Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat
PANIMULANG PAGSUSULIT
III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang
Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto ganitong format: I. Paksa 1 A. Paksa 1.1 1. ideya 2. ideya B. Paksa 1.2 1. ideya 2. ideya II. Paksa 2 A. Paksa 2.1 1. ideya 2. ideya B. Paksa 2.2 1. ideya 2. ideya III. Paksa 3 A. Paksa 3.1 1. ideya 2. ideya B. Paksa 3.2 1. ideya 2. ideya
(maaari pang dagdagan kung kulang)
Isulat sa pisara ang mga katangian ng isang mahusay na balangkas, mula sa ginawang talakayan ng mga mag-aaral.
Takdang-aralin:
Magsaliksik sa Internet tungkol sa mga paksang may kinalaman sa Pilipinas. Pumili lamang ng isa sa mga paksa: 1) Simbahan sa Quiapo 2) Mga Katutubong pag-unawa sa sakit o
karamdaman
3) Kultura ng Milenyal na kabataan
4) Industriya ng call center sa Pilipinas
5) Masamang epekto ng paglalaro ng Video Games 6) Facebook sa Pilipinas at iba pa.
7) (Kahit anong paksa na may pahintulot at pagsang-ayon ng guro)
III. Pagnilayan at Unawain Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Itanong sa mga mag-aaral
ang kanilang natutuhan o naunawaan sa
pagbabalangkas gamit ang grapikong presentasyon.
Gumawa ng isang
balangkas na may 3 antas ng ideya (I, A, 1) hinggil sa isang partikular na paksa na nakaugnay sa kahit na anong malalaking paksa mula sa ibinigay na takdang-aralin.
28 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto na “ang layunin ng balangkas ay makapagbigay ng isang mahusay na “imahe” sa anumang isusulat na teksto.” Gumamit ng papaksang paraan para sa pagbuo ng balangkas sa gawaing ito. Maglaan ng 15 minuto para rito.
Pangkatin ang mga mag-aaral na may
magkakaugnay na paksa. Ibabahagi nila ang mga balangkas na inihanda sa bawat isa. Pag-usapan kung malinaw o hindi ang “imahe” na ibinibigay ng balangkas.
Magbigay ng mga mungkahi sa bawat isa, upang mas mapahusay pa ang mga balangkas na ginawa.
Pag-usapan ang
mahuhusay na balangkas upang gawing halimbawa at/o gabay sa klase, at ihandang ibahagi ito at talakayin sa harap ng klase. Maging gabay ang guro sa talakayan.
29 ARALIN 2.2: Pagsulat ng Buod
Linggo: 5
Deskripsyon: Pag-alam at pag-unawa sa proseso ng pagbubuod bilang mahalagang bahagi ng akademikong pagsulat.
I. Tuklasin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Tanungin ang mga
mag-aaral kung ano ang kanilang paboritong pelikula. Itanong kung ilang oras ang haba ng mga ito.
Sabihin sa mga mag-aaral: “Kapag pinakukwento sa inyo ang paborito ninyong pelikula, hindi ba mas maikli na lamang ito? Sa ganitong konsepto rin umiikot ang pagbubuod. Ngunit, paano ba
ginagamit ang pagbubuod sa akademikong pagsulat?” Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang sagutin ang tanong. Tandaang walang maling sagot dito. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang palagay tungkol sa gamit ng pagbubuod sa akademikong larangan.
Itanong: “bakit kaya ito...” 1) nagpapahusay ng
kasanayan sa pagbabasa? –
pagtiyak sa mga pangunahing ideya sa
30 Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto binabasang teksto. 2) nagpapaunlad ng kritikal na pag-isip? – paghatol o pagpapasya sa mahahalagang ideya ng teksto na isasama sa buod.
3) nagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat? –
dumaraan sa masusing pagpili ng sariling mga salita at pagbuo ng mga pangungusap ang isang pagbuod. II. Linangin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-usapan sa klase:
“Paano masasabing buod ang mga bionote nina Virgilio Almario at Bienvenido Lumbera na makikita sa inyong babasahin?” Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ideya.
Sabihin sa mga mag-aaral: “Upang mas maunawaan natin ang pagbubuod, basahin ang akademikong journal na pinamagatang
Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari, at
salungguhitan ang mahahalagang ideya rito. Mula sa natutunan at
Kumustahin ang paggawa ng buod ng mga mag-aaral. Tanungin ang ilang
problema na kanilang pinagdaanan sa pagsulat. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot. Talakayin ang mga paraan na kanilang ginawa upang malagpasan ang mga problemang kinaharap. Bilang gabay, ikakategorya ang mga ito ng guro na maaaring may kinalaman sa:
1) paghanap ng mahahalagang ideya 2) pagsulat gamit ang mga sariling salita at
pangungusap 3) angkop na
pagkakasunod-sunod ng mga ideya batay sa orihinal
31 naunawaan sa naunang
aralin:
1) gawan muna ng balangkas,
2) Paalalahanan ang mga mag-aaral. Sabihin ito: “Bago sumulat ng isang buod para sa nasabing artikulo, tandaang dapat ay maging 1/4 o 1/3 lang ito sa kabuuang haba ng orihinal na artikulo.”
na teksto.
Sabihin sa mga mag-aaral: “Bumuo ng triad. Sa loob ng 15-20 minuto,
kinakailangang mabasa ng iyong mga kapangkat ang buod na iyong isinulat. Samakatuwid, ang bawat isa sa inyo ay makababasa ng dalawang buod mula sa iyong mga kapangkat.” III. Pagnilayan at Unawain
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Matapos ang itinakdang
oras, kinakailangang pag-usapan nila sa triad kung kaninong buod ang
pinakamahusay, gamit ang ganitong pamantayan: 1) Tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangunahing ideya.
2) Angkop na paggamit ng mga salita at wastong pagkakabuo ng mga pangungusap
3) Gaan at dali ng pagbasa. Para sa mga mapipiling pinakamahusay na buod, ipapaskil ang mga ito sa apat na haligi ng silid-aralan. Sa loob ng 20-30 minuto, kinakailangang mabasa ang mga ito ng mga mag-aaral.
Bilang pagtatapos ng sesyong ito,
32
mapagbotohan kung anong buod para sa kanila ang pinakamahusay sa lahat. Magsisilbi itong exemplar o padron para sa lahat. Maaari ring mag-usap ang buong klase hinggil sa isang alternatibong padron, nang sa gayon ay hingi naikakahon ang isip nila sa isang “mahusay” na
padron.
Takdang-aralin: Basahin ang
Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang
Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ’70. Gawan ito
ng balangkas ayon sa mga pangunahing ideya ng artikulo. IV. Ilapat Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Mga Kasanayang Pampagkatuto Para sa sesyong ito, gamit ang ginawang balangkas hinggil sa Ang Himagsik ni
Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ’70 ay susulat
ang mga mag-aaral ng buod nito.
Ibigay ang panghuling pagsusulit.
33 KABANATA 2
PANGHULING PAGSUSULIT
I. Isulat ang P, kung pangunahing ideya; at isulat naman ang S, kung suportang ideya ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na paksa. (2 puntos bawat isa) _____ 1. Hudeo-Kristiyanong tradisyon ng paggamot
_____ 2. Katutubong tradisyon ng paggamot _____ 3. Paggamot sa kasaysayang Pilipino _____ 4. Siyentipikong tradisyon ng paggamot _____ 5. Luma at bagong tradisyon ng paggamot
II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
_____ 1. Nagsisilbing giya o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas. _____ 2. Kadalasan,1/4 hanggang 1/3 ng kabuuang teksto ang buod nito.
_____ 3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw (deductive) na pag-aayos ng mga ideya
_____ 4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala o pangungusap bilang paksa ng bawat aytem.
_____ 5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga suportang ideya ang bawat pangunahing paksa.
III. Ilahad ang pagkakaiba at pagkakapareho ng balangkas at buod. (20 Puntos) MGA SAGOT I. 1. P 2. S 3. S 4. S 5. S II. 6. TAMA 7. TAMA 8. TAMA 9. TAMA 10. TAMA
34 KABANATA 3
PANIMULANG PAGSUSULIT
I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA; kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
_____1. Isang mahalagang rekord ang katitikan ng pulong hinggil sa mga napag usapan at napagtibay ng isang partikular na organisasyon.
_____2. Ang ulat ng mga napag-usapan at mga aksyong gagawin ay ang siyang pinakamahalagang impormasyon na makikita sa katitikan ng pulong.
_____3. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.
_____4. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya kapag sumusulat ng tekstong naglalahad.
_____5. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukwento ng isang pangyayari o mga pangyayaring magkakaugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan. _____6. Ang mga tekstong naglalahad at naglalarawan ay nagpapahayag ng mga
katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.
_____7. Nanghihikayat pumanig sa opinyon ng tagapagsalita ang akademikong sulating nangangatwiran.
_____8.Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
_____9.Sapat na ang matitibay na argumento sa posisyong papel kahit walang ebidensya.
_____10.Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga pahayag.
II. PAGPILI NG SAGOT. Piliin ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat isa) 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?
A. lugar ng pulong
B. pangalan ng organisasyon C. oras ng pagtatapos ng pulong
2. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Mga Dumalo B. Ikatlong Agenda
35
3. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing katitikan ng pulong?
A. audio recorder B. bolpen at papel
C. katitikan ng nakaraang pulong
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad? A. Matangos ang ilong ng babae.
B. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran? A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa. 6. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel. B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento. C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari. 7. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu.
8. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. narinig na kwento B. balitang napanood C. sariling karanasan
9. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca
Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha?
Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo
36
bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha?
A. kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo B. mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo C. mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling
mananalo
10. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi
ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing pahayag?
A. pagkilala ng sariling wika B. intelektwalisasyon ng wika C. pagtakwil sa dayuhang wika
MGA SAGOT