• Tidak ada hasil yang ditemukan

DEPED COPY Kaugnay nito, kung pagbabatayan naman ang mga bansa kung saan tayo

Dalam dokumen Ekonomiks LM Yunit 4 (2) (Halaman 132-137)

ay pagluluwas, batay sa June 2014 ulat na inilabas ng PSA, na ang Japan partikular na ang Okinawa ang siyang pinaka-nangungunang destinasyon ng mga produktong Pilipino. Ito ay mayroong kabuuang $955.58 milyon na kabilang sa 17.6% ng kabuuang kita ng ating bansa sa export ngayong June 2014. Pangalawa, ang People’s Republic of China (PROC) na mayroong 15.8%. Ito ay katumbas na halagang $859.38 milyon. Pangatlo ang United States of America na mayroong 13.8% o kabuuang $751.68 milyon sa kabuuang kita ng bansa. Pang-apat ay ang Hongkong na mayroong 9% o katumbas na $487.74 milyon at panlima ang Singapore na may nairehistrong 6.9% o $377.97 milyon sa kabuuang kita ng bansa sa pagluluwas.

Para sa kompletong listahan ng Philippine Top Ten Exports by Country, tunghayan ang pigurang nasa ibaba.

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine-tpten-ecports-bycountry-performance-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Samantala, kung pagbabatayan naman ang economic bloc, ang ating bansa ay may pinakamalaking pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa mga bansa sa East Asia. Ito ay may katumbas na 49.9% o & 2.714 bilyong dolyar; pangalawa ay sa mga bansang miyembro ng ASEAN na nakapagtala ng 14.2.% o may katumbas na halaga na $770.46 milyong dolyar; pangatlo ay sa mga bansang kasapi ng European Union na mayroong 10.2% o kabuuang $556.51 milyong dolyar.

Ito ay maipapakita ng pigura na nasa susunod na pahina. Others 16.9% Taiwan 3.5% Thailand 3.5% Korea, Republic of 3.9% Germany 4.5% Australia 4.7% Singapore 6.9% Hong Kong 9.0% Japan 17.6% China, People’s Republic of 15.8% United States of America 13.8%

DEPED COPY

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine exports by economic bloc-june-2014 Retrieved on November 7, 2014

Sa kabilang banda, ang import ng ating bansa ayon sa Philippine Statistical Authority, kung ihahambing sa nakaraang June 2013 ay bumaba ng 3.6% batay sa naitalang $4.716 bilyon. Ito rin ay mas mababa kumpara sa $4.890 bilyon ng nakaraang June 2013. Ayon sa ahensiyang nabanggit, ang pagbaba na ito ay dulot ng pagbaba ng tatlong pangunahing produkto. Ito ay ang industrial machinery & equipments, electronics products, at other food and live animals.

Maliban pa rito, ang balance of trade in goods (BOT-G) ng ating bansa para sa June 2014 ay nagtala ng surplus na $731 milyon kompara sa $399 milyon na deficit noong June 2013. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang pigurang nasa ibaba.

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine trade performances-june-2014 Retrieved on November 7, 2014

Kung pagbabatayan naman ang Philippine Top Five Imports, ang mineral fuels at lubricants and related materials ang siyang nanguna. Ito ay nakapag-ambag ng kabuuang 24.7% o may katumbas na halagang $1.167 bilyon. Ito ay nagtala ng pagtaas na 9.4% kung ikukumpara sa $1.066 bilyon noong June 2013. Pumapangalawa rito ay ang electronic products na mayroong 18.1% at may halagang $1.097 bilyon

Notes:

1/ includes China, Hongkong, Japan, Macau, Mongolia, N. Korea, S. Korea, Taiwan

2/ includes Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam 3/ includes Alaska and Hawaii

4/ includes Austria, Belgium, Bulgaria, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, and UK Great Britain.

DEPED COPY

ngayong June 2014. Ito ay bumaba ng 22% mula sa $1.097 bilyon noong June 2013. Pangatlo naman ang transport equipments, na nagrehistro ng 10.2% sa kabuuang imports ng bansa sa halagang $479.28 milyon. Ito ay may pagtaas ng 13.9% mula sa dating $420.92 milyong dolyar. Pang-apat naman ay ang industrial machinery and equipments na nakapagtala ng 4.5% bahagi na may kabuuang halaga na $211.97 milyon. Ito ay bumaba ng 32.9% mula sa dating $315.81.74 milyon noong June 2013. Panlima ay ang other food and live animals na may 3.3% na bahagi sa kabuuang imports ng ating bansa sa halagang $156.23 milyon. Ito ay bumaba ng 3.3% mula sa dating $161.64 milyon noong June 2013. Ang pigura sa ibaba ay nagpapakita ng Philippine Top Five Imports.

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top five imports-june-2014 Retrieved on November 7, 2014

Samantala, sa larangan naman ng ating ugnayan hinggil sa import ang bansang nagkakaroon tayo ng pangunahing pag-aangkat ay ang People’s Republic of China. Ito ay nakapagtala ng 17.2% o kabuuang $809.64 milyon ngayong June 2014. Nakapagtala ito ng pagtaas na 17.9% kung ihahambing sa $686.79 milyon noong June 2013. Ang Republic of Korea naman ang pumangalawa na nakapagtala ng 6.8% ng kabuuang import o may halagang $461.33 milyon. Ang Japan partikular na ang lungsod ng Okinawa ang pumangatlo na mayroong 9.6% o katumbas na $451.71 milyong dolyar sa kabuuang import ng Pilipinas. Pang-apat ay ang United States of America na mayroong 7.6% o kabuuang $445.44 milyon at ang panlima ay ang Singapore na nakapagtala ng 6.8% o katumbas na $319.54 milyong dolyar ngayong June 2014.

Ang kabuuang datos ng Philippine Top Ten Imports by Country ay makikita sa pigura sa ibaba ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

DEPED COPY

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top ten imports-by country-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Gawain 6: IMPORT o EXPORT: I-VENN DIAGRAM MO!

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Layunin ng gawaing na ito na masuri mo ang mahahalagang datos o impormasyon tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga pamprosesong tanong at punan ang Venn diagram.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?

2. Paano mo ilalarawan ang takbo ng kalakalang panlabas ng Pilipinas? 3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, pagkomparahin ang export at

import ng ating bansa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon.

EXPORT

IMPORT

Korea, Republic of 9.8% Others 23.4% Russian Federation 4.3% Taiwan 4.7% Malaysia 5.3% Thailand 5.5% Saudi Arabia 5.8% Singapore 6.8% United States of America 7.6% Japan 9.6% People’s Republic of China 17.2%

Mahahalagang Datos Mahahalagang Datos

PAGKAKAIBA

DEPED COPY

Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig: WTO; APEC, ASEAN

Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa industriyalisasyon. Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o sa wikang Ingles ang kasabihang “No Man is an Island”.

Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.

Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod:

WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO)

Ang pandaigdigang samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ang naging kapalit ng General Agreement of Tariffs and Trade (GATT). Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin sa Uruguay Round sa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreement sa Marrakech, Morroco noong Abril 15, 1944. Subalit, kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong nagpapasya sa WTO ay ang Ministerial Conference, samantalang ang GATT ay walang ganap na estruktura. Ang punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.

Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado.

Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Bilang isang samahang internasyonal, ang pagsapi o pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit na proseso. Ang isang bansang nagnais na maging kasapi ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya at mga patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang ito ay tumatagal ng halos ilang taon sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi

Pinagkunan:http://www.brettonwoods.org/sites/default/files/photos/WTO-logo-1.png Retrieved on

DEPED COPY

Dalam dokumen Ekonomiks LM Yunit 4 (2) (Halaman 132-137)