ANG MABUTING BALITA (Jn. 1:45-51)
Pagbasa sa Mabuting Balita ayon kay San Juan,
Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi nito sa kanya: “Ang tinukoy ni Moises na nakasulat sa Batas at Mga Propeta, natagpuan namin siya – si Jesus na anak ni Jose, na taga-Nazaret.”
Sinabi naman sa kanya ni Natanael: “May mabuti bang puwedeng manggaling sa Nazaret?” Sagot sa kanya ni Felipe: “Halika’t makikita mo.”
Nakita ni Jesus si Natanael na palapit sa kanya at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan, isang totoong Israelitang walang pagkukunwari.” Sinabi sa kanya ni Natanael: “Paano mo ko nakilala?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Bago ka pa man tawagin ni
Felipe, habang nasa ilalim ka ng punong-igos, nakita na kita.”
Sumagot si Natanael: “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” Sumagot si Jesus: Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng punong-igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo.”
At idinugtong ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas na ang langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”
Pagninilay:
Nakilala ni Nataneal si Hesus at kilalang-kilala ni Hesus si Nataneal bago pa man niya ito nakausap. Ikaw, alam mo bang kilalang- kilala ka ng Diyos? Alam mo bang bago ka pa isilang, alam na ng Diyos ang iyong kinabukasan? Subalit, bakit di mo itanong sa iyong sarili, gaano mo Siya kakilala? Pinipilit mo ba Siyang kilalanin? Hindi ba nararapat lamang na kilalanin mo Siya? Hindi ba’t pag nakilala mo Siya, mas makikilala mo kung sino ka? Halina’t gugulin natin ang ating panahon di sa mga walang kwentang bagay, kundi sa pag-kilala sa Kanya.
Panalangin:
Buksan mo, Panginoon ang aming isip at puso upang Ikaw ay aming lubos na makilala. Amen. San Juan Bautista ng Lasalle………….Ipinalangin mo kami. Hesus, Manahan ka sa aming mga puso… Magpakailanman.
MULA SA OVCAR -
REGIONAL CENTER FOR PEACE EDUCATION (RCPE) PALIGSAHAN SA PAGGAWA NG ISLOGAN TUNGKOL SA KAPAYAPAANPara sa mga Mag-aaral ng Asignaturang Filipino at Ingles sa Komunidad ng Junior High School
Bilang pagdiriwang sa “Buwan ng Kapayapaan” sa darating na Setyembre, magkakaroon ng paligsahan sa paggawa ng islogan para sa mga mag-aaral ng asignaturang Filipino at Ingles. Ito ay upang magkaroon ng sapat na kamalayan ang bawat isa hinggil sa kapayapaan at maipamalas ang kanilang pagkamalikhain. Narito ang mga palatuntunan ng paligsahan:
1. Gumawa ng maikling slogan na nag-uumpisa sa salitang PEACEtahan.
2. Ang islogan ay maaaring isulat gamit ang wikang Tagalog o Ingles.
3. Nasa guro ng asignatura ang pagpili ng isang pinakamahusay na islogan mula sa bawat klaseng tinuturuan niya.
4. Lahat ng napiling mahuhusay na islogan sa bawat klase ay inaasahang maibigay sa puno ng departamento. Isusumite ng puno ang mga napiling islogan kay G. Rogger Basco sa araw o bago mag-Agosto 28, 2015.
5. Ilalathala sa Daily Bulletin ng paaralan ang mapipiling islogan. Magwawagi din ang mapalad na mag-aaral ng munting regalo mula sa komiti.
6. Ang magwawaging islogan ang gagamiting opisyal na tema ng gaganaping pagdiriwang na PEACE ONE DAY sa darating na Setyembre 21 dito sa DLSL.
MULA SA OVCAR – TANGGAPAN NG PUNONG GURO:
1. Nais naming ipaalala sa mga gurong naatasang maging proktor ng NCAE na may gaganaping pagpupulong mamayang hapon sa ganap na ika-3:00 ng hapon sa MMR 2.
2. May liham na ipamamahagi ang Tanggapan ng Punung-guro sa mga magulang patungkol sa nalalapit na Online Viewing of Grades sa ika-4 ng Setyembre. Sa takdang araw na ito din mabibigyan ang mga magulang ng panahon upang
makausap ang mga guro sa bawat asignatura. Bukod dito ay magaganap din ang PENCIL Assembly kung kaya’t aanyayahan nating dumalo ang mga magulang.
Bulletin No. 050 24 Agosto, Lunes 2015
INTEGRATED SCHOOL
MISSION VISION
“To be a sign of faith as an excellent educational institution, sharing in the Lasallian mission of teaching minds, touching hearts and transforming lives.”
MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Ngayong araw ay may patimpalak sa pagsayaw ng Subli para sa Baitang 4 at Interpretatibong Pagsayaw para sa Baitang 6. Ang mga klase sa mga nasabing baitang ay inaasahang magpapakita ng tamang ugali sa panonood ng patimpalak o programa.
2. Ang lahat ay pinaaalalahanan na ingatan ang sariling gamit upang maiwasan ang pagkawala nito. Tandaan natin na ang Lasalyano ay may integridad. Kapag hindi sa iyo ang nakitang bagay, mangyaring ibigay ito sa kinauukulan sa paaralan.
3. Ating Pag-isipan: Tayo ay nasa Katolikong paaralan na ang ipinamumulat sa mga kabataan ay kabutihan. Nawa ang mga mag-aaral ay pagsikapang maisabuhay ang mabubuting gawi na natututunan mula sa mga guro at kapwa mag-aaral.
Pagsikapan nating maging mabuti araw araw nang sa ganon ay kabutihan ang maghari sa ating paaralan.
Mula sa Departamento ng Christian Living
Maraming salamat sa mga gurong tagapayo at mga mag aaral na nakiisa sa Misa ngayong umaga. Huwag nating kaligtan ang manghikayat o mag anyaya sa iba na magsimba araw-araw at gawin itong isang debosyon
Baitang 1 *BB 105 Gng. Cris Del Mundo Baitang 6 BB 401 Gng. Lein Saculo Baitang 2 BG 113 Gng. Verna Cuevas Baitang 5 BB 305 Gng. Maricel Comia Mula sa Departamento ng Araling Panlipunan
Katipunan
Pagkakatatag ng Samahan
Noong 3 Hulyo 1892, sa pagdating ni Jose Rizal sa Pilipinas matapos ang kanyang paglalakbay sa Europa, kanyang itinatag ang La Liga Filipina – isang samahang nangangalap ng tulong at suporta mula sa mayayaman at may pinag-aralan, o Ilustrado. Sa likod ng patuloy na pagsuporta nina Domingo Franco at Andres Bonifacio, hindi nagtagal at nabuwag din ang samahan. Nahati ito sa dalawang pangkat – angCuerpo de Compromisarios at Katipunan.
Kasabay ng balitang pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892 ang pagtatatag ng Katipunan.
Sina Andres Bonifacio,Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato Arellano, kasama ang ilang kasapi ng La Liga Filipina, ay nagtipon sa 314 Calle Azcarraga (na ngayon ay Daanang Claro M. Recto), malapit sa Calle Elcaño sa Tondo, Maynila. Sa munting tahanan dito ay kanilang binuo ang Katipunan. Itinataguyod ng samahan ang paggamit ng dahas at madugong rebolusyon, sa halip na mapayapang repormasyon na adhikain ng La Liga Filipina, upang makamit ang tunay na kalayaan. Batid ng mga Katipunero ang naiibang pananaw ni Jose Rizal sa usaping kalayaan. Ngunit sa kabila nito, kinilala nila si Rizal na pangulong pandangal (o honorary president) ng samahan.
Source: http://nhcp.gov.ph/resources/documents/katipunan/
http://nhcphistoricsites.blogspot.com/search/label/K.K.K.%20Monument Mula sa Departametno ng Filipino
1. Isang taos-pusong pasasalamat ang ipnaaabot ng Kurikulum Koordineytor ng Preschool na si Gng. Malen Camitan kay Gng. Tina Aguila at sa mga batang nagbahagi ng kuwento sa mga mag-aaral sa Kinder na sina Lil Isabelle D.
Marasigan ng BB 204, Emmanuel S. Mojado ng BB 208 at Emerson T. Estanque ng BB 205.
2.. Ngayon pong Lunes, Agosto 24, 2015 ay gagawin ang Paligsahan sa Pagsayaw ng Subli ng mga mag-aaral sa Antas 4 sa ganap na ika-8:00 ng umaga at sa hapon naman po ay gagawin ang Timpalak sa Interpretatib
ng mga mag-aaral sa Antas 6 sa ganap na ika-1:00 sa BHV GYM. Hinihingi po ang tulong ng gurong tagapayo na gabayan at samahan ang klase sa nasabing lugar. Salamat po!
3. Sa darating naman pong Martes, Agosto 25, 2015 ay gagawin ang Paligsahan sa Balagtasan ng Antas 5 sa MMR 7 & 8 sa ganap na ika-1:00 ng hapon.
4. Sa darating naman pong Miyerkules, Agosto 26, 2015 ay magdiriwang ang komunidad ng elementarya sa Antas 1-6 ng Culminating Activity sa Sentrum sa ganap na ika-8:00 ng umaga. Dito ay ipamamalas ng mga nagsipagwagi sa patimpalak ang kani-kanilang natatanging talento. Layunin ng pagdiriwang na ito ay ang lalo pang pagpapaibayo at
pagpapaigting ng pagmamahal sa sariling wika at ang paggamit nito sa iba’t ibang larangan.
Maraming Salamat po….
Dios Mabalos…….
Muchas Gracias……
Mula sa Punong Tagadisiplina
1. Ang mga Presidente at Bise Presidente ng Antas 3 – 6 ay pinakikiusapang pumunta sa tanggapan ng Punong Tagadisiplina upang kuhanin ang Student Handbook at talaan. Ang Student Handbook ng N – Antas 2 ay dadalhin sa inyong silid-aralan.
Ang mga gurong tagapayo ay pinakikiusapang ipaliwanag ang nilalaman ng parental contract na matatagpuan sa likurang bahagi nito. Inaasahan din na malagdaan ito ng magulang/guardian at maisumite sa Setyembre 1 sa kani kanilang punong taga disiplina kasama ng talaan.
2. Ang lahat ng mga bata ay pinaaalalahanan na di pinahihintulutan na pumunta kayo sa mga hindi ninyo silid aralan.
MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG JUNIOR HIGH SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Ang mga mag aaral ng Baitang 10 ay pinakikiusapang magtungo sa tanggapan ng gurong tagagabay para sa nakatakdang career assessment. Dalhin ang assessment form.
2. Muling pinaaalalahan ang mga mag aaral na hindi pa nakakakuha ng unang markahang pagsusulit na magpunta sa tanggapan ng AP.
Mula sa Departamento ng Filipino
Para sa Lahat ng Guro at mga Mag-aaral Hinggil sa Pagdedisenyo ng Likurang Pisara
Pagbati at pasasalamat sa mga klaseng nagpakita ng malikhaing disenyo sa likurang pisara. Salamat sa inyong aktibong partisipasyon sa gawaing ito. Ang sertipiko ng pagkilala ay igagawad ng inyong guro sa Filipino sa linggong ito. Maraming salamat din sa mga gurong tagapayo na sumuporta sa kanilang mag-aaral upang maisakatuparan ang gawain.
Baitang 7
1. LS109 ni G. Philip Anthony Rivera 4. LS105 ni Gng. Celestie Quinto 2. LS110 ni Gng. Jasmin Inciong 5. LS205 ni Gng. Rodelia Beltran 3. LS103 ni Bb. Anna lourdes Dimayuga
Baitang 10
1. CMR206 ni G. Violeta Remo 4. CMR202 ni G. Hirodian Baon 2. BM105 ni G. Gally Casala 5. CMR203 ni G. Michael Melo 3. BM206 ni Gng. Merylle Marquez BM202 ni Gng. Eva Jonson
*Abangan sa sunod na bulitin ang resulta ng disenyo sa likurang pisara sa baitang 8 at baitang 9. Salamat po!
Mula sa Punong Tagadisiplina
Para sa lahat ng Presidente at Kalihim ng Antas 9
Magkakaroon tayo ng mahalagang pagpupulong ngayong umaga sa BHV gym pagkatapos ng pang umagang panalagain.
MULA SA OVCAR – SILID AKLATAN:
Iskedyul ng Information Literacy Program Online Subscription Databases (Antas 10)
August 24
(Monday) Section Teacher Librarian Venue
8:40 - 9:40 MM203 Mr. Michael Melo Ms. Ana Frane HS Library
9:40 - 10:40 MM202 Mr. Michael Melo Ms. Emy Sagbang HS Library
MULA SA OVCAD - HUMA RESOURCE DEPARTMENT
1. Ito ay upang ipaalam na ang pagbibigay ng mga aplikasyon para sa SSS UMID, PAG-Ibig Loyalty Card at Postal ID ay tatanggapin hanggang Agosto 24, 2015 (Lunes) kasama ang mga kinakailangang dokumento (maaring sumangguni sa
memo petsa Agosto 17, 2015)
2. Iskedyul ng Pagpapatala para sa Biometrics Agosto 26 – GS – 8:00 – 11:30 at 1:30 – 4:00 Agosto 27 – JHS – 8:00 – 11:30 at 1:30 – 4:00 3. Iskedyul ng Ebalwasyon para sa mga Guro
SCHEDULE OF EVALUATION First Semester SY 2015-2016
August 24, 2015 (Monday)
A B C D E
TIME Section TEACHER Section TEACHER Section TEACHER Section TEACHER Section TEACHER
LS101 LS103 Ms. A.
Dimayuga LS104 LS106 LS107
8:40 –
9:40 G7
Ms. J. Alarcon
G7 G7
Br. E.
Esparagoza
G7
Ms. R.
Beltran
G7
Ms. J.
Ocampo
LS102 LS109 LS110 LS205 Ms. R.
Beltran LS108 10:00
–
11:00 G7
Ms. J. Alarcon
G7
Mr. J. Bigcas/
Ms. M. Merlin
G7
Mr. J. Bigcas/
Ms. M. Merlin
G7 G7
Ms. J.
Ocampo LS111
G7
LS112 G7
Mr. D.
Agudilla
LS207
G7 Mr. A. Manalo LS206 G7
Ms. C.
Quinto
L2305 G8
Ms. JL Dela Cruz 11:00
– 12:00
Ms. J. Alarcon
1:00 – 2:00
LS212
G8 Ms. JT. Roxas LS209
G7 Mr. R. Anog LS208
G7 Mr. A. Manalo LS105 G7
Ms. C.
Quinto
LS310
G8 Mr. J. Lirio
LS211 LS307 LS308 LS309 LS306 Mr. J. Lirio
2:00 -
3:00 G8 Ms. E. Lontoc
G8
Mr. Z.
Jazareno G8 Mr. J. Baet
G8
Ms. J.
Dimaculangan G8
LS311 LS312 LS405 L2407 LS410 Ms. A.
Buquir 3:00 -
4:00
G8
Ms. E. Africa
G8
Ms. C.
Magcawas
G8
Ms. T. Roces
G8
Br. J. Daluz
G8
August 25, 2015 (Tuesday)
A B C D E
TIME Section TEACHER Section TEACHER Section TEACHER Section TEACHER Section TEACHER 7:40 -
8:40
LS409 G8
Mr. A.
Baldovino
LS410 G8
Ms. E. Africa LS406 G8
Ms. D. Morillo LS412 G8
Ms. E.
Lontoc
LS101 G7
Ms. J.
Licaros
LS105 LS110 Mr. R. Malaiba LS111 LS112 LS102
8:40 –
9:40 G7
Ms. R. Rosima
G7 G7
Ms. R. Eucare
G7
Ms. M.
Bautista G7
Ms. J.
Licaros
LS411 LS106 LS207 LS208 Ms. J.
Ocampo
LS209 10:00
–
11:00 G8
Ms. E. Africa
G7
Ms. C. Quinto
G7
Mr. R. Anog
G7 G7
Ms. J.
Licaros
LS103 LS104 LS310 Ms. E. Aleta LS201 ICL LS202 ICL
11:00 –
12:00 G7
Mr. J. Bigcas/
Ms. M. Merlin G7
Mr. J. Bigcas/
Ms. M. Merlin
G8 G9 G9
LS108 Ms. R. Rosima LS311 ICL
LS405 ICL LS306 ICL
LS204
Ms. Z.
Fortus 1:00
–
2:00 G7 G8 G8 G8 G9
LS107 LS211 LS212 LS305 LS206 Ms. R.
Beltran 2:00 -
3:00
G7
Ms. A.
Dimayuga
G8
Mr. V.
Bautista/ Mr.
M. Katigbak G8
Mr. V.
Bautista/ Mr.
M. Katigbak G8
Ms. A.
Calingasan
G7
LS205 ICL LS109 ICL LS312 LS407 LS408
3:00 - 4:00 G7
G7
G8
Mr. J. Baet
G8
Mr. C.
Escartin/ Mr.
M. Katigbak G8
Mr. C.
Escartin/
Mr. M.
Katigbak
Mula sa OVCAD – INSTITUTIONAL HEALTH SERVICES:
Trangkaso (Flu): Kaalaman, Sanhi, Sintomas Ano ang trangkaso?
Trangkaso (Sa Ingles, Flu; Sa terminolohiyang medikal: Influenza) ay ay isang pangkaraniwang sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng pakikisalimuha sa ibang tao na may trangkaso, o sa paglanghap ng hangin na may Influenza virus. Ito’y isang impeksyon mula sa virus at pana-panahon ang pagdating; karaniwang “nauuso” ang trangkaso sa panahon ng tag-ulan. Bagamat kusang nawawala ang trangkaso makalipas ang ilang araw, ito ay maaaring magdulot ng matinding pagkakasakit at sa malalang mga kaso o sa mga taong may mahinang resistensya.
Dahil sa paraan ng pagkalat o paghawa ng trangkaso, madali itong kumalat lalo na sa mga lungsod at iba pang lugar na maraming tao. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga epidemiko ng trangkaso sa paglipas ng mga taon. Kabilang sa mga halimbawa ng trangkaso na mabilis kumalat ay ang “Bird Flu” o H1N1 Infleunza A Pandemic mula 2009-2010. Ayon sa World Health Organization, maaaring maulit ang ganitong uri ng trangkaso sa susunod na mga taon.
Ano ang mga sintomas ng trangkaso?
Ang mga sintomas ng trangkaso ay biglaan ang pagdating, makalipas lamang ang 1-2 araw matapos mahawa nito. Sa umpisa, ang pasyente ay maaaring ginawin at makaramdam ng lagnat at pananakit ng katawan. Heto ang mga sintomas ng trangkaso:
• Lagnat
• Panginginaw at panginginig
• Ubo’t sipon
• Pagbabara ng ilong
• Pagbabago ng panlasa
• Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
• Sakit ng ulo
Bukod dito, marami pang ibang sintomas na pwedeng maging bahagi ng trangkaso gaya ng pagsusuka, pagtatae, at pagkakaroon ng rashes o butlig-butlig sa balat. Kung mapapansin ninyo, ang mga sintomas ng trangkaso ay napaka-pangkaraniwang mga sintomas at hindi sila “specific” sa trangkaso; may mga sakit na mukhang trangkaso pero kung susuriing mabuti ay iba palang kalalagayan gaya ng Dengue Fever o Typhoid. Dahil dito, mahalagang magpatingin sa doktor para matiyak ng trangkaso nga ang iyong nararamdaman.
http://kalusugan.ph/trangkaso-flu-kaalaman-sanhi-sintomas/
Iskedyul ng Medikal at Dental
Medikal Dental
Aug.24 08:40am- 09:40am G10 CMR 205 09:40am- 10:40am G9 LS 204 Aug.25 01:00am-02:00pm G6 BB 41 02:00pm-03:00pm G9 LS 201 Aug.27 01:00am- 02:00am G6 BB 401 02:00pm- 03:00pm G9 LS 202
Aug.28 08:40am- 09:40am G9 BM 102 09:40am- 10:40am G9 BM 104
MULA SA OVCM - TANGGAPAN NG TAGA GABAY:
1. Para sa mga Mag-aaral ng Antas 4-6 na anak ng OFW: Ipinaaalam sa mga anak ng OFW na hindi muna matutuloy ang pagtitipon bukas. Mangyaring hintayin ang susunod na anunsiyo para sa panibagong iskedyul. Salamat.
2. Para sa mga Guro at mga Mag-aaral ng Antas 10:
a. Magpapatuloy ang isahang pagsusuri para sa “Senior High Tracks”. Pinakikiusapan ang mga mag-aaral na dalhin ang kanilang “assessment forms” at ang resulta ng NCAE kapag pumunta sa tanggapan ng mga gurong tagagabay.
MANGYARING PUMUNTA SA TAMANG ORAS AYON SA INYONG ISKEDYUL. Narito ang iskedyul.
Petsa Oras Seksyon
12:00 – 1:00 BM 206 Aug 24
Monday 4:00 – 5:00 CMR 206
12:00 – 1:00 BM 204 Aug 25
Tuesday 3:00 – 4:00 BM 205
12:00 – 1:00 CMR 201 Aug 27
Thursday 3:00 – 4:00 CMR 202
12:00 – 1:00 CMR 203 Aug 28
Friday 3:00 – 4:00 CMR 204
b. May kopya ng kurikulum ng iba’t ibang “strand” ng Senior High School sa Guidance Office. Maaari itong tingnan ng mga mag-aaral sa kanilang bakanteng oras.
MULA SA OVCM – TANGGAPAN NG GAWAING PANGMAG – AARAL:
1. Isang malugod na pagbati sa mga sumusunod sa pagkakaraon ng matagumpay na gawain noong nakaraang lingo:
a. Pamunuan ng mga mag-aaral mula ika-7 antas hangang ika-10 antas sa pagdalo sa nakaraang “Leadership Training Seminar” nuong Sabado, ika-22 ng Agosto. Ngayon ang simula ng pagbabago mula sa pangunguna ng mga pinuno ng bawat klase. ANIMO Lasallle!
b. BSP Patrol and Crew Leaders’ Training na ginanap sa Mabini Academy nuong ika-21 hangang ika-23 ng Agosto. Salamat sa magigiting na bata ng ika- 5 antas sa pangunguna ni G. Jimwell Lacerna. Mabuhay ang Boy Iskawts sa De La Salle Lipa.
k. Vox Fusion and IS Acapellas sa kanilang pagdalo at pag aaral ng makabagong musika mula sa PETA Theater Center kung saan palabas ang Rak of Aegis. Ang gawain ito ay naglalayon mapagbuti at mapaunlad ang kanilang talento sa pag-awit at pagtatanghal.
Lubos naming inaanyayahan ang mga Clubs na maghanda at magsumite ng mga gawain upang higit nating mapalawak ang kaalaman ng ating mga mag-aaral. Mangyari po lamang na bumisita sa SAO para sa mga katanungan. Maraming Salamat Po.
2. Mula sa SCB.
Magkakaroon ng “audition” sa tanggapan ng SCB ngayon at bukas para sa mga mag-aaral na mahusay sumayaw. Ang audition ay magsisimula ngayon tanghali at ika-4:00ng hapon. Tinatawagan ang lahat na may angking talento sa pagsayaw na pumunta sa SCB at ipakita ang kakaibang talento. Ito ay para sa lahat, indibidwal o pangkatan. Ang gawain ito ay paghahanda sa susunod na “UNLEASH.”Salamat po.
12:00 – 1:00 CMR 205 Sept 1
Tuesday 3:00 – 4:00 MM 201
12:00 – 1:00 MM202
Sept 2
Wednesday 3:00 – 4:00 MM 204
Sept 3 Thursday
12:00 – 1:00 MM 203