• Tidak ada hasil yang ditemukan

DEPED COPY Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi

Dalam dokumen Ekonomiks LM Yunit 4 (2) (Halaman 66-69)

ng ekonomiya ng bansa. Ang bansa, ayon sa artikulo mula sa Economy Watch, ay

ikatatlumpu’t dalawang (32) bansa na may pinakamalaking ekonomiya sa mundo at may GDP na US$188.719B noong 2010. Dahil dito, ang Pilipinas ay may napakalaking potensiyal upang maging ganap na industriyalisado. Dagdag ni Ginoong Usui ng ADB, ‘ang Pilipinas ay maaaring maging pangunahing lokasyon ng produksiyon sa Asya. Sa panahon na naghihigpit ang pamilihan ng manggagawa sa ibang mundo, at habang patuloy na bumabangon pa lamang mula sa mga kalamidad ang ibang bansa at sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng Yen, ang Pilipinas ay may isang napakalaking pagkakataon upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan. Inaasahang ang tagumpay ay hindi malayo para sa mga Pilipino’.

Makikita mula sa Talahanayan 6 ang papataas na kontribusyon ng sektor sa kabuuang kita ng bansa. Higit ang inaasahang paglaki nito pagkalipas ng 2010 dahil na rin sa mataas na GDP ng bansa. Katulad ng nabanggit, ang sektor na ito, kung maisasaayos at mapalalakas, higit na maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na mga posisyon. Sa gayon, asahang ang pagbuti ng ekonomiya ay mararamdaman ng nakararaming mamamayan dahil sa mga pagkakataong maibibigay sa kanila.

Talahanayan 6. Gross Domestic Product by Industrial Origin 1st Qtr 2000 - 4th Qtr 2010

(in million Php)

Period

At Current Prices At Constant 1985 Prices

Agriculture, Fishery and

Forestry Industry Service

Agriculture, Fishery and

Forestry Industry Service

2000 528,868 1,082,431 1,743,428 192,457 345,041 435,462 2001 548,739 1,191,707 1,933,241 199,568 348,165 453,982 2002 592,141 1,308,219 2,122,334 206,198 361,167 478,718 2003 631,970 1,378,870 2,305,562 215,273 363,486 506,313 2004 734,171 1,544,351 2,593,032 226,417 382,419 545,458 2005 778,370 1,735,148 2,930,521 230,954 396,882 583,616 2006 853,718 1,909,434 3,268,012 239,777 414,815 621,564 2007 943,842 2,098,720 3,606,057 251,495 442,994 672,137 2008 1,102,465 2,347,803 3,959,102 259,410 464,502 693,176 2009 1,138,334 2,318,882 4,221,702 259,424 460,205 712,486 2010 1,182,374 2,663,497 4,667,166 258,081 515,751 763,320

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). (2013). Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp

on September 12, 2014

Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

Australian Bureau of Statistics. (2012). Manufacturing Statistics Using Manufacturing Statistics Frequently Asked Questions What is

Manufacturing?. Retrieved from http://www.abs.gov.au/websitedbs/c311215.NSF/88e17471717cdbc5ca25778a001d9500/616cc124f6 101381ca2570a400119093!OpenDocument on August 21, 2014

(2013). Retrieved from http://www.ft.com/cms/s/0/1497f650-c8d8-11e2-acc6-00144feab7de.html#axzz39ucypQ5L on August 16 2014

Economy Watch Content. (2010). Philippine industry sectors. Retrieved from http://www.economywatch.com/world_economy/ philippines/industry-sector-industries.html on August 6, 2014

Asian Development Bank. (2012). Expanding Industrial Sector Key to Philippines’ Growth, Job Creation. Retrieved from http://www.

DEPED COPY

Gawain 4: CONCEPT MAP!

Matapos basahin ang teksto tungkol sa sektor ng industriya, punan ang concept map na nasa ibaba. Tukuyin ang iba’t ibang industriya sa loob ng mga sekondaryang sektor at katangian ng mga ito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa gagawing talakayan.

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya

Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga dinaraanang na proseso ng mga mauunlad na bansa. Ayon naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa ‘pagiging rural, agricultural, atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at modern’. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit na paksa sa maraming panig ng mundo dahil sa magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang debate tungkol sa teorya ay batay sa hindi magkakaparehong katangian ng mga bansang papaunlad. Ngunit sa anumang kaparaanan, malinaw ang mensahe na ninanais ng bawat bansa, ito ang makamit ang kaunlaran na mayroon ang mayayamang bansa tulad ng Japan, Singapore, Switzerland, at iba pa.

Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal. Pinakatiyak na katibayan ng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriyal na pagawaan. Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang lahat ng mga pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”

Pinagkunan: Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. & Lim, A. (2000). Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD

Publication., http://www.academia.edu/3596310/Rostows_theory_of_modernization_development Retrieved on November 7, 2014 Pagmimina

Konstruksyon Utilities

Pagmamanupaktura

DEPED COPY

Kahinaan ng Sektor ng Industriya

Policy Inconsistency. Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga

polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa. Nangyari ito sa panahon na ang mga bansang China at Vietnam ay mayroong murang lakas- paggawa at mas madaling regulasyon sa pagnenegosyo. Dahil dito, mas maraming mga mamumuhunan ang naging interesadong magtayo ng kanilang mga negosyo sa dalawang bansa.

Inadequate Investment. Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang

ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya. Kung may sapat na kakayahang pinansiyal, mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas na demand. Ngunit dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa Pilipinas kompara sa mga karatig bansa, naging mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang teknolohiya o magbago ng mga produktong ginagawa. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na demand sa mga makabagong gadyet sa buong mundo. Nagdulot ito sa mabagal na pagtaas ng kita mula sa industriya.

Macroeconomic Volatility and Political Instability. Ang kahinaan ng mga

elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang mababang antas ng pamumuhunan na nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.

Pinagkunan: Intal, S J and See, E. (n.d.). Whither the Philippine manufacturing sector: Looking back, way forward. Retrieved from

http://www.dlsu.edu.ph/research/centers/aki/_pdf/_concludedProjects/_volumeI/IntalSee.pd on November 7, 2014 Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

Epekto ng Industriyalisasyon

Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonomistang tulad nina Adam Smith (1776), Marx, Engels (1848) at John Willamson (1990), ang patuloy na motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Ngunit ayon din sa kanila, sa kabila ng mga benepisyo na dala ng industriyalisasyon sa buhay ng mga mamamayan, marapat na makita rin ang epekto nito. Mangangailangan ng kritikal na pag-unawa at pagninilay upang mapagtimbang ang kahalagahan at epekto ng industriyalisasyon at ang pangmatagalang implikasyon nito sa lipunan at sa bawat isa.

Ayon sa mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon, hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko, at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon. Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat nina Balitao et al. (2012) na ang polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng industriyalisasyon. Samantala, batay naman kay Williamson (1999), na binanggit sa dyornal nina Federman at Levine (2005), ang industriyalisasyon ay maaari ding maging dahilan upang bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan

DEPED COPY

Dalam dokumen Ekonomiks LM Yunit 4 (2) (Halaman 66-69)