BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAA AAAAG!
AFTER 10 MINUTES NA JOGGING
"CHRIS! CHRIS!" huminto siya sa pag-jogging. "Uwi na tayo, di ko na kaya." Namumutla na nga siya, "sige. Tara na." Hinawakan ko agad siya dahil mukhang tutumba na siya. Nako. Kasalanan ko kasi to e.
Dali-dali ko siyang dinala pauwi. Ang bilis nga nang pagkakatakbo ko nang dahil lang sa kanya.
Pagdating palang namin sa luob ng bahay, inihiga ko agad siya sa may sofa at tuloy-tuloy pa din ang pakikipag-usap ko sa kanya.
"Meg. MEG! NARIRINIG MO BA AKO!?!! MEEEG!" kinakabahan na ako. Ano ba itong babaeng ito. Kulang na kulang nga talaga sa tulog.
"Ui! Ui! ANONG NANGYAYARE!?!?!"
"nagtatanong ka pa! Edi namumutla itong kaibigan mo!" Umalis bigla si Ella at may kinuha sa loob ng ref.
Pagbalik ni Ella, tinanong ko siya, "ano yan?" "ipainom mo sa kanya to dali!"
Ipinainom ko muna sa kanya ang gamot at tinignan kung ano ang magiging epekto nang gamot kay Meg.
Mga ilang segundo lang, bumabagal na ang paghinga ni Meg, parang nagiging normal na ang paglabas ng hangin sa kanyang bibig at ilong. Nang kumalma na ang paghinga ni Meg, hinarap ko si Ella, "may sakit ba siya?"
"anemic kaya yan... Ikaw kase eh, ginising-gising mo ng maaga yan tuloy." "Ha? Ako pa ang may kasalanan ngayon..."
"eh kase kung hindi mo naman siya ginising nang maaga edi sana tulog pa yan hanggang ngayon. Tapos pinag-jogging mo pa. Papatayin mo ata yang kaibigan ko e."
"hindi a. Malay ko ba na may sakit siya na ganon." "Nagtatanong ka kase dapat..."
Pagtingin ko ulit kay Meg, natutulog na siya. Hinayaan ko na lang siyang matulog, kasi kasalanan ko pala kung bakit siya nagkaganito. Nakakagulat ang mga pangyayari ngayon. Pero atlis, dahan-dahan ko nang nakikilala si Meg. Mabuti na yung ganito kesa sagutin niya ako ng wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa kanya.
Meg's Point of view
Parang ang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? At anong oras na ba?
Tumayo ako at nagulat na lang ako at nasa sofa na naman ako.
Nakita ko agad si Chris na natutulog na nakaupo sa tabi ko. Aba, at sincere pala ang loko sa akin. Hindi kapani-paniwala ang mga ginagawa nitong taong ito. Nakooo.
doon.
"ooh? Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?"
"para akong may rayuma. Ang sakit ng laman-laman ko."
"nabigla ka na naman kase sa pag-ja-jogging. Panong jogging ba ang ginawa niyo?"
"ang bilis kasing mag-jogging ni Chris, siempre, hinahabol ko siya, ayun, napagod ako. Bumigay na ako."
"oo nga e. namumutla ka na nga kanina, para kang patay na..." "HOIST! Wag ka ngang magsalita nang ganyan."
Tumawa siya pero huminto din siya agad, "e ano bang balak mo jan ke Chris? Sasagutin mo ba yan o hinde? Mahirap mag-paasa nang tao Meg."
"di ko din alam Ella. Di ko din alam." "e ano bang usapan niyo niyan?"
"sabi niya, wag na daw akong bumalik nang pinas, pag-aaralin na lang daw niya ako dito."
"yun naman pala e. Edi yaan mo na. May magpapaaral naman pala sa iyo." "Pero hindi sa ganon Ella. Di ko kase alam kung ano ba talaga ang
nararamdaman niya talaga para sa akin, at saka isa pa, kakakilala pa lang nameng dalawa. Paano ako makakasigurado na simple lang yang taong yan diba?"
"bahala ka.. Ikaw na ang mag-desisyon niyan. ayoko nang makialam." "Ewan bahala na. Tignan nalang natin..."
R13 ***1***
Hay naku, siraulo talaga yung tao na yan. Akalain mong ibato sa akin yung ballpen niya? Mukhang metal pa
man din! Kapag ako nagkabukol nito, kasalanan niya. Pasalamat siya kahit teacher siya close kami.
"Ang sakit nun ah!" hinawakan ko naman yung noo ko.
"Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Ilang beses ko nang inexplain sa 'yo." sabi niya sa akin tapos pinulot
niya yung ballpen niya sa ilalim. "Naiintindihan ko." tumangotango
naman ako pero sa totoo lang, hindi ko talaga naintindihan, "Para Sports Curriculum lang naman! Ano namang mahirap intindihin dun?"
"O sige, ulitin mo nga yung sinabi ko?"
"Uhmmm, yung sports kagaya nung mga regular classes eh considered.. academic ng sports curriculum. Yung
ibang activities, extracurricular." "Yan yung shorter version." Narinig ko namang nagalarm
na. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko. "Akalain mo yun, nasave
ako ng alarm! Paano ba yan, alis na ko! Alam ko namang tanggap na ako doon sa sinalihan ko! Ayoko yatang malate!"
Tumakbo na ako palabas nun. Sumigaw pa siya ng pahabol.
"Sa susunod nga magsuot ka naman ng blouse! Hindi pa kita nakikita magsuot ng blouse!"
"Alis na ako!"
Nung nakalabas na ako ng Guidance Office, inayos ko naman yung sumbrero ko at nalalaglag na yung buhok
ko. Nagpunta lang ako doon sa Guidance para maintindihan ko yung terms. Isa pa, galing kasi ako sa Computer
Curriculum. Nagiba
yung interest ko kaya lumipat ako sa Sports.
Pagdating ko doon sa room na kung saan nila sinabi na doon daw magkitakita, naupo ako doon para
maghintay. Please lang sana nakuha ako.. please lang...
Tinignan ko yung relo ko. Anak ng tinapay! Sinabihan nila ako na sharp pumunta dito tapos sila yung wala!
Kakainis na mga yun.
Nagsisimula na akong mabwisit nun hanggang sa nakita kong may tatlong lalaki na naglalakad ng mabilis.
Yung dalawa doon eh namumukhaan ko dahil sila yung nagpatryout sa akin at sinabi nila na ok na ok daw ako.
Aba, mukhang malaking pagasa!
Yung isa naman na hindi ko kilala eh masyado namang seryoso at naupo doon sa table na nasa harapan ko.
Narinig ko yung pinaguusapan nila nung dumaan sila.
"Bro, sinasabi ko sa iyo itong Chris? Magaling!" sabi nung isa na katabi niya. Bumulong naman yung isa.
"Oo nga bro, kahit anong mangyari.. isipin mo.. yung Chris.. magaling!" nakioo naman yung isa.
Mukhang nairita yata yung isa kaya huminto, sa harapan ko pa.
"Kayong dalawa, bakit ba ang weird niyo kumilos ngayon? Kung ibrainwash niyo ako parang nakagawa kayo
ng kasalanan. Kung magaling yung Chris, e di magaling!" Teka.. parang kilala ko na yung pinaguusapan
nila. Nagbye
naman yung dalawang nagpatryout
sa akin at ang naiwan na lang doon sa loob eh ako at yung lalaking seryoso. Nagtingintingin
siya sa paligid niya tapos natigil siya sa akin.
"Excuse me, busy kami ngayon so mamaya na lang po kayo mangistorbo." Napataas yung kilay ko.
Tumayo naman ako sa harapan niya.
"Late na yung Chris na yun, kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"
Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to. "Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.
"Pinapuntapunta
niya ako dito ng 3 o' clock sharp tapos pinapaalis mo ako? Ang gulo talaga ng mga lalaki!" tumalikod ako para lumabas ng pinto.
Hinwakan naman niya ako sa braso ko.
"I'm sorry?" tinignan niya ako ng nagtataka, "Bakit ka naman namin papupuntahin dito?"
"Eh kasi po, yung mga kasamahan mo sinabi nila pumunta daw ako dito dahil pasok daw ako from tryouts
pero kailangan ka pa kausapin." "Tekateka,
isa lang yung nakapasok from tryouts. At ang pangalan eh Chris. You're not Chris." Ooh... parang alam ko na yung iniisip nito.
"Chris nga pala." inextend ko yung kamay ko pero hindi niya tinanggap. Pigilan niyo ko!! Tinalikuaran ba naman ako.
"A girl? Skateboarding? No way!" abaaba,
anong masama kung babae ka! "Kung hindi ko lang alam, nilagay
mo lang na Chris yung pangalan mo para makuha ka dahil alam mong hindi kami tatanggap ng babae."
Sasampalin ko 'to eh!
"Kasalanan ko ba kung Chris ang pangalan ko? Chrisandra Orellana nga pala.. Chris for short." nagiinit
talaga yung ulo ko.
"Nobody mentioned that.. you're a girl." "Napansin ko nga!!!"
Nanahimik kami parehas doon at walang nagsalita. Siya naman, nakatingin doon sa table niya. Naisipan din
naman niyang magsalita. Finally..
"Alam mo naman na mahirap tumanggap ng babae. Isa pa, skateboarding yun!"
"Ano namang problema kung babae ako?" hinigpitan ko lalo yung sumbrero ko. "Kaya ko naman eh."
"Iba kasi ang mga babae sa mga lalaki. Mas mabilis kayong magpanic." Yun lang?!? Gusto kong matawa sa kanya.
"Hindi kita pwedeng tanggapin." Napatayo ako ng mabilis.
"Hindi pwede yan! Magrereklamo ako sa Guidance! Sa Principal! Kahit kanino! Alam mo ba kung anong
ginagawa mo? Sexual discrimination! At bawal yan sa school rules, code 3, paragraph 4, line 2!"
"Okok!
Huwag mo nang sabihin sa akin yung history ng rules ng school! Fine.. you're in!" Nagtatatalon naman ako sa tuwa. Pasok na ako! I can't believe it.
May kinuha siyang papel doon sa drawer niya, nagsusulat ng kung anuano.
"Pirmahan mo na lang dito at ipapasa ko yan sa office." mukhang iritado pa rin siya. "Pwede ka na rin. Sabi
naman nila magaling ka saa isa pa..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.. "You look like one of us."
Pinirmahan ko naman yung papel na kung ano man yun. Saka naman nung natapos kami eh may nagingay
doon sa labas.
"Yes! yes! Thanks bro!"
"Huwag kayong lumapit sa akin at may atraso pa kayo!" Nagtawanan naman yung dalawa.
"Welcome sa team Chris." ngumiti naman ako.
"Ako nga pala si Slasher!" tapos pumorma naman sa harapan ko. "Codename ko." "Ako naman si Black Panther!" isa pa yun, pumorma din na akala mo naman totoo. "Ok naman pala ang codenames niyo eh!" tinapik ko yung isa sa balikat.
Tumayo naman yung kaninang kasigawan ko. Mukhang ito ang pinakamasungit sa kanilang lahat eh. Pumunta
siya doon sa pintuan pero hinabol siya ni Slasher daw. "At ito naman si Ash!" inakbayan naman niya.
"Aba.." naisipan ko namang purihin at baka bumait, "Maganda rin ang codename mo ha! Ash! Parang... kapag
may apoy.. at may sinunog ka.. 'di ba? Yung sa Digimon ba yun?"
"It's Pokemon not Digimon." tuluyan na siyang lumabas. "And it's not my codename... it's my real name."
Tinakpan ko na lang yun bibig ko.
"Sabi ko nga!" sumigaw na lang ako at sana lang eh narinig niya. Ngumiti na lang ako magisa
at nakita ako nung dalawang kanina pa nangungulit. Nung nandito silang tatlo, lahat sila mga lalaki. Sana maenjoy
ko ito. Syempre, bagong experience. Hindi naman ako magaling magskateboard eh. Naisipan ko lang. Sabi nila magaling daw ako.. ewan ko.
Pero syempre, bakit naman ako matatakot magtry ng panglalaki
'di ba? Sila lang ba yung mya kaya nun? At kung tutuusin, kayangkaya
kong pumorma at kumilos gaya nila. Katulad ngayon...
Nung tatlo silang kasama ko dito sa loob... parang hindi ako kakaiba. Isa pa, matagal ko naman nang naririnig
sa mga tao sa school na ito..
'Ahh.. si Chris ba? Sino namang magkakagusto dun?' 'Eh mas maangas pa yata sa akin yun eh!'
***2***
Lumabas na ako doon sa loob nung room at naglakad na rin. Tinignan ko yung papel na copy ko nung
pinapirmahan niya sa akin. Pagkabasa ko eh ito yung nakasulat sa handwriting niya. R13
Skateboarding Team Hmmm.. bakit kaya R13?
Kung sabagay at kung meron pa siguro silang ibang members na hindi ko nakikilala maliban doon sa tatlo, ewan ko na. Mukhang makukulit kasi sila eh.
Isa sa nagustuhan ko dito sa Sports Curriculum eh yung uniform. Jogging pants kasi ang regular. Syempre ako,
kumuha ako ng Large na Tshirt
at XL na pants. Gusto ko kasi malaki eh. Isa pa, yun naman yung nakasanayan ko.
Nung nasa Computer Curriculum ako, skirt at blouse naman yung regular uniform. Pero ako eh kumuha ng
pagkahabahabang
skirt na talagang aabot sa ankle ko, at hindi ako bumili ng blouse. Tshirt din na malaki
yung binili ko pero school related. Tapos naka rubber shoes ang madalas kong attire with sumbrero. Hindi ko
kasi maimagine na nakablouse
ako. Kaya nga sa Guidance kanina sinabihan ako na magblouse daw ako
paminsanminsan.
Hinanap ko na yung classroom ko. Malapit na din naman ng maguwian kaya ok lang kahit hindi na ako
pumasok. Nung nahanap ko na yung room number ko, tumingin muna ako sa bintana at mukhang ang ingayingay
nila sa loob. Yun pala eh mag nagsasayawan doon at palakpakan naman yung iba. Wala kasing teacher.
Nung lumapit ako ng kaunti... alam ko na kung sino. Kung hindi lang din naman si Shalyna Salinas, ang
pinakamaarte sa lahat ng pinakamaarte. Alam ko exaggerated na masyado, pero kahit kailan talaga hindi ko
siya magustuhan.
Kung sa movies at may nakikita kayong popular girls na mean, at sa totoong buhay eh hindi naman sa lahat ng
school eh may ganun, dito sa school namin eh meron at usonguso. Palibhasa kasi malakas siya sa principal ng
school.
Naghintuan naman silang magpalakpakan at parang alam ko na kung bakit. Nakatingin si Shalyna sa akin.
"Hindi ako makapaniwala na may isa pa pala akong fan na nasa labas? Bakit hindi niyo papasukin!" nagkukunwari lang naman siya nun pero nagtawanan yung iba. Paglabas niya eh tumingin siya sa
akin, "Ooh, I thought you're a guy! Oops, my bad! Malay ko ba na si Chris pala!" "Really? Ang labo na pala ng mata mo. Mag salamin ka kung may problema ka sa paningin. Ay hindi pala,
contacts na lang. You look like one of the geeks kapag salamin eh. So, why not try faking it?" dumaan ako at
nabangga ko yung isang balikat niya. Nagcheer
naman yung iba sa akin. Akala niya ha! Excuse me? Ako Shalyna?! In your face! Dumaan na ako dun at naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa bandang dulo at syempre,
nadaanan ko yung iba. "Hi Chris!"
Nakipagtapikan
lang din ako sa kanila gaya ng ginagawa ng mga lalaki. Panay pa ang sabi nila sa akin ng 'Bro
musta na?'..
Naupo ako doon sa dulong upuan at yung mga katabi eh malalayo so magisa lang ako doon. Nagchewing
gum
pa nga ako eh. Tapos dumating yung isang teacher. Dahil ako lang yung nakasumbrero, napansin ako kaagad.
"I can see na may bago pala tayong makakasama.." "Yeah, a bubblehead freak!"
Hindi ko na pinasin si Shalyna nun. May teacher kasi kaya hindi na muna ako papatol. "Mr... I mean Miss.. uhmm.. pwede tumayo ka dito at magpakilala ka?" see? Pati teacher nagkakamali sa akin
sa unang tingin.
Kapag hindi mo kasi ako kilala at isang beses mo lang akong tinignan, siguro nga lalaki ang tingin mo. Pero
kapag ilang beses mo akong titignan, mapapansin mo na babae pala ako. Even in the inside.
Pumunta ako doon sa harapan, nagchewing gum pa rin.. tapos nagsalita. "Chris Orellana." yun lang yung sinabi ko tapos umalis na ako sa harapan. Nagulat yata sila sa akin dahil ang ikli nung sinabi ko. Ano bang pakialam nila? Tapos nanghina na lang yung tuhod ko nung may bumati sa akin sa pagbalik ko sa upuan.
" 'Zup Chris! Welcome sa Sports Curriculum!" it's Chester.
Siguro nga kakaiba pero tuwing nakikita ko yan, lagi akong pumapalpak. Kung hindi matatapon yung iniinom
ko, mauuntog, o kaya naman...
"Hey.. ok ka lang?" inalalayan niya akong tumayo dahil nadapa ako. Sinasabi ko na nga ba papalpak na naman
ako eh.
"Ok lang pare!"
Tinawanan na naman ako. Akala ko dala lang nung pagkakadapa ko ng nanghihina kong tuhod, nakita ko si
Shalyna. Nakataas yung kilay niya sa akin, at yung paa niya eh nasa daan. Away ito!
Tinuloy ko na lang yung pagbalik ko at hinintay ko yung uwian. Kaya nga nung nagalarm
kahit na nagsasalita
pa yung teacher eh wala na kaming pakialam lahat at lumabas na kami. Si Shalyna naman, inabangan pa talaga
ako sa labas.
"You don't belong here! Look at you! Doon ka dapat sa geek people curriculum?!?" with matching swing pa
siya ng hair niya.
May umakbay naman sa balikat ko at hinigpitan pa kaya napalapit ako sa kanya ng deoras.
Tumama pa nga
yung sumbrero ko kaya nagpanic ako at baka mahulog.
Pagtingin ko, yung lalaki pala kanina.
"Shalyna, that's so rude! She's on my team. So if you wanna' mess up with her, you should mess up with me."
"How pathetic Ash! Magsama pa kayo!" tapos tinalikuran niya kami parehas at sumama na doon sa barkada
niya.
Nakatayo lang kami parehas ni Ash dun at hindi kami nagsasalita habang pinapanood namin na makalayo si
Shalyna.
Tapos naisipan ko rin magsalita...
"I hate her." nagtinginan kaming dalawa. ***3***
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya dahil nagkatitigan kami. Siya rin naman eh napansin niya yun kaya iniba na
lang niya yung usapan.
"Ash Jerell Valdez," sabi niya tapos nagsimula na rin siyang maglakad nung naglakad ako, "Hindi pa pala ako
nakakapagpakilala kanina..."
"Oo nga eh. Lumabas ka na lang bigla." tapos naisip ko naman yung form na binigay niya kanina, "So, ikaw ba
Skateboarding Team?"
Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Rwhat?!?"
Napaatras naman ako dahil humarap siya sa akin.
"13? Hindi ba yun yung pangalan ng Skateboarding Team niyo?" Umiling naman siya tapos medyo ngumiti.
"It's RB. Not R13."
"Ooh," hinanap ko sa bag ko yung papel at tinignan ko, R13 talaga yung nakasulat, "See? R13?"
Nakitingin din naman siya pero hindi niya kinuha yung papel sa akin. "That's B, not 13."
Kaya pala napagkamalan kong 13 yung B eh magkahiwalay kasi yung pagkakasulat niya. Parang 1, tapos 3.
Magkadugtong pala yun. Hindi kasi ganun kagaling ang penmanship eh. Pero yung pirma naman niya sa baba
ang cute.
"Si Miss Lansangan kasi hindi masyadong ayusin yung pagsulat..." sabi ko nga yung teacher ang nagsulat nun
at hindi siya!
Tumango na lang ako nun.
"Hindi pa kita nakikitang magskateboard..."
mahinahon pa yung pagkakasabi niya pero nagulat na lang ako
nung hawakan ako sa dalawang balikat ko ng mahigpit, "Magaling ka ba talaga?" "Hey..easy lang bro!" tapos inalis ko yung kamay niya sa akin, "Nakakagawa ako ng bagaybagay
sa
skateboard. Yun nga lang, hindi ko alam ang tawag doon."
"Ok, siguraduhin mo lang. Dalhin mo yung skateboard mo bukas at titignan ko yung gagawin mo.. tapos
susubukan kitang itrain ng tama. Sige, una na ko." Hindi man lang nagbye
sa akin basta umalis na lang! Mahilig talaga siya sa maagang pagalis.
Dahil wala na akong gagawin sa school, nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay namin. Magaan naman
yung bag ko kaya hindi naman ako nahirapan at hindi rin naman sumakit yung likod ko.