1. Ang larangan ng diskurso na walang iba kundi ang
pangyayari,ang sosyal na aksyong nagaganap,ang pinagkaabalahan ng mga taong nasasangkot sa diskurso kung saan pangunahing ginagamit ang wika.
2. Ang tenor ng Diskurso,ang mga kasangkot sa pag-uusap,ang
kanilang papel na ginagampanan at ang kanilang relasyon sa isa’t isa.
3. Modo ng diskurso,ang gamit ng wika ang inaasahan nila dito,
kabilang na ang stanel sa pagsasagawa nito,gayundin ang mga paraan ng kanilang pagsasaretorika nito: pasalaysay,pahikayat, palahad,paargumento, paturo ,pautos atb.
YUNIT 4 – KAYARIAN NG WIKANG FILIPINO
A. PONOLOHYANG FILIPINO
Tulad ng mga ibang wika sa daigdig, ang Filipino ay binubuo rin
ng mga tunog. Ang mga tunog na ito ay nalilikha sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita, tulad ng mga labi, ngipin, dila, guwang ng ilong, ngalangala, paringhe, laringhe at mga babagtingang pantig.
Ang isang makabuluhang tunog sa wikang Filipino ay tinatawag na ponema. May 21 ponema sa wikang Filipino na hinati sa dalawang kategorya:
Mga Patinig : /i/, /e/, /a/, /o/, /u/
Mga Katinig : /p/, /t/, /k/, /?/, /b/ /d/, /g/, /m/, /n/, /ng /, /s/,/h/, /l/, /r/, /w/, /y/
B. ANG MGA PONEMANG PATINIG
May 5 ponemang patinig sa wikang Filipino. Ang mga ito ay isinaayos sa tsart batay sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga ito, na maaring bahaging unahan, sentral o likod, at kung ano ang posisyon ng mga bahaging ito ng dila sa pagbigkas, na maaari namang mataas, gitna o mababa. Tunghayan ang tsart ng mga patinig sa ibaba.
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
C. ANG MGA DIPTONGGO
Kapag ang mga patinig sa Filipino ay sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/, nabubuo ng tinatawag na diptonggo. Ang mga ito ay dapat na makasama sa iisang pantig, tulad ng “iw” sa salitang “baliw”. Makikita naman sa sumusunod na tsart ang mga diptonggo sa wikang Filipino.
Mga Diptonggo sa Filipino
Harap Sentral Likod Mataas iw, iy uw, uy
Gitna ew,ey ow, oy
Mababa aw, ay
Hal. aruy nanay daloy palay
kami’y kasoy buhay dalaw beywang kalabaw baliw saliw
D. ANG MGA PONEMANG KATINIG
Mayroong namang 16 na katinig sa wikang Filipino na isinaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tunog (m.t) o walang tunog (w.t).
Inilalarawan ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit o pag-antala sa pagpapalabas sa hangin sa pagbigkas ng katinig.
May Limang Punto ng Artikulasyon na Naglalarawan sa mga Katinig sa Filipino, gaya ng:
1. Panlabi - ang ibabang labi ay dumudiit sa labing itaas, /p, b, m/; 2. Pangngipin - ang dulo ng dila ay dumidikit sa mga ngiping itaas,
/t,
d, n/
3. Panggilagid - ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapat o dumidiit sa
punong gilagid, /s, l, r/
4. Pangalangala (velar) - ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa malambot na ngalangala (velum), /k,g,ng/ at
5. Glottal -kung saan ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng impit o pasutsot na tunog, (?,h).
Sa kabilang dako inilalarawan naman ng paraan ng
artikulasyon kung papaanong gumagana ang mga ginagamit na
sangkap ng pananalita at kung papaanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.
Mayroon namang anim na Kategorya ng Paraan ng Artikulasyon, gaya ng:
1. Pasara - kung saan ang daanan ng hangin ay harang na harang, /p,t,k,?,b,d,g/;
2. Pailong - ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga
labi,
pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o sa pagbaba ng malambot na ngalangala kaya ang hangin ay
lumalabas sa ilong, /m,n,ng/ ;
3. Pasutsot - kung saan ang papalabas na hangin ay sa pagitan ng
dila
at ngalangala o ng mga babagtingang pantinig, /s,h /;
4. Pagilid - ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila dahil ang dulo
ng dila ay nakadiit sa punong gilagid, /l/;
5. Pakatal - dahil sa hangin ay paulit-ulit ang pagpalag ng
nakaarkong
dila , /r/ ;
6. Malapatinig - kung saan nagkakaroon ng pagbabago ang galaw ng
bibig o dila mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon /w,y/.Kapag binigkas ang /w/nagkaroon ng bagbabago ang pusisyon ng mga labi mula sa puntong panlabi- papasok. Kapag binigkas naman ang /y/, ang posisyon ng mga labi ay papalabas sa halip na papa- sok. Makikita sa ibaba ang tsart ng mga ponemang katinig sa wikang Filipino.
Mga Ponemang Katinig ng Filipino
Paraan ng Punto ng Artikulasyon
Artikulasyon Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangalangala Glottal Pakatal Velar Pasara w.t p t k ? m.t b d g Pailong ŋ m.t m n (ng) Pasutsot w.t s h Pagilid m.t l Pakatal m.t r Malapatinig m.t y w
E. ANG MGA KLASTER NG FILIPINO
Ang mga klaster ay tinatawag ding kambal-katinig. Nagkakaroon ng klaster sa Filipino dahil sa impluwensya ng mga salitang hiram sa wikang Ingles. Ang mga klaster ay magkasunod na magkaibang katinig sa isang pantig na maaaring matagpuan sa pusisyong inisyal o pusisyong pinal ng pantig.
Mga klaster sa pusisyong inisyal sa pantig ng salita.
/w/ /y/ /r/ /l/ /s/
/p/ pwede pyano prito plantsa
/t/ twalya tyanak trato tsinelas
/k/ kweba kyosko krus klase
/b/ bwaya byahe braso blusa
/d/ dwende dyaryo drakula
/g/ gwantes gyera grado glorya
/m/ mwebles myentras /n/ nwebe nyebe /l/ lwalhati lyabe /r/ rweda ryan /s/ swabe syarap /h/ hwebes hya
Mga Klaster sa Pusisyong Pinal sa Pantig ng Salita
/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/
/w/ iskawt dawntawn pawl blaws
/y/ istrayp plaslayt bayk drayb reyd geym syayn barganseyl beys
/r/ apartment park kard patern nars
/l/ balb dimpols
/s/ desk
/n/ absent alawans
/k/ relaks
F. MGA PARES MINIMAL
Ito’y mga pares ng salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang ipinagkaiba ng kanilang kahulugan.
Mga halimbawa:
/p/ at /b/ /s/ at /h/ /w/ at /y/
palo - pole silo - loop wasak - destroyed
balo - widow hilo - dizziness yasak - tramping
G. MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
May mga ponema sa Filipino na malayang nagpapalitan. Ang mga ponemang ito ay magkaiba na matatagpuan sa katulad na pusisyon ngunit hindi nakapagbabago sa kahulugan ng mga salita. Samakatuwid, magkaiba man ng dalawang ponema sa dalawang salita, magkatulad pa rin ang taglay nilang kahulugan. Narito ang ilang halimbawa. Ang mga ponemang may mga salungguhit ay malayang nagpapalitan ngunit hindi nila naaapektuhan ang kahulugan ng mga salita.
lalaki o lalake tutuo o totoo babae o babai nuon o noon bibe o bibi rin o din
daw o raw
H. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Sa wikang Filipino, may apat na uri ng ponemang suprasegmental; ang tuno , haba , diin at antala
1 Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba ng pagbigkas ng pantig
ng salita.Nakakatulong ito sa mas mabisang pakikipag-usap sa kapwa dahil nililinaw nito ang mensaheng nais iparating sa kanya ng nagsasalita. May 3 antas ng tono: mababa,
katamtaman,at mataas. Pansinin ang mga halimbawa sa
ibaba: 3 3 na ni 2 ka 2) ka 1 1 ni na
Sa unang halimbawa, ang nagsasalita ay nagtatanong o nagdududa at humihingi ng kasagutan mula sa kausap. Sa ikalawang halimbawa naman, ang nagsasalita ay nagsasalaysay.
2. Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas ng pantig ng
salita
habang ang diin ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pan- tig ng salita. Kapag isinulat ang salita, ginagamit ang tuldok [.] sa pagpapakilala ng haba ng pagbigkas sa patinig na pinal ang bigkas. Ang haba at lakas ng diin sa pagbigkas ng pantig ay nakakapagpabago sa kahulugan ng salita.Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba:
/magnana. kaw/ “thief o robber” /magna.na.kaw/ “will steal o will rob”
/mag.nakaw/ “will continue stealing” o” will continue
robbing”
/ba . ba?/ “chin”
/baba?/ “to go down”
/aba. la/ “disturbance”
/abala/ “busy”
3. Ang antala naman ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa
pag-
sasalita,maging mas malinaw ang mensaheng inihahatid sa kausap. Pansinin ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga sumu- sunod na pangungusap.
a) Hindi, taga-Batac ang ama ni Linda. b) Hindi taga-Batac ang ama ni Linda.
Ang unang pangungusap ay may antala pagkatapos ng salitang hindi na ipinakikilala ng kuwit. Ang antala sa pangungusap ay nagsasaad na ang ama ni Linda ay taga-Batac at hindi taga-ibang lugar.
Sa ikalawang pangungusap, walang antala pagkatapos ng hindi ,kaya tuloy-tuloy ang pagbigkas ng buong pangungusap.Masasabi kung gayon na ang antala ay nagdudulot ng pagbabago sa kahulugan o mensahe ng pangungusap.
I. PALABIGKASAN AT PALATULDIKAN
Sa pag-aaral ng wikang Filipino, lubhang mahalagang matutunan ang iba’t ibang uri ng katangian nito. Natutunan natin na maraming salita sa wikang Filipino ang may iisang baybay ngunit nagbabago ang kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng tuldik..
1. Ang iba’t ibang Uri ng Diin
a. Diing malumay - >Ito’y binibigkas nang banayad,
>ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli. >Ito’y walang tuldik at
>maaring magtapos sa patinig o katinig Halimbawa: buhay, tunay, aso, kabundukan
b. Diing malumi ->ito’y binibigkas din nang banayad,
>ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli >ito’y may impit sa huling pantig at
>laging nagtatapos sa patinig.
>Ito’y may tuldik na paiwa ( \ ) sa itaas ng huling
patinig.
Halimbawa: pusò, bandilà, luhà, lagì
c. Diing mabilis - >Ito’y binibigkas nang tuloy-tuloy at pabunto sa
huling pantig.
>Ito’y nagtatapos sa patinig o katinig at
>nilalagyan ng tuldik na pahilis ( / ) sa itaas ng huling patinig.
Halimbawa: asó, malusóg, bató, totoó
d. Diing maragsa - >Ito rin ay binibigkas nang tuluy-tuloy hanggang
sa
huling pantig.
>Ito’y may impit sa huling pantig at
>laging nagtatapos sa patinig. Ito’y nilalagyan ng tuldik na pakupya ( ˆ ) sa ibabaw ng huling pantig.
Halimbawa: dugô, maputî, napunô, ngitî
YUNIT 5: ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA