Ikaapat na Tagpo PADRE:
Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang pagsisisi'y huwag nating kamtin.
ROMEO:
Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating Ang kagalakan kong matatano'y hindi dadaigin Sa sandaling siya'y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating Kasiyahan-ko nang siya'y maging akin
PADRE:
Ang marahas na ligaya'y may marahas na hangganan.
Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay, Naghahalikan ay nauubos.
Ang pulot na matamis na lubha
Dahilan sa sarap ay nakasusuya, At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.
Kaya't magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta;
Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta.
JULIET:
Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.
PADRE:
Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.
JULIET:
Gayon din ako sa kanya;
O, ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan.
ROMEO:
A, Juliet, kung ang kaligayahan mo
kagaya ng aki'y lipunin at ang kakayahang iyong angkin.
Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga JULIET:
Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi, Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti.
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman:
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan Kahit kalahati ay hindi ko mabilang
PADRE:
Madali nating tatapusin na,
Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa