***OMT
DESKRIMINASYON SA KASARIAN
Magandang umaga po sa inyong lahat. Magandang umaga po Ma’am Mel. Kami po ang ika-apat na grupo at narito po kami para isadula ang temang deskriminasyon sa kasarian.
Sa ating panahon sa kasalukuyan, tanggapin man natin o hindi, malaking isyu na ang kasarian. Lalong lalo na ang mga bakla, sila ang mga kalalalakihang pusong babae sa kilos at isip. Mas marami sila kumpara sa mga babaeng pusong lalake o ang mga tinatawag nating tomboy, kaya ang aming dula ay tungkol sa kanila.
Ang aming dula ay pinamagatang “TAGUAN”. Dahil nag-umpisa ang lahat sa larong taguan.
Mga Tauhan:
Ella - Narrator Justin – Baklita
Timothy – Batang straight Katrina -Nanay
Rica - Kalaro June – Ate
Trisha – Baklang Abogado Myles – Baklang Nurse
Scene 1 – Taguan (Justin, Timothy, Rica, June, Myles, Trisha)
Ella : Sa plaza nagkita-kita ang mga magkakaibiga n para maglaro ng taguan at nakita nilang nag-iisa si baklita. Timothy: Hi baklita , Sabi ng teacher ko wag daw magdiscriminate ng mga bading. Kaya gusto ka sana naming makalaro ng tagu-taguan.
Rica – Oo nga, para mas marami tayo, mas masaya di ba? June – Oo naman, sige na.
Justin: Wit na lang. Bet ko sana kaya lang wit keri ng beauty kes. Kayes na lang. Trisha : Ang arte nman ng baklang bubwit na toh.
Myles: Sige na. Kung ano man yang sinasabi mo. Sali ka na. Di ka pa nakakalaro ng tropa e.
Justin: Haist sige na nga. Gora na tayes. Mga biway naman kayo e, ok lang naman siguro. Rica: Yehey! dami na tayo, mas masaya.
*Playtime na. Si baklita ang taya:
Tim: Tatago na kami!
Myles, Trish, Rica, June: Tara na!
Justin: Gora! “Shogu-shoguan, Ning ning galore ang buwan, Pagcounting ng krompu, Nakashogu na kayey. Jisa… Krolawa…Shotlo…Kyopat…Jima…Kyonim…Nyotert…
Walochi…Syamert…Krompu!!! Mga beki, andetrax na atashi!!!!"
Kat: San kayo galing mga bata kayo? Gabi na ah!
Tim: Naglaro po kami ng shoguan sa plasa.
June: Oo nga po nay, ang saya po namin eh kaya nakalimot po kami sa oras.
Kat: Huh? Anong laro yun? Ikaw talaga natututo ka na magmura. Siguro kakasama nyo jan sa mga batang bading na yan ano?
Tim: Ma, wag nyo namang ganunin mga kalaro namin. Nice naman sila e. Tsaka enjoy kasama. Hmmm…
Kat: Abat! Totoo nga yata yung sinabi sakin ng Ate mo na bading ka raw.. June: (yuyuko) hihihi..
Tim: Echos! Hindi ako bading Ma!
Ella: Nagsimula sa larong taguan. Naging malapit sila sa isat-isa. Hanggang sa lumaki’t naging best of friends si Baklita at Batang straight. Laging magkasama pati sa trabaho nang medyo nagbinata na este nagdalaga na sila.
Taguan Part II
Tim: Girl hindi ko na kaya toh. Sobrang haggard na sa parlor para may maibigay na anda kay Takgoh tapos inuubos lang naman nya sa alak at sugal. Anung gagawin ko Teh?
Justin: Teh keri lang yan. Ginusto mo yan eh. Sabi ko naman sayo nung maliit pa tayo ok lang maging bading basta wag lang o.a. mag-giblab ng mga datung sa mga boylet. Kalurkey ka, pati yung ref ng nanay mo binenta mo na para lang sa boylet mo na yan. Haisst..
Tim: Girl, di ko alam kung anung raket na papasukin ko para lang may maisustento kay Takgoh. Love ko kasi talaga sya eh.
Justin: Girl mangholdap ka kaya. Magaling ka naman magtago eh kaya di ka mahuhuli ng pulis. Naalala ko ng lilet pa lang tayo, naloka talaga ako sayo ng bongga nung nagtago ka tapos alas dose na ng hatinggabi di ka pa rin lumalabas, bakla ka.
Tim: Teh wag namang ganun. Gusto ko pa rin naman yung sa marangal na paraan. Tsaka yung makakatulong sa bansa.
****OMT
JUstin: Wish ko lang te. Sadyang masikip ang mumdo para sa ating mga bakla. Tanggapin na natin ang realidad, tayong mga bakla hindi kayang mahalin ng mamahalin natin. Masyadong maliit ang tingin sa atin, kung meron mang Takgoh, Matthew, Eric or Vincent na dumating pera lang girl…alam mo yon. Kaya mag-ipon na lang tayo para sa future hindi kung kani-kaninong boylet diyan napupunta pinaghihirapan natin.
Taguan Part III
Ella: After 15 years ay nagreunion ang mga magkababatang dati ay naglalaro lang ng taguan pero ngayo’y propesyonal na. Sila’y titulado at mapepera na.
Nurse(Myles): Girl, naloloka ako sa mga pasyente ko. Ang gagwapo !
Nurse(Myles): Girl yan ba tinuturo sa law school? Ang kiyawti ng banat mo ha. Kung makapagsalita ka parang yun ka at eto lang ako. Haissst…
Rica: Hoy Mga Becky wag kayong maglaitan dahil pareho lang kayo ng kulay ng dugo. Mga halamang dagat kayo, di nyo dapat dinadown ang isat isa. Hay naku, minsan nga punta kayo sa opis ko at nang ma-counsel ko kayo. Me problema na kayo sa behaviors.
June: Buti pa nga, Para medyo matauhan iyang mga iyan.
Tim: Hay ang ganda ng araw, wag nyo naming sirain. Ngayon nga lang tayo nagbonding eh.
Justin: Kafatid nakakarelate ka ba sa kanila? Ang yayabang na ng mga sisterette natin. Parang kelan lang kinagat ko sila sa leeg para mahawaan, ngayon mas bakla pa sila kesa sa akin.
Tim: Ano ka girl Vampire ang daddy ko..
Justin: Korek. O sige na tumalikod ka na at tatago na kami. Galingan mo paghanap ha. Bakla ka sayang ang pagigng Miss Bulalakaw mo pag di mo kami nahanap.
Sigaw ng lahat: Game na!!!!!
Justin: “Shogu-shoguan, Ning ning galore ang buwan, Pagcounting ng krompu, Nakashogu na kayey. Jisa… Krolawa…Shotlo…Kyopat…Jima….Kyonim…Nyotert…Walochi…Syamert…Krompu!!! Mga beki, andetrax na atashi!!!!"
Ella: At doon nagwawakas ang aming dula.