Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
PANAYAM SA MGA DALUBGURO AT MAG-AARAL NG BASIKONG NIHONGO
G. Junilo S. Espiritu, Guro sa Unibersidad ng Pilipinas
Nagtapos ng kursong Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos o BS Accountancy sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Bagamat nakapagtapos na ng apat na taon sa kolehiyo, nagpatuloy pa rin si G. Espiritu sa pag-aaral at ibang larangan ang kanyang tinahak na aralin—ito ay ang pag-aaral ng isang banyagang wika na Nihongo. Nag-aral siya ng sampung buwan sa Japanese Language Course sa Tokyo School of Japanese Language sa Japan. Ngunit bago siya mag-aral sa Japan nag-aral muna si G. Espiritu ng Intensibong Pag-aaral ng Hapon ng sampung buwan din. Sa kanyang pag-aaral madali niya itong natutuhan sa iba’t-ibang pamamaraan katulad ng awdiyo biswal at kanyang apat na tagapagturo dalawang guro na Pilipino na nagtuturo ng gramatika at guro na Hapon na ang tuturo ng Nihongo. At ngayon kasalukuyang nagtuturo ng Nihongo sa dalawang Unibersidad ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Ateneo De Manila University (ADMU). Sa kanyang pagtuturo at pamamaraan ang gamit niyang midyum o wikang panturo ay Wikang Filipino. Ginagamit niya ito sa mga ilang kadahilanan. Una ginagamit niya ang Wikang Filipino sa panturo ng Nihongo dahil madali ng gamitin at ito ang wikang kinagisnan niya. Pangalawa para sakanya hindi lohikal ang magturo ng Wikang Filipino gamit ang iba pang wikang dayuhan. Ayon sa kanya, banyagang wika na ang tinuturo tapos ang ginagamit pa ay banyagang wika rin samantalang ang mga tinuturuan ay Pilipino. Pangatlo madaling iparating ang mensahe sa mga mag-aaral kung ang gamit na wika ay wikang alam ng mga mag-aaral. Pang-apat malapit at madaling
ikumpara ang Nihongo sa estruktura ng Wikang Fillipino. At pang huli, mas palagay ang mga mag-aaral na sumagot o makipagpalitan ng kuro-kuro at kaalaman. Ayon kay G. Espiritu sa pag-aaral ng ibang wika o Nihongo ay kaugnay o kasama ang kultura nito. Halimbawa na ang Wikang Pambansa, kung ang mga dayuhan ang nag-aaral ng Wikang Filipino, kapag ginagamit nila ang mismong mga salita at nagkaron na ito ng paggalang. Halimbawa ng “PO” kasama na sa kultura natin na kapag gumamit ng “PO” ay nagiging magalang. Ganun din sa pag-aaral ng ibang wika. Sa kabilang dako, ayon sa kanya wala siya sa posisyon upang husgahan ang mga guro na nagtuturo ng Wikang Ingles bilang panturo sapagkat marami siyang kaibigan nagtuturo ng Nihong gamit ang Wikang Ingles. Para sa kanya, natututo ang kanilang mga estudyante anumang wika ang gamit nilang panturo. Mas pinili o ginusto niyang magturo ng Nihongo gamit ang sarili niyang wika dahil dito sya mas komportable at mas naipapahayag niya ang nais niyang sabihin at sa tingin ni G. Espiritu, mas nauunawan ito ng kanyang mga mag-aaral.
Bb. Joy Anne C. Lagrama, Guro sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Si Bb. Lagrama ay nagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Ingles sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nakapag-aral ng Nihongo sa tulong ng DEMFA Foundation noong nagpadala ang Embahada ng Hapones ng mga gurong magtuturo ng Nihongo sa mga mag-aaral at iba pang mga guro. Nag-aral din siya ng Nihongo sa Nihongo Center Foundation, Inc. sa Morayta, Maynila. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Basikong Nihongo sa BS Mathematics IV-2, BS Mathematics IV-3 at AB English sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Anim na taon na siyang nagtuturo ng Basikong
Nihongo at simula pa noon ay Wikang Filipino ang midyum ng kanyang pagtuturo. Bagamat medyor niya ang Ingles, hindi niya maiwasang gumamit ng Wikang Filipino. Ito ang natutuhan niya sa kanyang mga naging guro (sensei) sa Nihongo at ito ang kanyang nakasanayan noon pa man. Ayon sa kanya, hindi nalalayo ang Wikang Filipino sa Nihongo. Kung tutuusin ay mas malapit ito kaysa sa Wikang Ingles. Kung sabay na pinag-aaralan ang Ingles at Nihongo ay may pagkakataong malito ang mag-aaral. Binansagan niya itong complete opposite.
Ayon sa kanya, wala namang masama sa paggamit ng Wikang Ingles sa pagtuturo ng Nihongo dahil na rin sa ito ang wikang nakasulat sa mga modyul at mga aklat sa pag-aaral ng nasabing wika. Ngunit, isang mahalagang sangkap ng pagtuturo ang paggamit ng Wikang Filipino dahil ang target na mga mag-aaral ay mga Pilipino. Ito ang lubos nilang mauunawaan kaya ito ang nararapat na gamitin sa mga instruksyon.
May dalawang pagtingin si Bb. Lagrama na nauukol sa pag-aaral niya ng Nihongo. Nakatutuwa ang pag-aaral na ito ayon sa kanya. Ang rason ng pag-aaral ng Nihongo ay hindi lamang basta makasapat sa kanyang pangangailangang maaliw (dahil sa mahilig siya sa mga anime) kundi makaangkin ng isang wika upang maituro ito sa iba, isa itong daan upang makakonekta sa mga Hapones. Bagamat hindi madali ang pag-aaral ng Nihongo, nangangailangan ito ng sapat na tiyaga at sapat na kagustuhang matuto nito. Para sa kanya, mas mabilis na mauunawaan ng mga mag-aaral na Pilipino ang lektura dahil sa malapit ang mga patinig at katinig ng inaaral na wika sa wikang sarili—ang Wikang Filipino.