• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Halimbawa Ng Balagtasan

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Mga Halimbawa Ng Balagtasan"

Copied!
39
0
0

Teks penuh

(1)

SI MANNY PACQUIAO AT ANG POLITIKA DAPAT BA O HINDI DAPAT NA LUMAHOK SI MANNY PACQUIAO SA POLITIKA

SA HALALAN SA TAONG 2010?

INTRODUKSYON:

Balagtasan...pagpapalitan ng katuwiran sa pamamagitan ng tula....patalasan ng isip...paligsahan sa

diwa...bilang parangal sa ama ng tulang tagalog na si Francisco Balagtas. Ito ang inyong...Balagtasan!

LAKANDIWA:

Isang paksang sa panahon ay talagang nababagay Ang sa ngayo‘y itatampok sa ngalan ng Balagtasan; ―Dapat ba o Hindi Dapat na lumahok sa halalan Ang dakilang boksingerong Manny Pacquiao ang

pangalan?‖

Tanong itong sasagutin at bibigyang-katuwiran Ng makatang naririto at nais kong anyayahan. Kaya‘t sino mang naritong sa pagtula ay may hilig,

Aking inaanyayahang pumagitnang buong-kisig; Ang nais ko sa pagbigkas ay may rima at may himig, Yaong tulang kung pakingga‘y lumilikha pa ng awit; Dito‘y inyong patunayang sa larangan ng panitik,

Tayong mga Filipino‘y may isipang matalisik. DAPAT: (Sa Ibaba ng Tanghalan – Panawagan)

Maginoong Lakandiwa, ako ngayo‘y sumasagot Sa pangalan ni Balagtas na makatang lubhang bantog;

Iyang inyong paanyaya‘y tinatanggap kong malugod, Payag ako na si Pacquiao sa halalan ay lumahok; Kapag siya ay nagwagi‘t sa tungkulin ay naluklok, Buong baya‘y liligaya‘t magdiriwang tayong lubos.

Idolo ng Filipino — at si Manny ay kilala Na may pusong makatao‘t kabutiha‘y kitang-kita; Siya‘y dangal nating lahat nang manalo‘t makibaka Sa kapuwa boksingerong sa suntuka‘y kayang-kaya; Kaya nga O, Lakandiwang may masusing paanyaya, Ako ngayon ay tulutang makapanhik sa tribuna.

LAKANDIWA:

Kung ang iyong mga tula ay madiwa at mainam, Halika na at umakyat sa ibabaw ng tanghalan; Sa tula mong bibigkasi‘y iyo ritong patunayang

Idolo mong boksingero‘y nararapat sa halalan; Sa paglapit ng makata‘y hinihiling ko rin namang

Salubungin natin siya ng matinding palakpakan. DAPAT: (Sa ibabaw ng tanghalan – Pagpupugay)

Ako‘y buhat sa Lagunang lalawigan ng pag-ibig, Sa bayan ng mga puto, ng kutsinta at pinipig; Ako ngayo‘y manunulang naghahandog ng panitik

Sa naritong kababayang nakabukas ang ulinig; Lingkod ninyong si Rafael Pulmano ay nagsusulit, Paglahok sa politika ni Pacquiao ay tama‘t matwid!

HINDI DAPAT: (Sa Ibaba ng Tanghalan – Panawagan) Sinungaling na makata, walang turing at pangahas

Boksingero ay ibig mong sa halala‘y mamayagpag; O, Mahal na Lakandiwa, tutol ako't kasalungat Ng makatang naghahambog kung tumula at maghayag;

Ang makatang ganyang uri‘y para lamang ibong uwak Na ang ngala‘y sinasambit habang siya‘y lumilipad. Sakali man na si Manny, may magandang kapalarang

Maging isang boksingerong dinakila sa suntukan; Bakit siya isusubong pumalaot sa halalan, Sa maruming politikang likmuan ng tampalasan? Lakandiwang ngayong gabi‘y may anyayang mahinusay,

Kung ako ay tinatanggap, handa ako sa tulaan. LAKANDIWA:

Malugod kang tatanggapin kung ang iyo ngayong dala Ay kampilan ni Balagtas at tulaing magaganda; Umakyat ka sa tanghalan at sabihin kung sino ka, Saka dito‘y ipagtanggol ang panig mong buong-sigla;

Kung ikaw ay desididong sa tulaa‘y lumusob na — Hinihiling ko sa madla'y palakpakang masagana.

HINDI DAPAT: (Sa ibabaw ng tanghalan – Pagpupugay)

Mula ako sa Batangas, mga lipi ng Tagalog Sa ang tula‘y inaawit kung ang puso‘y nadudurog;

Ang ngalan kong isinuga ng tadhana sa bulaos Ay si Lamberto B. Cabual na binubo sa pag-irog; Ang tanong ng Lakandiwa‘y sasagutin kong masinop:

Aayaw ko na si Pacquiao sa halala‘y manibulos! LAKANDIWA:

Yamang dito‘y may makatang kapwa handang manaludtod

At ibig na magpasiklab sa maraming nanonood; Itong panig nitong Dapat ang una kong itatampok

Na si Manny ay tulutang sa halala‘y makilahok; Sa pagtindig ni Pulmanong may giting at lakas-loob,

Palakpakang masigabo ang sa kanya ay isuob. DAPAT: (Unang Tindig)

Sa ilalim ng Saligang Batas nating umiiral, Ganito ang nakasaad na tadhanang buong-linaw: Hindi pwedeng maihalal na pangulo ang sino man,

Maliban kung siya'y isang Pilipino nang isilang; Botante syang rehistrado, Pilipinas ang tirahan, At marunong na magsulat at magbasa... Si Pacquiao yan.

Sinadya ng nagsiugit ng sagradong Konstitusyon Na bigyan ng tsansang patas ang sino mang may

ambisyon;

Na maglingkod sa gobyerno at maluklok sa posisyon, Mahirap man o mayaman, kapos man o sobrang dunong;

Pwede kahit ang artista, aktibista, manananggol, Ekonomist, boksingero, o anchor ng TV Patrol. Kaya ako'y nagtataka sa makata ng Batangas Na hindi ko mapagwari ang punto ng pagbabargas;

Ang People's Champ ibig ko ngang sa halalan mamayagpag,

(2)

Kung di bilang Filipino, res'dente ng Pilipinas At botanteng marunong din sa pagbasa at pagsulat.

Si Manny pag nagtampisaw sa maruming politika Ay may mga nangangambang matutulad na rin siya

Sa maraming politikong pagnanakaw inuuna, Para itong isang sakit na matinding makahawa; Ang alin mang karamdaman, pag ginamot, may pag-asa,

Subali't kung pabayaan, pwedeng maging epidemya. Alalaon baga, bunying katunggali, kung paano Ang labadang marurumi, sa halip na iwasan mo, Ay harapin mo at labhan, gamitan ng pampabango, Gayon din ang ating bansang nalulugmok sa impyerno;

Kailangan ang matino, matapang at may prinsipyo, At si Manny 'Pacman' Pacquiao ang angkop na

kandidato! LAKANDIWA:

Unang tindig ni Pulmano‘y may hagupit na panggulat Sa katalong sa tingin ko‘y nakadukmo sa pag-ilag; Nguni‘t ako‘y may akalang may sa-palos kung umiwas Ang magiting na makatang nagbuhat pa sa Batangas;

Sa pagtindig ni Cabual sa pagaspas ng habagat, Ang hiling ko‘y palakpakang atikabo‘t walang kupas.

HINDI DAPAT: (Unang Tindig) Hindi ako nambabargas, lalong hindi naabuso

Sa takbo ng politikang itinatag ng gobyerno; Di rin ako tumututol sa marangal na katalo Na Saligang Batas nati‘y may tadhanang makatao;

Nguni‘t, bayan, mag-isip ka…ang tsampyon bang boksingero

Ay may batas na gagawin kung mahalal sa Kongreso? Si Pacman man ay kilala…boksingerong may kalidad,

Idolo ko‘t idolo rin nitong aking kabalagtas; Ang mundo ng boksingerong may tagumpay na matatag,

Sa mundo ng politika‘y lupa‘t langit yaong agwat; Kung siya ma‘y may kamaong parang lintik kung ibigwas,

Pagpasok sa politika‘y bangkay siyang maaagnas! Ang lengwahe ng kamao at lengwahe niyang dila Ay larangang magkaiba‘t magkalayong di kawasa;

Talumpati sa Kongresong matalisik at madiwa Ay iba sa pambubuntal ng kamaong walang sawa; Boksingero‘y sampay-bakod, kumbaga sa manunula,

Sa bulwagan ng batasang politika ng hiwaga. At si Manny ay lumaki sa pagsasanay ng boksing, Nagbuhos ng kakayahan at tiyagang buong-giting; Oo, siya‘y nagpunyagi‘t ang tagumpay nang sapitin Ay inulan ng papuring bantayog ng dangal natin… (Bawa‘t tao‘y kanya-kanya ng maselang na tungkuling

Itinakda ni Bathalang masinop na talimahin.) Ganyan din ang politikong hinuhubog ng panahon, Simula sa pagkabatang maghanda sa kanyang misyon; Kung matukso‘t magahaman sa salaping sangkabunton,

Mananagot siyang tiyak pagdating ng Armagedon; (Manny Pacquiao, makinig ka: ―Politika ay patibong—

Lumagi ka, sa boksing mong biyaya ng Panginoon!‖)

LAKANDIWA:

Ibig yatang magkahalo ang balat sa tinalupan, Nang tumindig ang makatang napatanyag sa Batangan;

Nguni‘t itong kabalagtas na may dupil sa tulaan, Tila ibig nang sumagot at gulpihin ang kalaban; Sa pagtindig ni Pulmanong may unos na tangan-tangan,

Palakpakan natin siya‘t sa pagtula‘y nang ganahan. DAPAT: (Ikalawang Tindig)

Unang banat pa lang nitong kalaban kong may amnesia, Nalimutan na kaagad kung ano ang aming tema; Anya, bayan, kung si Manny ay mahalal, mag-isip ka...

Aba, bayan, pagboto mo't di pagboto'y bahala ka! Iya'y iyong karapatan, ang kay Manny nama'y iba:

Dapat ba s'ya o di dapat pumasok sa politika? Magkaibang lubha, ayon sa makatang Batangueño,

Lengwahe ng kongresista't lengwahe ng boksingero; Sa interbyu, kahit Ingles ni Manny ay kumakanto,

Nakatigil, nakatutok sa TV ang buong mundo; Beteranong mambabatas kaygagaling magdiskurso,

Ngunit sino'ng nakikinig? At sino ang may respeto? Malabis na minaliit ng katalong mapangutya Ang purol ng pag-iisip ng idolo nating madla; Mga turo ng Bibliya nalimutan na rin yata Na ang tunay na talino sa Maykapal nagmumula;

Si Manny ay maka-Diyos, di n'ya ikinahihiya Ang magdasal di gaya ng mga trapong walang hiya!

Sa tanong ng kalaban kong "Ang tsampyon bang boksingero

Ay may batas na gagawin kung mahalal sa Kongreso?" Sa aklat ng Lumang Tipan, sa bahagi ng Eksodo, Bukod pa sa Sampung Utos, may iba pang libu-libo;

Na batas na naisulat, alam mo ba ng kung sino? Si Moises na isang pastol, gabay niya'y Diyos mismo!

LAKANDIWA:

Lumalao‘y gumaganda itong ating Balagtasan, Kaya ako ay titigil na lagi na sa pagitan; Papagitna lamang ako kung talagang kailangan,

Nang di sila maabala sa maalab na sagutan; Ang titindig ngayong muli sa pagbigkas na mainam Ay si Cabual ng Batangas — palakpakan ang ialay.

HINDI DAPAT: (Ikalwang Tindig)

Hindi dapat na manangan sa pagiging isang tanyag Ang idolong boksingero nitong ating bansang liyag; Kabalagtas, ilingap mo ang pananaw at magmatyag Na boksing at politika‘y parang sagang walang tapyas;

Boksing ngani ay mapula nguni‘t itim ang kabiyak, Ang ulap ng politika ay kay Manny magbabagsak. At sapagka‘t sa botante‘y marami pang dungo‘t

mangmang,

Si Pacquiao ay maaaring sa eleksyon magtagumpay; Kung sakaling mananalo: anong ating aabangan — Ang gagawin kaya‘y ano sa Kongresong kalalagyan?

Mga pagak na artistang nahalal sa katanyagan — Kabilang na siya roon — na malimit pagtawanan! Sa Senado‘t sa Kongreso ang ―Artista‖ ay tama na,

(3)

Huwag nating pabayaang komedyante…dagdagan pa; Kung si Manny ay may budhing makabayang sumisinta,

Di na siya magmimithing sa halala‘y mag-abala… (Sa distrito-politikal ng Mindanao na kay sigla, Ay ano ba ang gagawing pamalakad na maganda?)

Manunungkulan ba siya sa tulong ng tagapayo At bungkos ng alipores na kampon ng mga tuso?

Sila-sila‘y may adyendang pansariling itotodo — Baligho ang mangyayari…magboksing man sa Kongreso!

(Si Pacquiao ay pagpugayan bilang bidang boksingero, Subali‘t sa politika…batuhin ng mangga‘t puto.)

DAPAT: (Ikatlong Tindig)

Marami ngang dungo't mangmang sa botanteng mamamayan,

Marami ang nabibili ng salaping kumikinang; Marami rin ang may utang na loob na tinatanaw, At maraming hindi hamak ang uhaw sa katarungan;

Kahinaan ng lipunang sinasamantala naman Ng pinunong tanging hangad sarili ang paglingkuran.

Ito'y mga kahinaang naghahanap ng unawa, Kahinaang humihingi di ng limos o ng awa; Kahinaang naghihintay ng matapat na kalinga, Kahinaang si Pacquiao lang ang pag-asa nitong bansa;

Isang bansang nananabik maibalik ang tiwala, Sa gobyernong malaon nang ang dangal ay nawawala.

Bakit silang mga dungo at mangmang ay pumapatol Sa artista't boksingerong kapwa nila di marunong?

Sa kanila nasisilip ng botanteng nagugutom Ang pag-asang di matanaw sa henyong administrasyon; Kahit hungkag na pag-asang bunga lamang ng ilusyon, Kapalit ng nakaupong hanggang buto ang korapsyon.

HINDI DAPAT: (Ikatlong Tindig)

Kung si Manny ay talagang may hangaring makatulong Sa bansa at kababayang nakaharap sa daluyong;

Limutin ang politika! Bumuo ng isang layon Na magtayo ng Youth Center na sa bayan nauukol; May karate, boksing, tenis, paglalangoy at basketbol —

Kompleto sa pasilidad — ako‘y diyan kasang-ayon. Sa ganito‘y malalayo ang kumpol ng kabataan Sa hibo ng bisyo, droga, basag-ulo‘t kahalayan; Magagawa niya ito…tutulong ang karamihang Foundation sa ating bansang makatao‘t makabayan; (Hindi ba‘t sa Paranaque, Training Center ay kay inam,

sa sikap ni Flash Elorde, sa boksing din hinangaan?) Di naabot ni Elorde ang kay Pacquiao na naabot Sa tugatog nitong boksing na tila ba gintong bundok;

Subali‘t si Flash Elorde ay may diwa‘t niloloob Na sa baya‘t kabataan magmalasakit nang lubos…

(Di pagtulong ang kay Pacquiao na hangaring binubunsod,

Manapa‘y self-aggrandisement—parang matsing naglalagot!!!)

DAPAT:

Maganda ang panukala at payo ng kabalagtas, Yan nga'y kaya niyang gawin, ngunit bakit tinatagpas;

Bakit nililimitahan ang kaniyang abilidad? Bakit tanging ang pagiging boksingero'y itatatak?

(Siya nama'y may talento sa iba ring kapasidad,

Rekording nya't pelikula'y tinangkilik din ng lahat!) Kung siya ay nanatiling boksingerong pang-amatyur,

Di nagsikap na maging pro at umakyat ng dibisyon; Kung siya'y di pinayagang sa kanbas ay makatuntong,

Walang Manny Pacquiao tayong bayani ng buong nasyon;

Ganyan din sa politikang masusubok lang ang bisyon, Kung hindi mo pagkaitan ng tsansa't pagkakataon.

HINDI DAPAT:

Tsansa at pagkakataon? — nakuha na niyang lahat, Nang magboksing, mag-artista't mag-commercial na

palabas;

Ayaw pa ba naman niya sa tayog ng pagkatanyag? At gusto pa na sa langit ang kapritso‘y makalampas;

(Samantalang itong bayan — ibong sawing umiiyak, Kasakimang bagamundo‘y may parusang nakagayak.)

Sa ngalan ng politika‘y hindi lamang yaong puso Ang marapat na ibigay sa kabayan at kabaro; Kailanga‘y self-expression — kakayahang katutubo —

Si Pacquiao ay wala niyan, totohanan man o biro; Di ko hangad na ang tanyag na si Manny — mabalaho,

Ihahantad ng kalaban kapintasan niya‘t baho! DAPAT:

Hindi siya naghahangad ng higit pang katanyagan, Nais lamang makatulong sa bayan nyang minamahal;

Kapintasan niya't baho di na dapat pagpistahan Na tila ba mas matino ang maraming iba riyang Mapoporma, magagaling, mahuhusay, mararangal, Ngunit sobrang mangurakot at ang mukha'y makakapal!

HINDI DAPAT:

Ang mukha nga ay kakapal kapag laging ipipilit Si Pacquiao sa politikang may tala nga‘y walang langit;

Walang salang masisira ang imahen niya‘t kisig, At sa hangad na kagitna ay sansalop ang mapalis;

Masasayang ang inimpok na dignidad at dolyares Ng idolo nitong lonang parisukat na malinis.

DAPAT:

Si Manny ay nagkukusang masagip ang Pilipinas, Ikaw nama'y mas pursiging si Pacquiao ang mailigtas;

Gumastos man sa kampanya si Pacman ng limpak-limpak,

Sa sariling pawis mula at di galing sa kulimbat! HINDI DAPAT:

Di man galing sa kulimbat, ang salapi‘y masasayang, Kung gastusin sa kampanyang may nag-ambang

kasalanan;

Gugulin na ang dolyares sa proyektong maiinam Na para sa mga dukha‘t di sa bugok na halalan.

DAPAT:

Proyektong mas matutupad pag si Manny ay nahalal, Bilang meyor, gobernador, na pwesto ring politikal.

(4)

HINDI DAPAT:

Politikal niyang pwesto kung ano mang kahinatnan, Pipingas sa dangal niya at sa ating kabansaan.

DAPAT:

Dating dukha, ramdam niya ang dusa ng mamamayan, Simbolo sya ng pag-asa ng sikmurang kumakalam.

HINDI DAPAT:

Kumakalam na sikmura'y patay-mali sa pag-asam, Tinatanaw na simbolo – bantayog ng dusa't panglaw!

DAPAT:

At kanino pa aasa ang mahirap? Sa mayaman? Sa matayog yaong aral kahit na nga mapanlamang?

HINDI DAPAT:

Kung si Manny ay idolong pag-asa ng karukhaan, Hindi dapat na "pagamit" sa kuhila‘t salanggapang.

DAPAT:

Silang sukab, salanggapang at sipsip ang pagbawalan! HINDI DAPAT:

Pagbawalan mo si Manny sa hibo ng kahibangan! DAPAT:

Makulit ka! Kung gusto mo, tayo na lang magsuntukan! HINDI DAPAT:

Ang suntok ng Batanggenyo‘y simbagsik ng bulkang-Taal! DAPAT:

Iboto si Manny Pacquiao!! HINDI DAPAT: Ang isip mo‘y baliw…hibang!!!

LAKANDIWA:

Magsitigil kayo ngayon kung ayaw na mahambalos, Imisin ang mga kalat, bibilangin na ang puntos; Lumalalim na ang gabi at kayo na'y namamaos,

Baka tayo abutin pa ng manok sa pagtilaok; Kababayang kanina pa matiyagang nakatutok, Paulanan ng palakpak ang dalawang nagpanuntok.

Alin man sa politika at boksing ay mayrong dangal Ngunit knockout kapag sila'y kombinasyong pinagsabay

Pagkat hindi maaaring paglingkuran ng sino man Ang dalawang panginoon sang-ayon sa Bagong Tipan

Ang panahong gugugulin sa gobyrerno pag nahalal Hindi pwedeng isisingit sa ensayo twing may laban. Sa boksing ang buong bansa – sundalo man o rebelde,

Oposisyon o pro-Gloria – napag-isa na ni Manny; Pati mga mandurukot at pulis na nanghuhuli, Sa TV ay nakatutok, tahimik ang bawat kalye;

Ang ganitong di nagawa ng sibilya't militari, Parang bulang sasambulat sa eleksyon kung sasali. Naiangat na ni Pacquiao ang imahe nitong bansa, Huwag sanang matukso pang mag-anyaya ng pagkutya;

Bayani na siya ngayon sa mata ng buong madla, Huwag sanang magpasulsol sa kati ng ibang dila; Nguni't ako'y nalilihis sa tungkuling nakatakda Bilang isang tagahatol sa dalawang nagpambangga.

Si Pulmano ang may sabing sa usapang nakalahad, Paglahok sa pulitika ni Pacquiao ay nararapat;

Ito nama'y tinutulan ni Cabual na hindi payag, Dahil ayaw anya niyang idolo ay mapahamak; Sino nga ba sa kanila ang higit na nakaangat, At dapat na maging kampeon sa labanang walang

puknat?

Atin muling sariwain ang katwirang isinaysay, Ng makatang taga-Biñan na Dapat ang pinanigan; Si Pacquiao daw ay simbolo ng pag-asang di matanaw

Ng botanteng nangangarap maahon sa karukhaan; Di raw sagwil sa hangaring maglingkod sa kababayan,

Ang alam na kakarampot dahil Diyos ang gagabay. Niliwanag ni Rafael na ang paksa'y nakatuon Sa kung dapat o di dapat na lumahok sa eleksyon; O pumasok sa politics si Pacquaio na boxing champion

Na aniya'y karapatang personal ng may ambisyon; (Kung dapat o hindi dapat iboto sya'y ibang tanong, Na botanteng mamamayan naman anya ang hahatol.)

Karapatang magsumiksik sa tanggapang politikal, Konstitusyon mismo natin malinaw daw na sandigan; Paggalang ng mga tao kay Manny ay gayon na lang, Maski Ingles butaw-butaw, buong mundo'y nagpupugay;

Sa halip na awatin sya dahil baka "gamitin" daw, Silang mapagmanipula ang dapat na ipagbawal. Panig naman ni Lamberto ng Batangas na nagtanggol,

Sa Di Dapat ang katwirang busisiin natin ngayon: Sa larangan daw ng boksing si Manny nga'y isang

kampeon,

Subali't sa politika magmumukha siyang kengkoy; Hindi na raw kailangang maghangad pa ng posisyon, Kung talagang nais lamang sa bayan ay makatulong. Mga proyektong pang-isports ang dapat daw pagtuunan,

Sa halip na politikang patibong sa kanyang dangal; Binanggit na halimbawa'y Flash Elorde ng nagdaan

Na nagsikap makatulong ilayo ang kabataan Sa bitag ng mga bisyong naglipana sa lipunan, Itinayong Training Center, marami ang nakinabang.

Kahit na raw makatao ang saligan nating batas, Ang boksing at politika ay lupa't langit ang agwat; Ang bagsik ng kamao nyang mabangis at walang habag,

Sa larangan ng suntukan ay di pwedeng ipantapat; Sa talas ng pag-iisip at dulas ng pangungusap Na puhunan sa kongreso ng hinog na mambabatas.

(5)

Tungkulin kong Lakandiwang sa nagtalo ay igawad Ang hatol na mahalaga nang maingat na maingat;

May matuwid si Rafael sa pagtulang mabanayad Na si Pacquiao sa halalan ay tumakbo at mangarap; Nguni't dito kay Lamberto na ang diwa'y nagniningas,

Katwiran din na si Manny sa eleksyon ay di dapat.

Anupa nga't wala akong maitulak at kabigin, Kapwa sila may magandang ninanasa at layunin; Nangangamba tuloy akong ang sinuma'y siphayuin, Pagkat baka mapintasan at bansagang walang turing;

Ang hiling ko'y palakpakan sila't huling tagubilin Ay kayo na ang humatol – ang mabuti ay pulutin!

PAMAMAALAM:

Sa nakalipas na mga sandali ay sumainyo ang...Balagtasan! Magpadala ng inyong hatol sa Balagtasang ito...At habang papalayo ang kumakaway naming mga kataga...alalahanin nating ang masining na

Filipinas ay mayaman sa Balagtasang walang kamatayan. Salamat sa inyong pakikinig...

PEOPLE POWER VS. GMA?

Dapat ba o hindi dapat na mag-People Power Revolution ang mga Pilipino upang patalsikin sa Malacanang si

Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA)? Mula sa panulat ni Rafael A. Pulmano DINAPOCO MACATIIS — nagtanggol sa panig ng

DAPAT

MASIGASIG MAGTANGGOL — nagtanggol sa panig ng HINDI DAPAT

SOLOMON JURADO — namagitan bilang LAKANDIWA

SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Kababayan at Kalahi, tayo ngayon ay may tanong

Na sa inyo ihihingi ng sagot at ng solusyon Dapat ba o hindi dapat patalsikin sa posisyon Si GMA sa paraang People Power Revolution? Si GMA – Mga kasong sa kanya ay inuugnay ZTE Deal na umano'y sangkot din si First Gentleman,

Hello Garci Controversy sa eleksyong may dayaan, At ang pondong nawawala dahil sa Fertilizer Scam. People Power Revolution – Di madugong himagsikan

Kung saan ang mga tao, sama-sama, kapit-kamay Nagtitipon sa kalsada, taimtim na nagdarasal Mapayapang hinihiling mabakante Malacanang.

Bukas na ang entablado sa ibig na makilahok Ilahad ang nalalaman, ilabas ang niloloob: Ang Pangulong si GMA na umano ay kurakot Kung dapat na paalisin, People Power ba ang sagot?

DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)

Sa bigat ng akusasyon at sa dami ng paratang At sa dusang dinaranas ng hirap nang mamamayan

Kailangan mapatalsik, Pangulo sa Malacanang People Power Revolution ang mabisang kasangkapan.

Dinopoco Macatiis ang lingkod nyong kumakatok Sa sinumang makalaban, handa akong makihamok At sa paksang napakinggan, malinaw ang aking sagot:

Ang panig ng DAPAT ang syang pinili kong itaguyod. MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)

Sa lahat ng naririto, naririyan, naroroon Bumabati muna akong si Masigasig Matanggol Noong una, pangalawa, pumatok ang Rebolusyong People Power, ngunit ito ay wala nang 'power' ngayon.

Akusasyon at paratang, sabi-sabi, haka-haka Wala namang matibay na ebidensyang mapakita

Nais lang ng oposisyon, ang maghari nama'y sila Maliwanag: HINDI DAPAT ang panig kong isasangga.

SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Dalawa nang mabilasik sa pagtula ang narito Baka tayo'y magkagulo kung gagawin silang tatlo

Simulan na agad natin ang banggaan ng berdugo Sa panig ng DAPAT, Bayan, ibigay ang palakpak nyo!

DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)

Ang posisyon ng Pangulo ay galing sa mamamayan Na bumoto upang siya'y iluklok sa katungkulan Kaya naman mamamayan ang mayron ding karapatan

Na ito ay kuning muli pag Pangulo ay pasaway. Ang paraan ng pagbawi sa binigay na posisyon

Maaaring isagawa sa susunod na eleksyon Ngunit kung di na mahintay, lehitimo pa ring option

Ang maghain ng Impeachment, magdaos ng Snap Election.

Ang Pangulo'y maaaring magbitiw rin namang kusa At ipasa ang tungkulin sa Bise Presidente nya Subalit kung sa luklukan, kapit-tuko syang talaga Resignation, Snap Election, at impeachment, walang

tsansa.

Kung talagang parang lintang walang balak sumantabi Kahit sukang-suka na nga ang bumotong nagsisisi Taong bayan, pag nag-aklas, civil war ang mangyayari Pag sundalo, nag-coup d'etat, baka Junta ang maghari.

Di kaylangan ang magbuhos ng dugo ang Pilipino Di kaylangan ang magbuwis ng buhay ng kapwa-tao

May paraang mapayapa, nagawa na natin ito People Power ang bubuwag sa baluktot na gobyerno!

SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Maaanghang na kataga ang kaagad binitiwan Ng makatang Dinapoco Macatiis ang pangalan Si Masigasig Magtangol, sunod nating pakikinggan Salubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!

(6)

MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT) Unang EDSA Revolution, unang People Power Revolt

Nagpatalsik sa diktador at pamilyang mga Marcos Bahagi ng kasaysayang naulit pa sa EDSA Dos Nang si Erap, pinakulong at si Gloria, iniluklok. Kasaysayang nagsimula sa magandang simulain Sa pag-asang mas gaganda ang takbo ng buhay natin

Ngunit ano ang nangyari? Sa gobyerno naron pa rin Ang kurakot na sistema, mas malala pa sa kanser. Kahit ilang People Power pa ang gawin, walang silbi Pagod na ang taong bayan sa pagmartsa at pag-rally

Dahil kahit na sino pa'ng maluklok sa Presidency, Ang pagbago sa kultura ng korapsyon, imposible.

Saka mga pagpaplanong si GMA patalsikin Dahil siya'y iniugnay sa kaso ng ZTE deal

Ng testigong whistle blower sa ginawang Senate Hearing Pawang tsismis, pulitika, gimik, luma nang tugtugin. Kaya sayang, sayang lamang kung babalik sa lansangan At mag-People Power muli ang sawa nang mamamayan Mabuti pang magtrabaho, wag na tayong makialam Sa bangayang pulitikal at wika nga ay "Let's move on!"

SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Mahinahong pinagtanggol ni Masigasig ang panig

Samantalang kanina pa tila hindi makatiis Ang kaniyang katunggaling muli ngayong nagbabalik

Salubungin ng palakpak, pampagana't pampainit! DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)

Totoo bang pagod na nga sa People Power ang madla? Hindi kaya prayoridad lamang nila ay sikmura?

Araw-araw, dumarami isang kahig, isang tuka Iba'y di pa makakahig dahil trabaho ay wala. Bakit walang matrabaho? Bakit masa'y naghihirap?

Gayong ayon kay GMA, ekonomya'y umaangat? Ang dahilan, iilan lang kasing mga mapapalad Ang maswerteng yumayaman kung bansa nga'y

umuunlad.

Sila'y mga kaalyadong mayaman na'y nayaman pa, Kaibigang negosyante, kakampi sa pulitika, Mga corrupt sa gobyerno, mga puno ng ahensya Mahihilig mangumisyon, mangupit, magdelihensya. Tingnan na lang ang ZTE Broadband Network Deal na

palpak

Na saksi pa si GMA sa pagpirmahan ng contract Nang kontrata ay naglaho, ang balita'y sumambulat, Kalahati daw ng presyo, komisyon ng taga-Wack Wack!

SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Nagbabagang katuwiran, mababagsik na salita Walang takot na sinambit ng magiting na makata

Ang kalaban, ano kaya ang sagot na itutudla? Palakpakan nating muli at dinggin ang kanyang tula!

MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT) Ang makatang katunggali ay pangahas magparatang

Gayong ito'y pawang tsismis at mahina ang batayan Si Rodolfo 'Jun' Lozada, na witness sa ZTE scam, Isang Probinsyanong Intsik, magaling lang sa iyakan.

Marami sa sinabi nya ay hearsay at haka-haka Ngunit walang ebidensyang mas kapani-paniwala Kung susundin ang mahigpit na proseso ng Hustisya Sino man sa sinangkot nya, hahatulang walang sala.

Aminin na ang totoo, wag na sanang magkunwari Pakana ng oposisyon si Lozada at ZTE Gayon na rin ang isa pang whistle blower na si Joey

Para alsin si GMA, sila naman hahalili. Suma-total, pulitika, pulitika't walang iba Ang dahilan kaya tao'y nagagalit, nag-aalma Madre, guro, estudyante, ginagawang raliyista Ginagatungan ng mga ambisyoso sa Kamara!

SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Umiinit, kumukulo, paakyat na sa sukdulan Ang bakbakan ng dalawang nagsisipag-Balagtasan

Ako muna ay tatabi at sila na'y hahayaan Palakpakan nating muli, Kababayang minamahal!

DINAPOCO MACATIIS (DAPAT) Kung tunay ngang walang timbang ang lahad na

testimonya

Bakit kaya tinangka pang kidnapin si Jun Lozada? Pati si CHED Secretary Neri, bakit, bakit nga ba Pinipigil ng Palasyong tumestigo't magladlad na? Kung malinis ang kunsyensya, walang bahong tinatago

Bakit ang E.O. 464, di bawiin ng Palasyo? Bakit nga ba tila takot na mabunyag ang totoo?

Bakit pati taumbayan, niloloko't ginagago? Panahon na upang tayo'y kumilos at makialam Patalsikin ang pinunong kurakot sa pamahal'an Sa impeachment tayo'y bigo, at malabo syang mag-resign

People Power Revolution, sasagip sa ating bayan! MASIGASIG MATANGGOL (HINDI DAPAT)

Bakit ipi-People Power si GMA na nagsikap Na iahon itong bansa sa lusak ng paghihirap?

Lumalago ang GNP, ang piso ay tumataas, Kampante ang negosyante, unemployment lumalagpak.

Bakit itong ekonomyang pinaunlad ni Arroyo Pilit namang winawasak ng magulong pulitiko? Bakit hindi makiisang Strong Republic ay itayo? Bakit ang "Politics of Hate" ang pilit ibinabato? Problema ng ating bansa, hindi dapat nilulutas Sa paraang emosyonal, pag-iingay, pag-aaklas Ang maruming pulitika, sa halip na mapaunlad, Ekonomyang maganda na'y muli nitong ibabagsak!

(7)

DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)

Kalaban ko na rin mismo ang tumumbok sa problema Kung bakit di makuntento kay GMA mga masa Marami pa hanggang ngayon, sa pagkain sumasala

Marami ang nagtitiis na sa abroad paalila. Ekonomya ni GMA ay hanggang istatistiks lang Pagkat ito'y di madama ng maraming mamamayan

Paano nga'y nahuhuthot o di kaya't nahaharang Ng tiwaling namumuno at kasabwat sa nakawan.

MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT) Corruption di mapipigil kahit sino ang maupo People Power, di solusyon kung hangad ay pagbabago

Mas mainam patapusin si GMA sa termino Kaysa maging problema pa'y ang papalit na Pangulo.

Kung si Bise Presidente Noli de Castro luluklok Marami ring tumututol, ninenerbyos, natatakot Si Erap daw ay English lang ang na-corrupt, nabaluktot

Si Kabayang Noli kaya, anong uring paglilingkod? DINAPOCO MACATIIS (DAPAT) Katunggaling hindi kalbo, ibig yatang magpatawa

Sa layuning mailihis itong paksa naming dal'wa Sino man ang hahalili, yan ay bukod na problema

Na sa ibang Balagtasan nararapat na igisa. MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)

Hindi ako nagbibiro, kailangan nitong bansa Ay pinunong matalino, matalas ang pang-unawa Kaya tayo may eleksyon, upang bayan ang humusga

Pumili ng nararapat na mamuno sa kanila. DINAPOCO MACATIIS (DAPAT) Karapatang ninakaw na ni GMA nang tawagan

Nya si Garci sa Comelec kahit bawal at ilegal! MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)

Pulitika'y isantabi, isulong ang kaunlaran! DINAPOCO MACATIIS (DAPAT) Kaunlarang nagpipyesta'y mga corrupt na opisyal!

MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT) Si GMA ay di corrupt, mahal nya ang ating bayan!

DINAPOCO MACATIIIS (DAPAT)

Baka naman minamahal lamang niya'y kabang-bayan?

MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT) Sinungaling! Mapanlamang!

DINAPOCO MACATIIS (DAPAT) Naroon sa Malacanang! SOLOMON JURADO (LAKANDIWA) Itigil ang pag-aaway! Kayo muna ay kumalma Kapwa kayo may katwiran, may punto ang bawat isa

Kababayang kanina pa nagmumuni't nakanganga Palakpakan nating muli ang magiting na dalawa!

Patalsikin si GMA? O hintayin ang eleksyon? Palitan sa 2010? O People Power na ngayon? Pagpalain tayong lahat ng Dakilang Panginoon... Kayong madlang pipol na po ang humusga at humatol.

DIBORSYO SA PILIPINAS DAPAT ba o HINDI DAPAT na payagan

ang diborsyo sa Pilipinas? Mula sa panulat nina:

GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng DAPAT ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng HINDI

DAPAT

RAFAEL A. PULMANO —namagitan bilang LAKANDIWA

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Marubdob na pagbati po ang nais kong iparating Sa lahat ng nakikinig dito sa Pag-usapan Natin

Narito po kaming muli upang kayo ay aliwin Sa buwanang Balagtasang labanan ng magagaling. Rafael A. Pulmano po ang lingkod nyong nagpupugay

(8)

Tubong Binan, Laguna po, Tagalog na sadyang tunay Lakandiwa po ang aking papel ditong gagampanan

Tagahatol, tagahusga, tagasaing din po minsan. Araw po ng mga puso ngayong buwan ng Pebrero Kaya tungkol sa pag-ibig ang paksa ng pagtatalo: Sa sariling bansa nating mas marami ang Kristyano,

Ay dapat ba o di dapat magkaroon ng diborsyo? Batid ko pong kayo mismo'y may sariling panindigan

Ngunit pakinggan po natin ang panig na ilalaban Ng Reyna po at ng Hari nitong ating Balagtasan Wag na nating patagalin, sila'y ating palakpakan!

HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Inip akong naghihintay na sumapit itong gabi Upang ako'y magpatunay sa makatang katunggali

Na di dapat ang diborsyo sa bansang itinatangi Pagkat hindi naayon sa Maykapal at sarili. Kababayang minamahal, tulutan po muna ako Ang sa inyo ay magpugay nang taos sa aking puso Advanced Happy Valentine's Day, diwa nito'y sumainyo

Ang lingkod nyong dili't iba, si Elvie V. Espiritu. DAPAT (Pagpapakilala)

Tulad po ng nararapat, pagbati ko ay tanggapin Isang maligayang oras, pagpupugay kong taimtim

Sa matapang na kahamok, ala-Teksas talisain Sa labanang magaganap, tari muna ay hasain. Salungat sa nababatid ng makatang paraluman Nararapat ang diborsyo sa ating bansang tinubuan

Handa akong makibaka sa abot ng kakayahan Gonie Mejia po, sa di pa nakakaalam.

LAKANDIWA

Narinig po ninyo kapwa ang dalawang magbabangay Pareho pong nagbabanta; sino kaya'ng mas matibay? Umpisahan na po natin ang unang round ng bakbakan

Si Miss Elvie Espiritu'y muli nating palakpakan! HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Sa simula ay pagtibok sa mga puso't damdamin Ng dalisay na pag-ibig sa dalawang magsinggiliw

Katugunan din sa utos bago lubos magkapiling Sa simbahan o sa huwes ang dalawa'y bubuklurin. Sa dambana kapwa sila mangangako't manunumpa

Habang buhay walang maliw na sila ay magsasama Nagsidalo'y mga saksi, higit na nga ang Lumikha Hindi bagay na malabag sa hirap man o ginhawa.

Pag-aasawa'y kasabihang hindi kaning isusubo Na iyong mailuluwa kapag ikaw ay napaso Bago ito ay suungin dapat nating mapagtanto Ang larangan na ganito ay di gawang biru-biro. Likas sa ating Pilipino ang paggalang sa Maykapal

Sa aral Niya'y sumusunod, higit na sa kautusan Ang kasal ay itinakda sa banal na kasunduan

Na di dapat na humantong sa malagim na hiwalay. Ang sa aki'y pagtatanong, huwag lamang

ipagdaramdam

Nitong aking katunggaling salungat ang kabatiran Kapag sinabing ―Yes, I do‖ ng dalawang ikakasal Di ba't ito'y kahulugang sumpang di dapat maparam?

LAKANDIWA

Ang dagundong ng katwiran ni Elvie po'y parang lindol Ngunit tila hindi yata nayayanig ang humamon Ngumingit-ngiti lamang si Gonie pong kutis-sanggol

Palakpakan din po natin at dinggin ang itutugon! DAPAT (Unang Tindig)

―Yes, I do‖ ang magbubuklod sa dalawang ikakasal Nang lubusang mapag-isa at sa buhay magkatuwang Ang bisa ng kasamyento'y hanggang mayrong unawaan

At kung ito'y naglaho na, diborsyo ba'y tututulan? Ang bukas na hinaharap ay di natin nababatid Panahon ay nagbabago, parang hanging umiihip

Gayon din sa mag-asawa, di ko lahat idinadawit Kung ngayo'y nagkakasundo, may sandaling nawawaglit.

Kasalanan pang mas higit ang isang pagkukunwari Kung pagsasama'y di normal, habang buhay ang lunggati

Mainam pang maghiwalay pagkat dito ang sarili Ang tanging nilalamangan, sinasaktan na sakbibi. Sa batas ng ating bansa ay may separasyong legal Sa tuntuning kabanalan naaayon ang hiwalay Danga't ito'y itinutulot nang mayroong kasunduan Katunayan pa ring ako ang nasa tamang katwiran. Sa musmos mang pang-unawa ay tukoy ang nagaganap

Ang pintas sa pagsasama, sumasapit na lang sukat Pagmamahal naglalaho sa puso ng magkapilas Ang magsama pa sa bubong ay hindi na nararapat.

LAKANDIWA

Ang tao, pag nag-aaway, ay mentras pong pinipigil, Lalo lang daw nag-iinit, parang asong nanggigil Kaya sila'y hahayaan ko na hanggang umagahin Kapag meron na pong tumba ay saka ko aawatin.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Marami ang kaalamang lihis sa katotohanan Katulad ng kahidwa kong di tapat yatang magmahal

Katugon ba ay diborsyo kung mayroong sigalutan Ang dalawang magkapilas? Sa wari ko'y hindi bagay.

Sa ganang akin ay batik sa malinis na pangalan Ng sino mang mga anak na magulang ay hiwalay

Paano niya masasabing sila'y mga mapagmahal Kung mismong ama at ina, sa diborsyo'y nagkawalay.

Paano rin sasabihing tapat ka nga kung suminta Samantalang sa asawa'y nilisan mo ang halaga Tiwala ng iyong kapwa mapapawing parang bula

(9)

Sa batas man ay mayroong hiwalay na pinagtibay Ngunit tayo'y may sariling damdamin at kaisipan Na sikaping mapagyaman ang sagradong pagmamahal

Sa kabiyak ng iyong puso na tungkuling nakaatang. DAPAT (Ikalawang Tindig)

Hindi lubos na matukoy ng dilag kong katunggali Ang lawak ng kapintasang matatamo ng sarili Halimbawang ang kapilas, nagtaksil at nadiskubre Ang patuloy na magsama ay mayroon pa bang buti?

Kapag anak ay sumapit sa tama at wastong gulang Ang respeto'y magbabalik sa nagdiborsyong magulang

Marapat din bang pansinin ang paglibak ng lipunan Kaysa maging isang hamak sa sarili pang tahanan?

Katapatan sa simula sa mag-asawa'y mapupuna Sa di naglaong panahon tumatabang ang pagsinta

Lalo't puso nila kapwa'y nahuhumaling sa iba Sa kanila'y tumatabang ang banal na pagsasama.

Hindi man inaasahang ang ganito'y sumasapit Dapat bang ang magkabiyak, patuloy magsamang pilit?

Di ba dapat bigyang laya ang kanilang ninanais Na hanapin na sa iba ang pintuho nilang langit?

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Bawat pukol na matuwid nitong aking kahidwaan

Ay pawa pong mga lisya, kayhirap maunawaan Hahanguin ko'y talata sa Aklat ng kabanalan Taliwas sa kanyang batid, ganito ang nilalaman: Kapag kasal ay naganap, ang dalawa'y pinag-isa At pirmihang magbubuklod nando'n man ang pagdurusa

Ang pinabigkis ng langit sa utos na nakatala Ay hindi na makakalas ng kahit sinong nilikha. Dahil ang tao'y marupok, sa kautusan lumalabag,

Iginigiit ang hiwalay ayon din sa nahahayag Ngunit hindi nararapat ang humanap ng ibang liyag Pagka't iya'y pangangalunya, sa Marcos diyes nahahayag.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Sa tugon ng kahidwa ko lumilitaw na malinaw Na sadya ngang karapatan ang gawang paghihiwalay Tama nga't pangangalunyang humanap ng ibang mahal Ngunit po ang aming paksa ay kung dapat ang hiwalay.

Kung atin pong susuriin sa palakad ng lipunan May batas na hindi hango sa banal na kasulatan Ang nais ko pong tukuyin ay ang annulment ng kasal

At iyan ay hindi kaila sa ating mga kaisipan. Tama nga't tayo'y marupok, hindi ako tumututol Pagkat tayo ay nilikhang nasasangkot sa panahon

Kapintasan nga ba kaya ang batas na tumutugon Sa hiwalay na nabanggit? Ang sa aki'y pagtatanong.

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Maganda po itong tanong, ngayo'y aking sasagutin

Di ba't tao'y kakaiba ang paniwala't adhikain? Ipinagtatanggol ko'y di dapat na iyan ay pairalin Piling panig ko sa paksa, di ba kayang unawain? Ang bansa pong Pilipinas na Perlas ng Silanganan Ay lupain ng Kristyanong may panalig sa Naglalang

Ligaya nga ba ng anak kung sa ama ay susuway? O ama ay matutuwa kung siya'y nilapastangan?

DAPAT

Walang anak na naghangad na sa ama'y magsuwail Tayo lang ay nangingilag mga sarili'y dayain Mayroon pa bang katinuan kung pagsasama'y nagdilim

Na nilambong halimbawa ng asawang talusaling? Dahil dito'y inuri kong ang hiwalay ay matimbang Kaysa sa habang panahong dangal ay mayuyurakan

Kung sakali bang mangilag sa ganitong kapintasan Ang panig kong tinutugon, turing ba ay kasalanan?

HINDI DAPAT

Sa hangad yatang magwagi sa laban ng katagisan Naglulubid ng salitang wari ko'y mga paratang Dilat po yata ang mata ngunit tulog ang isipan O baka po kinakapos sa tunay na kaalaman?

DAPAT

Ang tanong ko'y maliwanag, ang sagot po ang madilim Ng makatang paralumang lumilihis kung wariin Hindi pa ba nasasapat kaysa nandoon ang hilahil, Mainam pang tumalikod kaysa lugmok sa panimdim?

HINDI DAPAT

Sa buhay bang walang wakas ay sino ang tinatanggap? Di ba't iyong sinaktan na at nagpataw ng patawad?

DAPAT

Kautusan di po namang mahalin mo ang sarili Ang hiwalay ay dapat lang kung ito'y nakabubuti.

HINDI DAPAT

Ang hiwalay ay di dapat sa ating bansang tinubuan! DAPAT

Lakandiwa ang huhusga nang ito'y mapag-alaman! LAKANDIWA (Paghatol)

Lakandiwa ang huhusga kaya ako'y narito na Magpahinga muna kayo at ang bibig ay isara Kayo namang kababayang kanina pa nakanganga

Ipabaon sa kanila'y palakpakang pampagana! Mahaba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy,

(10)

Balagtasa'y may hangganan, at sa dulo ay may hatol: Diborsyo sa ating bansa'y angkop nga ba't naaayon?

Ang sagot ni Elvie'y hindi, si Gonie ay Oo'ng tugon. Ani Elvie, mag-asawa'y sumusumpa sa dambana

Walang maliw na pagsinta ang alay sa isa't isa Saksi yaong nagsidalo at gayon din si Bathala Na sila ay magsasama sa hirap man at ginhawa.

Di raw kaning isusubo't iluluwa pag napaso Ang kasal ng magsinggiliw na di anya gawang biro Kapag dalwa'y pinagbuklod sa palitan ng ―Yes I do‖ Kamatayan lang ang pwedeng kumalag sa tali nito. Ang katwiran po ni Gonie, ang lahat ay nagbabago Habang merong unawaan, may bisa ang kasam'yento

Ngunit pag sa isa't isa, ang respeto ay naglaho Kaysa anya magkunwari, mabuti pang magdibors'yo.

Ginamit na halimbawa'y pag nagtaksil sa sumpaan, Ano'ng silbi raw ng kasal kung iba na'ng minamahal? Higit pa raw tatatanggapin ang pagkutya ng lipunan,

Kaysa maging isang hamak sa sarili niyang bahay. Ang katwiran nila'y ganyan, ang sa akin nama'y ito: Ang kasal ay mula sa D'yos, ang diborsyo'y gawang tao

Sa bibliya'y nasusulat, ang nagwika ay si Kristo, ―Pinagbuklod ng D'yos ay wag pagh'walayin nga ng tao‖.

Kung diborsyo'y hahayaang umiral sa ating bansa Ang pundasyon ng pamilya ay bubuway at hihina Walang saysay ang sumpaan at ―Yes I do‖ sa dambana

Kung sa huli'y p'wede palang mapawalan itong bisa. Ang lahat nga'y nagbabago sa panahong lumilipas Ngunit ang salita ng D'yos kaylan ma'y di kumukupas Mahusay mang mangatwiran ang makatang taga-Tarlac,

Ang korona ng tagumpay, kay Elvie ko igagawad!

MATALINO VS. MAYAMAN

SINO ang mas sikat at higit na dapat hangaan: MATALINO o MAYAMAN?

Mula sa panulat nina:

JULIET ASENITA — nagtanggol sa panig ng MATALINO; kasamang

sumulat ng iskrip si GONIE T. MEJIA RAFAEL A. PULMANO — nagtanggol sa panig ng

MAYAMAN

DOMINGO TOLENTINO — namagitan bilang LAKANDIWA

LAKANDIWA (Pagbubukas) Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid Kababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinig Dalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatid

Magandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis.

Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahan Upang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsan Ginaganap natin ito bawat unang Lunes ng buwan Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.

Para kay Ginoong Robert Generao ng FT Construction Tugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayon Marami pong salamat sa panawagang kanyang tinugon Ang paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon. Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging Lakandiwa

Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwa

Para naman inspirado, ang kaba ko ay mawala Maaari bang makahiling ng palakpakang masagana! Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamat

Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharap

Ang tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganap Pakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak.

Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na

hahangaan?

Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman? Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.

Matapos na maihayag ang katanungang tutugunin Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawin

Si Juliet Asenita ang siyang unang tatawagin Sa matunog na palakpak siya'y ating suubin!

MATALINO (Pagpupugay)

Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbas Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawad Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.

(11)

LAKANDIWA

Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paraluman

Likas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumaban Pakinggan naman natin ang makatang makakapingkian

Iniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan. Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makata

Nakilalang magaling din sa larangan ng pagtula Si Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura pa Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!

MAYAMAN (Pagpupugay)

Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinig Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig! Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutis Kung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib.

LAKANDIWA

Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkian Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan Para naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin

Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.

MATALINO (Unang tindig)

Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulang Ang talino'y kabahagi sa magandang pamumuhay

Ito'y isang katangiang tataglayin habang buhay Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.

Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulan Malawak ang nababatid, di kapos ang kaalaman

Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmang

Magagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan. Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?

Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado? At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guro Dunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.

Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas Sa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas

Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantas Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunong

Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.

LAKANDIWA

Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyo Higit na sisikat at hahangaan ay itong matalino Pakinggan naman po natin ang makatang si Ralph

Pulmano

Ihatid po natin siya ng palakpakang masigabo!

MAYAMAN (Unang tindig)

Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryoso Baka labis pong magdamdam kapag dito ay natalo Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalino

Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento. Ang pulubing matalino at mayamang di marunong

Isang araw ay nagtagpo sa labas ng Mandaluyong Mayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyon Pagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom. Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabi Matalinong contract worker at mayamang negosyante

Ang bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte, Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free.

Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap Mayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarap

Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat? Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y

maliwanag.

May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatras Balutin na ang dila mo habang di pa nagkakalat Balagtasa'y hindi laging labanan ng mauutak Kung minsan din, nagwawagi'y ang makatang may

pambayad! LAKANDIWA

Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-Binan Lalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga

mayayaman

At para naman lalo nating ito'y maunawaan Magpapatuloy po sila at atin namang palakpakan!

MATALINO (Ikalawang tindig)

Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganap Nitong aking katunggaling panalo ang siyang hangad

Magagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas? O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak! Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayaman

Upang lalo pang lumago sa panahon mang daratal Ano kayang mangyayari kung wala yaong may aral?

Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan. Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langit

Ang marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulit Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiit Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y napiit.

Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap? Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag?

Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utak Pati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap.

MAYAMAN (Ikalawang tindig)

Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisal Inamin pong ang may aral, lingkod lamang ng may

yaman

Pag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunan Ang kawawa'y ang marunong na kawaning swelduhan

(12)

Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't Adan Paraiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan Sa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusan

Pati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan! Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karunungan Yagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayaman

Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunan Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!

Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa, Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansa Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama, Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala!

LAKANDIWA

Sandali muna akong sa labanan ay papagitna Ang sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-bigla Para bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawala

Sa pagnanais na makasipa at makatuka! Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwa

Sana ang hinahon sa inyo'y hindi mawala Muli ay tumindig at sa labanan ay pumagitna Ihatid naman natin sila ng palakpakang pampasigla!

MATALINO (Ikatlong tindig)

Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang pera Ang sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang nagdadala

Kung sa mental humahantong ang may dunong na sumobra

Sa walang alam pagkat tanga, may ospital nga ba kaya? Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasan Pagkat walang itatangi kundi yaong kumikinang

Dahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihan Nang dahil din po sa pera, nandyan ang kapalaluan.

Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contract

Kaluluwa ng may dunong sa langit ay natitiyak Dahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak, Na-cancel ang entry permit, inabot ay hanggang ulap.

MAYAMAN (Ikatlong tindig)

Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipan Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaan Ang malungkot ay sila pang ignoranteng kababayan

Ang madaling naloloko ng rekruter na maalam! Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi, Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos Ama'y nagpupuri

Kalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangi Made-deport sa impyerno pagkat passport pala'y peke!

Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dala Sa mayaman, pagkat baka makulitan ang balana Pasalamat ka na lamang, kaydami ng may diploma Kinakalawang ang utak, walang trabahong makita!

MATALINO

Katunggali ang nagsabing ang tanga ay naloloko Matuwid ang kahulugang dapat magpakatalino Si Abraham at Isaac maging si Job ay may ulo

Kaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo. Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan,

Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasan Talo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal, Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman!

MAYAMAN

Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong pa Gayong halos lahat naman, nabibili na ng pera

Talino ng abugado, duktor, hilot, kumadrona Ay may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!

Sa labanang pasikatan, sino'ng unang papansinin? Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin?

Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin? O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y

mamahalin? MATALINO

Di katumbas ng halaga ang magandang kalooban Iyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawan

Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuan Kundi sa gawa ng taong may inaangking kaalaman.

MAYAMAN

Ako yata ay naligaw sa labanang napasukan Akala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan? Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang kalooban Ay di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam!

MATALINO

Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligaw Ang paghanga sa marunong, maingat sa daraanan!

MAYAMAN

Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalaban Sa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!

MATALINO

Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoy Mahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol!

MAYAMAN

Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulang Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang!

MATALINO

(13)

MAYAMAN

Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!

MATALINO

Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam!

MAYAMAN

Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw!

LAKANDIWA

Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa Ako namang Lakandiwa ang papasok sa eksena Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na

At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila! Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin

Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin At sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa magagaling

Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y limiin. Sa panig ng matalino na si Juliet Asenita Dahil daw sa talino, nakilala ang ating bansa Talino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibaka Matalino raw ang siyang sikat at hahangaang talaga.

At si Ralph Pulmano po sa panig ng mayaman Dahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaan At kung mayaman ka, magpakahirap ay di na

kaylangan

Tila may katwiran din ang makata ng Binan. Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang

Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan. Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman Kung wala namang malasakit sa kapwang nahihirapan?

Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiran Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan. Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang

kailangan

Datapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayaman

Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng

negosyo ng mayaman.

Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaan Ang may angking talino ba o ang isang mayaman?

Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan: Patas po ang naging laban, sila'y ating palakpakan!

PAGSASABI NG TOTOO DAPAT ba o HINDI DAPAT na laging

magsasabi ng totoo? Mula sa panulat nina:

ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng DAPAT GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng HINDI

DAPAT

RAFAEL A. PULMANO — namagitan bilang LAKANDIWA

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Sa ayaw at sa gusto nyo ay narito kaming muli Ang Samahang Makata po, taos-pusong bumabati At sa munting Balagtasang inihanda ngayong gabi Ang mabuti'y pulutin po, ang masama ay iwaksi. RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod nyong kinikilig

(14)

Sa Balagtasan pong itong labanan ng matitinik Ako po ang Lakandiwang sa usapin ay didinig. Ang paksa pong hihimayin ng makatang magtatalo

Ay, "Dapat ba na palaging magsasabi ng totoo?" Salubungin ng palakpak na masigla't masigabo Ang dawalang sa larangan ng bigkasa'y kapwa bagyo!

DAPAT (Pagpapakilala)

Dapat na katotohanan ang palaging sasabihin Dalahin mo'y kasalanan kung ikaw ay sinungaling

Elvie Espiritu po, bumabating mataimtim At ang diwa nitong gabi, sumainyong walang maliw.

HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Hindi dapat na palaging totoo ang ihahayag Pagkat ito magkaminsan sa iyo'y magpapahamak

Kababayang nakikinig, isang maligayang oras Gonie Mejia po lamang, pag-utusan nyo't tutupad.

LAKANDIWA

Buong linaw na naghayag ng kanilang niloloob Ang dalawang magigiting na dito ay magsasalpok Atin na ngang pag-untugin nang matesting yaong tuktok

Si Elvie po ang syang una, palakpak wag ipagdamot!

DAPAT (Unang Tindig)

Sa isip nati'y namulat, banal na alituntunin Sa mali'y huwag pabibihag, wastong daan ay landasin Tamang asal nga ba kaya kung minsa'y magsinungaling

Kung dito ay malalabag, utos dapat nating sundin? Maliwanag ang tugon ko na iya'y huwag mapangyari

Pagkat isang kasalanan sa Maykapal at sarili Malinis na pagkatao, dapat sa ati'y mamalagi Kaysa isang nabubuhay na may dungis yaong budhi.

Tayo ay mga nilikhang sa daigdig nabubuhay Sinasabing mga anak ng Maykapal na naglalang Bilang mga tagasunod sa isang Amang umaasam Tayo ba sa nais Niya ay may loob na susuway? Babaybayin ko po ngayon, panahon ni Eba't Adan

Ang demonyo po ang sanhi, sa kanila ay nakialam Sa matamis nitong dilang naglubid-kasinugalingan Kaya do'n sa paraiso ang dalawa'y pinagtabuyan. Hindi ko po sinasabing kahidwa ko ay may sungay Hindi ko rin sinasabing may buntot siyang tinataglay

Nais ko lang ibahagi sa kanya ang kaalaman Magsinungaling ay masama, kakampi ng kadiliman.

LAKANDIWA

Umuusok na katwiran ang kaagad namutawi Sa labi ng paralumang matatapang daw ang lahi Ang lalaking makata po ang sya namang maghahabi

Palakpakang malulutong ang atin ding ipanukli!

HINDI DAPAT (Unang Tindig) Paalala ko po muna sa matabil na kalaban Huwag naman sanang lalabis sa pasaring at paratang Kung di man dapat magsabing totoo paminsan-minsan

Kahulugang ako na po ay may buntot at may sungay. Ngunit habang nadidiin sa parunggit na pahapyaw

Lalo namang umiigting ang gilas ko sa banggaan Nais ko ding ipabatid sa makatang paraluman Magkaminsan ang totoo ang sa leeg mo'y sasakal.

Isa ditong halimbawa, kung ikaw ay nasasaktan Nanganganib mabilanggo ng dahil sa kasalanan Abugadong manananggol, pag inamin, katotohanan

Kaydali ng iyong pagpasok sa madilim na piitan. Kung ikaw'y isang tindera ng isda sa talipapa Sa kostumer sasabihing bili na kayo at sariwa Tinamaan ng magaling, kahit tinda mo'y bilasa

Madali ang makabenta sa naglubid ng salita. Sa dilag kong katunggaling larawang kawalang-malay

Sa makalumang panahon, higit siyang nababagay Sa agos ng pamumuhay, kung ikaw'y di pasasaklaw

Pag-asa ay iilap sa sariling kapakanan.

LAKANDIWA

Pangalawang yugto na po ng labanang mainit na At sa puntong ito ako ay eeksit samantala Hahayaan kong mag-away sila hanggang gusto nila At pag kapwa lamog na po'y saka muling maka-entra.

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Mailap ba ang tagumpay sa isang tapat na mangusap? Maamo ba ang pag-asa sa may pag-uugaling huwad? Kung mayroon mang masasagi, unawain akong ganap

Ang magtatwa sa totoo, sa kabutihan ay duwag. Nagkarera tungong langit ang dalawang magkaribal

Sa bilis pumaimbulog, masasabing sila'y pantay Pag-abot po kay San Pedro, si Juan ay hinadlangan

Sa langit di pinapasok, sa sinungaling sila'y ayaw. Sa pagdayo itong ginang, pag-unlad ang hinahanap

Biniro ng kapalaran sa salang hindi ginanap Dahil sa maling paratang, buhay niya ang nakatumbas

Idiniin ng sinungaling, sa kanya ay nagpahamak. Anong gandang idudulot ng sabi mong magkaminsan

Di pagsasabing totoo ay may buting iaalay? Kahidwa ko'y gigisingin sa isa pong kawikaan Ang pagsasabi ng tapat, magsasamang matagalan.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Maganda po ang pahayag ng makatang paraluman Sa makabagbag-damdamin hinango niya ang patunay

Ngunit iya'y di dahilang panig ko ay natatakpan Ayaw lang pong bigyang pansin, magagapi siyang

tiyakan.

May anak ka na lalaki, nagtatago halimbawa Hinahanap ng kaaway, sa buhay niya'y nagbabanta

(15)

Kung kanilang tatanungin ang anak mo'y nahan kaya Ang ikaw ay magkaila, hindi mo ba magagawa? Malubha ang karamdaman ng isang mahal sa buhay May taning na halimbawa ang buhay niyang tinataglay Kung kaniyang mababatid hininga'y agad mapaparam

Di ka ba magsisinungaling kung kanyang napagtanungan?

Hindi ko itinatatwang magsinungaling ay labag Sa banal na kautusan na sadya pong nahahayag

Ngunit may pagkakataon na di ka makakaiwas Lalo na nga kung ang sanhi, may nais kang ipangilag.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Kay-aga pong nangumpisal ng kalabang kutis sanggol Inamin na kasalanan ang panig niyang tinutugon Kung sa laban siya'y susuko, ang sa aki'y paghahamon Ay ngayon na ang sandali, ngayon na po ang panahon.

Sa tahanan ang magulang sa anak ay itinuturo Bawal ang magsinungaling, gawang hindi makatao

Kahit man sa paaralan pinapangaral ng guro Kaluluwang sinungaling ang bagsakan ay impiyerno.

Natural po kung ang isang tao'y walang kaluluwa Wala siyang pagkatakot, hindi nga mababalisa Huwag sa akin mapipikon itong macho kong kahidwa

Muli kaya siyang mag-aral nang ito ay maunawa.

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Kita nyo't nagsinungaling itong lahi ni Bakekang Kung sa paksa ako'y mangmang, tiyak ako'y tahimik

lang

Di ko ugaling sumuko sa ano mang paglalaban Kahit pa ang katunggali'y pang-heavy weight po ang

timbang.

Ibabalik ko pong muli ang laban sa katinuan Kapintasan nga ba kayang magkaila minsan-minsan?

Sakali bang makabuti ang totoo'y pahindian Masasabi pa rin kayang ito'y isang kamalian? Katulad sa nainterbyung aplikanteng mag-a-abroad

Kasinungalinga'y ginawa para lamang makalusot Nagpunyagi sa dahilang nais nyang maitaguyod Pag-aaral ng kapatid na tungkuling sinasakop.

DAPAT

Ang bagay na nakakamit sa isang katotohanan Ay masarap tamasahin, walang dapat pangambahan

Kailangan bang ikailang kulang ka sa kakayahan Kailangan pa bang dayain yaong kapwa mo nilalang?

Matuwid na hindi tama sa kapwa ang panlalamang Ang di-pagsabing totoo na lihis po sa katuwiran

Kung sa iyo kaya gawin, dayain at paglakuan Dapat ka ba na matuwa? Ang sa aki'y katanungan!

HINDI DAPAT

Tila po nakakalimot itong tigre ng Viscaya

Lahat na lang kapintasan isinali, nilahat na Ang paksa ng pagtatalo ay muli kong paalala Kung sadyang kinakailangan, magsinungaling ay dapat

ba?

Minsan ay aking sinabi sa paralumang kalaban Na siya ay ubod ganda at pang-Miss World ang katawan

Kung ako lang ay nagsabi ng pawang katotohanan Maaaring noon din po ang mukha ko ay nasampal!

DAPAT

Hindi ako nangingilag na ako ay mapintasan Di ko dapat ipagdamdam kung iya'y katotohanan Ang masakit na nangyari, nagsinungaling ang kalaban Kutis-sanggol daw po siya, barbekyung sunog din naman!

HINDI DAPAT

Kayo na ang nakarinig iyang totoo magkaminsan Ay mahirap na tanggapin, mabigat sa kalooban

Sadya ngang nakabubuting magsinungaling magkaminsan

Higit na nga kung hangad ko'y mahalin ng kaibigan.

DAPAT

Di ko ugaling mang-uto, di ko ugaling manlinlang Nais ko'y katotohanan, hindi ng kasinungalingan!

HINDI DAPAT

Mayroong pagkakataong dapat kang magsinungaling Kung ito'y nakabubuti sa sarili at kapwa din.

LAKANDIWA

Kayo muna'y maghiwalay, magpalamig niyang ulo Bago kayo ay tuluyang magkapikunan nang husto Sa mat'yagang nakikinig, ang hiling ko nama'y ito: Palakpakan ang dalawang mahuhusay sa diskurso!

Ang palagi bang magsabi ng totoo'y nararapat? Yan ang paksang tinalakay ng dalawang nagsalungat Ani Elvie, dapat daw po, nang magsama nang maluwag

Ang kay Gonie, minsan daw po, di angkop ang maging tapat.

Dapat nga raw, ani Elvie, pagkat utos ng D'yos Ama Kakampi ng kadiliman ang di magsabi ng tama Duwag raw sa kabutihan, may ugaling huwad anya,

At sa kapwa'y mapanlamang, hindi dapat ikasiya. Ani Gonie, kung minsan daw kaylangang magsinungaling

Lalo't kung ang pagtatapat, may kakambal na hilahil, Kung sa buhay, halimbawa, ng mahal mo'y may sisingil,

Pagtatakpan mo ba siya o lalo pang ididiin? Ani Hesus, "Ako'ng Daan, Katotohanan, at Buhay Walang sasapit sa Ama kundi sa 'king pamagitan."

Maliwanag na ang susi sa pinto ng kaligtasan Ay nasa 'ting katapatan sa salita, isip, asal. Madali pong sabihin yan, mahirap na isagawa

(16)

Si Apostol Santiago na ang sya mismo ay nagwika, Nasusupil nga ng tao yaong hayop na nilikha Nguni't walang makasupil sa sarili niyang dila.

Si Abraham, di nagsabi ng totoo sa Faraon Si Jacob, nagsinungaling upang kamtin ang bendisyon

At si Pedrong araw-gabi'y kasama ng Panginoon, Tatlong ulit na nagtatwa: "Di ko kilala'ng taong yon!"

Kung sila ngang dinakila't pinagpala ng Maykapal Nagkamali, nagkasala, nagsinungaling din minsan, Ang tanong ko'y uulitin: Marapat ba't nababagay Na palaging magsasabi ng pawang katotohanan? Ang atin pong pamantayan sa kung ano'ng tama't mali

Ay ang mga kautusang nakaukit sa 'ting budhi Iyang taong hindi tapat sa marami't kakaunti Sinungaling din ang tawag mabuti man ang lunggati.

Tama bang magsinungaling kung may banal na intens'yon?

Ipasa-D'yos na po natin ang paghusga at paghatol; Subalit sa dal'wa ritong buong giting na nagtanggol, Palakpak nyo'y pakawalan: si Elvie po ang nag-kampeon

PAKIALAM SA PAG-IBIG NG ANAK

DAPAT ba o HINDI DAPAT na makialam ang magulang sa pagpili ng mapupusuan ng anak?

Mula sa panulat nina:

ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng DAPAT GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng HINDI DAPAT RAFAEL A. PULMANO — namagitan bilang LAKANDIWA

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Magandang unang Lunes po ng Marso sa inyo, Bayan At sa mga inaantok, "Hoy, gising!" ang panawagan

Narito po kaming muli upang kayo ay handugan Ng inyo pong paboritong nagbabagang Balagtasan. RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod n'yong bumabanat

Magiliw na nagpupugay, bumabating walang puknat Dito'y ako'ng tagahahatol, Lakandiwa po ang tawag,

Mabait na Lakandiwa, ang matalo'y bitay agad. Ang magulang ba ay dapat o di dapat makialam

Sa pagpili nitong anak ng nais na mapusuan? Sa pag-ibig, ang supling ba'y matwid na panghimasukan?

Iyan po ang paksa ngayon nitong ating paglalaban. Kahit na may kabigatan ang napili nating paksa, Mabibigat din po naman ang makatang magbabangga

Mga Reyna at Hari po sa larangan ng pagtula Palakpakan sila habang lumalapit papagitna!

DAPAT (Pagpapakilala)

Maaliwalas ang langit sa gabi ay nakatunghay Wari bagang umaayon sa ihahayag kong patunay Na dapat lang makialam sa anak po ang magulang

Sa pagpili ng kasuyong itatangi habang buhay.

Sa akin pong katunggali na kutis ay takipsilim Ang sarili ay ihanda at isip ay patalimin ELVIE ESPIRITU po, nagpupugay, buong giliw Sa lahat ng kababayang katulad ko ang hangarin.

HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Matayog na pangarapin kalimita'y di matupad Katulad ay lakbay-diwang sarili'y di umaangat Diyan ko po ihahambing itong kahidwa kong dilag

Nananaginip pong gising, mata nama'y mga dilat. Ama akong nagmamahal sa kaloob na mga anak Ang sila'y panghimasukan sa kakatuwangin ay di dapat

GONIE MEJIA po ang lingkod nyong taga-Tarlac Sa tanan ay nagpupugay, buong tuwa at ng galak.

LAKANDIWA

Mukhang handang-handa na po ang makatang paraluman

Ang makatang taga-Tarlac, tila gayon din po naman Unang tindig, si Elvie po ang sya munang pagbibigyan Upang lalong ganahan po'y ihatid ng palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig)

Kahulilip ay ligayang hindi kayang mapantayan Ang nadama nitong ina nang ang anak ay isilang Ang sanggol ay inaruga ng malingap na kandungan Ng magulang na nagsilbing sa bukas nya'y mga tanglaw.

Mga taon pang napigtal sa tangkay nitong panahon Sa wastong gulang sumapit ang anak na tinutukoy

Pag-ibig sa itatangi nang sa puso ay sumibol Karapatan nitong anak ang damdamin ay matugon.

Tungkulin ng magulang ay pangalagaan ang anak Iwasto sa kalagayan, sa di tama ipangilag Ang higit na karanasan sa kanila ay di hamak Mas pa nilang nababatid sa anak ang nararapat. Kung sumapit sa panahong anak ay mag-aasawa

Pakialam ba ng magulang, itatanggi, itatatwa? Malasakit nga ba nila'y ipagwawalang-bahala? Ang sa aki'y pagtatanong, dulutan po ng unawa. At ngayon sa katunggaling kahidwa ko at kabangay Sa panig pong tinutugon ay huwag nawang malimutan

Hangga't anak ay sakop pa sa kandili ng magulang Sila pa rin ay may layang sa anak ay umantabay.

LAKANDIWA

Maliwanag na nagsaysay ng katwiran ang makata Na dalaga pa pong tunay, maganda at batambata, Ang kalaban nya po namang binat-na ang syang tutudla Palakpakan din po't dinggin, tingnan kung may binatbat

nga!

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Maganda ang kahidwa ko, ang pangit lang ay ang matuwid

(17)

Pati pintig ng puso ng anak yata'y ginigipit Kung sa wastong gulang na din yaong anak pag sumapit

Desisyon nyang pangsarili, di dapat nang ipagkait. Wika din niya kung ang anak ay umibig at gumiliw

Sa kanya ang karapatang damdamin ay pairalin Ngayon nama'y nakikialam, hangad niya'y nais sundin

Hindi kaya kahulugang ang dilag po ay balimbing? Kapag puso ay umibig, magmahal ay natutunan Paraan ay magagawa lalo na nga't hahadlangan Malimit ngang nagaganap, kapag magulang nakialam

Anak ay napipilitang sa kasintaha'y magtanan. Masasabing malasakit, magulang pag nanghimasok

Katumbas nama'y pagluha sa anak ang idudulot Kasawiang tataglayin, pag lumabis ay himutok Sa di mainam hahantong ang anak sa pagkalungkot.

Di po lubos maunawa ng makatang paraluman Kung gaanong hapdi sa anak ang kabiguan Tayo'y mga nagdaan na sa ganiyang kalagayan Hanggang ngayon siya'y bulag pa sa isang katotohanan.

LAKANDIWA

Para lalong magkaigi ang dalawang nagtatalo Hahayaan ko na silang magbaknatan hangga't gusto

Kayo namang nakikinig sa istudyo at sa radyo Ipabaon sa kanila'y palakpakang todong-todo!

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Pag-ibig ang siyang bulag, hindi yaring pang-intindi Taliwas po ang pasaring ng mahanging katunggali

Hindi ba't ang kabataan, kahit anak mong sarili, Mapupusok sa pag-ibig, sa pagpili'y namamali? Kapintasan bang masabing ang anak ay maturuan Sa nababagay na kasuyong kakasamahin sa buhay?

Di ikaw ang masusunod, kahit ikaw'y nakialam, Mahalaga'y pagpapayo na nagmula sa magulang. Mas mahapding madarama lalo't anak mo'y babae

Napakasal halimbawa sa tampalasang salbahe Sa altar kung ibinuklod, habang buhay magsisisi Dahila'y di nakialam ang magulang sa pagpili. Huwag naman pong itutulot kung iyan ay mangyayari

Sino bang dapat buntunan kundi yaong di nagsilbi? Pabaya sa katungkulang marapat na ibahagi

Na paris ng kahidwa kong iniinda ay sarili.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Hilong talilong na yata ang dilag kong kabanggaan Ang bunga sa pakikialam ay kanyang nakaligtaan

Anak, kung ipinagkasundo sa hindi napupusuan, Hantungan nitong malimit ay di ba paghihiwalay? Pag sinabing nakikialam ang magulang po sa anak

Kanilang pinipintuhong balak nila ang matupad Ang sustansiya ng hidwaan, nais po yatang isadlak

Nitong aking katunggali, sa paglihis, pangingilag. Pag-ibig ay kawikaang labis makapangyarihan

Ang lahat ay hahamakin maging pati kamatayan Kapag puso ang nag-utos sa anak at hinadlangan Kundi sa hukay babagsak ay do'n sa Mental Hospital.

Bakit ko pa nanaising ang ganito ay maganap Kung sa aking pakikialam, ang anak ay mapahamak?

Di ko panghihimasukan, sino man ang ililiyag Sa halip ang bendisyon ko sa kanila'y igagawad.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Kagaya ng nasabi kong karapatan ng magulang Sa anak magmalasakit pagkat dugo nila't laman Halimbawang ang anak mo may asawa ang napusuan

Anong uring magulang ka kung ito'y di tututulan? Sa harap ng kapintasang nakadilat, nagbabanta Ang magsawalang-kibo ka hindi ba pagpapabaya? Kung di kabagay ng anak sa pagsinta ang ninanasa

Ikaw din ba ay aayon at sa iyo'y balewala? Balakid ngang sasambitin pag nakialam ang magulang

Ngunit dapat na mangyari pagkat isang pagmamahal Kahit sabihin pa nating anak sa aki'y masuklam Kung akin siyang napanuto, ina akong nagtagumpay.

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Tagumpay sa kabiguan, pagwawaging kasawian

Sa pagluha nakakalong ang umapi at nasaktan Sa malinaw na salita, bahid po ng katuturan Nakialam at pinakialaman, lungkot ang kalulugmukan.

Katulad sa isang anak na dalaga't ubod ganda Sa mayamang manliligaw, isinabwat nitong ina Sa takdang araw ng kasal, sa halip na pagsasaya

Ang ina ay tumatangis, masakit na nagluluksa. Halimbawa ko po lamang itong aking inihayag Bagaman may pangyayari na dito ay natutulad Nasaan ang pagmamahal ng magulang po sa anak Kung karapatan sa pag-ibig ng bunso ay winawasak?

DAPAT

Maganda ang halimbawa ng makatang kahidwaan Ngunit ang tema ng paksa'y di maunawang lubusan Ang pakialam ng magulang sa anak ay nakabatay

Kung sa kanyang kakatuwangin ay may punang kapintasan.

Katulad din halimbawa ng sa anak lumiligaw Lasenggo at butangero, sugarol po at batugan Ang anak ba'y hahayaang sa ganyan mapasakamay

Kapag ito'y napangyari, magulang ang masasaktan.

HINDI DAPAT

Muli akong sinapawan kaya ako'y di maka-draw Katunggali'y lumiliko, mahirap ang makapusoy Bakit ba kung nagigipit, kahidwa ko'y lumiligoy Sala sa init at lamig kung baga po sa panahon. Ngunit po sa isang dako ay hindi niya nababatid

Referensi

Dokumen terkait

Likas na sa mga Pilipino ang pagbibigay halaga sa edukasyon. Ang edukasyon ay isang paraan kung saan pinapaunlad ang kaalaman at pagkatao ng isang indibidwal

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Sa matandang apartment sa Doroteo Jose, kumatok siya at nagtanong tungkol sa babaeng nagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya niyang si Ligaya, ngunit isang lalaki ang nagbukas

Tumatak sa akin ang mga sesyon na iyon dahil sa unang pagkakataon, nalaman kong hindi dapat sisihin ng isang babae ang sarili kung siya’y naabuso.. Na karapatan

Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang makinig, hindi ito nasa isang

Magugulat na tayo sa isang banda na kung ano na ang nangyayari bakit nila iyon ginagawa na sila ay wala pa sa wastong edad kaya nga may teenage pregnancy o maaga o

Sa ibang salita, kung ang Pilipinas ang kanyang tinataya bilang “unified organic climax community” na nakapagdiriin lamang sa kapuluang ito bilang isang “steady and sustainable state”

(Maaring sumagot nang mas marami pa sa isa) ①Kung ako ay may libreng oras, gusto kong mag-aral ②Kung mayroon akong sapat na pera na magagamit para sa pag-aaral ng Nihongo.. ③Kung may