Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
C. Mula sa panayam sa mga Guro at Mag-aaral ng Basikong Nihongo
1. Agad nilang nauunawaan ang sinasabi ng guro at nakatutulong ito upang hindi tumagal bagkus maging mabilis ang kanilang klase.
2. Totoong may kakayahan ang ating wika na makapagbukas ng mga karunungan sa Basikong Nihongo.
3. May mga katumbas itong salita na naging rason kung bakit mas naipaliwanag ng mabilis at malinaw ang mga lektura gamit ang hambingan ng gramatika ng dalawang wikang sangkot dahil direktang naisasalin sa wikang alam ng mag-aaral ang salitang inaaral.
4. Nabibigyan ng pagkakataon ang ibat ibang wika at kultura na magkaroon ng ugnayan sa isat isa.
5. Mapauunlad ang Wikang Pambansa kung ito ay tuloy-tuloy na nagagamit dahil hindi ito namamatay. Patuloy itong gagamitin at magagamit ng mga Pilipino dahil nakabatay sa wikang ito ang kanilang pangangailangan.
D. Mula sa pagtuturo ni G. Ramil Lagsca gamit ang midya
1. Dahil isang paraan ang pagsasalin sa pag-iintelektuwalisa ng isang wika, ibig sabihin may posibilidad ang Wikang Filipino bilang isang Wikang Intelektuwalisado.
2. Gamit ang Wikang Filipino, mas madaling nauunawaan ng mga tagapanuod ang nais iparating o ipakahulugan ng impormasyon.
4. Na mahalagang maunawaan ng mag-aaral ang kultura at kaugalian ng kanyang inaaral na wika.
REKOMENDASYON
1. Dahil sa lubos na napadadali at naipaliliwanag ng mas mabilis ang mga lektura sa pag-aaral ng Basikong Nihongo na lalong ikinabibilis ng pag-unawa ng mga mag-aaral dahil sa direktang relasyon at salin ng mga kataga at gramatika, gamiting lubos ang Wikang Filipino upang hindi maging isang napakahabang proseso at nakalilito ang pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro.
2. Ang paggamit ng Wikang Filipino ay lubos na nakatutulong upang mas mabilis na maunawaan ang mga proseso ng pag-aaral ng Basikong Nihongo sa halip na dalawang wika ang ginagamit sa pagtuturo, mas nakatuon lamang ang mag-aaral sa proseso ng kanyang pag-iisip kung paanong intindihan ang isasagot sa sinasabi at hindi na sa kung ano ang sinabi ng guro.
3. Upang maging aktibo ang talakayan sa klase, magkaroon ng bukas na partisipasyon sa lahat, upang hindi maging nakaiinip at nakatatamad ang pagtuturo at pagkatuto, gamitin ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Nihongo.
6. Ang pagpapayabong ng Wikang Filipino para sa pagpapaunlad ng makabayang edukasyon ay hindi lamang dapat na pantulong o paningit lamang na wika, bagkus pangunahing gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng Basikong
Nihongo o kahit ng iba pang banyagang wika. Isa itong disiplina na nararapat na mas mapalakas.
7. Isaalang-alang ang mga mag-aaral sa wikang gagamiting panturo. Gamitin ang pinakamadaling pamamaraan ng pagtuturo sa mag-aaral.
8. Paigtingin ang paggamit ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng mga guro at mga dalubhasa sa Basikong Nihongo, magkaroon ng pormal na pagsasalin mula sa Basikong Nihongo patungong Wikang Filipino sa tulong ng mga ito.
9. Panatilihin o payabungin ang Wikang Filipino sa Basikong Nihongo at sa iba pang banyagang wika patungo sa pag-unlad. Ang pagbibigay ng pokus sa basikong instruksyon ay isang malaking responsibilidad ng guro sa kanyang mga mag-aaral. Isalin ang mga materyales at kagamitang panturo (mapa-modyul, awdyo, dinig-tanaw) sa Wikang Filipino.
10. Sa karera ng Wikang Filipino upang maging isang wikang intelektuwalisado,
maging parte ang pag-aaral na ito upang maging batayan ng
pagsasaintelektuwalisado ng Wikang Pambansa.
11. Hinihiling ng mga mananaliksik na magkaroon pa ng mga susunod na pag-aaral patungkol sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng wikang panturo sa iba pang mga banyagang wika o kahit sa iba pang mga disiplina o bukal ng karunungan.
BIBLIOGRAPIYA
Mga Aklat:
Almario, Virgilio S. Salin sa Ingles ni Marne L. Kilates. Madalas Itanong Hinggil Sa Wikang Pambansa (Frequently Asked Questions on the National Language).Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2014
Ballescas, Ma. Rosario P. Filipino Entertainers in Japan: An Introduction. Quezon City: The Foundation for Nationalist Studies, Inc., 1992
Carpio, Perla S. et al. Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. Malabon City: Jimczyville Publication, 2012
Constantino, Pamela C. at Monico M. Atienza, mga pat. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1996
Friere, Paulo. Pedagogy of the Oppressed.New York, NY: Intercultural Press, Inc., 1986
Galdon, Joseph A. Why Bilingual? Theory and Praxis in Philippine Bilingualism. 2007
Garcia, Lakandupil C. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Ika-3 Edisyon.). Malabon City: Jimczyville Publication, 2010
Habaluyas-Peñaflorida, Andrea. Points of Departure Essays on Language Pedagogy. Manila: Dela Salle University Press, Inc., 2000
Lado, Robert. Language Teaching A Scientific Approach. Bombay – New Delhi, India: Tata McGraw-Hill Publishing Co. Ltd., 1964
Marshall, Terry. The Whole World Guide for Language Learning.USA: Intercultural Press, Inc., 1989
Santos, Benilda S. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa: Unang Sourcebook ng SangFil 1994-2001. Quezon City: UP-SWF, 2003
Sibayan, Bonifacio P. The Intellectualization of Filipino Other Essays on Education and Sociolinguistics. Manila: Dela Salle University Press, Inc, 1999
The Japan Foundation.Contemporary Philippine Culture Selected Papers on Arts and Education. Manila: The Japan Foundation Manila Office, 1998
Yu-Jose, Lydia N. Ang Mga Hapones. Ni Edwin O. Reischauer. Manila: Solidarity Foundation, Inc., 1992
Tesis:
Bravo, Ma. Bernadette C. The Influx of Japanese Animations in the Philippines and Philippine – Japan Cultural Relations. Quezon City: University of the Philippines, 2006
Mga Dyornal:
Daluyan: Opisyal na Publikasyon ng Sentro ng WF Sistemang UP. Tomo IV, Bilang 1-4. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1993
Gabijan, Iris G. et al. “Self-Evaluation of Nihongo Learners From Selected Japanese Language Schools in Malaybay City, General Sanos City, Digos City and Davao City.” Mindanao Kokusai Daigaku Journal.Bolyum 5, Blg.1 (2007): 1-21
Gangoso, Narissa G. “Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.” The WVSU Graduate Journal. Bolyum XXXII, Blg. 2 (1998): 40-43
Ganzon, Luzviminda T. “Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Di-Filipino.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika. Tomo VIII (1997): 211-223
Komisyon sa Wikang Filipino. Journal ng KWF. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 1996
Mabanglo, Ruth Elynia S. “Pagpapahusay ng Pagtuturo ng Filipino sa mga Filipino/Di-Filipino sa Labas ng Filipinas.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika. Tomo VIII (1997): 35-48
Matsuo, Marie Mariko S. “Comparative Analysis of Cultural Practices Among Japanese Descendants in Calinan, Davao City.” MKD Journal.Bolyum 3 (2005): 83-88 Nolasco, Ricardo Ma. Duran. 21 Reasons why Filipino Children Learn Better Using
Their Mother Tongue. The Mindanao Forum.Bolyum XXI, Blg. 2 (2008): 129-145
Ocho, Rosario Q., Candy Jane M. Kagitomi at Leonardo D. Baluya, Jr. “Survey of Experiences of Students at the Mindanao Kokusai Daigaku with the Japanese Language CA. 2002-2006.” Mindanao Kokusai Daigaku Journal.Bolyum 4, Blg.1 (2006): 43-51
Oue, Masanao. “Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Estudyanteng Hapones: Mga Suliranin at Solusyon.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika.Tomo VIII (1997): 21-33
Rathrore, Bharti, Margi Panchoii, “A Study of the Effects of Medium of Instruction on Students’ Anxiety at College of Education”. Voice of Research. Bolyum 2, Isyu 3. India: Vallabh Vidyanagan, 2013
Tinnae, Sherwin B., Loida M. Don at Fritz Alvin C. Dinopol. “A Follow-up Study of Japanese Language Learners in Davao City.”MKD Journal.Bolyum 3 (2005): 5-11 Artikulo:
Miclat, Mario I. “Globalization and National Language.”Agung.Bolyum VII, Blg. 4. Hulyo-Agosto 2011: 5-6
Monograp:
Chee–Meoh Seah, David at S. Hayden Lestirel.Japanese Studies in Southeast Asia: Towards a Cooperative Approach. Singapore: National University of Singapore, 1994. Monograph Series No. 5
Internet:
Cantoni, Mayari. What role does the language of instruction play a successful education? A case study of the impact of language choice in a Namibian school.Växjö Universitet, 2007. Makikita sa
http://www.diva-portal.org/smash/get/diva2:205547/FULLTEXT01.pdf
Pambansang Komite sa Wika at Salin. Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika sa Edukasyon.Maynila: Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining, 2005. Makikita sa
http://sentrofilipino.upd.edu.ph/programa_at_proyekto/download/uswagan_kartila _fil.pdf http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-No.20-s2013.pdf wika.pbworks.com/w/page/8021659/Filipino http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-No.23-s2010.pdf https://www.facebook.com/ramil.lagasca?fref=ts