A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAPAMALAS MO?
Ang galing naman nila! Sana pagdating nang araw ako naman ang sisikat tulad ni Steve Jobs, Bill Gates, Bryan Mendiola, Sandy Javier at iba pang Pilipino, makilala sa buong daigdig dahil sa aking talino at galing. Marahil ang mga salitang ito ay minsan nang namutawi sa iyong bibig. May pangarap ka ring maging matagumpay tulad nila, ngunit paano kaya maisasakatuparan ang iyong pangarap at mithiin?
Ano nga ba ang taglay nilang katangi-tangi para sila ay magtagumpay at makilala? Sapat na ba ang pagiging matalino at magaling para mabilis na maabot ng tao ang kaniyang mga pangarap?
Sa Modyul 7, natutuhan mo ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng paggawa. Naunawaan mo na ang paggawa ay daan upang makamit mo ang iyong kaganapan. Sa modyul naming ito, inaasahang maunawaan mo nang mas malalim na hindi sapat ang paggawa lamang, mahalagang tiyakin na maipakikita ang galing sa paggawa at natitiyak na hindi nayayapakan ang karapatan at kapakanan ng iyong kapwa sa iyong pag-akyat patungo sa tagumpay.
At sa huli, masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit kailangang magkaroon
ng kagalingan sa paggawa at paglilingkod upang maiangat ang sarili, kapwa, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa talentong ipinagkaloob sa atin?
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 10 Pahina 2
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
10.1 Natutukoy ang mga indikasyon na ang isang gawain o produkto ay mayroong kalidad o kagalingan
10.2 Nakabubuo ng mga hakbang upang ang isang gawain o produkto ay magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa
10.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
10.4 Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan na kailangan ng lipunang kinabibilangan
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa Kakayahang Pampagkatuto 10.4:
a.
Naipaliwanag ang kahalagahan ng produkto o gawaing naisagawab.
Natukoy ang mga kasanayang kailangan upang mabuo ang produkto at maisagawa ang gawainc.
Naitala ang mga kailangang hakbang upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa nang tama at napapanahond.
May kalakip na pagninilay.Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong kuwaderno.
1. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sam sa mithiin ng lipunan d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 10 Pahina 3 2. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang
naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na ido-donate sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang? a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho
c. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa 4. Sa pagreretiro ni Mang Rene binigyan siya nang mga benepisyong hindi niya
inaasahan ng pabrikang kanyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon, bukod dito binigyan din siya nang plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene ay palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya
5. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 10 Pahina 4 a. Masipag, madiskarte at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili
6. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?
a. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan b. personal na kaligayan na makukuha mula dito c. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
d. kaloob at kagustuhan ng Diyos
7. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro
b. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang
relasyon ng mga ito
8. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kanya na upang maabot ang pangrap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
9. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s, sa kabila nito napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 10 Pahina 5 b. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
c. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
d. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
10. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?
a. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos b. Gumawa ng produkto o gawaing na pagkakakitaan
c. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
d. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan