CLODUALDO “Buboy” E. CABRERA
PERSONAL NA IMPORMASYON
• Kapanganakan: Setyembre 13, 1963 sa Pandan, Catanduanes.
Kasalukuyang 46 na taong gulang
• Asawa: Shirley Cabrera, empleyado ng UP System Accounting office at aktibong unyonista
• Anak: Lira Angelo M. Cabrera ( 16 gulang) at Lian Abiel M. Cabrera (9 gulang)
• Ama: Pedro Cabrera (pumanaw na) dating empleyado ng CMO, UP Diliman, naglingkod sa UP ng mahigit 20 taon bilang isang hardinero
• Ina: Marta Cabrera (pumanaw na)
IMPORMASYON SA TRABAHO
Paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas bilang Empleyado:
Mag – lalabing siyam na taon (19 yrs.) ng empleyado ng UP
• Property Custodian, Administrative Section, UP Press (Enero 1, 1996 hanggang sa kasalukuyan), SG 8
• Buyer (kaswal na empleyado) - NISMED , ((Hulyo 1, 1990 hanggang Disyembre 31, 1995)
*Taong 1995, kasama ng 63 iba pang casual employees, tinanggal sa trabaho.
Pinangunahan ang paggigiit sa karapatan sa trabaho at muling naibalik sa serbisyo ang mga 63 na nagpursige na ihain ito sa Unibersidad.
EDUKASYON
Kolehiyo: BSBA, Major in Economics, Trinity College of Quezon City High School: Balara High School
Elementarya: Balara Elementary School
PAGSUSULAT AT PUBLIKASYON
• “Patuloy na Pribatisasyon at Kontraktwalisasyon sa UP” sa Mula Tore
patungong Palengke, Neoliberal Education in the Philippines (Lumbera, Guillermo, Alamon, eds.) Ibon Foundation, Inc: Quezon City. 2007
• “Ang Maikling Kasaysayan ng Ripada” sa Serve the People, Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas,
(Lumbera, Taguiwalo, Tolentino, Alamon, Guillermo, eds.). Ibon Foundation, Inc.: Quezon City, 2008
• “Ang Maikling Kasaysayan ng All-UP Workers Union” sa Serve the People, Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas,
(Lumbera, Taguiwalo, Tolentino, Alamon, Guillermo, eds.). Ibon Foundation, Inc.: Quezon City, 2008
• Regular na manunulat sa PANDAYAN, ang pahayagan ng All-UP Workers Union at ng All-UP Academic Employees Union (mula 1998 hanggang sa ngayon).
PANG-ORGANISASYONG KASAYSAYAN
All-UP Workers Union (bilang unyon ng mga kawani)
• Kasalukuyang Pambansang Tagapagsalita ng All-UP Workers Union.
• Pambansang Pangulo: Disyembre 2001 – Abril 2008: Pinamunuan ang dalawang matagumpay na certification election at ang negosasyon at pagsasara ng unang CNA sa pagitan ng All UP Workers Union at ng UP Administration (2002-2007) na nakapagbigay ng maraming dagdag na benepisyo para sa mga kawani ng Unibersidad.
• Kabahagi sa pagbubuo ng modyul sa “Oryentasyon sa Unyonismo sa UP” at tumatayong instructor sa pagbibigay nito.
All-UP Workers Union (bilang unyon ng lahat ng sector, kawani, REPS at faculty)
• National Executive Vice President (1998 - 2001)
• Head: National Education Committee (1994 - 1998)
Iba pang mga Organisasyon/Komite
• Convenor: UP Wide Democratization Movement 2 (UP Widem 2): naglobby sa Kongreso para matiyak na patuloy ang alokasyon ng sapat na badyet para sa UP at pagkakaroon ng kinatawan ang kawani at REPS sa pamamahala sa UP kaugnay ng bagong UP Charter.
• Member, System-wide Performance Evaluation Review Committee, U.P.
• Naging miyembro ng Night Shift Differential Committee na nagbigay ng night shift differential pay sa mga U.P. Police sa U.P. Diliman
• Convenor, Save RIPADA Movement
• Member, OTRADEV Foundation
• Former member: Lupon Tagapamayapa, Barangay U.P. Campus MGA PAGSASANAY NA NADALUHAN
Leadership Training Seminar, Para-legal Training, Organizer’s Training, Speakers’
Training, Assessment and Planning Lecture, Organizational Development Management, Management Training at iba pa.
Sampung Punto sa Pagsusulong ng Kagalingan at Karapatan ng mga Kawani at REPS ng UP Bilang
Rehente ng mga Kawani at REPS
Ang bagong posisyon ng Staff Regent ay bunga ng ating pakikibaka upang magkaroon ng kinatawan ang mga kawaning administratibo at REPS sa Board of Regents (BOR). Hangad natin na magkaroon ng kinatawan ang bawat sektor sa BOR.
Bagama’t masigasig nating ipinaglaban na magkaroon kapwa ng Administrative Staff Regent at REPS Regent, hindi ito pumasa sa naaprubahang UP Charter. Sa ngayon, kinakatawan ng ating Staff Regent ang dalawang sektor ng administrative staff at REPS at kinakailangang matiyak na mapapanindigan ang interes ng dalawang sektor na ito sa BOR.
Sa aking paniniwala, ang pagbabalangkas ng anumang mithiin ay dapat nakabatay sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng bawat sektor, sa usapin ng sahod, benepisyo at karapatan upang maging tumpak ang mga ihahaing programa at adyenda sa BOR.
Napakahalaga ng tungkulin ng Staff Regent (lalo na at dalawang sektor ang kanyang nirerepresenta), sa pagsusulong ng interes at kagalingan ng mga sektor ng REPS at Administrative Staff sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga polisiya na magtitiyak na makabuluhang magagampanan ng dalawang sektor na ito ang kanilang natatanging papel sa pagsasakatuparan ng misyon ng Unibersidad.
Sa partikular, ang mga sumusunod ang nais nating isulong:
PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG PAGGAWA AT PAGSUSULONG NG TUNAY NA UNYONISMO
1. Pagkakaroon ng mas mataas na sweldo at dagdag na mga benepisyo para sa mga kawani at mga REPS tulad ng mga sumusunod:
a. Patuloy na paghiling sa additional two-week sick leave (na pwedeng ma-monetize kapag hindi nagamit) ng mga kawani at REPS katulad ng naibigay na sa mga faculty;
b. Panawagan ng pagpapataas ng U.P. share sa U.P. Provident Fund ng
bawat empleyado;
c. Pagsusulong ng implementasyon ng Magna Carta for Health Workers (RA 7305) at
d. Pagsusulong sa pagpapatupad ng Nursing Act of 2002 (RA 9173)
CLODUALDO “BUBOY” CABRERA
Staff Regent Candidate
2. Pagtitiyak na ang nilalaman ng Collective Negotiation Agreement na nilagdaan ng U.P. Administration at All U.P. Workers Union at ng All U.P. Academic Employees Union (para sa mga REPS) ay maipapatupad at mapapalawak;
3. Pagkakaroon ng career development path ng admin staff at REPS at awtomatikong promotion sa magtatapos ng MA/MS at Ph.D.;
4. Pagkakaroon ng pantay na hatian sa merit promotion budget sa lahat ng sektor at mas mataas na sagad award;
5. Patuloy na pagigiit at pakikipagtulungan sa mga organisasyon/unyon sa loob at labas ng Unibersidad para sa Back Pay ng COLA;
6. Pagkakaroon ng sapat na staff development fund para sa mga kawani at REPS sa lahat ng CUs.
PAGSUSULONG NG DEMOKRATIKONG PARTISIPASYON SA PAGBABALANGKAS NG MGA POLISIYANG MAY KINALAMAN SA KAGALINGAN AT INTERES NG MGA SEKTOR AT NG BUONG UNIBERSIDAD
7. Pagsusulong ng mekanismo tulad ng konsultasyon sa mga kinatawan ng REPS at Admin staff para makapagbuo ng mga panukalang patakaran sa BOR kaugnay ng mga isyu ng sektor at ng tindig sa mga usaping nakasalang sa BOR.
8. Pagbubuo ng mga patakaran na magtitiyak ng preserbasyon ng plantilla items at pagsusulong din ng regularisasyon ng mga kontraktuwal na empleyado.
Pagrebyu ng kasalukuyang patakarang umiiral kaugnay ng hiring ng empleyadong kaswal, kontraktwal, at non-up kontraktuwal.
9. Pagrebyu ng mga patakaran sa promosyon, performance evaluation system (PES) at ang tinatawag na “prerogative” sa appointment ng isang empleyado
UNIBERSIDAD NG SAMBAYANAN AT KRITIKONG PANLIPUNAN
10. Patuloy na pagsusulong na ang Unibersidad ng Pilipinas ay Unibersidad ng Sambayanang Pilipino at kritikong panlipunan.