ang nakakaunawa at tumatanggap sa ganitong set-up

8. maaaring maging sanhi ito ng magastos at nakakamatay na mga sakit tulad ng AIDS

9. maaring ipagkait ang ilang mga economical at pulitikal na kagustuhan (ang di paglelegalize sa same sex marriage)

10. masyadong negatibo ang paningin ng nakararami lalo na sa ating bansa dahil hindi tayo gaanong bukas sa ganitong

pakikipagrelasyon

VII. Demograpiya ng Relasyong Homosexual sa iba’t ibang lugar

Sa parteng ito makikita and Demograpiya ng mga “lesbian” sa iba‟t ibang bansa. Ang Demograpiya ay ang estatistikal na pag-aaral ng populasyon ng tao. Ito ay maaaring malawak na agham at maaaring gamitin sa kahit anong uri ng dinamikong populasyon ng tao.

(7)

Napakahirap hanapin ng demograpiya ng mga taong iba ang oryentasyon. Ayon sa mga propesyonal na mga mananaliksik, ito ay dahil sa “nature of research

questions”. Mahirap din ang pagsukat ng kung gaano talaga karami ang tao na iba ang oryentasyon. Malaki rin ang kakulangan sa mga mapagkakatiwalaang datos.

Ayon sa aming pananaliksik, wala pang ganap na bilang ng mga lesbian sa Pilipinas. Ngunit ang ibang bansa tulad ng Australia, Brazil, United Kingdom at America ay meron ng mga datos ukol dito.

Nagkaroon ng isang survey sa Australia noong 2003. Ito ay isang interbyu sa telepono sa 19,307 katao na mula 16 hanggang 59 ang edad. Sa resulta ng survey, 0.8% lamang ang nagsabi na sila ay “lesbian”. Ngunit 15.1% sa mga babae ang nagsasabi na nagkakagusto sila sa kapwa babae at nagkikipagrelasyon dito. Noong 2006 naman, isang pag-aaral ang nakakalap ng impormasyon na 20% sa mga Australyano ay nagkakagusto sa kapareha nila ng kasarian.

Sa United Kingdom, isang “representative survey” noong 2010 ng 238,206 na Briton ang nakakuha ng impormasyon na 1% lamang ang gay o lesbian.

Noong 2009 sa Brazil, nagsagawa ang Unibersidad ng Sao Paulo sa 10 capital ng Brazil. Nakita dito na 4.9% ng mga babae ay lesbian. 1.8% naman ang nagsasabing sila ay bisexual. Sa kalahatan ay 6.3% .

Sa America, Noong 2008 ay nagsagawa ang CNN ng exit polling at nakita dito na 4% ng populasyon ng mga botante ang nagsasabing sila ay gay, lesbian o bisexual. Noon namang 2010, Ang national Survey of Sexual Health and Behavior ay nag-interbyu ng 6,000 na katao mula 14 hanggang 94. Nakita dito na 7% ng mga babae ay nagsasabing sila ay “lesbian”.

Rank

1

City

New York City – Northern New Jersey – Long Island, NY GLB

568,903

GLB% population

2.6% 1

2 Los Angeles – Long Beach, CA – Santa Ana, CA 442,211 2.7% 2

3 Chicago–Naperville–Joliet, IL 288,478 3.1% 3

4 San Francisco – Oakland – Fremont, CA 256,313 3.6% 4

5 Boston – Cambridge, MA – Quincy, MA 201,344 3.4% 5

6 Washington, D.C. 191,959 2.5% 6

7 Dallas – Fort Worth – Arlington, TX 183,718 3.5% 7

(8)

9 Atlanta – Marietta, GA – Sandy Springs, GA 180,168 4.3% 9

10 Philadelphia – Camden, NJ – Wilmington, DE 179,459 2.8% 10

(Dan Black, Gary Gates, Seth Sanders, Lowell Taylor (2000). "Demographics of the Gay and Lesbian Population in the United States: Evidence from Available

Systematic Data Sources")

IX. Kasaysayan ng Relasyong Homosexual

Ang pinakamaagang pagbanggit sa salitang lesbian ay sa Sinaunang Gresya. Isang Griyegong manunulang nangngangalang Sappho ay kilala sa pagsulat ng mga tula para sa mga babae at lalaki. Dalwang termino na nagre-refer sa homosekswalidad ng mga babae ay nagmula sa Sappho at Lesbos. Sapphic ay nagmula sa pangalang Sappho at Lesbian mula sa Lesbos, na pinagmulan ni Sappho.

A. Kasaysayan ng Lesbianismo sa Amerika

Noong 1636, nagmungkahi si John Cotton ng isang batas para sa Massachusetts Bay na nagsasabing ang pakikipagtalik sa kapwa babae o kapwa lalaki ay maging isang mabigat na kasalanan. Pero, noong 1649, sa Plymouth Colony, si Sarah White Norman at Mary Vincent Hammon ay inusig dahil sa “malaswang pag-uugali sa isa‟t isa sa kama”. Ang kanilang dokumento ang kaisa-isang record ng pakikipagtalik sa pagitan ng mga babaeng kolonistang Ingles sa Hilagang Amerika noong ika-17 siglo. Sinabihan lamang si Mary marahil dahil menor de edad pa lamang siya. Maaaring ito lamang ang kaisa-isang paghatol para sa lesbianism sa kasaysayan ng Amerika.

Noong ika-19 siglo, ang terminong “Boston Marriage” ay ginamit upang ilarawann ang isang tapat na relasyon sa pagitan ng dalawang dalagang kadalasang maykaya at nakatira sa iisang bahay. Ngunit, ang mga lesbian ay pinaghihinalaang may problema sa pag-iisip. Sila ay pinadala sa mga asilo para sa mga baliw at

kadalasang pinipilit mag-asawa. Habang nasa mga asilo sila, sila ay naaabuso ng mga doctor, sa paniniwalang ang pakikipagtalik sa mga lalaki ang makakapagpagaling sa kanila.

Ang mga unang nailathalang pag-aaral ng aktibidad ng mga lesbiana ay naisulat noong ika-19 siglo. Karamihan ay base sa mga obserbasyon at datos na nakalap mula sa mga nakulong na mga babae. Noong ika-20 siglo, ang Paris ang nagging kanlungan para sa mga lesbianang manunulat at namuhay sila ng bukas sa lipunan.

(9)

Karamihan ng mga literature noong 1930-1950 ay iniharap ang buhay lesbian bilang isang trahedya. Noong 1930, ang The Stone Wall, isang talambuhay, ay isa sa mga kauna-unahang otobayograpiya.

B. Lesbyanismo sa Ibang Lugar

Sa Sinaunang Gresya at Roma, ang homosekswalidad ay tinatangggap bilang normal. Sa Roma, may mga pampublikong paliguan para sa mga babaeng kahit na may-asawa na ay gusto pa ring magkaroon ng sekswal na kontak sa ibang mga babae. Sa paglaki ng Kristyanismo, ang pagtanggap sa mga homosekswal ay lumiit.

X. Kaugnayan ng mga sumusunod na salik sa Same-Sex Relationship A. Kaugnayan ng RELIHIYON sa Same-Sex Relationship

Mahalagang nabibigyan ng kaukulang pansin ang opinion ng publiko tungkol sa same sex relationship. Ito‟y sa kadahilanang kailangan natin malaman ang pananaw ng bawat isa tungkol dito. Mahalagang malaman natin angview ng bawat relihiyon sa usaping ito. Noong mga nakaraang taon, madalas na binabalewala ang lesbyanismo sa lipunan. Sinasabi na “political and morally incorrect” at hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng ugnayan.Subalit ngayon, may mga bansa na tila nag-iba ang pananaw sa usaping ito. Ayon kay David Field: “The ecclesiastical climate has changed, too.”

Noon, hindi kinakailangan ng ating lipunan ang ganitong uri ng diskusyon; kabilang na rin ang pagpapalimbag ng mga artikulo na tumatalakay sa homosexuality. Ito‟y sa paniniwalang ang moralidad nghomosexuality ay hindi na kinakailangang talakayin pa sapagkat ito ay tinuturing na hindi katanggap-tanggap sa nakararami. Iminungkahi ni David A.J. Richards: “Both homosexuality and religion are viewed as central to a person's identity; they are aspects that define who they are as a person in the fact that they would not be the same without it… Most frequently what we hear are forms of prejudice and discrimination masquerading as compelling state interests, but overall, religious or the secular grounds should not count as grounds of

abridgement.”

Sa mga Amerikano, pinahihintulutan nilang isa-buhay o ipagsawalang-bahala ang pananamplataya. Gayunpaman, ito ay isa sa kanilang karapatan kahit saang dako man itong tingnan. Sa ganito ring paraan nila tinitingnan ang sekswalidad. Para sa kanila, mapa- heterosexual o homosexual, ang pagharap sa realidad ng buhay ay kanilang karapatan sa kabila ng kanilang oryentasyon.

(10)

May kaugnayan nga ba talaga ang aghambuhay (biology) sa

pagiging lesbian ng isang tao? Ang mga ipapakitang pag-aaral at pananaliksik ay magbibigay ng pahapyaw na impormasyon kung ito man ay totoo at kung

nakakaapekto man ang biology o genes ng tao sa kanyang kasarian.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong 1993, mayroon ngang “homosexual gene” na tinatawag at naipapasa ng ina sa kanyang anak. Kung ang nanay ay

heterosexual, siya ay isang homosexual gene carrier na maipapasa niya sa kanyang anak na lalaki pagkapananganak nito Ngunit nang kanilang inulit ang riserts na ito sa mga lesbian, hindi ito naging matagumpay dahil ang parte ng isang chromosome na hinahanap nila na natagpuan nila sa mga lalaki ay wala sa mga babae.

Sa isang pagsusuri ang ginawa nina Dean Hamer at ng kanyang mga katrabaho sa National Cancer Institute sa Washington DC (1993), may mas mataas na

posibilidad na makapagmana ng parehong genetic sequence sa parte ng X

chromosome ang mga homosexual kaysa sa mga magkakapatid na heterosexual ngunit hindi pa rin nila nahahanap ang mismong gene na dahilan ng lahat ng ito. Sinubukan nilang hanapin ang gene na ito sa mga babaeng homosexual ngunit hindi sila naging matagumpay. Isa pang grupo ng mga mananaliksik ang sumubok na hanapin ang koneksyon ng biology sa sexual orientation ng tao ngunit ang kanilang resultang ay taliwas sa pag-aaral ni Hamer kung kaya‟t ang kanilang napansin ay hindi pa din alam kung sapat na nga ba ang mga genes para magkaroon ng epekto sa sexual orientation ng mga tao dahil sa pananaw ng marami, ito ay kanilang desisyon.

C. Kaugnayan ng KULTURA sa Same-Sex Relationship

Maraming usapin ang lumalaganap sa iba‟t ibang parte ng mundo patungkol sa kaugnayan ng kultura at ng same-sex relationship. May ilang kultura na hindi bukas sa konsepto ng paksang ito at may mga kultura din naman na maluwag na tinatanggap ang same-sex relationship. Sa katunayan ay pinapahalagahan at ikinararangal ito ng ilan.

Sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga pagbabago sa bawat kultura. Ang ilan sa mga ito ay pumapanig sa konseptong homosekswal at ang ilan naman ay

nananatiling „di sang-ayon. Ayon kay John Boswell:“In a large variety cultures, and in many historical epochs human individuals and human cultures have shared the idea that publicly recognized same-sex domestic relationships could be conceived in terms we would now describe as marital".

Ang kultura ay naiimppluwensyahan din ng relihiyon o pananampalataya. Nakakaapekto ito sa pagtakbo ng pag-iisip ng isang indibidwal base sa kanyang kalinangan o kinagisnan. Batay sa blogspot ni wildcoyote:“It's true that no culture is

(11)

homogeneous. That is to say, no culture is so entirely encompassing and complete that every single individual strictly adheres to it without difference of opinion, thought, or action.”

Mayroong mga tala ng homosexuality sa iba‟t ibang kultura at sa bawat paglipas ng panahon. Sinasabi na ang kultura ay isang aspeto na nakakaapekto sa pagkakasundo ng mga tao pagdating sa paksang “Homosexual Relationship”. XI. Sosyo-politikal na aspeto ng Same-sex Relationship

A. Pagtanggap ng lipunan sa Same-sex relationship o Social Acceptance Ang paksa na ito ay tungkol sa pagtanggap ng lipunan sa at mga batas na naisagawa base sa antas ng pagtanggap ng lipunan sa mga relasyong binubuo ng dalawang taong iisa ang kasarian, tulad ng lalaki sa lalaki at babae sa babae. Ang itatalakay sa pamanahong papel na ito ay may mas malalim na pokus sa relasyong babae sa babae. Sa paksa na isinaad, itatalakay ang iba‟t ibang aspeto at mga salik na nakakaapekto sa pagtanggap ng mga tao sa lipunan sa ganitong relasyon at kung ano ang mga bagay na maaaring makapigil sa patuloy na pagtanggap nito. Itatalakay rin ang mga iba‟t ibang isyung may kaugnayan sa, at pagmamaltrato o batikos na

natatanggap ng mga magkarelasyong lesbyana dahil sa kanilang piniling kasarian at relasyon na kasama sa mga batas na naisagawa upang protektahan ang mga lesbyana sa relasyon.

1. Pagganap ng mga tao sa isang Kasarian (Sex Roles)

Ang isang kasarian, pagkababae o pagkalalaki, ay may kanya-kanyang mga pagganap sa iba‟t ibang lipunan na tinatawag na Sex Roles.Ayon sa Mosby Medical Dictionary, ang Sex Role ay ang inaasahan ng lipunan tungkol sa pag-uugaling angkop o hindi naaangkop para sa bawat kasarian. Ayon naman sa isang taong kabilang sa ibang lipunan na may ibang nakasanayan Sex Roles ay may malaking pagkakaiba sa paraan ng kanyang pag-iisip, pag-uugali at pagkatao lalo na sa kanyang piniling kasarian. Ang hindi pagsunod sa nakasanayang Sex Roles sa lipunan ay

makaapekto sa pagtratong natatanggap mula sa mga tao. Sa mga bansang tulad ng Pilipinas, ang pagiging Homosexual o Lesbyana ay maituturin na isang paglabag sa karaniwang pagganap ng mga tao na nakatalaga sa partikular na kasarian (o Sex Roles). Kung kaya‟t ang pagtanggap at pagtingin ng mga tao sa mga Lesbyana ay ibang-iba sa mga ordinaryong babae.

(12)

Ayon sa Center for Advanced Research on Language Acquisition (CARLA) ng University of Minnesota, “Culture is defined as the shared patterns of behaviors and interactions, cognitive constructs, and affective understanding that are learned through a process of socialization. These shared patterns identify the members of a culture group while also distinguishing those of another group.” Kung kaya‟t ang kultura ay maituturing na isang aspeto sa lipunan na pinapahalaga ng mga taong kinabibilangan nito. Ang hindi pagkaaron ng paniniwala at pag-uugali na hindi karaniwan sa isang lipunan ay hind kinikilalang parte o miyembro nito. Ang epekto nito ay ang

panghusga, pagmaltrato, at pagkakabukod sa mga taong hindi sumusunod o hindi nabubuhay ayon sa pamantayang kultural ng karamihan sa Lipunan. Ang makita, makasalubong at makasalamuha ang isang Lesbyana ay karaniwan na lamang sa ibang mga lugar ito ay unti-unti nang nagiging parte ng kanilang kultura. Ngunit sa mga ibang lugar na may matatag ng kultura kahit sa paglipas ng panahon ay mahigpit na isinusunod at naniniwala sa tradsiyon at nakasanayang kultura. Kung kaya‟t hindi pa rin nila lubos na matanggap ang mga Lesbyana.

B. Mga Batas ukol sa Same-Sex Relationship

Ayon kina Karina Anthony at Talina Drabsch na gumawa ng Briefing Paper noong taong 2006 tungkol sa legal na pagkilala ng Same-sex relationship na makikita sa website ng Parliament of New South Wales, ang Netherlands ay ang pinakaunang bansang ginawang legal ang Same-sex marriage at ang pag-aampon ng

mga homosexual noong taong 2001. Ito ang naging hudyat ng pagbabago tungo sa pagkakapantay-pantay at pagkikilala sa mga lesbyana at bakla. Kaya naman ang ibang bansa ay sumunod sa pagpalalegal ng pagpapaksal ng mga homosexual:

Belgium(2003), Canada(2005), Spain (2005), Europe, New Zealand, the United Kingdom, United States of America, at Australia. Sa kabila ng dumaraming bansang ginawang legal ang Same-sex marriage, may mga ilang lugar o lipunan na patuloy na itinututol ang Same-Sex relationship/ marriagetulad ng Nigeria, Somalia, Sudan, Uganda, Malawi, Ghana, atbp.

Sa Canada, ang mga garantiya ng karapatang konstitusyonal ay naging mahalaga para sa mga pagbabago sa persepsyon sa Same-sex na magkarelasyon: „in several

important cases courts have held that legislation denying recognition to same-sex couples is unlawfully discriminatory or unconstitutional‟. Isinaad sa Canadian Charter of Rights and Freedoms na lahat ng tao ay pantay sa ilalim ng batas at may karapatan sa pantay na pangangalaga at benepisyo ng batas nang walang

diskriminasyon at, sa partikular, nang walang diskriminasyon batay sa lahi, pambansa o etnikong pinanggalingan, kulay, relihiyon, kasarian, edad o mental at pisikal na kapansanan.

(13)

Sa Australia, may mga batas na binago sa kasalukuyan mula sa mga batas na ginawa noon. Ilan sa mga ito ay: (1)Property (Relationships) Legislation Amendment Act 1999.Sa batas na ito, binago ang kahulugan ng isang de facto na relasyon upang hindi na maging mahigpit ang pagbibigay ng benepisyo sa heterosexual na

magkarelasyon lamang. Isinasaalang-alang din sa batas na ito ang mga iba't-ibang isyu ng pagiging magulang tulad ng kung sino ang maituturing na magulang ng isang bata, pati na rin bagay-bagay na may kinalaman sa Artificial Donor Inemination at pag-aampon. (2)Sex Discrimination Act 1864. Ayon sa Australian Human Rights Commission, sa batas na ito, binago ang mga pagpapabawal sa diskriminasyon base sa sex and marital status at sexual harassment, pati na rin sa mga responsibilidad sa pamilya upang mas maproteksyunan laban sa diskriminasyon ang mga homosexual na relasyon at ang mga taong sangkot sa relasyon ito.(3)Marriage Amendment Act 2004 (Cth). Ang Marriage Amendment Act 2004 ay naglapat ng kahulugan ng pagpapakasal sa dating Marriage Act 1961.

Ayon sa International Lesbian and Gay Association:

Sa Espanya, mula sa taong 2005, ang mga ikinasal na dalawang homosexual ay may pantay na karapatan at responsibilidad ng pagpapakasal kabilang na ang

karapatan nilang mag-ampon.

Sa United Kingdom, isinagawa ang batas ukol sa Unregistered

Cohabitation noong 2004. Dito, isinasaad na ang dalawang homosexual na nagsasama na ngunit hindi pa kasal ay kinikilala na at nakikinabang sa mga karapatan sa mga sitwasyon tulad ng aksidente and compensation, tenancy, immigration at kalusugang mental.

Sa New Zealand, isinagawa ang Civil Union Act noong 2004. Sa ika-4 na seksyon ng batas na to, isinasaad na ang dalawang tao, heterosexual man or

homosexual, ay maaaring maging sangkot sa isang sibil na unyon kung ang kanilang edad ay hindi bababa ng 16 taon ngunit ang mga 16-17 taong gulang na

magkarelasyon ay kailangang magkaroon na tinatawag na consent.

Ayon sa Human Rights Campaign „Statewide Marriage Laws‟ and „State Prohibitions on Marriage for Same-Sex Couple‟ (www.hrc.org) :

Sa United States of America, maaaring makakuha ng lisensyang pangkasal ang homosexual na magkarelasyon sa Massachusetts. Sinasabi rin dito na “there is currently no explicit prohibition of same-sex marriage in New Jersey, New Mexico, New York, Rhode Island and the District of Columbia.” Subalit However, 45 na estado na ang may konstitusyon o batas na nagbabawal ng pagpapakasal ng dalawang homosexual.

(14)
(15)

XIII. Bibliografiya

Molland,J.(2011, October 30). Ellen DeGeneres, Portia de Rossi To Open Vegan Restaurant. Care2 Make A Difference. Retrieved

from:

http://www.care2.com/causes/ellen-degeneres-portia-de-rossi-to-open-vegan-restaurant.html#ixzz1nyROo6aD.

http://www.fanpop.com/spots/ellen-degeneres/images/2119413/title/ellen-portia-photo

http://omg.yahoo.com/photos/celebrity-couples-pass-on-parenthood-1330647178-slideshow/ellen-degeneres-portia-de-rossi-photo-1330647072.html

Referensi

Dokumen terkait

Potensi keanekaragaman hayati di Taman Nasional Boganinani Wartabone yang sangat tinggi ini hanya akan menjadi sejarah bila tidak dilakukan upaya konservasi. Tujuan konservasi

Dalam pembelajaran khususnya matematika, siswa tunagrahita ringan sebaiknya diberikan penjelasan yang lebih khusus pada saat menggunakan suatu strategi atau cara

Karena dipicu penyakit/trauma berat, akan terjadi aktivasi pembekuan darah, terbentuk fibrin dan deposisi dalam pembuluh darah, sehingga menyebabkan

demam, sakit kepala, hidung tersumbat dan bersin-bersin yang disertai batuk.. bersin-bersin yang

Parameter yang dianalisa adalah deskripsi visual daging aam segar dan sesaat sebelum busuk dari foto, uji deskripsi organoleptik (warna dan aroma), uji kimia menggunakan reagensia

Kata Sambutan dari Sekretaris Dinas Kesehatan Simalungun Ibu Sarmauli Siadari Menyampaikan terimakasih Kepada Lintas Sector, Bapak Camat dan jajaranya di minilok triwulam , peran

Metode penyambungan dengan mechanical fastening merupakan metoda penyambungan material, khususnya logam secara mekanik dengan menggunakan baut atau paku keling

Oleh karena reaksi obat yang tidak diinginkan atau efek samping dapat diidentifikasi secara tidak tepat sebagai suatu alergi, penting untuk menanyakan pasien jenis reaksi