PARAISONG PARISUKAT Orlando Nadres Tauhan: Isya: Al: Pastorang Dimagiba Emy: Belen: Nimfa: Yolly: Sir Gerry: Mang Tomas:
Scene 1: Unang Araw sa Mira Shoes – Isya’s Award
Sir Gerry: Alam naman nating lahat na tag hirap ngayon. Nababasa natin sa peryodiko. Naririnig sa radio. Napapanood sa TV ang mga problema ng ating bayan. Halos linggo linggo tumataas ang presyo ng gasolina. Bumababa ang halaga ng ating pera at kasama na diyan ang pataas nang pataas na presyo ng mga bilihin. Pati ang mga materyales na kailangan natin sa paggawa ng sapatos, pataas nang pataas na rin ang halaga dahil sa standard at quality ng ating mga produkto. Karamihan sa ating mga gamit ay imported, pag nagtaas ‘yon nangangahulugan rin na kailangan nating magtaas ng presyo ng mga ipinag bibili natin. Pag nagtaas tayo ng presyo, bumababa naman ang benta sa ating tindahan. Alam niyo ang trato ko sa inyo, parang hindi na ibang tao. Parang kapamilya ko na kayo, lahat kayong nagsisitrabaho sa Mira shoes. Saan mang branch sa Caloocan, sa Baclaran, sa Cubao, sa Avenida, parang kapamilya na namin kayo. Dapat pangalagaan ang mga taong nagbigay ng walang pagod nilang serbisyo. Kayong nag-alay ng napakaraming taon sa Mira Shoes.
Pastora: For your dedication and service for the past five years, for your perfect attendance, for your unquestionable loyalty to Mirasol and sons, this gold medal donated by Marikina shoe manufacturing association is here by awarded to our model employee of the year to Ms. Simlina Cruz.
Emy: Go…. Dali kunin mo na.
Isya: (lalakad sa unahan upang kunin ang medalya) Pastora: Congratulations.
(Ang lahat ay nagpalakpakan at humihingi ng speech.) Isya: Thank you.
Scene 2: Ikalawang Araw sa Mira Shoes – Pagbubukas ng tindahan
Isya: Mang Tomas……… wala pa sila?
Mang Tomas: (Nagwawalis) Uhhh napuyat siguro eh. Nag yaya pa kasi si Emy lumabas kagabi eh. Akala ko nga kasama ka. Isya: Naku.. hindi po. (titingin sa sapatos na mistulang may pagnanais) Nag almusal nap o kayo?
Mang Tomas: Tapos na akong mag kape iha.
(Magsisimulang pumasok sa tindahan ang mga customer) (May isang customer na bumibili ng sapatos at nag susukat) Customer1: Ang sikip eh.
Isya: May mga sizes pa ho kami niyan. Customer1: Anong size ba ‘to. Isya: Ito ho. ahmm 8 ho. (sa isang tabi)
Customer 2: Magkano ho ‘to. Mang Tomas: Sandali ha, BELEN! 2x (Habang hinahanap si Belen)
Oh nakatanghod kana naman sa soap opera sa TV. Makita ka ni Divina Pastora malilintikan ka.
Belen: (Lilingon kay mang tomas) Bahala siya.
Mang Tomas: Madrama yata ngayon ang umaga mo. Hindi ka na naman inuwian ng asawa mo ano.
(Makikita si Belen na naunuod ng soap opera)
Belen: Bago nyo ho ako puntiryahin. Eh linisin niyo muna yung banyo, oh. Diyos ko, ang lapot lapot na ng tubig sa inidoro. Kahit ihing ihi kana tiyak uurong ang pantog mo sa tindi ng panghi.
Mang Tomas: Ohhh…. ihi lamang naman ninyo ang saksakan ng panghi diyan eh. Tabi ka nga.
Scene 3: Nahuli ng pasok si Emy Pastora: Dumating na ba si Emy. Isya: Wala pa ho.
(Dadating si emy)
Emy: Good Morning Pastora.
Pastora: Oh… bakit ngayon ka lang? Halika nga sa loob mag-usap tayo.
(Pumasok sa loob)
Belen: Para naman nananadya ka na niyan. (nakaupo sa mesa) Emy: Abah, anu magagawa ko ‘noh. Ay, talaga namang walang dumadaang jeep. 30 min. na ako naghihintay don. Alangan naman sumabit ako sa estribo.
Emy: May strike ba? Kaya naman pala kokonti ang mga dumadaan eh. Late tuloy ako.
Mang Tomas: (Papasok sa usapan) Idinahilan mo pa ngayon ang strike. Ang sabihin mo wala kang kapaguran kagabi. Nagparty ka na, lumabas ka pa wala kang kapaguran.
Emy: Eh abah, anong paki alam niya noh. Nanay ko nga hindi ako binibigyan ng curfew. Palibhasa ang huling pakikipagdate ng Pastorang yan ay panahon pa ni Marcos.
Belen: Sige lakasan mo pa ng marinig ka.
Emy: Kahit marinig niya…….. Bakit nga pla wala ka kagabi. Belen: Masama pakiramdam ni Felix.
Mang Tomas: May sakit na naman si Felix? Belen: Nanghihina po ei.
Emy: Ay talagang manghihina maghapon ba naman nagbibilang ng butiki sa kisame, kundi naman nagpupuyat sa karaoke. Balak pa yatang konpitensiyahin si April Boy eh.
Belen: Oo na.
Emy: Oo na?!! Eh hindi na uso yang pamartir ano. Eh sa pelikula nga sinusuka na yan eh. ‘Kaw talaga.
Mang Tomas: Ito talaga si Emy oh. Kinakagalitan pa si Belen. Palibhasa napagalitan ka ni Dimagiba eh, binubweltahan mu na itong si Belen.
Emy: Ah… basta masaya ako kagabi. Mang Tomas: Ba’t naman.
Emy: Biruin mo Mang Tomas ang sarap sarap niyang humalik at walang kapaguran.
Mang Tomas: San mo naman nahagilap yang bagong ulupong mo.
Emy: Excuse me Mang Tomas ha. Wag mo ngang iniismall ismall yon. Professional yun ‘noh. Line man yun sa Meralco sanay sa akyatan ng poste. Kaya malakas ang resistensiya.
Mang Tomas: Patawarin ka ni Herodes. Emy: San nga pala si Isya?
Mang Tomas: San pa eh di nandon sa kanyang lungga at nangungumpisal sa mga sapatos.
Emy: Good
Tindera: 14722 Black six ½.
Isya: 14722 Black six ½ (uulit-ulitin) Tindera: Eto na po mam.
Customer 3: Ayan.
Tindera: Kasiyang kasiya po Ma’am. Customer 3: Oo ‘noh. Ang ganda. Scene 4: Merienda
Emy: Pssst…. ui Yolly, tawagan mo na nga yung si Isya.
Yolly: Nakohhh…… hayaan mo yun. Nandun yun sa taas. Doon yun kumakain.
Belen: Bakit ayaw niya bang sumabay sa atin pag kain. Emy: Baka may baon.
Belen: Anu yon. Akala ba niya makikisalo tayo sa pagkain niya. (Sa itaas sa stock room)
Pastora: Ohhh… bakit di ka sumali sa kanila sa ibaba. Isya: Masikip na po sila dun sa mesa.
Pastora: Nakoh… kung sa bagay hindi kita masisisi. Yung mga babaeng yun, nakoh walang malasakit sa trabaho. Ang sasama ng ugali mga walang utang ng loob. Hay nakoh, sa hirap ba naman ng buhay ngayon. Kaya ikaw magpasalamat ka dahil may trabaho ka. Isya alam mo ba kung gaano karaming tao ngayon ang walang trabaho.
Isya: Marami po.
Pastora: Oo, kaya palagi kang mag papasalamat kay Lord dahil maganda ang trabaho mo at mahal ka ng Miraflor. Diba model employee ka nga e. Tsaka wag ka mag-alala kahit mahina ang benta natin sisiguraduhin ko sayo na hindi ka malelay off. Kaya pati si Sir Gerry ipag dadasal mo ha at tsaka ihahanap din kita ng makakasama ditto. Para may katulong ka sa trabaho. Oh linisin mo yang pinagkakainan mo dadagain tayo.
Isya: Opo.
Scene 5: Isya at Emy pa-uwi
Emy: Ikaw ba nagka boyfriend na. Hindi ka naman pangit. Oh Ano? Mag make-up ka lang ng kaunti bebenta kana sa mga lalaki.
Emy: Sa isang araw nga swerte na ang mag salita ka ng sampung salita. Eh kung minsan nga naisip na namin na galling ka sa lahi ng mga pipe eh.
Isya: an unman ang sasabihin ko eh wle nman akong ikukwento Emy: Ihahanap kita gusto mo. Maraming barkada yung jowa kong line man sa Meralco.
Isya: Salamat na lng Emy.
Emy: Masarap magka boyfriend. Ililibre ka sa pamasahe sa sine sa pamamasyal malaking tipid din yon.
Isya: Sige na Emy maglalakad lakad lang ako sa simbahan ha. (Magdadasal sa simbahan si Isya at mapapansin si Al) .
Isya: (Pag-uwi sa bahay naglalaba at pinupunasan ang gintong medalya.)
Scene 6: Nag apply si Al sa Mira Shoes Al: Ito ba yung Mira Shoes?
Yolly: Applicant ka, don sa liod kay Pastora. Al: Sige salamat ha.
Pastora: Bakit di ka nakatapos ng college? Al: First year lang ho.
Pastora: Bat first year lang? Al: Minalas po.
Pastora: Nasipa ka eskwelahan noh? Al: Hindi po nahinto po ako, pinansiyal ho.
Pastora: San ba tong eskwelahan na toh? bakit di ko pa naririnig toh?
Al: Cagayan De Oro po.
Pastora: Paano ka narekomenda sa trabahong ito? Al: kapatid po ng ninong ko. Kilala po si Mister Miraflor. Pastora: Huh… kilala mo si Sir Gerry si Mr. Mira Flor?
Al: ahh hindi po kakilala po siya nung kapatid ng Ninong ko siya nga po yung---
Pastora: Alam mo ba kung ano ang trabaho mo? Dun ka sa stock room.
Al: Sbi nga po.
Pastora: Alisto ka ba? ayoko ng tatanga tanga ha. Mahirap ang trabaho mo.
Al: Kakayanin ko po.
Emy: Pssst ui, ‘yan na ba yung papalit kay pilo? Belen: Malamang.
Emy: Tingnan mo yung tingin ng bruha. Belen: Ikaw talaga.
Emy: Cute siya.
Belen: Lumabas na naman ang hasang mo.
Emy: Kunyari ka pa eh naglalaway ka rin naman eh. Wag ka ngang ipokrita.
Pastora: Kung napansin mo puros kami mga babae ditto. Iisa lang ang lalaki si Mang Tomas lang. Pero sa tanda nun hindi na naming tinuturing na lalaki yun. Particular ako sa bagay na yan
ha. Mga disenteng
babae ang nagtatrabaho dito lalaki ka naintindihan mo ba. Al: Opo.
Pastora: Ayoko ng gulo kaya ayaw ko ng ligaw ligaw, pinag mumulan ng gulo yan. Ang trato naming dito magkaka pamilya. Ang magkakapamilya hindi nagliligawan. Nako, hindi katulad nung pinalitan mo bastos yun. Basta naka palda nililigawan. ‘Wag kang mag papakitang gilas dito ha may asawa ka na ba? Al: Wala pa ho.
Pastora: Anak? Al: Binata pa ho ako.
Pastora: Oh… eh ano ngayon? porke ba binate, hindi na magkaka anak?
Al: wala po akong anak.
Pastora: Hmmm mabuti, I.D.mo. (bibigyan ng ID si Al) Al: (Kukuhanin ang ID)
Scene 8: Ang Unang pagkikta ni Isya at Al Tindera: 15722 black size 7.
Pastora: Isya (naglalakad papalapit kay isya)…… Diba sinabi ko sayo na hahanapan natin si Pilo ng kapalit. Oh si Al, siya naman si Isya. Oh ikaw na ang bahalang mag turo sa kanya ng mga dapat gawin dito sa stock room ha.
Isya: (Natango)
Pastora: Pssst yung pinag-usapan natin ha. Al: Yes Ma’am.
Pastora: ayoko ng Ma’am ate Pastora kasi nga diba magkakapamilya tayo kaya ate Pastora… Isya
Al: Ibang klase din nman yung isang yun noh ate Pastora, anu bay an gimik bay an dito anu nga ulit yung pangalan mo? Isya? Pangalan ng matanda yun ahh anu nga ba talaga ang pangalan mo?
Isya: Isya.
Al: Hindi yung buong pangalan. Isya: Simplisiya Cruz.
Al: Huh…. Ang laki rin nga naman ng galit ng magulang mo sayo noh.
Isya: (Ngingiti)
Al: Anu nga pala ang gagawin ko ditto?
(Isya cleaning the boxes of shoes in the stock room) Al: ako na tulungan kita
Isya: Huwag na, baka mag halo halo yung mga sapatos. Hindi mo pa alam.
Al: Bakit? Ikaw ba kabisado mu ba lahat ng mga numero ng mga sapatos?
Isya: (Tahimik lang habang naglilinis. Lilingon kay Al ng saglit.) Al: Wala na akong masabi. Bakit ganito sa stock room? Walang bintana, madilim, tapos maghahanap ka pa ng mga numero sa mga kahon.
Tindera: 12667 brown 6 ½. Al: Para kang robot.
Isya: Anu yun? (Habang abala pag kuha ng sapatos.) Al: Ang sabi ko para kang robot. (Ngingiti)
(Pagkatapos ng trabaho.) Scene 10: Sa Quiapo Church
Isya: (Nakuha ng holy water at mag aantanda.)
Al: Sabi ko na nga ba ikaw yan eh. Isya: Anong ginagawa mo dito?
Al: Tinatanong mo kung ano ang ginagawa ko sa simbahan? Isya: Oo nga ‘noh ang tanga ko.
Al: Malayo ba ang tirahan mo dito. Isya: Hindi naman gaano.
Al: Nagugutom ako.
Isya: San ka ba kumain ng tanghalian kanina?
Al: Wala akong gana kanina eh. Ngayon ako nagugutom. Samahan mo nga pala akong kumain. Kaso wala nga pala akong perang pangibre sayo.
Isya: Eh di ikaw na lang ang kumain. Al: Sawa na akong kumain mag-isa eh.
Isya: Akala ko sinabi mo gutom ka? Bakit yan lang ang kinakain mo?
Al: Okay na toh. (habang humihigop ng sabaw ng cup noodles) Kwento ka.
Isya: Tungkol sa ano? Al: Kahit ano?
Isya: Wala akong makukwento. Al: Asan pamilya mo?
Isya: Panggasinan
Al: Mag-isa ka lang dito? Isya: Oo.
Al: Eh Magulang mo? Isya: Wala na. Al: Paanong wala?
Isya: Matagal nang namatay ang nanay ko. Siguro mga walong taon na ‘yon. Ang tatay ko naman hindi ko na nakilala. Baby pa lang ako nung umalis siya eh. Ang ate ko lang ang naka kilala sa kanya.
Al: Nasaan ang ate mo?
Isya: Umalis, sixteen pa lang siya naglayas siya sa amin hindi ko na nakilala.
Al: Nawawala?
Isya: Oo nawawala, lumayas siya sa amin iniwan kami ni nanay. Al: Hindi niyo na nabalitaan? Kahit nung namatay ang nanay mo?
Isya: Siguro wala na siya dito. Al: Kain tayo. Gusto mo?
Isya: (iiling)
Al: Pareho lang pala tayo mag-isa ditto. Namatay na rin yung tatay ko, yung nanay ko nag asawa ulit kaya nga ako umalis ng probinsiya eh, kasi hindi ko nagustuhan ang ugali nung asawa niya. Lalong lalo na yung mga anak nila, tanga yung nanay ko eh. Nagpakasal-kasal pa ulit. Nuon ko pa sinabi sa kanya na gago yung lalaki na yon eh, Eh tanga talaga eh. Wala akong magagawa. Lumandi eh.
Isya: Nanay mo yon. Wag mong tatawaging tanga at malandi. Al: Kahit talagang tanga at lumandi.
Isya: Nanay mo pa rin yon….. Al uwi na ‘ko.
Scene 11: Papatalsikin si Nimfa.
Pastora: Hindi ba katangahan yun. Nag babayad ang customer hindi mo binibilang.
Nimfa: Akala ko po…
Pastora: Akala mo, akala mo tapos nung binilang mo short ka ng 200. Wala ka kasing malasakit sa trabaho mo puro kase kalandian yang iniisip mo. (sasapukin yung tinder) Ilang beses na bang nagyari ‘toh ikakaltas ko toh sa sweldo mo Nimfa. Ang dami dami mu nang utang. Hindi ka na nahiya kay Sir Gerry nako. Kalokohan na ‘to ha.
Nimfa: Hindi na po mauulit.
Pastora: Talagang hindi na mauulit. Ilang beses ko nang narinig yan ang bobo bobo mo kasi. Alam mo ba ha wala nang gamot diyan sa katangahan mo. Palamon ka ng tindahang ‘to pero binabalahura mo naman ang trabaho mo. Kunin mo na yang mga gamit mo. Lumayas ka na dito ayoko na Makita yang pagmumukha mo kunin mo na (sasapukin ulit ang tinder) grrrrr TANGA.
Nimfa: Maawa ka na ho.
Pastora: (Aalis at hindi makikinig.) Isya: (lalapitan si nimfa at dadamayan)
Mang Tomas: (dadaan) Nakoh talagang ganyan ang buhay iha.
Scene 12: Ang mga komento ni Al
Al: Grabe pala ang dila ni Ate Pastora. Akala ko ba mag kakamag-anak ang turing natin dito. Babye na pala yung si Nimfa.
Isya: Wag mong sabihin yan. Maraming umaasa sa kanya. Dalawang kapatid ang pinag-aaral niya.
Emy: eh para naman kasing yumayaman tayo sa sinasahod natin dito. Magkano ba ang minimum wage ngayon di ba 200 mahigit. Eh, mag kaano ang sinasahod natin 180 lang eh kung isuplong kaya natin ang dakilang Mira store na toh.
Belen: Para naman kasing may pwede tayong gawin
Emy: kaya ikaw wala kang ibang dapat problemahin kundi yang kasal ni aga Muhlach at Charlene. Tapos ngayon yung pag hihiwalay naman ni Pops at Martin. Tsaka yang pag gugupit mo ng picture ni Marvin Agustin at dinidigkit mo sa dingding mong barong barong.
Yolly: (umakyat sa stock room) Bumaba na kayo. Baka hanapin kayo ni Ate Pastora. Nako, mag huhurumintado na naman yon. Belen: Nakoh bahala ka nga. Eh ikaw naman kung gusto mo talagang tulungan si Nimfa kanina eh d sana pinagtanggol mo. Eh nanahimik lamang habang tinatalakan siya ni ate Pastora kanina. Tahol ka ng tahol eh wala naming ngipin yang pangil yang pangkagat mo
Emy: kakalabanin mo ako ha? Ihulog kaya kita dito sa hagdan (Belen at Emy nag uusap habang bumababa sa hagdan.) Scene 13 : Isya at Al
Al: (sasaltik) tsss tss tsss…. talaga naman palang mga tribo ng loka loka ang nagtatrabaho dito eh. Buti hindi ka pa nahahawa. Isya: (tahimik lang)
Al: Hoy…. bakit mo ba dinadasalan yang sapatos? Isya: Bibilhin ko ‘to para sa birthday ko.
Al: Natatabunan ka na nga ng mga sapatos ehh hindi mob a nakikita yang mga yan? Tapos gusto ko pang pang birthday gift sapatos din.
Isya: Hindi ang ganda ganda nito. Ito ang pinaka magandang sapatos dito. Isa na lang ang natitira ka size ko. Size 6 ½ ito. Dati marami pa ‘toh pero mabenta kasi nga maganda. Tuwing sweldo nag tatabi na ko ng 25 pesos para mabili ko ‘to. 50 pesos na lang ang kulang ko. Ito ang pinag-iipunan ko. Stock 152154 red 6 1/2 . Hindi ka kakain? 12:30 na.
Al: Mamaya na siguro. Isya: Sige kakain na ako. Al: Sige.
Isya: Ahh Al, ano yang binabasa mo?
Al: Bali balita, nakaka suka nga eh. Nag-iinit nga ang ulo ko sa tuwing may nalalaman ako tungkol sa Pilipinas eh sa mundo. Isya: Bakit binabasa mo kung iinit lang ang ulo mo?
Al: Siempre kailangan. Ikaw ba hindi ka ba nagbabasa o nakikinig man lang ng balita?
Isya: Wala akong hilig.
(Magtatanghaliana ang dalawa)
Al: Okay lang sa’yo na hindi mo alam ang nangyayari sa mundo? Yong mga problema sa paligid mo? Ano naman ang pag kakaiba kung malaman ko? Wala naman akong magagawa.
Al: Siempre meron. Kung gugustuhin mo.
Isya: Siguro ayoko. Hindi naman sa ayaw kong tumulong kaya lang…..
Al: Kaya lang ano?
Isya: Sino ba ako? Wala rin naman akong magagawa. Al: Bigla naman akong nagutom sa mga sagot mo. Isya: Yan lang ang kakainin mo?
Al: Oo nakaka busog na toh. (Biglang mamamatay ang ilaw) Walanghiya brownout na naman.
Isya: Sandali kukuha ako ng kandila. Al: Wala pa namang bintana dito, ang init.
Isya: Wag kang masyadong mareklamo. Wag mo na lang isispin yung init kapag hindi mo inisip na mainit hindi ka maiinitan…… Gusto mong tikman tong daing? Masarap ito.
Al: Hindi na okay na ako dito. Isya: Hindi ko mauubos ‘to.
Al: Bakit naman nag babaon ka ng hindi mo mauubos?
Isya: Kase masarap eh, sige kunin mo na lang yung kalahati…….gusto mo ng kanin?
Al: Hindi na.
Isya: Hindi mo naman makakain yung daing sa kinakain mo eh. Al: Masarap ito ahh.
Isya: Sabi ko sayo masarap eh. Al: Ang bait mo Isya.
Isya: Ikaw din.
Al: Ang dumi ng tubig at tsaka tingnan mo. Isya: Ang alin?
Al: Ang Maynila, akala ng marami sa probinsiya parang langit ang maynila. Dito ka yayaman. Dito sagana sa pera. Dito lahat ng pagkakataon. Pero hindi rin na gago rin ako. Ang Maynila puro dumi. Pati mga haligi may libag. Masisinghot mo yung panghi. Meron ba namang paraisong mabantot.
Isya: Okay dito.
Al: Okay ba sayo yung mabantot, mausok, maalikabok maingay? Isya: kase nakikita mo lang ang mali.
Al: Ano ba ang tama sayo?
Isya: Nandito ka, ginusto mo tanggapin mo yung baho, yung ingay, lahat. Kung hindi mo makakayanan umuwi ka. Kung ganyan katindi ang galit mo sa Maynila, bakit hindi ka na lang umuwi sa probinsiya? May nanay ka naman roon.
Al: Ay di lalong walang nangyari sa akin. Ayoko naman tumanda ng katulad ng mga kababayan ko. Hanggang dun na lang. malayo pa ang maaabot ko.
Isya: Bahala na ang Diyos.
Al: Marami nang problema ang Diyos.
Isya: Kung ano ang gusto niya yun ang mangyayari hindi ba? Kahit anong gawin mo kung aaw niya hindirin matutupad. Al: Ang dali pala sisishin ang Diyos.
Isya: Maganda ang Maynila…… oo Al ang ganda ganda dito. Scene: Carinderia
Pastora: Eh kaya naman pala walang tao sa tindahan, nagbubulakbol kayo ditto.
Emy: Nag bebreak lang po.
Pastora: Nag bebreak??? Eh iniwan nyo si Belen na mag-isa don sa tindahan (papansinin si Al)
Oh ikaw magkaano na lang ba ang sinusweldo mo at ginagastos mo pa sa bisyo.
Al: Po
Pastora: Magkaano yan??? Magkaano yang kaha ng sigarilyo na yan?
Al: (walk out)
Pastora: Ayyy…. Mga Pilipino. Tindera: 167299 black swag size 9. Al: Ohh (itatapon yung sapatos sa baba) Tindera: Ano ba nananadya ka ba?
Isya: alam mo kinausap ako ni ate Pastora kanina. Al: Niyaya ka na naman ng prayer meeting. Isya: Hindi nagkukwento, kawawa naman siya.
Al: kelan naman nagiging kawawa yung matanda na yon.. Isya: kina-usap siya ni Sir Gerry, siya yung may-ari ng mga tindahan nalulugi na raw sila. Pero alam mo close si Ate Pastora sa mga Miraflor twenty years na siyang nagtatrabahao dito ganun siya ka loyal
Al: (walk out)
Scene 14: Stock room
Isya: Sabi ni Ate Pastora pakonti ng pakonti na daw ang bumibili ng mga sapatos natin. Kasi raw lahat napupunta na sa mga malalaking tindahan. Tsaka mas gusto na nilang mamili sa malls kasi may aircon.
Al: Napag iwanan na kasi ng panahon ang mga sapatos na binebenta nila.
Isya: Maganda naman ang Mira shoes ahh matibay, imported, quality.
Al: Anu ka ba ahente? Maghapon ka na ngang napapaligiran ng Mira shoes eh pati amoy mo sapatos na rin pero yung kaisa-isang gusto mung kunin sa kanila pinag-iipunan mo pa rin. Isya; Anu naman ang kinalaman nun sa problema natin?
Al: Isya bilang na ang araw ng Mira Shoes mo……… oh bakit biglang nanahimik ka?
Isya: Iniisip ko yung sinabi mo. Panu kung mag sara yung pinapasukan natin?
Al: Ay di magsara kung mag sasara. Isya: San ako mapupunta?
Al: Isya…………. okay ka lang, ay di maghanap ka ng ibang trabaho.
Isya: Wala na akong mapupuntahan.
Al: Sinong may sabi sayo?... ayan naku nagugutom na ako eh kaya lang wala na kase akong perang pangmeryenda itutulog ko na lng to.
Isya: May pagkain ako sa bahay. Al: Ano??
Isya: Sabi ko may pagkain ako sa bahay. (nag punta sila sa Bahay ni Isya) Isya: Pasok ka pasensiya ka na ha. Al: Hmmm ang bango ah.
Isya: May binibilhan talaga ako ng espesyal na daing diyan sa palengke kamuning kaya kung minsan pinagtatabi nila ako Kahit daing lang kainin ko araw-araw masaya na ako.
Al: Ikaw!
Isya: Hindi busog ako. Al: Nakaka hiya naman.
Isya: Hindi inimbita kita diba, hindi mangyayari yung sinabi mo kanina. Imposibleng magsara ang Mira shoes. Mabait ang mga Miraflor. Mabait si Sir Gerry at tsaka maganda naman ang mga sapatos dun alam yun ng mga tao.
Al: Bakit ilang tao ba ang pumapasok sa Tindahan araw-araw swerte na ang maka benta ng anim na pares.eh kasi mahirap ang buhay ngayon kapos sila sap era hindi sila bumibili ng sapatos inuuna yung pagkain.
Al: Sa tingin mo sasagana ang buhay sa ganon?
Isya: Pagsubok lang yan, mabait ang mga Miraflor hindi sila pababayaan ng Diyos.
Al: Isya pinapasa mo na naman ang problema sa diyos. Isya: Kapag nag sarado ang tindahan maraming magugutom.
Al: Marami nang nagugutom. Isya: Wala na akong mapupuntahan.
Al: Isya sino bang may sabi sayo niyan. Hindi lang naman yung bodega ng sapatos ang mundo ahh kung gugustuhin mo mas malayo ang mararating mo.
Isya: eh hindi naman ako nakatapos ng High school.
Al: Oh eh anu ngayon…………. Alam mo marami nga diyan na yumaman na hindi tapos eh. Bakit ba kung magsalita ka eh, parang kuntento ka na lang magbilang at maghagis ng mga sapatos?
Isya: Masaya na ko. Al: Diyan ka mali.
Isya: Basta hindi mag sasara ang tindahan,… Al mag-isa lang ako dito, yung tindahan lang ang buhay ko yun lang ang bahay ko, ito tinutulugan ko lang iyo pero yung tindahan ang bahay ko. Al: Alam ko.
Isya: Ang lungkot lungkot ng buhay noh. Scene15: Pastora at Isya
Isya: Ate Pastora Pinatawag nyo daw ho ako
Pastora; (kumumpas ng pag-upo) Isya alam mo na naman na hindi na ibang tao ang turing ko sayo, para na kitang nakababatang kapatid at alam mo rin na pananagutan ko ang lahat ng nag tatrabaho dito kase yun ang gusto ni Sir Gerry kasi nga para tayong isang buong pamilya dito hindi ba, kaya nga ako nasasaktan ako e kapsg sinasabing naninira daw ako ng mga pribadong buhay ng mga babae dito, eh hindi naman ako nang hihimasok nagmamalasakit nga ako kase mga alaga ko kayo kaya wag mong mamasamain ang itatanong ko sayo ha. Nililigawan k aba ni Al. wag ka magkakaila. Meron akong tenga’t mata kilala kita at kilala ko rin ang uri ni Al, Hay nako maniwala ka sa akin kilalang kilala ko ang uri nun.
Isya: Ate magkaibigan lang po kami.
Pastora: ‘Wag mung Sirain ang kinabukasan. Alam mu bas a lahat ng nag tatrabaho dito sa Avenida Branch ikaw ang paborito ni Sir Gerry. Kaya nga kahit tag hirap tayo nirekomenda ko a rin na bigyan ka ng umento
Isya: (Natango)
Pastora: ako twenty years na ako dito at alaga ako ng Miraflor gusto ko ganyan ka rin naiintindihan mo ba? Hindi mabuting tao yan si Al. Kapag nakuha niya na ang puri mo pa-iiyakin ka rin kaya Isya wag mong Sirain ang future mo dito sa Mira shoes o
nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin bumalik ka na sa trabaho mo.
Scene 16: Sa stock room Al: Oh bakit ka raw pinatawag. Isya: Wala yun.
Al: Hindi k aba kinausap. Isya: Kinausap
Al: Anong sinabi? Isya: Hindi na importante Scene18: A at Isya sa stock room
Al: ilang araw na akong kinagagalitan ng pastorang yan talagang naghahanap ng butas para kagalitan niya ako.
Isya: mainit lang ang ulo kasi nga bumaba ang bentA n gating sapatos.
Al: Bakit kasalanan ko bang humina ang benta? Isya: ‘Wag ka nga maingay, baka marinig ka.
Al: Eh ano kung marinig ako ang hirap kasi sayo lahat ng inuutos ng pastorang yan sinusunod mu lng.
Isya: ay bkit ako ang inaaway mo. Al: bakit totoo naman sinasabi ko ah. Scene 17: Pagbili ng paborito niyang sapatos Tindera: 102154 red 6 ½
Isya: (iiyak)
Tindera: isukat niyo po. Buyer: magkaano?
Tindera: 650 lng mam ilakad nyo po isukat na rin po niyo yung. Isya: (nagiiyak papa labas ng tindahan)
Pastora: anung ginagawa muh diyan. Isya: Wala po. (aalis)
Scene 19: Isya at Al pa-uwi Al: mauna ka na umuwe. Isya: bakit may dadaan ka pa?
Al: Oo dadaan muna ako dun sa kapatid ng ninong ko. May ipapakilala saken galing Thailand.
Isya: Bakit anung meron sa Thailand? Al: Trabaho pabrika daw.
Isya: Bakit pupunta ka sa Thailand?
Al: Baka titingnan ako. Oh bakit nagdradrama ka na naman? Isya: Biglang aalis.
Al: Isya…….
Scene 20: Mira shoes Pastora at Al
Pastora: Hoy….halika nga dito akala ko ba nglilinis ka dito bakit ang dami dami ng kalat.
Al: Inuna ko po kasi yung labas linisan.
Pastora: Naku para naman ang laki laki nitong tindahan para hindi mo malinisan lahat. Alam mo kung anung problema mu ang laki laki ng katawan mo ang kupad kupad mong kumilos parang hindi ka binabayaran ei. Oh ito nakikita mu ba ito ang bumidumi ng C.R. at ang baho baho ng amoy.
Al: Wala po kasing tubig eh.
Pastora: Ay avah alam naman natin lahat na mahina ang tubig sa umaga? bakit hindi ka nag-iipon? Talaga bang hindi gumagana yang utak mu. Lahat ba nang dapat mong gawin ay sasabihin ko. Abah ay kung tatanga tanga ka ay walang mang yayari sayo talagang ang bobo bobo mo.
Al: Hindi ako bobo.
Pastora: Ha? Anong sabi mo? Al: Hindi ako bobo.
Pastora: Ay hindi patunayan mo na gumagana yang utak mo.(aalis)
Al: (mgwawala)
Scene: stock room Al at Isya
Isya: Al bakit kinukuha mo yong mga damit mu? Al: Ayaw ko na.
Isya: Anong ayaw mo?
Al: Hindi ko na kayang makita yang Pastorang yan.
Isya: Al hindi naman niya sinasadya. Mainit lang kasi ulo niya pagpasensiyahan mo na lang.
Al: Bakit ba pinagtatanggol mo yang babaeng yan. Minamaliit niya ang pagkatao ko, tapos gusto mo magpasyensya pa ako. Isya: Al mahirap makahanap ng ibang trabaho.
Al: Wala akong paki-alam kesa naman magtiis ako dito, Isya tingnan mo nga nakakulong ka dito sa kwarto na walang bintana. Nakabaon ka sa mga sapatos na yan, tingnan mo nga yang sarili mu. Yan ba ang gusto mo? Habang buhay ka na lang bang ganyan? Hindi ganito ang mundo sumama ka sa ‘kin. Isya: Saan?
Al: Kahit saan. Basta, hindi ko alam. Isya: Al pano ako makakaalis ditto?
Al: Kung gugustuhin mo, gusto mu bang umalis ditto? Isya: Pero mabait sila saken.
Al: Mabait lang sila sayo dahil pinakikinabangan ka lang nila, magising ka Isya.
Isya: Nasasaktan ako Al. Al: Sumama ka saken Isya. Isya: Hindi ko kaya. Al: (mgwawala)
Scene 21: nagresign si Isya Pastora: Isya, san ka pupunta?
Isya: ( derederetsyo ang lakad at ngpunta sa simbaha ng quipo) Scene 22: Simbahan ng Quiapo magkikita si Al at Isya
Al: oh bakit andito ka hindi ba dapat nasa trabaho ka?
Isya: Oo, tama ka Al walang bintana don. Gusto ko hangin. (Yayakapin ni Al si Isya)