• Tidak ada hasil yang ditemukan

Forevermore

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Forevermore"

Copied!
226
0
0

Teks penuh

(1)

Chapter 1 . .. ... .... ... ...

Ako si Christopher Ang, Chris na lang for short. Mahilig akong mag-picturepicture. Mahilig din ako gumawa nang mga kung anu-ano. 22 years old, nagaaral

nang photography. Intsik ang parents ko. Ang nanay ko, half-chinese half Filipina.

Ang plano ko sa buhay ko eh ang makatapos sa pag-aaral ng photography at lumipad papunta sa China. Marami akong pangarap sa buhay. Pero ang pinaka-priority doon eh ang makalipad at doon na manirahan sa China. "Chris!" sabe nang kaibigan kong si Andrew. Siya ang kasa-kasama ko sa kahit saan. Kahit saan ako pumunta, nakasunod siya. Ewan ko lang kung makasunod pa siya sa China.

"O?!"

"Nagawa mo ba yung pinapagawa ni sir? Di ko kasi magawa eh." "Oo."

"Pucha! Paano ba yun? Turuan mo naman ako." "Di ka kasi nakikinig kay sir."

"Eh nakaka-antok eh. Ikaw kasi, masipag ka. Eh ako, tamad!" sabay tawa naman siya. Kahit kailan, 'tong taong 'toh tamad talaga. " Sige na, turuan mo na ako."

Dahil sa pangungulit niya sa akin, tinuruan ko siya kung paano kuhanan ang isang bagay na gumagalaw na hindi blurred. Madali naman turuan tong taong toh eh. Yun nga lang tamad talaga. Nuk-nukan ng tamad!

Tapos na ang klase, nag-aya na kumaen si Andrew. "ayoko. Busog pa ako."

"busog. Kaya di ka tumataba eh. Ano bang gagawin mo?"

"eh kailangan ko pang kumuha nang maraming-maraming picture." "saan?"

"eh wala lang. just incase diba?"

"alam mo. Ikaw, wala ka nang inisip kung hindi yang career mo."

"eh siyempre. Bakit ba ako nag-aaral nitong photography kung di ko din naman kaka-ririn diba?"

"ewan ko sayo. Sige. Mauna na ako."

Ito ang pinaka ayaw sa akin ni Andrew. Ang masyadong suksok sa career na gusto ko. Basta kapag na-adik ako sa isang bagay, talagang go lang ako ng go. Wala akong pakialam kung nalilipasan na ako ng gutom. Basta magawa ko lang ang gusto ko, dedma ka na sa akin.

MAKALIPAS ANG 6 MONTHS

"Chris, ano nang balak mo ngayong magtatapos na tayo dito?" "lilipad na ako ng China"

"haaaaaaaa?!" gulat na sabi ni Andrew. "baket!? eh paano na ako!?" "Andrew naman. Kailangan ba talaga naka-sunod ka pa din sa akin!?"

"eh wala lang. Nasanay na kasi ako na magkasama tayo eh. Saka. Bakit don pa? Ang layo naman."

(2)

"may future ka? Eh di ka nga marunong magsalita nang intsik. Utot nito." Napaisip ako doon. Oo nga noh? Naturingang intsik ako, di ako marunong magsalita.

"eh baket? Hindi ba ako pwedeng matuto non?" "nako pare! Mahihirapan ka lang don."

"bahala na. Andon naman mga tiyahin ko. Magpapaturo na lang ako sa kanila."

"ikaw bahala. Basta. Sumulat ka ah?" sabay tawa ang loko.

Nagpa-book na ako papuntang China. Di na ako napigilan ng nanay ko. Ilang araw na lang aalis na ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Di ko alam kung matutuwa ba ako, or malulungkot. Mixed emotions talaga.

After 5 days, inihatid na ako nang nanay ko sa airport. Iyak siya nang iyak at mukhang ayaw pa niya akong bitawan. Pero in the end, naka-get over din siya. Naiiyak na din ako kaso, kailangan ko itong gawin. Ito ang pangarap ko eh. Totoo na talaga toh.

Pagsakay ko nang eroplano. Napangiti ako. Sabi ko sa sarili ko, ito na. Di na ako nakapag-paalam kay Andrew.. Basta sinabihan ko na lang siya kagabe na ngayon ang flight ko. Di naman siya pumunta sa bahay para makita ako. Pero buti na din yun, atlis, di na ako maiiyak pa. Kahit papano mami-miss ko din yung mokong na yun eh. Pero it's too late na. Andito na ako nakasakay na ako sa eroplano.

Mga ilang hours din ang nakalipas, pagtingin ko sa bintana, nag-ye-yelo na. Nasa China na ako talaga. Ito na yun. Wala nang balikan toh. Ito na talaga ang pinapangarap ko.

Naglanding na ang eroplano. At lahat na nang tao eh nagsitayuan na. Tumayo na din ako at sinundan sila. Halos lahat sila magkakamukha. Pero, isa na din ako sa kanila. Kalahi ko sila eh. Di ko mabasa ang mga sulat. Foreigner talaga ang dating ko dito. Pumila na ako. Buti na lang, may mga marunong mag-english din sa kanila, pero konti lang. Bilang na bilang lang. Sinabe sa akin nang kausap ko na intsik din na nasa immigration daw kami. Ah, immigration pala ito. Di naman kasi mabasa ang sulat eh.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na din ako sa immigration at diredirecho na ako papalabas nang airport. TInitignan ko ang mga taong

naghihintay sa labas. Baka andiyan ang tita ko. Pero sana lang marunong siyang magsalita nang English tulad nang tatay ko.

Tingin ako ng tingin sa kaliwa't kanan. Wala naman akong makita na kamukha nang tatay ko. At lahat na nakasulat na hawak nang mga taong naghihintay eh di ko maintindihan.

Naglakad ako, pilit kung hinahanap kung sino ba sa kanila ang taong hinahanap ko. Naiinis na ako, kasi ilang minuto na akong nakatayo. Maya-maya, may narinig ako. Isang matinis na boses, "Chris? Chris!"

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses na yun. Di ko pa din makita hanggang sa may kumalabit sa akin.

"Chris!" niyakap niya ako. Nagulat naman ako, kasi ang tangkad-tangkad niya. At di ko man lang nakita ang itchura niya. Basta niyakap niya lang ako. "Ikaw Chris?"

Muntikan na akong mapatawa sa pagsasalita niya pero pinigilan ko, "yes I am Chris..."

"Nako. Wag ka alala. Marunong ako intindi tagalog. Sensya ka na ganito tagalog ko. Pwede ka tagalog. Intindi ko siya." sabay ngiti siya sa akin.

(3)

"sino ka?"

"Ako Fei. Kapatid tatay mo." Sandali ah? Eh bakit parang kasing edad ko lang siya? Bata pa ang kapatid ng daddy? "tara! tara! alis na. Kailangan mo

pahinga ok?" hinila na nia ako at may kumuha na nang mga dala-dala. Nakakatawa talaga ang pagsasalita nang kapatid ng daddy ko. Intsik na intsik. Gusto ko sana siyang tanungin kung paano siya natuto mag-tagalog kaso, di ako makapagsalita. Tinatancha ko pa kasi ang mga pangyayari. Pagdating namen sa bahay nila. Ang laki pala. Mayaman ngang tunay ang daddy ko. Di ako makapaniwala na ganito ang bahay nila dito.

"Chris. Ikaw upo muna dito. Ano iyong gusto aking bigay?" "ha? Eh.. Wala po. Pwedeng magpahinga muna ako?"

"aaah. O sige o sige. Pahinga ka." tinawag niya ang mga katulong. Pero di ko naintindihan ang mga sinabe niya sa kanila. Intsik language kase. "Sunod ka sa kanila. Punta ka nila iyong kwarto."

"salamat po." umakyat na ako. Ang weird nga lang niya kasi hanggang sa umakyat ako nakatingin siya at naka-ngiti siya sa akin.

Pagdating ko sa kwarto, ANG LAKE! Kwarto ko ba toh? Grabeh naman! Para lang akong nasa pelikula. Humiga na ako. Di ko na pinakialaman ang mga gamit ko. Napagod ako. Di ko namalayan, nakatulog na pala ako. Di ko namalayan, gabi na pala.

TOK! TOK! TOK!

"Chris? Ikaw gising na, kain na."

Narinig ko na naman ang boses niya. Napangiti na lang ako. Pagkabangon ko, bumaba agad ako.

CHAPTER 2

Tinanong ko ang tyahin ko kung saan ako pwedeng tumira. Ayoko kasi yung ganitong pakiramdam. Napaka-espesyal ko kasi dito. Di ako sanay. Sa Pinas kasi, di ako ginaganto nang nanay ko. Nanay ko na yun, pero ito, tyahin ko lang.

Nagulat ang tiyahin ko, akala niya ayaw ko sa kanya. Nag-so-sorry siya sa akin kasi ang panget daw niya magsalita nang tagalog. Akala niya siguro yun ang dahilan kung bakit ako aalis nang bahay. Natawa naman ako sa dahilan na alam niya. Napaka-babaw ko naman diba? Pero di ko mapigilan ang tawa ko. Ang lakas nang pagkakatawa ko. Na-offend ko ata siya. Pinigilan ko ang pagkakatawa ko. At umubo ako. "Ah. Hindi kasi yun ang dahilan kung bakit gusto ko umalis. Ang gusto ko lang naman eh maging independent."

Tinitigan niya ako nang matagal, "independent? Gusto mo apartment? Meron kami apartment. Ikaw libre na don. Di ka na bayad. Okay sayo?"

Nabuhayan ako ng dugo. At napa-oo naman ako. Buti na lang libre.

Inihanda ko na ang mga gamit ko at inihatid na nila ako sa apartment kung saan ako titira.

Pagbaba namen nang kotse, "pasensya ka na. Wala bakante. Pero sa taas meron."

"taas? Saang floor?" "sa taas."

Pagod na pagod kaming lahat na umakyat. Ano ba ito. Libre nga, ganito naman. Kailangan ko nang tubig. Uminit bigla ang katawan ko.

Nang nasa taas na kami. Binuksan na nang tiyahin ko ang pintuan nang apartment na titirahan ko. Malaki din siya para sa isang tao.

(4)

"oo naman. pwedeng pwede na sa akin toh."

"lahat nang kailangan mo, di ka na problema. Ako bahala sa lahat. Kama mo, table, TV, kurtina, lahat kailangan mo sagot ko. okay?"

"okay."

"sige. alis muna kami. bili kami gamit mo."

"sige salamat po." umalis na sila. At ako naman, tinignan-tignan ko ang buong kwarto. Okay naman siya. Pero studio type nga lang. Naisip-isip ko, malaki ang space for taking pictures. Pwede ako gumawa nang kung anu-ano dito. Salamat, makakapag-start ako ng something dito.

Gusto ko gumala. Gusto ko talaga. Kaso wala akong alam dito. Teka. Nagugutom ako. Paano na? Wala akong alam kung saan ang bilihan dito. Pero sige, bahala na.

Bumaba ako. Wala man lang elevator dito. Pero okay lang atlis, pababa di masyado nakakapagod.

Paglabas ko, ang lamig. Grabe sa lamig. Dapat pala nagdala ako nang maraming jacket. Di ko naman alam na ganito pala kalamig dito at di ko din alam na taglamig na pala dito. Hinanap ko kung saan pwedeng bumili nang pagkain.

Ay! 7/11, international yun. Siguro naman meron dito non.

Naglakad ulet ako papalayo. Sana makabalik pa ako sa bahay ko.

Mga 30 minutes na akong naglalakad pero, wala pa din ako mahanap na 7/11. Ito na nga ba ang sinasabe ko eh. Nakakainis. Naiinis na talaga ako. Gutom na gutom na nga ako, nilalamig pa ako. Ano ba namang buhay ito o! .

.. ...

AYOKO NA! BABALIK NA AKO! BAHALA NANG MAGUTOM! LINTEK YAN! Nang pabalik na ako, may nakasalubong ako. Babae, may kausap sa phone. Di ko siya pinansin kasi, malamang, di ko naman maiintindihan ang mga

pinagsasabi niya. Para saan pa.

"Yeah right... Okay. Oo, sige sige. Babalik na ako jan... Di ko nga alam kung nasaan ako eh!"

Pinay siya! Haaay salamat!

Lumapit agad ako sa kanya, "excuse me..."

Tinignan nia ako, "ah. Sige na Ella. May kumakausap sa akin. I'll call you na lang okay?... Yes?"

"pinay right?" "yeah.."

"thank You Lord!!!!!" tumalon ako sa tuwa. At sobrang ngiting-ngiti ako. "ah baket?"

"ayy. sorry sorry. eh kase, bago lang ako dito. Di ko kasi alam kung saan ang bilihan nang pagkain."

"same here... pero ako naman, di ako makauwi. Di ko na kasi alam kung saan ang sakayan nang bus dito."

"ah ganon ba. Eh paano ka ba nakapunta dito? at bakit ka pumunta dito?" "namamasyal kase ako."

"I see. Pero would you mind to come with me? Kung okay lang naman sayo." "HMM. Sure sige.."

"yan.." Okay naman pala itong babaeng toh eh. Awkward nga lang nang feeling kasi, masyado siyang tahimik. Kapag di ko siya tinatanong, di siya

(5)

talaga nagsasalita. "Uy! Magsalita ka naman." "ha? ano naman ang sasabihin ko diba?"

"onga naman. sige, ganito na lang. Magpapakilala ako, ako si Chris." "Meg."

"Meg. Pure pinay or half chinese?" "pure pinay.."

"Eh bakit ka andito?"

"dinalaw ko lang ang best friend ko. Kasi nami-miss ko na siya eh."

"ganon ba? Mayaman ka siguro." Ano ba tong mga pinagsasabe ko. Wala sa hulog.

Napangiti siya, "hindi ah."

"sus! ganyan din naman ako. Pa-humble effect sa una, pero bibigay din sa huli."

Huminto siya sa paglalakad, at nilapitan ko siya, "oh? bakit? may nasabi ba akong masama?"

"di ka din mayabang ano?"

"hindi naman. mahangin lang. tara na. malamig eh." naglakad ulit ako papalayo. Bahala siya kung susunod siya o hindi. Nilalamig na kaya ako. CHAPTER 3

"okay lang ba sayo na kumaen tayo kahit saan?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing pihikan eh.

"hmm. Okay lang. Di naman ako mapili sa pagkain."

Ay, nagkamali pala ako. Kaya pala medyo malaman siya. Pero cute naman. Bagay naman sa kanya. "tara. Pasok na tayo sa loob."

Pumasok na kami sa loob. At pagkapasok namen sa loob ng kainan. Di namen alam kung ano ba ang mga tinitinda roon. Di kase namen mabasa.

Nakakahiya naman sabihin sa kanya na half chinese ako, eh hindi nga ako marunong bumasa o magsalita nang salitang chekwa.

"nako. wala akong mabasa dito. akala ata nila, kalahi natin sila." binigay niya sa akin ang menu. Di ko magawang tignan, paano di ko din naman mabasa. "ano bang mga pagkaing intsik ang alam mo?" tanong ko naman.

"hmm.. chopseuy." "yun lang?"

"oo.."

"sige, yun na nga lang ang..." biglang may lumapit. Yung waiter lumapit. Kinausap kami ng lenggwahe nila at napatulala naman ang kasama ko. Tama nga siya, napagkamalan nga kaming intsik.

"ah.. sorry, we're not Chinese." sabay sabi nang kasama ko. "Oh. Sorry." sabi nang waiter.

Umorder na kami. Chopseuy lang talaga ang aming inorder. Nakakahiya talaga. Tama ba itong pinili kung tadhana? Tama ba ito?!

"masarap din siya a?"

"siyempre naman. Pag ako ang manglilibre, laging masarap." payabang kung sinabi.

"sus! Ito nga lang ang nailibre mo, nagmayabang ka na agad." "di yun pagmamayabang. Nagsasabi lang ako nang totoo."

Meg's Point of view

Tama ba itong nangyayari sa akin!? 1 week pa lang ako dito sa China and all of a sudden ganito na ang nangyayari sa akin!? Tapos first time kung

(6)

a super stranger eh. Pero may benefit naman itong super stranger na ito. Pinakain ako. Pero what's the point of this!? Kung di rin niya ako

matutulungan?! Eh bago lang naman din siya dito. Hmmm. Hayaan ko na lang, atlis diba? Pinoy ang nakilala ko. Kasi if ever man na Chinese guy or girl ang kasama ko ngayon, siguro na-no-nosebleed na ako. It's either di siya marunong mag-english or, sobrang runong naman niya sa english. Di naman kasi ako fluent sa english eh. Basta may masabi lang ako na maiintindihan nang tao, okay na sa akin.

Napabuntong hininga ako. Ang daldal kasi nang kausap ko eh. Super comfortable na siya sa akin, eh samantalang kakakilala pa lang naming dalawa. Weird talaga tong nangyayari sa akin ngayon. Hindi naman ako ganito. Di naman ako sasama dito sa lalaking toh kung di lang ako nawawala. Meg, Meg, Meg... Userer ka ever!

I looked at him. As if wala akong iniisip na masama sa kanya. Pinagmamasdan ko siya.

DU-DUNG! Na-surprise ako. Ngayon ko lang na-realize na mukha pala siya talagang intsik. Natawa ako nang sobrang lakas. Oh diba, parang loka-loka lang. Nagulat siya sa akin. At pinagmasdan niya ako.

"anong nakakatawa?"

"wala. wala." pinipigilan ko na ang tawa ko pero walang effect.

"hoy! ano nga!? may nakakatawa ba sa mukha ko?" hinawakan niya ang mukha niya at talagang ini-examine niya ang buong mukha niya. Lalo akong natawa. Di ko talaga mapigilan ang tawa ko. Swear! Di ko talaga mapigilan. "so, tatawa ka na lang ganon? Hindi mo na sasabihin sa akin ang dahilan?" pa-straight face niyang sinabe sa akin.

"aba! aba! kung makapag-react ka ah? Close tayo ganon?"

"eh. eh. HINDI! May sinabe ba akong close tayo ha?! Ang akin lang, sana sabihin mo na naman kung bakit ka tumatawa. Para ka lang tanga diyan sa ginagawa mo."

"eh kase..." natawa ulit ako. Tawa talaga ako ng tawa, di ko na mapigilan. Tuloy tuloy talaga. Parang wala nang bukas. "Eh kase.. kase.." Tumawa ulit ako. Ano ba Meg?! Pigilan mo na yang kakatawa.

"KASE ANO!?!" at galit na siya. Pikon pala itong taong 'toh.

Napahinto ako. Nahalata ko kase na galit na siya eh. Sige, sasabihin ko na. Di na ako tatawa. DI NA TALAGA AKO TATAWA.

"OH!? ANO NA!?" medyo pasigaw na niyang sinabe.

"eh kase." nagbuntong hininga ako. "eh kase, muka kang intsik talaga. Kaya naisip ko na, kaya tayo napagkamalang, kalahi nila.

"SUS! YUN LANG PALA! TAWA KA NANG TAWA JAN." malakas niya itong sinabi at parang napahiya ako. Eh kasi naman eh, ayoko na ngang sabihin pinilit niya pang sabihin ko. Di niya pa kasi ako kilala kaya ganito tong lalaking toh sa akin. Pero...

Aba! Sumusobra na toh ah? Nako Meg, pigilan mo ang sarili mo. Hindi ka pwedeng magkalat dito. Wala kang back-up.

Tapos na kami kumaen. at magpahanggang ngayong naglalakad kami, di niya pa din ako pinapansin. Kalokang toh. Parang bakla lang. Para yun lang, nagagalit na. Hmmp! Edi hindi. Hindi na kami magpapansinan. HINDING HINDI NA! Bahala na kung iwan niya ako dito sa daan. Kaya ko naman. Bahala na. Basta maglalakad lang ako. Mawala man siya or hindi, hindi na ako susunod sa kanya.

(7)

Mga 1 oras kami naglalakad at sa wakas. Nakahanap na kami nang sakayan nang bus. Humiwalay ako sa kanya. Ayokong lumapit sa kanya. Talagang sobrang distance ang ginawa ko. So here we go again, back to basic ulit. Kunwari, I don't know him, and he don't know me. Ganon na ang nangyayari ngayon. Bahala siya. Basta ako, hintay na lang ako ng bus.

1 minute 2 minutes 10 minutes 20 minutes

BAKET WALA PA DING BUS!?! Ano ba toh? Lokohan ba ito?! Kawindang naman ito. Sobrang pasakit na lang ba ang mangyayari sa akin sa araw na toh!? Ayoko nang makasama tong lalakeng ito. Tama na yung ganito. Gusto ko nang sumakay nang bus at sa pagsakay ko ng bus, di ko na siya ulit makikita! EVER!

Wait! Wait! Parang may.. ayun.. Thank You naman at may bus na din. Huminto sa harapan ko ang bus. At dali-dali akong sumakay. Pagka-upo ko, nagsarado agad ang pintuan nang bus at umalis na bigla. HAAAY SALAMAT! Wala na din ang lalaking weird sa paningin at sa tabi ko.

Ano bang nangyari don!? Para sa isang ganon lang, nagalit na. Weird talaga. Salamat nakauwi din ako.

DING DONG! DING DONG! DING DONG!

"uy! bakit ang tagal mo? mag gagabi na, nag aalala na ako sayo."

Pumasok na agad ako sa loob, "nako Ella. Mahabang storya." Humiga agad ako sa sofa niya. Maliit lang naman ang apartment niya. Pang isahang tao lang talaga. Isang kwarto, at malaking sala na kasama na din ang kusina at kainan. Ganon lang.

"kwento mo. gusto ko marinig. nawala ka ba?" "oo! nawala ako! at nakakainis yung lalaking yun."

"lalaki? naka-meet ka nang lalake? so ano ang nangyari?" "panget ang nangyari! ayoko na ngang maalala eh."

"Meg naman. Para naman akong ibang tao sayo. Ikwento mo na."

"eh pano ba naman." tumayo ako sa sofa at pumunta sa frig, "nawala ako. tapos nung una, thankful ako kasi, naka-meet ako nang isang pinoy. Then pinakain niya ako sa isang resto lang na mumurahin jan eh pagkapasok namen sa loob, napagkamalan kaming intsik..."

Kinuwento ko ang buong nangyari at tawa lang ng tawa ang kaibigan ko. "TAWA ka naman. Nakakainis kaya."

"alam ko. alam ko na inis na inis ka. sabagay, kung ako din eh. Bakit ba kasi bigla ka na lang hindi niya kinibo?"

"Ewan ko Ella! Basta ayoko na ayoko na siyang makita! At saka. Di ko naman na siya makikita noh! HINDI NA. EVER!"

"eh sandali lang ano? Eh bakit ka naman natawa eh ikaw din naman mukha ka ding intsik?" Nakita kung ngumiti si Ella. Pero di ko na lang pinansin. Humiga ulit ako at pinilit ko talagang hindi siya maisip. Nakakainis naman kasi eh. Nakakainis talaga.

CHAPTER 4

Chris' Point of View

Nainis ako nang babaeng yun ah? Bakit?! Purket cute siya!? Siya din naman eh. Mukha di naman siyang Intsik ah!? Kung makatawa siya, kala niya kung

(8)

sino siya.

DING DONG! DING DONG!

Sino naman kaya ito? Baka ang tiyahin ko na ito.

"Chris! Ito na mga gamit mo. Soli, gabi na kami nakabalik. Dami kasi ikot, hanap ako mura." Humarap siya sa mga lalaki sa likod at nagsalita na nang instik. Di ko na naintindihan.

Ang daming gamit. Parang dito na talaga ako titira. Di ko inaakala na ganito karami talaga ang pinamili niya sa akin.

Sofa, isang mahaba, dalawang single.

Malaking kama. King size, pang may asawa na kama. Aba. Umaasenso. Ref. Malaking ref talaga ang binili. Samsung na ref pa.

Table, table para sa laptop ko, at sa kung anu-ano pang pwedeng ilagay sa table na un.

Lamesa sa kainan.

Mga kaldero, plato, kutsara, tinidor. Shampoo, sabon, tuwalya.

LAHAT NA BINILI NIYA! Buong tindahan ata binili na nitong tiyahin ko. "Okay lang ba Chris? Maganda ba?"

Tumungo na lang ako, di na ako makapag-salita eh. Nakaka-gulat kasi. Kinalabit ako, "Chris, ito, cell phone. Made in China nga lang yan, China phone. Pero gamit mo din yan, ganda din. Ito din sim card mo, save mo na number ko. Para kapag may kailangan ka, tawag ka sa akin agad. Ito na din load mo, para kumpleto. Ayan. Wala na kulang. Pwede na ako alis. Basta tawag ka kapag kailangan mo ako. Sige na. Alis na ako."

Hinalikan niya ako sa pisngi at isa-isa na silang umalis sa kwarto ko. Di ako makapaniwala sa nakapaligid sa akin ngayon. Di ako makapaniwala talaga! Tangina! Ano ba ito? Panaginip ba ito? Grabe. Kumpleto talaga lahat.

Magkano naman kaya ang ginastos niya dito? Masyado ata akong ma-ispoiled dito.

Wala na akong dapat ayusin dito, iniayos na nila lahat eh. Ang gagawin ko na lang eh, ang magpahinga. Yun na lang. Bukas na lang yung iba, baka may kulang pa din, masyado lang akong atat. Sige, tulog na Christopher! Baka panaginip lang ang lahat ng ito.

Meg's Point of View

Umaga na, sa sofa na ako nakatulog. Sobra kasi ang pagod ko kahapon. Lakad ng todo talaga yun. Para bang nag-marathon walk ako. Ang sakit nang paa ko ngayon. Parang namamanhid, ang bigat-bigat nang pakiramdam ko. "Good morning! Aga mo atang nagising?"

"Sakit kasi nang paa ko. Feeling ko hihilahin ako pababa."

Napangiti si Ella, "hindi ka lang sanay maglakad ng maglakad. Kaya tumataba."

"HOOOOY! DAHAN-DAHAN KA SA PANANALITA MO ELLA! Umagang-umaga nag-iinis ka! OO NA! Tumataba na ako! Pero di naman ako baboy no!" "may sinabi ba akong baboy ka? sayo nanggaling yan hindi sa akin." "Ella! Kailangan 'kong magpapayat."

"Meg, payat ka naman eh. Yun nga lang, nagkaroon ka nang laman. Tignan mo yung hita mo."

Tinignan ko naman ang hita ko, "o? ano meron?!"

"wala lang. sana yang hita mo na lang ang nagkalaman, hindi pati yang mukha at braso at tiyan mo. Gusto ko yang legs mo, malaman."

(9)

"Eh anong gagawin ko para mawala ang mga laman ko sa braso sa mukha at sa tiyan?"

"Haay nako! Wag mo nang intindihin yan. Kumain ka na! at may pasok pa ako."

"Ayoko kumaen. Nakakataba."

"GAGA! Breakfast naman ngayon! Sige na. Kumain ka na at ako'y aalis na. See you na lang mamaya. At WAG NA WAG kang aalis ng bahay ngayon, wala ako dito. Di kita masusundo kung nasaan ka man. okay? sige na, ikaw na bahala dito."

Umalis na si Ella at mag-isa na lang ako dito sa bahay niya. Kumulo ang tiyan ko.

Hinawakan ko ito at napaisip na naman. Kakain ba ako o hindi? Tumataba na daw kasi ako. Hmp! Bahala na. Kakain ako sa ayaw't gusto nila! Hmp!

Chris' Point of View

Parang may nag-a-alarm. Sandali. SANDALIIIIIIIIII! Walang tigil ang alarm clock na 'toh. Anong oras na ba?

HUUUUH?!

10:00AM na!?!?!!

Tumayo ako bigla, na-alimpungatan ako. Punta agad sa banyo at dali-dali kung binuksan ang shower. Ang lamig nang tubig, eeeeeeeeeeeeeeeeeee! Pero bahala na, male-late ako sa... sa.... sa... AY PUCHAA! Akala ko pa naman may pasok pa ako. Akala ko asa pinas pa ako. Timang ko talaga! Timang talaga!

Wala na akong nagawa kung hindi ang maligo. Eh ano pa nga ba? Andito na rin lang ako. Bwiset! Bakit kasi di ko pa napalitan ang orasan sa cellphone ko?! Nako naman talaga. Nako naman talaga. Palpak! Palpak!

So after kong maligo, tumunog ang tiyan ko.

Okay, okay. Nagugutom na ang mga alaga ko. Kailangan ko nang bumili ng mga pagkain ko.

Bumaba na agad ako. Saya-saya ko pa. Bahala na kung mawala ako, basta makabili lang nang pagkain. Heto na naman ako, si lakad. Mamaya

makasalubong mo na naman yung babaeng nakakairita. Ay nako. Wag naman sana mangloko ang tadhana sa akin. WAG NAMAN SANA!

Sumakay ako ng bus, di ko alam ang pupuntahan ko, sige, explore lang. Basta alam ko, may cellphone na ako at pwede ko tawagan anytime ang tiyahin ko. Di naman ata nagiging busy yung taong yun.

Mga 5 minutes siguro ang nakalipas, bumaba na ako, kahit di ko alam kung saang lugar yun, bumaba na ako. At ang tanging naiisip ko lang eh ang pagkain.

Lakad dito, lakad doon. Lakad dito lakad doon. Meg's Point of View

Ang boring naman! Di ako mabubuhay nang walang ginagawa. Nakakasawa naman nang mag-net, ang kausap ko na lang lagi is si Mommy. Sige, labas muna ako. Magpapalamig muna, baka mawindang ako dito sa loob.

Ang lamig-lamig pa din. Over sa lamig. Pero okay lang. Atlis nakalanghap ako ng sariwang hangin. Lakad-lakad ako. Hanggang sa napadaan ako sa park. Kahit pala taglamig, may mga lovers pa din na tumatabay. Tibay naman nitong mga 'toh. Di naman sila masyadong PDA e, medyo lang.

Lakad-lakad ulit ako. Lakad-lakad ulit ako. Anong oras na ba?

(10)

Past 10 na pala, kain na kaya ako? Pero parang maaga pa. Hmm. Ano kaya? Kakain ba ako or hindi? Lakad muna ako, kakain na naman ako. Kaya ako tumataba.

Sa paglalakad ko, natutuwa ako sa mga nakikita ko sa paligid. Natutuwa din ako sa mga tao, kasi naman, parang mga pinoy lang yung iba, para bang nasa China town lang ako. Over! Di ko na nga tinitignan ang dinadaanan ko dahil sa kakalingon sa mga nalalakaran ko.

Lakad. Lingon. Lakad. Lingon. Lakad. Lingon. Lakad. Lingon. Lakad. Lingon. BOOOOOOOOM!

Nabunggo ako. Wait? Sa poste ba ako bumangga? Ang sakit ng ulo ko. Pagtingin ko, napasigaw ako,

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Ang haba ng sigaw ko, at ang lahat ng nasa daan, nagsitinginan sa akin. Akala siguro nila baliw ako.

"ano ba yan! Bakit andito ka!?" tanong sa akin nung lalaking na-meet ko kahapon.

"Eh baket!? Ikaw may ari ng daan na to!? Over!!!"

"over over ka diyan! ikaw na nga ang nakabunggo ikaw pa magagalit." "aba! aba! sumasagot ka pa! ikaw na nga ang nakasakit, ikaw pa may ganang magalit! mag-sorry ka nga!"

"tss. bakit ako mag-so-sorry? ikaw nga dapat ang mag-sorry!" "baket ako!? baket ako!?"

"e kase, ikaw ang nakabunggo sa akin!"

"ayus ka din noh!? Ikaw ang lalaki, ikaw ang mag-sorry!"

"tss. bahala ka nga diyan. KALA KO BA MALAKI ANG CHINA!?!? EH BAKIT NAKITA KO TONG PANGET NA TOH!!!" umalis siya at narindi ako sa sinabi niya. Ano daw!? Panget ako!? Excuse me lang noh!?! Habulin ko nga tong gagong to!

"HOY! HOOOOOOY! HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY!" wow, sumigaw ako ng bonggang-bongga. Gagawa pa ata ako ng scandal dito. Pero so what? Eh sinabihan akong panget eh.

"WAG KANG SUMIGAW NG GANON! Para kang ni-re-rape!" "sooo?!! Eh sinong panget?! SINO ANG---PANG----NGET!??!!!" "huuy! mahiya ka naman! wag ka nang sumigaw!"

"DI AKO TITIGIL NANG KAKASIGAW DITO HANGGA'T DI MO SINASAGOT ANG TANONG KO!!!"

"sssssshhh! oo na, sasagutin ko na, sasagutin ko na! basta sumama ka lang sa akin at umalis na tayo dito. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!"

Chapter 5

Hinila niya ako papalayo. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Hahahahahahaha! Buti nga. Ang pride kasi eh. Bibigay din pala. Bading!

Di ko alam kung saan niya ako dadalhin, basta ang alam ko lang, hinihila niya ako. As if naman alam niya mga lugar dito noh?

Dinala niya ako sa may hintuan ng bus at saka niya lang ako binitawan. "bakit mo ko dinala dito?"

"umuwi ka na! baka nawawala ka na naman kase. di mo na naman mahanap ang sakayan ng bus kaya eto! Dinala na kita dito!"

(11)

"over mo! wag kang ganyan natatawa na naman ako sayo."

"yan! yan! sige, tawanan mo na naman ako. kahit wala namang nakakatawa, tumatawa ka. LOKA-LOKA!"

"gagong to! loka-loka ka jan! ikaw ang mas loka-loka! dahil bakit mo ako dinala dito?! eh samantalang ang tinitirahan ko eh doon lang! ayun o!" tinuro ko kung saan ako nakatira. "Dapat nga ikaw ang dalhin ko dito dahil hindi ka dito nakatira diba!?!"

Napatahimik siya. Hahahahahahahaha! Napahiya ang loko. Kasi ang yabang eh. Kala mo kung sino.

"baket ngayon mo lang sinabe!?!"

"NAGTANONG KA BA!?" umalis na ako. Feeling ko hinahabol niya ako. Ayan, tama yan. Maghabol ka!

Hinawakan niya ako sa braso, "sandali lang!"

Tinignan ko siya, ayyy close tayo? "Bitawan mo nga ako!" "Pwede bang sa lugar mo muna tayo? Ang lamig kase eh..."

AYUN! Lumabas din! Kaya pala ako hinabol kasi may kailangan. Magaling na lalaki. Magaling, magaling, magaling. Pero totoo naman kasi, malamig talaga. At dahil sa nakita ko ang mukha niya na seryoso naman, lalo ko siyang

pahihirapan. Umalis ako.

"HUY! San ka pupunta?" Humahabol pa din siya sa akin, pero di ko siya pinapansin. "ang sunget naman nito o!" aba! Hinahabol niya pa din ako. Lakad lang ako, lakad lang ng lakad. Pero di niya alam, ang iniikutan lang namen eh yung tinitirhan ko. HAHAHAHAHAHAHAHA! Gagagawin ko lang naman siyang parang asong humahabol. Sige lang, sige lang. Habol lang. "Sandali. Sandali." hingal na hingal niyang sinabe. Tinignan ko siya. Hindi talaga ako nagsasalita. Nakataas ang kilay ko sa kanya.

"Napapagod na ako. Pwedeng wag mo na akong pahabulin okay?" "eh diba? sabe mo, nilalamig ka? hindi ka pa ba pinawisan?" "pinawisan nga ako, kaso pulmunya naman ang aabutin ko dito."

Hmm. Tama naman siya, pero, I DON'T CARE! Bahala nga siya sa buhay niya. Pagkatapos nang ginawa niya sa akin nung unang pagkikita namen? At

pagkatapos nang pangalawang pagkikita namen kanina?! Hmp! Manigas siya!

"sige na please. Meg."

Napatigil ako. Alam niya pa din pangalan ko? E samantalang, yung pangalan niya, di ko na matandaan. OVEEEEEER!

"sige na please. please. please. please." lumuhod ang loko. Buti na lang, wala masyadong dumadaan.

Nahiya na ako, "huy! tumayo ka nga jan! para ka namang ewan diyan!

tumayo ka na! tayoooo!" hinawakan ko siya sa may bandang braso at pinipilit ko siyang itayo.

Chris' Point of View

Hindi niya ako maitayo. Lamig na lamig naman na kasi ako. Nangangatog na ako sa lamig. Di ko na din talaga kayang tumayo.

"huuuuy! tumayo ka nga! wag ka nang mag-inarte. paaakyatin naman na kita sa taas eh!"

Di ako nag-iinarte. Pinipilit kung tumayo. Pinulikat ata ako. Talaga naman! Kapag nga naman minamalas. Sobra ito sa sobra!

(12)

ito. Nakaya niya ako? Pero dapat lang kasi di na talaga ako makatayo.

Pinasok niya ako sa loob at nagpahinga siya nang konti, di na siya kumikibo. Alam ko naman nahihirapan siya sa akin eh, anong magagawa ko diba? Pinindot niya ang pindutin para bumukas ang elevator at binalikan niya ulit ako at inalalayan.

1st floor 2nd floor 3rd floor DING!

Andito na kami. Pero di ko alam kung saan siyang kwarto. Lakad kami ng mga ilang steps lang. Andon na agad kami.

Narinig ko ang susi. At narinig kung binuksan na niya ang pintuan. Naramdaman ko na nagmamadali na siya.

Naramdaman ko, hiniga nia ako sa may sofa. At may unan na talagang nakahanda. Para bang alam niya na pupunta ako dito.

Hinawakan niya ako, "ayyy. Bakit ka nilagnat?" sabi niya.

Di na ako makapag-explain. Sakitin kasi ako. Tapos nagtagal pa kami sa baba na pawis na pawis ako. Ang tagal bago niya ako pinapasok. Eh kung

pinapasok na niya sana ako kanina edi sana hindi ito nangyari.

Umupo siya sa may malapit sa akin. At narinig ko na parang may dala-dala siyang tubig. Ano kaya yun?

Maya-maya naramdaman ko na lang, malamig. May malamig siyang ipinatong sa ulo ko. "yan, matulog ka muna. Pahinga ka." ngayon ko lang narinig ang boses niya na ganon kalambing. Ang soft nang voice niya parang may anghel. Ang OA nang sinabe ko. Hindi, hindi. Pero totoo talaga. ANG GULOOOO! Ganito ba talaga kapag nilalagnat ka nang wala sa Pinas? Di ko na namalayan, nakatulog na pala ako.

"sino yan?"

"yan yung lalaking sinasabi ko sayo." "siya ba yun?"

"oo"

"may ichura ah? at mukha ngang intsik. baka nagpapautang yan?" "GAGA! marinig ka niyan, magalit pa sa'yo"

"eh tulog naman eh." "bahala ka nga jan."

Nasaan na kaya ako? Ang bigat pa din nang pakiramdam ko ah? Dahandahan kung minulat ang mga mata ko. Ang labo ng paningin ko. Para bang

ang daming muta sa mga mata ko.

"Meg! Meg! Gising na siya!" sigaw nang babae. Sino naman ito?

May narinig akong tumatakbo. At naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin.

"okay ka na ba?" "huuh?"

"sabi ko okay ka na ba?"

"di pa... ang bigat pa nang pakiramdam ko."

"aah. ganon ba.." hinawakan niya ako sa may bandang ulo. "oo nga, may lagnat ka pa nga. Ella, paki kuha naman yung palanggana doon sa CR at paki lagyan ng tubig na malamig."

(13)

"ooooh. Ito. Dapat pawisan ka. Ella, pakuha nga nang isa pang kumot." Bakit ang bait niya sa akin? Nakakapanibago naman. Samantalang kanina, ang sungit niya sa akin. Ay nako Chris, tigilan mo nga yan. Ayan ka na naman. Sasabak ka na naman sa isang babae na hindi mo kilala. Madala ka na Chris. Madala ka na.

Meg's Point of View

Ano bang nangyayari sa lalaking ito. Nakakawindang naman ito.

"huy Meg!" tinignan ko si Ella sa may bandang kusina. Nakatayo, may hawak na tasa.

"oh?"

"halika ka nga dito."

Nilapitan ko naman siya, "bakit?"

"ano na bang nangyari diyan? Di na ba gagaling yan?"

"Grabe ka naman kung makapagsalita. Siempre gagaling yan, eh kakaumpisa pa lang nang lagnat niya."

"ano yan? Show? At meron pang umpisa-umpisa? Oh eh kailan darating ang climax niyang lagnat niyan?" pabirong sabi ni Ella.

"Si Ella naman, may sakit na nga ang tao nagagawa pang magbiro." "eh kasi naman ano..."

"ANO?" napalakas ang sabi ko sa kanya.

"wala. eto naman. Nagbibiro lang din ako. sige pasok muna ako sa kwarto ko. Diyan ka lang muna at bantayan mo yang bisita mo." umalis na agad siya at nawala bigla. Ang bilis talagang mawala nun kapag nagagalit ako. Di naman ako galit eh, gusto ko lang maramdaman niya na dapat nasa lugar ang pagbibiro niya. May sakit na kaya ang tao, tapos nagagawa pa niyang magbiro. Kamusta naman yun diba?

~Makalipas ang isang araw

"uyy! uyy!" kalabit sa akin. Sino naman kaya ito. Kasarap-sarap ng tulog ko, tapos ginigising ako. "UYYY! MEG! UYYY!" sino ba kase ito!!!!??! Minulat ko ang mata ko at nagulat ako.

"AY PWET NANG KABAYO!!!" napatalon ako sa upuan nang wala sa oras. "Sobra ka naman, bakit naman kase ganon kalapit yung mukha mo sa mukha ko?! Oveeeer!"

Tawa nang tawa tong lalaking toh. Parang tanga. Nagulat na nga ako, kung makatawa parang ewan lang.

"sige na. Sige na. Ako na ang nakakatawa. Oo na. Oo na." hinintay ko siyang matapos tumawa at pumunta agad ako sa kusina.

Sinundan niya ako, "huy sungit naman nito. Mag-wo-walk out ka na naman ba?"

"walk out? eh nandito lang din naman ako sa loob ng bahay." "eh bakit di mo ako pinansin?"

"eh tumatawa ka eh. Siempre, ayoko naman guluhin ang moment mo sa pagtawa mo. Ang saya mo kasi. Ayokong umepal."

"sungit talaga."

"di ako masungit noh." inabot ko sa kanya ang kape niya, "mmm. ito na ang kape mo. Umupo ka jan at kumaen."

"haaaaa? Bakit ang bait-bait mo ngayon? Nakakapanibago ka naman."

"E di kasi ako katulad mo. Di kasi ako napipikon agad-agad. Sige, kumaen ka muna jan. Wala ka na bang lagnat?" hinawakan ko agad ang nuo niya. "Yan, mejo mejo na lang. Mamaya, magpahinga ka lang muna dito. Kasi may sinat

(14)

ka pa. Siguro, mamayang gabi, maayos ka na. Pwede ka nang umuwi." "Sandali lang ah? Matanong nga kita, doktor ka ba?"

"hinde."

"E bakit ganyan ka kung makapagsalita? Parang alam na alam mo ang lahat." Sumingit si Ella, "e kase doktor ang mga magulang niya."

"O? Nako! Hindi daw mayaman. Sabi ko na eh, pa-humble ka lang nung unang beses tayong nag-usap eh."

"O sige na, sige na, tama na ang sat-sat. Kumain ka na jan at magpahinga ka ulit. Baka lalong lumala ang lagnat mo."

Ang daldal nitong lalaking ito. Parang walang katapusan ang pagsasalita. Nagkakasundo naman sila ni Ella, at si Ella, tawa lang ng tawa sa lahat ng pinagsasabe niya. Mukhang kinikilig pa ata. Ang best friend ko talaga. Baka mamaya, ma-inlove pa itong babaitang ito dito sa mokong na ito eh.

"O, sandali lang, paistorbo muna sa pagkukwentuhan niyo." lumapit agad ako kay Chris at hinawakan ko agad ang kanyang nuo. "Ayan, medyo maayos na ang temperatura ng katawan mo. Pahinga ka na lang muna. Ella, mamaya mo na guluhin itong si Chris. Chris, matulog ka na please lang, para makauwi ka na sa inyo okay?"

"Para naman akong naka-admit sa ospital nito." pabirong sabi ni Chris. "nako Chris, kung hindi mo susundin ang sinasabe ko sayo, magtatagal ka lang dito sa amin. Gusto mo ba yun? Hala sige, higa na at magpahinga ka. Tama na muna ang pagdadaldalan."

Humiga naman siya. Buti na lang masunurin din pala itong lalaking ito. Chapter 6

Chris' Point of View

Napaka-Caring naman nitong babaeng ito. Nahuhulog na ata ang loob ko sa kanya. Teka. Teka. Bumibilis ang tibok ng puso ko. CHRISTOPHER ANG! TUMIGIL KA!!!! Hindi maaari ito.

Pero...

Nakakatuwa kasi siya. Pagkatapos ko siyang hindi pansinin nung unang pagmi-meet namin, ganito pa ang iginanti niya sa akin, parang bihira na lang sa isang babae ang katulad niya. Kakaiba talaga siya.

Di ko na naman namalayan na nakatulog na naman ako. Pero sa oras na to, okay na ang pakiramdam ko. Bumangon ako at nakita ko si Meg na natutulog sa sofa. Gigisingin ko sana siya, kaso mukhang mahimbing na mahimbing ang tulog niya.

Pinagmasdan ko siya. Ang cute-cute niya talaga.

Kinuha ko ang kumot at ipinangtakip ko sa kanya. Pagkatapos, pinagmasdan ko ulit siya. Parang ang sarap niyang pagmasdan kapag ganito.

"ehem! ubo! ubo! ubo!"

Nagulat ako kaya napa-kamot ako sa ulo.

"anong ginagawa mo?" tanong sa akin nang kaibigan niya. "wala... ki.. kinumutan ko lang siya."

"sure ka? kase parang iba ang nakita ko."

"bagong gising ka lang kaya kung anu-ano ang nakikita mo." "hmmm. talaga lang a?"

"talagang-talaga. sige alis na ako." "ha? magaling ka naba?"

"oo, okay okay na ako kesa kanina. kailangan ko na din naman umuwi." "e dapat magpaalam ka kay Meg, mag-aalala yan sayo."

(15)

"hindi yan."

"nako, di mo pa kilala yan. mag-aalala yan sayo."

Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakaais dito, nakakahiya kasi yung ginawa ko, NAKO! Baka malaman pa ni Meg yun, nakakahiya!!! "eto, ibigay ko na lang ang number ko sa iyo, tapos ibigay mo sa kanya, okay ba yun?"

"hmm. sige sige."

Ibinigay ko na agad sa kanya ang number ko at umalis na agad. NAKAKAHIYA kasi ang ginawa ko e. Parang ewan lang talaga ako kanina. Bakit ko kasi pinagmamasdan si Meg? Bahala na. Basta atlis nakaalis na ako don.

Nako, heto na naman ang lamig. Alam ko na kung paano umuwi. Sige, iassume mo na alam mo nang umuwi. Tinignan ko ang mapa na may malapit

sa waiting area. So andito ako. Ano ba ang dapat kung sakyan? Okay, desidido na talaga ako. Kaya ko 'tong mag-isa.

After 5 minutes

Tawagan ko na nga lang ang tiyahin ko. Di ko kasi alam kung saan place yung apartment na yun eh.

Mahigit isang oras akong nasa daan. 30 minutes kung kinausap ang tiyahin ko, 15 minutes ako nag-abang ng bus at 15 minutes ang biyahe.

Salamat at nakabalik na ako sa sariling bahay ko. At heto na naman ang hagdanan nang walang hanggan. Sige, akyat, akyat, akyat, akyat. 1,000 steps ata ang nilakad ko. Maganda yan Chris para pawisan ka, ang lamiglamig kaya sa labas.

Pagdating ko sa bahay, inubo-ubo ako. At nag-ring ang phone ko. "hello?"

"HOY LALAKE! SAAN KA NAGPUNTA! MAGALING KA NABA?!!!"

Nabingi ako, inilayo ko ang cell phone sa tenga ko, ang lakas kasi nang boses niya eh, "sino ba ito!?"

"si Meg!"

"wag kang mag-alala, magaling na ako. Ayos na ako." "di ka man lang nag-paalam bago ka umalis."

"natutulog ka pa kaya."

"kahit na, hindi mo ba ako pwedeng gisingin?" "e..."

"ewan ko sayo. basta tandaan mo na lagi kang mag-iingat dito. kasi hindi biro ang weather nila dito."

"tsss, hindi na ako bata."

"alam ko, pero sa resistensya mo, para kang bata. ang hina kasi nang resistensya mo."

"kung makapag-salita ito. bakit ganyan ka ba makapag-salita?"

"e kasi, wala namang ibang mag-aalaga sayo dito kundi ang sarili mo lang, e pano na yan kung hindi ako yung taong nakadampot sayo nung nagkalagnat ka?"

"ang word mo miss. nakadampot ka diyan." "o siya siya, mauubos na ang load ko." "number mo ito?"

"oo, pero wag mo nang i-save." "bakit?"

"e aalis na ako."

(16)

"pinas. babalik na ako don, kasi kailangan kong mag-aral." "akala ko ba..."

"nice meeting you Chris." narinig ko siyang tumawa. Parang nalungkot

naman ako nung narinig ko yung tawa niya. Ang sakit sa dibdib. Bakit ganon? Parang may nagtutulak sa akin na wag siyang paalisin. "Hello? Hello?"

"Ayy. ooh? oooh?"

"bakit di ka na nagsasalita, na-stroke ka na ba jan?" "ah? hindi. hindi. may inayos lang ako."

"aah. o pano? nice meeting u ulit. Basta magpagaling ka palag..." Pinutol ko ang pagsasalita niya, "pwede bang pumunta diyan sa inyo ngayon?"

"haaa? kakaalis mo lang tapos pupunta ka ulit dito. Ang gulo mo." "e sige na."

"mapapagod ka lang. Kagagaling mo lang sinat, mag-stay ka na lang diyan sa bahay mo at magpahinga. Wag ka munang maliligo. Mga wait ka nang isang araw bago ka maligo, or i-check mo muna yung body temperature mo

kung..."

"Meg." Napatigil siya sa pagsasalita. "gusto ko ulit pumunta diyan." bakit ko ba ito sinasabi!? Ito na naman ba ako!? Ano ba!? Gusto ko na ba siya!? "sige ikaw bahala. makulit ka talaga."

Pinutol ko agad ang linya at tumakbo papunta sa may hintuan ng bus. Ano ba itong ginagawa ko? Nahulog ako ng walang dahilan? Nang dahil lang sa

kaswitan niya? Ano ka ba Chris?!

Aaaaaahhhh! Bakit di ko mapigilan ang sarili ko!?!?!

Buti na lang, natandaan ko yung place nila. Buti na lang talaga. Pagka-baba ko sa bus, takbo agad ako papunta sa tinitirhan niya.

Pagkapasok ko, pasok agad ako sa elevator, pero ano bang floor yun? Wait... Wait... Lumabas ulit ako nang elevator. Ano ba yan, panira naman nang moment.

Tinawagan ko si Meg.

"hello Meg. Anong floor ka ba?" "sunduin na lang kita diyan sa baba."

Susunduin pa niya ako ah? Parang alam naman niya ang nangyayari sa akin. Tumunog ang elevator. DING! At nakita ko agad si Meg na nakatayo sa elevator. Tumakbo agad ako sa kanya pero di ko nagawa ang gusto kong gawin sa kanya. Gusto ko sana siyang yakapin kaso baka masampal ako nito. "o? bakit ka bumalik? may nakalimutan ka ba?"

"Meg. Wag ka munang umuwi ng Pinas please?" "bakit?" nagtataka siya.

"e basta."

"hindi pwede eh. Kailangan ko nang bumalik don, kase malapit na ang klase namen."

"Klase? Klase? Bakit?"

"anong bakit? Siyempre, nagaaral pa ako eh. Graduating na kaya ako." "ano bang course mo?"

"Architecture."

"graduating ka na? sure ka ba?" "oo."

"ako na lang ang mag-papaaral sayo." "ha? anong pinagsasabi mo diyan?"

(17)

Di ko talaga maderecho ang gusto kung sabihin sa kanya. Kasi kahit sino naman matatakot sa akin kung bibiglain ko ang pagsasabi ko tungkol sa nararamdaman ko. "pwedeng umakyat naman tayo? kasi dito pa talaga tayo sa baba naguusap. ang lamig kaya."

Pumasok kami sa loob ng elevator, walang imikan, may after shock pa din siguro siya sa sinabe ko. Chris! Chris! Nakakahiya ka! Dahil lang sa babae nagkakaganyan ka. Ano ka ba!?!

Nung bumukas na ang elevator, dire-direcho si Meg sa pintuan. Pagkapasok ko.

"Upo ka."

Umupo naman ako, yung mga gamit na iniwanan ko nung pag-alis ko, andon pa din. Di pa din sila nagliligpit.

"Sandali lang ah? Ligpitin ko lang itong mga gamit dito. Nakakalat kasi e." tumungo lang ako at pinagmamasdan ko siya kung paano siya kumilos. Maganda naman siya eh, simple lang ang beauty niya. Walang make-up. Maputi, mahaba ang buhok, at itim na itim pa ang buhok. Medyo singkit ang mata, pero di katulad nang akin. Katamtaman lang naman ang tangkad niya, di siya masyadong maliit para sa akin. Medyo malaman, pero hindi mataba. "o? ano yung sinabe mo kanina? nabigla ako doon a?" ngiti-ngiti ka pa jan, pero na-touch ka naman sa sinabe ko, (isip-isip ko).

Chapter 7

Chris' Point of View

"o? ano yung sinabe mo kanina? nabigla ako doon a?" ngiti-ngiti ka pa jan, pero na-touch ka naman sa sinabe ko, (isip-isip ko).

"bakit ka pa uuwi? eh kung pwede ka naman mag-aral dito?" "ano ka ba, diba, sabi ko naman sayo, na bakasyon lang ako dito." "kailan mo naman sinabe yun?"

"nung unang beses mo akong tinanong kung bakit ako andito sa China." "di ko na maalala yun."

"eh wala din naman kahit maalala mo pa yun." pabiro niyang sinabe at umupo na din siya malapit sa tabi ko.

"pero, di nga, seryoso ako don Meg. Pag-aaralin kita wag ka lang umuwi." Napatahimik siya, siguro nag-iisip na to kung bakit ako nagsasalita nang ganito. Hindi pa ba obyus na gusto ko siya?!

"Alam mo, sorry ah? Pero kailangan ko na talagang umuwi." "ano bang pinagkaiba nang China at Pinas?" naiinis ko ng sinabe.

"Chris. Ano ka ba. Natatakot na ako sayo, bakit ka ba nagkakaganyan?" Sasabihin ko ba sa kanya? Ano ba ito. Bakit naduduwag ako?! Napatahimik ako ng ilang segundo. Pero sige. Sasabihin ko na nga. Sasabihin ko na talaga. "Gusto kasi kita Meg."

Meg's Point of view

Ano daw!?! Anong sinabe niya sa akin??? Nabingi ako sa sinabe niya. Nawindang ako. Nakaka-gaga pala yung ganito. Gusto niya daw ako!? ANO DAWWWW!? Paki ulit nga!?! At baka mali lang ako narinig...

"Chris? Okay ka lang ba?"

"di ako nagbibiro Meg. Gusto kita. At gustong-gusto kitang ligawan pero di ko alam kung paano dahil unang beses palang nating magkakilala."

(18)

"Yun na nga."

"pero, kung pagbibigyan mo ako na ligawan kita, please, wag ka na munang umuwi. Please lang. Please."

Napaisip ako. Anong koneksyon nun? Siya na nga ang nanliligaw, siya pa 'tong nag-de-demand. "Sorry talaga Chris, pero. Kailangan ko ng umuwi." "hindi ka na ba talaga mapipigilan?"

"hindi na eh.. Pasensya ka na."

Napatahimik siya, at nakonsensya naman ako. Bakit ganon? Bakit ganon ang na-feel ko. Parang ang sakit sa dibdib nung nakita ko siang sumimangot. Ganon ba talaga ang dapat kung maramdaman? OVEEER!

Di na niya mapipigilan ang pag-alis ko. Kasi kailangan ko talaga ito. At isa pa. Sino ba siya para pigilan ako?

Tumayo siya, "oh? Saan ka pupunta?" kitang-kita ko talaga yung mata niya. Na kahit singkit, makikita mo na naging matamlay yung mata niya.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad.. Nakayoko. Di ko na makita kung ano ang naging reaction niya. Sinundan ko siya nang tingin kase ang akala ko, babalik pa siya. Pero ng hawakan niya ang doorknob, tuloy-tuloy na siyang lumabas. Napatulala ako. Ano bang nasabi ung masama? Mayroon nga ba akong

ginawang masama? Napag-isip ako. Napag-isip talaga ako. Ano bang meron?! Napatayo ako. At naisipan kung habulin siya. Paglabas ko nang bahay,

naghagdanan na lang ako. Baka sakaling maabutan ko pa siya kahit

hanggang bus station lang. Nakaka-windang naman itong nangyayari sa akin. Ang over talaga.

Paglabas ko sa loob ng building, tumakbo ako pakanan. For sure, sa bus stop ang hinto non.

Pagdating ko sa bus stop....

"Chris." hingal na hingal ko siyang tinawag. Lumingon siya, "o? bakit ka sumunod dito?" "ano ba kasing problema mo?"

"tinatanong pa ba yun?" lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit niya sa akin. Parang hahalikan na niya ako.

"Ahh. Ku----ku... Chris? Ang lapit mo masyado sa akin." sinusubukan ko siyang ilayo sa akin kaso, mas malakas talaga siya sa akin.

"Meg. Maawa ka naman sa akin." lumuhod siya sa harapan ko, "hayaan mong ligawan kita, at wag ka nang umalis dito."

Nagulat ako sa sinabe niya. Ano ba yun? Bakit ganito siya. Kakakilala lang namen tapos ganito na siya. "HOY! CHRIS! OVER KA AH!?!" natawa ako. Kunware lang naman. Para makita nia na di ako apektado. Pero walang epekto sa kanya. Nakaluhod pa din siya at ako na mismo ang nahihiya para sa kanya. Ano bang gagawin ko!?!? Ano bang gagawin ko!?!?

"Chris? Please lang, tumayo ka na. Please lang, pinagtitinginan na tayo nang mga tao o." pinipilit ko siyang itayo kaso, ayaw pa din talaga. Ano ba naman itong taong eto! Bato ba toh?!

Teka... Teka,...

Ano ba talaga ang gagawin ko. Lahat na nang tao nakatingin kasi sa amin eh. Ayyyyy nakoooo! No other choice...

"sige sige... Payag na ako.. Na. na.. na..."

"na ano??" nakaluhod pa din siya sa harapan ko. "na ano.. na.. Manligaw ka!"

(19)

"sure ka ba diyan?" nakita kong lumiwanag ang mukha niya. Hmm. Sincere ba talaga itong loko na ito?

"Oo, Oo, Basta... tumayo ka lang diyan! Bilisan mo!"

Tumayo siya na may ngiti sa mga mata niya. Kaloko lang ang ngiting yun, parang ngiting aso lang.

Tinitigan ko lang siya.

At nahalata niya ang pagtitig ko na iyon.

"bat ka nakatitig sa akin nang ganyan, halika na at malamig." a-akbayan niya sana ako kaso lang bigla akong umiwas.

"HOY! NANLILIGAW KA LANG! WALA KANG KARAPATAN NA AKBAYAN AKO NOH! OVEEER!" umalis agad ako at naglakad na papauwi.

Nararamdaman ko na sinusundan pa din niya ako. Pero bahala siya. Bahala talaga siya. Mapapagod siya sa kakahabol sa akin at isa pa. Di ko naman siya gusto.

AAAAAAAAAAAAHHH!

Baka umasa toh? Hala. Pano na? Chapter 8

Chris' Point of View

Sinundan ko siya. Wala na bahala na kung ano ang mangyari sa aming dalawa. Basta, ang alam ko, pinayagan na niya akong mangligaw at yun na yun. Tapos na.

Pagpasok niya sa loob ng kwarto nila, nagulat ang kaibigan niya. "O? Anong problema?" sabi ng kaibigan niya.

Di naman sumagot ang maldita. Sinundan ko pa rin siya hanggang sa loob ng kwarto niya.

Nagulat siya at tumili nang pagkalakas-lakas.

"TUMIGIL KA NGA SA KAKASIGAW!!!" lumabas ako ng kwarto niya at nag-stay lamang ako sa may malapit sa pintuan.

"WAG KANG LALAPIT SA AKIN!!!" "hindi naman ako lumalapit sayo ah?"

"anong HINDE!?! EH SINUNDAN MO NGA AKO DITO SA LOOB NG KWARTO KO!!?!"

"eh.. eh.. sorry.. Kasi naman. Di ka namamansin."

"so kapag di na ako namansin, kahit sa CR susundan mo ako?!?!"

Napaisip ako. Nagawa ko na kasi dati yun. Nung nagalit yung dating girlfriend ko, sinundan ko talaga siya kahit sa loob ng CR ng pambabae sa mall.

Pasensya naman sa ugali ko. "Pasensya naman. Eh ugali ko na kasi yun. Ayoko kasing may nagagalit sa akin."

"tse!!! umalis ka muna dito! ayoko makita pagmumukha mo!" pabalibag niyang sinarado ang pintuan niya.

"Ganon talaga yan... Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga yan kapag... sandali... Nililigawan mo ba yan?"

"oo..."

"eh kaya naman pala..." "bakit?"

"ganyan yan kapag may nanliligaw, nate-tense siya nang sobra-sobra. Abnormal nga." natawa siya. At ako din naman napangiti.

Kakaibang babae talaga ito, lumapit ako sa kaibigan niya, "ano bang mga tipo ni Meg na lalaki?"

(20)

naisipang ligawan ang kaibigan ko? E samantalang kakakilala niyo palang sa isa't-isa?"

Di ako makasagot. Speechless talaga ako. Di ko rin alam kung bakit. Di ko alam kung paano. Teka, ano ba ang isasagot, naghihintay siya nang isasagot ko eh. Ano nga ba?! Bakit nga ba!?

"bakit di mo masagot?"

Talagang hinihintay niya ang sagot ko. Wala talaga akong maisagot.

"eh.. alam mo na, kapag tinamaan ka ng pag-ibig di mo na maiiwasan yun." "haaa? ano yun, lab at pers sayt!?" tumawa siya nang malakas at tumayo sa kinauupuan niya. Kumuha siya ng tubig sa ref. At bumalik ulit siya sa

kinauupuan niya.

"hindi sa love at first sight, sadyang, ambaet kasi nang kaibigan mo." "so meaning, nagkagusto ka sa kanya kasi mabait siya ganon?"

"hmm. oo. madali kasi akong mahulog sa isang babae lalo na kapag kindhearted." "hmm. ganon ba? Okay. Sa tanong mo kanina, ang gusto niya sa isang lalake eh yung matipuno, matiyaga, sweet, mabaet, at gentleman. Ayaw niya sa babaero, kaya wag na wag kang mambababae kapag naging kayo." "ano naman ang mga gusto niyang mga bagay?"

"bagay?"

"bagay. kasi siempre ngayong mangliligaw ako, kailangan, bigyan ko siya ng mga gamit or bagay na kinahihiligan niya."

"Tss. Kahit ano okay lang sa kanya. Pero kapag binigyan mo siya nang bulaklak, gusto niya yung sunflower. Ayaw niya nang rose or kahit anong klaseng bulaklak maliban sa sunflower."

"sunflower? meron ba dito non?"

"meron.. yun nga lang medyo mahal, pero kaya mo yan, gusto mo siya diba? Gawin mo lahat para makuha mo siya."

Sunflower? Anak ng pusa... Di ko naman alam kung saan makakabili non. Pero bahala na. Basta gagawin ko lahat. Makuha ko lang siya.

Meg's Point of View Ring!

Ring! Ring!!!

Ano ba yun!?! Bakit parang may nagri-ring!? Pilit kung inabot ang cell phone ko.

"hello?" antok ko pang sinasabi.

"GOOD MORNING SUNSHINE!!! GISING NA AT UMAGA NA!" "haaaa? Sino ba toh??"

"Si Chris."

Nagulat ako at napatayo sa higaan ko, "ANO!?!!"

"gumising ka na at pupuntahan na kita diyan, magdadala ako ng breakfast. Sabay tayo mag-breakfast."

"HAAAA!?!! Alam mo ba kung anong oras lang!?!" "Oo. 6:30am.."

"ANO BA NAMAN CHRIS!?!? WALA KABANG MAGAWA SA BUHAY MO!?!?! Natutulog pa ako.."

"alam ko. Kaya nga ginising kita diba?" Inis na inis ako.

(21)

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

AAAAAG!

Nagkagutay-gutay ang cell phone ko. Hmmp! Bahala na. Natutulog pa kasi ang tao tatawag-tawag. Walang magawa talaga sa buhay yung taong yun. Humiga ulit ako sa kama at kinuha ko ulit ang tulog ko.

After ilang minutes...

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

AAAAG!

Na-alimpungatan ako sa tunog at napabangon agad ako sa higaan,

"WAAAAAAAA! MAY UNGGOY!! AYYY KAMOTE!! AY... AY!!! AY!!!!" ang bilis ng tibok nang puso ko, at ang buong buhok ko pa eh nasa pagmumukha ko. "GOOD MORNING SUNSHINE!!!!"

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!

Alam ko kung kaninong boses yon... CHRIIIIISSSSSSSS?!!??!

Itinali ko agad ang buhok para makita ko siya nang direchuhan. Pagkatali ko, tinignan ko siya nang masama.

"wag mo na akong tignan nang masama. Alam ko naman na galit ka sa akin dahil sa pag gising ko sayo. Wag ka nang magalit diyan at kumaen na tayo dito sa kusina. Marami akong dalang breakfast."

Napa-buntong hininga na lang ako.

Paglabas ko, tinawag ko agad si Ella, "pano nakapasok yan dito?" "pinapasok ko."

"HUUUUH!?! Bakit?!"

"nakakaawa naman eh. Yaan mo na, atlis di ka na magluluto nang breakfast diba?" lumayo na agad sa akin si Ella at dumirecho sa kusina.

"tara na dito Sunshine... kumaen ka na.."

Wala na akong nagawa kung hindi pumunta sa kusina. Antok na antok pa talaga ako, yung mata ko papikit-pikit pa.

Pag-upo ko, ginulat ako ni Chris, "AYYYY SIOPAOOOO!" pinalo ko agad si Chris sa braso niya. At tawa lang siya nang tawa.

Ano ba itong taong ito, nakaka-tense naman talaga. Bakit ganito siya!? Nakakaloko lang.

Chapter 9

Chris' Point of View

Natutuwa ako kasi pinayagan na ako ni Meg na manligaw sa kanya. Natutuwa ako kasi, kahit papano, nakikita ko siya.

Kailangan ko ng lakas para di ako sumuko dito sa babaeng ito. Feeling ko kasi, siya na talaga ang para sa akin.

"kaen ka pa. Alam ko naman gustong-gusto mong kumaen."

"che! tigilan mo nga ako... Ang aga-aga mo mang gising, pwede naman mamaya na lang mga 10 or 11.. Bakit sa ganitong kasarapan pa nang tulog ng tao..." napakamot pa talaga siya sa ulo niya.

"mabute na yung gumising ng maaga. sige sige, kain lang at tayo'y mag-jajogging..."

(22)

"HUUUUUUUUUUUUUUUH!?! ANONG JOGGING!?!! OKAY KA LANG!?!! ANG LAMIG LAMIG EH!!!"

"yun nga ang maganda don. Saka tignan mo, yung mga tao sa baba, nagjajogging." "eh sila yun!"

"hindi.. Magja-jogging tayo sa ayaw at gusto mo!!!" BWAHAHAHAHAHAHAHA!

Walang nagawa si Meg kung hindi ang mag-jogging kasama ako. Alam ko naman na naiinis siya sa ginagawa ko, pero natutuwa ako kasi, sumasama naman siya sa akin.

AFTER 10 MINUTES NA JOGGING

"CHRIS! CHRIS!" huminto siya sa pag-jogging. "Uwi na tayo, di ko na kaya." Namumutla na nga siya, "sige. Tara na." Hinawakan ko agad siya dahil mukhang tutumba na siya. Nako. Kasalanan ko kasi to e.

Dali-dali ko siyang dinala pauwi. Ang bilis nga nang pagkakatakbo ko nang dahil lang sa kanya.

Pagdating palang namin sa luob ng bahay, inihiga ko agad siya sa may sofa at tuloy-tuloy pa din ang pakikipag-usap ko sa kanya.

"Meg. MEG! NARIRINIG MO BA AKO!?!! MEEEG!" kinakabahan na ako. Ano ba itong babaeng ito. Kulang na kulang nga talaga sa tulog.

"Ui! Ui! ANONG NANGYAYARE!?!?!"

"nagtatanong ka pa! Edi namumutla itong kaibigan mo!" Umalis bigla si Ella at may kinuha sa loob ng ref.

Pagbalik ni Ella, tinanong ko siya, "ano yan?" "ipainom mo sa kanya to dali!"

Ipinainom ko muna sa kanya ang gamot at tinignan kung ano ang magiging epekto nang gamot kay Meg.

Mga ilang segundo lang, bumabagal na ang paghinga ni Meg, parang nagiging normal na ang paglabas ng hangin sa kanyang bibig at ilong. Nang kumalma na ang paghinga ni Meg, hinarap ko si Ella, "may sakit ba siya?"

"anemic kaya yan... Ikaw kase eh, ginising-gising mo ng maaga yan tuloy." "Ha? Ako pa ang may kasalanan ngayon..."

"eh kase kung hindi mo naman siya ginising nang maaga edi sana tulog pa yan hanggang ngayon. Tapos pinag-jogging mo pa. Papatayin mo ata yang kaibigan ko e."

"hindi a. Malay ko ba na may sakit siya na ganon." "Nagtatanong ka kase dapat..."

Pagtingin ko ulit kay Meg, natutulog na siya. Hinayaan ko na lang siyang matulog, kasi kasalanan ko pala kung bakit siya nagkaganito. Nakakagulat ang mga pangyayari ngayon. Pero atlis, dahan-dahan ko nang nakikilala si Meg. Mabuti na yung ganito kesa sagutin niya ako ng wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa kanya.

Meg's Point of view

Parang ang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? At anong oras na ba?

Tumayo ako at nagulat na lang ako at nasa sofa na naman ako.

Nakita ko agad si Chris na natutulog na nakaupo sa tabi ko. Aba, at sincere pala ang loko sa akin. Hindi kapani-paniwala ang mga ginagawa nitong taong ito. Nakooo.

(23)

doon.

"ooh? Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?"

"para akong may rayuma. Ang sakit ng laman-laman ko."

"nabigla ka na naman kase sa pag-ja-jogging. Panong jogging ba ang ginawa niyo?"

"ang bilis kasing mag-jogging ni Chris, siempre, hinahabol ko siya, ayun, napagod ako. Bumigay na ako."

"oo nga e. namumutla ka na nga kanina, para kang patay na..." "HOIST! Wag ka ngang magsalita nang ganyan."

Tumawa siya pero huminto din siya agad, "e ano bang balak mo jan ke Chris? Sasagutin mo ba yan o hinde? Mahirap mag-paasa nang tao Meg."

"di ko din alam Ella. Di ko din alam." "e ano bang usapan niyo niyan?"

"sabi niya, wag na daw akong bumalik nang pinas, pag-aaralin na lang daw niya ako dito."

"yun naman pala e. Edi yaan mo na. May magpapaaral naman pala sa iyo." "Pero hindi sa ganon Ella. Di ko kase alam kung ano ba talaga ang

nararamdaman niya talaga para sa akin, at saka isa pa, kakakilala pa lang nameng dalawa. Paano ako makakasigurado na simple lang yang taong yan diba?"

"bahala ka.. Ikaw na ang mag-desisyon niyan. ayoko nang makialam." "Ewan bahala na. Tignan nalang natin..."

R13 ***1***

Hay naku, siraulo talaga yung tao na yan. Akalain mong ibato sa akin yung ballpen niya? Mukhang metal pa

man din! Kapag ako nagkabukol nito, kasalanan niya. Pasalamat siya kahit teacher siya close kami.

"Ang sakit nun ah!" hinawakan ko naman yung noo ko.

"Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Ilang beses ko nang inexplain sa 'yo." sabi niya sa akin tapos pinulot

niya yung ballpen niya sa ilalim. "Naiintindihan ko." tumangotango

naman ako pero sa totoo lang, hindi ko talaga naintindihan, "Para Sports Curriculum lang naman! Ano namang mahirap intindihin dun?"

"O sige, ulitin mo nga yung sinabi ko?"

"Uhmmm, yung sports kagaya nung mga regular classes eh considered.. academic ng sports curriculum. Yung

ibang activities, extracurricular." "Yan yung shorter version." Narinig ko namang nagalarm

na. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko. "Akalain mo yun, nasave

ako ng alarm! Paano ba yan, alis na ko! Alam ko namang tanggap na ako doon sa sinalihan ko! Ayoko yatang malate!"

Tumakbo na ako palabas nun. Sumigaw pa siya ng pahabol.

"Sa susunod nga magsuot ka naman ng blouse! Hindi pa kita nakikita magsuot ng blouse!"

(24)

"Alis na ako!"

Nung nakalabas na ako ng Guidance Office, inayos ko naman yung sumbrero ko at nalalaglag na yung buhok

ko. Nagpunta lang ako doon sa Guidance para maintindihan ko yung terms. Isa pa, galing kasi ako sa Computer

Curriculum. Nagiba

yung interest ko kaya lumipat ako sa Sports.

Pagdating ko doon sa room na kung saan nila sinabi na doon daw magkitakita, naupo ako doon para

maghintay. Please lang sana nakuha ako.. please lang...

Tinignan ko yung relo ko. Anak ng tinapay! Sinabihan nila ako na sharp pumunta dito tapos sila yung wala!

Kakainis na mga yun.

Nagsisimula na akong mabwisit nun hanggang sa nakita kong may tatlong lalaki na naglalakad ng mabilis.

Yung dalawa doon eh namumukhaan ko dahil sila yung nagpatryout sa akin at sinabi nila na ok na ok daw ako.

Aba, mukhang malaking pagasa!

Yung isa naman na hindi ko kilala eh masyado namang seryoso at naupo doon sa table na nasa harapan ko.

Narinig ko yung pinaguusapan nila nung dumaan sila.

"Bro, sinasabi ko sa iyo itong Chris? Magaling!" sabi nung isa na katabi niya. Bumulong naman yung isa.

"Oo nga bro, kahit anong mangyari.. isipin mo.. yung Chris.. magaling!" nakioo naman yung isa.

Mukhang nairita yata yung isa kaya huminto, sa harapan ko pa.

"Kayong dalawa, bakit ba ang weird niyo kumilos ngayon? Kung ibrainwash niyo ako parang nakagawa kayo

ng kasalanan. Kung magaling yung Chris, e di magaling!" Teka.. parang kilala ko na yung pinaguusapan

nila. Nagbye

naman yung dalawang nagpatryout

sa akin at ang naiwan na lang doon sa loob eh ako at yung lalaking seryoso. Nagtingintingin

siya sa paligid niya tapos natigil siya sa akin.

"Excuse me, busy kami ngayon so mamaya na lang po kayo mangistorbo." Napataas yung kilay ko.

Tumayo naman ako sa harapan niya.

"Late na yung Chris na yun, kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"

Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to. "Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.

"Pinapuntapunta

niya ako dito ng 3 o' clock sharp tapos pinapaalis mo ako? Ang gulo talaga ng mga lalaki!" tumalikod ako para lumabas ng pinto.

Hinwakan naman niya ako sa braso ko.

"I'm sorry?" tinignan niya ako ng nagtataka, "Bakit ka naman namin papupuntahin dito?"

"Eh kasi po, yung mga kasamahan mo sinabi nila pumunta daw ako dito dahil pasok daw ako from tryouts

(25)

pero kailangan ka pa kausapin." "Tekateka,

isa lang yung nakapasok from tryouts. At ang pangalan eh Chris. You're not Chris." Ooh... parang alam ko na yung iniisip nito.

"Chris nga pala." inextend ko yung kamay ko pero hindi niya tinanggap. Pigilan niyo ko!! Tinalikuaran ba naman ako.

"A girl? Skateboarding? No way!" abaaba,

anong masama kung babae ka! "Kung hindi ko lang alam, nilagay

mo lang na Chris yung pangalan mo para makuha ka dahil alam mong hindi kami tatanggap ng babae."

Sasampalin ko 'to eh!

"Kasalanan ko ba kung Chris ang pangalan ko? Chrisandra Orellana nga pala.. Chris for short." nagiinit

talaga yung ulo ko.

"Nobody mentioned that.. you're a girl." "Napansin ko nga!!!"

Nanahimik kami parehas doon at walang nagsalita. Siya naman, nakatingin doon sa table niya. Naisipan din

naman niyang magsalita. Finally..

"Alam mo naman na mahirap tumanggap ng babae. Isa pa, skateboarding yun!"

"Ano namang problema kung babae ako?" hinigpitan ko lalo yung sumbrero ko. "Kaya ko naman eh."

"Iba kasi ang mga babae sa mga lalaki. Mas mabilis kayong magpanic." Yun lang?!? Gusto kong matawa sa kanya.

"Hindi kita pwedeng tanggapin." Napatayo ako ng mabilis.

"Hindi pwede yan! Magrereklamo ako sa Guidance! Sa Principal! Kahit kanino! Alam mo ba kung anong

ginagawa mo? Sexual discrimination! At bawal yan sa school rules, code 3, paragraph 4, line 2!"

"Okok!

Huwag mo nang sabihin sa akin yung history ng rules ng school! Fine.. you're in!" Nagtatatalon naman ako sa tuwa. Pasok na ako! I can't believe it.

May kinuha siyang papel doon sa drawer niya, nagsusulat ng kung anuano.

"Pirmahan mo na lang dito at ipapasa ko yan sa office." mukhang iritado pa rin siya. "Pwede ka na rin. Sabi

naman nila magaling ka saa isa pa..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.. "You look like one of us."

Pinirmahan ko naman yung papel na kung ano man yun. Saka naman nung natapos kami eh may nagingay

doon sa labas.

"Yes! yes! Thanks bro!"

"Huwag kayong lumapit sa akin at may atraso pa kayo!" Nagtawanan naman yung dalawa.

"Welcome sa team Chris." ngumiti naman ako.

"Ako nga pala si Slasher!" tapos pumorma naman sa harapan ko. "Codename ko." "Ako naman si Black Panther!" isa pa yun, pumorma din na akala mo naman totoo. "Ok naman pala ang codenames niyo eh!" tinapik ko yung isa sa balikat.

Tumayo naman yung kaninang kasigawan ko. Mukhang ito ang pinakamasungit sa kanilang lahat eh. Pumunta

(26)

siya doon sa pintuan pero hinabol siya ni Slasher daw. "At ito naman si Ash!" inakbayan naman niya.

"Aba.." naisipan ko namang purihin at baka bumait, "Maganda rin ang codename mo ha! Ash! Parang... kapag

may apoy.. at may sinunog ka.. 'di ba? Yung sa Digimon ba yun?"

"It's Pokemon not Digimon." tuluyan na siyang lumabas. "And it's not my codename... it's my real name."

Tinakpan ko na lang yun bibig ko.

"Sabi ko nga!" sumigaw na lang ako at sana lang eh narinig niya. Ngumiti na lang ako magisa

at nakita ako nung dalawang kanina pa nangungulit. Nung nandito silang tatlo, lahat sila mga lalaki. Sana maenjoy

ko ito. Syempre, bagong experience. Hindi naman ako magaling magskateboard eh. Naisipan ko lang. Sabi nila magaling daw ako.. ewan ko.

Pero syempre, bakit naman ako matatakot magtry ng panglalaki

'di ba? Sila lang ba yung mya kaya nun? At kung tutuusin, kayangkaya

kong pumorma at kumilos gaya nila. Katulad ngayon...

Nung tatlo silang kasama ko dito sa loob... parang hindi ako kakaiba. Isa pa, matagal ko naman nang naririnig

sa mga tao sa school na ito..

'Ahh.. si Chris ba? Sino namang magkakagusto dun?' 'Eh mas maangas pa yata sa akin yun eh!'

***2***

Lumabas na ako doon sa loob nung room at naglakad na rin. Tinignan ko yung papel na copy ko nung

pinapirmahan niya sa akin. Pagkabasa ko eh ito yung nakasulat sa handwriting niya. R13

Skateboarding Team Hmmm.. bakit kaya R13?

Kung sabagay at kung meron pa siguro silang ibang members na hindi ko nakikilala maliban doon sa tatlo, ewan ko na. Mukhang makukulit kasi sila eh.

Isa sa nagustuhan ko dito sa Sports Curriculum eh yung uniform. Jogging pants kasi ang regular. Syempre ako,

kumuha ako ng Large na Tshirt

at XL na pants. Gusto ko kasi malaki eh. Isa pa, yun naman yung nakasanayan ko.

Nung nasa Computer Curriculum ako, skirt at blouse naman yung regular uniform. Pero ako eh kumuha ng

pagkahabahabang

skirt na talagang aabot sa ankle ko, at hindi ako bumili ng blouse. Tshirt din na malaki

yung binili ko pero school related. Tapos naka rubber shoes ang madalas kong attire with sumbrero. Hindi ko

kasi maimagine na nakablouse

ako. Kaya nga sa Guidance kanina sinabihan ako na magblouse daw ako

paminsanminsan.

(27)

Hinanap ko na yung classroom ko. Malapit na din naman ng maguwian kaya ok lang kahit hindi na ako

pumasok. Nung nahanap ko na yung room number ko, tumingin muna ako sa bintana at mukhang ang ingayingay

nila sa loob. Yun pala eh mag nagsasayawan doon at palakpakan naman yung iba. Wala kasing teacher.

Nung lumapit ako ng kaunti... alam ko na kung sino. Kung hindi lang din naman si Shalyna Salinas, ang

pinakamaarte sa lahat ng pinakamaarte. Alam ko exaggerated na masyado, pero kahit kailan talaga hindi ko

siya magustuhan.

Kung sa movies at may nakikita kayong popular girls na mean, at sa totoong buhay eh hindi naman sa lahat ng

school eh may ganun, dito sa school namin eh meron at usonguso. Palibhasa kasi malakas siya sa principal ng

school.

Naghintuan naman silang magpalakpakan at parang alam ko na kung bakit. Nakatingin si Shalyna sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na may isa pa pala akong fan na nasa labas? Bakit hindi niyo papasukin!" nagkukunwari lang naman siya nun pero nagtawanan yung iba. Paglabas niya eh tumingin siya sa

akin, "Ooh, I thought you're a guy! Oops, my bad! Malay ko ba na si Chris pala!" "Really? Ang labo na pala ng mata mo. Mag salamin ka kung may problema ka sa paningin. Ay hindi pala,

contacts na lang. You look like one of the geeks kapag salamin eh. So, why not try faking it?" dumaan ako at

nabangga ko yung isang balikat niya. Nagcheer

naman yung iba sa akin. Akala niya ha! Excuse me? Ako Shalyna?! In your face! Dumaan na ako dun at naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa bandang dulo at syempre,

nadaanan ko yung iba. "Hi Chris!"

Nakipagtapikan

lang din ako sa kanila gaya ng ginagawa ng mga lalaki. Panay pa ang sabi nila sa akin ng 'Bro

musta na?'..

Naupo ako doon sa dulong upuan at yung mga katabi eh malalayo so magisa lang ako doon. Nagchewing

gum

pa nga ako eh. Tapos dumating yung isang teacher. Dahil ako lang yung nakasumbrero, napansin ako kaagad.

"I can see na may bago pala tayong makakasama.." "Yeah, a bubblehead freak!"

Hindi ko na pinasin si Shalyna nun. May teacher kasi kaya hindi na muna ako papatol. "Mr... I mean Miss.. uhmm.. pwede tumayo ka dito at magpakilala ka?" see? Pati teacher nagkakamali sa akin

sa unang tingin.

Kapag hindi mo kasi ako kilala at isang beses mo lang akong tinignan, siguro nga lalaki ang tingin mo. Pero

kapag ilang beses mo akong titignan, mapapansin mo na babae pala ako. Even in the inside.

Referensi

Dokumen terkait

Bioteknologi adalah cabang ilmu yang mempelajari pemanfaatan makhluk hidup (bakteri, fungi, virus, dan lain-lain) maupun produk dari makhluk hidup (enzim, alkohol) dalam proses

Pada bab ini berisi penjelasan yang berisi rangkuman hasil penelitian dari seluruh data yang telah dianalisis sebelumnya, yang berfungsi dalam memberikan jawaban

Persepsi bunga bank dan kualitas pelayanan secara simultan memilki pengaruh yang signifikan terhadap minat menabung pada Bank BNI Syariah di Kota Semarang sebesar 0,520

Salahsatu permasalahannya adalah status gizi kurang ataupun gizi lebih, penyebab terjadinya permasalahan gizi tersebut adalah diduga karena pola makan yang salah atau tidak tepat

Informasi sebagaimana tercantum dalam Keterbukaan Informasi ini adalah mengenai rencana Transaksi yang akan dilaksanakan Perseroan, dimana Transaksi akan dibedakan menjadi (3)

Denver II adalah salah satu metode skrining terhadap kelainan perkembangan anak, yang dibuat oleh Fran Kenburg & J. B Dodds untuk mengetahui perkembangan bahasa anak pada

Ada beberapa aspek yang sudah diperhatikan secara serius oleh masyarakat desa Ngluwur untuk mengembangkan air terjun banyunibo ini supaya dapat menjadi tempat wisata yang

Pemeriksaan $mage ua&it1 secara berka&a untuk men%aga k*a&itas sehingga ti!ak a!a catat atau "enurunan k*a&itas se&ama "era&atan masih !igunakan