• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kaugnayan Ng Study Habits Ng Mga Ma

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Kaugnayan Ng Study Habits Ng Mga Ma"

Copied!
34
0
0

Teks penuh

(1)

KAUGNAYAN NG STUDY HABITS NG MGA MAG- AARAL SA IKALAWANG TAON NG EDUKASYON TUNGO SA AKADEMIKONG PERPORMANS SA

PAMANTASAN NG XAVIER, TAON 2010- 2011

Isang Pamanahong- Papel na iniharap sa Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng mga sining at Agham, Pamantassan ng Xavier

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 33, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ng

(2)

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong- papel na ito na pinamagatang Kaugnayan ng Study habits ng mga Mag- aaral sa Ikalawang Taon ng Edukasyon tungo sa Akademikong Perpormans sa Pamantasan ng Xavier ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Filipino 33- EDA na binubuo nina:

Connie Ryan V. Edpalina Via Rose Simonette P. Garces

Janille Mariz A. Garduque Nicole Barbra S. Seno

Ruth D. Aguirrre

Tinanggap sa Pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Pamantasan ng Xavier, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 33, Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Dulce Acaylar Propesor

(3)

PASASALAMAT

Taus pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong papel na ito:

 Kay Gng. Dulce Acaylar, ang aming mabait at masipag na guro sa Filipino 33 sa pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong papel sa pamamagitan ng pagturo ng tamang paggawa, mga tamang hakbangin sa pagsulat ng isang pamanahong papel at pagpayag sa amin na makapamahagi ng sarbey kwestyoner sa mga kapwa naming mag-aaral ng kursong edukasyon. At sa kaniya ring pagpayag sa pagbigay sa amin ng sapat na panahon para makapangalap ng mga datos at impormasyon para sa aming pamanahong papel.

 Sa mga awtor at mga mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng mga mahahalagang impormasyon gaming ginagamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel.

 Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng kanilang panahon at sa matapat na pagsagot sa aming inihandang kwestyoner.

 Sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at paghintulot sa amin na umuwi na hindi kinagawian matapos lamang ang pamanahong papel, at higit sa lahat,

 Sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalong lalo sa patuloy na pagmamahal at pagpapalakas ng aming loob sa bawat hamon ng buhay.

(4)

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1. Introduksyon

2. Layunin ng Pag- aaral 3. Kahalagahan ng Pag- aaral 4. Saklaw at Limitasyon

5. Depinisyon ng Terminolohiya

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag- aarl at Literatura Kabanata III, disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik 2. Mga respondent

3. Instrumentong Pampananaliksik 4. tritment ng mga Datos

Kabanata IV, Presentaston at Interpretasyon ng mga Datos Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Lagom 2. Kongklusyon 3. Rekomendasyon

(5)

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

A. Talahanayan 1. Tugon ng mga Respondente sa Time Management

B. Talahanayan 2 Tugon ng mga Repondente sa Learning Skills

C. Talahanayan 3 Tugon ng mga Respondent sa Study Environment

D. Talahanayan 4 Marka ng mga Respondente sa Una at Ikalawang Semestre

E. Grap 1 Scatter Plot ng iskor sa Time Management at QPI

F. Grap 2 Scatter Plot ng iskor sa Learning Skills at QPI

(6)

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Maraming mga estudyante ang kadalasang nahihirapan sa pagkuha ng mataas na marka, sa mga kadahilanang sila ay maaaring kabilang sa mga tinatawag nating slow learner, walang interes sa pag-aaral at walang study habits. Isa sa mga nabanggit ay ang dahilang walang study habits, sa opinion ng ilan halos lahat ng mga estudyante ngayon ay walang tamang study habits. Dahil dito, marami ang nalalagpak o di kaya naman ay nakakakuha ng maliliit na marka.

Nakakaalarma ang mga ganitong pangyayari sapagkat nagdudulot ito sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon. Kapag hindi ito naagapan ay maaaring masira ang imahe at reputasyon ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.

Ang study habits ay malaking paktor sa akademikong tagumpay ng mga estudyante maliban sa dunong at innate na kakayahan sa akemedikong perpormans nila. Ito ang

siyang nagpapatibay at nagdidisplina sa buhay eskwela ng isang estudyante. Kung gayon, pag wala nito ang mga mag-aaral, gaano man sila katalino, hindi nila makakayanan ang bigat ng tungkulin ng isang estudyante, na kinakailangan para matamo ang pinakamagandang akedemikong perpormans.

Ang hindi paglinang ng study habits sa mga mag-aaral ay lubhang nakakabahala sa pagtamo nila ng tamang edukasyon.. Gaano man kahusay magturo ang mga guro, gaano man kagusto ng mga magulang ng matuto ng maayos ang kanilang mga anak, at gaano man kaganda ang luyunin at mithiin ng mga paaralan at ng gobyerno para sa mga mag-aaral, kapag hindi nadebelop sa kanila ang tamang study habits, malaki ang tsansang hindi sila magiging matagumpay sa pag-aaral. Nangagahulugan ring hindi magiging matagumpay ang mga guro,

(7)

magulang, gobyerno at paaralan, sapagkat nakasalalay lahat sa mga estudyante ang kanilang katagumpayan.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kaugnayan ng study habits ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon, tungo sa kanilang akademikong perpormans at naglalayang matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang propayl ng mga respondent ayon sa; a.1 Time Management

a.2 Learning Skills a.3 Study Environment a.4 QPI

b. Mayroon bang direktang kaugnayan ang study habits sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa ikalawang taon?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay napakahalaga hindi lamang sa mga mag-aaral kung hindi pati na rin sa mga guro at sa mga namamahala ng institusyung ito. Ito ay magsisilbing payak na kaalaman na maaring magamit ng mga mag-aaral ng kursong edukasyon upang lalo pang mapaunlad at madebelop ang kanilang pamamaraan sa

(8)

pag-aaral. Gayundin sa mga guro at sa namamahala na mas lalo pang mapaunlad at mapagtibay ang pagtuturo at pagbibigay ng mataas na uri ng edukasyon sa pamantasang ito.

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng maiaambag nito hindi lamang sa mga estudyante ng kursong edukasyon kundi pati na rin sa ibang estudyante at sa mananaliksik na nais magkaroon ng mahahalagang impormasyon ukol sa nasabing pag-aaral.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa kaugnayan ng study habits ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng edukasyon tungo sa Akademikong Perpormans. Saklaw nito ang mga estudyante sa ikalawang taon ng kasalukuyang semester sa kursong edukasyon.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nasa ikalawang taon na kasalukuyang naka-enrol dito sa Pamantasan ng Xavier at mayroong prescribe study load para sa semester na ito.

Ang pananaliksik na ito ay para lamang sa loob ng Pamantasan ng Xavier at sa mag-aaral na kinabibilangan nito. Ito ay maaaring may maging epekto sa pangkalahatang pag-aaral at sa mga resulta nito. Datapwat, ang magiging resulta nito ay maaaring maging makatotohanan din sa iba pang pamantasan na mayroong kaparehas na pananaw, misyun, layunin at kurikula sa pag-aaral dito sa Pamantasan ng Xavier.

(9)

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Study Habits- salitang tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan ng pag-aaral ng mga alituntunin sa paaralan.

2. Time Management- tumutukoy sa abilidad ng pag-aaral na kung saan nagagamit ng wasto ang oras para lalong maging produktibo ang estudyante.

3. Study Skills- tumutukoy sa iba’t ibang abilidad para lalong mabasa ang kapasidad sa pag-aaral ng mga alituntunin sa paaralan.

4. Study Environment- tumutukoy sa lugar na kung saan komportable sa pag-aaral at magkakaroon ng kaugnayan sa istilo sa pag-aaral.

(10)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

TIME MANAGEMENT

Ayon kay Mark Gilly (2000), ang mga matagumpay na estudyante ay nababalanse ang sosyal na aktibidad sa mabuting study habits. Ang pagdadaybert mula sa pag-aaral ay nakakabawas ng istres at nakakaiwas sa pagkakapagod. Sabi niya, dapat sa isang estudyante na magkaroon ng break time ng isang oras pagkatapos ng pag-aaral para makisalamuha sa mga kaibigan: maglaro ng baraha, magwork-out sa gym o makipagkilala sa ibang tao. Sa ganitong paraan, ang estudyante ay nagkakaroon ng kosentrasyon sa pag-aaral pag may plano siyang sosyal na aktibidad pagkatapos. Dagdag ni Gilly ,“ Para madebelop ang isang magandang

sosyal na pamumuhay, dapat madebelop ang isang magandang malagiang study habits. Pagkatapos ng hapunan, dalhin ninyo ang inyong aklat sa silid aralan, humanap ng komportable at payapang lugar at mag-aral ng dalawa hanggang tatlong oras na may break na sampung minuto kada apat naput limang minuto”. Ang pakikipagkaibigan sa mga taong may

similar na study habits at pagsabay sa kanila sa silid aralan ay isa sa pinakamabuting paraan ng pagdebelop ng study habits, sabi ni Mark.

Ayon kay Jesslyn Reinecke (2007), ang kasanayan sa Time Management ay isang magandang predictor ng mabuting akademikong perpormans, at ito ay sinusuportahan ng mga pag-aaral. Nagpapakita sa isang pananaliksik na ang epektibong estratehiya sa time management ay nagpapataas ng akademikong perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dagdag pa rito, ayon sa isang pag-aaral na ginawa para malaman kung saan sa dalawa-

(11)

time management o paglilibang ang epektibo sa pagpapababa ng stress sa pag-aaral, ang time management ay mas mabisa sa pagpapababa ng stress kumpara sa paglilibang. Dahil dito, ang mga estudyante ay hinhikayat na dumalo sa mga seminar tungkol sa time management. Ang maayos na paggamit nito ay nakakatulong sa ibang aspeto ng akademikong pag-aaral: sa pagpaplano, sa paggawa ng mga requirements at sa araw-araw buhay estudyante.

Ayon sa Law of Proximity ng Gestalt psychology, ang mga porma ay nagugrupo ayon sa paraan ng kanilang pakakaespasyo, kung saan ang naglalapit na bagay ay mas madaling naigugrupo kaysa sa nalalayo (Tria, et. Al., 1998) Sa pagkatuto, ito ay sumasaklaw sa pagkakalapit ng mga bagay ayon sa espasyo o oras. Ito rin ay nagpapaliwanag kung bakit mas madaling natatandaan ang mga sariwang kaganapan at mas madaling sumali sa interes ng kasalukuyan. Sa aplikasyon ng proseso ng pagkatuto, ang kagyat at regular na study periods at paggawa ng mga requirements ay madalas na magresulta sa mas mahusay na pagganap kaysa sa naantala at mali-maling study periods. Ang Law of Exercise ni Thorndike ay sumusuporta sa prinsipyong ito. Ang mas madalas na paggamit ng isang modipikadong koneksyon sa pagitan ng isang sitwasyon at tugon ay nakakalakas ng koneksyon. Ngunit pag ang modipikadong koneksyon ay hindi gaanong ginagamit sa loob ng mahabang panahon, ang lakas ng koneksyon ay humihina. Kung kayat, ang regular na pagsanay at pag-ulit ng isang kaugalian ay humahantong sa habit formation.

LEARNING SKILLS

Ayon kay Darmayanti (1994), ang learning skills ay karaniwang ginagamit kaugnay sa akademik perpormans ng mga estudyante at isa rin ito sa mga itinuturing na perpektong indikaytor sa pagpredik ng tagumpay sa akademik sa tradisyunal na pamamaraan. Sa kasong ito

(12)

siya ay nakakita ng positibong relasyon sa dalawang baryabol: learning skills at akademik perpormans. Ayon sa mga kasalukuyan pag-aaral, dahil sa learning skills ang mga estudyante ay nakakuha ng mabuting resulta sa kanilang pangakademikong perpormans, pati narin sa kanilang tatahaking propesyon sa hinaharap (Hollenbeck, 1996; Stasz and Brewer, 1998; Hershey et.al., 1999)

Ayon sa pananaliksik ni Johnson (1998), ang learning skills ay tumutulong sa pagdebelop ng retensyon sa kanilang mga natutunan at sa akademikong perpormans. Isinuri niya ang epektibiti sa tinatawag na Five College Level Learning Skills na nakasentro sa pagpapabuti ng grado at retensyon. Ito ay nagpapakita ng kaugnayan ng learning skills sa akademikong perpormans.

STUDY HABITS AND SKILLS

Sina H. Hansen, Ph.D at Katharine Hansen, Ph.D. ay sumusuporta din sa positibong relasyon ng study skills at akademik perpormans sa kanilang pagsasamang gawa ng librong pinamagatang, The Complete Idiot’s Guide to Study Skills. Nasabi nila sa kanilang libro na ang study skills ay napakahalaga upang makamtan ang akemikong tagumpay para sa sinumang mag-aaral. Sinabi din nila ang ang study skills ay makakatulong sa mag-aaral na magtagumpay sa pag-aaral.

Sa pag-aaral nina Marcus Crede at Nathan R. Kuncel napag-alaman nila na mayroong kaugnayan ang akademik perpormans sa study skills. Sa panananaliksik nila sa Unibersidad ny Albanya nasabi nila ang study skills ay nagpapakita ng malakas na relasyon sa grade point average at bawat grado ng indibidwal. Sila rin ang nagsabi na ang academic specific anxiety ay importanteng negatibong prediktor ng perpormans. Dagdag rito, ipinakita nila ang signipikant na

(13)

baryasyon sa baliditi ng ispesipikong imbentaryo. Ang iskor ng tradisyunal na study habits at

attitude inventories ay ang pinakaprediktib sa lahat ng perpormans. Habang ang iskor sa mga

imbentaryo batay sa popular na depth of processing perspective ang pinakamahinang prediktor ng perpormans. Sa kabuuan, ang study habits and skill measures ay nagpapabuti ng prediksyon ng akademik perpormans kaysa sa ibang noncognitive individual difference variable na napag-aralan sa kasalukuyan, at dapat itong tanggapin bilang ikatlong haligi sa akademikong tagumpay.

Ayon sa Champion Study Skill Torturing, isang learning enhancement center sa Amerika, ang pag-aaral ay nakakaapekto ng akademik perpormans. Kahit na ang pinakamatalinong istudyante ay humihina sa akademiks kapag hindi maayos sa study habits. Ang center na ito ay nagdedebelop ng isang personalisadong programa sa study skills na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mag-aaral. Ang Programang ito ay base sa puspusang ebalwasyon na isinagawa upang malamang ang learning preference at abilities ng estudyante. Ito rin ay dinisenyo para matulungan ang mga istudyante na madebelop ang personal study habits. Ito ay sumusuporta na may positibong relasyon sa pagitan ng study skills at academic perpormans.

Sinabi ni M. Schwartz (1973), para makakuha ng magandang marka ang isang estudyante kailangang idebelop niya ang magandang study skills na sinusunod ang outline ng mga estratehiyang sa kaniyang ginwang libro. Iminungkahi ng kanyang libro na ang paggamit ng kanyang estratehiya ay nagpapabuti ng akemikong perpormans. Ayon sa awtor, ang tagumpay sa paaralan ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng mataas na IQ, ngunit kailangan lang ang apat na elementong ito: teknik, direksyon, gabay at study skills. Itinangi niya ang pag-aaral ay isang kasanayan kung kayat ang study skills ay dapat maidebelop ang pinakamataas na resulta sa akemik perpormans ng mga estudyante.

(14)

Sa libro ni Steve Piscitelli, Study Skills Do I Really Need This Stuff?, sinabi niya na ang epektibong study skills ang nagbibigay lakas sa estudyante na gawin ang kinakailangan upang maging mahusay sa pagganap ng kanilang course requirements. Sabi rin niya na ang study skills ay pinagbubuti ang akademik perpormans ng mga mag-aaral. Ito ay consistent sa napag-alaman ng pag-aaral na may positibong korelasyon sa pagitan ng study skills at akemik perpormans. Ang mga propesong sa mga maaangat na bansa ay nagsasabi na ang mga undergraduate na mag-aaral ay kailangang magkaroon ng mataas na lebel ng analytical skills, critical skills, self-reflection at conceptual grasp.Kailangan rin ang abilidad na matuto ng mag-isa at makapag-ehersiyo ng mahubuging kaisipan (Simmons, 2003). Ang study habits ay sinasabing bumubuti dahil sa pagsibol ng mga internet, hypertext at multimedia resources na lubhang nakakaapekto sa study habits (Liu, 2005). Ayon kay Karim at Hassan (2006), napagbubuti ng digital information ang persepsyon ng mga estudyante sa pag-aaral. Dagdag ni Liu (2005) at Ramirez (2003), na ang mga estudyante ay gumagamit ng printed materials mula sa Internet para makapag-aral. MGA KADAHILANAN NA MAKAKAAPEKTO SA AKADEMIKONG PERPORMANS

Lahat ng mga nirerebyung pananaliksik ay sinuportahan ng teorya na ang perpormans ng mga mag-aaral ay nakadepende sa iba’t ibang sosyo-ekonomiko, pangkaisipan/sikolohikal, at pangkapaligirang kadahilanan. Mga natuklasan batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik ay nakapukos sa perpormans ng mga mag-aaral na naapektuhan sa pamamagitan ng iba’t ibang kadahilanan gaya ng kakayahan sa pag-aaral(learning abilities) dahil sa bagong paradaym tungkol sa ipinapalagay na pag-aaral na lahat ng mga mag-aaral ay maaring at dapat may malaman sa mas mataas na antas pero dapat hindi itinuturing na limitasyon dahil may ibang kadahilanang tulad ng lahi, kasarian na maaaring makaapekto sa perpormans ng mga mag-aaral. Ilan sa mga mananaliksik ay sinubukang ipaliwanag ang link sa pamamagitan ng mga nakamit

(15)

ng mga mag-aaral, ekonomikong kalagayan, at mga panganib na maaaring mapag-iwanan na may positibong katibayan (Goldman, N., Haney W., and Kofflers, S.1988, Pallas, A., Natrielle, G., McDill E., Levin, H., 1986)

BA Chansarkar and A. N Mishaeloudis (2001), ipinaliwanag ang epekto ng edad , pagkamarapat na distansya ,mula sa lugar na pag-aaralan at iba pang sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang perpormans ng mga mag-aaral ayon sa module ay hindi apektado sa pamamagitan ng mga kadahilananng gaya ng edad, kasarian, lugar ng paninirahan ngunit may kaugnayan sa pagkamarapat ng dami ng asignatura. At iba pang natuklasan ay yong nakatira malapit sa paaralan o unibersidad.

Study Environment

Ang isang maayos na pasilidad ay sumusuporta at lubos na nakakatulong sa edukasyon. Inilalahad sa isang pananaliksik na ang malinis na hangin, maayos na pag-iilaw at isang tahimik at komportableng lugar ay importante para sa ikauunlad ng akademikong pg-aaral (Cash 1993, Earthman and Lemasters 1996, Lemasters 1997, Lackney 1999, Cotton 2001, Schneider 2002). Habang ang sosyo-ekonomik status ng mag-aaral at pakikilahok ng magulang ay ilan rin sa mga importanteng predictors ng akademik perpormans ng isang mag-aaral, ang kondisyon, adequacy at management ng school building ay kontrolado ng distrito ng paaralan – kung kaya’t ang pagsasaayos sa mga pasilidad ay nagbibigay ng oportunidad upang mapaghusayan ang akademik perpormans.

Sa mga akda ni Frank Pogue (2000), sinabi niya na ang study environment ay may positibong ugnayan sa akademik perpormans. Nakapagsagawa siya ng pananaliksik upang malaman kung bakit lumalagpak sa klase ang mga estudyante. Nalaman niya hingil sa sarbey

(16)

tungkol sa study habits, tatlumpung taon ng nakalipas, na lumalagpak ang mga mag-aaral dahil hindi sila marunong kung papaano ang wastong pag-aral. Inilalahad rin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na mesa’t upuan, pag-iilaw, temperature, bentilasyon at tahimik na kapaligiran. Kung sa gayon, dapat maialis ang internat at external na mga distraksyon. Pangalawa’y dapat ring makakuha ng komprehensibong oberbyu sa asaynment na pag-aaralan. Alamin ang mga skills, facts at ideas na inaasahang ma-master. Unahin ang pinakamahirap na

subject kung saan ang pag-iisip ay fresh at receptive.

Ayon sa BUGS (Bringing Up Girls in Science), isang programa para sa mga batang kababaihan at ng kanilang mga magulang sa Unibersidad ng North Texas, “ang home

environment ay isa sa maraming maimpluwensiyang factors sa akademik perpormans. Isa sa mga

kontrobersiyal na isyu ay ang epekto ng panonood ng telebisyon. “Ang ugnayan ng kognitib debelopment at panonood ng telebisyon ay isa sa mga lubos na napag-aralan. Hindi sumasang-ayon ang mga imbestigador dito” (Shin, 2004, para. 2). Hindi lamang ang amount at quality ng panonood ng telebisyon at family involvement ang nakakapag impluwensya sa akademik perpormans ng isang mag-aaral.

Ang epekto ng musika at isports ay isa ring napakahalagang isyu. Ang mga punong-guro ay interesado sa “ugnayan ng akademik perpormans at pakikilahok sa interscholastic sports sa paaralang elementarya,” kung saan isinasaad na ang isports ay nakakapekto talaga sa pag-aaral (Stephen & Schaben, 2002, para. 2). Lahat ng activities na ito’y nagpapahiwatig at nagpapakita ng kontng impluwensiya sa akdemik perpormans ngunit hindi matiyak o maitukoy ang isyu kung kapakipakinabang ba ito o hindi.

(17)

Ang pananaliksik na nailarawan ay isang deskriptib na pag-aaral dahil inoobserbahan nito ang kilos at galaw “kung saan ito ay naisasagawa ng natural, nakakapagsiyasat ng penomena at nakakapag-test ng hypotheses ukol sa behavior ng tao” (Brown, Cozby, Kee & Worden, 1999, p. 75).

(18)

KABANATA III

DISENSYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng study habits ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Edukasyon tungo sa akademikong perpormans sa Pamantasan ng Xavier.

2. Mga Respondente

Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa kursong edukasyon sa ikalawang taon sa kasalukuyang semester ng Pamantasan ng Xavier.

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-sarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang kaugnayan ng study habits sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa ikalawang taon.

4. Tritment ng mga Datos

Sa bawat baryabol sa ilalim ng study habits: time management, learning skills at study environment ay mayroong tig-lilimang aytem.Limang aytem para sa time management, limang aytem para sa learning skills at limang aytem para sa study environment, sa kabuuan mayroong

(19)

labinlimang bilang. Ang paraan ng pagpuntos ay mula sa isa hanggang apat; apat ang pinakamataas at ang isa bilang pinaka mababa na tugon.

Ang iskala ng mga sagot ayon sa baryabol ay: 1. Time management

Tugon Puntos Deskripsyon

Palagi 4 Mahusay

Minsan 3 Kasiya- siya

Bihira 2 Mabuti

Hindi 1 Di- kanais nais

2. Learning Skills

Tugon Puntos Deskripsyon

Palagi 4 Mahusay

Minsan 3 Kasiya- siya

Bihira 2 Mabuti

(20)

3. Study Environment

Tugon Puntos Deskripsyon

Palagi 4 Mahusay

Minsan 3 Kasiya- siya

Bihira 2 Mabuti

Hindi 1 Di- kanais nais

4. Ang kabuuang tugon mula sa time management hanggang study environment ay kinuha mula sa paggamit ng pormulang ito:

SH= Average TM + Average LS+ Average SE

3

5. Ang kabuuang iskala ng interpretasyon sa karaniwang tugon

Average Interpretasyon

3.25 – 4 Mahusay

2.50 – 3.24 Kasiya- siya

1.75 – 2.49 Mabuti

(21)

6. Akademikong Perpormans

QPI Letter Grade Description

4 A Pinaka-magaling 3.5 A- Magaling 3 B Mahusay 2.5 B- Mabuti 2 C Katamtaman 1 D Pumasa 0 F Bagsak

(22)

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ipinapakita ang mga resulta sa una at ikalawang katanungan mula sa layunin ng pag-aaral sa pamanahong papel na ito.

Unang katanungan: Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa: a. Time Management

b. Learning Skills c. Study Environment d. QPI

Time Management

Halos lahat ng mga mag-aaral ay gumagawa ako ng “to do” list sa pag-oorganisa ng gawain, nirerebyu ang mga tuntunin bago/pagkatapos ng klase, ginugugol ang bakanteng oras sa pag-aaral, natututo ng mabilis pag may iniobserbahan, pinapanood o tinitignan,

gumagawa ng outline para mas maiintindihan ang pinag-aaralan at mas madaling maintindihan at mamemorya ang leksyon pag naririnig ito.

Kategorya Prikwensiya Porsiyento

Mahusay 5 12.5

Kasiya-siya 23 57.5

Mabuti 12 30

Di kanais- nais 0 0

TOTAL 40 100

(23)

Learning Skills

Ang mga mag-aaral ay may kamalayan sa kanilang learning skills. Upang mas lalo nilang maintindihan ang isang bagay leksyon ay gumagawa sila ng outline, mas mabilis nilang

nakukuha ang kahulugan ng isang bagay kapag ito ay kanilang nakikita at naririnig. Alam nila kung saan sila mahina at malakas

Kategorya Prikwensiya Porsiyento

Mahusay 9 22.5

Kasiya-siya 28 70

Mabuti 3 7.5

Di kanis- nais 0 0

TOTAL 40 100

Talahanayan 2 Tugon ng mga Resondente sa Learning Skills

Study Environment

Ang mga mag-aaral ay kadalasang nag-aaral kung saan malinis at organisado ang lugar, nag-aaral sa sariling lugar kung saan ako komportable (sala, kwarto), nag-aaral kung saan tahimik, at nag-aaral ako malayo sa mga distraksyon. Karaniwan sa mga mag-aaral ay nag-aaral sa isang lugar na may sapat at maayos na bentilasyon, Nakakatulong sa pag-aaral ang mga graphic organizers (concept map, venn diagram), nag-aaral ng adbans, ginugugol sa aking bakanteng oras ang pag-aaral.

(24)

Kategorya Prikwensiya Porsiyento Mahusay 33 82.5 Kasiya-siya 6 15 Mabuti 1 2.5 Di kanis- nais 0 0 TOTAL 40 100

Talahanayan 3 Tugon ng mga Respondente sa Study environment

QPI

Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng karamihan sa QPI ng mga estudyante ay 2.72 at 2.68. Ito ay nagpapahayag na ang mga estudyante ay nakakuha ng mga markang kabilang sa kategoryang B- hanggang B. Sa kursong edukasyon, ang markang ito ay pasado dahil ang kinakailangang QPI sa kursong ito ay B- lamang upang pumasa. Ito din ay nagsasaad na ang majority sa mga respondente ay may pamantayan na QPI sa parehang semester.

QPI 1

st

semestre

QPI 2

nd

semestre

Mean

2.72 2.68

Median

2.75 2.7

Standard

Deviation

0.52 0.4

(25)

Ikalawang Katanungan:

Ang seksyon na ito ay nagpapakita ng komputasyon at analohiya kung mayroon bang direktang kaugnayan ang study habits(time management, learning skills, study environment) ng mga mag-aaral ng ikalawang taon sa kursong edukasyon.

Mayroon bang kaugnayan sa pagitan ng;

a. Time management

b. Learning Skills

c. Study Environment

Mayroon bang direktang kaugnayan ang study habits sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa ikalawang taon?

Time Management

Makikita sa grap 1 na ang tugon ng mga respondente ay umaayon mula sa pagitan ng 2- 3.5 at ang kanilang QPi ay mula sa 2- 4. Dito, maaari nating magawan ng konklusyon na ang dalawang baryabol ay may bahagyang positibong kaugnayan sa isa’y isa. Ibig sabihin ay kung ang isang mag-aaral ay may mabuti, kasiya- siya at mahusay na time management ay masasabi din nating ang kanyang akademikong perpormans ay maaaring nabibilang mula katamtaman hanggang pinakamagaling pagdating sa kanilang akademikong perpormans.

(26)

Ganito din ang naging resulta sa ginawang pag-aaral ni Jesslyn Reinecke (2007), ang kasanayan sa Time Management ay isang magandang predictor ng mabuting akademikong perpormans. Nagpapakita sa isang pananaliksik na ang epektibong estratehiya sa time management ay nagpapataas ng akademikong perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng kolehiyo.

Grap 1 Scatter Plot ng iskor sa Time management at QPI

Learning Skills

Ipinapakita sa grap 2 na ang distribusyon ng learning skills ng mga respondent at ang kanilang QPI. Ayon dito, mas marami ang may kasiya-siya hanggang mahusay (2.5- 3.5) na tugon sa kanilang learning skills na nagpapakita naman ng pagkakaroon nila ng mabuti hanggang pinakamagaling (2.5- 4) na QPI. Masasabi nating may bahagyang positibong kaugnayan ang learning skills at QPI ng mga respondente. Sa madaling salita, kung ang isang mag-aaral ay may kasiya-siya at mahusay na learning skills ay may maganda ring epekto kanyang pang-akademikong perpormans.

Ang resultang ito ay pinagpapatibay ng pag-aaral hi Darmayanti (1994), ayon sa kanya ang learning skills ay karaniwang ginagamit kaugnay sa akademik perpormans ng mga estudyante at isa rin

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 T I M E M A N A G E M E N T QPI

(27)

ito sa mga itinuturing na perpektong indikaytor sa pagpredik ng tagumpay sa akademik sa tradisyunal na pamamaraan. Sa kasong ito siya ay nakakita ng positibong relasyon sa dalawang baryabol: learning skills at akademik perpormans. Ayon din sa ibang pag-aaral na ginawa ng ibang mananaliksik, dahil sa learning skills ang mga estudyante ay nakakuha ng mabuting resulta sa kanilang pangakademikong perpormans, pati narin sa kanilang tatahaking propesyon sa hinaharap (Hollenbeck, 1996; Stasz and Brewer, 1998; Hershey et.al., 1999)

Grap 2 Scatter Plot ng iskor sa Learning Skills at QPI

Study Environment

Makikita sa grap 3 ang distribusyon ng dalawang baryabol. Ang mas pinakamaraming sagot ay sa pagitan ng 3.5- 4 na parehong nabibilang sa mahusay na kategorya. Habang ang sa QPI naman ay sa pagitan ng 2- 3.5 ,katamtaman hanggang magaling na kategorya. Sa pagitan ng dalawang baryabol ay masasabi nating bahagyang may positibong kaugnayan ang dalawang. Kung may mahusay na study environment ay mayroon ding magandang perpormans sa akademiko.

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 LEARNING SKILLS QPI

(28)

Grap 3 Scatter Plot ng iskor sa Study Environment at QPI

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay ginawa para maipakita na mayroong relasyon ang study sa akademikong perpormans ng mga estudyante sa Ikalawang taon ng kursong Edukasyon ng Pamantasan ng Xavier para sa taong 2009- 2010.

Nais masagot ng mga mananaliksik ang naturang mga katanungan:

Unang Tanong; Ano ang mga profile ng mga estudyante sa Ikalawang taon ng kursong Edukasyon ng Pamantasan ng Xavier para sa taong 2009- 2010 batay sa Time Management, Learning Skills, Study Environment at QPI. 0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 4.5 0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 E N V I R O N M E N T QPI

(29)

Pangalawang Tanong; Mayroon bang relasyon ang study habits (Time Management, Learning Skills, Study Environment) at akademikong perpormans batay sa QPI noong unang semester hanggang ikalawang semester.

Resulta

Ang datos o impormasyon ay klinasipika sa iba’t ibang talahanayan at ginrupo sa kaugnayan nila sa dalawang problema sa particular na pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng mga sumusunod na resulta:

1. Ang mga respondente ay mga mag-aaaral sa ikalawang lebel ng kursong Edukasyon ng pamantasan ng Xavier. Ang apat-napu’t respondente ay pinili nonrandomly.

2. Mahigit sa kalahati ng mga mag-aaral ay ini-rate ang kanilang time management mula mahusay hanggang kasiya-kasiya.

3. Sa learning skills, lahat ng mga respondente ay may sagot sa pagitan ng mabuti at mahusay. Wala sa kanila ang umangkin na mayroong di kanais nais learning skills.

4. Karamihan sa kanila ay may mahusay na study environment. Wala sa kanila ang umangkin na may di kanais nais na study environment.

5. Sa akademik perpormans, lahat ng mga respondente ay may mabuting perpormans sa SY 2009-2010.

6. May direktang relasyon sa pagitan ng time management skills at sa akademik perpormans o QPI.

(30)

8.. Ang study environment ay nagko-kontribyut sa akademik perpormans nga mga 2nd year na mag-aaral. Ang pagkakaroon ng magndang kapaligiran ay nagpapabuti ng pag-aaral at ito’y nagfdudulot ng maganda sa achievements ng mga estudyante. Kapag mas maganda ang kondisyon ng kapaligiran, mas malaki ang tsansa na tumaas ang QPi ng mga mag-aaral.

9. Base sa mga resulta at ng kanilang profile pangunahing suliranin, ang mga respondente, batay sa QPi, ay may mahusay na perpormans para sa SY 2009-2010. Inilalahad nito na may mga factors na nakakaimpluwensiya sa perpormans sa dalawang magkasunod na semestre. Batay sa resulta ng pananaliksik, ang time management, learning skills at study environment ay may bahagyang positibong ugnayan sa akademik perpormans kung saan nailalagom ng lahat ng baryabol hingil sa study habits ay nakakaapekto sa pangkalahatang perpormans ng mga mag-aaral sa 2nd year.

2. Kongklusyon

Base sa mga result na nakalap, ang mga kongklusyong ito ay naipormula:

1. Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mga respondente ay nag-iiba sa kanilang mga study habits, sa termino ng time management, learning skills at study environment , pati na rin ang akademik

perpormans. Dagdag rito, Ang mga estudyante ay hindi magkakatulad sa lebel o degree ng time management, learning skills, study environment at akademik perpormans.

2. Sa palagay ng mga mananaliksik na ang study habits ay mayroong direktang impluwensya a akademik perpormans.

3. Ang pagkakaroon ng time management, learning skills at study environment ng direktang relasyon sa akademik perpormans ay nagpapahiwatig na kapag ang estudyante ay pinagbutihan

(31)

pa ang apat na kategorya sa study habits siya ay maaaring bumuti sa kanyang akademik perpormans base sa kanyang nakuhang QPI sa binigay na panahon ng pag-aaral.

3. Rekomendasyon

Base sa mga resulta ng pananaliksik, ang mga sumsunod ay inirerekomenda:

1. Na ang adminstrasyon, lalo na ang mga subject area coordinators, ay magpormula ng ilang modipikasyon sa mga polisiya sa edukasyon, sa kurikulum at mga estratehiya para mapalakas ang study habits ng mga estudyante upang makayanan nila ang mga responsibilidad ng buhay kolehiyano.

2. Na maidebelop ang epektibong montoring system kung saan ang akademik perpormans ng mga second year ay nasusubaybayan at naiibalweyt ng mabuti kada semester upang malaman ang mga paktor na nagdudulot ng mababa o magandang perpormans ng mga estudyante. 3. Na gumawa ng remedial programs at self-awareness seminars/ workshops para sa mga second year na mga estudyante upang mapahalagahan nila ang mabuting study habits: time management, learning skills at study environment para mapabuti ang kanilang akademik perpormans.

4. Na ang mga guro ay magpatuloy na manghikayat sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral at sila ay makapagdebelop ng epektibong metodolohiya sa pagpapahusay ng akademikong perpormans.

(32)

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Batayang Internet

“The Prediction of Academic Achievement by The British Study Habits Iinventory”, Mark E. Thompson,2005: February 16, 2009 (http://www.springerlink.com/content/w3715h5884172656/)

Coman, Marcia S. How to Improve Your Study Skills, Illinois, USA: VGM Career Horizons, 1990

Morgan, Clifford T. and James Deese, How to Study, 2nd Ed., New York: McGraw Hill, 1973 Mirasol, G.C., Extent of Influence of Study Habits, Attitude and Peer Relationship on Students’ Academic Performance: St. Michael’s College, Secondary Level, Philippines: 2002

Reference Work

Educational Psychology 91/92 Annual Editions. 6th ed. Ed. Kathleen M. Cauley, et.al., Connecticut: The Dushkin Publishing Group, Inc., 1991

Hindi Nailathalang Batayan

Eun Chui Seo, “The Effect of Study Habits on the Academic Performance of the High School Students of Immanuel Mission School, Cagayan de Oro City, School Year 1198- 1999,” MA Thesis; Xavier University, Cagayan de Oro City, 1999

Guia Cerico Mirasol, “Extent of Influence of Study habits, Attitude and Peer Relationship on Students’ Academic Performance: St. Michael’s College, Secondary level,” MA Thesis, Xavier University, Cagayan de Oro City, 2002

Panal, Lucita P. “Correlates of Academic Performance of Secondary Freshmen Students of Xavier University, Cagayan de Oro City, 1991

Dela PeÑ a, Salvador C. III, “Factors Associated with Academic Performance of AB English

Freshmen of MSU- IIT: Proposal Language Instructional Program,” MA Thesis, Xavier University, Cagayan de Oro City, 1995

(33)

APENDIKS A Sarbey- kwestyoner sa

Sarbey hingil sa STUDY HABITS ng mga Mag-aaral

Pangalan (opsyonal): __________________ QPI (last year) 1st sem: __________ QPI 2nd sem____________

Direksyon: Lagyan ng tsek ang napiling sagot sa kung ano ang karaniwan mong

ginagawa, naiisip at nararamdaman sa mga nabasang pahayag. Walang tama at maling sagot. Nakakasiguro po kayong inyong mga sagot ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito.

A. Time Management Palagi Minsan Bihira Hindi

3-5 oras ang binibigay kong alokasyon para sa pag-aaral Nag-aaral ako ng adbans

Nirerebyu ko ang aking mga tuntunin bago/pagkatapos ng klase

Gumagawa ako ng “to do” list sa pag=oorganisa ng gawain

Ginugugol ko sa aking bakanteng oras ang pag-aaral

B. Learning Skills

Nakakapag-aral ako kahit may ibang ginagawa (laro, kain, atbp.)

Gumagawa ako ng outline para mas maiintindihan ang pinag-aaralan

Nakakatulong sa pag-aaral ang mga graphic organizers (concept map, venn diagram)

Mas madaling maintindihan at mamemorya ang leksyon pag naririnig ko ito

Natututo ako ng mabilis pag may iniobserbahan, pinapanood o tinitignan

C. Study Environment

Nag-aaral ako kung saan tahimik

Nag-aaral ako sa isang lugar na may sapat at maayos na bentilasyon

Nag-aaral ako kung saan malinis at organisado ang lugar

Nag-aaral ako sa sariling lugar kung saan ako komportable (sala, kwarto)

(34)

Referensi

Dokumen terkait

Keluarga berencana adalah salah satu usaha untuk mencapai kesejahteraan dengan jalan memberikan nasehat perkawinan, pengobatan kemandulan

Dengan menggunakan Samba, An- da dapat mengubah sebuah mesin Linux menjadi sebuah File server 83 Troubleshooting Jaringan Beberapa tips untuk mengatasi ma- salah

pertanyaan yang merupakan unsur dasarnya mempunyai kaitan yang erat satu sama lain. Reliabilitas diperlukan untuk mengetahui sejauh mana alat ukur dapat dipercaya

Perbedaan yang terjadi pada pertumbuhan pendapatan per kapita antara Jawa dengan luar Jawa menggunakan data migas lebih disebabkan oleh adanya perbedaan efisiensi

Jumlah angka yang harus di raih dalam satu set permainan bola voli adalah «« angka5.

(4) Hambatan dalam penerapan kurikulum yaitu perencanaan pembelajaran yang tidak tepat waktu, Guru dituntut harus kreatif dalam mengembangkan RKM dan RKH serta keterbatasan

- Guru memberikan kesempatan kepada siswa untuk bertanya tentang materi Guru memberikan kesempatan kepada siswa untuk bertanya tentang materi pembelajaran yang

Mesin frais adalah salahsatu mesin perkakas dapat digunakan untuk mengerjakan/suatu bentuk benda kerja dengan mempergunakan pisau frais sebagai alat potongya. Dan