• Tidak ada hasil yang ditemukan

TALAARAWAN NG OBSERBASYON UPANG MATUKOY ANG PAMAMARAANG GAMIT NG GURO SA PAGTUTURO

Dalam dokumen Thesis Nihongo (Halaman 50-70)

Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino

TALAARAWAN NG OBSERBASYON UPANG MATUKOY ANG PAMAMARAANG GAMIT NG GURO SA PAGTUTURO

August 14, 2014 UP (Diliman)

Unang araw ng obserbasyon sa klase ni G. Junilo Espiritu sa asignaturang Basikong Nihongo, ikatlong araw na nila sa klase kaya inaasahan na ng guro na alam na ng mag-aaral ang itsura ng` mga titik ng Hiragana at paraan ng pagsulat nito. Gamit ang prodyektor, isa-isang lalabas ang mga titik ng Hiragana at sasabihin ng tinawag na mag-aaral kung anong titik na iyon. Samantalang sa pagsulat naman ay itinuro ng guro ang proseso ng pagsulat ng bawat titik. Halimbawa na lamang ng titik “a” o . Sa klase, mahilig siyang magbigay ng mga halimbawa ng pangyayari sa paraang kakatwa. Pinapasaya niya ang klase at sa pamamagitan nito ay damang dama ang masiglang pakikipagkaisa ng mga mag-aaral sa tuwing siya ay magtatanong. Nagkakaroon ng

magandang ugnayan ang guro at mag-aaral dahil na rin marahil sa komportable ang lahat na makipagtalastasan dahil sa Wikang Filipino sila nagpapahayag ng saloobin. Kung minsan ay hindi sinasadyang nakapagsasalita ang guro ng salitang Ingles tulad ng “kumuha lamang ng isang polboron sa box ha.” Ay agad naman niyang babawiin sa susunod na siya ay mangungusap, “oh, isa-isa lang ang pagkuha ng polboron sa kahon ha.” Pinapanatili niya na hangga’t may katumbas sa salita Wikang Filipino ay nararapat na ito ang gamitin.

Agost 26, 2014 UP (Diliman)

Sa araw na ito ay sinubukan ni G. Espiritu kung tanda pa ng mga mag-aaral ang kanilang mga nakaraang talakayan. Sinimulan ng guro ang pagpapakinig sa mga mag-aral ng awdyo sa Nihongo na naglalaman ng iba’t ibang pagbati, pangalan ng bansa, kurso, hanapbuhay at miyembro ng pamilya. Halimbawa:

Ohayoo gozaimasu!- (Awdyo)

Magandang Umaga!- (Sagot ng mag-aaral)

Chuugoku- (Awdyo)

Tsina- (Sagot ng mag-aaral)

Rekishi- (Awdyo)

Shigoto- (Awdyo)

Trabaho- (Sagot ng mag-aaral)

Okaasan- (Awdyo)

Ina- (Sagot ng mag-aaral)

Wikang Filipino ang nararapat na isagot ng mga mag-aaral ayon kay G. Espiritu. Nakakatuwang tignan ang masiglang kooperasyon ng mga mag-aaral sa lektura ng guro. Nakasusunod ang mga mag-aaral kahit may halong kakatawanan ang mga sinasabi ni G. Espiritu habang nagtuturo. Pagkatapos ng pagbabalik tanaw sa mga naunang talakayan, nagsimula naman ng pagbibilang ang mga mag-aaral na nagsilbing resitasyon ng mga ito. Bawat isa ay tinawag upang magbilang mula una hanggang sampu sa Nihongo. Matapos ang pagbibilang, kasunod na inaral ang pagsasalita ng oras at ipinaalala sa mga mag-aaral na dapat ay kabisado nila ang alas kwatro, ala siyete at alas nuwebe dahil nagbabago ang anyo ng mga ito. Halimbawa ang orihinal na 4 na “yon na kapag naging oras na ito ay nagiging “yoji”. Nakakaltasan ng isang letra at nag-iiba ang anyo nito. Kaya’t pinaaalalahanan ni G. Espiritu ang mga mag-aaral na tandaan ang mga oras na kanyang binanggit dahil marami ang nagkakamali sa pagsusulit. Mahalaga ring ipinaliwanag ni G. Espiritu na nauuna ang Umaga (A.M) at Hapon (P.M) sa pagbabanggit ng oras.

Hinayaan ni G. Espiritu na magkaroon ng interaksyon sa dalawang mag-aaral. Magtatanong ng oras ang isang mag-aaral sa Nihongo. Halimbawa nito ay Ima nanji desu ka? na ang salin sa Filipino ay Anong oras na? na sasagutin naman ng isang mag-aaral. Madalas na ipinagagawa ito ni G. Espiritu sa kanyang klase upang masanay ang mga

mag-aaral sa pagsasalita at masaulo ang mga bokabularyo sa Nihongo. Bago tuluyang matapos ang klase ay nagkaroon muna ng resitasyon sa paggamit ng no sa pangungusap. Halimbawa nito ay Watashi no sensee na may salin sa Filipinong Ang aking guro. Doon nagtapos ang talakayan sa araw na ito.

Agosto 28, 2014 UP (Diliman)

Sa araw na ito gamit ang Wikang Filipino, tinalakay ni G. Espiritu kung paano tumukoy at magbanggit ng oras sa Nihongo. Nagtawag siya ng mag-aaral sa klase upang magbilang mula isa hanggang sampu sa Nihongo bilang pagbabalik tanaw sa nakaraang talakayan at nakasagot naman ang mag-aaral. Ipinaliwanag ni G. Espiritu na nauunang banggitin ang pantukoy ng panahon Gozen (AM) at Gogo (PM) bago ang bilang ng oras at idinurugtong ang Ji pagkatapos ng bilang kapag oras ang tinutukoy at nananatili naman sa orihinal na anyo ng pagbilang kapag minuto ang tinutukoy. Bilang halimbawa ang Gozen shichiji yon juppun (7:45 am). Pagkatapos nito ay nagkaroon ng mabilis na resitasyon sa pagbilang ng oras. Tinanong ni G. Espiritu sa bawat mag-aaral ang oras kung kailan nila ginawa, ginagawa ang mga nakasanayang bagay tulad ng paggising at pagpasok ng unibersidad. Tinanong niya kung sino ang nagigising ng maaga at natutulog ng huli at kung bakit sila natutulog at nagigising ng ganoong oras. Sumagot ang karamihan na sila’y nag-aaral pa sa gabi kaya huli na silang makatulog. Maging ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng partisipasyon sa resitasyon. Sa pagmamasid, malinaw na natutuhan ng mga mag-aaral ang pagtukoy ng oras sa Nihongo dahil nakasagot ang lahat sa resitasyon.

Setyembre 2, 2014 UP (Diliman)

Sa araw na ito ay nagbigay ng pasulat at oral na pagsusulit si G. Espiritu sa kanyang mga mag-aaral. Ang mga papel o ang pagsusulit ay nakasalin sa Wikang Filipino. Naglalaman ang pasulat na pagsusulit ng Bokabularyo, Pagsulat sa Hiragana at Katakana, Gramatika at Pagbasa. Sa unang bahagi, kinakailangang bilugan ang titik ng tamang salin sa Nihongo ng mga nakalahad na salita. Sa ikalawang bahagi, may apat na salitang nakahanay na nararapat na makita kung ano ang naiiba sa mga ito. Sa ikatlong bahagi, isasalin ng mga mag-aaral ang mga salita sa Hiragana at Katakana. Sa ikaapat na bahagi, nararapat na bilugan ang titik ng may pinakaangkop na kasagutan at isusulat sa puwang ang tamang salin sa Nihongo. Sa ikalimang bahagi, kailangang masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa gramatika ng Nihongo. Sa ikaanim na bahagi, nararapat na ayusin ng mga mag-aaral ang paagkakasunod-sunod ng mga salita sa isang pangungusap. At sa pampitong bahagi (huling bahagi), may babasahing konbersasyon ang mga mag-aaral at may mga katanungang pang-komprehensyon silang nararapat na sagutin.

Sa oral na pagsusulit, inihanda ng guro ang awdyo na iparirinig sa mga mag-aaral. Sinukat sa unang bahagi ang talas sa pandinig at kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsasabi ng oras at petsa sa Nihongo. Sa ikalawang bahagi ay nararapat na ipareha ang mga pangyayari ayon sa mga larawang nasa kani-kanilang papel. Gumamit ng mga larawan ang guro sa pagsusulit. Nang matapos ay iwinasto ang mga papel upang malaman kung sino ang nakakuha ng pinakamataas sa eksaminasyon. Lahat ay nakakuha ng mataas na marka.

Setyembre 4, 2014 UP (Diliman)

Nagkaroon sila ng panauhing Hapones mula sa Ateneo ng araw na ito. Bago magsimula ang klase, nagpaalam si G. Espiritu sa panauhin sa pamamagitan ng Nihongo na gagamit siya ng Wikang Filipino imbis na Wikang Ingles bilang midyum ng instruksyon dahil sa ito ang kanyang nakasanayan. Naunawaan naman ito ng panauhing Hapones kaya agad siyang sumang-ayon. Nag-aral sila ng aralin ukol sa pagtuturo ng mga pangungusap na may kore, sore at are (ito, iyan, iyon) at kung paano ito ginagamit sa Nihongo. Mas madaling unawain ang kore, sore at are kung isasalin sa Filipino dahil may tiyak itong salin ayon sa guro. Para masaulo ito, ipinakita muna ni G. Espiritu sa simpleng paraan at magaang paglalahad kung ano ang pinagkaiba ng paggamit. Pagkatapos, naganap ang palitan ng diyalogo ng mga kapwa-mag-aaral na nauukol parin sa talakayan. Nararapat na magtanong sila sa kapwa-mag-aaral ng may kinalaman sa pagtatanong ng mga bagay tulad ng bag, panulat, notebook, aklat, sapatos, payong at iba pa gamit ang Nihongo. Ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kahusayan sa panauhing Hapones. Binalikan lamang nila ang kanilang napag-aralan mula sa kabanata 1 at nagtanong sila kung anong tawag sa mga bagay na kanilang tangan na hindi nakalagay/nakasulat sa modyul. Gayundin, napag-aralan nila ang basikong bilang na nagsisimula sa hyaku (isangdaan) hanggang man (sampung libo). Isinapratika ito sa pamamagitan ng pagpapalitan muli ng diyalogo ng mga mag-aaral. Kinakailangang ipakita ang mga bagay at nararapat na ilahad ng mga mag-aaral ang presyo nito. Ipinaliwanag naman ni G. Espiritu ang paggamit ng kono, sono at ano (itong, iyang, iyong) ng Nihongo. Mas madaling unawain ang kono, sono at ano kung isasalin sa Filipino ayon sa guro dahil may tiyak itong salin at ipinaliwanag ito sa pamamagitan ng

Wikang Filipino. Naunawaan naman ito ng mga mag-aaral. Nagsanay sila sa pagsasalita ng Nihongo tulad ng naunang aralin na napag-aralan nila kanina.

Nagkaroon naman ng pagsasanay ang mga mag-aaral gamit ang awdyo. Pagsasapraktika tungkol sa pagbibigay ng direksyon gamit ang koko, soko, asoko (dito, diyan, doon). Muli, mas madaling unawain ang koko, soko, asoko kung isasalin sa Filipino ayon sa guro dahil may tiyak itong salin. Naisapraktika naman ang mga mag-aaral gamit ang salitang mo (rin,din) na magkapareho ng bagay, kurso, edad, hilig, atbp. Ipinaliwanag rin ang salitang janai (negatibong anyo) sa pormal na pag-uusap. Pagkatapos ng talakayan, nagpakita siya ng mga presentasyon na ginawa noon ng mga mag-aaral niya ng Nihongo. Ang tawag sa presentasyon ay J-commercial. Nagpapakita

ang presentasyon ng mga produkto ng mga Pilipino ngunit nagsasalita ng Wikang

Hapon. Pinakita niya ang mga nanalo sa J-commercial na nilikha ng kanyang mga mag-aaral sa UP noong 2010 at 2011. Bukod sa komersyal, may ginawa rin sila ng music video na likha naman ng mga mag-aaral sa Ateneo. Dahil sa ganitong likha, nagkaroon ng mga kompetisyon sa mga iba’t ibang paaralan. Natuwa naman ang panauhing Hapones sa ipinakitang presentasyon. Nagpapakita ito ng isang paraan upang maipakilala ang mga produktong Pilipino gamit ang Nihongo.

Setyembre 8, 2014 PUP (Sta.Mesa)

Unang araw ng pagoobserba namin kay Bb. Lagrama sa kanyang klase sa BSMATH IV-2. Tinuro niya ang pagsulat at pagbigkas ng mga bilang (numero) sa Nihongo. Ipinasaulo niya ang bilang mula isa hanggang isangdaan noong araw na iyon. Sinabi ni Bb. Lagrama na basta kabisado ang bilang isa hanggang 10 sa salitang Nihongo

ay madali nila itong matatandaan. Halimbawa ay ang labing isa. Ang bilang isa ay ichiji idadagdag ang salitang juu upang maging labing isa na juuichiji. Ang bilang dalawa naman ay niji idadagdag muli ang salitang juu upang maging labing dalawa na juuniji. Masiglang nakikipagkaisa ang mga mag-aaral sa kanyang pagtuturo. Mabilis natuto ang kanyang mga mag-aaral . Nagpanood siya ng mga video clips na ginawa ng kanyang iba pang mga klase na nauukol sa mga kultura ng Hapon. Natapos ang klase na habang lumalabas ang mga mag-aaral sa kanilang silid patuloy na kinakabisa ang mga natutuhan at ito’y ginagamit na rin nila.

Setyembre 9, 2014 UP (Diliman)

Ito ang araw na pinanabikan ng mga mananaliksik, ang pagdating ng mga panauhing Hapones. Sinabi noon ni G. Espiritu na ang mga darating na panauhin ay marunong mag-Filipino at susubukan ng mga mag-aaral kung gaano na kabihasa sa pagsasalita at kahusay na makaalala ng mga bokabularyo ng Wikang Filipino ang mga panauhing Hapones. Gayun din, susubukan kung gaano na kabihasa ang mga mag-aaral sa pagsasalita at paggamit ng mga bokabularyo na kanilang inaral sa Nihongo. Isang oras silang magsasalita ng Nihongo at Wikang Filipino; ang papaksain nito ay pagbabahagi ng kani-kanilang kultura. Bago magsimula, isa-isang tinatawag ni G. Espiritu ang mga mag-aaral upang sagutan ang nasa modyul na magsisilbing resitasyon ng mga ito. Halimbawa ng kanilang tinalakay ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng kore ( ito ), sore ( iyan ), are ( iyon ) at paggamit ng mo ( din/rin ). Tulad ng halimbawa ng pangungusap na Kore wa dare no saifu desu ka? na may salin sa Filipinong Kaninong pitaka ito? Kung

pag-uusapan ang anyong pansintaktika nito, ang kadalasang anyo nito ay S (subject), O (object) at V (verb). Madalas itong ipinaliliwag ni G. Espiritu (gamit pa rin ang Wikang Filipino) na sa pag-aaral ng Nihongo ang pinakamalapit na panturong wika ay Filipino. Gayun din naman ang paggamit ng mo, halimbawa nito ay: Tanaka wa nihonjin desu. Yoshida san mo nihonjin desu o sa Wikang Ingles (na nakasulat sa aklat o modyul) ay Ms. Tanaka is Japanese. Mr. Yoshida is Japanese, too. Ilang minuto ang lumipas habang nagsasagot ang mga mag-aaral nang dumating na ang mga panauhing Hapones at sabay-sabay na nagsipag tayo ang mga mag-aaral upang bumati sa panauhin sa tradisyunal na paraan. Nagsimula nang muli ang klase sa pamamagitan ng pakikinig sa awdiyo at nagsimula na ang isang oras na pagpapalitan ng Nihongo at Wikang Filipino. Pinarinig ni G. Espiritu ang nagsasalitang hapon sa awdyo na kailangang pakinggan mabuti ng mga mag-aaral at ng mga panauhing Hapones. Nagkaroon ng pagtatanong ang mga mag-aaral gamit ang Nihongo at sasagutin naman ng mga panauhing Hapones gamit ang Wikang Filipino. Matapos ang pakikinig ay pinagharap ni G. Espiritu ang isang mag-aaral at isang panauhing Hapones bilang personal na interaksyon sa pagitan ng dalawang magkaibang wika. Unang nagtanong ang mag-aaral sa Nihongo na sasagutin naman ng panauhing Hapones sa Wikang Filipino at gayundin ang panauhing Hapones na magtatanong gamit ang Wikang Filipino at sasagutin ng mag-aaral sa Nihongo. Sa bahaging ito ay tinitignan ni G. Espiritu bilang pagsasanay kung may kahusayan na ang mga mag-aaral na makipag-usap sa katutubong Hapones gamit ang mga paksang nauna nang natalakay. Sa puntong ito, kapag hindi nauunawaan ng mga panauhing Hapones ang ibang mga Filipinong salita ay ipinapaliwag ni G. Espiritu sa Nihongo. Hanggang nagkaroon ng pinakamagandang parte sa pagtatanong ng mag-aaral sa mga panauhing

Hapones. Itinanong ng isang mag-aaral sa panauhin kung saang bahagi ng Wikang Filipino sila nahihirapan ng lubos. Ayon sa kanila, pag-aaral ng gramatika ng Wikang Filipino ang isa sa mga ito. Para sa isang panauhin, ang wika raw nating mga Filipino ay masyadong organisado kumpara sa kanilang wika na may tiyak na salita at para sa mga pangungusap na patanong o mga prase na naghahanap ng kasagutan. Kabilang sa pag-aaral ng gramatika ang paglalagay ng panlapi sa salitang ugat. Binigay na halimbawa ni G. Espiritu ang salitang ugat na “kain” at humingi siya sa mga mag-aaral ng mga panlapi sa salitang “kain” tulad ng kumain, pagkain, pinagkainan, kinain, kumakain, kakainin, pinakain, papakainin, kinakain, at kainan na para sa atin, mabilis nang nauunawaan ang kahulugan depende sa panlaping gagamitin ng salitang-ugat.

Matapos ang diskusyon ay nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong sa mga panauhing Hapones. Tinanong nila ang mga ito kung ano ang nakaagaw sa kanilang atensyon dito sa Pilipinas mapalugar o mapa-pagkain. Nagtanong din ang mga ito kung ano ang magandang pasyalan sa bansang Hapon kung sakaling sila ay makabibisita doon. Sumagot ang isang panauhing Hapones na ang pinakamataas at pinakamagandang bundok na bisitahin ay ang Mount Fuji. Paborito naman ng isang panauhing Hapones ang biko ng Pilipinas. Pagkatapos ng pagpapalitan ng Wika at Kultura sa pagitan ng mag-aaral at panauhing Hapones, nagpamigay ng siping awit si G. Espiritu na may pamagat na Voltes V at sabay sabay itong inawit ng mga mag-aaral at mga panauhin. Habang sabay-sabay na inaawit ay tuwang tuwa ang mga mag-aaral hanggang matapos ang klase.

Setyembre 9, 2014 PUP (Sta. Mesa)

Sa araw na ito, nagsimula ang klase ni Bb. Lagrama sa pagsulat niya sa pisara ng mga salita sa pamamagitan ng hiragana at kanji. Pinabasa niya sa kanyang mga mag-aaral ang mga salitang kanyang isinulat upang malaman kung naaalala pa ng mga ito ang nagdaang talakayan. Nagtawag siya ng isang mag-aaral sa kanyang klase upang basahin ang na sa pisara tulad ng pagbilang katulad ng ichi, ni, san (isa, dalawa, tatlo), nakapagbigay ng tamang sagot ang mag-aaral. Bagamat medyor niya ang Wikang Ingles, gumagamit si Bb. Lagrama ng Wikang Filipino sa kanyang pagtuturo hindi lamang dahil sa nakasanyan kundi mas madali ang pagpapaliwanag gamit ang sariling wika. Tinuro niya ang pagsulat at pagbigkas ng mga bilang (numero) sa Nihongo. Ipinasaulo niya ang bilang mula isa hanggang isangdaan noong araw na iyon. Sinabi ni Bb. Lagrama na basta kabisado ang bilang 1 hanggang 10 sa salitang Nihongo ay madali nila itong matatandaan. Halimbawa ay ang labing isa. Ang bilang isa ay ichiji idadagdag ang salitang juu upang maging labing isa na juuichiji. Ang bilang dalawa naman ay niji idadagdag muli ang salitang juu upang maging labing dalawa na juuniji. Masiglang nakikipagkaisa ang mga mag-aaral sa kanyang pagtuturo. Ipinaliwanag niya sa klase ang kanilang magiging talakayan sa araw na ito, may pagkakataong magsasalita ang guro sa Wikang Ingles ngunit isasalin naman niya itong muli sa Wikang Filipino. Matapos nito nagpanuod siya ng bidyo na ginawa ng kanyang dating mga mag-aaral mula sa HRDM upang ipakita sa kanyang klase ang kailangan nilang gawin bilang kahingian sa kanilang asignaturang Banyagang Wika. Kinakailangan nilang gumamit ng kantang Nihongo at isalin ito sa Wikang Filipino. Isasadula nila sa gagawin nilang bidyo ang kahulugan ng

kantang kanilang pinili. Isang uri itong pagsasanay upang masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa ponolohiya ng Nihongo.

Setyembre 11, 2014 UP (Diliman)

Masasabing ang araw na ito ay isang masiglang talakayan tungkol sa kultura ng Hapon at Pilipinas. Nagpakita si G. Espiritu ng mga larawan ng babaeng/lalaking kumakain ng agahan, tanghalian, hapunan at mga larawan ng babaeng/lalaking gumising at natulog. Pagkatapos ng mga ito, ay iba’t ibang pagkain at inumin naman ang kanyang ipinakita. Halimbawa ay ang larawan ng Hamburger. Waring nagsarbey ang guro kung sino ang kumakain ng Hamburger at nakakailan silang Hamburger kapag sila ay kumakain nito. Aktibong sumagot ang marami dahil na rin sa masayang talakayan gamit ang Wikang Filipino. Ang pandesal ang isa sa mga pinakapaboritong tinapay ng mga Pilipino. Bagamat ito ay simple lamang, iba naman ang kalugurang dala nito sa ating mga panlasa. Napag-alaman ng lahat na ang unang ginagawa ng mayorya sa pandesal kapag may nag-abot sa kanila nito ay binubuksan at tinitignan ang palaman. Nakatatawa ngunit parte nga ito ng kultura ng mga Pilipino.

Pahapyaw na kasama sa lektura ang salin sa Nihongo ng pitong araw sa isang linggo. Nichiyobi para sa Linggo, Getsuyobi para sa Lunes, Kayobi para sa Martes, Suiyobi para sa Miyerkules, Mokuyobi para sa Huwebes, Kinyobi para sa Biyernes, at Doyobi para sa Sabado. Muli, tumawag ang guro ng mga mag-aaral upang malaman kung lubos na naintindihan ng mga mag-aaral ang Nihongo ng iba’t ibang araw.

Araw din ito ng mga pandiwa. May tatlong pangunahing pandiwa ang tinalakay ni G. Espiritu, ito ay ang okiru (gumising), taberu (kumain), miru (manood) at neru (matulog). Gumamit siya ng mga sign language upang mas mabilis na mamemorya ng mga mag-aaral ang mga nabanggit na salita. Tinalakay din ng guro ang pagkakaiba ng mga ru-verbs, u-verbs at irregular verbs. Ang mga ru-verbs ay ang mga pandiwang nagtatapos sa ru, ang mga u-verbs ay ang mga pandiwang nagtatapos sa u at ang mga irregular verbs naman ay maaring magtapos sa ru o di kaya ay u. Inilahad ang tamang paggamit ng masu (na tumutukoy sa pagiging magalang ng isang pangungusap) na dinudugtong sa pandiwa upang maging anyong pangkasalukuyan ito. Halimbawa ay

Dalam dokumen Thesis Nihongo (Halaman 50-70)

Dokumen terkait