uling naipamalas ng mga Lasalyano ang kanilang galing sa sining sa ginanap na Poster-Making Contest na pinangunahan ng MAPEH Department. Bukod sa pagbibigay ng oportunidad sa mga nais lumahok na maipakita ang kanilang mga talento sa sining, naging paraan din ang gawaing ito upang maipakita ang pagpupursige at pakikibaka ng bawat isa sa online learning. Ang tema ng paligsahan ay “Connect. Explore. Create. Learn. Beyond Borders”.
May apat na pamantayan na ginamit ang mga hurado: Kaugnayan sa Tema (Relevance to the Theme, 35%), Pagka-orihinal (Originality, 25%), Pagkamalikhain at Kabuuang Presentasyon (Creativity and Presentation, 35%), at ang Biswal na Dating nito sa Madla (Viewers Impact, 5%). Mula sa lahat ng mga sumali, anim lamang ang nagwagi sa bawat baitang—tatlo para sa Traditional Art at tatlo rin para sa Digital Art.
Gamit ang illustration board, lapis, mga pangkulay, at ang kanilang imahinasyon, nagpakitang gilas ang mga nanalo sa Traditional Poster Making na kategorya. Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod: para sa Baitang 7 ang 2nd runner up ay si
Frances Denise Janolino, at ang Champion ay si Claudia Erika Raz. Sa Baitang 8, ang 2nd runner up ay si Angel Judiel Merencillo, ang 1st runner up ay si Veda Chriss Tolentino, at ang Champion naman ay si Moriah Janna Mission. Para sa Baitang 9, ang 2nd runner up ay si Marie Janelle Bugas, ang 1st runner up ay si Clark Dennis Zyrus Malasmas, at ang Champion ay si Kyle Ramirez. Sa Baitang 10, ang 2nd runner up ay si Mich Allen Nazareth, ang 1st runner up ay si Cheska Landrito, at ang Champion ay si Summer Polynne Magallanes. Para sa huling baitang, ang Baitang 11, ang mga nagwagi ay sina Charles Benedict Vasquez para sa 2nd runner up, si Selwyn Ace Mabait para sa 1st runner up, at ang naging Champion naman ay si Catherine Jade Banzuela.
Lubos na napakita rin ng mga lumahok sa Digital Art na kategorya ang kanilang pagiging malikhain. Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod: para sa Baitang 7, ang naging 2nd runner up ay si Hailey Dorothy De Castro, ang 1st runner up ay si Julia Isabella Kylee Pimentel, at ang Champion ay si Glint Chloey Asi. Sa Baitang 8, ang 2nd runner up ay si Ma. Carmel Loughrigne Balita, ang 1st runner up ay si Megan Castillo, at ang Champion naman ay si Jeszreal Noah Melo. Para naman sa Baitang 9, ang 2nd runner up ay si Raesha Marie Torres, ang 1st runner up ay si Erin Bulanhagui, at ang Champion ay si Mikaela Louise Padilla. Sa Baitang 10, ang 2nd runner up ay si Jaimee Pahilan, ang 1st runner up ay si Clara Tejada, at ang Champion ay si Loi Mikkoh Gupit. At para sa huling baitang, ang Baitang 11, ang naging Champion ay si Akeem Keith Manalo.
Bukod sa iginawad na mga medalya, ang bawat mag-aaral na nanalo sa paligsahang ito ay awtomatiko na makakasama sa mga JHS at SHS na “pool of artists” kung saan maaari silang maging kinatawan ng ating paaralan sa iba't ibang patimpalak na may kaugnayan sining.
Sa mga nanalo, pagbati! Sa mga hindi nagwagi, huwag kayong tumigil sa pagpursige sa larangan ng sining; sa halip, ipagpatuloy ninyo ang paghasa sa inyong talento at maaaring sa susunod na paligsahan ay kayo naman ang palarin.
TOMO.6/ BLG. 8/ ABRIL 2022
Ginanap ang paligsahan noong Pebrero 23, 2022, kung saan inanyayahang makilahok ang mga mag-aaral mula sa komunidad ng Grade School, Junior High School, at Senior High School. Ang bawat klase ay pumili ng dalawang kinatawan—
isa para sa Digital Art Making, at isa para sa Traditional Art Making. Sa Traditional Art na kategorya, gumamit ang mga kalahok ng ¼ illustration board, lapis, at ano mang pangkulay ang kanilang nais gamitin. Sa Digital Art na kategorya naman, gumamit ang mga lumahok ng iba’t-ibang online application gaya ng Adobe Photoshop, Canva, at iba pa.
Upang mapanatili ang integridad ng naganap na paligsahan, hindi pinayagan ang mga nasa kategorya ng Digital Art na gumamit ng mga larawan na mula sa internet;
sa halip, inatasan sila na orihinal na mga larawan at biswal na elemento ang makikita sa kanilang ipapasang poster. Sa mismong araw din ng patimpalak isinumite ang mga awtput.