• Tidak ada hasil yang ditemukan

Potions, Gayuma, Atbp.

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Potions, Gayuma, Atbp."

Copied!
76
0
0

Teks penuh

(1)

Potions, Gayuma, Atbp. Nobela ng Pag aaral ni

Satohri

(2)

Para kay “Satohri”

Kahuli-hulihan Studyante ng Potion Making Weaving

Pasasalamat

Maraming salamat sa aking mga magulang.

Sa aking asawa na si Pinky.

Sa aking mga kamag-anak kahit wala naman silang ginawa para makatulong

(3)

sa paggawa ko ng librong ito (bukod sa mga experiences noon maliit ako). Sa aking mga kaibigang matalik, na sina Stephen Rualo, Arvin Cinco at Mario Luis Santiago. Simula pa High School kami sa Manila Science ang mag kakabarkada.

Sa mga taga Cebu boarding house ko sa 73F Urgello St. Gacasan-Singko Compound na sina Tito Pilo, Rico, Jr Bautista (taga bukas ko ng pinto kapag hindi magising si Tito Pilo), Jr Ching, John John (aka Allen, na sobrang kulit), Benjie, Brian na nurse ngayon, sa mga attorney na nag rereview (madalas din gumimik, I object!) para sa bar nila sina Boyet, Cris, Athan, si Meharvey na babad sa internet gaming. At ilan pang mga bagong boardmates dun na habang ginagawa ko ang libro ay nililibang ako. Okey mag board dun, makukulit at magulo, pero masaya at alam mong pamilya turing sayo! Pwede ka rin paluin ni Tito Pilo at pagsabihan o pakunsensiyahin kapag makulit ka.

(4)

Sa mga Sugbuanon iba ang libang! Sa tagalog ang libang ay “entertain” sa kanila ito ay ang proseso na kung saan tayo ay nagpupunta ng kasilyas at inilalabas ang ating kinain habang naka upo sa trono! So kung ikaw ay nasa Cebu at sinabi mong gusto mo maglibang, malamang ituro ka nila sa CR!

Sa Affordafuds na walang kamatayang HUMBA, Chinese Ngohiong, Options, at ilan pang mga karinderia at tindahan ng Urgello St. sa Cebu.

Sa Starbucks Ayala Cebu, tambay din ako.

Sa tulong ni Michael T. Bautista Isang practitioner at pasaway na nilalang at stubborn. Kahit noon pastlife ay ganyan na siya ka tigas ang ulo, pati ba naman ngayon ay ganun pa rin. Dinudugo ako sa kanya (literally), damakmak na nose bleed. Kundi lang sa karma ay matagal ko ng pinainom

(5)

ng 1st quadrant, 2:6:7, mirror image, advance formula ang mokong na ito! Alam niya kung ano ibig kong sabihin nito! Malamang pagkatapos mong basahin ang librong ito ay malaman mo na rin ang ibig sabihin noon. Sa lahat ng hirap at dusa na inabot ko, kaso hindi pa rin siya nagtino. Lahat ng paraan ginawa ko. Your hands are tainted. Pakasaya ka!

Kay Marvin Abelardo, Jonathan Carlobos, Eugene Matthew P. Calacat, Lance, JM, Jojo, Ian, Miguel Osmena, Jp Tiongbian, Sheena, Werla, Alfie at ilan pang mga kaibigan at nakasama sa Cebu gimik! Puntang Autoshop Mango, Kasadja o Paseo! Feel the thumpa thumpa! Pakasaya kayo!

Sa Cinco at Galarce family ng Cebu! Kay Tita Marjorie (mommy ni Arvin), Kay Tita Aurora Cordova (tita ni Arvin) sa Sunshine village, Inayawan sa Talisay. Mga Cinco clan, Tito Jimmy, Tita Cora, Tsang Bechay at si RJ Cinco. Pati na rin kay Rose at baby Thea.

(6)

Sa mga construction workers sa Pacific Grand Ville sa Mactan, na nagturo sakin pano maging labor, mason, panday, etc.! Opo, naghalo ako ng semento, nag tahip ng buhangin, nag masilya, naglagay ng tiles, nag primer, nagsinsil. Puro paltos ang kamay ko! Super na experience! Miss ko ang idol kong Master Welder and All Around na si MASTER REY! Lahat kaya niya i-welding, kahit kahoy at plastic yata! Lupeet!

Sa mga tapestry ng systema. Sa moonrunning.

Sa kalikasan.

Sa mga detractors at mga pasaway na inggit lang sakin! Salamat sa epal ninyo! Sabi ko nga dati, ang aking system is not for the weak-hearted and dim-witted, kung di ninyo kaya eh di lumayas kayo sa harapan ko at huwag matsismis, marami ng gumawa niyan. Sabi ko nga sa inyo eh suntukan na lang tayo! Kasi wala

(7)

kayong ibabatbat sa skill ng occult science. Bwahahaha! At malamang kahit sa suntukan ay wala rin.

Sa Kala Band at Rock Ed.

Sa mga kapamilya ko sa Abs-Cbn! Sa mga mineral, halaman, hayop, isda, insekto at mga katulad nila.

Sa mga studyante ng Occult Science ng MG at RSOM.

Kina Jp, Ayee, Juddha, Cyril, Brian at Jonina.

Maraming, maraming salamat po!

Panimula

Pagkatapos ng Multo, THoughtforms, atbp., at ng Sapi, Exorsismo, Atbp., narito na ang isa pang kapanapanabik na sulatin tungkol sa Potion Making at Gayuma. May mga ilang mga formula na isusulat ko dito ngunit dapat ay

(8)

matutunan ninyo ito ng kung papaano ko naintindihan at hindi ng intindi ninyo. Bakit? Eh ako gumawa ng systema na ito eh?! Simply! Klaro?! Wag ng mas marunong pa! Na pag aralan, na troubleshoot, nasubukan at lubhang effective. Malalaman natin mula sa pag aaral ng librong ito ang mga bagay-bagay tungkol sa basic mineral at elements, halaman, hayop at maging sa tao. Magbabalik tayo sa pag aaral ng chemistry, physics, quatum physics, thermodynamics, elemental progression at marami pang iba. Kaya nga palagi kong sinasabi na “put on your thinking caps”, halika na at mag isip at mag analyze ng mga bagay-bagay.

☥☥☥

Ang librong ito ay kwento ng kung papaano ko tinuruan si Satohri ng Potion Making noong nasa Cebu ako. Tila nobela na kung saan ay

(9)

matututunan ninyo ang ilan sa mga bagay na natutunan niya. Para sa akin ay mas maganda ang ganito (sabi ng para sa akin eh! Kung ayaw ninyo eh di huwag!) na parang info-tainment ang dating. May istorya o kwento tapos ay may mga clinical at info bits na mga paningit. Mas madali kapag ganito ang pag aaral. Sa isang pelikula na 2 oras ay tama na iyon, dahil pag lumagpas sa 2 hours ang attention span ng isang tao ay bumababa na at nag kakaroon ng information overload. Kaya may mga commercial para hindi tayo mauta o mauyam sa binabasa natin o pinapanood. Kaya para sa iyo na nagbabasa nito, kung hindi ka talaga mahilig sa mga potions o gumawa nito pero mahilig ka lamang mag basa ay okey pa rin, at kung ikaw naman ay practitioner ay magugustuhan mo rin dahil maiintindihan mo ang mga technique at formula na nakasaad at nakatago in between sa kuwento. Ang galing ko ano?! Ofchors!! Hehehe!

(10)

So, ayan, ihanda ang mga notebook at ballpen at mag take down notes at hanapin ang mga formula na nakasaad sa kwento ng mga aral ni Satohri! Mas mainam kung babasahin muna ang libro na ito ng dire-diretso, pagtapos ay basahin muli at hanapin ang mga sekretong nakapaloob. Isang istilo ng mga Gnostic at mga Masons na kung saan ay itinatago ang karunungan na napapaloob sa isang bagay na simple lamang. Bakit pa kailangang ganun?! Para na rin hindi mapunta sa mga kamay ng mga bobo! The wise will understand but the fools will ignore, ika nga. So kung feeling mo naintindihan mo, feeling mo wise ka! Hehehe!

☥☥☥

Sa mga kapatid natin na mga Bisaya. Hindi ko intention ang okrayin kayo. Ito ay pawang personal na obserbasyon sa aking paglalakbay. Maganda nga at may distinguishing

(11)

factor ang ating mga pronounciation sa proper pronunciation, atleast alam natin agad kung kababayan o hindi. Hindi lang siguro ako sanay na marinig ang salitang Hero (hee-row) na i-pronounce na Heru (he-ru) at ang No Deal (know-deel) na Noodel (Noo-del). Kalaunan ay nasanay na rin ako at minsan ay napapagaya, pero okey lang kung nasa Cebu ako.

☥☥☥

Kahit naman noon nasa Pampanga, La Union, Samar ako at ilan pang sulok ng Pinas ay may kani-kaniyang dialect at paraan ng pag propronounce. Uulitin ko, hindi lang ako sanay. Kaya, paumanhin kung medyo maokray ko kayo, hindi po yan intentional. Maigi na nga po ito para sa mga hindi pa nakakapunta ay malaman nila kaagad. Madali naman intindihin at makibagay sa mga Cebuanos. MInsan ang akala nila kapag taga-manila ay mayabang at hambog. Pero hindi yun pag

(12)

yayabang o pag hahambog. Yun tayo, ganito sila. Tanggapin natin at intindihin. Kapag ayaw paintindi o tumanggap, saktan natin para matuto! Teka, maraming magagaling mag boxing na bisaya! Alam ko na, mag exam na lang tayo ng Berlitz, malamang ma knock-out sila! Joke! Peace!

☥☥☥

Sa kantahan din ay maraming magagaling na Bisaya. May teorya ako diyan kung bakit magagaling mag boxing at kumanta ang mga Bisaya lalo na sa Cebu! Dito nila inilalabas ang kanilang mga pain at suffering sa buhay. Pain ng pag-ibig o pag laban maka ahon sa buhay. Kung sa Laguna at Rizal ay maraming painter at artists, sa Cebu ay maraming singer at athlete.

(13)

☥☥☥

Medyo frustrated ako sa Cebu dahil walang gaanong mga mangkukulam o manggagamot. Hindi katulad sa kalapit probinsiya nito na Iloilo, Negros, Siquijor, etc., sa Cebu ay wala masyado lalo na sa City. Hindi yata uso ang kulaman doon, kung away, eh away. Meron mga mangilan ngilan na mga kabataan na feeling nila may powers sila. okey lang naman yun. Feeling lang naman eh. Wakekeke!

May Akda

(14)

Kuwento ng mga Aral ni Satohri Cebu here I come

Malakas ang hangin at madilim and buong paligid. Kitang kita ko ang mga bituin sa langit. Sinubukan kong bilangin pero habang binibilang mo pala ang mga bituin ay parang dumadami lalo ito.

Dati pa ay sobrang mangha na ako sa mga bituin. Tila ba mga Christmas lights sa gabi, lalo na kapag walang masyadong ulap at bilog ang buwan. Kahit na mga Egyptians noong araw, mga Druids at Celtic, Mayan ay lubhang naakit din sa mga tala sa langit. Inisip ko nga kung may lahi akong Egyptian, Druid o Celtic, Mayan o kaya ay isang cheap na aswang at gustong gusto ko ang buwan kapag bilog ito. Eh, bilog naman talaga ang buwan ah! Ang ibig kong sabihin ay

(15)

kapag full moon! Lengkat, okrayin ko ba sarili ko!

Napakalawak ng langit kapag nasa gitna ka ng dagat. Madalas naaalala ko ang mga pelikulang The Mummy’s Curse, Jaws, Pirates of the Carribean at ilan pang mga movies tungkol sa mga dagat. Ang simoy ng hangin na amoy dagat, maalat alat at amoy lato o seaweeds ay nakakabighani.

Nagbabakasakali akong makakita ng sirena o isang higanteng pugita, pero wala. Sayang maganda sanang experience yun na ikuwento kung sakaling may isang dambuhalang pusit o pugita ang mag aatack sa barko namin! Sana lang mabuhay ako para maikuwento.

Alam kong hindi ako gagalawin ng pugita, kampon ako ni Cthulhu! Hahaha! Malamang hindi ako mamatay sa attack niya, pero huwag lang makain ko. Nakapagtataka kasi minsan ay allergic ako sa pusit at hipon, minsan naman hindi. Mas nag

(16)

rereact ako sa hipon. Buti na lamang ay walang higanteng hipon (o meron ba?) o demi God na Hipon (o meron ba?) malamang yun ang “last day is today ko”. Kelangan ko ng Claritin o Benadryl!

May ilang oras na rin kaming naka layag mula sa Pier ng Maynila kaninang umaga. Medyo boring kanina sa loob kaya lumabas muna ako sa may deck para mag yosi.

May nakisindi sakin ng yosi. Marahil pati siya ay hindi makatulog dahil medyo maalon ang dagat. Tinignan ko ang aking celphone para malaman ang oras, 8pm pa lamang, masyadong maaga pa para matulog. Pero in fairness malakas ang signal ng cel ko sa gitna ng dagat. Wala naman akong iti-text dahil walang nakaka alam na pumunta ako ng Cebu!

Nagsalita ang lalaking nakisindi ng yosi sakin.

(17)

“Mapauli ka sa Cebu bai?” anang lalaking nakisindi ng yosi na may simpleng t-shirt lamang at medyo tattered na maong. Siguro ay around 30 years old siya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Plano ko sanang mag panggap na local at nakakaintindi, pero kapag sinimulan ko ang conversation na ito ay tiyak sunod-sunod na ang kuwento. Bahala na sabi ko sa sarili ko. Madali lang naman yata umintindi ng Cebuano eh. “Bakasyon lang sandali” sabay hithit ng yosi. Nasa gilid kami ng barko sa 2nd floor (kung second floor nga ba ang tawag dun). Balik ako sa pag mamasid ng mga putting bula na likha ng gilid ng barko. Naaalala ko tuloy ang washing machine naming sa bahay, parang gusto ko maglaba.

Lumapit ang lalaki at nagpakilala. “Bai, Nestor. Kaw bai, unsa’y ngalan mo?!”

(18)

“Ruel po!” sabay abot ng kamay ko para makipag kamay.

“Tagalog ka noh?” Nakangiti niyang sinabi sakin na para bang nahuli ako sa pagpapanggap.

“Ahh, oho. Hindi ho ako marunong mag Cebuano. Manila talaga. Obvious ho noh!” nakangiti kong sinabi.

“Kasi kaming bisaya hindi gumagamit ng “po” kaya alam kong hindi ka talaga Bisaya. Sa General Santos ako bababa, pero dadaan muna ito sa Cebu.” Agaran niyan sinabi sakin habang umiinom ng kape na naka Styrofoam.

“Yun nga ho ang sabi nila” Nanlalamig na ako ditto sa labas pero hindi pwede mag yosi sa loob, ditto lang ang designated area kung saan pwede mag yosi. Di naman ako makabili ng kape dahil 500 lang dala kong pera ng sumakay ako ng barko.

(19)

“Mamya bai, inom tayo sa loob, sagot ko! May videokei dun, para masaya! Pirs time mo ba sa barku?” tanong ng bisayang si Nestor.

“Hindi, madalas akong magbiyahe ng barko at eroplano. Pero pirs time ko ito na mag isa papuntang Cebu. Hindi naman ako nag mamadali so barko na lang. Saka masaya, advinture.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.

“O basta mamya bai, mga tin balik ka unya.” Sagot niya.

“Tin?” nakakunot ang kilay ko ang bilis kasi ng salita niya.

“Mao gyud, tin uklak!” sabi niya habang nagaakmang paalis na.

“Ahhh, ok. Ten O’clock!”

Inubos ko lang ang aking yosi at pumasok na ako muli. Bumalik na ako sa cabin ko na ako lang ang laman. May maliit na tv na wala namang palabas. In fairness may sariling cr na

(20)

kahit na papano ay nagagamit. Super Ferry ang sinakyan ko, 12 yata.

☥☥☥

Ang nakakatuwa kasi ay ang kinuha kong ticket kanina ay economy yellow lamang. Akala ko ok naman yun economy yellow. Putcha, sa itaas pala yun at walang aircon, kulang na lamang ay itali ka sa may propeller at dun ka sumabit! PEro in fairness naman ok naman ang economy kung marami kayo, masaya. BUti na lamang at cute ako dahil nun nakita ko yun aking lugar sa economy, pinuntahan ko ang Ship Manager at tinanong kung pwede mag palipat ng lugar kahit sa medyo upgraded naman kaysa economy.

Maraming tao noon sa may information deck. May dalawang crew na nag aasist sa mga taong nag tatanong ng kung anu-ano. Nariyan ang humihingi ng dagdag na unan,

(21)

kumot at kung anu-ano pa. Nahiya muna akong lumapit kasi mag papalipat ako ng lugar mula Economy palipat ng kahit na isang hakbang na upgrade. Narining ko na maraming gustong mag pa transfer. Naghintay muna ako ng sandali.

Nagyosi muna ako sa may labas na deck at nag SMT (spiritual mind treatment) na nakahiga ako sa cabin na aircon at may tv. Sinilip ko mula sa pinto ang information deck kung marami pang tao. Dalawang tao na alng ang nandun na nagtatnong. Inubos ko agad ang yosi ko at pumasok.

“Hi miss. I was wondering if there is a way that I could transfer to another area rather than Economy?” pa cute na sinabi ko sa crew na babae.

“May I see your ticket sir?” sinabi niya habang nag kukutkot ng computer. “Here it is! I never expected that economy ang kinuha sakin kasi!”

(22)

Pagsisinungaling ko. Eh ako kaya ang kumuha nun panong hindi expected. Kulang na lang sabihin ko na kasi nag titipid ako at walang pera tapos tatanga tanga pa kaya dun ako nabagsak!

“Okey, sir Ruel. Pwede po balik kayo maya-maya and I will check lang po kung may available pang space. Ilan po kayo?” Pagtatanong niya.

“Ako? Ako isa lang ako, not unless marami kang nakikitang kasama ko na kamukha ko! Joke lang ha?! I am just alone miss.” Pagbibiro kong sinabi sa gerlas.

Sinabihan akong bumalik pag layag naming sa dagat para tignan kung magawan ng paraan. Sana umepek ang charm ko!

Iniwan ko ang gamit ko sa kama ko dun sa economy at nag ikot ikot muna ako kaninang mga 9am. Paglayag naming ay binalikan ko yun crew at pinakilala ako kay Ms. Sheila (ata o

(23)

Hazel?), nagpakilala ako at nagpa cute, binigyan ako ng susi at pwede daw ako dun. Wow! Cabin ang binigay. Natakot ako baka may dagdag na malaki!

“Magkano po ang idadagdag ko?” malakas na loob kong tinanong na sana ay 100 o 200 lang ang dagdag. Halos 23 hours din kasi ang biyahe. “Ok lang sir! Enjoy your trip! Sir, eto rin yun ticket niyo, may meals na rin yan!” Naka smile niyang sinabi sakin! Sabi ko sa sarili ko, hindi talaga ako pababayaan ni Universe. Balak ko kasi hindi na lamang kumain sa biyahe para tipid ako. Hindi ko na magagalaw ang 500 ko sabi ko. May baon naman akong yosi na pinabaon sakin ni JP (senior student at President ng RSOM).

(24)

Matagal ko na rin binalak na mag sabbatical. Sa sobrang busy sa Nginiiig noon ay parang na burnout na ako. 3 years na halos walang patid na paglalakbay sa iba’t ibang lugar at pag iimbistiga. Every week ay umaalis kami at mahina ang 3 days na hindi ka umuuwi. Maraming bagay ang nangyari at nagkaroon ako ng force sabbatical. Walang nakaka alam na Cebu ang punta ko. Actually meron naman pero iilan lamang mga 3 tao lamang siguro. Bago ako nagpunta ng Cebu ay naki communicate ako sa ilang mga practitioners doon at sinabi ko nga na maglalagi muna ako sa Cebu. Ano nga ba ang binabalak ko gawin sa Queen City of the South? May mga plano na ako sa aking isipan. Una ay ang tapusin ang mga libro kong ginagawa, pangalawa ay hanapin at turuan ang huli kong istudyante ng RM (systema ko sa Occult Science), mag pahinga, mag muni-muni ng mga personal na bagay. Hindi man lamang sumagi sa isipan ko kung papano ako mabubuhay at saan ako pupunta pag dating ng Cebu.

(25)

Mga 15 years ago na rin siguro yun noong huling punta ko ng Cebu para magbakasyon. May kaibigan ako na Cebuano si Arvin Cinco, matalik kong kaibigan mula High School. Tinext ko siya 2 days bago ako umalis at sinabi ko kung pwede ako mag pa ampon muna sa kanya. Hindi naman niya ako matatanggihan sa tagal ng pagkakaibigan naming at tindi ng pinagsamahan. Siya na raw bahala sakin pag dating ng Cebu.

Bitbit ang knapsack na may lamang 5 t-shirt, 2 maong at isang sapatos. Nagpahatid ako kay JP sa Pier ng nakashorts, sando, jackrt at tsinelas. Bahala na si Batman sa isip-isip ko. Sa loob ng cabin ay narinig ko na pwede na raw pumila para sa dinner. Yay! Gutom na rin ako. Buti na lamang at may meals na kasama ang ticket ko. PArang opening ng Star Wars o Harry Potter ang pila ng kakain. Lengkat! Sabi ko sa sarili ko ay mamaya maya na lamang ako kakain.

(26)

Kaya ako napunta sa gilid ng barko para magyosi at nakilala ang isang isang bisaya na si Nestor na magpapainom raw ng beer sakin.

Umikot muna ako at nakita na may bar ang barko at may Videoke!!! Buhay na ako noon!

Walang tao sa bar dahil lahat ay busy sa pagkain ng dinner nila. Naupo ako at umorber ng isang San Mig Lite. Tinanong ko kung pwedeng kumanta. Sabay abot sakin ng mic at ng Songbook!

Buklat ng songbook. Inom ng konting beer. Hinanap ang favorite ko ng kanta! Binigay ang number! Nagmodulate ng boses.

“Youre just too good to be true, can’t take my eyes off you…” nagsimula kong bulabugin ang bar!

Maya maya pa ay madami na palang nakikinig sakin. Maganda raw ang boses ko (ehem! Naman!) sabi ng

(27)

bartender. Natapos ang kanta ko at pinapili pa ako para raw ganahan ang iba. Pumili ako ng mga ilan pang kanta. Kung alam lang nila na may sarili akong videoke system sa aking center! Hahahaha!

Sinabihan akong may contest raw mamaya ng singalong at kung gusto ko sumali.

“Sorry, pero hindi ako pang competition” may konting yabang kong sinabi.

“Kung gusto mo ikaw na lang mag judge mamaya!” sabi ni Angel, yun bartender.

“Ayan, gusto ko yan! Sige, basta libre na tong beer at ilan pang mga beer payag ako!” Baka makalusot lang naman.

“No problem sir! Sige po!” sabi ng nauto kong si Angel.

(28)

Natapos ang concert ko at marami rin sumunod na kumanta. Nagulantang lang ako sa mga narinig ko. Not for anything, pero maganda ang boses nila kaya lang ay iba yata ang A at E, ang I at A, ng mga bisaya.

May kumanta na babae, ang galling ng boses, kaso lang ng pagdating sa chorus ay..

“…and din a HIRU comes alung….” Ayun nayun.

May mga ilang tagalog ang naroon na medyo natatawa rin. Uulitin ko, maganda ang mga boses nila, kakaiba lang ang pag pronounce. Kaya ang saya-saya.

Sa ending ng contest ay pinanalo ko si HIRU!

Sobra kasi akong naaliw sa kanya.

(29)

Pagkatapos kong pumila para sa pagkain ay medyo tipsy na ako. Masarap ang food, di ko lang alam kung ano yun.

Balik ako sa deck ng mga 1am, hindi talaga ako makatulog dahil siguro mag isa lang ako sa cabin. May nakita akong parang coach sa may gitna ng barko. Mukhang okey doon mag lounge at magbasa. Dala ko ang Living the Science of Mind ni Ernest Holmes ko at doon ako naupo. May mangilan ngilan din mga pasahero ang natutulog doon ng nakaupo. Sinubukan kong umidlip ng sandali tulad ng ginawa nila doon. Hindi talaga ako inaantok. Naalala ko tuloy ang motto namin sa Mg/Rsom center. “Maigi na ang walang tulog, kaysa walang gising!”

Nagbasa ako ng ilang pahina ng libro, ng maalala ko na ang gamit ko pala ay nasa kama ko pa sa economy. Dahil na rin siguro sa walang importanteng

(30)

bagay ang nandun kaya hindi ko masyadong inintindi. Panik agad ako sa economy.

Nakita ko ang ilan sa mga kalalakihan ang nag iinuman ng lapad at nag lalaro ng baraha. Mas marami naman ang tulog na. Pamipamilya bumiyahe ang mga ito. HInanap ko ang kama ako at nandun naman ang bag ko. May importante palang gamit ang nasa loob ng bag! Buti na lang at naalala ko! Winston lights isang rim.

Pagbaba ko sa may cabin ay may mga taong nanggagaling sa isang corridor. Pinasok ko kaagad ang bag ko at kinuha ang susi ng kuwarto. Sinundan kung saan ang mga taong ito pumupunta. Eureka! Sa may pinaka harap pala ng barko!

Gusto ko sanang mag ala Jack at Rose at sumigaw ng “I am the King of the world!” sa may bandang dulo, kaso baka ma usog at lumubog ang barko. Wag na lang.

(31)

Balik na ako sa kuwarto koa t pinilit matulog kahit na dinuduyan ako ng alon.

☥☥☥

Maliwanag na ng nagising ako, mga 7am. Naririnig ko ang information na nagsasalita na malapit na raw kaming dumaong sa Cebu Pier. Nagmadali akong mag ayos at maligo. Marami ng tao sa labas ng lounge at nakapila ang gamit nila pag hahanda ng pag baba. Sabi ko sa sarili ko hindi ko naman kailangan mag madali at mauna na sila.

Panik ako sa deck. Nakita ako ang malinis at malawak na bundok at mangilan ngilan na mga pabrika.

Cebu, ika ko sa sarili ko. 15 years din yun huli kong punta. Kinuha ko ang celphone ko at tinext ang barkada ko at sabi kong nasa Cebu Pier na ako.

(32)

Nagreply siya ng ganito:

“Neng, mtgal p yn. A2butn p yn ng 1 oras bgo k mkb2. and2 k s lbs ng gate. Fllow lng mga tao kng sn l2bas.” Sabi niya sa text.

HInintay kong medyo maluwag na ang exit bago ako bumababa ng barko. Parang ibang mundo ang pinasukan ko. Sanay kasi ako ng marami kami at trabaho ang pinunta sa isang lugar na tulad nito, pero ngayon lang ang mag isa akong pumunta at sabbatical pa. Naririnig ko ang mga salitang bisaya, medyo may mga salitang sa tingin ko ay naiintindihan ko tulad ng “gawas” labas, “daghan” madami, “ayo” hello. Nagkita kami ng kaibigan ko. Malaki ang pinag bago niya! Mama na ang hitsura. Hindi ko na ikukuwento ang tungkol sa kanya kasi hindi naman siya kasali sa Potion, Gayuma, atbp.,hehehehe!. May lagnat ang frend ko at pinilit pa rin niya mag drive ng bago niyang Sorento!

(33)

☥☥☥

3 days siguro bago ako nakalabas ng bahay. May sakit kasi ang kaibigan ko at inantay ko munang gumaling.

Nag text ako sa ilan mga taga Cebu na nakakakilala sa akin sa larangan ng paranormal. Tinanong ko kung gusto ba nilang makipag kwentuhan at chikahan sa gabi. Kelangan ko ng kausap siguro sa larangan ng occult science. Nasanay na ang sistema ko na dumadaldal ng mga ganitong tema. Nagsetup ng araw at date kung saan at kalian magkikita. Ang ilan sa kanila ay naka chat o nakausap ko na sa phone dati pa. Siguro mga 2004 pa yun. May mga ilan beses na rin silang nagtangka na imbitahan ako sa Cebu para mag talk o workshop, pero hindi natutuloy. Mahal kasi ako maningil!

(34)

Malamang hindi nila afford o dahil na rin isa akong Valdemort!

Nakipagkita ako sa may Bo’s Coffee sa Ramos St. mga 8-9pm yata yun. Hinatid ako ng kaibigan ko at aantayin niya raw ako matapos. Isa isang dumating ang mga bata. Sa pigura pa lang ay alam ko na kung sino tatagal at sino ang hindi.

Maraming kuwentuhan ang nangyari. Sinabi ko ang plano ko sa Cebu.

May reputasyon ako sa ilan sa mga Paranormal wannabees bilang isang Valdemort. Hindi orthodox ang pag tuturo ko. Hardcore at hindi tweetums! Alam ng lahat na mayabang ako pagdating sa Occult Science, Psychism, at Paranormal. Ang akala ng iba kasi ay kapag nagbasa ka na ng libro o may lahi ka ng dugo ng babaylan ay pwede nang gawin diploma yun para mag galing galingan ka. Pwede ba?! Sampal gusto niyo! Hehehe!

(35)

Peace loving person ako (hehehe), pero pagdating sa antas ng Occult Science wag ng mag magaling, sumisigaw ako ng Jihad pagdating diyan!

Sabi nga nila ang Cebuano raw ay Hard to please, ang asbi ko hindi naman hindi lahat, pero karamihan na katulad nila ay plain stubborn lang. Kadalasan mga taga doon na hindi man lamang nakarating sa ibang lugar ay umiikot ang mundo nila sa Cebu lamang. Marami pang lugar ang Pilipinas lalo na ng mundo. Hindi lang sila ang tao!

In short marami ang hindi kinaya ang ugali ko. Ok lang yun sakin, sabi ko nga ay mas gugustuhin ko pa ang 1 o 2 student na may utak kaysa sa 200 na mga bobo. Ang sabi ng iba ay balang araw ay makakatagpo raw sila ng totoong teacher, sabi ko hindi mangyayari yun hanggat hindi sila totoong studyante (wink)!

(36)

☥☥☥

Unang kita ko kay Satohri ay medyo may yabang ito. Maputi, makapal ang kilay, nag tatrabaho sa Pejman, isang call center bilang HR. Marunong manumit. Hehehe! Marami siyang tanong at mukhang maraming nalalalaman.

“Ano ang background mo sa path?” tinanong ko sa kanya.

“Mostly wicca, tarot card reading at sorcery po!” nakatingin niyang sinabi sakin.

“Saan mo natutunan?” dugtong ko agad habang nag sisindi ng yosi.

“Sa mga research , internet at mga Llewelyn books. Bumibili talaga ako.” Pagmamalaki ni satohri.

Sa isip isip ko, aba, talagang pinag iipunan ng bata ang libro. Hindi naman kasi ganoon lamang kamura ang mga

(37)

libro ng occult. Nalaman ko rin na siya ang nag tayo ng OMA (order of the Mystic Arts) sa Cebu at lumabas na rin siya sa ilang mga tv shows at radio sa Cebu. So kahit papano ay may kredibilidad na ang isang ito.

“Itapon at sunugin mo lahat ng libro mo. Lahat ng alam mo ay burahin mo sa utak mo! Wala lahat yan silbi!” Mahinahon kong sinabi na walang halong emosyon.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Satohri.

“Just remember one thing. My system is flawless and foolproof. It’s the only thing you have to learn to survive the world of Occult. It is not for the weak hearted and dim witted! ” Pagyayabang ko.

Lahat halos ng mga serious na student ay ginanito ko. Para sakin kung mag aaral ka sa isang teacher o mentor ay dapat tanggapin mo na may matututunan ka at mas may alam

(38)

siya, dahil kung mas marunong ka pa ay malamang gulo ang kauwian ng pag aaral.

Tinanong ko si Satohri at ilan pang mga bata kung ano ba talaga ang gusto nila matutunan sa Occult science?

Ibat-iba ang hilig nila at antas ng intelligence. May ilan ang gusto ay hermetic healing at orasyon, ang isa ay Wicca, ang iba ay esoteric architecture. Si Satohri gusto ang Tarot Card at Sorcery. Ang iba ay Potion Making.

Natapos ang meeting na yun at pinag aralan ko maigi ang dapat turuan at kung sino ang may karmic pattern sakin. Sabi ko sa sarili ko na katulad ng dating style ko, matira ang matibay.

Naniniwala ako na dapat ay earned ang lahat ng karunungan at hindi ito basta basta na lamang ibibigay kung kani kanino. Hindi question ang pera o

(39)

fee kung tutuusin. Maraming pwedeng ipalit. MInsan nga ang oras lamang at pag attend ay okey na. Kung may mga bagay kang hindi mo kayang I sakripisyo ay yun ang hihingin. Attachment ang tawag dun.

☥☥☥

DI naglaon ay 3 lamang ang natira sa kanila. Di rin nag tagal ay isa na lamang. Si Satohri.

Matiyaga si Satohri. Halos araw araw ay nagkikita kami sa Starbucks Ayala Cebu o kaya ay Havana. Minsan rin ay tinuturuan ko siya sa loob ng bar.

“Bakit sa bar tayo nag ka klase?” Minsan niyang tinanong sakin.

“Sa mga lugar na ganito ay makikita mo ang attention, concentration at abilidad ng isang tao na umintindi kahit na maingay at maraming tao.” Sinabi ko habang may hawak ng bote

(40)

ng San Mig lite at yosi. BUkod dun ay gimik na rin.

☥☥☥

Nagsimula siya mag aral ng Tarot Card. Sinimulan ko sa Major Arcana. Kung papaano basahin ang mga baraha.

“Papano mo binabasa ang Tarot kapag may nagpapa reading sayo?” Tinanong ko si Satohri.

“BUkod sa kung ano ang nabasa kong meaning nito sa libro ay may feelings o psychic link akong sinusundan. Depende kasi.” Sagot niya sakin.

“Alam mo bang hindi mo pwedeng basahin ang Tarot sa sarili mong interpretasyon o feeling?!” Sinabi ko habang hawak ang unang card na 0, o the Fool.

(41)

“ Ang bawat baraha ay may sariling meaning. May sariling istorya at sitwasyon na binabahagi. Ang Tarot Card reading ay isang systema hindi ito ayon sa gusto mong meaning. Kung papano siya nalatag ay babasahin mo lang at hindi ka maglalagay ng sarili mong interpretasyon!” dugtong ko habang ipinapakita ang The Fool sa kanila. “Kung baga ay ang kailangan mong ma tutunan ay paano mo itatahi ang isang baraha sa isa. Paano mo ito gagawin istorya ayon sa mga barahang nailatag”. Abangan ninyo ang isa ko pang libro “Tarot Card

Reading: System Unveiled”.

“Kailangan mong aralin ang mga simbolo na naka paloob sa baraha at intindihin ang mga ito.” Patuloy kong sinabi sa kanila.

Itinuro ko ang paraan ng pagbasa ng bawat baraha ng Major Arcana sa kanila. Madaling na absorb ni Satohri ang mga ito.

(42)

May Oras na si Satohri para mag aral

Nag karoon ng isang pagkakataon na kung saan ay sinabi sakin ni Satohri na ayaw na niya sa opisina nila at gusto na niyang mag resign.

Matagal na rind aw siyang nag dasal na mag karoon ng isang mentor. Sumuko na raw siya sa Occult Science, at noon sumuko siya ay bigla naman daw akong dumating. Tila raw may kung anong tudyo na nagpipilit siyang ibalik sa craft.

Nagresign si Satohri sa trabaho. Isa siyang HR sa Pejman na call center. Di naglaon ay nagsara ang kompanyang ito.

“Nakita mo na Satohri. Sa ayaw at gusto mo, darating ang panahon na talagang mawawala yan sayo. Ang mainam ay ikaw na misyo nag desisyon.” Sinabi ko sa kanya.

(43)

Araw araw ay magkasama kami ni satohri. Pumupunta siya sa boarding house ko at doon nag aaral. Minsan ay lumalabas kami para doon ituloy. Natapos niya ang Tarot Card Basic meaning ng ilang linggo lamang.

Minsan ay nagpunta kami sa isang disco at maraming tao. Hindi tuloy ako makapag Shakira o Beyonce sa dami ng tao. May naisip ako.

“Satohri, panoorin mo ito. Papakita ko sayo ang tinatawag kong Weaving1. Isang pamamaraang sorcery. Gagawa ako ng bakod palibot ko at walang didikit sakin!” sinabi ko sa kanya habang nasa isang table kami. Mahilig din sumayaw si Satohri.

Nag weave ako. Lumakad sa gitna ng maraming tao. Lahat ng lakaran ko ay may distansiya ng 2 metro ang layo sakin. Ang nakakatuwa kasi ay pabilog

1Isang pamamaraan ng sorcery na ginagamitan ng lights

and sounds. Isang systema ng MG para sa mga Royal Mystics.

(44)

ito. Para akong nababalutan ng isang bubble. Malaya akong nakakasayaw habang nakatingin lang ang iba.

“Papano yan ginagawa? Gusto ko malaman yan? Totoong Magick yan!” excited niyang tinanong sakin.

“Wala pa yan sa kalingkinangan ng kayang gawin ng Weaving!” sagot ko habang nag Sha-shakira.

“Kung gugustuhin mong paalisin lahat ng tao ngayon at paupuin ay pwede. Kung gusto mo silang bumalik at sumayaw ay pwede rin.!” Dugtong ko pa. Pinakita ko kung paano ito possible.

“Sige na. Gusto ko malaman yan!” pangkukulit niya sakin.

“Sa lahat ng mahika na nakita ko yan ang immediate at instant ang effect. Practical pa!” kumikinang ang mga mata niya sa tuwa.

(45)

“Kailangan mo mag simula sa Potion Making!” sagot ko sa kanya.

“Huh? Potion Making? Bakit? Ano kinalaman ng Potion Making ditto?” naguluhan siyang sinabi sakin sa likod ng ingay ng “loosen up my buttons babe”.

“Bukas, I explain ko sayo!” Tuloy ang sayaw ko.

☥☥☥

May tatlong bahagi ang aking systema. Ang MM, RM at ang CM. Ang MM (Mastermind group) ay mga studyante na nag aaral ng Siyensiya ng Pag i-isip (Science of Mind), ang RM (Royal Mystics) ay ang nag aaral ng mga Occult Science at Sorcery at ang CM (Ceremonial Magician) ay ang mga nag aaral ng systema ng Magick. Lahat ay pawang may sari-sariling forte. Wala pang iisang studyante ang nakapag master ng lahat ng ito, May

(46)

mangilan ngilan na sumubok ngunit hindi kinaya.

Kung ang hilig mo ay philosophy o sistema ng siyensiya sa pag iisip ay sa MM ka, at kung occult naman ay sa RM ang lugar mo, at kung Magick naman ay sa CM.

Ganyan ko ginawa ang sistemang ito. Kung may angal ka, pakelam ko sayo. Sistema ko ito eh! At sa kaunaunahan pagkakataon ay maglalakas loob akong ibahagi ito sa mga hindi studyante na tulad mo, oo, ikaw na may hawak nitong libro na to at binabasa mo! Kung studyante kita eh maiintindihan mo ko, kung hindi, pilitin mong intindihin. Huwag ka ng maangal at mag comment dahil hindi mo naman alam ang puno’t dulo ng sistema kong ito.

Sa MM ay ang pinaka objective ay ang maging Master Mind. Samantalang ang sa RM ay ang Master Weaver, at sa CM ay ang Phaoronic Magick (hindi

(47)

ito yun mga nakikita mo o nadodownload sa internet pwede ba?).

☥☥☥

Nagsimulang mag aral si Satohri ng Potion making.

“Bakit Potion Making ang pre requisite ng Master Weaving?” tanong ni Satohri sakin pagbalik naming sa bhaus pagkatapos kumain sa Chinese Ngohiong sa Urgello St. malapit sa Sacred Heart Hospital.

“Dahil lahat ng bagay na physical ay may antas na pinag uugatan. Katulad ng Potion Making ang Master Weaving ay ang pamamaraan ng paggamit ng mga elements at pag combine nito. Kung marunong ka ng Potion Making ay madali na para sa iyo ang Master Weaving!” Sagot ko habang nagpapalit ng pambahay.

(48)

“Simulan natin sa pinaka basic. Ang Elements!” tuloy ang salita ko habang nasa kuwarto ko kami.

Hindi aircon ang kuwarto ng bhaus ko. MEdyo mainit dahil summer na. Pero ok lang, dahil kapag hindi na masyadong mainit ay lumalabas kami sa MCdo jones at doon tinutuloy ang lecture. Minsan ay nag ooverload-info si Satohri at sumusuko siya.

“Tandaan mo ang levels na ito. Elements o mineral, Plants, Animals at Insects, at saka Man. Yan ang pinaka importante mong dapat malaman.” Dugtong ko.

“Bawat isa niyan ay may sub-category pa. Tulad ng Elements. Ano ba ang elements?” Tanong ko sa kanya.

“It’s the composition of everything?” patanong niyang sinagot.

“Hmmm, pwede. Pero tignan natin ang itimology ng salita.ELEMENTS mula sa salitang ELEMENTE! EL-E-MENTE. Ang

(49)

El ay salitang Hebreo na ibig sabihin ay God, E ay mula o pinanggalingan, MENTE ay Isip. So kung tutuusin ang Element ay NAGMUMULA SA ISIP NG DIYOS! So, kung sinabi mo na ang elements ay kinabubuuhan ng lahat ng bagay, ang lahat ng bagay na ito ay pag iisip ng Diyos!” Pinilit kong maintindihan niya.

“Ngayon, clinically, ano ang elements? Parang periodic table diba? Pero sa antas ng Occult ay mayroon tayong ilang elemento?” Habang nag aayos ako ng gamit ko sa loob ng kuwarto. “Ahh..sabi ng mga nabasa kong libro may 4 na elemento raw. Ang Fire, Air, Earth at Water. Tama ba?” Habang nag te takedown siya ng notes niya. “Correct. Apat na elemento na napapaloob sa isang fulcrum.” Sabi ko. “Fulcrum? Ano yun? May pang lima pa?” tanong si Satohri.

(50)

“Walang pang lima, pero may isang nasa pagitan na bumabalot sa mga elementong ito para sila ay may harmonious relationship sa bawat isa. Ang mga elemento ay may sariling consciousness. Ang iba ay sinasabing sa antas ng Mahika o Occult ay may sariling buhay ang mga ito at hindi literal na apoy, hangin, tubig o lupa. Ngunit para sakin ang literal na apoy, hangin, lupa at tubig ay pareho rin at may sariling intelihente kundi man sila intelihente mismo.” Explained to him. “Ibig mong sabihin may intelligence ang literal na tubig?” tanong muli si Satohri.

“Meron!” Period.

“Sa periodic table ay maraming elements. Para sakin ay hinati ko muna sa antas ng basic ang mga elements na ito ng ayon na rin sa gamit, symbolismo at scientific attributes nito. Katulad sa Alkhemia. 4 na elemento, ang sulphur, salt, water at mercury. Sa antas ng vibrations at

(51)

Berryl, Crystals, Resins, at Metal. Kung natatandaan mo sa Tarot Card ay meron Wheel of Fortune. Tignan mo maigi ang mga simbolong naka paloob dun at maiintindihan mo ang ibig kong sabihin.” Tuloy kong pag explain sa kanya.

“So kahit sa Potion making ay pwede na ang paggamit lang ng mga elements at mineral?” ika ni Satohri sakin habang change siya ng posisyon.

“Oo. Tandaan mo ang elements o minerals ay ang battery sa isang complete potion making. Pwede na rin itong gamitin kung tutuusin. Tulad na lamang ng mga ilang elixirs diyan na ginagamit para sa health. May mga pampagana sa kama, may pampatalino o pang memorya. Lahat ng ito ay element, chemical at mineral based.” Tumayo ako para kumuha ng papel at magsulat ng ilang formula. “Sa halaman naman ay mas komplikado ng kaunti. Nahahati sa 7

(52)

category ang mga ito. Eto ang chart para sa halaman.”sabay abot ng sinulat kong chart sa notebook niya. “Ang bawat halaman ay inayos ko na ayon sa numero. Tulad ng 1,3,5,7, na lahat ng yan ay para sa success at health. Ang 2,4,6, naman ay para sa Love. Inayos ko na rin yan ng ayon sa esoteric number meaning. Mapapansin mo na lahat ng number 1 na halaman ay may pareparehong katangian, gayun din ang ibang mga numbers.!” Pag explain ko sa kanya.

“Kaya pala, ikaw alam mo agad kung para saan ang isang halaman, paano ito gamitin at para saan! Hindi mo pala memorized lahat, pero dahil may systemang ganito, na cacategorized mo silang lahat ng madali! Ang galling! Ang Galing!” excited niyang pinagaralan ang chart ng halaman. “Yan ang dapat mong matutunan, ang pagiging espionage. Tama ka, hindi ko memorize lahat ng mga halaman o pangalan nito pero dahil nga sa 1-7 na

(53)

category ay madali kong na aarange. Kung mapunta ka sa isang lugar at wala ang halamang kailangan mo, papano na? Pero kung alam mo ang systemang ito ay hindi ka mag wo-worry dahil alam mo kung ano ang pwede mong gawin at papano mo ito gagawin.” Sagot ko sa kanya.

“May kinalaman ba ang planetary attribute ng halaman sa gamit nito? Halos kasi lahat ng libro ay iba iba ang planetary attribute ng bawat halaman. Nag rerely lang ako sa Llewelyn na libro ni Scott Cunninghum.” Dugtong niyang sinabi.

“Tulad ng lahat ng bagay sa vegetation, ito ay sakop rin sa elements. Kung pag aaralan mong mabuti, bakit ang mga halaman ay may ibat ibang hugis, hitsura o tubo? May mga halaman na kailangan sa tubig, may ilan naman kahit di mo diligan, may iba pa na sa hangin lamang nabubuhay. Pag aralan mo ang mga hugis ng dahon at pag tubo

(54)

nito. Diyan mo makikita kung ano ang elemento ng isang halaman. Kapag kasi tinanong mo ang iba ay sasabihin nila sayo na kaya yun ang element o planetary attribute ay dahil sa effect na ginagawa ng halaman sa tao. Hindi ako kuntento sa ganun sagot. Matagal kong pinag aralan yan, mga 2 days bago ko na decipher!” Sabay lingon ko sa kanya ng nakangiti.

“Two days, hindi kasi ako bobo na tao at marunong akong mag isip!” patuloy kong sinabi.

“Grabe!” sagot niya

“Teka, may iba’t ibang parte ang halaman. Alin doon ang gagamitin?” Tanong ni Satohri sakin.

“Mahusay, mahusay! Ang bawat halaman, puno o katulad ng mga ito ay nahahati pa muli sa 7 bahagi. Ang dahon, tangkay, trunk, ugat, bulaklak, bunga, etc. At lahat ng yun ay sumusunod pa rin sa esoteric numerical system ng 1,3,5,7 at 2,4,6,.

(55)

So kung gagamit ka ng halaman para sa Love, kukuha ka o pipili ng halaman under number 2,4 or 6. Pero may bahagi lamang ng halaman na ito ang lubhang effective, yun ay ang bahaging 2,4, at 6. Ngayon depende pa sa kung anong klaseng love ang gusto mo. Tulad ng 2, ito ay para pag balikin o pag unite, kung united na naman ay bakit mo gagamitin ang 2, dapat ay 4, para sa stability. Hindi ba?” explain ko sa kanya.

“Grabe! Tama na muna! Over load na ako! Sobra na ito! Ngayon ko lang naintindihan!” habang nahiga siya hawak ang ulo.

“Teka lang, last na ito muna. Ang Zodiac sign ay malaki ang bahagi na elemental progression ng mga ito. Kailangan ay alam mo ito sa puso at pagkasunod sunod nito.”sabi ko. Gusto ko na rin ituro by this time sana ang pag kuha ng alkaloid mula sa plants and trees na ginagawa ng mga Shaman para gumawa ng isang makapangyarihang ELF POWDER!

(56)

Hehehe! Bad! Kelangan lang ng source plant o tree, muriatic acid, apog o lye, litmus papers ay panalo na.

“Ngek, hindi ko memorized ang sunod sunod ng Signs!” sabi niya.

“Madali lang yan. Tignan mo katawan mo. Nandiyan na ang sunod sunod na signs, pababa! Ulo hanggang paa. Ulo ay aries, leeg ay Taurus, balikat ay Gemini, dibdib ay Cancer, Solar Plexus ay Leo, tiyan ay Virgo, kidneys at Libra, sex organ ay Scorpio, balakang ay Saggitarius, tuhod ay Capricorn, legs ay Aquarius at ang paa ay Pisces. Gaun lang kadali.” Patuloy kong pag explain sa kanya.

“At bawat signs ay may 2 elements na nag gogovern hindi lang isa!” explain ko!

“Tama na muna po!! Bukas na!!” Nagmamakaawa na ang bata.

(57)

Actually, hindi na siya bata, 26 years old na kaya si Satohri. Since high school raw ay mahilig na siya sa mga ganito. Madami na siyang na research at napag aralan pero ngayon lang daw niya na encounter ang ganito.

Naman! Wala sa internet o mga libro ang natutunan ko. Kaya nga ba sobrang kaba ko ngayon habang sinusulat ito, dahil, kauna unahan pag kakataon ay ilalabas ko sa publiko ang karungang itim…este, lihim pala na ganito.

Kung nais ninyong maunawaan ang librong ito ay hanapin ninyo si Satohri ng Cebu at paturo kayo. Mahal nga lang malamang. Mahal ba ang binayad niya sakin habang nagaaral? Hindi pera pero oras, panahon, kalinga, attention, serbisyo at marami pa ang kapalit. Wala na akong tuturuan pa ng ganito. Siya na ang kahuli-hulihan. Nagyaya na si Satohri sa Mcdo Jones para mag relax muna at magpahangin.

(58)

☥☥☥

Nagising ako sa ingay ng kapit-bahay. May parang nag aaway. Isang boses ng lasing na nakikipag talo. Teka lang. Maliwanag na at medyo mainit sa kuwarto ko. Kinapa ko ang celphone sa aking ulunan para silipin ang oras. Lengkat, mag aalas 8 pa lang ng umaga. Bakit may lasing pa?

BUmangon na ako para mag hilamos at mag toothbrush. Wala naman akong schedule sa araw na ito bukod sa intayin si Satohri. Usually dumadating siya ng mga ala una o 2 ng hapon. Minsan o kadalasan ay sabay kaming mag lunch sa Affordafuds o Chinese Ngiohiong sa labasan lang ng boarding house.

Lumabas ako ng kuwarto at nakikuwento muna kay Tito Pilo kung

(59)

ano ang nagaganap. Nanadun si Atty. Athan at nagyoyosi sa labas.

“Ang aga ng drama ata attorney?!” Pabiro kong tinanong.

“Yun isang lasing diyan inaaway yun anak na bata tapos yun nanay. Nag away yata ang magkalaro tapos ayun, nakisali sa away ang mga magulang! Nirecord ko nga sa celphone eh.” Nakangisi siya habang sinasabi.

Ganyan naman talaga mga bata eh. Mag aaway tapos ay maglalaro. Kadalasan lang lumalala kung makikisali sa walang ka kwenta kwentang away ang mga matatanda. Away bata lang nag umpisa pero pag tagal kapag pinalala ng mga magulang at matatanda, nauuwi sa ubusan ng lahi.

Dumiretso na muna ako sa cr at nag rituwal. Alam niyo na yun. Bumalik ako ng kuawrto at kinuha ang aking mug at nilagyan ng Rose Syrup. Masarap ang rose tea sa umaga lalo na kapag

(60)

may gatas, feeling ko ay Chai Tea. Na miss ko ang chai tea na ginagawa ni Ayee at JP sa Manila. Halos araw araw ay yun lang ang iniinom ko sa bhaus. Kumuha ng isang stick ng yosi at naupo sa may batong upuan sa tapat ng bhaus. Walang garden kasi. May mangilan ngilan halaman (yun puno na tanim ni John na wala pang 2 piye ang taas, mga herbs na dala ko mula sa Manila).

Hindi na ako makatulog kapag nagising ako ng ganun oras. Mabuti pang harap muna ako sa laptop at magsulat ng kung anu ano. Walang pang ilang oras ay narinig ko na ang pamilyar na katok sa pintuan ko. Si Satohri.

“Hello, gising na! Madami akong tanong!” habang nilalapag niya ang sling bag niya sa isang silya sa loob ng kuwarto ko.

“Sana, sinasara ang pinto!” tuloy pa rin ang pag type ko sa laptop.

(61)

“Kain tayo Ngohiong! Di pa ako nag lu lunch!” bungad ni Satohri sakin.

“Okey, pero mag papalit lang ako ng damit sandali.” Sabi ko habang pindot ng shut down sa laptop.

“Bilisan mo! Huwag ka na maligo ha?” Pagngangarag niya sakin habang nag sisindi ng incense.

NAgpalit lang ako ng pang itaas at shorts na panlabas. Mainit ang araw, matindi ang sikat. Ilang hakbang lamang ay nasa Ngihiong House na kami at umorder ng usual. Kaunting kuwento ng mga bagay bagay. Pagkatapos kumain ay yosi muna kami at diretso sa malapit na internet café para mag check ng emails. Balik na rin kami agad sa bhaus para kunin ang mga notes niya dahil sa may Mcdo Jones niya gustong mag discussion kami. Okey fine!

“May ilan formula akong ginawa. Paki check naman kung tama.”

(62)

Pagtatanong niya habang inaabot sakin ang notes niya.

“Tandaan mo ang flow at feeding ng mga elements habang ginagawa mo ang formulation. Kasi mas malaki ang chance na kaunti lang ang mali at madali i-remedyo kapag ganun.” Tinignan ko ang formulation na ginawa niya.

“Okey, review muna. Mineral, anu ano sa level ng Alchemia, sa level ng symbolism, sa level ng charm and potion making?” pag tatanong ko. “Mineral ay ang battery ng isang potion o charm. Sa alchemy ay sulphur, mercury, water and salt. Symbolism ay fire, air, earth and water. Sa charm at potion ay beryl, crystal, resin and metal. Grabe hindi ako nakatulog kagabi, nag aral ako ng nag aral at gumawa ng formulation.” pagyayabang niyang sinabi sakin. “What about plants?”dugtong kong tanong.

(63)

“Plants are the circuit. It determines the elemental flow ng isang potion! While animals naman ay ang process on how to affect the subject.” Mabilis niyang nasagot ang mga tanong ko. “Numerical value ng halaman apti parts nito and pano mo malalaman ang elemental or planetary attribute nito?”Sige pa rin ang banat ko ng mga tanong para malaman kung talagang nag sink-in na sa kanya ang mga bagay na naturo ko.

“Mineral ay 1 hanggang 4, 1 and 3 ay for success and health, 2 and 4 ay for love and relationship.”

Mahusay.

Numerical System

MAdali para sakin ang template na numerical at metaphysical value ng mga numbers. Kahit sa metaphysical numeric at sinunod ko ang effect ng mga bahagi at gamit ng mga ito.

(64)

1 – ang 1 ay nag sisimbolo ng strength, law, at application.

2 – ay duality, polarity. 3 – manifestation

4 – foundation, stability 5 – man, awareness

6 – labor or functioning law. 7 – completion

Minsan ay hanggang 7 lamang, pero may mga pag kakataon na ginagamitan at kinakailangan ng 8 and 9. Kaya isinama ko na rin ditto. 8 – material abundance and manifestation

9 – perfection

☥☥☥

Nagsimula siya ng pag aaral ng mga basic elements ng paano nag flo-flow ang mga elements. Kung paano ang

(65)

air, water, fire at earth ay nag iikot-ikot sa bawat isa.

Una ang hangin sa ibabaw ng tubig, sumunod ang apoy, saka nagkaroon ng lupa. Ganyan ang flow.

“paano kung ang element ay nauulit?” pagtatanong ni Satohri.

“May tinatawag akong feeding ng elements at meron din naman buffering. Teka ganito na lang. Ang dalawang baso ng tubig ay masasabi natin may dalawang baso ng tubig, hindi may dalawang tubig. Ang tubig kapag hinalo mo sa isa pang tubig ay hindi nagiging dalawang tubig pero isa pa rin. Gets?!” sinubukan kong I explain ng madaling maintindihan. Kapareho yan ng lahat ng elemento. Ang apoy, hangin, tubig at lupa ay ganun din ang perspective.

Bitbit ni Satohri ang mga libro niya.“ Tignan mo itong mga dala kong libro. May mga herbs at kung anu-ano pang

(66)

mga writing ang nandito tungkol sa herbology at magick. May madali bang paraan para malaman ang gamit nito ng hindi ayon sa sympathetic lamang?” Habang binubuklat niya ang mga librong dala niya.

“Sabi ko nga sayo bawat halaman ay may gamit. At ang gamit nito ay depende kung paano I aaply ng tao sa kagustuhan niya. Halimbawa, sabihin natin na ang herb na Rosemary. Maraming tao ang mag sasabi na ang Rosemary ay Venus ang planetary ruler nito at ruling sign ay Virgo. Paano nila nalaman? Ang iba ay sinasabing ito raw ay Mercury at Aquarius ang planet nito. Uulitin ko ang tanong ko bakit? Kasi sa effect na nagagawa nito sa katawan at isip ng tao. Doon nila binabase. Ang hindi nila naiintindihan ay ang flow ng elements sa nasabing herb, halaman o maging mga puno.” Mahirap ma iexplain ng lubos ang concept na ito, pero bahala na!

(67)

Mineral/Elements

May 4 na uri ang mineral at depende sa school of thought ng isang tao kung anu ano ang apat na ito. Kung susundan natin ang apat na angkap na ito ay ito ang base ng isang bagay, buhay man o hindi. Lahat ng bagay ay may apat na elemento. Ang hangin, tubig, apoy at lupa ay simbolo ng mga ito. Sa mineral ang apat na ito ay nababago bago. Ang ilan sinasabing ito ay Sulphur (fire), Salt (Water), Mercury (air) at Potassium (Earth). Maraming iba’t ibang interpretation at mga versions ang ilang mga occulties tungkol ditto. Depende na rin siguro sa school of thought na kanilang kinagisnan. Hindi na aalis ang SUlphur, Salt at Mercury, nag kakaiba iba lamang sa Earth attribute. Para saan naman ang gamit ng mga ito sa antas ng potion making o magick?

Ang mineral ay tinuturing kong battery ng isang systema ng magick o potion making. Depende sa uri ng potion o

(68)

mahika na gagawin mo ang dapat na mineral na gagamitin mo. Bakit ganun? Simple lang ang sagot diyan. Kung ang gamit mo ay celphone dapat lamang na battery ng celphone ang gamitin mo at hindi mo pwedeng gamitin ang battery ng truck di ba? Kung eroplano naman ang gamit mo eh alangan man lamang na AAA na battery gamitin mo! Isa pang halimbawa, kung ang source ng lakas o food ng isang hayup ay damo tulad ng kambing, alangan man lang na pakainin mo ito ng kahoy o kaya ay lato! Depende sa source o battery ang gagamitin para sa angkop na pag gana ng isang systema.

☥☥☥

Herbology

Katulad na nga ng sinabi ko kanina na ang halaman ay mayroon din 4 na elemento na dumadaloy ay may dalawang elemento na nakakahigit. Tulad ng sabihin natin na Rosemary.

(69)

Tignan natin ang hitsura nito May maliliit na dahon, halos walang tangkay, pero may kaunting branching. Kinakailangan nito ng sunlight at water.

Paano malalaman na ang isang halaman o puno ay may uri ng elemento?

Kapag pinag masdan natin ang mga halaman na hindi kinakailangan ng masyadong lupa o tubig ay mapapansin mo na ang mga dahon nito ay may makakapal at pahabang mga fiber ang ilan naman ay cactean form. Kapag ang mga halaman naman na kinakailangan ng maraming tubig ay may maninipis at maseselan na dahon, na ma veins. Ang mga halaman naman na kinakailangan ng lupa ay may makakapal at mabalahibong mga dahon, malalaki at matitigas na ma veins. Kapag ang puno o halaman ay mas nangangailangan naman ng sinag ng araw ay may marami at maliliit ito na dahon. Bakit?

(70)

Pag aralan natin.

Nahahati ang mga halaman at puno at mga kauri nito sa 7 classification. Ito ay ayon sa pangangailangan ng elemento ng mga ito at pagkakatubo. Bakit ba may halaman na may branching at ang ilan ay tila damo lamang. Bakit? Ang puno ng niyog o ang damong mais o damong kawayan bakit ganun ang kanilang hitsura? Hindi ba pwedeng ang damong kawayan ay mamunga ng buko? O kaya ay ang buko mamunga ng tila sa mangga?

Ang lahat ng bagay ay mayroon ng tinatawag ng cellular resonance. Ang buto ng mangga ay nasasakanya na ang cellular resonance ng pati puno ng mangga, mga dahon nito, maging ang ugat. Sa tamang pagkakataon at ito ay naitanim at naalagaan ay magiging puno ito ng mangga at mamumunga ng mangga. Inherent na sa cellular memory ng buto ang lahi nito. Maaari

(71)

bang mabago? Specie unto specie ika nga. Kung kalahi ng mangga, bakit hindi pwede? Kaya nga may Indian Mango, Apple Mango, supsupin, kalabaw, etc. Pero lahat sila ay under ng mangga. Maging sa tao. Pwede ang negro sa amerikano, Chinese sa Russian, Bisaya sa Ilocano, pero tao pa rin. Subukan mo ang kabayo at tao? Goodluck kung may tikbalang na lalabas. Pwera na lamang kung may genetic mutation na magaganap at magkaroon ng gap na kung saan maaaring mag connect sa DNA ng isang hayup at tao. May mga ilang sayantipiko ang nagtutuklas ng mga bagay na kinukukuha ang ilan katangian ng hayup at isinasama ito sa tao. Katulad na lamang ng Spontaneous Regeneration ng mga lizards at maging ang mga annelida . Kung ito ay maisasalin sa tao ay kapag naputulan ka ng daliri ay tutubo ito ulit! Parang kakatakot! Pero malay natin.

(72)

Ang number 1

Ito ay naka classify na mga halaman o puno man na trunk o main stem at diretso na sa dahon. May katangian itong tila ng niyog.

Ang number 2

Ito ay mga halaman na baging (vine). Number 3

Number 4 Number 5 Number 6 Number 7

Ang lahat ng odd numbers (1,3,5,7)ay may katangian ng pagpapagaling ng kalusugan o kaya ay nasasakop sa Health at Success area ng isang bagay. Habang ang even (2,4,6) naman may katangian for Love o relationship.

(73)

Mineral – nagsisilbing battery ng isang potion.

Plant – Nagsisilbing daanan o circuit. Animal – Nagsisilbing processor. Tao – nagsisilbing outlet.

Potion for Attraction/Love

MAaaring gawin isang solid perfume o kaya ay perfume oil.

Ingredients Bees wax Mineral Oil Mineral – Salt Plant – Bethroot

Animal – Sungay ng usa Paraan ng paggawa

(74)

Ruel Ruiz has been a paranormal personality since the late 80’s. Studying metaphysics and occult science at a very young age he began his search and formal training everywhere he can. Began his professional counseling at the age of 19, he now trains both young and adult on how to handle and nourish their Mind Potential. As a consultant for both metaphysics and paranormal, he concentrates his abilities in honing people on how to handle and make use of their abilities in studying Occult Science to practical application. He now anchors IAMU, RSI- RSOM, AMI, Magick Grove, T.O.A., here in the Philippines.

(75)

As a silent environmentalist, he spearheads environmental cleaning and he has planted more than 10,000 trees as of the moment in different locations in the Philippines. Together with a few close associates they have formed 1LOVE (Isang Lahi Organization for Volunteerism and Empowerment), which is a foundation to help and sustain projects to uplift human and environmental stature. He has done countless tv, radio and print appearances advocating on human potential. He headed the team of Psychic Investigator for ABS2 Nginiiiig and Hidden Files Studio 23, he guides and trains young ones in developing their abilities on how to help not only the living but also themselves.

ATBP. Series for PSICOM Multo, Thoughtforms, Atbp. Sapi, Possesion, Atbp.

(76)

Potions, Gayuma, Atbp. Elemental, Encanto, Atbp. Anting-Anting, Agimat, Atbp. Other books

Anatomy of a Psychic

Tarot Card Reading: System Unveiled Pearls from the Orient : A Guide to Manifest

Referensi

Dokumen terkait

Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang

Hindi natin matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon nito. Nakakaalis

 pecial 0ducation Program o ervices pecial 0ducation Program o ervices = para sa mga = para sa mga mag-aaral na hindi makapasok sa regular na klase dahil mag-aaral na

lahat ng babaing dumalo dahil sa hangad na makapanood lamang na noong mga taong nakaraan ay hindi man siya napuna, kung di man natingnan siya na

Sumasalamin ang portfolio sa paghahalaga ng isang mag-aaral kaya naman matinding pagtitiyaga ang kailangan sa paggawa nito.... Nilalaman

Dahil kung minsan binibigyan sila ng proteksyon ng kanilang mga kasamahan sa fraternity.Isa rin sa mga madalas na dahilan ng mga estudyante sa fraternity ay ang

Si Gaspar ay isa sa mga nagmamay-ari nito noon.Sa huling bahagi ng kanilang pagkukuwento ay naitanong ko kung anong salita ang tibor.Umamin si Gaspar na maging siya ay hindi rintiyak

ELEHIYA Pinanood ko ang iyong pagbagsak sa kanto kung saan ka natagpuan Paulit-ulit sa aking isipan ang hindi ko nasaksihan Wala kami roon Iyong-iyo ang pag-iisa sa oras ng kamatayan