A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAPAMALAS MO?
Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano kung ang isang tao ay hindi magtataglay ng ganitong katangian, ano kaya ang mangyayari sa kanyang buhay?
Sa Modyul 10, natuklasan mo ang kahalagahan sa kagalingan sa paggawa. Ito ay nagsisilbing instrumento upang ang sarili ay maiangat at mapaunlad ang ekonomiya ng isang bansa. Ang isang tao na nagpapakita ng kagalingan sa paggawa ay nakapagtatapos ng isang produkto o gawain na mayroong kalidad.
Layunin naman ng modyul na ito na mas lalo kang bigyan ng sapat na pagkaunawa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang manggagawa. Sa pamamagitan nito, matutulungan ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong sarili kundi upang mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan at mula dito ay masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit mahalaga ang
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naipok?
Handa ka na ba? Simulan mo nang tuklasin ang susi ng iyong pag-unlad.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
11.1 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong pagpupunyagi sa paggawa at nagsasagawa ng pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok
11.2 Nakapagsusuri ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul 11 Pahina 2 11.3 Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa.
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin.
11.4 Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awput sa Kakayahang Pampagkatuto 11.4: Mayroong nabuong hakbang upang matupad ang itinakdang gawain.
Mayroong kalakip na patunay na naisagawa ang itinakdang gawain. Mayroong nagawang daily log sa pagsasagawa ng itinakdang gawain.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Mula sa saknong ng isang tula “Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay, Araw- arwa ay paggawang tila din walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay”.
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis. b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal. c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag. d. Mahirap man ang buahay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul 11 Pahina 3 2. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan at disiplina.
3. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
4. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul 11 Pahina 4 5. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
6. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa
7. Ano ang naglalarawan sa pinakmahalagang paraan ng pagtitipid?
a. maging mapagkumbaba at matutong makuntento b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple d. maging masipag at matutong maging matiyaga
8. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan. b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.
9. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay c. Para maging inspirasyon sa buhay c. Para sa proteksyon sa buhay