• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Bahagi Ng Teksto

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Mga Bahagi Ng Teksto"

Copied!
7
0
0

Teks penuh

(1)

1 Mga Bahagi ng Teksto

1. Panimula : Paksa at Tisis

 ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.

 Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang

papatunayan o pasisinungalingan.

Wika nga nina Bernales, et al. (2001) , maihahalintulad ito sa Display window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang abeylabol na paninda o haylayt na paninda.

 Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda sa paksang iyon.

2. Katawan : Istraktura , Nilalaman at Order

 ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto.  ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.  nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto. Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto. 3. Wakas : Paglalagom at Kongklusyon

 Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong maging makatawag- pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mambabasa.

 Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na

maaaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan.

Lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan.

Kongklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa pagtatalakay sa teksto.

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

 Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na katanungan o larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga datos o impormasyong makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura.

 Ang isang akademikong papel sa antas kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2,000 hanggang 3,000 salita o 15 hanggang 20 pahina.

 Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at pangangalap ng mga datos upang mapagtibay, maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan ang isang paksain.

Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong Pagsulat

• Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.

(2)

2 • Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod,

pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin.

• Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangan salain at suriin para sa akademikong pagsulat.

• Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.

• Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.

• Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.

• Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.

• Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa

pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon.

• Matututunan din ninyo ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng mga impormasyong kapaki- pakinabang para sa inyong tinutuntong imbestigasyon.

Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel 1. Tiyak na Paksa

• Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.

Halimbawa:

Larangan: Dula sa Pilipinas

Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa Pilipinas

Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at pagpapakahulugan sa salitang “dula” 2. Rasyunal

• Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.

3. Layunin

• ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.

• halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit. 4. Panimulang Haka

• pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin.

• hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

(3)

3 Hal: nagmula sa salitang “dula” mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Ang mga

katangian ng “dula” ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang “dula”.

5. Sarbey ng mga Sanggunian

• Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.

• ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.

6. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik

• sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang ginagamit– ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo.

7. Pag-aayos ng mga Datos

• nangyayaring makapangalap ng mga datos at impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop na paghahanay upang madaling masuri at maisistematays.

1. Ang Gamit ng Tala, Note Cards at Reference Cards

a. Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang nasusuri ng mananaliksik.  Sa 3x5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian

sa gitna.

 Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call number o ang pinagmulan ng sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita).

 Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung ano ang pangkalahatang paksa ng sanggunian.

b. Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga babasahi. Maaaring ilagay rito ang iba’t ibang uri ng datos. Makakatulong din kung maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard.

c. Sa pagtatala , maaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod, tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles at iba pang wikang banyaga.

a. Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin kundi ang kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi.

b. Buod, Presi(paraphrase) at Hawig-Ang buod o sinopsis ay isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may bahgyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa.

Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga

(4)

4 ideya ng akd sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de vista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.

Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 hanggang 40 porsyento ng haba ng orihinal na akda.

Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito ang sentral na ideya o sintesis na mahahalagng ideya.

Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng hawig. Di tulad ng presi na naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa orihinal na akda, ang hawig o paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga ideyang gamit ang higit n payak na salita ng nagbabasa.

2. Salin-mahalaga na matutunan ang pagsasalin sa Filipino upang maging malawak ang batis ng impormasyong magagamit sa pananaliksikSa pagsasalin, pinaanatili pa rin ang dangal ng paggamit ng wikang piangsasalinan nang may pagsasaalang-alang sa akdang nakasulat sa ibang wika.

3. Sintesis-pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda.

Hal.Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa dahil lamang sa katayuan sa buhay ng isang tao . Ang Kalupi ni Benjamin Pascual

8. Pagbabalangkas

• Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan. • Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak at

tiyak na ideya.

• Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik. • Dahil ito’y malawak na konsepto, maaari pang maglagay ng suporta at kaugnay na ideya.

• Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay kinakailangang pantay-pantay.

• Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng balagkas.Hal.Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas I. Panimula A. Panukalang Pahayag B. Paglalahad ng Suliranin C. Kabuluhan ng Pananaliksik D. Layunin ng Pananaliksik E. Saklaw at Delimitasyon F. Metodolohiya

II. Kahulugan ng mga Katawagan III. Katawan

A. Intoduksyon sa Negosyo

B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino 1. Unang kapanayam

(5)

5 D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino

1. Unang kapanayam 2. Ikalawang kapanayam 3. Ikatlong kapanayam

IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam V. Konklusyon

Uri ng Balangkas

a. Balangkas na talata

• paghahanay nang isa-isang mga ideya.

• ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na nasa anyong pasalaysay(deklarativ)

b. Balangkas na Paksa

• gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas.

• gumagamit ng salita,parirala sa paghahanay ng datos.

• ang mga salita,parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng talata.

c. Balangkas na Pangungusap

• gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga datos.

• pasalaysay kung tiyak na ang datos na ilalagay;patanong kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga datos na nais kalapin.

• kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap.

• kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong pagbabantas.

LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

• Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.

• Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangan pangatwiranan.

May iba’t ibang ebidensyang maaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod: a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;

b. Obserbasyong pansarili o kaya’y ng ibang tao; c. Mga saksi; at

d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.

Lohikal na Pangangatwiran

(a) Pangangatwirang Pabuod – ito ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.

(b) Pasaklaw na Pangangatwiran – ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.

Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga sumusunod:

(6)

6 Tiyakang Silohismo

Pangunahing Premis:

Lahat ng katoliko ay Kristiyano Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano Kondisyunal na Silohismo Pangunahing Premis:

Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit. Pangalawang Premis:

Si Juan ay isang mabuting Kristiyano. Kongklusyon:

Si Juan ay pupunta sa langit. Pasakaling Silohismo

Pangunahing Premis:

Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating sa langit.

Pangalawang Premis:

Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano. Kongklusyon:

Makakarating si Pedro sa langit. May Pamiliang Silohismo

Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa:

Pangunahing Premis:

Lahat ng lumalangoy ay isda. Pangalawang Premis:

Si Nena ay lumalangoy. Kongklusyon:

SI Nena ay isda. Palasi ng Pangangatwiran

Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .

a. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran. Hal.Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

b. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.

(7)

7 c. Non sequitur – paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does

not follow the premise

Hal.Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

d. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan.

Hal. Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunaya’y isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan. f. Maling Paglalahat – pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.

Hal. Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.

g. Maling Analohiya – paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.

Hal.Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit na tag-init.

h. Maling Saligan – paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon. Hal. Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.

j. Maling Awtoridad – paggamit ng tao ng sangguniang walang kainalaman sa isang paksa. Hal. Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino. k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.

Hal. Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.

l. Mapanlinlang na Tanong – paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Referensi

Dokumen terkait

Jumlah guru dihitung dengan membagi jam tersedia dengan wajib mengajar (24 jam). Apabila jam yang tersedia kurang dari 24 jam, kebutuhan guru dihitung satu sesuai

Fenomena kehidupan masyarakat Turki menjadi menarik ketika negara Turki berdiri tahun 1923 menyatakan sebagai sebuah negara sekuler, di mana Islam yang telah

demam, sakit kepala, hidung tersumbat dan bersin-bersin yang disertai batuk.. bersin-bersin yang

Kata Sambutan dari Sekretaris Dinas Kesehatan Simalungun Ibu Sarmauli Siadari Menyampaikan terimakasih Kepada Lintas Sector, Bapak Camat dan jajaranya di minilok triwulam , peran

Metode penyambungan dengan mechanical fastening merupakan metoda penyambungan material, khususnya logam secara mekanik dengan menggunakan baut atau paku keling

Salah satu tehniknya aalah autohipnosis (selfhipnosis) atau s7asugesti alam menghaapi an men2alani kehamilan serta persiapan melahirkan sehingga para 7anita hamil

5. Nilai menghargai jasa. Contohnya Sultan Johor menganugerahkan Darjah Kerabat kelas Dua kepada Dato‟ Onn dan beberapa orang pemimpin lain yang berjasa kepada tanah air.

Mengadakan percobaan pemadatan dilapangan (compaction trial test) Di Bab II dan III kita telah memilih material yang akan digunakan sebagai timbunan badan jalan