• Tidak ada hasil yang ditemukan

13.PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP

Dalam dokumen Silabus Fili 100 (Halaman 72-75)

Ang isang payak na pangungusap sa Filipino ay napapalawak sa pamamagitan ng: paningit o ingklitik, panuring na maaaring pang-uri o pang-abay, ponema, at mga kaganapan. Ang mga paningit ay mga katagang isinasama sa pangungusap upang gawing mas malinaw ang kahulugan nito. Ang mga paningit sa Filipino ay:

ba ma sana kasi ko tuloy

kaya na daw/raw muna pala

naman yata din/rin nga lamang/lang

Bakit ka nagagalit? Magpapaalam na sila. Bakit ka ba nagagalit? Magpapaalam na raw sila.

Nanalo si Lito sa pag-awit.

Nanalo pala/raw/yata/rin si Lito sa pag-awit.

Ang mga panuring tulad ng mga pang-uri at pang-abay ay ginagamit ding pampalawak sa pangungusap. Ang mga pang-uri ay ginagamit na panuring sa pangngalan o panghalip at ang pang-abay ay mga panuring sa pang-uri, pandiwa o kapwa pang-abay. Ang batayang pangungusap ay napapalawak sa pamamagitan ng: karaniwang pang-uri, pariralang panuring, ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri.

Batayang pangungusap:

Pinalawak na pangungusap sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:  Ang bata ay iskolar.

 Ang matalinong bata ay iskolar.

Pinalawak na pangungusap sa pamamagitan ng pariralang panuring:  Ang matalinong bata sa klase ko ay iskolar.

 Ang matalinong batang taganayon ay iskolar sa Mariano Marcos State University.

B. PAG-SULAT

Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayang pangwika na lubhang makabuluhang matutunan. Gaya ng kasanayan sa pagsasalita, ang pagsulat ay daluyan ng pagpapahayag ng ating damdamin at iniisip. Ngunit kaiba sa pagsasalita, higit ang panahong naibibigay sa atin ng pagsulat upang makapagpahayag. May pagkakataon tayong mag-isip ng ating mga sasabihin, makapamili ng angkop na salita at makapaghanay ng mga kaisipan.

May isinilang na sadyang mahusay at may kawilihan sa pagsulat. Bagaman dahil lahat ay binibigyan ng galing o talino sa kasanayang ito, ang pagsulat ay isang kasanayang napag-aaralan at maaaring matutunan ninuman. Sapagkat ang pagsulat isang gawaing hindi madali, nangangailangan ito ng ibayong kaalaman at kaisipan. Ito ay dahil sa katotohanang ang pagsulat ay isa ring paraan ng pagbabahagi ng kaalaman.

Ginagamit ang pag-iisip sa pagpapaunlad ng ideya at kung paano ilalahad ang hanay ng mga kaisipan sa paraang higit na mauunawsaan. Teknikal ang pagsulat sapagkat hindi basta’t sumusulat, may proseso itong pinagdaraanan. Isinaaalang-alang ang paggamit ng bantas, angkop ng gamit ng mga salita at maayos na pagbuo ng mga pangungusap.

Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalaga sapagkat salamin ito ng iyong pagkatao. Ito ang nagpapakilala ng iyong sarili at identidad. Hindi maaaring magaling ka lamang magsalita ay sapat na upang magpatunay ka ng iyong kakayahan. Ang pagsulat, katulad din ng pagsasalita ay nangangailangan ng lalim at esensya ng iyong iniisip upang mabisang makapagpahayag, makisalamuha at makipag-ugnayan sa lipunan mong ginagalawsan.

Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal, produkto sa

sosyo-kultural na konteksto sa pagkatuto ( Lydia Lalunio).

Ang pagsulat ay paglilipat sa papel o anumang bagay na

maaaring magamit sa paglilipat ng mga nabubuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga taong may layuning maipahayag ang kanyang kaisipan

( Consolacion Sauco).

Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad para sa

iba’t-ibang layunin (Lazaro).

1. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

a. Naipahahayag ang sariling damdamin.

Gaya ng pagsasalita, malayang naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Kaya nga’t sabi nila, kung hindi mo kayang bigkasin ay sabihin mo sa pamamagitan ng panulat,gayun- paman, kaiba sa pagsasalita, na maaaring maakit ang tagapakinig sa pamamagitan ng tinig at kakayahang magbigay-diin sa sinasabi mahirap makapukaw ng pansin ang mga nakalimbag na pahayag.

b. Naipararating ang mga inpormasyon sa iba.

Naipalalaganap ang anumang kaalaman sa pamamagitan ng

pagsulat. Ang pagsulat ay isang paraan upang mapalaganap ang impormasyon sa higit na nakakaraming tao dahil sa ito’y maaaring mailathala. Bunga nito, maraming tao ang maaaring makinabang.

c. Nalilinang ang malikhain at lohikong pag-iisip.

Ayon kay Jocson (2005), na sinabi ni Hugney, et. A1 (1983),

nakatutulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin. Bago pa man magsulat, nag-iisip, nag-aanalisa at nagsusuri ng mga datos na napakinggan o nabasa ang tao. Sa ganitong paraan, maraming mga kasanayang pangwika ang nalilinang sa mga mag-aaral.

d. Nakapag-iingat ng kultura at kabihasnan ng isang lahi.

Hindi natin mababatid ang kariktan ng ating kasaysayan o kaya nama’y makikilala ang bayani ng bayan kung hindi mailimbag o naisatitik ang mga ito. Kailangan ng pagtatala ng mga pangyayari nang nakalipas upang patuloy na ito’y maingatan at mabuhay sa alaala ng mga tao sa kasalukuyan, kinabukasan at ng hinaharap.

2. PROSESO NG PAGSULAT

a. Bago sumulat Ito ang unang bahagi kung saan pinaplano ng

manunulat ang paksang kanyang isusulat. Kasama ang panga- ngalap ng impormasyon o datos na makatutulong nang

malaki sa paglalaman ng kanyang isusulat.

b. Burador Sa bahaging ito pansamantalang isinusulat ang pagba-

balangkas ng ideya at maaaring rebisahin nang paulit- ulit.

c. Pagrerebisa Ito ang yugto ng pagbabasang muli ng burador.

Maaaring paulit-ulit ito depende sa pangangailangan. Sa yugtong

ito, maaaring magpalit, magdagdag o magbawas ng mga impormasyon ang isang sumusulat

d. Pag-eedit Iniwawasto sa bahaging ito ang baybay, gramar,

pagbabantas at kaangkupan sa paggamit at pagpili ng mga salitang gagamitin.

e. Pinal na dokumento Ito ang kinalabasan o awtput ng mga

ideya.

Dalam dokumen Silabus Fili 100 (Halaman 72-75)

Dokumen terkait