• Tidak ada hasil yang ditemukan

Bisa sa Kaasalan

Dalam dokumen Lalaki Sa Dilim 2 (Halaman 37-42)

Ang dapat nating isagawa at wag pansinin ang mga aral at hindi aral ditto. Ang mga dapat nating gawin ang pag pasan at hindi pag suko ng mga karakter ditto sa nobelang ito. Nakakatuwang isipin na sina Rafael at Ligayay hindi sumusuko sa mga pagsubok na ito. Tulad ng mga naranasan ni Rafael na mga problema nakakalungkot man eh sa huliy hindi nya sinukuan ang mga ito at ang mga problema din na kinaharap ni Ligayay hindi lang basta basta yun iyon eh talagang tibay ng loob ang kailangan para itoy malampasan. Ang mga dapat nating gawineh katulad ng ginawa nila Ligaya at ni Rafael na kahit ano man ang kanilang pagsubok eh hindi sila nawawalan ng pag asa. Dapat nating tibayan an gating loob katulad ng tibay ng loob na ipinakikita ni Ligaya. Tayo dapat eh maging matatag sa lahat n gating mga problema wag tayong agad susuko sa mga problemang ito I aplay natin sa buhay natin ang mga napag aralan natin ditto sa nobelang ito at maging matatag tayo sa lahat ng problema. Isa pa na dapat nating gawin ang ginawa ni Ligaya na dapat nating isa Diyos ang lahat. Dapat lahat ng ginagawa natin eh sa Diyos natin isaalnag alang. Dapat eh maniwala tayo na makakaya nya ang lahat. Sa kanya tayo manalig at wag lang sa ating sarili mag tiwala. Yan ang mga dapat nating gawin. At ang mga hindi natin dapat gawin eh ang mga ginawa ng asawa ni Rafael at asawa ni Marina

na si niack at Margarita. Ang kanilang ginaway napakasama dahil napag taksilan nila ang kanikanilang mga asawa na hindi talaga dapat gawin. Dapat nating mahalin ang asawa natin na sya alng at wala ng iba. Mali din ang mga pag sisinungaling na ginawa nila sa kanilang mga asawa. Mali din ang ginawa ni Marina na nagging padalos dalos sya. Dapat eh wag nating tularan yung ginawa nya na nag padalos dalos. Alam nating nasa huli ang pag sisisis kaya dapat eh wag nating gawin ang mga iyon katulad ng nag padalo dalos sya at napatay nya sina Margarita tang kanyang asawa na si Nick. Ngayon eh syay nakulang at kung mag sisi eh huli na. dapat tularan natina ng ginawa ni Rafael na nagging matalino sa pag iisip at nagging mahinahon sa klanyang mga ginawa. Na pinag timpihan nya ang kanyang asawa hanggang sa huling sandali. Dapat lahat ng aral na nandito eh isa gawa natin upang mapaunlad pa ang ating buhay.

XI. Kongklusyon

Ang impresyon nitong manunuring ito sa kalagayang sosyal ng mga tauhan sa pelikulay may pagkakaiba iba sila ng katayuan sa buhay dahiul katulad ni Rafael eh syay isang mayaman na lalaki dahil ang kanyang amay isang mayamang negosyante. Kayat lahat ng kanayng gustoy nagagawa nya. Katu;ad din ni Margarita syay isang mayaman na babae at dahil dun ang kanyang ugaliy naapektuhan. Ang impresyon ko ditoy kung sino pa ang mayaman sya pa ang may masamang ugali. Na kahit nakakapag aral silay masama parin sila. Hindi naman sa nilalahat ko lahat ng mayaman. Base lang ditto sa istoryang ang lalaki sa Dilim. Hindi tulad nina Ligaya at aling Sela na maykabutihang kalooban na taglay. Dahil alam nilang mahirap sila gagawa nalang sila ng kabutihan. Nalalman din natin na ang kinalalagyan natin sa buhay o kung saan tayo nakatira o lumakiy nakaka apekto iyon sa ating ugali katulad ni rafael lumaki syamg walang ina kayat ayon lahat ng gusto nyay nagagawa nya katulad din ni Margarita. Lumaki din sya sa isang mayamang pamilya at dahil doon na spoild sya. At dahil sa kanyang nagging propesyon nabago din ang kanyang pag uugali dahil lumaki sya sa isang opera. At ang mga ugali ng tao dun eh mga kanluranin. Nakuha tuloy nya ang mga pag uugaling iyon kaya nabago ang kanyang pag uugali. Hindi tulad nila Ligaya na dahil alam nilang mahirap sila. Silay natutuo kung paano mag kumbaba sa kanilang kapwa. Katulad na din ng kanyang ina na si aling Sela na talagang napakagaling na ina dahil naturuan nya ng husto ang kanyang anak kung paano gumalang. Yang ang mga impreson ko ditto. Sabagay maganda talaga ag istorya nito dahil itoy tungkol sa kanyang pag asa sa kanyang buhay at kung paano mlagpasan ang kanyang mga problema

Napatunaayan nitong manunuring ito na lahat ng taoy may kakayahang mag bago katulad ni Rafael nung unay hayahay sya sa kanyang buhay. Wala syang nagging hilig at puro kasarapan lang sa kanyang buhay ang gusto. Katulad ng kanyang pag iinom at ang pam bababe. Pero dahil sa payo ng kanyang magulan na si Don Benito eh nabago sya. Nagging mahinahon sya sa kanyang mga ginagawa. Napabago din sya ng mga pagsubok na nakuha nya sa kanyang buhay. Ang pagiging padalos dalos at hindi nag iisip na nagging resulta ng pagka gahasa nya kay Ligayay natutunan nya. Dahil sa kanyang natutunan eh napag timpihan nya ang kanyang asawa na si Margarita kahit ano pa ang mga ginagawa nitong mali sa kanya. Napatunayan ko din lahat ng taoy kayang lagpasan ang kanikanilang problemang kinahaharap dahil lahat ng itoy ginawa ng Diyos dahil kaya natin itong buhatin at dahil sa mga problemang itoy napapaunlad an gating pag katao. Marami tayong natututunan sa mga bagay nay un. Ihalimbwa ko na si Ligaya na syay dayi eh isang bulag at nagahasa. Ngunit hinarap nya ang kanyang mga problema na mga panlalait at pan tsitsismis sa kanya. Hindi nya iyon pinapansin kasi alam nayng hindi maganda ang pagtuonan pa ng pansin nitong mga ito at dapat eh wag nalang pansinin. Marami akong napatunayan ditto sa nobelang ito maraming aral akong napulot npatunayan ko na ang buhay sumusulong kahit na anong mangyari para yang bisikleta na dapat nating paandarin upang maging balance lagi tayo sa buhay at wag maging mabilis upang wag madisgrasya. Katulad sa buhay wag tayong mag madali upang malayo tayo sa disgrasya o mga problema

Ang kahalagahan ng nobelang ito’y maraming pulot na aral an gating malalaman. Tungkol ito sa pag harap sa ating mga pagsubok na ating kakaharapin sa ating buhay at dapat eh wag tayo basta bastang sumusuko ditto. Mas magandang harapin natin ito ng walang takot at humingi tayo ng gabay sa ating panginoon. Katulad ng ginawa ni Ligaya sa kanyang mga problema sa kanyang pag bubuntis na gusting ipalag lag ng kanyang magulang at ni Rafael. Ngunit hindi sya pumayag sa kanayang magulang at sa kanyang doktor na si Rafael at bagkos ipinanalig nya sa Diyos ang kanuang problema. Syay nang dasal upang ang kanyang problemay hind imaging masama. Alam nyang ang Diyos ang tutulong sa kanyan upang maging malakas sa pag hamon nito. Nagging importante itong nobelang ito saakin. Dahil bukod sa itoy maganda itoy unang unang nobela na nabasa ko. Hindi kasi ako marunong mag basa dahil nahahabaan ako sa aking mga binabasa at kinatatamarana ko ang pag babasa. Ngunit ng mataapos kong basahin ito. Hindi ako na boring at hindi ko namalayang matatapos nap ala ako. Nakakatuwa dahil parang ito ang nagbigay saakin ng

daan upang hindi ko kaayawan ang mga libro. Kasi parang gusto ko subukan mag basa ng iba pang libro dahil parang ganito din pala iyon. Natututwa akong nabasa ko ang nobelang ito na lubos na nagbigay saakin ng tulong katulad na nga nung una kong sinabi at nagbigay saakin ng pag asa para tapusin itong pagsususring nobelang ito. Dahil nung unay nasiraan ako ng laptop at nawala ang aking pinag hirapan. Nalungkot ako sa mga nangyari at pinanghinaan ng loob pero dahil sa nobelang ito nalaman kong kakayanin ko pala ang mga pag subok na ito kaya pala nating tapusin ulit ito at Masaya ako dahil nagawa ko ulit ito. Malaking tulong sa akin ang aral na aking napulot sa nobela na dapat eh wag tayong susuko sa mga problemang kinahaharapan. Dahil alam kong pag subok lang yung una na nawalan ako ng gawa. At alam kong magagawa ko ulit ito. Hindi ako nawalan ng pag asa na gawin ito.

X. Rekomendasyon

Ang lalaki sa dilim ay istoryang kapupulutan ng sandamakmak na aral. Dito makikita ang iba’t ibang kulura’t tradisyon ng mga Pilipino, kaya kung ito’s aking ire-rekomenda ay sa mga kasing gulang ko rin. Sila ang aking napiling ipabasa ang nasabing nobela dahil mas mauunawaan nila ang kwento. Napapalooban ito ng mga pangyayari sa totoong buhay na maaaring maging warning at aral sa kanila. Mas madali rin nila itong maiintindihan dahil hindi naman ito gaano kalalim ang pag kasulat. Irerekomenda ko rin ito sa aking mga kamag-aral para malaman nila na ang buhay ay puno ng pighati at problema. Pero sa kabila nito ay tinutulungan tayo ng ating mga problema upang maging matatag at mas mabuting tao.

XI. Bibliyograpiya

Pascual, Benjamin P. Lalaki sa Dilim. Nobelang Pilipino. 2007

XII. Maikling Talambuhay ng Manunulat

Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.

Dalam dokumen Lalaki Sa Dilim 2 (Halaman 37-42)

Dokumen terkait