LEARNING MODULE TITLE
Mga Konseptong Pandiskurso
LEARNING MODULE RATIONALE
Bawat indibidwal ay may paraan kung paano
ipahahayag ang kaniyang naiisip at nadarama. Ito ay
kaniyang naisasagawa ayon sa kaniyang hangarin. Ang
pagkakataong maibahagi ang saloobin ng tagapagsalita sa
tagapakinig ay isang bagay na pinahahalagahan ninuman.
Sa modyul na ito ilalahad ang mga mahahalagang
konseptong pandiskurso: kahulugan ng diskurso, pasalita at
pasulat na diskurso, teksto at konteksto ng diskurso at mga
teoryang pandiskurso.
LEARNING OUTCOMES
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
A. Nabibigyang kahulugan ang diskurso
B. Naiisa -isa ang mga uri ng teksto
TEACHING STRATEGIES/LEARNING ACTIVITIES
1.brainstorming
Pagbibigay ng mga mahahalagang tanong ukol sa diskurso 2. TRIVIA 3. STORY TELLING 4. Panood /Pakikinig RESOURCES/MATERIALS Video presentation Powerpoint presentation Paggamit ng musika LEARNING CONCEPT
Katuturan ng Diskurso
Ito ay pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangaring maunawaan at unawain ang kausap na maaaring maisagawa nang pasalita o pasulat.
Mula ito sa Latin na discursus na nangangahulugan ng pagtutuloy-tuloy.
Ito ay kumbersesyunal na interaksyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig
Ito ay nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan.
Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon
Paraan ng pagbuo ng kaalaman, kaisipan, o pangangatwiran para sa masining na pagpapahayag.
Halimbawa :
Kakayahan ng tao sa pakikipag-usap, pagkukuwento, pagbabalita o anumang proseso ng taong makipag-ugnayan
Pasalita at Pasulat na Diskurso
: Paghahambing
DISKURSONG PASALITA
DISKURSONG PASULAT
Gumagamit ng Wika
Gumagamit ng Wika
May layunin/mensahe
May layunin/mensahe
May encoder at decoder
May encoder at decoder
Naririnig
Nababasa
Binibigkas
Sinusulat
Di halos napaghahandaan
ang mga
ideya/impormasyon
May mahabang panahon ng
paggawa
Halimbawa:pakikipag-usap
Halimbawa:disertasyon/thesis
Pasulat man o pasalita ang diskurso, gamagamit ito kapwa ng mga panandang pandiskurso upang maghudyat ng:a. sunud-sunod na pangyayari
Halimbawa: una, bilang pangwakas b. pagtitiyak
halimbawa: gaya ng mga sumusunod, tulad ng c. paglalahat
halimbawa: anupa't , samakatuwid
d. paghahalimbawa
Halimbawa: sa pamamagitan ng e. pagbibigay-pokus
Halimbawa: ukol sa, pansinin sa f. pagbabagong lahad
Halimbawa: sa madaling sabi, sa kabilang banda
Halimbawa: subali't ,datapwa't ,sa aking palagay
Teksto at Konteksto ng Diskurso
Teksto:
Ito ay binubuo ng mga pangungusap na isinaayos upang maghatid
ng mensahe.
Hal: mga artikulo, editoryal, balita atbp.
Uri ng Teksto
Naratibo - teksto na naglalayong magsalaysay ng isang pangyayari na
may tiyak na ayos ng pagkakasunud-sunod sa galaw at kilos. (pagkukuwento)
Impormatibo – tektong naglalayong magbigay ng kongkreto at tunay na
impormasyon sa bumabasa/nakikinig. (pagbabalita sa midya)
Persuasive– tekstong may layuning manghikayat na pumanig, maniwala at
umayon sa sinasabi. (patalastas ng produkto)
Deskriptibo – tekstong naglalayong maglarawan ng tiyak na katangian o
anyo panlabas man o panloob ng tinatalakay na paksa. (Pinoy Henyo)
Argumentative – tekstong tumatalakay o nagtitimbang ng paksa o
maaaring dalawang nagtatalong isyu na batay sa sariling pananaw o palagay ng encoder (Editoryal)
Procedural – tekstong may layuning magturo kung paano gawin ang isang
bagay, naglalahad ng mga pamamaraan sa paggawa o pagbuo, (cook book)
Expository – teksto na nagsisiwalat ng katotohanan at detalyadong
binubusisi ang isang paksa, gayundin ito ay tila pinagsama-samang iba pang uri ng teksto. (dokumentaryo)
Konteksto ng Diskurso
Pagbuo ng interpretasyon mula sa pangungusap o pahayag.
1. Kontekstong Interpersonal- hal. usapan ng magkaibigan
2. Kontekstong Panggrupo—hal. pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
3. Kontekstong Pang-organisasyon—hal. memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado
4. Kontekstong Pangmasa—hal. pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
5. Kontekstong Interkultural—hal. pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN 6. Kontekstong Pangkasarian—hal. usapan ng mag-asawa
Mga TEORYA sa DISKURSO
1. Speech Act Theory—tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala,
paghihimok at iba pa.
Halimbawa:
BABALA! Madulas ang sahig. (Sinumang mapapadaan ay pinapayuhang
mag-ingat.)
“Nawala ang pitaka ko”. (Maaari ka bang tumulong / pwede bang pautang)
Isinulong ni John Langshaw Austin (1962) at pinalawig ni John Rogers Searle,
pilosopo ng wika sa Britanya na nakilala sa kanilang paniniwala na kayang mabago ng salita ang realidad.
ang pananalita o diskurso ay kaugnay ng aksyon. 3 ASPETO NG SPEECH ACT
Aktong Locutionary pagsasabi ng mga tiyak na kahulugan sa tradisyunal na paraan.
Hal. Maraming pumasok na mag-aaral sa silid.
pag-uutos o pagbababala atbp . Ito ay pagpapabatid n gating “intensyon” sa ating sinabi o sinulat.
Hal. Alam mo ba kung anong oras na? Wala na kong pera!
Sige, pumasok ka na.
Aktong Prelocutionary Ito ay tumutukoy sa magiging reaksyon o pagkilos na
gagawin ng tagapakinig o bumasa mula sa illocutionary act.
2. Ethnography of communication—nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern, at tungkulin ng pagsasalita; ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamarang
partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad Ethnography of Communication
Pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962, isang sosyolinggwist na nagsulong sa kahalagahan ng antropolohiya sa linggwistika.
Unang tinawag na “ethnography of speaking”
Ang teoryang ito ay nakatuon sa kakayahang komunikatibo ng tagapagsalita higit sa kakayang gramatika ng wika na ginagamit sa diskurso.
Halimbawa :
ang pakikiangkop sa kultura, tradisyon, at kinaugalian ng mga taong kasangkot sa diskurso.
3. Pragmatic Theory—
> ito ay pagpapahiwatig o pagpapakahulugan sa isang pahayag
> Ito ay isang pag-aaral kung ano ang ibig ipakahulugan ng tagapagsalita o isang
sulatin.
> Sinabi nga ni Grice na ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng 2 bahagi : 1.) kung ano ang sinabi 2) kung ano ang ipinapahiwatig
Hal. “Baby Sale: 50% off” (ito ay hindi nagsasabing may binibentang baby bagkus may mga gamit para sa baby na ipinagbibili sa murang halaga)
4. Variationist Theory– nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot
sa isang diskurso; kinapapalooban ito ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita gayon din ang estrukturang panggramatika ng isang ispiker
Pinangunahan ni William Labov (1971), isang Amerikanong linggwista na nag-impluwensya sa mga metadolohiya sa linggwistika.
Ang teoryang ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na salita o mga salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.
Binibilang ang dalas na gamit sa wika upang masuri ang kalikasan ng diskurso.
Ang “gamit” ng salita ay nababago sa “porma” nito,
halimbawa, sa tuntunin ng wikang Filipino, ang panghalip na kayo ay ginagamit na panghalili sa maramihang ngalan; ngunit mapapansin na sa pakikipag-usap sa isang matanda ay nagagamit ang kayo, “Kumusta po kayo?” , “Pasok po kayo.”
Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
S – setting, ang lugar at panahon na kinaganapan ng diskurso P – participants, ang tao o mga taong kasangkot sa diskurso
E – ends, layunin o goal ng diskurso, maaaring upang mang-aliw, manghikayat, pumuna,
at iba pa.
A – act sequence, ang pagkakasunod sunod ng pagbuo ng diskurso na minsan kung ito’y
pasalita ay naaantala
K – keys, ang susi na makatutulong sa mabisang diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at
pamamaraan sa pagpapahayag
I – instrumentalities, ano ang gamit ng wika pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
dikurso.
N – norms, kaugalian, tradisyon at kulturang kinasangkutan ng diskurso
G – genre, anyo ng diskurso, sa pasulat, maaaring ito ay sanaysay, maikling kwento, awit,
tula, at iba pa; kung ito naman ay diskursong pasalita, maaaring nagbabalita, nasasalaysay, nagpapaliwanag, nagbababala, at iba pa.
PRAGMATIC THEORYSS
“meaning beyond words”
Pagkukwento “Huwag Po ,Itay” (isang
REFERENCES
Dinglasan, Resurreccion D. (2007) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rex Bookstore, Inc.,
Arrogante, Jose A.,et.al. (2009) Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. National Bookstore, Inc.
LO#1 Nailalarawan ang kahulugan at uri ng diskurso
1. Ang kakayahan ng tao sa pakikipag-usap, pagkukuwento, pagbabalita o anumang proseso ng pagpapahayag ay nagpapakita ng halimbawa ng
a. diskriptibo b. diskurso c. disisyon d. disiminasyon
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring masabing diskurso? a. Pagpapahayag ng saloobin
b. Pagsasalita sa harap ng madla c. Pagsusulat ng isang liham d. Pagguhit ng larawan ng babae
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng diskursong pasulat a. Telebisyon at Manonood
b. Mananalumpati at Tagapakinig c. Tagapagbalita at Nakatunghay d. Reporter at Mambabasa
4. Sinasabi na ang diskurso ay pagpapahayag na maaaring nasa uring a. Pasalita at Pabuod
b. Pasalita at Pasulat c. Pasulat at Panonood d. Pasulat at Pagbabasa
5. Wika ang pangunahing midyum sa anumang uri ng diskurso. Ang pahayag ay a. Hindi makatotohanan
b. Maaaring tama c. Hindi ko alam d. Sadyang tunay
6. Aling sitwasyon ang di nagpapakita ng tunay na katuturan ng diskurso a. pagsulat ng isang sanaysay
b. pakikipag-usap sa telepono c. pakikinig ng balita
d. pagtatanong sa kausap
LO#3 Naiisa -isa ang mga uri ng teksto
7. Madilim, masukal at masangsang sa gubat na mapanglaw. Ang pahayag ay isang tekstong
a. Naratibo b. Impormatibo
8. Unahin ihulog sa kumukulong tubig ang karne at isunod ang mga gulay pagkatapos ng
limang minuto . Ang pahayag ay isang tekstong
a. Ekspositori b. Persuasive c. Argumentative d. Procedural
9. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng tekstong ekspositori? a. dokumentaryo
b. paglalaro c. nobela d. cook book
10. Nakatutulig at sunud-sunod na putok ang narinig na pumailanlang at kasunod noon ay tilian ng mga kababaihan. Ang uri ng tekstong nakapaloob dito ay
a. Naratibo b. Impormatibo c. Argumentative d. Deskriptibo
11. Ang pag-aaliw, panghihikayat at pamumuna ay ilan lamang sa mga halimbawa ng anong konteksto ng diskurso?
a. Setting b. Participants c. Ends
d. Act Sequence
12. Ang Participants na konteksto ay tumutukoy sa a. Lugar at panahon na kinaganapan ng diskurso b. Layunin ng diskurso
c. Eksena ng diskurso
d. Ang tao o mga taong kasangkot sa diskurso
LO#4 Napaliliwanag ang mga teoryang pandiskurso
13. BABALA! Madulas ang sahig. Ang teoryang pandiskursong higit na nakapaloob sa pahayag ay
a. Variationist theory b. Speech Act theory c. Pragmatic theory
d. Ethnography of communication theory
14. Ang pagmamano ng mga batang Pilipino sa mga nakatatanda ayon sa speech act theory ay nasa konseptong
a. Prolokusyunaryo b. Ilokusyunaryo c. Prelokusyunaryo
d. Lokusyunaryo
15. Ang pangungumbinsi sa kausap ay masasabing nasa konseptong a. Prolokusyunaryo
b. Ilokusyunaryo c. Prelokusyunaryo d. Lokusyunaryo
16. Ang pagsasabi ng “para!” sa pampublikong sasakyan ay nasa konseptong a. Prolokusyunaryo
b. Ilokusyunaryo c. Prelokusyunaryo d. Lokusyunaryo
17. “Baby Sale: 50% off” . Ang karatulang ito ay nagpapakita ng teoryang a. Variationist theory
b. Speech Act theory c. Pragmatic theory
d. Etnography of communication theory
18. “Kumusta po kayo?” , sabi ni Intoy sa kaniyang lola. Ang pahayag ay nagpapakita ng teoryang
a. Variationist theory b. Speech Act theory c. Pragmatic theory
d. Ethnography of communication theory
19. Ang pakikiangkop sa kultura, tradisyon, at kinaugalian ng mga taong kasangkot sa pakikipag-usap ay nagpapakita ng teoryang
a. Variationist b. Pragmatic c. Speech Act
d. Ethnography of Communication
20. Nililinaw ng pragmatic theory ang relasyon sa pagitan ng a. salita at kahulugan
b. interpretasyon at salita c. mensahe at intension d. intension at kahulugan