• Tidak ada hasil yang ditemukan

VENN DIAGRAM

Dalam dokumen Ekonomiks LM Yunit 4 (2) (Halaman 72-77)

DEPED COPYmapagkakakitaan ng mga mamamayang nabibilang dito;

Gawain 7: VENN DIAGRAM

Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya. Kinakailangan ang dalawa upang higit na mapabuti ang katatagan bilang mga sandigan ng ekonomiya. Mula sa binasang teksto, punan ang Venn Diagram ng mga hinihinging impormasyon.

Ugnayan: _____________________________________________________ Pagkakaiba: ___________________________________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura?

2. Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao? bansa?

3. Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya?

DEPED COPY

Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya at Pangangalakal

Mula sa mga talahanayan tungkol sa investment, makabubuo tayo ng kongklusyon na ang Pilipinas ay nakapagtala ng mas mababa sa maaaring asahan dito. Sa pagdaan ng mga panahon, matitiyak ang unti-unting pagbaba sa kontribusyon ng sekondaryang sektor ng pagmamanupaktura sa ekonomiya, gayundin ang pagbaba sa pangkalahatang pamumuhunan.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay hindi maikakailang hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod:

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan 2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa

nasabing plano, ang sumusunod na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at akmang

“In 2009, the Philippines ranked 43rd out of 57 countries and last among five ASEAN members; next to last in infrastructure; and 51st in economic performance in the IMD Global Competitiveness Report; and placed 139th out of 180 countries (6th among the ASEAN-6) in the Transparency International’s Corruption Perception Index. In 2010, the country ranked 144th among 183 countries and also last among the ASEAN-6 in the International Finance Corporation/ World Bank’s (IFC/WB)”.

DEPED COPY

kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at maayos na paggawa; at (c) mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili.

Ang nasabing plano ng pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad ang sektor ng industriya. Malinaw ang layuning nakasaad sa nasabing plano. Subalit tulad sa mga nakaraang panahon, ang katatagang maipatupad ang mga plano ang pinakamalaki pa ring balakid upang masiguro ang pangmatagalang benepisyo mula rito. Ilan sa direksyon ng pamahalaan ay pagsasaayos ng ilang mga polisiya upang masigurong ang mga ito ay magpapatatag ng industriya. Inaasahan ding ang mga pagbabagong ito ay magbibigay ng isang maayos at kaaya-ayang kondisyon sa pagnenegosyo para sa lokal at dayuhang mamumuhunan. Ilan sa mga inaasahang may pagbabago sa mga patakaran ang sumusunod:

• Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus

Investment Code of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of Investment (BOI)

Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.

• Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa patas na pakikipagkalakan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa. Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay makasusunod sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa panuntunan ng custom batay sa naging komitment ng bansa sa Kyoto Convention.

• Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.

• Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga R and D na isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat

• Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay

• Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho

Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang pagtataguyod sa industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang

DEPED COPY

pangangailangan sa pagkaroon ng kalidad sa lakas paggawa na naaayon sa

demand ng pamilihan. Kinakailangan din na malinang ang impraestraktura at ang

mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti ang sosyo-ekonomikong kapaligiran. Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang matamo ang nasabing mga adhikain:

• Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang magamit nang husto ang mga likas na yaman.

• Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya.

• Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa pamamagitan ng training at opportunity building.

Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal) at manguna sa paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal sa ibang bansa.

• Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng katanggap-tanggap na kapaligiran sa pagnenegosyo.

• Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa.

Makikita rin ang layunin ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa mga sekondaryang sektor ng industriya:

Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing tagapagpakilos ng ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga produktong ito na mula sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng brand. Dapat ding makaakit ng mga negosyanteng maaaring ang pokus ay iba pang larawan na malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa buong mundo.

• Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam

(9) na milyong ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil sa malaking potensiyal nito, ang pamahalaan ay naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais na mapalakas ang kakayahan nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw na sangkap at maipagbili sa dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang pamahalaan na mapabuti ang kontribusyon ng pagmimina, hinahangad ding mapasunod ang lahat sa polisiya tungkol sa matalinong paggamit ng ating likas na yaman. Ito ay pagsisiguro na magiging responsable ang bawat isa sa paggamit ng mga yamang mayroon ang bansa habang nagkakamit ng kaunlaran.

• Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestrektura ng bansa ay inaasahang

magiging isa sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga bagong paliparan at daungan, at iba pa ay isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa pagpapatatag ng ekonomiya.

DEPED COPY

• Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro

upang ang iba pang mga nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya tulad ng homestyle products; pag-aalahas; motor vehicle parts and components; tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay magiging matibay na sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng pangalan at kalidad sa mga produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang masiguro ang kakayahan ng industriyang makipagkompetensiya sa mga bansang nangunguna sa kalakalang panlabas.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014 Gawain 8: ECO-SIGNS

Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil sa layunin nitong mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Mula sa binasang teksto, hayaan ang mag-aaral na gamitin at sundin ang paggamit ng Eco-signs na hango sa konsepto ng traffic signs. Ang mga panandang ito ay STOP, GO at CAUTION. Ang STOP ay ilalagay kung nais ng mag-aaral na ang patakaran ay ihinto, GO kung nais ipagpatuloy at CAUTION kung itutuloy nang may pag-iingat.

BATAS ECO-SIGNS DAHILAN

• Pagsusog (amendments) sa

Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987

Pagpapatibay sa anti-trust/ competition law

• Pagsusog sa Export Development Act

• Pagpapabuti sa industriya ng Aviation

• Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas

• Pagsusog sa Local Government Code

Hindi dapat

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong palagay sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng industriya? Ipaliwanag.

2. Makatwiran ba ang direksiyon ng pamahalaan na magsagawa ng pagbabago sa mga patakaran at polisiya ng bansa kaugnay sa sektor ng industriya? Patunayan.

3. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya tungo sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa?

Dalam dokumen Ekonomiks LM Yunit 4 (2) (Halaman 72-77)