PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION
Alam nyo ba na maaari pang tumubo ang pinaggapasang palay? Karaniwan 1
itong tinatawag na ratooning o sagibo.
2 3
Ang ratooning ay ang pagpapatubo ng bagong suwi o uhay sa mga 4
pinaggapasan. Sa ratooning, mas nakatitipid sa mga gastusin sa pagbubukid.
5
Ilan sa mga matitipid ay ang pamumunla, paghahanda ng lupa, pagtatanim, 6
pagpapatubig, at pagpapataba.
7 8
Babala nga lang ng mga eksperto sa PhilRice na siguraduhing magsasagawa 9
din ng ratooning ang mga kalapit-bukid upang maiwasang dumami ang peste 10
sa inyong palayan at hindi makasabay sa tamang panahon ng taniman.
11
Kailangan din na may mapagkukunan ng patubig sa pagsasagawa ng ratoon.
12 13
Pangkaraniwang ginagawa ng mga magsasaka ang ordinary ratooning 14
pagkatapos gapasin ang palayan at hinahayaang lumago ulit ang mga ito.
15
Pagkalipas ng 45 hanggang 60 araw, maaari nang anihin ang mga ito.
16 17
Meron din naman na lock lodge rice ratooning kung saan pinadadapa at 18
pinag-eekis ang mga pasyok matapos gapasin ang palay. Tutubo ang mga 19
bagong suwi at magkakauhay sa buko at puno ng bawat pasyok. Maaaring 20
gamitan ng makina o kamay lamang ang pagdadapa.
21 22
Sa kabilang banda, ang pagra-ratoon ay maaaring sa pamamagitan ng pag- 23
iwan ng 15 sentimetrong taas mula sa puno ng palay. Pagkatapos nito, 24
patutubigan ang palayan 3 hanggang 5 sentimetrong lalim. Magpatubig na 25
lang ulit kung kinakailangan mula pagsuwi hanggang 1-2 linggo bago mag- 26
ani. Magpataba ng 2 bag na Urea kung tag-araw at 1 bag kung tag-ulan sa 27
isang ektaryang bukid pagkatapos magpatubig.
28 29
Maaari nang mag-ani kung hinog na ang 80-85% ng palay. Maaaring makaani 30
ng 1 tonelado hanggang 3 tonelada kung tag-araw at 0.8 hanggang 2 31
tonelada kung tag-ulan.
32 33
Sa pagra-ratoon, kailangang malusog ang gagamiting barayti sa pangunahing 34
tanim o main crop. Panatalihing mamasa-masa ang lupa isa hanggang 35
dalawang linggo bago mag-ani ng main crop upang mapanatiling maberde 36
ang mga pasyok ng palay. Ang maberdeng puno ng palay ay maaaring 37
makapagdulot ng magandang tindig ng palay at mataas na ani.
38 39
Kung dagdag na pagkakakitaan o pangkain ang usapan, swak na swak ang 40
ratooning!
41 42
Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice text 43
center bilang 0920 911 1398.
44