• Tidak ada hasil yang ditemukan

E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Dalam dokumen Grade 9 ESP Module.pdf (Halaman 37-44)

E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Pagganap

Panuto:

1. Panoorin ang GMA News TV Special na “Bayan Ko”. Maaari itong mapanood sa youtube sa mga sumusunod na url:

Kabanata 1: http://www.youtube.com/watch?v=u-a3qSXv4hg Kabanata 2: http://www.youtube.com/watch?v=DCAiZClTPlg Kabanata 3: http://www.youtube.com/watch?v=5UUY1RFVunA Kabanata 4: http://www.youtube.com/watch?v=p1e7mna_2j8 Kabanata 5: http://www.youtube.com/watch?v=aw0IrE6IJdg Kabanata 6: http://www.youtube.com/watch?v=cBDG3V-LaxI

2. Itala sa iyong kuwaderno ang mga kapansin-pansin na eksena sa bawat kabanata na nagpapakita ng pag-iiral o pag-labag sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity. Maaring gamitin ang pormat na nasa ibaba.

Kabanata Eksena Pag-iral Paglabag

Subsidiarity Solidarity Subsidiarity Solidarity

3. Matapos maisagawa ang mga ito, ibahagi sa isang pangkat ang mga natukoy na eksena. Pagkatapos, magkaroon ng malayang bahaginan sa buong klase.

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 2 Pahina 15 5. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Nagkaroon ba ng pagkakataon na tunay mong nasaksihan mo ang ilan sa mga eksenang nakita sa dokumentaryo? Ibahagi ang iyong karanasan.

b. Ano sa mga eksenang iyong napanood ang kayang magawa ng isang kabataang katulad mo?

c. Nagawa mo na ba ang alinman sa mga eksenang iyong napanood sa dokumentaryo? Ibahagi ang karanasan.

d. Alin sa mga napanood ang mahalagang masimulan mo nang gawin? Ibahagi at ipaliwanag.

e. Paano matiwasay na iiral ang isang lipunan?

f. Paano matitiyak na mananaig ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

Pagninilay Gawain 1

Panuto: Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong journal ang mga naging realisasyon mo.

1. Ano na ang nagawa mo para sa bayan? 2. Ano ang inaasahan mo sa pamahalaan?

3. Magbigay ng mga pagkakataong kailangan ng tiwala ng pamahalaan.

4. Magbigay ng mga pagkakataong kailangang bawiin ang tiwala sa pamahalaan. Ipaliwanag kung bakit kinakailangan ang ganitong mga pagkilos sa mga

nasabing pagkakataon.

Gawain 2

Panuto:

1. Gumawa ng isang liham na magpapakita ng kagustuhan na maabot ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibong kakayahan na magmumula sa iyo.

2. Isulat ang mga mumunting kakayahan na puwede mong magawa sa isang metacard. Idikit ito sa loob ng iyong kwarto upang madaling makita at matandaan. (Hal.: Simula ngayon, bibigyan ko ng pagkakataon ang iba kong kaklase na magbahagi ng kanilang opinyon o ng ibang gawain sa isang pangkatang proyekto para mas mapadali ang mga gawaing pampaaralan.)

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 2 Pahina 16 O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo, pumunta ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o guro.

Dumalo sa isang Public Hearing sa isang Sangguniang Bayan o Panlungsod (Hal. Pagdinig sa pagtataas ng pamasahe ng pampublikong transportasyon). Alamin ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang karapatan mula sa pamahalaan ang malayang ipinaubaya sa mga mamamayan na nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?

2. Ano-ano naman ang mga hakbang na ginawa ng mga dumalo ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?

3. Ano sa mga nakitang ito nais mong makita sa pamilya o paaralan? Pangatwiranan.

Mga Sanggunian:

Baliao and Parcon (2012), Society and Culture in a Changing World, Quezon City: Rex Bookstore

Blackburn, S. (2005), Oxford Dictionary of Philosophy, New York: Oxford University Press Dinio and Cuano (2011), Ang Pagsasabuhay, Quezon City: Rex Bookstore

Dy, M B. (2013) Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha Publishing Co., Inc. Glenn, PhD, STD, Paul J. (1965). Ethics A Class Manual in Moral Philosophy, London: B. Herder Book Co.

Law, Stephen (2007). Philosophy, Strand, London: Dorling Kindersley Limited

Panopio and Raymundo (2004), Sociology Focus on the Philippines, Quezon City: Ken Inc.

Plattel, M.G. (1965) Social Philosophy. Translated by Henry J. Koren. Pittsburgh: Duquesne University Press

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 2 Pahina 17 Contemporary Social Philosophy. Edited by Manuel B. Dy, Jr. Quezon City: JMC Press,

Inc., 1994.

Rorty, R. (1998). Truth and Progress: Philosophical Papers. Vol. 3. Cambridge: Cambridge University Press

Scheler,M. (1973) Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A New Attempt toward the Foundation of an Ethical Personalism. Translated by Manfred S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University Press

Walgrave, J. (c1965). Person and Society: A Christian View. Pittsburgh, Duquesne University Press Website: http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm lexchristianorum.blogspot.com http://www.federalunion.org.uk/subsidiarity-man/ https://www.google.com.ph/search?q=subsidiarity&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=uvqC UttT5JaIB6qrgagH&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1366&bih=665#q=solidarity&tbm=isch &facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZvDQ9C4bLRe0CM%3A%3BUo6YLbQQBhx5rM%3Bhttp%253A %252F%252Fwww.wallsave.com%252Fwallpapers%252F1024x1024%252Fembroidery- design%252F300226%252Fembroidery-design-solidarity-economy-movement-network-300226.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.wallsave.com%252Fwallpaper%252F1024x1 024%252Fembroidery-design-solidarity-economy-movement-network-300226.html%3B1024%3B1024 http://beingsakin.wordpress.com/2011/04/19/albert-schweitzer-on-ethics/ httpwww.federalunion.org.ukwp-contentuploads200909subsidiarityman-753766.gif http://hans.wyrdweb.eu/wp-content/uploads/2009/07/peer-group.jpg httpwww.dsusd.k12.ca.ususerskevin.husenAmericanGovBookebookproducts0-13-251359-5MAG01se0101a5258.gif http://www.bridgemarkbranding.com/resources/Bridgemark/BackgroundImages/About_Peopl eLanding_LG.jpg http://www.thelazy.info/wp-content/uploads/2011/03/what_politics_say__48305.jpg

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 3 Pahina 1

Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 9

Unang Markahan

MODYUL 3: LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAPAMALAS MO?

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang paborito ni Nanay" o "Sino ang paborito ni Tatay." May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga magulang kay bunso. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo?

Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May mahuhusay sa pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May magaganda at makisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersiyo. Mayroon din naming tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito, hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa. Nagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din naman ng pakiramdam ng pagiging mas angat. Natural ang ganitong mga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam at tumungo sa sama ng loob, marahil magandang balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung nagkulang ba ang pagmamahal sa ating magulang o sadyang naghahangad lang tayo nang higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Ano ang

mabuting ekonomiya? Para sa saan ang ekonomiya?

Handa ka na bang unawain nang mas malalim ang lipunan? Halika na!

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

3.1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. 3.2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. 3.3. Napatutunayan ang Batayang Konsepto

3.4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan at

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 3 Pahina 2

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output mo sa Kasanayang Pampagkatuto 3.4:

Nakagagawa ng isang collage gamit ang mga magasin, diyaryo o iba pang print media na nagpapakita ng ideyal na baranggay/pamayanan at lipunan/bansa na may mabuting ekonomiya

 Nakagagawa ng isang pagninilay batay sa isang TV segment ukol sa ekonomikong pag-unlad

 Makabisita ng isang pamayanang may umiiral na livelihood program at matukoy ang mga importanteng paraan sa pagpapatupad nito

 Makagawa ng pagpaplanong pampinansya na makatutulong sa ekonomikong aspekto ng pamilya.

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong kuwaderno.

1. Ang paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay” ay nakaugat sa katotohan na… a. lahat ay dapat mayroong pag-aari

b. lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman c. lahat ay iisa ang mithiin

d. likha ang lahat ng Diyos

2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino? a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao

b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

3. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?

a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 3 Pahina 3 b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa

kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.

c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan

d. Lahat ng nabanggit

4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa: a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay

b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan

c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao

d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan

5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?

a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan

b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan

c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan

d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao

6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa. 6. __________________________________________________________________ 7. __________________________________________________________________ 8. __________________________________________________________________ 9. __________________________________________________________________ 10. __________________________________________________________________

DRAFT

March 31, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 3 Pahina 4

Dalam dokumen Grade 9 ESP Module.pdf (Halaman 37-44)