• Tidak ada hasil yang ditemukan

Silabus Fili 100

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Silabus Fili 100"

Copied!
79
0
0

Teks penuh

(1)

WEST NEGROS UNIVERSITY

BEED/BSED PROGRAM

SY 2013 – 2014

KOMPAYLEYSYON NG MGA ARALIN

SA FILIPINO 100

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG

FILIPINO

INIHANDA

NINA

DR. AGNES B. ALGARA

DR.OPHELIA M.DUAYAN

DR. MA.LENI C. FRANCISCO

MR. BAYANI G. LACSON

(2)

Paunang Salita

Nabuo ang kompaylesyon ng mga aralin para sa Filipino 100 sa layuning matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kasanayang pangkomunikatibo sa wikang Filipino, gayundin magiging kasangkapan nila sa pakikipag-ugnayan sa mundong ginagalawan.

Bilang pagtugon sa programa ng Bagong Kurikulum ng Filipino sa Antas Tersyarya inilakip dito ang mga iminungkahing nilalaman para sa Filipino 1-Komunikasyon sa Akademikong Filipino (GEC,Filipino 1, September 11, 2006). Nahahati sa anim na yunit ang mga aralin, ipinaloob dito ang mga paglilinaw sa ilang mahahalagang konseptong pangwika, ang komunikasyon, mga konseptong pandiskurso,kayarian ng wikang Filipino, ang Filipino bilang wikang pambansa at isinama na rin ang mga makrong kasanayan at istruktura ng wika.

Ang kabuuan ng rebisyong ito ang lilinang sa mas mataas na kaalamang magagamit ng mga mag-aaral sa epektibong kasanayan sa paggamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang larangan.

(3)

WEST NEGROS UNIVERSITY Bacolod City

College of Education

Komunikasyon sa Akademikong Filipino Bilang ng kurso : FILI 100

Pangkat ng Kurso : Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Bilang ng Matanong Yunit : 3

Deskripsyon ng kurso: Ang kursong FILI 100 ay nakatuon sa

istruktura,gamit, katangian at kahalagahan ng wikang Filipino sa akademikong larangan.Sa lapit disiplinaryo at paraang interaktibo, matutukoy at matatalakay ang mga pangunahing kaalaman sa wikang upang malinang ang mga kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino tungo sa lalong mataas na komunikasyon at sa kritikal na pagdidiskurso.

Mga layunin: Pagkatapos ng kursong ito,ang mga estudyante ay

inaasahang;

1. Natutukoy ang pangkalahatang kaalaman at konsepto kaugnay ng metalinggwistikang pag-aaral sa Filipino.

2. Nakikilala ang iba’t ibang diskurso sa wikang Filipino tungo sa pag-unawa at pagpapahalaga sa teksto at konsteksto nito. 3. Nalilinang ang lalong mataas na antas ng kasanayan sa

akademikong komunikasyon: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat.

(4)

4. Nailalapat ang mga kasanayang pangwika sa pag-aaral, pagtataya at pagpapahalaga sa mga kaalaman sa kultura at lipunang lokal at global.

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO FILI 100

MGA NILALAMAN:

YUNIT 1: WIKA:DIWA NG BANSA

A. Ang Kahulugan ng Wika B. Kahalagahan ng Wika C. Katangian ng Wika

D. Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika E .Kaantasan ng Wika

F .Tungkulin o Gampanin ng Wika

G. Pitong Kategorya ng Gampaning Pangwika H. Barayte at Baryasyon ng Wika

I. Rejister ng Wika

YUNIT 2: KOMUNIKASYON

A. Kahulugan ng Komunikasyon B. Uri ng komunikasyon

C. Elementong Nakaapekto sa Proseso ng Komunikasyon D. Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon

E. Ang mga Sangkap ng Komunikasyon F. Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon

YUNIT 3: MGA KONSEPTONG PANDISKURSO

A. Kahulugan ng Diskurso B. Uri ng Diskurso

C. Teksto at Konteksto

D. Tatlong Konsepto sa Pagpapakahulugan ng Teksto

YUNIT 4: KAYARIAN NG WIKANG FILIPINO

A. Ponolohiyang Filipino B. Ang mga Ponemang Patinig

(5)

C. Ang mga Diptonggo D. Ang mga Ponemang Katinig E. Ang mga Klaster ng Filipino F. Pares Minimal

G. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan H. Mga Ponemang Suprasegmental

I. Palabigkasan at Palatuldikan

YUNIT 5: ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

A. Ang Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino B. Gabay sa Ortograpya ng Wikang Pambansa C. Mga Tuntuning Panlahat sa Pagbaybay D. Ang Pantig at Palapantigan

E. Ang Paghihiram

YUNIT 6: MGA MAKRONG KASANAYAN AT ISTRUKTURA NG WIKA

A.PAKIKINIG

1. Mga Antas ng Pakikinig 2. Mga Uri ng Tagapakinig

3. Mga Salik na Nakaimpluwensya sa Pakikinig 4. Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

B.PAGSASALITA

1. Kahulugan ng Pagsasalita

2. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Tagapagsalita

3. Mga Kasanayan sa Pagsasalta

4. Iba’t ibang Gawain sa Pagsasalta

5. Mga Katangian ng Isang Mabisang Pakikipag-usap 6 Mga Dapat Iwasan sa Pakikipag-usap

7. Mga Araling Pangwika

a. Pagbabagong Morpoponemiko b. Mga Kayarian ng Salita

c. Mga Bahagi ng Pananalita

C.PAGBASA

1. Mga Salik sa Mabisang Pagbabasa 2. Estilo ng Pagbasa

3. Mga Tulong sa Pag-unawa sa Binasa 4. Mga Paraan sa Pagkuha ng Kahulugan ng Binabasa

(6)

5. Patayutay na Pahayag

Mga Araling Pangwika:

6. Sintaksis o Palauganayan

7. Mga Bahagi ng Pangungusap 8. Ayos ng Pangungusap

9. Iba’t ibang Uri ng Paksa at Panaguri 10. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Anyo 11. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Tungkulin 12. Pagpapalawak ng Pangungusap

D. PAG-SULAT

1. Kahlugan,Kahalagahan ng Pagsulat 2. Proseso ng Pagsulat

3. Mga Mekanismo sa Pagsulat

4.Uri at Anyo Ayon sa Layunin ng Pagsulat

5. Ang Pagsulat ng Liham-Aplikasyon at Resume’ 6.Ang Dalawang Uri ng Liha Aplikasyon

7. Mga Patnubay sa Pagsulat

YUNIT 1: WIKA: DIWA NG BANSA

(7)

Ang bayang bumubuo sa isang kabansaan at isang estado ay dapat na magkaroon ng isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.Ito’y isa sa pinakamatibay na buklod na bumibigkis sa bayan at nagpapa-unlad sa pagkakaisa ng mga pambansang mithiin,lunggati at damdamin.

Hindi makaiiral ang isang diwang pambansa, roon sa walang wikang panlahat.Hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hanggat wala tayong wika na sarili natin.Lagi nating tataglayin ang tanda ng kababaang uri….

Sa alin mang bayan ay wala nang napakamahalaga na tulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa: at bilang isang bayan, ay hindi magkakaroon ng higit na pagkakilala sa bagay na ito hanggat hindi nagsasalita ng isang wikang panlahat….May maiisip ba kayong higit na kakatwa kaysa pakikipanayam o sesyon ng mga Pilipino na ang lahat ng kagawad ay hindi makapagsalita o ayaw magsalita ng isang katutubong wikang panlahat?....(Halaw sa mga kalatas at talumpati ng Pangulong Manuel L. Qezon)

A. ANG KAHULUGAN NG WIKA

Nagmula ang salitang wika sa salitang Latin na Lengua na ang

literal na kahulugan ay dila, kaya’t magkasintnog ang mga salitang “lengua” (dila) at “lingua”(wika).Isa sa pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon ang wika,nang dahil sa wika,nailarawan ng tao ang kanilang karanasan,tagumpay at kabiguan.Sa pamamagitan din nito, nasasalamin din ang uri ng pamumuhay ng kanilang mga ninuno at ang kanilang pinagmulang bansa.

Batay sa aklat na “What is Language” ni Archibald A. Hill,ang wika ay pangunahing maelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.Ang mga tunog na likha ng aparato sa pagsasalita ay naayon sa mga klase na lumilikha ng isang komplekado at simetrikal na istruktra.

(8)

Ayon kay Panganiban, ang wika, ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng iba.

Ayon naman sa aklat na “Introdction to Descriptive Lingistics”, ni Henry Allan Gleason, nasusuri at nailalarawan ang wika sa pamamagitan ng kung paano ito ginamit,ginagamit at gagamitin ng isang pamayanan batay sa iba’t ibang larangan ang wika, tulad ng ponolohya,morpolohya,sintaksis,leksikon at bokabularyo.

Ang edukador at pilosopong Ingles na si Alfred North Whitehead ay nagsabing, kabuuan ng kaisipan ng lumikha nito ang wika.Wika ang gamit ng tao upang magkaroon ng ugnayan sa bawat isa.Ipinalalagay na ang wika ay salamin ng lahi at ng kanyang katauhan.

B.KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Nagkaisa ang kaisipan, damdamin at adhikain ng bawat mamamayan.

2. Naitala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at kasaysayan ng sinaunang panahon.

3. Nasasalamin ang mga pangyayari sa lipunang ginagalawan. 4. Naipapahayag ng tao ang kanyang malaon ng pag-ibig, galit at

pagkasuklam na naging daan ng paghihirap ng kanyang loob. 5. Nakipag-usap at napapalapit ang tao sa kanyang kapwa, bayan,

at higit sa lahat sa Poong Maykapal.

6. Ang wika ay kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan. 7. Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa komunikasyon. 8. Ang wika ang daan sa pagkakaisa at pagbubuklod ng bayan.

9. Ang wika ay lumilinang at nag-iingat ng kultura at kasaysayan ng bansa.

10. Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bansa.

C. KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas. Ito ay binubuo

ng

mga makabuluhang tunog na kapag pinagsama-sama sa maayos

na sikwens ay makalilikha ng mga salita, parirala at mga pangu-

(9)

ngusap. Ang istraktyur ng pangungusap ang naging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang

ma-

buti ang wika kailangang pagsama-samahin ang mga binibigkas

na tunog upang makalikha ng mga salita.

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan

ng

mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinasabing

balay , bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay casa, kapag nais tukuyin ang bahay at bay naman sa Tausong saman- talang house sa Ingles.

Kung sakaling hindi maintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugang hindi siya

bahagi ng kasunduang pangkauwanan. Ngunit kung pag-aaralan at matutunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan o may sariling kaangkinan.

Lahat

ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at

istruktu-

rang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa:

a. Wikang Swahili - atanipena (magugustuhan niya ako)- Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa kanlurang

Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito.

b. Wikang Filipino - Opo, po -Sa Filipino lamang matatag-

puan ang salitang opo at po bilang paggalang

c. Wikang Subanon - mangga (mangga)-Sa Subanon

naman,

(10)

mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga ponema gaya ng

di kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang

pantig na wala sa karamihang wika.

d. Wikang Ingles - girl/girls (batang babae/mga batang

babae)-Sa Ingles naman, isang ponema lamang ang dinag- dag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.

e. Wikang Tausong – tibua (hampasin mo) pugaa (pigain

mo)

Sa Tausug naman, ang pagkabit ng ponemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang- ugat.

f. Wikang French – Francois (pangngalan/fransh-wa/)-Sa

French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at

yuma- yaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Halimbawa: BOMBA

 Pampasabog

 Igiban ng tubig mula sa ilalim ng lupa  Kagamitan sa paglalagay ng hangin

 Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula

 Sikreto o baho ng mga kilalang tao.

Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng ponema at morpena mula sa ibang wika.

6. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Dahil sa wika ang

tao ay

maaring magsalin o magpasa ng mga kaisipan at ideya hanggang sa

susunod niyang salinlahi, mapreserba ang kaalaman at maipamana

(11)

ang mga ito sa mga susunod pang henerasyon.

7. Ang wika ay nakabatay sa kultura . Nakabatay ang wika sa

kultura

ng taong gumagamit ng wika.Sa pamamagitan nito nagkakaugnay sa

tradisyon, kaugalian, mga mithiin at paniniwala ang mga tao.

8. Ang wika ay pantao . Nagagamit ito sa pagsasalin ng

kultura,bukod

pa roon, ito ay may sistemang tunog at kahulugan.

9. Ang wika ay binubuo ng mga sagisag. Bawat wika ay may

sariling

ispeling o baybay.

D. MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA

Ayon sa mga antropologo,kasabay na sumibol sa mundo ang

wika at lahi.Masasabing ang kanilang wika noon ay kasingkahulugan ng ginagamit ng mga hayop.Subalit sa paglipas ng panahon,sabay sa pag-unlad ng kultura ng tao,umunlad din ang wika.

Ang kasalukuyang wika ay nagdaan sa napakaraming taon ng pagbabago.Magmula sa paninirahan sa mga bato at paggamit ng simpleng paraan ng pakikipagtalastasan,narating ng tao ang puntong makontrol ang kalikasan,manirahan sa mga airconditioned na tahanan,maglabay sa himpapawid, makausap ang isang tao sa ibayong dagat,umakyat sa pamamagitan ng elebeytor at gumawa ng komunikasyon sa tulong ng mga makabagong sistema ng pakikipagtalastasan.

Bago pa man dumating ang panahong ito,may ilang teorya si David Berlo na maaarng nalathala o nagpalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawing batayan ng pinagmlan ng wika sa daigdig.

Teoryang DING DONG - Ipinalalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang

(12)

kumakatawan sa nasabing bagay.Mga tunog na nagpapakahulugan sa mga bagay,tulad ng kampana,relo,tren, tunog ng kampana,patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

Teoryang BOW WOW – Dito ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anu-

man ang pinagmulan ang ginagagad ng mga tao.Halimbawa nito ang tunog ng kulog,ihip ng hangin pagbagsak ng alon, pagngiyaw ng pusa at pagtilaok ng manok.

Teoryang POOH POOH –Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumilikha

ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan.Kasama dito ang pagpapa-kita ng tuwa sa pamamagitan ng pagtawa,kalungkutan o sakit sa pama-magitan ng pag-iyak,pagkabigla,pagtataka at iba pang bulalas ng dam-damin

Teoryang TARARA-BOOM-DE-AY- May mga ritwal na ginagamit ang

mga sinaunang tao.Halimbawa nito ay sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangisngisda at iba pa.Ang mga isinasagawang ritwal ay may kaakibat na pagsayaw.Pinaniniwalaan na ang wika sa mga ritwal ay nagbabago at nilalapatan ng kahulugan.

Teoryang YO-HE-HO - Ito ang teoryang nabuo ni Noire, isang iskolar

noong ika-19 na dantaon.Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nililikha ng mga taong nagkakatuwaan sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pag-angat ng malaking bato. Ito ay may kaugnayan sa pwersang pisikal.

Teoryang Pamuestra (pagkumpas) – May mga teoryang

gumagamit naman ng pagkumpas o mga senyas upang maiparating ang nais na sabihin.Pinakikilos dito ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon.Dito pinakikilos ang dila.Sa pagbabago ng posisyon ng dila sa loob ng bibig,nakagagawa ng tunog at nababawasan naman ang pagkumpas at senyas

Teoryang YUMYUM – Nagsasaad na ang tao ay tumutulong sa

pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangngailangan ng aksyon.

Sa pananaliksik na ginawa sa larangan ng sikolohiya,ang mga sumusunod na teorya ay may malaking impluwensya sa proseso ng pagkatuto ng wika.

(13)

Teoryang “Behaviorist”. Batay sa teoryang ito ang bata ay

ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.Ang gawi at kilos ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.Ayon kay Frederic Skinner,higit napinagtutunan ng pansin ang pag-aalaga sa tuluyang pag-unlad ng intelektwal kaysa sa pangganyak at pagbibigay sigla at pagpapatibay na may kaugnayan sa kilos o gawi.Ang konsepto ng pagkatuto ay itinakda ng mga panloob(mga mekanismong pambigkas) at panlabas(mga tunog na napapakinggan na siyang ginagaya ng ga bata) na mga salik.

Teoryang “Innative”. Ito ay ang mabilis na pagkatuto ng wika ng bata batay sa kanyang angking likas na kakayahan.Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng wika ng isang bata sa gulang na lima o anim na taon.Sa paliwanag ni Chomky,ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula pagkasilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang hugis ang kanyang kakayahang sosyo-kultural.

Teoryang Kognitib. Ayon sa pananaw ng teoryang ito,ang

pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o kaganapan.Kailangang naunawaan ng tao ang mga impormasyon natanggap upang makabuo ng isang orihinal na pangngusap.Ayon sa teoryang ito ang kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at kadalasang nangyayari,subalit ang pagkakamali ay palatandaan ng pagkatuto.Ito ay itinturing na isang integral na bahagi sa proseso ng pagkatuto.

Teoryang Makatao. Isinaalang-alang sa teoryang ito ang

kahalagaan ng mga salik na may kinalaman sa damdamin at emosyonal na reaksyon.Ang tagumpay ay makakamit kung angkop ang kapaligiran,kawilihan o pagkagusto ng mga mag-aaral sa mga positibong saloobin ng mga bagong impormasyon.Matamang pag-uukulan ng pansin ang pagbibigay halaga sa saloobin ng mga mag-aaral,walang kalangkap na pananakot at maginhawa ang kanilang pakiramdam upang tiyak na masukat ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wika.

E . KAANTASAN NG WIKA

(14)

Ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababatay sa kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat at sa pagtitiwala sa pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan. Nababatay rin ito sa lawak ng kaalaman sa paksa at pagpili ng angkop na salitang nababagay sa antas ng pagkataong tatanggap ng mensahe.

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ,sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirahan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

1. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard/kinikilala at gina- gamit ng nakararami.

a. Pambansa - Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-alang sa paggamit ng

balarila. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan.Ito rin ang wikang ginagamit sa pakikipag-

ugnayan sa pamahalaan. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.

Halimbawa: asawa, anak, tahanan.

b. Pampanitikan - Ito ay maituturing na pinakamataas

na antas ng wika.Dito nakasalalay at nakikita ang

kagan-dahan,yaman,kariktan at retorika ng wika. Ito ay gina-gamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at

masining.Dito rin nasa-salamin ang galling ng taong gumagamit nito sa mga tala-kayan, simposyum,

talumpati, panayam at maging sa pagsulat ng aklat. Hal. Kahati sa buhay

Bunga ng pag-ibig

Pusod ng pagmamahalan

2.Impormal . Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak,

pang-

araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at

(15)

pakikipagtalastasan.

a. Lalawiganin. Ang ginagamit na wika sa mga tiyak at

partikular na pook at lalawigan, makikilala ito sa kaka-ibang tono o punto. Ito’y dayalekto ng isang wika, may tanging bigkas o pamamaraan kung paano binibigkas ang mga salita ngunit ito’y nauunawaan ng mga nag-uusap

Hal. > toyo-patis (Hiligaynon) > langgam-guyam (Batangas)

> maalinsangan-mabanas (Cavite)> nilalagnat-agurigor (Ilocos)

> dingding-ringring (Morong) > kaligayahan-kalipay (Cebu)

b. Kolokyal. Ito ay mga salitang ginagamit sa mga

pagkaka- taong impormal, halimbawa sa pakikipag-usap sa taha-nan, kaibigan at paaralan. May

kagaspangan ang mga salitang ginagamit ngunit

magawang repinahin ng nagsa-salita. Hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika bagamat hindi ito tinatanggap sa masining na paraan ng pagpapahayag. Kasama na rito ang pagpapaikli ng isa o dalawa o higit pang titik sa salita.

Hal.1. I take vitamins pero payat pa rin ako. 2. Nas’an, Pa’no?, sa’kin, kelan

3. Feel na feel ko ang sariwang hangin. 4. Meron ka bang dala?

c. Balbal, barbarismo o panlansangan. Ito’y katumbas

ng

slang sa Ingles.Hindi ito sumusunod sa wastong grama- tika at malimit ay maririnig sa mga lansangan at sinasa- lita ng mga di’ nakapag- aral. Nagkakaroon ng sariling “codes”, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Hal. 1. Dyahi ako sa syota ko kasi di ako nakasipot sa tipar ng ermats nya.

2. Nasa haybol ba ang waswit mo? 3. Chicks ( dalagang bata pa )

(16)

Orange ( biente pesos ) Pinoy ( Pilipino )

Karaniwang Paraan at Proseso ng Pagbuo ng mga Salitang Balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo: gurang ( matanda ) bayot (bakla ) barat ( kuripot )

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga: epek ( effect )

futbol ( naalis, natalsik) tong ( wheels)

3. Pagbibigay kahulugan ng salitang Tagalog:

buwaya (crocodiles – greedy ) bata ( child – girlfriend ) durog ( powdered – high addiction)

papa ( father – lover ) 4. Pagpapaikli - pakialam – paki, tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad - Buong salita - etneb – bente Papantig- - dehin – hindi ngetpa – pangit tipar – parti

6. Paggamit ng Akronim - G-get - naunawaan, US – under de saya

7. Pagpapalit ng pantig - lagpak – palpak – bigo torpe – tyope – naduwag

8. Paghahalo ng salita - Bow na lang ng bow mag-jr (joy riding) mag-gimik

mag-MU

9. Paggamit ng bilang- 45 – pumutok

1433 – I love you too

(17)

50-50 –naghihingalo 10.Pagdaragdag- puti – isputing kulong – kulongbisi 11. Kumbinasyon

a.Pagbabaligtad at pagdaragdag - hiya – yahi – dyahi b.Pagpapaikli at pagdaragdag - Pilipino - Pino – Pinoy , mestiso – tiso, tisoy c.Pagpapaikli at pagbabaligtad - pantalon – talon– lonta, sigarilyo– siyo– yosi

d.Panghihiram at pagpapaikli – “security”- sikyo,

“brain damage” – Brenda e.Panghihiram at pagdaragdag - “get” – gets/getsing, “cry” – crayola

F . TUNGKULIN O GAMPANIN NG WIKA

Batay sa depinisyong ibinigay ng Komisyon sa Wika ng Filipino, masasabing ang wikang Filipino, ay ginagamit na instrumento ng mga mamamayang Pilipino sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng wikang Filipino, nasasabi nila sa kanilang kausap ang tungkol sa mga bagay-bagay, upang isagawa ang mga ito o naipapangako nila sa kausap na isasagawa nila ang isang aksyon sa hinaharap, atbp

Ang lahat ng ito ay tinatawag na tungkulin o gampanin ng wika. Ito’y nangangahulugan na ang bawat pahayag sa wikang Filipino ay gumaganap ng isang tungkulin. Na sa tuwing nagsasalita ang isang tao, tinatangka niyang isagawa ang isa o mahigit pang bagay sa pamamagitan ng kanyang wika.

.

G. Si Halliday (1973) ay nagbigay ng pitong kategorya ng mga gampaning pangwika.

(18)

1. Instrumental (Instrumental). (Gusto ko) na nagsasaad ng

hanga- ring mabigyang kasiyahan ang pangangailangang materyal ng nagsasalita.

 “Pahingi naman ako ng pansit mo.”  “Gusto ko iyang kinakain mo.”

2. Regulatori (Regulatory). (Gawin mo ang sinasabi ko). Ito’y

gina-gamit upang kontrolin ang gawi o kilos ng ibang tao tulad ng pag-uutos, pakikiusap at pagmumungkahi.

 “Ihanda ang inyong mga takdang-aralin.”  “Pakisara ang pinto.”

 “Makabubuting sundin mo ang sinasabi ng nanay mo.”

3. Interaksyonal (Interactional). Ito ay mga pahayag na

nagpapa-natili ng relasyong sosyal, tulad ng mga pormularyong panli-punan, pangungumusta at pagpapalitan ng biro.

 “Magandang umaga.”  “Kumusta kayong lahat diyan.”

4. Hyuristik (Heuristic). Ginagamit ito sa pagtuklas ng mga

bagay-bagay na nakapaligid sa nagsasalita o sa pagtatamo ng mga datos,kaalaman at impormasyon.

 “Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?”  “Ano bang ginagawa mo?

5. Personal (Narito ako). Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng

personal na damdamin o opinyon.

 “Wala nang magandang kinabukasan ang susunod na salinlahi dahil sa pangungurakot ng mga taong nasa gobyerno.”

 “Hindi tayo uunlad kung hindi natin tutulungan ang ating sarili.

6. Imahinatib (Imaginative).(magkunwari tayo). Ginagamit ito sa

pagkukunwari, pagsasadula,paglikha o pagpapahayag ng mga artistikong kaisipan. Karaniwang ginagamit sa mga akdang pampanitikan.

(19)

 “Para kang nakakita ng multo,” bulong ni Liza sa kanyang kaibigan nang makitang papalapit sa kanila ang isang guwapong binata.”

 “Simbagal ng pagong kung kumilos si Ana Marie.

7. Impormatib (Informative). (May sasabihin ako sa iyo) na

ginagamit sa pagbibigay ng mga impormasyon, tulad sa pag-uulat, pagpapahayag, pagsasaysay at iba pa.

 “Maraming namatay sa China dahil sa malakas na lindol.”

 “Inilikas na sa mas mataas na lugar ang mga naapektuhan ng baha.”

Sa “Explorations in the Functions of Languge” ni M.A.K. Halliday (1973) binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong “Tungkulin

ng Wika” ay inilarawan sa talahanayan sa ibaba at binigyan ng mga

halim-bawang madalas gamitin sa pasalita at pasulat na paraan.

Tungkuling Pangwika Katangian Halimbawa Pasalita Pasulat 1. Pang- interaksyunal Nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyon Pormularyong panlipunan, pangungumusta, pagpapalitan ng biro. Liham- pangkaibigan 2. Pang-

instrumental Tumutugon sa mga pangangailangan Pakikiusap, Pag-uutos Liham- pangangalakal 3.Panregulatori Kumokontrol/gumagabay

sa kilos o asal ng iba Pagbibigay direksyon, paalala o babala Panuto 4. Pampersonal Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon Pormal o di-pormal na talakayan Liham sa patnugot 5. Pang-

imahinasyon Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan

pagsasalaysay,

paglalarawan Akdang pampanitikan 6. Pang-

hyuristiko Naghahanap ng mga impormasyon o datos Pagtatanong o pakikipanayam Sarbey, pananaliksik

(20)

7. Pang-

impormatib Nagbibigay ng mga impormasyon o datos Pag-uulat o pagtuturo Ulat,Pamana-hong papel

H. BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Ayon kay Constantino (2009) nahahati sa dalawang dimensyon

ang baryabilidad o pagkakaiba ng wika

1. Heograpiko –ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika

dahil sa kalat-kalat na lokasyon ng taga- pagsalita ng isang wika. Mula rito nadebelop ang barayti ng pangwika.

2. Sosyo-ekonomiko – ay nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang

wika dahil sa iba- ibang estado ng tao sa lipunan.Kung kaya nag-

karoon ng wikang bakla,elit masa at iba pa.

Ayon naman kay Alonzo, ang barayti ng wika ay may dalawang

malaking uri:

1. Permanenteng barayti ay binubuo ng:

a. Idyolek- ay katangian o gamit ng wika na kakaiba sa isang

indi-bidwal. Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman, karanasan o pag-aaral, paraan ng pagsasalita o uri ng wikang ginagamit, timbre ng boses, kwalite ng boses o

paboritong

ekspresyon ng nagsasalita.

b. Dayalek – paggamit ng wika batay sa lugar, panahon at

kaanyuan sa buhay. Ang paraan ng pagsasalita rito ay bumabatay sa kan- yang estado o grupong kinabibilangan. Ang baryasyon ay dayalekto na tumutukoy sa tunog o punto, pagkakaiba ng salita at paraan ng pagsasalita. Ito ang wikang ginagamit sa tahanan ng isang pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook o pamayanan.

Istandard na Dayalekto – Ang wikang ginagamit ay

katanggap-

tanggap sa lahat ng antas ng lipunan sa mga pormal na usapan,

sa paaralan, unibersidad, pamamahayag o “broadcast” o ng

(21)

anumang pagpupulong.

Dayalektong Pampook – Ang mga salita ay nagkakaiba-iba

dahil sa pook na pinagmulan. Hal. Batangas Bulakan mabanas mainit malibog marumi amargoso ampalaya

Dayalektong Pamanahon – Ang wika ay nababago sa paglipas

ng panahon. Hal. pinipintuho minamahal kaisang-dibdib mag-asawa marikit iniibig

Dayalektong Sosyal o Panlipunan -nakikita rito ang mga salita

na ginagamit sa iba’t ibang antas ng buhay.

Hal.

may hika, asthma- may allergy sasakyan-wheels

mahina ang isip o matalino- special child tunog o musika-sounds

2. Pansamantalang barayti- ay tumutukoy sa kagyat na sitwasyon

ng

pahayag. Bahagi nito ang mga sumusunod: a. Estilo o Rejister – Ang baryasyon sa register ay tumutukoy

sa

ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hiningi ng sitwasyon

at

pagkakataon, tulad halimbawa. ng siyentipikong rejister, relihi-

yusong rejister o rejister ng magsasaka.

b. Moda – ay yaong barayting kaugnay sa midyum na

(22)

ginagamit,maaring pasalita o pasulat

I. REJISTER NG WIKA

Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o

gumagamit ng wika. Kung sino ang kausap o tagapakinig, anong paksa ang pinag-uusapan at paraan o paano nag-uusap.

a. Paraan o paano nag- uusap – usapang pasalita o usapang pasulat.

 Usapang Pasulat- mas pormal ang mga salita - sumusunod sa mekaniks ng pagsulat - gumagamit ng bantas sa pagsulat

 Usapang Pasalita – maaring nangangatuwiran may pagkamagalang, nagliligawan, nag- aaway,balita,showbiz

b. Paksang pinag-uusapan – Ang mga salita ay batay sa

larangan na tinatalakay o pinag-uusapan.

Hal. Kung ang pinag- uusapan ay tungkol sa iba’t ibang larangan gaya ng elektroniks, panitikan, pagpipinta at iba pa.

c. Tuno ng kausap – nagbabago ang wikang ginagamit depende

sa

kausap. Nagkakaroon ng pagbabago kung ama o anak, magka-

ibigan, propesor sa estudyante, magkasintahan, pangulo ng kompanya at empleyado.

YUNIT 2: KOMUNIKASYON

Ang salitang komunikasyon ay galing sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam at sa kabilaang panlaping/an na ang tinutukoy ay paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na nasasangkot:isang nagsasalita at isang nakikinig. Ayon naman sa isang sikologo, “Ang komunikasyon ay napiling pagtugon ng

(23)

organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksyon,” Samakatuwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa; ito’y kailangan sa kanyang pakikihalubilo sa mga tao sa lipunan at isang paraan ng pakikibagay sa kanyang kapaligiran.

Ayon naman kay Greene at Petty sa kanilang aklat na “Developing Language Skills”, ang komunikasyon ay isang konsyus na paggamit sa anumang uri ng simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagdadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.

B. URI NG KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay maaring berbal o di-berbal.

1. Komunikasyon Intrapersonal. Antas ng komunikasyon na

walang iba kundi ang pakikipag-usap ng tao sa kanyang sarili. Ito ay komunikasyong pansarili. Ito ay tumutukoy sa proseso ng komunikasyong nagaganap sa sariling katuunan. Halimbawa nito ay ang pag-aalala, pagdama at pag-iisip. Ito ang pinakabatayan ng

komunikasyon.

2. Komunikasyong Interpersonal. Ito ay tumutukoy sa

komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o maliit

na pangkat.

3. Komunikasyong Pampubliko. Ang komunikasyong pampubliko

ay hindi lamang pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng

madla, bagkos saklaw nito ang relasyong

pampubliko,komunikasyong pampulitika at pagpapatatag ng samahan.

4. Komunikasyong Pang-midya. Ito ang antas ng komunikasyon

kung ang pinagmulan ng mensahe ay gumagamit ng mga kagamitang pang-midya tulad ng pelikula, radio, telebisyon at mga peryodiko.

(24)

C. MGA ELEMENTONG NAKAAPEKTO SA PROSESO NG KOMUNIKASYON

1. Ang Mensahe. Ang mensahe ay naiimpluwensyahan ng

layunin,

kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepsyon at kredibilidad ng nagpapadala ng mensahe. May dalawang aspekto ng mensahe, ang

mensaheng pangnilalaman at ang mensaheng di-berbal.

2. Ang tsanel ng Mensahe. May dalawang kategorya ng mga

tsanel ng mensahe, una, daluyang sensori o tuwirang paggamit ng pani-

ngin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama at ang daluyang

institusyonal. Halimbawa ng daluyang institusyonal ay sulat, tele- grama, telepono, e-mail, fax machine, cellular phone, chat room at

iba pa.

3. Tagatanggap ng mensahe. Siya ang tumatanggap ng

mensahe. Siya ang nagbibigay pakahulugan sa mensaheng natatanggap. Ang

kanyang pakahulugan sa mensaheng natanggap ay maaaring ma-

apektuhan ng kanyang layunin, kaalaman,kakayahan,pag-uugali, pananaw at kredibilidad.

4. Ang Fidbak. Ito ay nauuri sa tatlo.

 tuwirang tugon.; ---Sinabi ng guro,” Tama ang iyong sagot

 di-tuwirang-tugon; ---Ngumiti ang guro sa iyong sagot.  naantalang tugon.---Mataas ang marka na ibinigay ng

guro

sa iyo sa katapusan ng semester.

D. MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON

Ito ay may apat na uri.

 Semantikong sagabal.( mga salitang may dalawa o higit pang kahulugan).

(25)

 Pisikal na sagabal. (ingay sa paligid, distraksyong biswal).  Pisyolohikal na sagabal. (kapansanan sa paningin, pandinig at pagsasalita) at,

 Saykolohikal na sagabal. (mga bagay sa isipan)

E. ANG MGA SANGKAP NG KOMUNIKASYON

Ayon kay Aristotle ay may tatlong sangkap ang komunikasyon: ang

nagsasalita , ang sinasabi at ang nakikinig.

Ang kina Claude Shannon at Weaver naman , hindi lamang tuwirang pag-uusap ng tao ang kanilang binabanggit kundi ang ginagamit ng pahatid-kawad. Ayon sa kanila, Lima ang sangkap ng komunikasyon:

1. Pinanggalingan

2. Tagapaghatid (transmitter) 3. Senyas o kodigo

4. Tagatanggap ng pahatid (receiver) 5. Destinasyon

Si Wilbur Schramm ay nagsabing tatlo ang pinakahalagang salik ng komunikasyon: ang pinanggalingan, mensahe, at destinasyon.

Ang pinanggalingan ay maaaring ang taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas o organisasyong pangkomunikasyon na gaya ng palimbangan, estasyon ng telebisyon o tanghalan.

Ang mensahe ay maaaring nasa porma ng tinta sa papel, usok

buhat sa siga (India), tunog na dala ng hangin, kumpas ng kamay, bandilang iwinawagayway o senyas na may dalawang kahulugan.

Ang destinasyon ay maaaring ang taong nakikinig, nanonood, nagbabasa o miyembro ng pangkat; halimbawa’y pangkat na nagtatalakayan,nagsisipagpanayaw, nanonood ng basketbol, nagbabasa ng pahayagan o nanonood ng telebisyon.

F. BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

(26)

Ang wika ay kailangan ng berbal na komunIkasyon samantalang ang di-berbal na komunikasyon ay hindi nangangailangan ng paggamit ng wika. Kinakailangan lamang sa di – berbal na komunikasyon ang paggamit ng sensori: paningin, pang-amoy, panlasa at pandama.

1. MGA KAHALAGAHAN NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

a. Inilalantad nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao. b. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe .

c. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

2. IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

a. Oras – Ang tamang paggamit ng oras ay maaring kaakibatan

ng

mensahe. Ang pagdating nang huli sa “Commencement

Exercises” ng unibersidad ay maaaring maipakahulugan ng kakulangan sa disipina. Samantala, ang pagdating ng maaga sa isang piging o handaan ay maaring mainsulto o mataranta ang maghahanda ng salu-salo.

b. Espasyo – Ang espasyong inilalagay ng tao sa sarili at sa

kausap

ay may kahulugang “intimate”, personal o pablik. Ganoon din sa kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.

c. Katawan- Ang “body language” ay may kahulugan din. Ito ay

tumutukoy sa mabilis na pagkilos, maaaring nagmamadali, kamot ng ulo,hindi sigurado o hindi alam, pagkibitbalikat, padabog na pagsara ng pinto at iba pa.

.

d. Pandama – Ito ay tumutukoy sa paggamit ng “sense of

touch” sa

paghahatid ng mensahe.

Halimbawa: Paghaplos, pagyakap o pagkalong ng ina sa

kanyang sanggol,paghawak ng kamay ng nag-

(27)

iibigan, pagtapik sa balikat at iba pa.

e. Simbolo – ito ay tumutukoy sa mga simbolo o “icons” na may malinaw na mensahe.

f. Kulay – Ang kulay na nakikita sa ating paligid ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

 Itim – kalungkutan

 Berde – buhay, pag-asa, makakalikasan  Pula – pakikibaka

 Ilaw - trapiko

g. Para-Language – Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas

sa

isang salita

h. Ekspresyon ng mukha – Nakikita o nababasa sa mukha

kung

ano ang gustong ipahayag ng isang indibidwal: kung gusto,

ayaw, masaya, nalulungkot, nababahala, nagugulat, nasasak-

tan at iba pa.

i. Mata – May kasabihan na ang mata ang bintana ng iyong kalu-

luwa. Kung ano ang nararamdaman ng isang tao ay nakikita sa kanyang mga mata. (umiibig, nagsasabi ng totoo, nag-aalala at iba pa).

j. Awit o Musika – Naghahatid ng damdaming masaya, ma- lungkot o masigla. Ang hindi masabi ng bibig ay daanin na

lang sa awit o himig. Maliban sa nagpapakilala ng bansang pinagmulan maaari ring nagpapahayag ng kasaysayan ng bansa.

k. Pananamit – nagpapakilala ng lahi o tribung pinagmulan, panahon at kasaysayan, nagpapakilala rin ng antas ng

buhay, uri ng hanapbuhay, edad ng tao, pook na kinala- lagyan.

l. Tunog – ang busina ng sasakyan maaaring may makikiraan,

may kilalang tao o mahalagang tao na darating, ambu-

(28)

lansya,bumbero o pulis na may hinuhuling salarin,kampana – masaya,piyesta, binyag at iba pa.

m. Sayaw – nagpapahayag ng panahon, lahi, tribu o

kasaysayan

ng bansa.

n. Bandila – simbolo ng bansang malaya.

o. Kumpas ng kamay – konduktor ng musika kung malakas, mahina o mataas ang tunog. Maaari rin na nagpapata-

himik sa mga estudyante, nagtatawag,nagpapabilis ng kilos

o ginagamit sa talumpati.

p. Kulay ng balat – nagsasabi ng lahing pinagmulan.

Kayumaggi – Pilipino Puti – Amerikano Itim – Aprikano

q. Pagkain – pinakbet – Ilokano, Laing –Bikol, Spaghetti – Italyano

r. Bulaklak – nagpapahayag ng pagmamahal, pag-aalala,

paghanga, pagbati,pakikiramay, paumanhin at iba pa.

s. Senyas – ginagamit ng mga repere ng basketbol at sa lahat ng

iba’t ibang laro.Ginagamit din ito ng mga pipi at bingi.

YUNIT 3: MGA KONSEPTONG PANDISKURSO

A. KAHULUGAN NG DISKURSO

Ang diskurso, mula sa salitang Ingles Medya na discourse na galing naman sa salitang Latin na discursus na nangangahulugang diskusyon o argumento , o kaya’y kumbersasyon, isang berbal na pagpapalitan ng ideya na pwede sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at maayos na karaniwang humahabang pagpapahayagan ng kaisipan hinggil sa kung anong paksa, na maaaring pasalita o pasulat.

(29)

B. URI NG DISKURSO

a. Istruktural ay isang partikular na yunit ng lenggwahe/wika.Kaugnay na suliranin ay ang paraan ng pagsasalita ng mga tao na kadalasan ay hindi nauuring isang pangungusap o may tamang kayarian at hindi sumusunod sa mga tuntunin ng balana.

b. Pangsyunal – ay may tiyak na pokus sa gamit ng wika kung saan maaari itong humantong sa lalong malawak o pangkalahatang pagsusuri sa pangsyon ng wika. Ang diskurso ay karaniwang tumutukoy sa sinasalita at isinusulat na komunikasyon.

Halimbawa, malawak na sinasalitang interaksyon sa araw-araw

> Nagtataglay ng sariling pormula at mga kumbensyong

sinusunod.

> Iba’t ibang paraan ng pagbubukas at pagsasara ng salitaan.

C. TEKSTO AT KONTEKSTO

Aspekto ng proseso sa pag-unawa ng diskurso ang teksto at kon-teksto .Ang Teksto - ang wika ay pangsyunal dahil ipinahahayag ito alinman sa pasalita o pasulat na paraan.Isa itong semantikong yunit na makabuluhan na nililikha ayon sa dalawang pananaw , bilang

produkto at proseso.

Produkto dahil resulta ng pagpapahayag na maaaring itala at pag-aralan sapagkat may anyo itong maparaang nairepresenta sa mga salita.

Samantala, proseso dahil patuloy na isinasagawa sa

mapamiling paraan ng pagpapakahulugan, samakatuwid, dinamiko

(30)

itong nagpapa- hayag ng potensyal na interpretasyon kung titingnan nang lubusan sa mga salita at istruktura.

Halimbawa: ekspresyon ng mukha, galaw o kilos ng katawan, tono ng pananalita o kahit ang pagpili ng koda o ang paggamit ng leksikal na mga ekspresyon. Dapat isaalang-alang ang mga norms at panununtunan na sinusunod ng tao kung sila ay gumagawa ng teksto.

Karamihan sa mga teksto ay naglalantad ng mga pag-uugnay mula sa isa patungo sa iba’t ibang anyo ng gramatika gaya ng

promina-lisasyon, ellipsis (tawag sa nawawalang elemento ng pahayag. Hal. Masaya sana……pero hindi tayo nagkita.) at mga pangatnig sa iba’t ibang uri at iba pang kaalamang pambalarila.

Ang Konteksto naman ,pinag-angkop na panlaping Ingles na “con”,ibig sabihin kasama: at teksto,salita o termino,na kasama ng teksto ang kahulugan sa kabuuan.

D. TATLONG KONSEPTO SA PAGPAPAKAHULUGAN NG TEKSTO

1. Ang larangan ng diskurso na walang iba kundi ang

pangyayari,ang sosyal na aksyong nagaganap,ang pinagkaabalahan ng mga taong nasasangkot sa diskurso kung saan pangunahing ginagamit ang wika.

2. Ang tenor ng Diskurso,ang mga kasangkot sa pag-uusap,ang

kanilang papel na ginagampanan at ang kanilang relasyon sa isa’t isa.

3. Modo ng diskurso,ang gamit ng wika ang inaasahan nila dito,

kabilang na ang stanel sa pagsasagawa nito,gayundin ang mga paraan ng kanilang pagsasaretorika nito: pasalaysay,pahikayat, palahad,paargumento, paturo ,pautos atb.

YUNIT 4 – KAYARIAN NG WIKANG FILIPINO

A. PONOLOHYANG FILIPINO

(31)

Tulad ng mga ibang wika sa daigdig, ang Filipino ay binubuo rin

ng mga tunog. Ang mga tunog na ito ay nalilikha sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita, tulad ng mga labi, ngipin, dila, guwang ng ilong, ngalangala, paringhe, laringhe at mga babagtingang pantig.

Ang isang makabuluhang tunog sa wikang Filipino ay tinatawag na ponema. May 21 ponema sa wikang Filipino na hinati sa dalawang kategorya:

Mga Patinig : /i/, /e/, /a/, /o/, /u/

Mga Katinig : /p/, /t/, /k/, /?/, /b/ /d/, /g/, /m/, /n/, /ng /, /s/,/h/, /l/, /r/, /w/, /y/

B. ANG MGA PONEMANG PATINIG

May 5 ponemang patinig sa wikang Filipino. Ang mga ito ay isinaayos sa tsart batay sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga ito, na maaring bahaging unahan, sentral o likod, at kung ano ang posisyon ng mga bahaging ito ng dila sa pagbigkas, na maaari namang mataas, gitna o mababa. Tunghayan ang tsart ng mga patinig sa ibaba.

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a

C. ANG MGA DIPTONGGO

Kapag ang mga patinig sa Filipino ay sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/, nabubuo ng tinatawag na diptonggo. Ang mga ito ay dapat na makasama sa iisang pantig, tulad ng “iw” sa salitang “baliw”. Makikita naman sa sumusunod na tsart ang mga diptonggo sa wikang Filipino.

Mga Diptonggo sa Filipino

(32)

Harap Sentral Likod Mataas iw, iy uw, uy

Gitna ew,ey ow, oy

Mababa aw, ay

Hal. aruy nanay daloy palay

kami’y kasoy buhay dalaw beywang kalabaw baliw saliw

D. ANG MGA PONEMANG KATINIG

Mayroong namang 16 na katinig sa wikang Filipino na isinaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tunog (m.t) o walang tunog (w.t).

Inilalarawan ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit o pag-antala sa pagpapalabas sa hangin sa pagbigkas ng katinig.

May Limang Punto ng Artikulasyon na Naglalarawan sa mga Katinig sa Filipino, gaya ng:

1. Panlabi - ang ibabang labi ay dumudiit sa labing itaas, /p, b, m/; 2. Pangngipin - ang dulo ng dila ay dumidikit sa mga ngiping itaas,

/t,

d, n/

3. Panggilagid - ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapat o dumidiit sa

punong gilagid, /s, l, r/

4. Pangalangala (velar) - ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa malambot na ngalangala (velum), /k,g,ng/ at

5. Glottal -kung saan ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng impit o pasutsot na tunog, (?,h).

(33)

Sa kabilang dako inilalarawan naman ng paraan ng

artikulasyon kung papaanong gumagana ang mga ginagamit na

sangkap ng pananalita at kung papaanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.

Mayroon namang anim na Kategorya ng Paraan ng Artikulasyon, gaya ng:

1. Pasara - kung saan ang daanan ng hangin ay harang na harang, /p,t,k,?,b,d,g/;

2. Pailong - ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga

labi,

pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o sa pagbaba ng malambot na ngalangala kaya ang hangin ay

lumalabas sa ilong, /m,n,ng/ ;

3. Pasutsot - kung saan ang papalabas na hangin ay sa pagitan ng

dila

at ngalangala o ng mga babagtingang pantinig, /s,h /;

4. Pagilid - ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila dahil ang dulo

ng dila ay nakadiit sa punong gilagid, /l/;

5. Pakatal - dahil sa hangin ay paulit-ulit ang pagpalag ng

nakaarkong

dila , /r/ ;

6. Malapatinig - kung saan nagkakaroon ng pagbabago ang galaw ng

bibig o dila mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon /w,y/.Kapag binigkas ang /w/nagkaroon ng bagbabago ang pusisyon ng mga labi mula sa puntong panlabi- papasok. Kapag binigkas naman ang /y/, ang posisyon ng mga labi ay papalabas sa halip na papa- sok. Makikita sa ibaba ang tsart ng mga ponemang katinig sa wikang Filipino.

Mga Ponemang Katinig ng Filipino

(34)

Paraan ng Punto ng Artikulasyon

Artikulasyon Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangalangala Glottal Pakatal Velar Pasara w.t p t k ? m.t b d g Pailong ŋ m.t m n (ng) Pasutsot w.t s h Pagilid m.t l Pakatal m.t r Malapatinig m.t y w

E. ANG MGA KLASTER NG FILIPINO

Ang mga klaster ay tinatawag ding kambal-katinig. Nagkakaroon ng klaster sa Filipino dahil sa impluwensya ng mga salitang hiram sa wikang Ingles. Ang mga klaster ay magkasunod na magkaibang katinig sa isang pantig na maaaring matagpuan sa pusisyong inisyal o pusisyong pinal ng pantig.

Mga klaster sa pusisyong inisyal sa pantig ng salita.

/w/ /y/ /r/ /l/ /s/

/p/ pwede pyano prito plantsa

/t/ twalya tyanak trato tsinelas

/k/ kweba kyosko krus klase

/b/ bwaya byahe braso blusa

/d/ dwende dyaryo drakula

/g/ gwantes gyera grado glorya

/m/ mwebles myentras /n/ nwebe nyebe /l/ lwalhati lyabe /r/ rweda ryan /s/ swabe syarap /h/ hwebes hya

(35)

Mga Klaster sa Pusisyong Pinal sa Pantig ng Salita

/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/

/w/ iskawt dawntawn pawl blaws

/y/ istrayp plaslayt bayk drayb reyd geym syayn barganseyl beys

/r/ apartment park kard patern nars

/l/ balb dimpols

/s/ desk

/n/ absent alawans

/k/ relaks

F. MGA PARES MINIMAL

Ito’y mga pares ng salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang ipinagkaiba ng kanilang kahulugan.

Mga halimbawa:

/p/ at /b/ /s/ at /h/ /w/ at /y/

palo - pole silo - loop wasak - destroyed

balo - widow hilo - dizziness yasak - tramping

G. MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

May mga ponema sa Filipino na malayang nagpapalitan. Ang mga ponemang ito ay magkaiba na matatagpuan sa katulad na pusisyon ngunit hindi nakapagbabago sa kahulugan ng mga salita. Samakatuwid, magkaiba man ng dalawang ponema sa dalawang salita, magkatulad pa rin ang taglay nilang kahulugan. Narito ang ilang halimbawa. Ang mga ponemang may mga salungguhit ay malayang nagpapalitan ngunit hindi nila naaapektuhan ang kahulugan ng mga salita.

lalaki o lalake tutuo o totoo babae o babai nuon o noon bibe o bibi rin o din

daw o raw

(36)

H. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Sa wikang Filipino, may apat na uri ng ponemang suprasegmental; ang tuno , haba , diin at antala

1 Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba ng pagbigkas ng pantig

ng salita.Nakakatulong ito sa mas mabisang pakikipag-usap sa kapwa dahil nililinaw nito ang mensaheng nais iparating sa kanya ng nagsasalita. May 3 antas ng tono: mababa,

katamtaman,at mataas. Pansinin ang mga halimbawa sa

ibaba: 3 3 na ni 2 ka 2) ka 1 1 ni na

Sa unang halimbawa, ang nagsasalita ay nagtatanong o nagdududa at humihingi ng kasagutan mula sa kausap. Sa ikalawang halimbawa naman, ang nagsasalita ay nagsasalaysay.

2. Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas ng pantig ng

salita

habang ang diin ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pan- tig ng salita. Kapag isinulat ang salita, ginagamit ang tuldok [.] sa pagpapakilala ng haba ng pagbigkas sa patinig na pinal ang bigkas. Ang haba at lakas ng diin sa pagbigkas ng pantig ay nakakapagpabago sa kahulugan ng salita.Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba:

/magnana. kaw/ “thief o robber” /magna.na.kaw/ “will steal o will rob”

/mag.nakaw/ “will continue stealing” o” will continue

robbing”

/ba . ba?/ “chin”

/baba?/ “to go down”

(37)

/aba. la/ “disturbance”

/abala/ “busy”

3. Ang antala naman ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa

pag-

sasalita,maging mas malinaw ang mensaheng inihahatid sa kausap. Pansinin ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga sumu- sunod na pangungusap.

a) Hindi, taga-Batac ang ama ni Linda. b) Hindi taga-Batac ang ama ni Linda.

Ang unang pangungusap ay may antala pagkatapos ng salitang hindi na ipinakikilala ng kuwit. Ang antala sa pangungusap ay nagsasaad na ang ama ni Linda ay taga-Batac at hindi taga-ibang lugar.

Sa ikalawang pangungusap, walang antala pagkatapos ng hindi ,kaya tuloy-tuloy ang pagbigkas ng buong pangungusap.Masasabi kung gayon na ang antala ay nagdudulot ng pagbabago sa kahulugan o mensahe ng pangungusap.

I. PALABIGKASAN AT PALATULDIKAN

Sa pag-aaral ng wikang Filipino, lubhang mahalagang matutunan ang iba’t ibang uri ng katangian nito. Natutunan natin na maraming salita sa wikang Filipino ang may iisang baybay ngunit nagbabago ang kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng tuldik..

1. Ang iba’t ibang Uri ng Diin

a. Diing malumay - >Ito’y binibigkas nang banayad,

>ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli. >Ito’y walang tuldik at

>maaring magtapos sa patinig o katinig Halimbawa: buhay, tunay, aso, kabundukan

b. Diing malumi ->ito’y binibigkas din nang banayad,

>ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli >ito’y may impit sa huling pantig at

>laging nagtatapos sa patinig.

>Ito’y may tuldik na paiwa ( \ ) sa itaas ng huling

(38)

patinig.

Halimbawa: pusò, bandilà, luhà, lagì

c. Diing mabilis - >Ito’y binibigkas nang tuloy-tuloy at pabunto sa

huling pantig.

>Ito’y nagtatapos sa patinig o katinig at

>nilalagyan ng tuldik na pahilis ( / ) sa itaas ng huling patinig.

Halimbawa: asó, malusóg, bató, totoó

d. Diing maragsa - >Ito rin ay binibigkas nang tuluy-tuloy hanggang

sa

huling pantig.

>Ito’y may impit sa huling pantig at

>laging nagtatapos sa patinig. Ito’y nilalagyan ng tuldik na pakupya ( ˆ ) sa ibabaw ng huling pantig.

Halimbawa: dugô, maputî, napunô, ngitî

YUNIT 5: ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA A. ANG KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 1. Ang mga Alpabeto at Ortograpiyang Filipino

Ang ortograpiya ay tumutukoy sa paraan ng pagbibigay ng simbolo sa wikang pasalita kapag ito ay isinusulat. Kaya naman ang mga tunog o ponema ng wikang Filipino ay binibigyan ng katumbas na mga letra sa palabaybayan na tinatawag na alpabeto.

Dumaan sa proseso ang pagkakabuo ng Alpabetong Filipino. Bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa, mayroon nang ginagamit na paraan ng pagsulat ang ating mga ninuno na tinatawag na baybayin o alibata. Sa sistemang ito ang pagpapantig at pagbabaybay ay iisa.

Nang dumating ang mga Kastila, ipinakilala ang sistema ng pagbabaybay na tinatawag na abecedario. Sa sistemang ito sinasabi munang isa-isa ang mga letra ng unang pantig at pagkatapos ay sasabihin na ang mga letra ng unang pantig at pagkatapos ay sasabihin na ang pantig.

Halimbawa: / Be-a/ba;te-a / ta = bata.

(39)

Ipinakilala naman ni Lope K. Santos ang kanyang abakada noong panahon ng komonwelt. Ito ay binubuo ng 20 letra, 5 patinig at 15 katinig: A,B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y.

Taong 1987 nang ipakilala ang tinatawag na Bagong

Alpabetong Filipino batay sa Kautusang Pangkagawaran blg. 81,

1987 ng kagawaran ng Edukasyon Kultura at Isports. Isinasagawa ng Surian ng Wikang Pambansa (na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino) upang umayon sa itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 tungkol sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman ng Filipino bilang wikang pambansa.

Ayon sa kautusang ito, ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ang ayos at basa ay ganito (Santiago at Tiangco, 2003):

A B C D E F G

/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /dzi/

H I J K L M N

/eyts/ /ay/ /dzey/ /key/ /el/ /em/ /en/

Ñ NG O P Q R S

/enye/ /endzi/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/

T U V W X Y Z

/ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/ Sa 28 letrang alpabeto ang letrang orihinal na abakada: A,B,K,D,G,H,I,L,M,NG,O,P,R,S,T,U,W,Y ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinatanggap o nagsimula na sa bokabulayo o talasalitaan ng wikang pambansa.

Halimbawa: Banyo (baño), trak (truck), bintana (ventana), nars

(nurse)

Ang pagbasa sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles maliban sa ñ (enye)na tawag-Kastila.

(40)

B. GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA (Komisyon sa

Wikang Filipino , Mayo 20, 2008)

Ang gabay sa ortograpiyang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang istandardisadong mga grapema ( o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.

1. Mga grapema: Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng:

a. Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto. Ito

ay

binubuo ng dalawampu’t walong (28) simbolo: b. Di-Letra, na maaaring buuin ng:

(1).Gitling (-), at paiwa (`), na sumisimbolo sa impit na tunog .

(2).Tudlik na pahilis ( /) na sumisimbolo sa diin at / o haba. (3).Bantas, gaya ng tuldok (.), patanong (?), pandamdam (!), kuwit (,),tuldok- kuwit (;), tutuldok (:), at kudlit (‘).

D. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBABAYBAY

1. Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita,pantig,daglat,akronim,inisyal, simbolong pang-agham,atb.

PASULAT PABIGKAS

Salita---boto /bi-ow-ti-ow/

Pantig----pan /pi-ey-en-ti- ay-dzi/ Akronim---MERALCO /em-i-ar-ey-el-si-ow/ Daglat---Bb. /bi-bi/

Inisyal---MLQ /em-el-kyu/ Simbolong Pang-agham--- Fe (iron) /ef-i/

(41)

2. Pasulat na Pagbaybay

a. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.

“vakul” (Ivatan)-panakip sa ulo na yari sa palmera na ginagamit

bilang pananggalang sa ulan at init ng araw. “bananu”(Hudhud)-hagdan-hagdang palayan

“cabalen” (Pampango)- kababayan

b. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika,panatilihin ang orihinal nitong anyo.

“status quo” “bouquet” ”pizza pie”

c. Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español,baybayin ito ayon

sa ABAKADA.

“familia” pamilya “baño” banyo “cheque” tseke “maquina” makina d. Sa pag-uulit ng mga salitang –ugat na nagtatapos sa patinig na “e”, hindi ito pinapalitan ng letrang “i”.Kinakabitan ng “ng” ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

Berde/berdeng-berde kape/kapeng-kape karne/karneng-karne

e. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa “e”,ito ay nagiging “i” at ang “o” ay “u”. korte – kortihan hinto – hintuan

atake – atakihin balot – balutin

f. Gayunpaman, may mga salitang nananatili ang “e” kahit hinuhulapian.

(42)

Sine-sinehan bote-botehan base -basehan

E. ANG PANTIG AT PALAPANTIGAN

1. Ang Pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng

tinig sa pagbigkas ng salita.May isang patinig lamang sa bawat pantig.

Halimbawa: oras o-ras ulo u-lo ilaw i-law

2. Kayarian ng Pantig

Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan nang paggamit ng simbolo: K – para sa katinig at P – para sa

patinig. Kayarian Halimbawa P i-log KP bu-nga PK us-bong KPK bul-sa

Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa

wikang pambansa. Ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK.

“trá - po” (KKP-KP) “plan - ta” (KKPK-KP)

“trans – por – tas - yón” (KKPKK-KPK-KPK-KKPK) “is - pôrts (PK-KPKKK)

3. Pagpapantig- ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita.Ito

ay ibinabatay sa grapema o nakasulat na simbolo

(43)

a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal,midyal, at pinal ng salita,ito ay hiwalay na mga pantig.

Halimbawa: Salita Mga Pantig aakyat a-ak-yat totoo to-to-o uuwi u-u-wi

b. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita,katutubo man o hiram,ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa: Salita Mga Pantig aklat ak-lat bunso bun-so isda is-da

c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magka- sunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa pantig na sinusundan at ang huli ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa: Salita Mga Pantig eksperto eks-per-to transpormer trans-por-mer transportasyon trans-por-tas-yon

d.Kapag ang una sa magkasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl,br, dr,pl, at tr,ang unang dalawa ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa: Salita Mga Pantig alambre a-lam bre balandra ba-lan-dra templo tem-plo

e.Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa isang salita,ang unang dalawa katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling

(44)

dalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa: Salita Mga Pantig ekstra eks-tra

ekslusibo eks-klu-si-bo ekstradisyon eks-tra-dis-yon

E. ANG PAGHIHIRAM

Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay ang mga sumusunod:

1. Huwag pa ring manghiram, ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto.

“rule” = “tuntunin” hindi “rul” “narrative” = “salaysáy” hindi “nárativ”

2. Huwag manghiram, ihanap ng katumbas sa mga wikang lokal na wika ang konsepto.

“tarsier” = máomag” “málmag” (Bol-anon) “whale shark”= “butanding’(Bikol)

3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran:

a. Kung wikang Espanyol ang pinaghiram, baybayin ang salita ayon sa ABAKADA.

“cebollas” > sibuyas “Socorro” > “saklolo” “componer” > “kumpuni” “psicologia” >

sikolohiya

b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinaghiram, panatilihin ang orihinal na anyo.

“daddy” “boyfriend” “sir” “psychology” > “psychology” hindi “saykoloji”

(45)

c. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi,

panteknikal at pang-agham.

“Manuel Luis Quezon” Ilocos Norte”

“chlorophyll” “sodium chloride”

d. Baybayin alinsunod sa ABAKADA ang mga hiram na salita na naiba ang bigkas at/ o kahulugan sa orihinal.

“ stand by” > “istámbay” “up here” > “apir” “ hole in” > “holen” “caltex” > “kaltek” e. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi

nang ginagamit.

“teleponó” hindi “teléfonó”

“pamilya” hindi “familiá” o familya”

“epektibo” hindi “efektibo” o “efectivo”

f. Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang istriktong poneti- kong baybay ng mga salita, laluna sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay. Maaaring pagkamalan itong maling ispeling.

“ponolohiya” o “palatunúgan” hindi “fonóloji”

“Uri ng wika” o“barayti ng wika” hindi “varayti ng wika” “pasalaysay” hindi “narativ” f. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas

“Repúbliká ng Pilipinas” hindi “Repúbliká ng Filipinas”

“Agham panlipunan” hindi “Sosyal-Sayans”

YUNIT 6:MGA MAKRONG KASANAYAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

A. PAKIKINIG

Referensi

Dokumen terkait

- Isang pamilihan na isa lamang ang nagtitinda; isang balangkas sa pamilihan na ang produkto ng isang industriya ay hinahawakan ng isang nagbibili o isang

Bilang isang mag-aaral, mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng pag- rekomenda sa iba pang mambabasa na tangkilikin o basahin ang aklat na ito na nilathala ni

Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan sa masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa tungkol

pangungusap' ang ga titi at salitang dapat isaayos tungo pangungusap' ang ga titi at salitang dapat isaayos tungo sa isang aahulugang 0alangas ng pag0a0atid ng dia,

Sumasalamin ang portfolio sa paghahalaga ng isang mag-aaral kaya naman matinding pagtitiyaga ang kailangan sa paggawa nito.... Nilalaman

 panuto; paggawa ng isang bagay kung papaano; pagsulat ng mga balita; pagbibigay ng katuturan no; pagsulat ng mga balita; pagbibigay ng katuturan o depinisyon; mga pag-uuri at

Ang nasabing epiko ay naglalahad ukol sa kabayanihan ng isang mandirigmang Ipugaw na si Aliguyon at naglakbay mula sa bayan ng Hannanga upang makipagdigma sa isang lider o pinuno

Hihimayin ng may-akda ang ugnayan ng food insecurity at lusog-isip, ipapaliwanag ang community pantry o paminggalang bayan bilang isang paraan ng pagbibigay ng mental health and