La Liga de Sisa
Sa Tabi ng Pasig
Tagpo 1.Koro: Lahat Mga rosas, klabel Ng masayang Pasig
Na iginigilas Ang kanyang dikit Ang kanyang langit Ay kumikinang Ang kanyang mata’y parang banal At noo’y mistulang araw
Kanyang labi’y nagpapaningas Sa payapang dibdib
Sa pambihirang ganda Ang isip ay tiyak na lumiligaya
Candido: Kay ganda ng umaga Ang pasig!
Dinig ba ninyo ang lagitik ng kawayan sa dalampasigan? Ang mga ibong nag aawitan?
Iyong sabihin kung hindi ka naaakit..
Sa wika niyang matatas di ba kayo nabibihag?
Hindi bat ang kanilang kasiyahan ay dahil sa Inang Birhen? Kaya sya ay may ganitong karangyaan?
Lahat: Di sasala!
Pascual: Ang ligaya ng bayan ay nadarama, nagkakatuwaan Sa tanawing sakdal mga bata at matatanda, humahanga
B1: Nananalig akong lahat ay
madaling nagsasabit ng pabiting maririkit At bandilang mapang -kit
B2: Heto at ako’y may mga bulaklak na pang- alay sa Birhen ng ating bayan..
B1: Inaku! Tingnan nga natin! Panghandog na di magaling (may paghamak na tumitingin) Sa bahay koy may kulungan ng ibong sakdal inam At sya kung ibibigay sa birhen na magdaraan
B3: Kaululan! Ako ay may sususuhang mga paputok, at pailaw ( nagmamayabang)
Pascual: Ako ay may pito naman na niyari sa kawayan (Ang lahat ay nagtawanan)
Lahat: Ha! HA! HA! HAAA!!
Pascual: Kayo bay nagtataka? Kayo ngayo’y manaingat tutugtugin ko ang flawta
B2: Bulaklak ko’y higit diyan!
Pascual: Kaysa aking pitong alay?
B1: Kaululan! Kabaliwan! Mainam pa ang kukungan ng ibon kong nakalaan
B3: Pseh! Ang paputok koy hihigit
B1: Maginoong nagpipilit iyay wlang masasapit
B3: Maginoo, tila kayo’y namumuwisit!
B1: Ke gago mo!
B3: Wlang isip! Ang hula moy isang tulig
B1: Wala namang masasapit ang paputok mong pambwisit
Candido: Wag kayong magkagalit Anumang iaalay ay may kagandahan
Ako’y mayroong pakiusap Isang bangka ang marapat nating maigayak
At lululan tayong lahat at sa ilog ay babagtas
Bandila’t mga bituing makulay na magniningming ang bihis nang bangka natin
Yamang ikaw'y may bulaklak Ay dalhin mong lahat lahat Ang hula mong isinaad Dalhin mo rin nang malantad Ang paputok na malakas Ay dalhin mong tangkas tangkas
Ang pito mong mataginting Ay dalhin mo’t dinggin natin Samantala’y patuloy rin Ang pag alay sa birhen
Anong inyong sasabihin?
Lahat: Mabuti nga! Mabuti nga!
B3: Hindi karaniwang diwa!
B1: Hanapin natin ang bangka!
Candido: Ganyan din ang aking banta..
Si Leonido nasaan kaya? Saan naroo’t nawawala?
B2: Ngunit saan naparoon?
Pascual: Gayon din lang ay hanapin Saan man sya dumating
Ang bangka ay iwan natin
Na panghuli gayin na rin Ang higit na mahalagay ang pinunong wla pala
B1: Siyay ating hanapin na..
Candido: Ngayon na rin, tumalaga pagkat kung nawala sya tayoy wlang makakaya..
B3: Maging pusod man ang dagat, saliksikin nating lahat..
Koro: Tayo nat lumakad.. huwag nang maghuwat at ang ating galak kay maria'Y ilagak..
Ikalawang tagpo.
Lalabas si Satan—ang dimonyo –na nkasuot ng itim at pula. Ang kulay ng kanyang mukha ay maputla.
Kailan pa kaya kita tatalunin?
Kahit ang impyernong talaga nang akin, Na ang tanang dusa’y sa kanya nanggaling
Ako’y espiritu! Dakilang nilalang Nilalang na dukha na sa buti’y kulang Sa madlang pahirap ako’y inilaan Ng kamay na sadyang sa aki’y nanatay.
Ngunit, kahit ako’y nagging talunan, Ay patuloy pa rin sa aking kasamaan
Ipasimulan natin itong paghahamok Isipin din nating mabawi nang lubos Ang kaharian kong walang pagkatapos Sa pamamagitan ng inggit at imbot Ang lupang sa aki’y inggit pa ang alok.
Ay! Ikaw ay aking muling makukuha, Ako’y nakatagong hihintayin kita. (makukubli sa likod ng punong kahoy) At isang Kristiyano ang dito’y daraan: Nais kong sa aking kamay magulantang Iyang liping labis na kinapootan!
Ikatlong Tagpo
Leonido: Napag-iisa na ang dalampasigan At walang marinig na mga sigawan; Ang kataka-taka’y sikat na ang araw, Ni isa mang tao’y walang natatanaw.
At dapat na sila dito’y nagdatingan, Ayon sa pangakong sa aki’y iniwan… Umalis na sila sa aking palagay…
Sino naman kaya ang nakaaalam Kung naligaw ako? Ito nga ang daan, Na siyang patungo sa may kabayanan; Ito rinang ilog na lubhang makinang Ang kaniyang agos na walang kapantay
Simbaha’y naroonpati aking bahay… Ang mga bandila, walang salang iyan!
At mula nga rito kami’y maghihintay Na ang Inang Birhen ay dito magdaan.
Ikaapat na Tagpo
Satan: Tumigil ka! Saan ka ba paroroon?
Leonido: Sino ba kayo?
S: Ako yaong isang makapangyarihang naghari, nag-iisang Diyos nitong Silanganan.
L: Kayoy’ hindi Diyos; kayo’y sinungaling
S: Walang hunos-dili! Iyan ay isipin, hindi k aba takot na ako’y galitin?
Saka sa tinig kong makapangyarihan,
Kaya ang lupaing ito ay mayaman at nagtatamasa ng kaluwalhatian
At ngayon ay wala ni munti mang saya Laging humihikbik sa kamay ng iba, Saka dahan-dahang namamatay siya Sa kamay na walang habag na Espanya!
L: Kung lahat-lahat na’y nasa inyong kamay Bakit kaya kayo’y nagiging talunan
Ng mga Kristiyanong kinapopootan?
S: Ang batas ay aking batas! Ikaw’y haling!
Sama, salot at digmaan, ang dito'y dadalhin ng mananalakay
Samantala, ako naman, sa hangad kong makaganti Bulabugin ang lahat ng elementong panduhagi Upang lahat ay mawasak at mapugnaw na mabuti
L: Kasinungalingang lahat! Ikaw’y walang magagawa! Mag-alis ka ng masakara, ilantad ang inyong mukha’t Nang Makita sa impyernong nagniningas ka nagmula!
S: Kung gayon nga! Naririto ako ngayon. Na ako ang si Satan, yaong anghel na kahapon Ngayon, kung sa pananalig ng kristyano’y talo ako, Ang nilikha’y kapootan sa gayon kong pagkatalo Na sa iyoy’y ibubunto
L: Iya’y hindi mangyayari
S: kung yuko ang ulong iyong tatalikdan
Ikaw’y bibigyan ko ng lahat ng iyong kaluwalhatian Ngunit kung nanaisin mong ako ay suwayin
ngayon di’y bubukang kakilakilabot asa iyong paanan ang maruming lupang tinuntungan mo nang buong kasiyahan
L: Sayang ang nais mo na ako’y takutin sa pananalita Diwang Sinungaling! Lumayo ka rito’t
Ikaw ay magtago!
S: Kung gayon at yamang iyan ay kusa mo at siyang iniibig,
Kailangang ikaw’y mamatay ngayon din Mga diwa!
Halikayong lahat! Simulan na natin ang digma’t ligalig!
Ikalimang tagpo Koro ng mga Demonyo
Sino ang sa ami’y galit na tumawag? sino ang may ibig nitong aming dahas?
Mamatay! Mamatay ang taong nagtaksil, na siyang sa ati’y galit na humamon!
Satan – Sa araw na ito, ang ating pag-asang
makapaghiganti ay matutupad na.
Mga Demonyo – Mahal sa demonyo ang kanyang hari
ang kanyang utos sa amin ay batas
Satan - Tigil ang paglait;
(kay Leonido) ikaw ay bumalik sa pananalig ko halika’t luhuran ang aking larawan nang di ka tawanan.
Leonido - Dinudusta kita ako’y sa Diyos lang sumisintang tunay.
(KORO NG MGA DEMONYO)
Mga Demonyo - Mabuhay! Mabuhay! itong hari namin! mamatay! mamatay! ang sa batas niya’y hindi gumagalang
IKAANIM NA TAGPO
(Ang mga dating tauhan at isang Anghel)
Anghel: Magsiurong kayong lahat Mga Anghel na sinumpa Ng napoot na Bathala! (Magsisialis ang mga demonyo )
Gumising ka, batang tapat, (Magigising)
At sa akin ay humarap Ako’y isang langit nagbuhat. Na sa iyo ay nagligtas Sa kuhilang si Santanas; Ang Birhen sa Antipolo’y Nasa ilog, paririto; Siya’y iyong pagpugayan, Papurihan at awitin, Pagka’t ikaw, kailanman
Ay anak niyang mahal. Mga kasama mong tapat, Ngayon ikaw’y hinahanap; Diyan ka na’t akoy dapat Na sa langit ay lumipad; Paalam na batang liyag!
Leonido: Paalam na kagandahang Sa akin ay dumaramay
Sa lahat kong kahirapan
PANGWAKAS NA TAGPO
Candido: Naku, Leonido! Hinanap ka namin; At naririto na ang Mahal na Birhen:
Leonido: Oo, Kaibigan at narinig ko, Nakikita ko ring siya’y paririto.. O! Lihim na tuwa ang tuwa kong ito Na nararamdamang sagad hanggang buto.
Mga tinig nati’y ating pag-isahin, Sa araw na ito ng ligaya natin; Ating pagpugayan ang Mahal na Birhen.. Anong ibig ninyong sabihin sa akin?
Ang Lahat: Siya’y salubungin!
PANGHULING KORO
(Lilitaw ang mahal na Birheng naliliwanagan) Mabuhay ka! Rosang Kalinis-linisan,
Reynang sakdal dilag nitong karagatan Antipolo’y dahil sa iyo nga lamang Kaya nagging bantog at nagkapangalan Sa maraming sama, ang nangbubuhay Ay naililigtas ng iyong larawan.
Ang pagmamahal mong sa bata ay bigay’ Siyang nagliligtas sa madlang kasamaan, Sa araw at gabi’y iyong inaakay
Sa tuwid na landas sa lupang ibabaw. WAKAS