• Tidak ada hasil yang ditemukan

misa ng pakikinabang 2004.doc

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "misa ng pakikinabang 2004.doc"

Copied!
14
0
0

Teks penuh

(1)

MISA SA UNANG PAKIKINABANG Pambungad na Awit:

AWIT 150 Koro:

Purihin natin ang Panginoon Purihin ang Panginoon

Sa banal na templo ang Diyo-os ay awitan. Purihin sa langit ang lakas Niyang taglay.

(ULITIN ANG KORO)

PARI: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo

LAHAT: Amen.

PARI: Minamahal kong mga bata, kayo ngayon ay masayang-masaya dito sa tahanan ng Diyos kasama ng inyong mga magulang, kasama ni Hesus. Magpasalamat tayo sa Diyos Ama para sa Kanyang pag-ibig at pagmamahal na ipinakita sa lahat ng tao lalung-lalo na sa inyo mga bata na ngayo’y tatanggap kay Hesus sa inyong puso.

BATA: Minamahal naming mga magulang, kami ngayon ay naririto upang kasama ninyo ay magdiwang at mag-alay ng pasasalamat sa misang ito. Sa unang pagkakataon ay makasalo ninyo kami sa tinapay ng buhay na walang iba kundi ang ating nabuhay na Panginoon.

MAGULANG: Minamahal naming mga kapatid, nais naming makihati sa inyo na parang iisang angkan sa galak ng mga bata. Nais naming maging tunay sa aming buhay ang aming pagdama sa Diyos sa misang ito upang maging saksi sa aming buhay na panananalig na siyang magiging gabay ng mga bata.

PARI: Ngayon mga bata ilahad na ninyo ang inyong hinihiling sa Inang Simbahan.

BATA: Hinihiling naming matanggap si Hesus bilang pagkain namin. PARI: Anong gagawin ni Hesus sa inyo?

BATA: Kami ay Kanyang palalakasin, magiging masunurin at masiglang kaanib ng kanyang dakilang angkan.

PARI: Kung ninanais ninyong mabuhay na tunay na anak ng Diyos, mahalin at paglingkuran ninyo Siya at ang inyong kapwa katulad ng pagmamahal ni Hesus sa kanila. Ngayon, sariwain natin at ihandog ng buong sigla ang banal na sakripisyong ito ng misa.

(2)

PAGBATI:

PARI: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesuskristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.

LAHAT: At sumainyo rin.

PARI: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa Banal na Pagdiriwang. (saglit na katahimikan)

LAHAT: Inaamin ko/ sa Makapangyarihang Diyos/ at sa inyo mga kapatid/ na lubha akong nagkasala/ sa isip, sa salita at sa gawa./ At sa aking pagkukulang/ kaya isinasamo ko/ sa Mahal na Birheng Maria/sa lahat ng mga anghel at mga banal/ at sa inyo mga kapatid/ na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

PARI: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos , at patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. LAHAT: Amen. MAAWA KA PANGINOON, MAAWA KA PANGINOON, MAAWA KA KRISTO, MAAWA KA KRISTO, MAAWA KA SA A-AMIN. PANGINOON, MAAWA KA PANGINOON, MAAWA KA PANALANGING PAMBUNGAD:

PARI: Manalangin tayo……… Sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:

NAMUMUNO: Tayo’y magsiupo at makinig sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos

UNANG PAGBASA:

TAGABASA: Pagbasa mula sa unang sulat ni San Pablo Apostol sa mga taga-Corinto (1 Cor. 11:23-26). Ang salita ng Diyos.

(3)

SALMONG TUGUNAN * MABUTING BALITA

NAMUMUNO: Tayo’y magsitayo sa paggalang sa Mabuting Balita ng Panginoon. ALLELUIA Alle-eluia, Alle-eluia Alle-eluia, A-alle-eluia Alle-eluia, Alle-eluia Alle-eluia, A-alle-elu-uia A-alle-elu-uia PARI: Sumainyo ang Panginoon.

LAHAT: At sumainyo rin.

PARI: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay………… LAHAT: Papuri sa Iyo Panginoon.

PARI: Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.

LAHAT: Pinupuri Ka naming Panginoong Jesu-Kristo.

HOMILIYA:

NAMUMUNO: Tayo’y magsiupo at makinig sa pangaral.

PAGSASARIWA NG PANGAKO SA BINYAG:

NAMUMUNO: Mga bata, ngayon ay dadako tayo sa pagsasariwa ng inyong pangako noong kayo ay binyagan. Mangyari lamang na kayo ay magsitayo at hawakan ang inyong kandila at sindihan.

PARI: Minamahal na mga bata, kayo ngayon ay muling mangangako tulad ng ginawa ninyo noong araw na kayo’y binyagan. Nang araw na iyon, itinanong sa inyo ng pari kung iiwasan ninyong gumawa ng masama at susundin ninyo si Jesus. Kayo noon ay napakaliit pa upang sumagot para sa inyong sarili, sa halip ang inyong mga magulang, ninong at ninang ang sumagot para sa inyo. Ngayon, muling itatanong sa inyo ng Inang Simbahan ang ganitong mga tanong at kayo na ang mangangako para sa inyong sarili. Nangangako ba kayong laging mamahalin si Jesus kaya hindi na kayo gagawa ng kasalanan.

(4)

PARI: Ngayon, matapos kayong mangakong mamahalin si Hesus, magpakabait na at di na muling gagawa ng kasalanan kung nais ninyong maging tapat at maaasahang kaanib o miyembro ng Simbahang Katoliko, pakisagot ng mga tanong na ito. Para kayo’y makapamuhay bilang malayang mga anak ng Diyos, ang kasalanan ba ay itinatakwil ninyo?

BATA: Opo, itinatakwil namin.

PARI: Para kayo’y huwag maipailalim sa kasalanan, ang kaakit-akit na tukso ng kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?

BATA: Opo, itinatakwil namin.

PARI: Si Satanas, na pinanggagalingan ng kasalanan, ang kanyang masamang gawain at paghihikayat sa masama, inyo bang itinatakwil?

BATA: Opo, itinatakwil namin.

PARI: Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa?

BATA: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa Krus, namatay, inilibing, muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

BATA: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na walang hanggan?

BATA: Opo, sumasampalataya kami.

(Ang mga bata ay wiwisikan ng binasbasang tubig habang inaawit ang Isang Pananampalataya) ISANG PANANAMPALATAYA KORO: Isang Pananampalataya Isang Pagbibinyag Isang Panginoon Angkinin nating lahat

1. Habilin ni Hesus noong Siya’y lumisan Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan.

(KORO)

2. Ama pakinggan Mo ang aming pananalangin, Dalisay na pag-ibig sa ami’y sumapit.

(KORO)

3. Mga alagad ko, pa’no makikilala Tapat nilang pag-ibig wala ng iba pa.

(5)

PANALANGIN NG BAYAN:

NAMUMUNO: Magsitayo po ang lahat, papatayin ng mga bata ang sindi ng kandila.

PARI: Ang pananampalataya at pag-ibig ang nagdala sa atin dito sa piling ni Jesus halina mga kapatid at sa pamamagitan Niya tayo’y manalangin.

NAMUMUNO: Sa bawat panalangin ang ating itutugon: PANGINOON DINGGIN MO KAMI.

TAGABASA: Para sa ating mahal na Santo Papa, Juan Pablo II, sa ating Arsobispo __________________ sa katulong na Obispo ______________________, sa mga pari, sa ating parokya, nawa sa tulong ng Panginoon ay lagi silang maging matatag at tapat sa kanilang tungkulin. Manalangin tayo sa Panginoon.

LAHAT: Panginoon dinggin Mo Kami.

TAGABASA: Para sa simbahang Katolika, lalo na sa mga batang ito, upang sila’y maging buhay na tanda ng pagiging tunay na simbahan ni Kristo. Manalangin tayo, sa Panginoon. LAHAT: Panginoon dinggin Mo Kami.

TAGABASA: Para sa lahat ng mga may sakit, may kapansanan at mga nahihirapan, lalo na ang mga maliliit na bata, nawa ang mapagpalang Panginoon ay lagi nilang maging sandigan at pag-asa. Manalangin tayo sa Panginoon.

LAHAT: Panginoon dinggin Mo Kami.

TAGABASA: Para sa lahat ng batang naririto ngayon na tatanggap ng katawan at dugo ni Kristo sa unang pagkakataon, nawa ang okasyong ito ay magdulot sa kanila ng ibayong pagmamahal at pagmamalasakit sa sarili at sa Simbahang Katolika sa tulong ng Diyos na Siyang nagtatag nito. Manalangin tayo sa Panginoon.

LAHAT: Panginoon dinggin Mo Kami.

TAGABASA: Para sa mga magulang at mga guro ng mga batang naririto ngayon at gayundin sa lahat ng nagmamahal sa kanila at minamahal nila, nawa sila ay magkaroon ng tiyaga, lakas ng loob, at pagsusumikap sa pag-aaruga at paggabay at higit sa lahat ay maging magandang halimbawa tungo sa ikauunlad ng mga ito sa kanilang buhay pananampalatayang kristiyano. Manalangin tayo sa Panginoon.

(6)

PARI: Panginoon, Iyo pong narinig ang pahayag at panalangin ng inyong mga anak, kami’y umaasa at nagtitiwala na ang aming kahilingan ay inyong tutugunin. Hinihiling namin ang lahat ng ito.

LAHAT: AMEN.

PAGHAHANDOG NG MGA ALAY:

NAMUMUNO: Tayo po ay magsiupo. Mga bata, ngayon ay ihahanda nating ang ating mga alay. Ang lahat ng ito ay mula sa Diyos at ngayo’y muli nating ihahandog sa Kanya. Kasama ng alak at tinapay sa pag-aalay na ginawa ng Anak ng Diyos at ating kapatid na si Kristo.

PAGHAHANDOG SA SARILI Kunin Mo, O Diyos at tanggapin Mo Ang aking kalayaan, ang aking kalooban

Isip at gunita ko lahat ng hawak ko Ng loob ko ay aking alay sa’Yo. Nagmula sa’Yo ang lahat ng ito

Muli kong handog sa’Yo Patnubayan Mo’t paghariang lahat

Ayon sa kaloooba-an Mo Mag-utos Ka Panginoon Ko

Dagling tatalima ako

Ipagkaloob Mo lang ang pag-i-i-bi-ig Mo-o At lahat ay tatalikdan ko.

PARI: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

LAHAT: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman.

PARI: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay mula sa katas na ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

LAHAT: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman.

PARI: Manalangin tayo mga kapatid upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.

LAHAT: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa Iyong mga kamay, sa kapurihan Niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan Niyang banal.

(7)

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

NAMUMUNO: Ama naming lumikha. . . . sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: AMEN

PANALANGIN SA PAGPUPURI AT PASASALAMAT PARI: Sumainyo ang Panginoon.

LAHAT: At sumainyo rin.

PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa LAHAT: Itinaas na namin sa Panginoon.

PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. LAHAT: Marapat na Siya ay pasalamatan.

PARI: Ama naming Makapangyarihan……… SANTO

Santo, Santo, Santo Diyos makapangyarihan Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo.

Osana, Osana, Osa-ana, Osana O-osa-ana sa Kaitaa-a-a-asan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon

Osana, Osana, Osa-ana, Osana, O-osa-ana sa kaita-a-a-a-asan. NAMUMUNO: Ang lahat po ay magsiluhod bilang pagtatalaga na

maging katawan at dugo ni Kristo ang mga alay.

UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

PARI: Ama naming maawain, ipinaaabot namin ang pasasalamat sa Iyo sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak Mong ito na ang kaloob namin ay tanggapin at basbasan Mo sa pagdiriwang namin ng paghahain sa Iyo. Iniaalay namin sa Iyo, unang-una para sa simbahang Katolika. Pagkalooban Mo ng kapayapaan at pagkupkop, pagkakaisa at pagtataguyod ang mga kaanib na ito sa sansinukob kaisa ng aming Papa Juan Pablo II ng Iyong lingkod, kasama ng aming Arsobispo __________________ ng katulong na Obispo _________________________ at ng lahat ng kapariaan at nagnanais at nagpapalaganap sa pananampalatayang Katoliko na galling sa mga Apostol.

(8)

PAG-ALALA SA MGA NAMUMUHAY SA DAIGDIG:

Ama namin, Iyong alalahanin ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin ang aming pananampalataya ay nababatid Mo ngayon din ang pagsisikap namin maging tapat sa Iyo. Ang naghahaing ito ng papuri ay aming inaalay para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay, para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan sa pagdulog namin sa Iyong kadakilaan, Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.

PAG-ALALA SA MGA BANAL:

Kaisa ng buong Simbahan, pinararangalan namin ngayon unang-una ang Ina ng Diyos at Panginoong Jesukristo, si Maria na maluwalhating Inang Birhen gayundin ang kanyang kabiyak ng puso na si San Jose at ang iyong pinagpalang mga Apostol at mga martir na sina San Jose, Pablo, Andres at ang lahat ng iyong banal, pakundangan sa kanilang ginagawang kabutihan at walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan, kami ay lagi Mong kalingain at ipagsanggalang.

PANAWAGAN SA DIYOS:

Ama Namin, basbasan Mo ang mga handog na ito, marapatin Mo sambahin Ka namin sa Espiritu Santo at katotohanan kaya para sa amin ito ay gawin mong katawan at dugo ng pinakamamahal Mong anak ang aming Panginoong Hesukristo.

PAGSASALAYSAY AT PAGTATALAGA:

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit hinwakan Niya ang tinapay sa Kanyang mga banal at kagalang-galang na mga kamay, tumingala Siya sa langit, sa Iyong Amang makapangyarihan at nagpapasalamat Siya sa Iyo. Pinaghati-hati Niya ang tinapay iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi: “TANGGAPIN NINYO ITO AT KANIN, ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.” Gayundin naman noong matapos ang hapunan hinawakan Niya ang kalis na ito na pagpapala sa Kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay muli ka niyang pinasalamatan iniabot niya ang Kalis sa kanyang mga alagad at sinabi: “TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN, ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipagbunyi natin ang Misteryo na pananampalataya.

(9)

Bayan: Si Kristo ay namatay Si Kristo ay nabuhay Si Kristo ay babalik Sa wakas, sa wakas Sa wakas ng panahon.

PARI: Ama naming lingkod mo at bumubuo sa ‘yong bayang pinili ay nagdiriwang sa ala-ala ni Kristo na Iyong anak at aming Panginoon. Ginugunita namin ang kaniyang dakilang pagpapakasakit, ang pagbangon niya mula sa kamatayan at ang matagumpay na pag-akyat sa langit kaya mula sa mga biyayang sa Iyo rin nanggaling inihahain namin sa Iyong kataas-taasang kamahalan ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay ang pagkaing nagbibigay buhay at ang inuming nagbibigay kagalingang walang katapusan. Ganapin sa mga ito ang pinagawa mo sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa Iyo, sa paghahain ni Abraham, na Ama naming sa pananampalataya na totoo. At inihahandog ang tinapay at alak ni Melkisedek na paring hirang mo. Paunlakan mo ngayong tanggapin ang banal at dalisay na paghahain. PANAWAGAN SA DIYOS:

Makapangyarihang Diyos hinihiling namin sa Iyong ipa-akyat sa banal Mong Anghel ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa Iyong harap upang sa pagsasalo sa Banal na katawan at dugo ng Iyong Anak sa pakikinabang namin dito sa banal Mong Hapag kami ay napupuspos ng Iyong pagpapala’t tanang pagbabasbas sa pamamagitan n gaming Panginoong Jesu-Kristo.

PAG-ALALA SA MGA YUMAO SA DAIGDIG:

Ama namin, Iyo ring alalahanin ang mga anak Mong yumao sa paghimlay, at lalong kapayapaan yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay at sila ngayon ay aming ipinagdarasal: N. ay N., sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo ay aming idinadalangin sa Iyo upang pagbigyang makarating sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa Iyong piling (sa pamamagitan ni Jesu-Kristong aming Panginoon).

PAGLUHOG:

Kahit kami ay mga makasalanan Mong lingkod kami rin ay nagtitiwala sa Iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay sa aming pamumuhay sa araw-araw. Kaya’t pagindapatin Mo ring kami ay makaugnay at makapiling ng Iyong mga banal na Apostol at martir, kasama nina Juan Bautista, Esteban, Matias, Bernabe at ng lahat ng mga banal kami nawa ay makapisan nila hindi sa ginagawang kabutihang kulang na kulang kundi pakundangan sa inyong pagpupuno sa aming kakulangan sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Sa kanyang pamamagitan, ang tanang mabubuting kaloob Mong ito ay lagi mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay, binabasbasan at sa amin ay ibinibigay.

(10)

PAGBUBUNYING PANGWAKAS:

PARI: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo Diyos Amang makapangyarihan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: A-a-amen, A-a-amen,

A-a-a-a-amen,

A-amen, A-amen, A-a-amen A-amen

ANG PAKIKINABANG:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon awitin natin ng lakas-loob.

LAHAT: (Aawitin) Ama Namin

PARI: Hinihiling namin na kami ay iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan, araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Jesu-Kristo.

LAHAT: Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman. Amen.

PARI: Panginoong Hesukristo, sinabi Mo sa iyong mga Apostol, kapayapaan ang iniiwan ko sa Inyo. Kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan Mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen.

PARI: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo. LAHAT: At sumainyo rin.

PARI: Magbigayan tayo ng kapayaan sa isa’t-isa.

LAHAT: (Aawitin) Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

(11)

PAGSASALO:

PARI: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

LAHAT: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na tumanggap sa Iyo, ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

NAMUMUNO: Ang komunyon o banal na Pakikinabang ay ang pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo na nagsasabing: “Ang kumain ng aking laman at uminom ng aking dugo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Sa unang pagkakataon, tatanggapin ng mga batang ito at nating lahat si Hesus upang Siya ay makaisa natin, tulad ng pakikiisa ni Kristo sa kanyang Ama.

Para sa maayos na Komunyon, ang mga bata ay gagawa ng pila sa gitna samantalang ang kanilang magulang ay sa kanilang tapat.

DIYOS ANG PAG-IBIG

1. Pag-ibig ang siyang pumukaw 2. Sikapin sa ating pagsuyo Sa ating puso at kaluluwa Ipamalita sa buong mundo

Ang siyang nagdulot sa ating buhay Pag-ibig ni Jesus ang siyang sumakop Liwanag sa dilim at pag-asa Sa mga pusong uhaw sa pagsuyo

2. Pag-ibig ang siyang buklod natin

Di mapapawi kailan pa man (Repeat Refrain ) Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang

Kahit na tayo ay magkawalay. Diyos ay pag-ibig (2x) Refrain:

Pagkat ang Diyos natin, Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo’t magtulungan

At kung tayo’y bigo ay huwag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal AWIT NG ISANG ALAGAD

1. Panginoon ko ang buhay king hiram CODA:

Ay minsan nagdaraan sa’kin Tanging pangarap ko sana’y bigyang daan Kaya’t bilang isang pag-aalay Sa landas ko’y hawiin ang buhawi ng gulo Ang buhay ko’y ilalaan sa ‘yo Ang ulap na nagsisilbing dilim sa langit ko

Tunawin at gawing ulan KORO: Laan sa buhay kong tigang Katulad ko’y marami ang tinawag mo Mula sa pagkakasadlak

Upang humayo’t maglingkod sa ngalan mo. At umasa kang maglilingkod sa ‘yo Ako’y muling ibangon mo At umasa ka, at umasa ka

Tanging hiling at lagi nang dasal At umasa kang maglilingkod sa ‘yo Maging mapalad at nang tanggapin.

2. Turuan mong maging bukas palad

At matutong mabuhay ng banal Kaya’t bilang isang pag-aalay Ang buhay ko’y ilalaan sa ‘yo. (Repeat KORO)

(12)

PASASALAMAT PAGKATAPOS MAKINABANG

NAMUMUNO: Ang lahat po ay magsiluhod para sa panalangin ng pasasalamat.

PARI: Panginoon iisang angkan kaming nagtitipon ditong lahat. SAGOT: Salamat po Panginoon.

BATA: Sa Iyong altar kami’y Iyong pinakain. SAGOT: Salamat po.

BATA: Tulungan mo kaming magmahal sa iyo at umiibig sa aming kapwa.

SAGOT: Tulad mo Panginoon.

BATA: Huwag mo kaming pabayaang malayo sa iyo. SAGOT: Ngayon at kalianman.

BATA: Mahal naming Hesus nagdarasal po kami para sa aming pamilya. SAGOT: Pagpalain mo nawa ang bawat isa sa amin.

BATA: Nagdarasal din po kami para sa mga kaawa-awang makasalanan, sa mga nagtitiis at mahihirap.

SAGOT: Ibigay mong lahat ang lakas ng iyong Pag-ibig at iyong grasya. BATA: Hesus, natanggap namin ang iyong katawan at dugo.

SAGOT: Nawa’y magbigay sa amin ng biyaya ang aming mahal na handog na walang hanggan.

PANALANGIN NG MGA MAGULANG:

NAMUMUNO: Panginoon, buong galak naming inaalay sa iyo ang aming mga anak, hiniling namin sa iyo na panatilihing mo silang malinis gaya ng suot nila ngayon. Nalalaman namin na lubhang maraming kasamaan sa mundo. Kaya nga Panginoon, idinadalangin namin sa ‘yo na panatilihin mong malinis ang aming mga anak.

MAGULANG: Panginoon dinadalangin namin sa iyo na panatilihin mong malinis ang aming mga anak.

NAMUMUNO: Panginoon, nais namin maisabuhay ng aming mga anak ang karangalan ng kanilang bokasyon Kristiyano na magsilbi sa iyo ng buong puso habang buhay. Panginoon, idinadalangin namin sa iyo na panatilihin mong maging tapat ang aming mga anak sa paglilingkod sa iyo.

(13)

MAGULANG: Panginoon, idinadalangin namin sa iyong panatalihin mong maging matapat ang aming mga anak.

NAMUMUNO: Panginoon ipinapangako namin akayin ang aming mga anak at dadalhin namin sila sa iyo sa pamamagitan ng aming magagandang halimbawa araw-araw. Ipagsasama namin sila sa pagsisimba tuwing Linggo at pagkakalooban namin sila ng mabuting edukasyong Kristiyano.

MAGULANG: Panginoon isinasamo naming tulungan mo kaming ilapit sa iyo ang aming mga anak sa pamamagitan ng aming magagandang halimbawa.

PANGALANGIN PAGKAPAKINABANG:

NAMUMUNO: Tayo’y magsitayo upang hilingin ang kapakinabangang dulot ng banal na pagsasalo.

PARI: Manalangin tayo… sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen.

PARI: Sumainyo ang Panginoon. LAHAT: At sumainyo rin.

PAGBABASBAS:

PARI: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

LAHAT: Amen.

PAGHAYO:

PARI: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

LAHAT: Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT: SAMA-SAMA TAYO

Ako, Ikaw tayong lahat na Isisigaw sa mundo si Hesus Nagtitipon ay may isang Panginoon ang Diyos ko. Ako, ikaw Sabay-sabay isisigaw sa mundo tayong lahat para kay Kristo. Si Hesus ang Diyos ko.

Sama-sama tayo para kay Kristo Ako, Ikaw, Tayong lahat kapit kamay

(14)

Referensi

Dokumen terkait

Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara. Ang ikalimang

Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang ng taon ng hayskul sa Dasmariñas

Kung ngayon na nasa 95.8 milyon ang mga Pinoy ay marami na ang nakadarama ng gutom o nalilipasan ng gutom, paano pa kung mahigit na sa 100 milyon?...´c.. cccccc c c #c$ c c ³«Ang

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng

Silang apat ay kumukuha ng kanilang mga karunungan at Kapangyarihan mula sa AMA, INA, ANAK, at ESPIRITU SANTO, upang ang lahat ng bagay ay magkaroon ng paglikha. Ang apat na Ina

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa unang taon ng Institusyong Panteknolohiya ng Pilipinas sa lungsod ng Quezon, na kumukuha ng kursong I.T tungkol sa epekto at

Ang nilalaman ng dalawa nang mga serye ng kanyang mga sulatin at mga pahayag, ang unang serye ay ang apat-na-bolyum ng mga ito mula 1991 hanggang 2009 at ang kalalabas pa lamang na

Sa partikular, ang mga aspeto ng kultura tulad ng wika at iba't -ibang aspeto ng identidad tulad ng etniksidad, relihiyon, nasyonalidad ay hindi na ngayon nakatali sa isang heograpikal