• Tidak ada hasil yang ditemukan

Rosario

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Membagikan "Rosario"

Copied!
1
0
0

Teks penuh

(1)

36

Rosario

MELENCIO M. FERNANDO, JR.

Tok. Tok. Tok.

“Father, malapit na pong mag-alas-siyete ng umaga, magsisimula na pong magrosaryo,” sabi ng sakristan mayor.

Ngunit walang sumagot, sinubukan pa uli niya sa pangalawang pagkakataon.

Tok. Tok. Tok.

“Father, gising na po ba kayo?” Malapit na pong magsimula ang pagrorosaryo.

“Pucha! Tinanghali ako ng gising,” sabi sa sarili ng pari habang nakatitig kay Rosario na nakahiga at natutulog sa kanyang kama.

Sa ikatlong pagkakataon.

Tok. Tok. Tok.

“Father, unang araw po ngayon ng Oktubre para sa Banal na Rosaryo, hindi po ba naipaalala sa inyo ng inyong secretary na si Rosario?” sabi ng sakristan mayor.

“Gising na ako, oo, pinaalala niya kagabi pagkatapos ng misa,” sagot ng pari habang pinagmamasdan si Rosario na kagigising pa lamang.

“Sige po Father, bababa na po ako,” sabi ng sakristan mayor.

“Magbibihis na ako at susunod na ako sa iyo pababa,” sagot ng pari.

Napatahimik siya, nagkatitigan sila ni Rosario. Ngumiti sa isa’t isa.

Humalik muna ang pari kay Rosario bago bumaba ng kuwarto.

Nakangiti habang naglalakad pababa at napagtanto niyang hindi lang basta hinihimas ang Rosario.

Referensi

Dokumen terkait

ay nakauubos ng oras para sa pag-aaral, kung kaya’t naii-stress ako sa posibleng magkapatong-patong ng mga gawain sa paaralan dahil hindi ko pa ito masimulan.” —ito ang nangungunang

Implikasyon ng Pagtuturo at Pagkatuto sa Kalagayan ng Asignaturang Filipino Pagtuturo Pagkatuto Implikasyon Makasagot lamang sa tanong ay sapat na Nahihirapan sa pagkatuto Maluwag