Panuto:
1. Makipag-ugnayan sa guro para sa pagsasagawa ng isang panel discussion.
2. Layunin ng gawaing ito na makakuha ng mga mungkahi sa mga eksperto tungkol sa kung ano ang maaaring magawa ng isang kabataan para sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
3. Mag-imbita ng mga eksperto sa paksa, maaaring a. mga kasapi ng NGO;
b. mga mag-aaral sa kolehiyo na kalahok sa mga organisasyong may katulad na layunin;
c. mga opisyal ng pamahalaan, hal. baranggay; d. mga kasapi ng simbahan, atbp.
4. Makipag-ugnayan sa guro upang matiyak na tama ang gagawing pagpili sa taong magiging kasama sa panel. Tiyakin din na mapalalagdaan sa guro at sa punong-guro ang liham na ipadadala sa mga iimbatahang kasama sa panel.
5. Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan upang maimbitahan ang iba pang mga mag-aaral upang maging kabahagi ng gawain.
6. Mahalagang maging malawak ang partisipasyon sa gawain, maaari ring imbitahan ang mga magulang at iba pang tao sa pamayanan.
7. Tiyaking nakaplano nang mabuti ang magiging proseso sa gagawing panel discussion. Dapat na nakahanda ito at mahalagang mabasa ito bago ang pagsisimula ng gawain. Mahalaga ito upang mabatid ng lahat ng mga kabahagi ang mga dapat at hindi dapat gawin sa proseso.
8. Idokumento ang lahat ng mga kaganapan sa kabuuan ng gawain.
9. Pagkatapos ng gawain ay maghanda ng komprehensibong ulat at pagninilay.
Gawain 2
Panuto:
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 9 Pahina 13
2. Sa gawaing ito ay papangkatin ang iyong klase sa anim. Ang bawat isangpangkat ay bibigyan ng natatanging sitwasyon na gagamitin sa pagsusuri ng kaso (case study).
3. Sa pangkat, mamili ng facilitator o tagapagdaloy ng talakayan, tagatala at magiging tagapag-ulat.
4. Ang mga pangkat ay mamimili o bibigyan ng guro ng alinman sa mga sumusunod na kaso ng:
a. isang juvenile delinquent o isang batang lumabag sa batas kung kaya napagpasyahang ilagak sa isang institusyon at nakalaya matapos ang matagal na panahon
b. isang mag-aaral na anak ng isang bilanggo
c. isang kabataan na may kapansanan o kaya naman ay may kondisyong special (children with special needs)
d. isang mahirap na mag-aaral na nakakuha ng scholarship sa isang pribadong paaralan
e. Isang kabataang biktima ng sekswal na pag-abuso
f. Isang kabataang masugid na nangunguna para sa kampanya para sa paglaban sa paglabag sa karapatang pantao at katiwalian
5. Matapos maibigay ang paksang pag-uusapan sa pangkat ay pag-usapang mabuti sa pangkat ang mga sumusunod na tanong na kailangang masagot. a. Ano ang buhay na maaaring kaharapin ng taong ito batay sa iyong
pagkamulat o pagkakakilala sa lipunang iyong ginagalawan?
b. Ano ang mga posibleng paglabag sa katarungang panlipunan na maaaring kaharapin ng taong ito sa lipunan?
c. Paano matutulungan ang taong ito upang hindi malabag ang katarungang panlipunan sa kaniyang sitwasyon?
d. Kung ikaw ang mapupunta sa kaniyang sitwasyon, paano mo haharapin ang buhay sa lipunan upang matiyak mong magiging makabuluhan ka pa rin sa lipunan?
6. Pagtulungan sa pangkat ang pagsasagawa ng isang komprehensibong ulat tungkol sa napag-usapan.
7. Matapos masagot ang lahat ng mga tanong ay gumawa ng isang dokumentaryo ukol dito. (makatutulong ang panonood ng mga dokumentaryo sa telebisyon, halimbawa sa Channel 11). Kung hindi posible ang paggawa nito ay maaaring gumawa ng isang artikulo tungkol dito.
DRAFT
March 31, 2014
Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 9 Pahina 14
8. Kung gagawa ng isang dokumentaryo, ipakita sa guro ang output para sapanghuling pagsusuri at maaari itong i-post sa social networking site (hal. Facebook o youtube).
9. Magsagawa ng kampanya upang mapanood ng maraming kakilala ang ginawang dokumentaryo at hikayatin silang magsulat ng comment ukol dito.
Pagninilay
1. Hingin ang permiso ng guro upang makapamili ng isang bulletin board sa paaralan na maaaring gamitin sa pagpapaskil ng output para sa gawaing ito. 2. Maglista ng sampung bagay na pansariling magagawa para matiyak na palaging
maitataguyod ang katarungang panlipunan.
3. Gamitin ang pagkamalikhain sa paggawa nito. Maaaring i-layout na parang isang pahina ng magasin o kaya naman ay diyaryo o scrapbook page. Mga mungkahi lamang ito, maaaring may mas malikhaing pamamaraan kang maisip. 4. Makipag-ugnayan sa guro upang mapili ang sampung pinakaangkop na gawaing
naitala ng lahat ng mag-aaral.
5. Kapag napili ang sampu ay makipag-ugnayan sa diyaryo ng paaralan upang mailathala ito. Kailangan ding ilagay ito sa social networking sites at sikaping makakuha ng maraming likes mula sa makababasa nito.
6. Magsulat ng pagninilay pagkatapos ng kabuuan ng proseso ng gawain. 7. Pagkatapos ng proseso ay itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang iyong magagawa para tiyaking patuloy na maisasagawa ang mga bagay na iyong naitala para sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan? b. Ano ang mga posibleng maging balakid sa pagsasagawa ng mga ito? c. Ano ang iyong magagawa upang malagpasan ang mga balakid na ito?
Pagsasabuhay
1. Makipag-ugnayan sa guro upang magsagawa ng isang gawaing pampaaralan o pampamayanan.
2. Pag-usapan sa klase ang paglulunsad ng isang gawain para sa alinman sa mga sumusunod:
a. Pag-iwas sa paglaganap ng bullying sa paaralan
b. Pag-iwas sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa paaralan at pamayanan
c. Pag-iwas sa paglahok sa fraternity o gang