• Tidak ada hasil yang ditemukan

Agimat at Bertud

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Agimat at Bertud"

Copied!
21
0
0

Teks penuh

(1)

AGIMAT AT BERTUD

PAUNANG SALITA:

Tayo po ay binigyan ng DIYOS AMA ng sariling pag-iisip kaya kung ano man po ang inyong paniniwala o relihiyon ay aking iginagalang at hindi ko hinihikayat ang sinoman na maniwala at sumunod sa aking kinagisnang paniniwala.

Bago ako magsimula sa aking blog na "AGIMAT at BERTUD" nais ko munang ihayag sa mga babasa nito ang aking paniniwala tungkol sa DEUS na makapangyarihan sa lahat!!!

Ang DIOS AMA ay nag-iisa noong panahong wala pa ang lahat ng mga bagay, mga bagay na nakikita man at hindi. (Awit 93:2, Genesis 21:13, Isaias 57:15) Siya ang AMA ay isang Espiritù (Juan 4:24). Siya ay nag-salita (Juan 1:1) ang kaniyang pasimulang salita o ang unang tinig na nanulas sa kaniyang bibig ay naging isang umiiral na Dios (Juan 1:2). Ito ngang Tinig ay isang “Being” o Umiiral na Persona (Genesis 3:8) [Ipina-uunawang ang salitang persona na ginamit ay isang salitang pang-ukol upang ipantukoy sa isa na pinag-uusapan.]

(2)

Ang Tinig o Salita ay isang buhay na Umiiral (Hebreo 4:12), Siya ang sa ngayon ay ang tinatawag na “ANAK”. Kung ang Tinig ng Ama ay naging isang Dios o Makapangyarihang umiiral na persona, Samakatuwid bagà ay dalawa ang Dios? Tunay na hindi! Ito ay sapagka’t ang Dios AMA ay pumaloob o puma-sa personang ito, alalaon baga’y sa ANAK (Juan 14:10). Kung kaya tumpak ang pagkasabi: ako at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) Iisa sapagka’t sila ay nagkakalakip, gaya nang unang araw na lalangin ang tao; siya ay iisa sapagka’t hindi pa nahihiwalay mula sa kaniyang tadyang ang naging isang babae(Genesis 2:21, 5:2). Tunay nga ang pagka-sabi patungkol sa tao: sa wangis ng Dios siya nilalang (Genesis 5:1, 1:27) Subalit kumusta naman ang Espiritù Santo? Hindi bagà ito ay isa na tinutukoy na ikat-long persona ayon sa tradisyong turo ng pinaka-malaking bahagi ng sangka-Kristiyanuhan? Sapagka’t mapapansin sa talata ng (Mateo 28:19) na tila bagà may binabanggit na tatlo o talong persona na umiiral. Tangi pa roon, bagaman at ang Ama ay isang Espiritù ay tinukoy din na siya ay mayroong Espiritù (Isaias 61:1). Tunay nga na may isa pang umiiral na persona ang Espiritù Santo.(Genesis 1:2) Ngunit nangangahulugan ba ito na tatlo na ang Dios? Tunay na hindi! Sapagka’t kung mapapangsin ang sanaysay sa itaas ay pinatunayan ng Kasulatan na iisa ang Dios bagaman at tila bagà dalawa (ang Ama at ang Anak) ang nabanggit. Ngunit sa usapin tungkol sa Espiritù Santo bigyang pansin lamang ang demonstrasyon o paghahayag sa pamamagitan ng Bautismo na isinagawa ni Juan Bautista, dito’y mapapag-tanto na ang tatlong persona ay iisang Dios.

(3)

Mapag-uunawa na tatlo nga ang persona o umiiral ngunit ito ay iisa. Gaya naman ng [isang]tao na kaniyang larawan, binubuo ng: espiritù, kaluluwà, katawan. Tatlo ang binabanggit subalit siya ay iisa (1Tesalonica 5:23).

“ ANG AKING PANINIWALA ”

Nang matapos ang paglalang…. Ang makapangyarihang I.D. ay nagpahinga sa ikapitong araw at siya’y lumuklok sa pinakamataas at IKAPITONG BAHAGI ng kalangitan (sa tradisyon ng matandang paniniwala ay ang nuno). Ang wika ng Infinito Deus YESERAYE ay: “Sa kalakihan nitong sandaigdigan WALANG KIKILALANING HARI NG MGA HARI AT DIOS NG MGA DIOS KUNDI AKO LAMANG at WALANG PAGLIKHANG MAGAGANAP KUNDI TATAWAGIN MUNA ANG AKING PANGALAN”.

May tatlong katauhan ang lnfinito Deus: ito ay ang Dios Ama (MATAM), Dios Anak (MITAM), at Dios Ina o Espiritu Santo (MICAM). Ang tatlong katauhang ito ang bumubuo sa “Santissima Trinidad”. Ito ay ayon sa kaalamang bayang teolohiya.

(4)

Ang Dios Ama ay ang Dios ni Abraham at ni Moises. Noong unang panahon nakilala siya sa pamamagitan ng tinig o boses. Sa simbolismo ng mga Pilipino, siya ay mata sa loob ng isang trespiku. Kilala rin ito na Ohos Anima Sola.

Ang Dios Anak ay walang iba kundi si Jesus (YESHUA) na bumaba sa lupa, nagkatawang tao, nabayubay sa krus, umakyat sa langit, at umupo sa kanan ng Dios Ama.

Ang Dios Ina ay bumaba sa lupa, nagkatawang tao rin subalit sumakatao sa iba't ibang pinagpalang mga babae na sinusunod ng iba't ibang samahan katulad nina Maria Bernarda Balitaan, Victoria Piedad, Josefina Lopez, atbp. Sila ay may kani-kaniyang tipan na ipinahahayag.

Sa konteksto ng kaalamang bayang teolohiya na itinuturing na apokripal sa Bibliya, ang Dios Ama ang unang naghari sa daigdig na ipinagkaloob ng Infinito Dios. Ipinalam niya sa sangkatauhan ang kaniyang naisin sa lahat ng kaniyang nilalang sa pamamagitan ng tinig o boses. At ganito nga ang nangyari nang palayasin niya si Adan at Eva sa Paraiso at pinagbilinan na sa sarili nilang pawis manggagaling ang kanilang ikabubuhay. Gayundin ang nangyari kay Nunong Noe nang gunawin ang sandaigdigan at kay Moises nang ibinigay niya ang kaniyang sampung utos.

(5)

Anopa't ipinagwalang bahala ng sangkatauhan ang pagmamahal ng Dios sa kaniyang nilalang. Ito'y nalusak sa pagkakasala. Kaya't minarapat ng Santisima Trinidad na pababain sa lupa ang Dios Anak sa pamamagitan ng pagkakatawang tao upang iligtas ang sanglibutan. At gayun na nga ang nangyari. Si Jesus ay nagkatawang tao, tinupad ang kaniyang ministeryo, ipinako sa krus, umakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Dios Ama.

Subali't nagpatuloy sa gawaing pagkakasala ang sangkatauhan kahit na nga tinubos niya sila sa pamamagitan ng kaniyang gracia dahilan sa kaniyang lubos na pag-ibig. Ang konsistoryo ng Santisima Trinidad ay muling nagpulong at kanilang pinagkasunduan na panahon na upang ang Dios Ina naman ang bumaba sa lupa.

“KASAYSAYAN NG DEUS AYON SA LUMANG AKLAT NG

ISANG ANTINGERO "

Sa pasimula ng wala pa ang langit at lupa, ang lahat ay nababalot sa walang hanggang kadiliman……

(6)

Ang makapangyarihang "Infinito Deus YESERAYE" ang unang lumitaw at ang kanyang anyo ay isang matang may pakpak na nakabalabal at sa kanyang balabal ay nakasulat ang kanyang kauna-unahang pangalan na tanging siya lamang ang nagbigay ng kanyang sariling pangalan. Siya'y paikot-ikot lamang sa kanyang paglipad at Matapos ang kanyang paglipad, inisip ng Infinito Deus na gumawa ng kanyang pahingaan, subalit bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay inisip niyang magkaroon ng isang makakatulong sa paglikha.

Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot ang "Infinita Deus" sa kanyang ulo at ang anyo ay limang titik na "M-A-R-I-A" na may sinag na nagni ningning sa anyo ng limang talulot ng isang mayuming bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na Gumamela Celis na ang ibig sabihin ay BULAKLAK ng LANGIT, o bulaklak ng mundo (Rosa Mundi). Ang "MARIA" sa wikang Siria ay MIRIAM na ang kahulugan ay KATAASTAASAN.

Ginawa na nga ng I.D. ang PLANO o ang ANYO ng kanyang mga lilikhain at gagawin SA BUONG UNIVERSO: ARAW, BUWAN, PLANETA, LANGIT, LUPA, TUBIG, APOY, HANGIN, mga kahoy at halaman, mga hayop at TAO, ngunit una at higit sa lahat ay ang mga banal na Espirito na kakatulungin niya sa kanyang paglikha.

(7)

Nang mayari na ang nasabing PLANO, ay ipinakita ng I.D. kay Bulaklak na kaniyang kasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung Espiritual, ngunitkailangang baguhin ang iba kung gagawing Material , sapagkat ang plano ng I.D.,ang malalaking punong kahoy mamumunga ng malalaki at ang maliliit at mabababang halaman ay mamumunga naman ng maliliit. Sinabi ni Bulaklak na kung ang mga punong kahoy na yaon ay ilalagay sa lupa ay kailangang ang lalong malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliit na bunga, at ang maliliit at mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyang dapat bigyan ng malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, at wika din ni Bulaklak na ang matatayog at malalaking punong kahoy ay sisilungan ng mga tao at hayop kung nadadarang sa init ng araw, at kung ang malaking bunga ng kahoy ay mahinog at hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong ito kapag may taong nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang kaya ito ay dapat baguhin ang sabi ni Bulaklak. Kaya ang I.D. ay binago ang kanyang plano ayon sa payo ni Bulaklak. Ang malaki at matayog ng kahoy ay siyang pinapagbunga ng maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang pinapagbungang malalaki, ayon sa payo ni Bulaklak.

(8)

Nang nakahanda na ang lahat ay inisip ng Dios na likhain na ang kanyang mga kakatulungin. Ng siya'y nag-iisip ay bigla siyang pinawisan sa kanang tagiliran, at ng kanyang iwaksi ang labing anim nawisik ng pawis ay naging labing anim na Espiritu (16). Muli siyang pinawisan sa kaliwang tagilirang at ng iwisik ang ay tumalsik ang walong butil ng pawis na siyang naging walong (8) mga espiritu.

Matapos ang paglikha ng I.D. sa 24 na Matatanda o mga Espiritu ay binigyan niya ng kanya-kanyang masasakupan at lilikhain at sila’y nagkahiwa-hiwalay na ayon sa kanilang grupo, subalit ang habalin ng I.D. na bago sila gumawa ng ano mang paglikha ay unahin munang tawagin ang kanyang KAMAHAL-MAHALANG PANGALAN at magagawa nila ang lahat.

Sa 24 ay hinirang ng I.D. ang tatlo na magsisiganap at tutupad sa kanyang ginawang plano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang "AAA" AVELATOR-AVETEMIT-AVETILLO +++ Sila ang Tatlong Persona o Santisima Trinidad na nag-usap sa pagsisimula ng paglikha ng Tao, na ayon sa Lumang Tipan ang nasusulat ay “lalangin natin ang TAO ayon sa ating wangis”

(9)
(10)

"AGIMAT at BERTUD"

Ang "Agimat at Bertud" ay katutubong katawagan sa natural power na

galing sa kalikasan na tulad ng "Mutya". Ang lahat ng Mutya ay

nanggagaling sa kalikasan at may kanya-kanyang taglay na

kapangyarihan... Ngunit kadalasan ang "Mutya" ay nagbibigay ng

proteksiyon o iwas sa mga disgrasiya sa may taglay nito. Mayroon

ding "Mutya" na bukod sa pangontra sa mga evil spirits at masasamang

tao ay iwas din sa disgrasiya at pangpasuwerte sa buhay. Sa madali't

sabi pangkalahatan ang bertud nito.

Sang ayon po sa aking lolo na isa rin dating "Antingan'' at namatay

siya sa edad na 98 years old, kung ang tao ay dapat na maligo ng

tubig upang mabuhay.... ang "Mutya" naman upang lagi siyang buhay

ay dapat din na mabasa ng tubig o paliguan o ibabad sa isang basong

tubig ng mga 15 hanggang 30 minuto, at ito'y gawin tuwing

biyernes. Kung nasa probinsiya naman po kayo ay mas pabor sa

"Mutya" kung tubig na galing sa malinis na ilog o kaya naman sa poso

ang gagamitin. Ngunit kung nasa siyudad naman kayo ang tubig na

(11)

galing sa gripo ay pwede na rin gamitin basta't pwedeng inumin.

Pagkatapos ibabad ang mutya sa isang basong tubig ay inumin ito.

Ang "MUTYA" ay pwede rin na lunukin (subo) kung maliit lamang o

ibaon sa katawan, pero kadalasan ay dalhin lamang sa katawan sa

pamamagitan ng supot na pulang tela at gawing kuwentas o kaya naman

ay itali sa baywang. BABALA: iwasang ipahipo o ipakikita sa iba ang

"Mutya".

Mayroon ding mga "Agimat at Bertud" na gawa sa "Medalyon",

"Talandro” o panyong puti o pula na may imahe at may nakasulat na

oraciones, o kaya sa papel o inuukit sa kahoy, sa metal o maging sa

bato. Subalit ang mahalaga po dito ang patungkol dito ay dapat na

soledo sa debosyon sa kanya-kanyang nauukol na Orasyon o dasal sa

pamamagitan ng Latin, Aramaic o Hebrew. Mahalagang dapat ay

kumpleto ang Susi, Panawag at Poder. Sa simula pa lamang ng

pagtataglay nito ay dapat na dasalan ito ng 7-biyernes na

sunod-sunod na araw, sa madaling sabi sa kabuoan ay 49 na araw. Dapat na

magsimula sa araw ng Unang biyernes ng ano mang buwan. Kung kayo

po ay pumatlang ng kahit na isang araw lamang sa loob ng 49 na araw,

dapat ay umulit uli at mag-umpisa sa unang biyernes. Sa madali't sabi

dapat na makumpleto ang 49 araw na sunod-sunod hanggang marating

ang ika 49 na araw. Kung natapos na ang 49 na araw, ay dapat na

dasalan debosiyonan parin ito tuwing araw ng biyernes kahit na anong

oras subalit mas maganda kung sa umaga gawin. Ganito po ang gagawin

kahit saan mang lugar kayo naroon huwag lamang po sa kubeta o sa

mga bahay aliwan... hawakan ng kamay at ilapit sa inyong bibig

habang binabanggit mo ang Poder at panawag at saka ihuli ang susi

sabay hinga sa hawak mong agimat. Sa biglaang pagkakataon naman ay

banggitin lamang ang "SUSI" at ang taglag ninyong Agimat ay aandar

na. Iwasan lamang po na ito'y gamitin sa panglalamang sa kapwa, dahil

bawat ginagawa nating masama sa kapwa ay may katumbas na "BAD

KARMA". Tandaan lamang po na ang pagtataglay ng "AGIMAT O

BERTUD" ay pang proteksiyon lamang o pananggalang sa ating

katawan.

(12)

Sa ngayon sa modernong mundo na ating kinabibilangan, bagamat

marami na ang naging pagbabago sa konteksto ng Agimat, ginagamit pa

rin ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga taong nananalig dito.

Sa mga katha at relihiyon, ang agimat ay iniuugnay sa isang tao at sa

kanyang mga ideya ukol sa pamumuno, kapangyarihan, nasyonalismo at

rebolusyon.

Ang pinagmulan nang paggamit ng Agimat ayon sa mitolohiya ay

nagmula pa bago dumating ang mga Kastila at ang

Katolisismo

. Ang

pagsamba ng mga sinaunang Pilipino ay nakasentro sa mga espiritu,

anito at mga diyos, kung saan si Bathala ang pinakamataas. Ang

ganitong buhay ispirituwal ang nagbigay ng iba’t ibang paniniwala ukol

sa agimat at sa mga kapangyarihang nilalaman nito.

Sa pagdating ng

Katolisismo

ay nadagdagan pa ang mga mahiwaga at

paganong elemento na hinaluan ng mga relihiyosong katauhan at

konsepto gaya ng Ispiritu Santo, Santisima Trinidad, Sagrada Familia,

Virgen Madre, ang Mata, at iba pa na naidagdag sa kredo ng agimat.

Sa rebolusyon at digmaan, naging mahalaga ang agimat bilang bahagi

ng armas pang-digmaan. Pinaniniwalaan na ang laman nitong ispirituwal

at mahiwagang kapangyarihan ay magbibigay ng walang-hanggang

lakas, proteksyon, at kagalingan.

Noong Rebolusyon ng 1896 laban sa Espanya, ginamit at taglay

ni EMILIO AGUINALDOang Agimat na Medalyon at Panyo ng

Santisima Trinidad. Si ANDRES BONIFACIOay Medalyon at panyo ng

Santiago de Galicia (Birhen del Pilar), at si ANTONIO LUNAMedalyon

(13)

at panyo ng Virgen Madre. Karamihan sa miyembro ng Katipunan ay

mayroong mga Agimat at Bertud.

Sa Cavite na kilalang bayan ni Senador Ramon Revilla Sr., isang

batikang Pilipino actor ay isinapilikula niya ang true to life story ng

mga taong nagtaglay ng “Agimat at Bertud” sa bayan ng Cavite na

sila:

LEONARDO MANICIO ng Imus Cavite as “Nardong Putik” na ang

taglay na agimat ay Medalyon at panyo ng Triangulong “AAA” at

mutya ng lupa-isang maliit na batong kulay pula.

SANTIAGO RONQUILLO ng Imus Cavite as “Tiagong Akyat” na ang

taglay na agimat ay Medalyong 7-Arkangeles at pangil ng kidlat.

EDUARDO SET as “Kapitan Eddie Set” na isang Bario Captain ng

Silang Cavite na ang taglay na Agimat ay Medalyong kalog ng Infinito

Deus na lagpasan.

EDUARDO BERGADO ng Imus Cavite as ‘’Bergado Terror ng Cavite” na

ang taglay na Agimat ay "subo" na mutya ng kahoy na Sinukuan na

isang maliit na batong kulay puti.

(14)

DOMINGO SANTIAGO ng Imus Cavite as “Kapitan Ingo kumakain ng

bala” na ang taglay na Agimat at Bertud ay Panyo ng SATOR at ngipin

ng kidlat.

MAYOR PATROCINIO GULAPA ng Maragondon Cavite as “Gulapa

Barakong Mayor ng Maragondon” na ang taglay na Agimat at Bertud

ay ngipin ng kalabaw sa unang lagas at mutya ng isda.

"NIYOG NA WALANG MATA"

Ang "Niyog na walang mata" ay isangpangkalahatang Agimat at walang makakasupil

sa may taglay nito kung na

kabaon dito ang kauna-unahang katutubong pangalan ng Infinito Deus na

MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT AT MAY GAWA NG LANGIT AT LUPA AT ANG LAHAT

NG NAKIKTA AT HINDI NAKIKITA O ANG LAHAT NG MGA BAGAY SA LANGIT,

(15)

kay nunong ADAN at ito’y kanyang ginamit noong siya’y bumaba sa Impeyerno at

walang sino mang nakasupil sa kanya maging ang hari ng mga demonyo.

Sa mga nakasubok na sa Mt.Banahaw, itong magkatakip na bao ng "Niyog na walang

Mata" na nakapalaman sa loob ang "Dignum Bakal at Dignum Dagat" ang bertud nito ay

tagaliwas o umiiwas ang bala ng baril kapag ito'y pinaputukan. Iwas din ito sa mga

disgrasiya at kapahamakan sa sinomang may taglay nito. Marami na rin akong

pinag-tanungan na mga antingero sa Batangas, Silang Cavite, Quezon province at sa Lucena

ay napatunayan ang bisa nito.

Sa akin naman po, ay makabubuting sangkapan narin ng "Dignum Goma" at "kahoy ng

Sinukuan". Sa madali't sabi ipalaman sa loob ng magkatakip na "Bao ng Niyog na

walang Mata" ang Dignum Bakal, Dignum Dagat, Dignum Goma at Kahoy ng Sinukuan.

"BAGING NA LAMPASAN"

Taong 1992 Biyernes Santo noon at first time na pag-ayat ko sa Mt. Banahaw. Sa

aking pag-ayat papuntang Kuweba ng Diyos Ama ay may nakasabay akong isang

matandang lalake subalit akoy nagtaka dahil ang liksi ng katawan niya at parang

hindi napapagod. Naging interesado ako sa matandang ito kayat hindi ko siya

hiniwalayan at sumama ako sa kanyang bahay sa Liliw Laguna at inabot ako

(16)

doon ng magdamag kayat magdamag din kaming nagkuwentuhan tungkol sa

mga Anting-Anting. Ayon sa matandang ito na nagpakilalang "KA MIGUEL na

isang Arbularyo, ang isa pang mahusay na Agimat ay ang " BAGING NA

TUMAGOS SA GITNA NG LETTER-Y NA SANGA NG PUNONG KAHOY O

MASASABING BAGING NA LAGPASAN NA MAY PITONG BUKO O MATA". Ang

sabi sa akin ay matatagpuan ito sa "Bundok ngSan Cristobal" na tinag-uriang

kambal ng "Mt. Banahaw" dahil magkatabi lamang sila. Sadyang mahilig ako sa

AGIMAT kaya sa panahong ito ang aking dala sa katawan ay "MEDALYON AT

PANYO NG TATLONG PERSONA NA MAY TATLONG MUKHA SA IISANG ULO",

sa aking pag-reresearch ay ito rin ang AGIMAT na ginamit ni General Emilio

Aguinaldo.

Pinag-planuhan namin ni Ka Miguel kung paano makukuha ang nasabing

"BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG BUKO O MATA" sa Bundok ng San

Cristobal. Kaya't madaling araw pa lamang ng Sabado De Glorya ay pinutahan

na namin sa Binangonan Rizal ang limang kakilala ni Ka Miguel na may mga dala

ding AGIMAT sa katawan.

Umaga ng Linggo ng pagkabuhay ng marating namin ang Bundok ng San

Cristobal. Pito kaming magkakasama at ang pinaka leader namin ay si Ka-Miguel.

Isang oras bago kami tumahak at akyatin ang bundok ng San Cristobal ay

(17)

nag-poder muna kami sa aming mga katawan na may malaking tiwala sa aming mga

kanya-kanyang AGIMAT. Halos 2 oras naming tinahak ang talahibang kagubatan

ng San Cristobal at talagang ramdam ko at ramdam din ng mga kasamahan ko na

may mga Ingkanto sa lugar na ito. Pag-dating namin sa punong kahoy na

kinalalagyan ng "UGAT NA LAMPASAN" ay hindi kaagad kami makalapit dahil sa

aming pagtataka sa paanan ng punong-kahoy ay napapaligiran ito ng

napakaraming ibat-ibang kulay ng mga ahas na sa aking palagay ay mga 200 ang

bilang. Sa tanang buhay ko noon lang ako nakakita ng ganoong karaming mga

ahas na may ibat-ibang kulay. Sabi ni Ka-Miguel ay magdasal kami ng taimtim at

muling mag-poder sa sarili at pagkatapos ay isa-isa naming ibinato sa gitna ng

mga ahas ang basag ng aming Agimat sa pamamagitan ng PANYONG MAY

NAKASULAT NA MGA ORACION O LATIN. Ang unang ibinato ay BERTUD NG

7-ARKANGELES, pangalawa ay BERTUD NG SANTO NINO NA DI BINYAGAN,

pangatlo ay BERTUD NG KRISTONG HARI, pang-apat ay BERTUD NG 7

BERHENG ATARDAR, pang-lima ay BERTUD NG SAN BENITO, pang-anim ay

ibinato ko rin ang aking taglay na panyo at BERTUD NG SANTISIMA TRINIDAD O

TATLONG PERSONA. Sa aming mga ibinatong panyo ay hindi man lamang

natinag ang mga ahas... kaya't nawalan na kami ng pag-asang makuha ang

"BAGING NA LAMPASAN" na noon ay mga 15 feet lang naman ang taas mula sa

lupa. Muling nag-dasal si Ka-Miguel ng taimtim at iwinagayway niya ng 7-beses

(18)

paikot mula sa kaliwa ang kanyang "PANYONG MAY BERTUD NA INFINITA DEUS

NA NAKATAYO SA MUNDO AT NAKA-APAK SA AHAS", pagkatapos ay ibinato

niya sa gitna ng kinalalagyan ng mga ahas... nagtaka kaming lahat dahil

pagkabagsak ng nasabing panyo sa lupa ay isa-isang hinalikan ng mga ahas ito

at iyong kulay puting ahas ang huling humalik at pagkatapos ay mabilis na

sabay-sabay na nagsilikas patungong kanluran.

Nang silay maglaho sa aming paningin, nilapitan namin ang punong kahoy at

dinampot namin ang aming mga panyo. Ang isa sa amin na ang dala ay

"KRISTONG HARI" ay siyang umakyat sa puno at kanyang pinutol ang malaking

sanga ng punong kahoy na kinalalagyan ng "BAGING NA LAMPASAN",

samantalang kaming naiwan sa baba ay paikot na pinalibutan namin ang puno ng

kahoy.

Sa wakas ay nakuha namin ang ''BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG

BUKO NA HUGIS MATA NG TAO". Ang parte lamang ng tumagos o lumagpas sa

butas ang aming pinag-putol putol sa pitong piraso. Kinuha lang namin ay parte

ng may "BUKO O MATA" na may 3 inches lang haba bawat isa ang haba.

Lubhang nagtaka kami dahil EKSAKTONG 7 LAMANG ANG BUKO O MATA NG

BAGING, at BUKO O MATA ng BAGING na ito ay pabaligtad ang pagkatubo,

dapat ito ay pataas ang pagkatubo mula sa butas ng kahoy na pinagtagusan,

(19)

pero ito'y pababa mula sa butas ng kahoy na para bagang nakatingin ang 7 mata

sa pinagtagusang butas.

Alas 2:00 na ng hapon ng lisanin namin ang Bundok ng San Cristobal at

nagtungo kami sa mahimalang ilog ng Mt. Banahaw na tinawag na

"KINABUHAYAN" at ayon na ring sa utos ni Ka-Miguel ay ilob-lob namin o

basahin ang aming kanya-kanyang "UGAT NA LAMPASAN" upang ito mabuhay

at magkaroon ng kapangyarihang TAGA-LIWAS O PANANGGALANG SA LAHAT

NG PANGANIB, KONTRA SA BARIL, KONTRA SA LAHAT NG METAL NA

NAKAKASUGAT SA KATAWAN, KABAL SA BUONG KATAWAN, KONTRA SA

MABABANGIS NA HAYOP AT AHAS, PANGONTRA DIN SA TAONG MAY AGIMAT

NA HINDI TINATABLAN NG BALA O ITAK. Para sa aming magkakasama ay

sadyang lubos ang aming paniniwala na tutuo ang sinabi ni Ka-Miguel dahil na

rin sa aming pinagdaanang karanasan bago namin makuha ang Agimat na

''BAGING NA LAGPASAN". Ayon kay Ka-Miguel marami nang sumubok na

makuha ang nasabing Agimat na ito subalit nangabigo silang lahat.

Gabi na ng Linggo ng pagkabuhay ng dumating ako sa aming tahanan sa Makati.

Kinabukasan ay binutasan ko sa bandang itaas ng buko ang taglay kong

"BAGING NA LAGPASAN" at ginawa kong kuwentas at sinasabit ko lagi sa akin

leeg subalit ito ay lagi kong itinatago sa mata ng tao, kayat kadalasan ay nakatali

(20)

lamang ito sa aking baywang sa loob ng supot ng telang pula. Totoo ngang may

bertud na taglay ang "BAGING NA LAGPASAN" dahil Biyernes Santo noong taon

1993 ay isinasama ko ito sa subukan ng mga Agimat sa Silang Cavite: isinasabit

ko ito sa puno ng saging at binabaril ng malapitan ng tatlong lalake na mayroon

ding mga Agimat na taglay sa katawan subalit hindi pumuputok ang kanilang

mga baril. Marami pang kababalaghan ang naipakitang bertud ng "Baging na

Lagpasan" sa aking buhay, tulad ng pangontra sa taong may Anting na ginagamit

sa kaliwa o kasamaan at Kabal sa katawan...

MEDALYONG KALOG NA INFINITO DEUS

AT SANTISSIMA TRINIDAD:

“PROTECTION FROM ENEMIES, EVIL SPIRITS, DANGERS AND BULLET”

Ang medalyong kalog ng “Infinito Deus at Santisima Trinidad” ay magkabaligtaran ang pigura.

Sadyang napakabisa ang “bertud”. Upang makamit ang "bertud" ng medalyong ito dapat taglay din ang mga oracion-LATIN na “Panalangin, Poder at Susi” na patungkol dito.Tuwing araw ng biyernes ay hawakan ang

(21)

panalangin, poder at susi na ang iyong bibig ay nakatapat sa hawak mong Medalyon.

Mahalagang dapat ang Oracion-latin na “SUSI” sa medalyong ito ay makabisado, dahil ito lamang ang banggitin sa biglaang pagkakataon at asahan mong ikaw ay maliligtas sa bala ng baril o ano mang metal na nakasasakit at sa disgrasiya.

Sa simula pa lamang ng pagtataglay ng Medalyong ito, dapat ay debosiyonan ng pitong (7) biyernes na sunod-sunod na dasalin ang Oracion-Latin na Panalangin, Poder at Susi. Sa madaling sabi sa kabuoan ay 49 na araw na sunod-sunod.

Referensi

Dokumen terkait

Düşüncenin getirdiği bu aynştırrna zorunlu olarak aynı zaman­ da yeni bir ilkenin doğuşudur. Düşünce genel bir şey olduğu ölçü­ de aynştıncıdır: bu aynştırmada

- Di dalam puasa Ramadhan tidak lain bagi yang sengaja membatalkannya - Bagi yang meninggalkan niat puasa pada waktu malam di dalam puasa fardu - Bagi yang sahur sedang

ilmu yang saya peroleh daripada persembahan kit pembelajaran ilmu yang saya peroleh daripada persembahan kit pembelajaran menyanyi lagu mengikut irama menyanyi lagu

I - MIS Wareng 2 RT 3 RW 5 Wareng Butuh Purworejo - Guru Kelas 35 ZAHROTul HASANAH,S.Pd.I 150 288 800 MI At Taqwa Sendangsari, Bener Purworejo - Guru Kelas 36 ALIFAH HANUM,S.Ag - MI

Dalam prakteknya, faktor-faktor produksi yang mempunyai peranan besar terhadap produksi teh adalah tenaga kerja, luas lahan dan penggunaan pupuk... produksi tenaga kerja

A.H Nasution menganggap bahwa kekuasaan militer pada saat itu harus menjadi pemerintahan transisi yang sanggup membuka jalan bagi normalisasi konstitusi, maka berbeda dengan

menyajikan program kejuruan yang dapat membekali siswanya mendapatkan keahlian yang nantinya dengan berbekal keahlian siswa dapat memperoleh lapangan pekerjaan atau

Gambar D.6 Hasil Uji Kadar Air, Protein, Lemak, Rva Pati Kulit Singkong Dan RVA Larutan Bioplastik Dari Pati Kulit Singkong Dengan Pengisi Mikrokristalin Selulosa