ACT 1 SCENE1
TELON (Tableau na nagpapakita ng pagbaril kay rizal.) Gunshots (biglang gagalaw ang lahat sabay sa pagsara ng telon
TELON
(sa loob ng napakahabang panahon, tayo ay nakubli sa anino ng mga dayuhang umangkin sa ating bayan. mga dayuhang naghari harian at kumitil sa ating pagkatao. mistulang binura nila ang ating pagkatao, kasaysayan at kultura. naging sunod sunuran tayo na tila mga papet sa kanilang munting palabas. nakagapos at walang ibang magawa kundi ang sumunod dahil na rin sa takot. nakita na n rin kung paanong ang sino mang lumaban ay kanilang pinapatay upang huwag tularan. ngunit walang kahit ano man ang mananatili magpakailanman. napagod na ang mga pilipino sa kanilang mga pananakot, pananakit at pang aabuso. nagsimula na nitong hanapin ang sarili at kalayaan. hindi na nito nais na maging anino at sunod sunuran.
hindi na nito nais na mamuhay sa takot at pangamba. Isa itong ibong gustong kumawala. sinisira ang hawlang pilit na nagkakait rito ng kalayaan. kailangan nito ng magbibigay ng liwanag sa napakadilim nitong kinasasadlakan at ang nobelang isinulat na "noli me tangere" at "el filibusterismo" ang siyang nagsilbing liwanag. nagbukad sa mata ng marami ukol sa katotohanan. muli tayong bumalik sa mundo ng mga indio at kastila. muli nating balikan ang buhay ni rizal.) SCENE2 TELON
N: Minsan daw ay may isang gamo gamo na naakit sa liwanag ng apoy. Maski anong paalala ng kanyang ina na huwag siyang lalapit sa apoy, ay lapit pa rin sya ng lapit.gustong gusto nya ang liwanag ng apoy kaya sinuway niya ang bilin ng kanyang ina.lumipad sya ng lumipad palibot sa apoy. palapit ng palapit sa apoy hanggang sa magliyab ang pakpak niya at tuluyan syang mamatay. pepe, naiintindihan mo ba ang ibig sabihin ng kwento ng gamo gamo? dapat ay lumayo sya sa apoy nang hindi nabuwis ang buhay niya.
SCENE3 TELON
Guro: Pepe, may alam ka ba sa wikang kastila? R: ongpoko(?) senor.
G: e sa wikang latin? R: onpoko senor.
G: tonto. ikaw ang onpoko dahil napakaliit mo.
G: kaya siguro walang laman yang utak mo kundi onpoko.
akin na yang kanang kamay mo. R: bakit po?
G: para bumaon sa utak mo ang matagal mo nang dapat alam. (pinalo.)
G: ngayon, makakalimutan mo na ang onpoko! (pinalo ulit.) B1: masakit ba ang palo?
R: mag aaral pa ko.
B1: kahit anong aral ang gawin mo, onpoko ka pa din! onpoko! onpoko! (tinulak ni rizal.)
B1: aba matapang ka. kaya mo ba ko? e ang liit liit mo. hindi ka siguro pinapakain sayo ang nanay mo no! siguro unano ang tatay mo! hahahaha (sinapak na.) R: bawiin mo ang sinabi mo! Matalino ang nanay ko! at hindi unano ang taty ko! SCENE4 TELON narration
SCENE 5 TELON ateneo recit away
prof: ang kalansay ang nagsisilbing balangkas para sa ating kalamnan na siya ring *pumuprotekta sa mahahalagang laman-loob kagaya ng.. Quedcire imbecille bueno responder la premienda?
R: el prebro, el corazon, los pulmones
prof: Bien. Fernando, maaari ka bang pumunta rito? Ikaw! Ikaw! pumarito ka. Ngayon, nakikita nyo ba ang kanilang differencia? sa kanilang taas, ito bang indio ay may mas kaunting buto kaysa kay Fernando? (tawa! hahahahaha) Fernando: Sapagkat tayo ay superiores de los filipinos! (tawa ulit! hahahaha)
P: bueno, ademas de eso, kemas? R: Professor!
R: kung tanging taas lang ang *dahilan kung bakit superiores ang mga espanol/kastila, e bakit nawala sa espana ang ilan sa kaniyang mga kolonyas sa mga indians hamak na mas maliliit? P: Impertinente! Lumabas ka sa aking klase!
SCENE6 TELON
R: kompaniorismo, pagkakapatiran, ito ang prinsipyong maguugnay sa ating lahat.
T1: hindi kaya maging sanhi ng kaguluhan ang ating ginagawa?
R: bakit?
T1: iisipin ng mga estudyanteng kastilla na kilakalaban natin sila. (oo nga)
R: Sandali. mapayapa/tahimik ang ating pamamaraan. (tama si Rizal)
R: magsisimula tayo sa loob ng ating mga sarili, sa pamamagitan ng pagdadamayan.
K1: Tsongo!
P1: nandyan na nman ang mga bangus na yan! R: pabayaan mo sila
K2: bonos(?monkeys) P2:(Rotten)
K2: (Asshole)
K3: (Idiots) (away na.darating ang mga prayle para umawat) Pr: anong nangyari?! tama na! tigil na!
SCENE7 TELON TA: jose. jose. R: Tiyo Antonio.
TA: kamusta na ang pakiramdam mo? R: maabu- ah!
TA: oh sya sya, kukuha muna ako ng gamot mo.
P1: naku jose. sayang at hindi mo kami nakita kung paano namin pinulbos ang mapuputlang bangus na iyon! ( oo nga e! hahahaha)
TA: o sya, tama na muna yan hayaan nyo muna mag pahinga si jose. bukas na lang kayo bumalik, (sige jose)
TA: o inumin mo to. R: salamat po.
TA: o leonor anak, ikaw muna bahala sa pinsan mo ha. L: sige po tatay. (paaalisin muna ang mga istorbo.) L: kamusta ka na?
R: heto, habang lumalapit ka'y bumubuti ang aking pakiramdam. lumapit ka pa.
R: ilang linggo pa lang ang nakaraan, pakiramdam ko'y parang taon na ang nakalipas.
L: ilang linggo pa lang ang nakalipas ay nagkaroon ka na ng bulaklak sa dila? baka naman kung sino sinong babae ang pinariringan mo ng matatamis mong salita habang wala ako R: Ikaw lang at wala ng iba, baka ikaw ang maraming nakikilala
L: Para nga akong preso sa dormitoryo! Sino naman ang makikilala ko dun? PAUSE. Baka makita tayo ng tatay. R: Ano naman ang makikita nya? Magpinsang
nagmamahalan? May masama ba dun? L: May naisulat ka bang bagong tula? R: Merong ilan.
L:Tulaan mo naman ako ohh..
R: Ikaw ang liwanag at ang apoy, ang aking tubig at pagdaloy, ngiti mo'y kislap ng bituin, titig mo'y gabing maningning CLOSE
SCENE 8
Makikitang nagbabasa ang mga tao ng Noli Me Tangere. (Read aloud some excerpts)
CLOSE
-Cave ang setting sa movie-
Man: Mga gahamang prayle! Mga mapang abuso at sakim na opisyales! Sila ang naghahari sa ating mga lupa. Magreklamo tayo sa Espanya.
Andres Boni: Ngunit paano? Bingi at bulag ang Espanya. Hindi nya maririnig ang ating mga panaghoy at daing. Hindi nya nakikita ang ating mga paghihirap at pagdurusa bagkus pinadadalhan nya tayo ng mga inutil at criminal na syang naghahari sa’tin. Tinatrato tayong parang pinakamababang hayop. Alam kong marami sa inyo ang natatakot ngunit matakot din kayo para sa inyong mga pamilya. Wag na nating hintaying pinatay na nila ang ating mga anak, inabuso na ang ating mga kababaihan, kinamkam na ating mga lupain, tinanggalan na tayo ng pagkatao at dignidad bago tayo kumilos ! TATAHIMIK NA LANG BA TAYO?!
All: HINDI! (3x) MABUHAY ANG PILIPINAS! AB: Handa ba kayong lumaban?!
All: OO! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan! -KAGULUHAN- CLIP-
CLOSE SCENE 9
Paciano: Eto ang ating magiging lihim na kasunduan, pupunta ka ng Europa para mag-aral ng medisina at upang gawin ang nararapat para sa ating bayan.
Jose: Kuya namaan…
Paciano: Maiiwan ako dito para bantayan si Nanang at Tatang. Ako na rin ang bahala sa ating mga bukirin, di muna ako mag-aasawa.
Jose: Kuya bakit hindi kayo ang pumunta doon? Bakit kailangan ako pa?
Paciano: Dahil ikaw ang higit na makikinabang sa Europa. Doon ay matututo ka at Malaya mong maipamumukha ang baho ng pamahalaang Kastila dito. Doon ay marami kang makikilalang ibang Pilipino, Malaya ninyong maisusulat ang mga kailangan para sa pagbabago at katarungan para sa ating bayan.
Jose: Kuya, hindi pa ako handa.
P: Pepe, hindi lamang ako ang may pasya nito, pinagusapan na naming ito ng ibang kapanalig, padadalhan ka naming ng panggastos buwan buwan
J: Pero kuya sila Nanang, di papayag yun
P: Hindi naman natin ipapaalam sa kanila, malalaman lang nila pag nasa Europa ka na.
J: Paano si Leonor?
P: Pepe, bakit napakarami mong tanong? Pansarili mo lamang ba ang iniisip mo?
CLOSE -Pier-
Antonio: Oh, heto ang pasaporte at ticket mo. Primera klase yan.
Jose: Salamat po Tiyo Antonio(checks the passport) Jose Mercado? Akala ko hindi ko na gagamitin ang pangalang yan? A: Sa ngayon lang yan para hindi ka mapansin ng mga opisyales at iditine ka nila pero pagdating mo ng Europa maari mo ng gamitin ang Rizal. (PAUSE) Pepe, wag mo kaming bibiguin. Marami kaming umaasa sa mga magagawa mo.
Sobra na ang pagkaapi ng ating bansa.
J: Sisikapin ko po. (PAUSE) Kamusta na po si Leonor? A: Ehhh, ayun pinapunta ko sa kanyang mga pinsan. Wala syang nalalaman sa mga gagawin mo.
Falls Silent (Music) CLOSE
SCENE 9
EUROPE JOURNEY
-Madrid, Spain-
Silent Act na nag aaral si Rizal ng Medisina. Adlib act! (With Music)
CLOSE SCENE 10 -Two openings- Voice over (Rizal)
Kahit ang pangalan ng Dios ay ginamit nila upang hatulan ang aking mga nobela, kamuhian ang katotohanan at takutin ang mga tao.
Sa isang side nagsusulat si Rizal na parang may sakit sa kabilang side ay may misa (sa Pilipinas) isang Kastilang prayle ang nagmimisa.
-CLOSE RIZAL SIDE-
Prayle: (Galit na nanakot ) Meron nga bang impyerno?( En ese infierno seguro?) Para sa mga mapangahas ang impyerno ay narito na!! (Ibabato ang libro na hawak, Noli Me Tangere) Lalamunin kayo ng apoy sa kabilang buhay kaya matakot na kayo at magbalik loob sa simbahan!!!
-CLOSE FRIAR SIDE- SCENE 11
-Bahay ng isang gobernadorcillo- May mga dumating na guardia sibil
G: Ah! Tinyente! Buenos Noches! Bakit naparito kayo?
G: (Nagulat) AHHHH… Ba’t hindi muna tayo mag salabat? T: Wala kaming panahon dyan! Sige maghanap kayooo! G: Teka Tinyente! Ano ba ‘to?!! Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?
(Inabot ng isang guardia ang isang kopya ng Noli)
T: Arestuhin syaaa!
G: Anong kasalanan namin?
T: Por assemblea illegal and posesión de este libro
G: At kailangan pa naging masama makipag usap sa kaibigan? At iyang libro, maganda, gusto mo basahin mo ng Makita mo ang sarili mo sa librong yan at pagkatapos ipahiram mo sa mga kalahi mo ng malaman nyo ang katotohanang ginagawa ng gobyernong ito sa bayan namin!
OPEN TWO CURTAINS. MAKIKITA NA HINUHULI NA ANG MGA TAO NA MAYROONG KOPYA NG NOLI ME TANGERE
CLOSE
SCENE 12
-Rizal’s House, Europe-
Man: Senor Rizal, letters from the Philippines. Jose: Oh, thank you very much.
Babasahin ni Rizal ang unang sulat.
Voice over (Paciano) Mahal kong kapatid,
Kamusta ka na at ang iyong mga isinusulat? Huwag mong pababayaan ang iyong kalusugan sapagkat bukod sa pluma ay iyan ang tangi mong panlaban sa mga kaaway. Pasensya ka na kung ngayon lamang ako nakasulat. Pepe, isang trahedya ang sumapit sa Calamba. Noong ika anim ng Setyembre ay dumating ditto ang isang pulutong ng guardia sibil. Matagal ng bulong-bulungan ang paglusob nila simula pa noong magpetisyon tayo laban sa maling pamamalakad ng mga prayle sa ating mga lupain pero walang nag-akala na magaganap ito sa madaling panahon. Bawat pamilya ay binigyan nila ng bente kwatro oras para mag empake at
lisanin ang kanilang mga tahanan ang lahat ng di pumayag ay sapilitang pinalayas. Mga walang hiyang prayleng yan, masisisi ba nila ang mga magsasaka na nagkaisang lumaban sa kanila. Sila na nga itong walang karapatan sa lupain natin ay sila ang may ganang sumingil ng sobra sobrang buwis. Buti sana kung napupunta ang pera sa gobyerno at hindi sa nanlilimahid nilang mga simbahan. Noong araw na yon kahit saan ka magpunta sa Calamba ay maririnig mo ang taghoy ng mga tao. Parang isang mahabang parada ng patay ang nangyari, kahit ang mga batang walang kamuwang-muwang, pati sila ay makikita mong umiiyak. (LONG PAUSE) Wala na tayong babalikan, kinamkam nila ang lahat, ang ating bahay, ang ating lupa, lahat. Pero magpakatatag ka Pepe, patuloy mong ipaalam sa munod ang ating mga hinaing. At huwag kang mag-alala sa min dahil sa kabila ng lahat, hindi kami nawawalan ng loob sana ay ikaw din.
Nagmamahal, Paciano
Mag bbreak down si Rizal. Magwawala. SA gitna ng pagwawala nya, makikita nya ang isa pang sulat. Jose: Leonor…
Voice Over (Leonor)
Pepe,
Nawa’y nakatagpo ka na ng tunay na kaligayahan sa iyong mga sulatin. Humahanga ako sa katapangan mo, ngunit nalulungkot din dahil kitang kita ko na talagang magkaiba na tayo at napakalayo sa isa’t isa. Ipinagkasundo ako ng aking ina sa isang Ingles. Bagama’t hindi ko sya gusto ay
nagsumamo ang nanang na tanggapin ko sya. Matagal ko itong pinag isipan gaya ng matagal kong paghihintay sa iyo. Paalam Pepe. Magpapakasal ako subalit mananatili akong nakagapos sa ala-ala ng iyong pagmamahal.
Leonor
Play Maria Clara’s Song CLOSE
SCENE 13
-PLAY CLIP RIZAL TRAVELLING-
Ang matapang na pagbabalik ni Jose sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay noong Hunyo, 1892. Ito ang pangalawa niyang pagbabalik sa Pilipinas, pangalawa sa
kanyang paguwi noong Agosto 5, 1887. Alam ni Jose na papasukin nanaman niya ang isang magulo at mapanganib na mundo ngunit determinado siyang ang laban ay hindi na sa Espanya, kundi sa Pilipinas na mismo.
(Makikipagkamay at makikipagusap si Jose sa ilan sa mga kasapi ng Liga at pagkatapos ay tutungo sa palpito at magsasalita.)
Jose: Tinitawagan ko ng pansin ang lahat! Magsisimula na ang pagpupulong na ito.
(Uupo ang lahat at tatahimik, tila nagaabang sa sasabihin ni Jose.)
Jose: Salamat. Salamat, mga kasama, sa inyong pagpapaunlak sa pagpupulong na ito. Nais ko ring magpasalamat sa mabuti nating kasamang si Doroteo Ongjuangco na buong pusong nagpahintulot sa paggamit nating ng kanyang tahanan ngayon.
Alam nating lahat na ang La Liga Filipina ay bunga ng hinanakit at karaingan ng La Solidaridad at ng Propaganda ngunit kailangan din nating malaman na ang pinakalayunin nito ay ang pagpapasaayos ng buhay at pamumuhay ng ating mga kababayan. Naniniwala tayong sa bansag na “Unus Instar Omnium” o “Isa, Gaya ng Lahat.” Kaya naman, lahat tayo ay magtutulungan na gaya ng iisang katawan sa ikabubuti ng lahat.
At ngayon ay pakinggan natin ang presidente ng ating Liga, ang kasamang Ambrosio Salvador!
(Papalakpak ang lahat hanggang magsalita si Ambrosio Salvador.)
A. Salvador: Salamat kasamang Pepe. Gusto kong ihatid ang aking pagpapasalamat sa inyong lahat sa inyong pagtitiwala sa aking kakayahan. Ipinangangako ko na ang ating Liga ay magiging masigla at matibay sa aking pamumuno at sa mga susunod pang panahon. Umaasa din akong gagampanan ninyo ang lahat ng inaasahan sa inyo. Dadating ang araw na aalaalahin ng lahat ng mga Pilipino na sa taong ito, 1892, naitatag ang La Liga Filipina. Mabuhay ang Liga!
Lahat: Mabuhay ang Liga! A. S.: Mabuhay ang Pilipinas! Lahat: Mabuhay!
(Unang kakamay si Rizal kay Salvador, kakamay ang lahat kay Salvador at aalis na si Jose.)
TELON SCENE 14
Pagkatapos ng pagpupulong ng La Liga Filipina, dumeretso si Jose kay General Despujol sa Malacanan. Kinailangan niyang makipagkita sa General upang pagusapan ang kaso ng kanyang pamilya.
(Papasok si Jose, akmang kakamayan ang General ngunit pipigilan siya nito.)
GD: Por favor, permanecer de pie! Jose: Si, General.
GD: Su nombre?
Jose: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. GD: Ah, el exiliado!? Ha-ha-ha! Sentarse –
Jose: Gracias, senor –
GD: Bakit ka naparito, Jose?
Jose: Gusto ko hong kumustahin ang kaso ng aking pamilya – ng aking ama, ng aking mga kapatid.
GD: Mukhang mas magandang pagusapan nalang natin ang kinalaman mo kay Bonifacio?
Jose: (Gulat) Wala akong alam sa sinasabi mo, General. GD: (Ngingiting sandali) Bueno. Napatawad na ang iyong ama, Jose, at malaki ang posibilidad na mapatawad na rin ang iyong mga kapatid. Ang kaso mo ang problema, Jose. Malabo kang mapatawad dahil malakas ang kaso laban sa iyo.
Jose: Malakas ang kaso labang sa akin? Pero – GD: Tiniente! –
Tiniente: Si, General!?
(Kukunin ng tinienta ang mga papeles at iaabot kay General. Bago pa man niya maiabot ay sinunggaban ni General ang mga ito.)
Tiniente: Aqui lo tienes –
GD: (Tatayo at lilibot habang nagbabasa) Ayon sa kaso mo, Jose, sumulat ka ng mga libro at mga polieto na laban sa Espaniya at laban sa Simbahan, isinulat mo ang El
Filibusterismo bilang pagaalaala sa tatlong traydor na mga pari – Gomez, Burgos at Zamora at ang layunin mo sa
pagsusulat ay para sirain ang Kabanalbanalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.
Jose: Wala ni isa sa mga ‘yan ang may prueba, General. Ang mga akusasyong gaya ng mga ‘yan ay maaaring manggaling kahit kanino lang. Wala akong ki –
GD: Huwag mo nang paikut-ikutin ang ulo naming Jose! No somos idiotos!
Jose: General, nagsasabi akong ng totoo –
GD: (Dahan-dahan) Ano ang kinalaman mo sa mga pagaalsa at ano ang alam mo kay Bonifacio?
Jose: Wa –
GD: Hindi kami mga tanga, Jose. (Ihahagis niya ang mga polieto sa harapan ni Rizal.) Pobres Frailes – isang satirika laban sa simbahan at sa mga pari!
(Papalakpak si General Despujol at akmang dadalpin si Rizal ng isang guardia. Papalag siya sa unang pagkakataon.) Jose: Wala akong alam sa mga ito, General!
GD: Nasabat ang mga polietong ‘yan sa Ate Lucia mo. Sige, kunin na ‘yan at ipatapon kay Capitan Carcinero!
Jose: Kailangan ko ng patas ng paglilitis, General! Hindi tama ito!
TELON SCENE 15
Dinala si Jose sa isang steamer, Cebu, patungong Dapitan. Bago tumuloy ang steamer ay binasahan siya ng hatol ni Capitan Carcinero at nakatanggap siya ng sulat mula kay Padre Pastells.
(Hawak pa rin si Rizal ng guardia habang binabasahan siya ng hatol sa kanya. May mga taong nakaupo sa steamer.) CC: Anong pangalan mo?
Jose: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.
CC: (May isusulat sa isang papel, tatayo at babasahan si Jose.) Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ipinatatapon sa Dapitan sa kasong panguupat ng pagaalsa laban sa Espaniya at sa Simbahan. Ikaw ay mananatili doon sa loob ng apat na taon sa ilalim ng aking superbisyon.
Naiintindihan mo ba ang hatol na ito sa iyo?
(Hindi sasagot si Jose. Uupo siya sa gitna ng steamer, aalis ang guardia at si CC. Darating ang isang kartero na may dalang sulat para kay Jose.)
Kartero: Donde estan Jose Rizal? Jose: Si! Tengo una carta?
Kartero: Galing ho kay Padre Pablo Pastells.
Jose: Akin nga iyan. (May ipapipirma ang kartero. Bubuksan ni Jose ang sulat at babasahin ito. Iparirinig sa voice over ang nilalaman ng sulat.)
Padre Pastells Compana de Jesus Filipinas
Jose,
Magandang araw sa iyo! Sana ay natanggap mo ang liham na ito na nasa mabuti kang kalagayan. Kung ako naman ang iyong tatanungin, ako ay mabuti naman sa awa at tulong ng Dios.
Nabalitaan ko ang pagpapatapon sa iyo sa Dapitan kaya dali-dali akong sumulat kay Padre Obach upang ipaalam sa kanya ang iyong kalagayan at pangangailangan. Sinabi niya sa akin na maaarin kang tumira sa kumbento ng Simbahan kung susundin mo lang ang mga payo niya sa iyo.
Una, gusto niyang bawiin mo ang lahat ng sinabi mo laban sa Iglesia Katolika at na gumawa ka ng mga pahayag na kontra-rebolusyon. Pangalawa, gusto niyang magbalikloob ka sa Simbahan at magkumpisal. Panghuli, gusto niya na kumilos ka ng naaayon sa mga gawi ng alipin ng Espaniya at gawi ng mga pananampalataya.
Sana ay basbasan ka ng Dios sa mga plano mo. Laging gumagabay,
Padre Pastells
(Tatayo si Jose at mananalumpati ng sagot niya sa sulat ni Padre Pastells.)
Jose: Hindi! Hindi ako papaya sa mga kundisyong ito para lang makapanirahan ng walang bayad sa kumbento kasama ng
mga prayle. Hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko laban sa relihiyon dahil ang lahat ng mga iyon ay tama. Aso lang ang kumakain ng sarili niyong iniluwa.
Bakit ako magbabalikloob sa Simbahan at magkukumpisal? Bakit ako magkukumpisal sa mga taong gaya ko ay
makasalanan? Maninindigan ako sa mga bagay na
ipinaglalaban ko at hinding hindi ako magpapataboy sa mga kundisyon ng sinuman.
TELON SCENE 16
Dahil hindi pumayag si Jose sa mga kundisyon ni Padre Obach, kinailangan niyang tumira kasama ng kanyang warden, si Capitan Ricardo Carcinero. ‘Di naglaon ay naging magkaibigan ang dalawa. Nagustuhan ni Capitan Carcinero ang pagiging magalang at matalino ni Jose. Nagkaroon sila ng magaganda at malalalim na mga paguusap sa harap ng hapagkainan. Alam ni Capitan Carcinero na hindi isang kriminal si Jose kaya naan pinayagan niya siyang maglibot sa Dapitan na wari’y malaya.
(Nasa loob ng bahay si Jose. Isaisang darating ang tatlo niyang mga bisita – si Francisco na magbabalita sa kanya ng
napanalunan niya sa bolahan, si Padre Sanchez na makikipagtalo sa kanya tungkol sa relihiyon at si Pablo Mercado na espiyang ipinadala para manmanan siya. Kakatok si Francisco.)
Francisco: Tao po!
Jose: (Ititigil ang pagbabasa ng diaryo) Sandali lang! Sino ‘yan? –
Ah, Francisco! Ikaw pala halika tul –
Francisco: Jose, may maganda akong balita sa iyo! Jose: Oh, kalma lang Francisco, ano ba ‘yan? (Uupo) Francisco: Nananalo tayo sa bolahan!
Jose: (Mapapatayo) Ano? Bolahan? Talaga? Magkano? Francisco: Tumama tayong tatlo ng bente mil – ikaw, ako at si Capitan Carcinero.
Jose: Tingnan mo nga naman ang swerte ano!?
Francisco: Tama ka diyan! Kaya maghahati tayong tatlo at makakukuha tayo ng tig-sais mil dos cientos!
Jose: Marami akong paggagamitan ng perang makukuha ko – Francisco: -- Anu ano naman?
Jose: Ano naman ang pakialam mo? F: Wag ka namang ganyan Pepe.
Jose: Biro lamang! Una, magbibigay ako ng dalawang-libong piso sa aking ama. Tapos, Dalawandaan naman ang ibibigay ko sa kaibigan kong si Basa na nasa Hong Kong –
Francisco: -- Eh ang iba?
Jose: -- Ang iba naman ay ikakapital ko sa agrikiltura, isang munting paaralan at negosyo dito sa Dapitan!
Francisco: Oh, siya, Jose! Aalis na muna ako. Bukas idadaan ko dito ang bahagi mo sa bolahan!
Jose: Huwag mong kalilimutan Francisco ha? Bukas! Sige! (Bubulong sa sarili) Swerte nga naman oo.
(Pagupo ni Jose ay may kakatok nanaman sa pinto. Aakalain niyang si Francisco. Yun pala ay si Padre Sanchez)
Jose: Bakit, ay nakalimutan ka ba Francisco? Ha-ha! (Bubuksan ang pinto.)
FS: Jose!
Jose: Padre Sanchez! Kumusta na kayo? Tuloy kayo! Buti naman at may panahon kayong dalawin ako dito?
FS: Lagi akong may panahon para sa’yo Jose. Nabalitaan ko sa labas na tumama ka raw sa higit anim na libo sa bolaha? Jose: Ah, oo, Padre –
FS: Alam ko namang magaling kang magmeneho ng pera. Huwag mong iisiping hihingi ako ng balato kaya ako naparito ah? (Tatawa ang dalawa.)
Jose: Susubukan kong palaguan ang perang makukuha ko habang nandito ako sa Dapitan.
FS: Maganda ‘yan, Jose. Siya nga pala. Gusto ko nang puntuhin ang ipinunta ko dito. Sandali lang din ako’t di ako pwedeng magtagal.
Jose: Anu iyon, Padre?
FS: Nawawalan ka na ng pananampalataya, Jose?
Jose: Magkakaiba tayo ng pangmalas sa pananampalataya, Padre.
FS: Hindi ka na nagkukumpisal, Jose.
Jose: (Tatayo si Jose) Padre, hindi ang pangungumpisal ang batayan ng pananampalataya ng isang tao. Isa pa, hindi ko
kailangang mangumpisal.
FS: Bakit hindi, Jose? Isa ang pangungumpisal sa mga tungkulin mo sa Dios.
Jose: Sa Dios o sa tao? Bakit ko nga ba kailangan
mangumpisal? Bakit ko kailangang humingi ng tawad sa mga taong gaya ko ay makasalanan din? Sa Dios ako
nagkukumpisal, Padre.
FS: Hindi naman bababa ang Dios dito sa lupa para pagkumpisalin ka, Jose. Kaya nga siya nagpapadala ng mga kasangkapan niya.
Jose: Para saan pa ang panalangin, Padre? Alam nating dalawa na ang panalangin ang nagiisang komunikasyon natin sa Dios. Hindi ko kailangan ng anumang ritual para mapalapit sa Kanya.
FS: (Nanlulumo) Huwag mong sabihin ‘yan, Jose. Alam kong marami kang mapait na karanasan sa Simbahan pero hindi ‘yan dahilan para lumaban ka sa Santa Iglesia. Nasa Simbahan ang kaligtasan, Jose; huwag mong kalilimutan ‘yan. (Hindi sasagot si Jose.)
Oh, siya, Jose. Tutuloy na rin ako. Hinihiling ko sa Dios na nawa’y basbasan niya ang isip mo bago pa mahuli ang lahat. Jose: Salamat sa dalaw mo, Padre. (Ihahatid ang pari sa pintuan.) Hanggang sa huling pagkikita!
FS: Magingat kang lagi, Jose.
(Babalik si Jose sa kanyang pagkaupo si Jose at susulat kay Blumentritt. Wari’y magsusulat si Jose at maririnig sa VOICE OVER ang isinusilat niya.)
Dear Blumentritt; My friend,
I shall tell you how we live here. I have three houses, where I live with my mother, my sister Trinidad, my nephew and my students. One of the three houses is for my chickens. I have many farm animals, many fruit trees and many vegetables. I actually have a small boat in which to ride to kill time. I wake up very early in the morning to prepare food and prepare things I need for the day.
I hope that you come here and see how idyllic life is in Dapitan.
Take care, always. Your friend, Jose Rizal
(Matapos magsulat ay makaririnig si Jose ng katok sa pintuan.)
Jose: Sandali lang!(Bubuksan ang pinto at makikita ang hindi pamilyar na mukha – Pablo Mercado.)
PM: Magandang hapon sa iyo, Jose! Kumusta ka na? Jose: Maayos naman ako. Anung maitutulong ko sa iyo? PM: Ah! Pasensiya na kung nakaabala ako sa iyo. Ako si Pablo Mercado; kamag-anak mo ako!
Jose: Ah, halika tuloy ka. Pagpasensiyahan mo na ang hamak ko tirahan. Anu uli kamo? Kamag-anak kita?
PM: Ah, oo. Hindi mo na siguro ako maalala. Ako si Pablo Mercado. Heto, isang butones na may markang PM, ako ‘yan – Pablo Mercado at heto nga pala ang isang retrato mo. Jose: Nakatutuwa namang may kopya ka ng retrato kong ito. Pasensiya ka na ano pero hindi talaga kita maalala. Ipaalala mo nga ulit sa akin kung paano kita naging kamag-anak? PM: Naku! Mahabang kuwento ‘yan, Jose! Aabutin tayo ng siyam-siyam! Siya nga pala. Hirap na hirap akong hanapin ka. Naipatapon ka raw dito?
Jose: Ah, oo. Mukhang kailangan kong manatili ng ilang taon dito. Sulat lang ang tangi kong komunikasyon sa Maynila. PM: Nakalulungkot namang malaman iyan, Jose. Sa tingin mo’y may maitutulong ako sa iyo?
Jose: Wala naman sa ngayon pero huwag kang magalala, sasabihin ko sa’yo kung sakaling kailanganin ko ng tulong mo. PM: Ah, may naisip ako! Anu kaya’t ako nalang ang maghatid ng mga sulat mo papuntang Maynila? Isang munting tulong ko nalang sa matagal ko nang hindi nakitang kamag-anak? Jose: Magandang ideya ‘yan pero mukhang mas magandang ang mga kartero nalang ang gumawa ng paghahatid ng sulat. Alam naman nating bihasa sila sa mga ganung gawain. PM: Ah, oo naman, siyempre. Naku, maggagabi na pala. Salamat sa oras mo, Jose. Baka tutuloy na rin ako.
Jose: Aalis ka na? Gagabihin ka na sa daan. Mahirap mangapa sa dilim. Mas mabuti pa’y dito ka na magpalipas ng gabi. Bukas ka nalang ng magang-maga tumuloy.
PM: Salamat, Jose. Nakakatakot na rin ngang lumabas. Jose: Halika at maghanda na tayo ng hapunan.
TELON SCENE 17
Nakaramdam na ng hindi maganda si Jose sa taong nagpakilala sa kanya bilang Pablo Mercado. Di naglaon ay nalaman niyang siya pala si Florencio Namanan, isang espiya ng mga prayle na nagbabalak makakalap ng mga
ebidensiyang magpapadiin kay Jose. Sa loob ng apat na taong pananatili ni Jose sa Dapitan ay naging produktibo ang kanyang buhay. Naging manggagamot siya ng mga
naninirahan duon, naging guro sa mga maliliit na mga bata, naging bihasa sa agham, nagsulat ng mga tula, nagpinta ng magagandang mga obra maestro at naging negosyante. Kahit abala si Rizal ay hindi naging hadlang ang mga gawain niya para makilala niya si Josephine Bracken. –Show clip- (Nakaupo si Jose, darating si Josephine Bracken kasama ang kanyang ama. Ihahatid ni Josephine ang kanyang amain sa receiving area ng klinika ni Jose. Bubuksan ni JB ang pinto.) JB: Hello, good day! (Romantic music)
Jose: Good day to you too, miss. Come in!
JB: You must be Dr. Rizal. I’m Josephine Bracken from Ireland. Jose: Ireland? They say women from Ireland are beautiful. I see they’re not mistaken.
JB: (Mahihiya) Thank you very much, Dr. Rizal.
Jose: I think it would be more fitting if you call me Jose. People call me by that name.
JB: Uh, yes. Dr. Jose. We’ve heard of your expertise as an eye physician even in my home town. I really need your help. Jose: Why, Josephine, is there a problem with those big, beautiful, blue eyes of yours? (Hahawakan ang mga mata ni JB.)
JB: (Mahihiya) Not me. My father.
Jose: Oh, I’m sorry. Would you mind bringing him in? (Dadalhin ni JB ang kanyang ama sa loob ng klinika ni Jose. Susuriin sandal ni Jose ang mga mata ng ama ni JB.) JB: We’ve already consulted doctors from other countries. They fail to give any help.
Jose: I’m afraid your father’s case is really a difficult one. If I conduct an operation on his eyes, chances are low for us to recover his eyesight; nevertheless and rest assured, I will try my best and will exhaust everything that I can.
JB: Thank you, Dr. Jose.
Jose: (Titipunin ang buhok sa likod ng tainga ni JB.) Don’t call me Dr. Jose ; just “Jose” is enough.
JB: Alright.
Jose: So, I guess you have to come back here on Wednesday so that I can have plenty of time to prepare the necessary tool that I will use. Don’t worry about your father’s condition. JB: Thank you, Jose. We’ll come back on Wednesday.
(Pagbubuksan ni Jose ng pinto si JB at ang kanyang ama. Uupo siya at susulat ng tula para kay Josephine na maririnig sa VOICE OVER.)
Josephine, Josephine
Who to these shores have come Looking for a nest, a home Like a wandering swallow; If your fate is taking you To Japan, China or Shanghai, Don’t forget, on these shores A hear for you beats high (Papasok bigla si JB) JB: Dr. Rizal! Dr. Rizal!
Jose: Josephine, you have come back? Whom are you with? JB: I came here alone. I escaped from home them; I wanted to see you again.
Jose: It’s a good thing you came back. Ever since I saw you, I already felt strange inside me. See, (Ipakikita sa kanya ang ginawa niyang tula) I made a poem especially for you. I think I’m in love with you, Josephine!
JB: Yes, I know. I feel the same for you, Dr. Rizal –
Jose: (Pipigilan sa pagsasalita si JB.) Remember, I told you, not to call me Dr. Rizal. Call me “Jose,” as if your own.
(Biglang makararamdam ng pagsisisi si JB. Tatayo at lalayo kay Jose.)
JB: What am I doing!? Am I crazy? Is it really possible – to fall in love with someone I’ve only seen a few moments ago? Jose: Don’t be afrain, Josephine. We share the same feelings. If it is insanity to love, then I, too, am insane.
JB: I love you, Jose.
Jose: I love you and I would love to marry you. JB: Let’s marry –
JB: Yes! Let’s make a family, Jose. You and me!
Jose: I will contact a priest as soon as possible! I will marry you now! Today!
(Iiwan ni Jose si JB sa kaniyang klinika, kukunin si Padre Obach at ipakikita sa kanya si Josephine. Papasok si Jose at Padre Obach.)
Jose: There she is, father, the love of my life!
Padre Obach: (Hihilahin siya sa tabi) Jose, anung bang naiisip mo? Maghulusdili ka! Nababaliw ka na ba? Kakikilala mo lang sa babaeng ‘yan, gusto mo na ng kasal!?
Jose: Padre, nagmamahalan kami. Hindi ba’t yun naman ang mahalaga sa isang kasal? Ang pagmamahal?
PO: Pagmamahal? Nababaliw ka na, Jose! (Nanggigigil) Kakikilala mo palang sinasabi mo na ‘yan na wari’y ilang taon mo na siyang kasama! Isa pa, Jose, hindi ko kayo pwedeng ikasal ng basta-basta. Kailangan ko pang sumulat sa Obispo ng Cebu. Siguradong hindi rin siya papayag kung malalaman niya ang bagay na ito!
Jose: Padre, ikasal mo na kami!
JB: Jose, my love, is there any problem?
Jose: No, darling. Please wait. I and father Obach are discussing some matters. (Babalik kay Padre Obach.) Padre, wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan naming! PO: Jose, wala na akong maitutulong pa sa iyo. Kung malalaman ito ng iyong ina, tiyak na magiging kahihiyan niya ang inyong kasal at magiging kahihiyan ng simbahan kung papayagan ko kaya. Pasensiya na. (Lalabas na si PO. Hahabol si Jose.)
Jose: Padre!
JB: Doesn’t the priest want to solemnize our wedding? Jose: He told me that our wedding could be a problem. Don’t worry, Josephine. Weddings are not important! What’s important is that we love each other.
JB: But people might say bad things about us. Jose: I don’t care! What I care about is that we live in together and make a family.
JB: I love you, Jose!
Jose: I love you too, Josephine. Today, I promise to you, in the presence of God, that we are husband and wife.
SOMETHING STUPIDLY ROMANTIC WILL PLAY TELON
SCENE 18
Naging maganda ang pagsasama ni Jose at ni Josephine kahit na hindi sila kasal ng simbahan. Naging masipag si Josephine sa pagtulong sa kanyang asawa at matiya niyang pinagaaralan ang wika ni Jose, Filipino. Nagdalang-tao si Josephine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nabuhay ang bata.
(Ipapakitang buntis si Josephine at nagaayos sa bahay. Nadaring ang isa sa mga kapitbahay ni Jose na
nagkukumahog. Dalaldala naman ng dalawa pang iba si Josephine.)
Bebang: Jose! Jose! Manganganak na ata si Josephine, Jose! Jose: Kalma lang ho, Aling Bebang. Pumutok na bang panubigan niya?
Bebang: Ay naku, oo, Jose! Jose: Nasaan ho ba siya?
(Papasok si Josephine na bitbit-bitbit ng dalawang
kapitbahay. Nagaalala si Aling Bebang at kinakabahan na ang dalawa.)
JB: Jose! Jose! Ahh! It hurts!
Jose: Just calm down, Josephine. Just calm down. (Ihihiga si JB sa isang papag.) Breath in, breath out! Just follow me: breath in, breath out. Come on!
(Magpapatuloy sa paghingal at pagiri at pagiyak si Josephine habang pinupunansan ni Aling Bebang ang ulo ni Jose at iniaabot kay Jose ng iba pang dalawa ang mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang sandal…)
Jose: It’s a boy. (Dismayado)
(Magugulat ang tatlong babae. Kakausapin ni Jose si Aling Bebang.)
Aling Bebang: Jose, patay ang bata. Paano mo sasabihin kay Josephine?
Jose: Huwag muna nating sasabihin sa kanya, Aling Bebang. Hayaan nalang muna nating makapagpahinga ang isip at
katawan niya.
Aling Bebang: Tama ka diyan. Hindi rin magandang sabihin sa kanya agad at baka mabigla siya.
Jose: (Tatango si Jose.) Aling Bebang, maghanda ka ng ataol na gawa sa makikinis na kahoy. Maliit lang. Ililibing ko ngayong gabi ang bata.
Aling Bebang. Sige, Jose.
Nang gabing iyon ay inilibing ni Jose ang kanyang siyam-na-buwang anak sa isang kakahuyan sa Dapitan. Pinangalanan niya itong Francisco bilang pagalaala sa kanyang amang si Don Francisco. Labis na naghinagpis si Jose sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Mabuti nalang at nandoon ang mga kaibigan at kapitbahay niya sa Dapitan upang makiramay sa kanyang pangungulila.
(Unang makikita si Jose na nakatayo kasama ang ilang mga tao. Nakaupo naman si JB. Nakikiramay sila at nagpapaalam nang aalis.)
Tao1: Nakikiramay kami sa nangyari sa iyong anak, Jose. Inaasan din naming magkakaroon ka na ng anak.
Jose: Salamat, kasama. Hindi ko rin inaasahang ganun ang mangyayari.
Tao2: Kung nabuhay siguro si Francisco ay magiging kasing galing niya ang kanyang ama.
Tao3: Oo, at malamang ay magiging manananggol din siya n gating Inang Bayan.
Jose: (Ngingiti si Jose sandali.) Salamat sa inyo.
Jose: Magiingat kayo. (Uupo si Jose at tatabihan si JB. Tulala si JB.) I know the sorrow that you feel, Josephine. I know how it feels to lose a child. (Titingnan ni JB si Jose at hindi
magsasallita.)
(Papasok ang isang kaibigan ni Jose dala ang balitang pumayag na si Governor Blanco sa pagtulong niya sa Cuba.) Kaibigan: Jose! Jose! Pagpasensiyahan mo na ang pagaalaba ko.
Jose: Walang anuman ‘yon, kasama. Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo.
Kaibigan: Isang sulat galing kay Governador Blanco, Jose. Mukhang papayagan ka na sa pagtulong mo sa labanan sa Cuba.
Jose: Nakapagtataka naman. (Binubuksan ang sulat.) Matagal ko nang ipinadala ang sulat ko sa kanila. Ngayong lang darating ito. (Babasahing sandaIi.)
Kaibigan: Oh, anong eka, Jose?
Jose: Sulat nga mula sa Gobernador. Pinapayagan na akong tumulong sa labanan sa Cuba pero hinihiling sa aking dumaan muna sa Maynila para mapagbilinan ako sa pagpunta ko sa Espaniya.
Kaibigan: Maganda ‘yan, Jose! Nakatutuwa namang isipin na pinagyagan ka ng Gobernador sa iyong kahilingan.
Jose: Tama ka pero kailangan kong iwanan ang Dapitan. Napamahal na ako dito, kasama.
JB: What is that, Jose?
Jose: It’s a letter from Governor General Blanco Josephine. He’s notifying me that he is accepting my help for the war in Cuba.
Kaibigan: Salamat sa tulong mo dito sa Dapitan, Jose. Marami kang nagawang proyekto dito at dahil sa mga ‘yun ay
umunlad ang buhay at pamumuhay naming rito. Salamat din sa pagtuturo mo sa mga kabataan dito; mula ngayon ay may maiiwan kang marurunong sa bayan na ito.
Jose: Walang anuman ‘yun kaibigan. Itinuring ko naring sarili kong tahanan itong Dapita. Sa apat na taong pananatili ko dito ay naramdaman ko ang pagkalingan naramdaman ko sa Calamba.
Kaibigan: Hindi ka naming makalilimutan kailan man, Jose. Salamat.
TELON SCENE 19
Pio Valenzuela Scene
PV: Magandang araw Dr. Rizal. Ako ay nagmula pa sa malayong lugar at ninanais ko sana na makahingi ng tulong medical sa inyo. Sana ay matulungan nyo ako.
R: Ganun ba Senor? Ano ba ang maitutulong ko sa inyo? PV: Maari ko po ba kayong makausap ng sarilinan? R: (Nag dalawang isip) Ganun ba? Sige. Tayo na. Walks…..
PV: Hindi tulong medical ang kailangan ko Dr. Rizal, ang totoo’y pinadala ako dito ng Supremo
R: Supremo?
PV: Si Kasamang Andres Bonifacio. Gusto nyang sumama kayo sa isang malakihang pag-aalsa na magaganap sa iba’t ibang panig ng bansa. Kayo at ang inyong mga sulatin ang nagbigay lakas sa himagsikan, Dr. Rizal. Kayo ang nagsilbing gatong sa namamatay na sanang apoy ng aming pakikipagtunggali. R: Hindi pa tayo handa! Anong magagawa ng inyong mga gulok laban sa mga baril at kanyon ng mga Kastila? Kung dadanak ang dugo, tiyakin muna nating may laban tayo! PV: Kailan pa tayo magiging handa?! Pag patay na tayong lahat?! PAUSE. HINGANG MALALIM. Ipagpaumanhin nyo Dr. Rizal ngunit kailangan ka namin. Sumama ka na. Maari naming kayong itakas dito.
R: Nakapagbitiw ako ng salita na hindi ako tatakas dito. PV: Dr. Rizal..
R: Dr. Valenzuela, wala akong balak sumama sa revoluthyon. TELON
Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa Dapitan. Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si Jose. Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang Espaniya, ang steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.
SCENE 20
|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya.
(May isang kababayan niya na kakausap sa kanya.)
Kb: Magandang araw, Jose!
Jose: Magandang araw din naman sa iyo, kaibigan.
Kb: Nabalitaan kong kailangan mo raw pumunta sa Espaniya para makatulong sa labanan sa Cuba?
Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit nahuli ako dahil nakaalis na pala ito kahapon ng alas singko.
Kb: Kaya naman hihintayin mo ang susunod na steamer, tama ba?
Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako sasakay.
Kb: Mabuti. Hiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay –
Jose: -- Salamat –
Kb: Nabalitaan mo na ba ang mga pagyayari sa ating bayan? Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?
Kb: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala ng Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluihanan na ang mga mga Kastilang opisyal.
Jose: May mga pagaalsa na bang sumiklab?
Kb: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Jose: Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan. Kb: Nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at
nagsisimula nang kumilos ang mga Pilipino upang bawiin an gating kalayaan?
Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga Pilipino at mga Kastila.
-AUGUST 1986 REVOLUTION, Show clip.- TELON
|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer na Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang mayamang taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na iyon.
P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo makarating sa Barcelona.
P2: Tumakas ka na, Jose, habang may pagkakataon ka pa! Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa Barcelona at tutulong ako sa labanan sa Cuba bilang isang manggagamot. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.
P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto mong mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang at manahimik sa isang tagong lugar.
Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at prinsipyo na kailangan kong alagaan.
(Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa kanya.)
TK1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal Mercado!? Jose: Si. Que usted necesitas?
TK2: Inaaresto ka naman, gamit kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General Ramon Blanco.
Jose: Sa anong dahilan ako aarestuhin?
TK1: Sumama ka nalang sa amin. Sige, dakpin siya.
Jose: Saan niyo ako dadalhin!?
TK2: Ididitini ka muna naming sa Cuta. Doon ka mananatili hanggang makarinig kami ng kautusan mula kay Gobernador General Blanco.
TELON
SCENE 22
Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steam. Punong-punong ng mga sundalo at mga opisyal ang steamer. Ang huling paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran.
-Fort Santiago, kulungan ni Rizal-
GH: Kailangan bang isinusulat ang lahat ng nakikita? (Galit) Jose: Kung hindi Heneral, ano ang ipinagkaiba natin sa mga hayop?
GH: Ganyan ba katalas ang dila ng iyong mga nobela?! Jose: Nabasa nyo na ba ang aking mga nobela?
GH: Hindi pa! (PAUSE) Ang sabi nila’y hindi ako patutulugin ng iyong mga nobela.
-Silence, pacing- GH: Kamusta ka rito?
Jose: Walang pinagkaiba sa Dapitan, Heneral Blanco. Mas masikip nga lang dito. Nawala ang mga tanawin, ang karagatan, ang kabundukan.
GH: Paumanhin Jose.
Jose: Pinaniwala nyo ako na pinapayagan nyo akong magsilbi sa Cuba bilang manggagamot doon yun pala’y ipapahuli at ipapakulong nyo lamang akong muli. I-sa kayong hi-pok-rito. GH: Naipit ako sa bilis ng mga pangyayari. Bigla na lamang sumabog ang lahat! Sumiklab ang rebelyon sa napakaraming panig ng bansa! At ikaw, ikaw Jose ang intuturong apoy ng rebelyon!
Jose: Kailanma’y hindi ko papayagang magamit ang aking pangalan sa ganyang kadahilanan. Ang aking mga isinulat at aking pagpapahalaga sa edukasyon, sa kapayapaan ay nawawalang saysay lamang dahil sa iilang mga Pilipinong hindi makapaghintay sa tamang panahon!
GH: Bakit hinid ka magpalabas ng manifesto para pabulaanan ang lahat?
Voice over (Rizal) show clip writing
Ang reblusyon ay sumiklab sa kabila ng aking pagtutol. Ang pakikidigma sa panahong kasalukuyan ay hindi
makakatulong sa atin. Ito ay masahol pa sa pagpapatiwakal. CLOSE
SCENE 23
(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa kasong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo) Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa kampanya para sa reporma sa Espanya.
2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik.
3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa Propaganda sa Espaniya. 4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na mapanghikayat ng himagsikan.
5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas.
6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik na serbisiyo.
7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya.
(Papalo nanaman si Juez.)
Tagabas2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo: 1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na
organisasyong na humihingi ng tulong nito para sa paghihimagsik.
2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.
3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno.
5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal na organisasyon.
6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”
7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!”
8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.
(Papalo nanaman ang Juez)
Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong mananaggol na iprisenta ang inyong hulingdepensa. (Papalo.)
Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realando. Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan. Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya. Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.
Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan ng pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa.
(Tatayo si Jose at magsasalita.)
Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon. Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng
digmaan. Dalidali akong sumulat sa Gobernador General para iaabot ang makakayao ngunit ito ang nakuha kong kapalit. Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang aking pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan – minahal ko ang sarili kong bayan.
Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal. Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang nagkasala sa harap ng korteng ito dahil sa iyong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng parusang kamatayan. (Papalo ang Juez.)
Magkakagulo sa loob ng korte. SCENE 24
CLOSE -Malacanan-
Nanay: Maari po bang makausap si Gobernador Polavieja? Hihingi lamang ako ng tulong para sa anak kong si Jose Rizal. GS: Walang panahon ang gobernador heneral!
Nanay: Maawa na po kayo! Nasa kamay ng gobernador ang buhay ng aking anak.
GS: Madame por favor! Umalis na kayo. Dadating ang gobernador.
Nanay: Gobernador! Gobernador! (2x pa!)
GH: Madame por favor, wala akong panahon
Nanay: Nagmamakaawa ako Gobernador para sa anak kong si Jose Rizal. (May iaabot na sulat, kukunin ng GH)
GH: Pasensya na. (Tatalikod at aalis) Magbbreakdown ang nanay. -CLOSE-
SCENE 25 KKK
Andres B. : Sasalakay tayo, ililigtas natin si Dr. Rizal! Mabuhay si Dr. Jose Rizal!
All: Mabuhay! (Infinity times)
Paciano: Sandali langggg! Magsitigil kayooo! (Loud voice) Mahigpit ang pagbabantay kay Pepe! Handa sila sa anumang bagay na maaring mangyari!
AB: Handa rin kami! Hindi kami natatakot sa kanila! (IN A VERY LOUD VOICE) Mga kasama, hanggang kamatayan! All: Hanggang kamatayan! (Loud and infinite)
P: Magsitigil kayooooo! Magsitigil kayo! Gusto kong maligtas ang aking kapatid pero natitiyak ko na kailanman ay hindi nanaisin ni Pepe na dumanak ang dugo para sa kanya. Nasa kamay na ng Dios ang kanyang kaligtasan! Wala na tayong magagawa.
CLOSE
SCENE 26 -Selda-
Drama overload. Lol. (Music) Jose: Nanang! Mano po. (Luluhod) GS: (Itatayo si Rizal) No! No!
Jose: Nanang! PAUSE Pagkamatay ko po, hingin nyo agad ang aking bangkay at baka itapon na lang nila ko kung saan. Ibaon nyo po ako sa lupa, at lagyan nyo ng isang bato at isang krus, ilagay nyo ang aking pangalan, ang aking araw ng
kapanganakan PAUSE at kamatayan. Yun lang po Nanang, wala na pong iba. Kung nanaisin nyo pong lagyan ng bakod ang paligid ng aking puntod, maari nyo pong gawin. Pero Nanang, sana po walang anibersaryo. (Kukunin na ng GS si Nanang) Nanang! Nanang!
CLOSE -Selda again-
*please input creative idea/s on how to do this scene.ty Iaabot ni Rizal ang lampara sa mga kapatid
J: Bigay sa’kin ito ng mga Tavera. Hihilingin ko sa mga opisyal na ibigay ito sa inyo pagkamatay ko. There is something inside.
(Yayakapin si Rizal ng kanyang mga kapatid) CLOSE
Makikita na nakaluhod at nangungumpisal, nagdadasal si Jose.
(Music) -Fort Santiago-
Jose: Handa na ako, ikaw handa ka na ba? Taviel: (yuyuko, parang maiiyak)
Jose: Wag kang matakot, nandito ako
Dadating ang mga guardia sibil at igagapos na si Jose. Jose: Akala siguro nila’y tatakas ako. San naman ako pupunta? Sa Dapitan?
CLOSE
Makikita na nakaluhod at nananalangin ang mga kababaihan. Reenact First Scene
Play recorded Mi Ultimo Adios with freaking dramatic music.
Pinipintuho kong Bayan ay paalam lupang iniirog ng sikat ng araw mutyang mahalaga sa dagat Silangan kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip walang agam-agam, maluwag sa dibdib matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y putungan
pakikipaghamok at ang bibitayan
yaon ay gaon [?] din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay ngayong namamalas na sa kasilanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway
dugo ko'y isabog at siyang ikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapul magkaisip ng kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyang kahihiyan.
[79]
Sa kabuhayang ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyaw ng diwa pag hingang papanaw ngayong biglang bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y masilong sa iyong kalangitan.
Kung sa libingang ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong pag hingang dalisay at simoy ng iyong pag giliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong sa kruz ko'y dumapo kahit isang ibon doon ay bayaang humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng boong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sinoman sa katotong giliw, tangisan maagang sa buhay pagkitil; kurig tungkol sa akin ay may manalangin idalangin Bayan yaring pagka himbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay, nangagtiis hirap na walang kapalaran mga ina naming walang kapalaran na inahihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa, dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa.
[80]
At kung sa madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay, huag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga'y huag gambalain kaipala'y maringig doon ang taginting, tunog ng gitara't salterio'y magsaliw, ako, Bayan, yao't kitay aawitin.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at wala ng kruz at batong mabakas, bayaang linangin ng taong masipag lupa'y asarolin at kanyang ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw mauwi sa wala at kusang maparam, alabok ng iyong latak ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, pag hibik sa iyo, pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugang kong pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at verdugong hayop; Pananalig doo'y di nakasasagot, si Bathala lamang doo'y haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan bata pang maliit sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasalamatan at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo mga ginigiliw,
mamatay ay siyang pagkagupiling.
KUNG MAY GUSTO IDAGDAG, GORA LANG!