Noli Me Tangere Deciphered-kab011

14 

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Teks penuh

(1)

KABANATA 11

ANG MGA MAKAPANGYARIHAN

Hati-hatiin at pagharian (Maquiavelo)

Sinu-sino ang mga naghahari sa bayan?

Si Don Rafael, noong nabubuhay pa ay hindi naghahari-harian sa bayang ito, sa kabila na siya ang pinakamayaman, nagmamay-ari ng pinakamalaking lupain at may utang na loob ang halos lahat sa kanya. Dahilang sa siya ay mapagkumbaba ay sinikap niyang na huwag pahalagahan ng iba ang kaniyang kabutihan, hindi siya nagkaroon ng maraming kakampi sa bayan, at siya ay kinalaban nang makita na nasa masamang kapalaran.1

Si Kapitan Tiyago kaya? Na kung dumadating sa San Diego ay sinasalubong ng mga nagkakautang sa kaniya ng orkesta, ipinaghahanda ng piging at pinupuno ng maraming handog, napupuno ng mga pinakamabuting prutas, ang kaniyang hapag; kapag nakakahuli ng usa o baboy-damo ay napupunta sa kanya ang isang hita; kapag nabati ang kabayo ng isang may utang, kalahating oras pa lamang at ang kabayo ay nasa kanyang kuwadra. Ngunit sa kabila nito, siya ay pinagtatawanan sa talikuran at tinatawag na sakristang Tiyago.2 1MGA PALIWANAG Si Don Rafael ay dugong Espanyol at mayaman, ngunit walang hilig sa pulitika. Dahilan sa walang paksiyon ng mga tao na nabuo sa kaniyang panig, sa panahon ng kaniyang masamang kapalaran ay wala siyang nakitang kakampi. Ang tagumpay ay maraming magulang, ang kasawian ay ulila.

2

Si Kapitan Tiago ay kinatatakutan dahilan sa may pautang, ngunit pinagtatawanan sa talikuran.Bakit tinatawag siyang sakristang Tiyago? Ang katotohanan ay mayroong mga nakakaalam na hindi siya ang tunay na ama ni Maria Clara! Alalahaning mabuti na sa Kabanata 6 ay mayroong pinsan si Kapitan Tiyago na naghihinala na mayroong ibang santo ang gumawa ng milagro upang maging tao si Maria Clara.

Ang salitang pindeho ay isang opensibong salitang Filipino na ang katapat sa Ingles ay cuckold - man whose wife is unfaithful. Ang isang pindeho ay isang lalaking pinagtatawanan ng kaniyang kapwa tao sa talikuran. Subalit ang susi upang malaman na ang tinutumbok ni Rizal na dahilan upang pagtawanan si Kapitan Tiyago ay ang kaniyang pagiging pindeho ay tinatawag siyang sakristan: Basahin ninyo ang sinulat ni Rizal at magkakaliwanagan tayo: Sa isang eksena sa El Filibusterismo ay hinihikayat ni Kabisang Andang ang kaniyang anak na si Placido Penitente

(2)

Ang kapitan kaya ng bayan?3 Siya ay isang nakahahabag na nilalang, hindi nag-uutos, siya ang sumusunod; hindi nagagalit kaninuman, siya ang napapagalitan; hindi nagpapasiya, may nagpapasya para sa kanya, ngunit siya

ang nanagot sa Alcalde Mayor4 sa lahat ng ipinag-utos, ipinagawa at ipinasya para sa kanya, na parang ang lahat nang iyon ay lumabas sa kanyang isipan; ngunit dapat ipagtapat, alang-alang sa kanyang karangalan, na ang tungkuling hinahawakan ay hindi niya ninakaw,5 ni kanyang nakuha sa panlulupig;6 kaniyang ginastusan ng limang libong piso at maraming kahihiyan,7 subalit ang gayong mga ginugol ay iniisip niyang maliit dahil sa kanyang kinikita.8

na umayon sa mga kagustuhan ng mga prayle kahit na masama sa loob nito:

“Ngunit dapat kang na huwag kang kumibo at magbata, walang ibang paraan. At binabanggit ang ang ganoon at ganitong mga ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka-pacencioso at mapakumbaba, kahit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nagagalit sa kaniyang panginoon, ay naging promotor-piskal gayong galing sa pagiging alila ng prayle... ay galing sa pagiging isang maralitang sakristang mapagkumbaba’t masunurin, na nag-asawa sa isang magandang dalaga na ang naging anak ay inanak ng kura.

3 Kapitan ng Bayan (gobernadorcillo) – sa panahon ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas ay siyang pinakamataas na pinuno ng bayan (katumbas ng ating mayor). sila ay pinipili ng taunan sa halalan ng isang lupon ng mga principalia at ang resulta ng pagpili ay pinagtitibay ng kura paroko.

4

Alcalde Mayor – sa panahon ng mga Espanyol ito ang pinakamataas na pinuno ng isang lalawigan (katumbas ngayon ng gobernador). Maraming gagawing pagbubunyag si Rizal sa katungkulan ng isang punong lalawigan sa kaniyang panahon sa Kabanata 34.

5 Hindi niya natamo ang katungkulan sa pamamagitan ng pandaraya sa halalan.

6 Hindi nakuha sa pamamagitan ng mga armadong tauhan. (guns and goons)

7

Subalit ipinapakita rito ni ni Rizal na ginagastusan ng malaki ng isang pinunong bayan ang kaniyang katungkulan (gold), ngunit hindi niya iniinda ang nasabing malaking halaga dahilan mayroon siyang pakinabang mula rito.

(3)

Kung gayon, ang Diyos kaya? Ah, ang mabait na Diyos ay hindi nang-iistorbo sa mga budhi o maging sa pagtulog ng mga mamamayan: hindi Niya pinanginginig ang mga tao, at kung sa isang pagkakataon ay mabanggit ang kaniyang pangalan sa isang sermon, ay tiyak na sasagi sa kanilang pag-iisip, samantalang nagbubuntung-hininga ng: “Kung iisa lamang sana ang Diyos!”9 Ang taong

bayan ay hindi malabis na nag-aabala sa mabuting Panginoon: sapat na kaniyang puwesto sa pamahalaan. Marami siyang kinikitang salapi mula sa pagawaing bayan. Maaring basahin ang aklat ng Paglalakbay ni Jagor sa Pilipinas.

9 Bakit sumasagi sa isip ng ilan ang paniniwalang “Kung iisa lamang sana ang Diyos” – Nararamdaman ni Rizal noon pa man na mayroon ng mga Pilipino na nagsisimulang manghawak sa kasipan ng dalisay na monoteismo. Sa hanay na ito ng pananalita ay mayroon pang malalim na pagnanais si Rizal na ipakilala ang monoteismo na hindi pinapansin ng kolonyal na simbahan. Ang katotohanan, alam ni Rizal na ang monoteismo at trinity ay dalawang magkasalungat na kaisipan. Ang monoteismo ay paniniwala sa iisang Diyos lamang. Ang trinity ay paniniwala sa tatlong persona na pinagsama sa isang Diyos. Balikan ang Kabanata 6 upang makita ang marahan na pagpapasimula ni Rizal ng pagtuturo ng konsepto ng monoteismo sa mga Pilipino. Isa sa dahilan kung bakit tinutulan ng mga obispo ng simbahan Katoliko ang maipabasa ng buo ang nobela ay dahilan sa ang Noli at Fili ay naglalaman ng mga bahagi na kritikal sa trinity.

PAKIBASA LAMANG ANG ISANG AKDA NI RIZAL AT MAYROON KAYONG MAKIKITANG SIKRETONG MALUPIT SA KANIYANG KAISIPANG PANGRELIHIYON, LALO NA ANG UKOL SA TRINITY:

“Ang tinig na iyon ay kilalang-kilala ng mga kapitbahay; yao’y kay Maligaya na kakambal na kapatid ni Maria Sinag-tala, dalawang dalagang dahil sa kagandahan at sa angkang pinagmulan ay lubhang kilala sa kabayanan.

Sa panig ng ama’y apo sila ni Numanatay, ang maginoong pinugutan ng ulo na kasama ng anak na lalaki ni Lakandula; ang ina nila’y apo ni Lakandula at nagngangalang Isabela. Ang ama na nagngangalang Maambun ay di-binyagang kagaya ng lahat ng mga nuno nila, at napilitan lamang na pabinyag upang mapakasal kay Isabel, na kanyang iniibig. Datapuwat isang buwan pagkatapos na makasal, nang siya ay tanungin ng kanyang ama, ang kasindak-sindak na si Kamandagan, ay nagpahayag sa harap ng buong angkan na siya’y mananatili sa dating pananampalataya at siya’y walang ibang pangalan kundi

(4)

ang kaabalahan na kanilang iniuukol sa mga santo at santa.10 Sa paniniwala ng mga taong bayan, ang Diyos, ay naging katulad ng mga kahabag-habag na haring napapaligiran ng mga maharlika: at sa ganito ang mga huli ang pinapahalagahan ng mga tao.11

Ang San Diego ay isang parang lunsod ng Roma, ngunit hindi ang Roma sa kapanahunang ng tusong si Romulo12 nang lagyan niya ng muog ang lunsod sa tulong ng kanyang araro; o sa kapanahunang siya ang nagdidikta ng mga batas ng buong mundo dahilan sa kakayahan niyang magpaagos ng sariling dugo at nang sa kaniyang mga kalaban:13 ang

Maambun.

at ang pagkakabinyag sa iyo! – ang tanong nila sa kanya.

Sumingaw na ang tubig, at halos hindi nakabasa sa balat ng ulo ko – ang sagot na buong kalamigan ng loob. – at ano naman ang pakialam niyon sa mga bagay na iyan? Hindi ba tayo ay naliligo sa araw-araw, kumakain ako ng asin, at naglalangis sa buhok ko?

At ang mga salitang binigkas ng paring Kastila sa ibabaw ng iyong ulo? – ang tutol ng asawa niyang nagugulumihanan.

Hindi ko naunawaan kahit isang salita niya – ang tugong may pagkikibit ng balikat – at bagaman nagsalita siya ng mahabang oras ay hindi rin siya naunawaan ng mga sakristan, gayong sinasagot siya ng mga ito. Ano ba ang magagawa at ano ang kabuluhan ng mga salita kung hindi nauunawaan?

Kung gayo’y bakit ka nagpabinyag? – ang usisa ng isang amain ni Isabel.

Ano pa kundi upang ako ay makasal; sinabi ko sa aking sarilil ang kaunting tubig ay hindi makapagbabago sa dugo ni Maambun. Nasumpungan ng mga dayuhang iyon na basain ang ulo ng lahat, at yamang ang ang di-karaniwang kabaliwang ito ay nakahawa sa mga kamag-anak ng magiging asawa ko, ay pinagbigyan natin sila. Hindi iyan, hindi nga iyan ang lalong mahirap, kundi ang pag-aaral at pagsasaulo ng mga bagay na iyong napaka-di-karaniwan na tatlo o apat na iisa, na isang Inang isang Birhen, o ng amang hindi naman ama at aywan ko kung ano pa, sa dahilang nalimutan ko na; iyan ay mga kasaysayang napakagusot at kahalakhalak, na gaya ng lahat ng itinuturo nila. Kaya huwag na ninyong ibalita ito sa pari at baka manghimasok pa at papaghiwalayin kami; ang lalong mahalaga ay maging mabuti akong asawa ni Isabel, gaya ng pagiging mabuti ng lahat ng ingkong ko at ng inyo, na kaylanma’y hindi nagpabinyag, at bayaan ninyo akong sumampalataya sa itinuturo sa akin ng mga magulang ko at hindi sa mga sinasabi ng mga dayuhang iyan.”

(5)

San Diego ay kahawig ng Roma sa kapanahunang ito,14 at walang ipinagkaiba kundi ang istraktura sa Roma na may mga monumentong marmol at mga coliseo, sapagkat sa San Diego ay may mga monumentong sawali at sabungang pawid. Ang kura ay siyang Papa na nasa Vaticano; ang alferez ng Guwardia Sibil ay siyang Hari sa Italya na nasa Quirinal, dapat na maunawaan na alinsunod sa pagkakalagay ng sawali at sabungang pawid. At dito, gaya roon, ay walang tigil na alitan ang nagaganap, sapagkat sa pagnanais na ang bawat isa sa kanila ay siyang higit na makapangyarihan ay kapwa sila nag-aakalang ang isa sa kanila ay kalabisan na. Liwanagin natin at ating isalaysay ang mga katangian nilang dalawa.

Mga Akdang Pampanitikan sa Tuluyan ni Jose Rizal

10

Isang pagdagil ni Rizal na sa mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan ay higit ang pagpapahalaga sa kanilang mga santo at santa at hindi sa Diyos. Maaring ihalintulad ito sa paraan ng relihiyosidad ni Kaptan Tiyago sa Kabanata 6

11 Ang mga patron sa kapanahunan ni Rizal ay kinikilala ng mga Pilipino na kanilang tagapamagitan sa Diyos, dito sila nagsasabi ng mga bagay na kanilang kailangan at hinihiling sa paniniwala na ang mga patron ay malakas sa Diyos. Ang pagkakaroon ng mga tagapamagitang santo ay repleksiyon ng mga nagaganap na transaksiyong sa kolonyal na lipunan sa kanilang pangangailangan sa mga tao na mamamagitan sa kanila sa mga matataas na opisyal ng kolonyal na pamahalaan.

12 Romulo – ayon sa alamat siya at ang kaniyang kapatid na si Remus ang nagtatag ng lunsod ng Roma at kinalaunan ay kaniyang pinatay ang sariling kapatid na si Remus, upang mag-isang pagharian ang lunsod. Makikita sa alamat na ito na ang pulitikal na interes ay sumisira hindi lamang ng pagkakaibigan, kundi maging pati na ng magkakapatid.

13 Ang tinatalakay sa mga naunang pangungusap ay ang panahon na ang Roma nagsisimula pa lamang na maitatag hanggang sa maging pinakamakapangyarihang imperyo ng mundo.

14 Ang San Diego ay katulad ng Roma, hindi sa matandang panahon - ang nais na ilarawan ni Rizal ay sa kaniyang kapanahunan na nagaganap ang hidwaan sa pagitan ni Papa Leo XIII (papa 1878-1903) noong ang Vaticano ay hindi pa nagsasariling estado at ng Haring ng Italya na si Humbert I (hari 1878-1900).

(6)

Si Padre Bernardo Salvi ay ang bata at tahimik na Pransiskano na naipakilala na namin sa unahan. Ang kanyang mga pag-uugali at kilos ay naiiba sa marami niyang kasamahan at lalo pa sa kanyang pinalitan na magagaliting si Padre Damaso. Siya ay payat, masasakitin, palaisip, mahigpit sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin sa pagkapari at maingat sa maaring masabi sa kanya.15 Makaraan ang isang buwan mula nang siya ay du mating ay halos sumapi ang lahat sa V.O.T., bagay na ikinalungkot ng karibal nilang cofradia ng Santisimo Rosario.16 Napapalundag niya ang sariling kaluluwa sa kagalakan sa pagkakita na sa bawat leeg ay may nakasuot ng apat o limang kalmen at sa

15 Dalawa ang maaring maging kahulugan ng maingat – una, ay hindi gumagawa ng paglabag; at pangalawa, magaling na magtago ng paglabag sa kautusan ng simbahan. Ang ikalawa ang higit na katangian ni Padre Salvi. Kinuha ni Rizal ang hanay na ito sa isang karaniwang paala-ala sa mga prayle sa panahong medyibal sa Europa. Kung hindi ka magiging mabuti, maging maingat ka.

16

Mayroong nagaganap na karibalan sa gawaing pangkabanalan ang dalawang magkaibang kapatiran sa San Diego; ang Venerable Orden Tercero (VOT) at ang Cofradia de Santisimo del Rosario.

(7)

bawat baywang ay may corea.17 at ang mga prusisyon ng mga patay o mga multo na ang suot ay abitong ginggon.18

Ang sacristan mayor ay nakaipon ng kaunting salapi sa pagbibili o pagpapalimos, ng lahat ng mga kailangan sa kaligtasan ng kaluluwa at pakikipaglaban sa diyablo:19 alam ng lahat na noong araw ang Diablo, ay harapang kumakalaban sa Diyos at kumokontra sa Kanyang mga salita, gaya ng sinasabi sa aklat ni Job,

17 Bakit umiindak ang kaniyang kaluluwa sa kagalakan (lihim ang kaligayahan at hindi ipinapakita sa iba) sa pagkakita ng maraming kalmen sa leeg at corea (isang lubid na may buhol) sa baywang? Ito ay dahilan sa siya ang nagbibili ng mga ito sa taga parokya. Pansinin ang puhunan at presyo ng mga paninda ng mga religious items na ito:

Religious charms of all sorts were very visible part of the popular religion. They were bought mainly from the friars and priests. Del Pilar disapprovingly noted that the money spent by the people for these items constituted a disguised tribute to “monkism.” All sorts of scapulars, rosaries, and belts or waist cords invested in with varying degrees of miracalous powers were manufactured in the convents and sold at prices that yielded a return of 1,000 percent on cost. Narrow leather cords worn around the waist by members of cofradias (brotherhoods or sisterhoods) cost some five centavos to produce but sold for sixty two and half centavos after having been sprinkled with holy water and blessed with magic incantation.

Old woolen trousers given away free by students were cut into hundreds of small round or square pieces; these were made into scapulars which were sold at thirty one centavos each. Del Pilar identifies the church of San Sebastian as the production center of scapulars. Along its corridors testimonials of their miraculous powers were displayed from the walls pictures of wearers whose scapular deflected the bullets shot at them. Del Pilar also names the convents of 18 Dito higit na nagagalak o maaring humahalakhak pa nga si Padre Salvi – sa prusisyon ng mga patay o multo.

Isa sa mga pinaniniwalaan noon ng mga panatikong mapanata sa kolonyal na simbahan na ang pagsusuot ng lumang abito ay makapagdudulot sa kanila ng karagdagang kabanalan. ANG

(8)

nagdala sa himpapawid sa ating Panginoong Jesucristo gaya ng ginawa nang mga mangkukulam noong Kalagitnaang Panahon, at sa ngayon, ayon sa sabi ay gayon din ang ginagawa ng mga asuwang sa Pilipinas, tila sa panahong ito ay naging mahihiyain na ang Diyablo at hindi makaharap sa isang pirasong tela na may nakapintang krus, at takot sa mga buhol ng isang lubid:20 ngunit ang bagay na ito ay nagpapatunay lamang na kahit sa liblib na dako ng San Diego ay mayroon din progreso at ang diyablo ay papaurong o kaya ay ayaw ng pagbabago, katulad ng lahat ng nabubuhay sa gitna ng kadiliman, o kaya ay maipapalagay na taglay ng diyablo ang mahinang kalooban ng isang dalagang labinlimang taon gulang.21

KATOTOHANAN, mayroon pang mga mapanata sa simbahan na ginagamit ang abito bilang DAMIT PAMBUROL (Sa Fili ang lumang abito ang nais na ipasuot sa bangkay ni Kapitan Tiyago). Dahilan sa ganitong paniniwala, ang mga taga parokya ay nagbibilihan ng mga lumang abito na ang kalimitan ay ginamit ng mga namatay na prayle. Labis-labis siguro ang lihim na kagalakan ni Padre Salvi na makitang gumagalaw pa ang mga lumang abito na ginamit ng kaniyang mga namayapang kasamahan. Mayroon pang higit na paliwanag si Rizal ukol sa abito ng patay na prayle sa mga susunod na kabanata.

19

Ang sakristang mayor ay siyang pinagkakatiwalaan ni Padre Salvi sa mga gawain sa loob ng simbahan, pati na sa pagbibili ng mga kailangang kagamitan para sa kaligtasan, pasinin na nakakaipon siya ng pera – kung ganon, may komisyon ang sakristan mayor sa mga pinagbibili ni Padre Salvi. Nasaan kayang mga tanggapan ng pamahalaan ngayon naroroon ang mga inapo ng sakristan mayor na ito?.

20 Hindi pinaniniwalaan ni Rizal ang ilusyon na ang Diablo ay natatakot sa larawan ng krus. Kung nabubuhay pa si Rizal ngayon at makakapanood ng mga Horror Movies na may eksena ng lumalayas ang diyablo sa pagkakita sa Krus – magtataka si Rizal na ang ganoong mga paniniwala ay taglay pa nang maraming mga makabagong tao.

21 Pansining Mabuti“ang diyablo ay papaurong o kaya ay ayaw ng pagbabago, gaya ng lahat ng nabubuhay sa gitna ng kadiliman,” - Makikita sa mga papanalitang ito ang malinis na paraan ng pag-alimura ni Rizal sa mga prayle. Tandaan na ang mga prayle ay siyang pangunahing elemento na papaurong o ayaw ng pagbabago sa kapanahunan ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas. Sa hanay na ito ay mapapansin na halos itinulad ni Rizal ang mga prayle sa kaniyang kapanahunan sa diyablo. Pansinin ninyong mabuti ang sumunod na hanay “o kaya ay maipapalagay na taglay ng diyablo ang mahinang kalooban ng isang dalagang labinlimang taon

(9)

Gaya nang nasabi, si Padre Salvi ay lubhang masikap sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin, sa palagay ng alperes, ay labis na pagsisikap.22 Samantalang siya ay nagsesermon na kaniyang ugali ang ipinasasara ang mga pinto ng simbahan; na

katulad ni Nero na hindi pumapayag na lumabas ang mga tao samantalang siya ay umaawit sa loob ng tanghalan: ngunit ginagawa ito ni Padre Salvi dahil sa ikabubuti ng kaluluwa, at si Nero ay sa ikasasama. Bihirang mamalo si Padre Salvi, ang lahat ng pagkukulang ng kanyang mga utusan ay karaniwang pinarurusahan sa pamamagitan ng multa: sa bagay na ito ay malaki ang ikinaiiba niya kay Padre Damaso na nahirati na ayusin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng suntok at pamalo, na kanyang ipinagkakaloob nang nakangiti at buong kagandahang-loob sa mga nakahahabag na Indio. Kahit na ganito, hindi mangyaring siya ay hindi ibiging mabuti; ito ay dahilan sa pananalig niya na ang mga Indio ay dapat lamang na kausapin sa pamamagitan ng pamalo; ito ay nakasalig sa sinabi ng isang prayle na nagkataon na marunong sumulat ng aklat at si Pray Damaso ay hindi pinag-aalinlanganan ang nililimbag; sa pagkamababang-loob na pagsunod niyang ito ay maaaring tumutol ang maraming tao.

Si Padre Salvi ay bihirang gumamit ng karahasan, ngunit gaya ng sabi ng isang matandang pilosopo sa bayan, ang kakulangan sa pamamalo ay tinutumbasan naman ng multa, at dahil sa bagay na ito ay higit siyang inibig ng mga taga San Diego. Ang kanyang mga pag-aayuno at mga pangingilin ay nagpapatuyo sa kanyang dugo, nagpapanginig sa kanyang mga ugat, at gaya ng sabi ng mga tao, nagpapaakyat ng hangin sa kanyang ulo.23 Sa bagay na ito, ang nangyayari ay hindi mabatid ng mga

gulang” Parang inosente ang hanay na ito.Subalit mapapansin na sa sumunod na paglalarawan – ay mahina pa ang loob ng diyablo – kaysa sa mga prayle na katulad niyang papaurong at ayaw ng pagbabago. Sa kabanata 43, sa pamamagitan ng isang napakagandang pananalita ay ilalarawan ni Rizal ang isang prayle na anyong diyablo.

(Tandaan ang ilang mga talababa sa Kabanata 6, 7 at 9 ukol sa mga patagong paraan ni Rizal ng pang-iinsulto sa mga prayle)

22 Nararamdaman ng alperes na dahilan sa labis na pagsisikap sa tungkulin ni Padre Salvi ay naagawan na siya ng kapangyarihan.

23

Isang pasaring ni Rizal sa pagpapahiwatig na ang mga prayleng katulad ni Padre Salvi ay mayroong diprensiya sa kaisipan.

(10)

sakristan kung kailan nag-aayunong parati ang isang kura o kung kailan kumakain ng marami.24

Ang tanging karibal ng kapangyarihan sa kaluluwa na may hilig sa makalupang kapangyarihan,25 ay ang alperes. Ang nag-iisang masasabi ukol sa kaniya ayon sa sabihan ng ilang babae, ay nangingilag sa kaniya ang diyablo, dahilan isang araw, ay nangahas na tuksuhin ang alperes, ay hinuli niya diyablo, iginapos sa paa ng

kama, hinagupit ng cordon, at hindi pinakawalan kundi nang makaraan ang siyam na araw.26

Ang resulta nito, ang sinuman na makipagkagalit pa, pagkatapos ng gayon, sa isang taong kagaya niya ay magkakaroon ng masamang kapalaran na higit pa kaysa kahabag-habag at mangmang na diyablo. Sa ganito ay lapat sa alperes ang gayong kabantugan.27

Ang kanyang asawa, ay isang matandang Pilipina na palaging maraming colorete at pintura sa mukha at nagngangalang Donya Consolacion;28 24 Alperes – opisyal ng hukbong Espanyol na ang katapat na ranggo ay ikalawang tinyente at sa kaniyang insignia sa balikat ay isang maliit na bituin. Noong organisahin ang guardia sibil, mayroong mga Espanyol na sarhento ng hukbo ng Espanya na sa Pilipinas ang pansamantalang itinaas ang ranggo bilang mga alperes, upang pamunuan ang mga katutubo na kabilang sa nasabing pangkat militar.

Magkaiba ang ranggo ng Alperes ng San Diego kay Tinyente Guevarra dahilan sa ang matanda ay mayroong dalawang maliit na bituin at ang pinangungunahan ay ang guardia civil na nasa Maynila.

25 Ang mga prayle ay hindi lamang nasasapatan sa kapangyarihang ispiritwal nais pa ng kapangyarihang panlupa, sa ganito ay nagkakaron ng hidwaan ang dalawa – ang alperes ay hindi nakikialam sa kapangyarihang pansimbahan, habang ang kaparian ay nakikialam sa pamahalaan.

26 Patawang pamamaran ng paglalarawan ng kalupitan ng alperes. Isipin na pati ang demonyo ay natakot sa torture na isinagawa ng alperes sa kaniya. Kung ang diyablo ay natakot sa kalupitan ng alperes, papaano pa kaya ang mga karaniwang tao na walang taglay na anumang lakas o kapangyarihan. Makikita ang paraan ng pagpapahirap ng alperes sa mga huling kabanata ng nobelang ito.

27 Bantog sa pagiging malupit.

28

Makikita ang husay ni Rizal sa pagpili ng pangalan ng tauhan na maaring maituring pinakamasamang babae sa kaniyang nobela Consolacion – “pampalubag loob” Kanino kinuha ni Rizal ang katauhan ng babaing ito?

(11)

kahit na iba ang itinatawag sa kanya ng kanyang asawa at ng ilan pang katao.29 Ipinaghihiganti ng alperes sa sarili niyang katawan ang kasawian sa pag-aasawa sa pamamagitan ng paglalasing, iniuutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw, habang siya ay nasa lilim, o kaya gaya ng madalas mangyari, ay hinahambalos ng palo ang kanyang asawa, na kung hindi man cordero ng Diyos na nakalilinis ng kasalanan ng sanlibutan, sa isang dako naman ay makakaahon sa kanya ng maraming pagdurusa sa Purgatoryo, kung sakaling maparoon, bagay na pinag-aalinlanganan ng mga palasimbahing babae.30 Dahilan sa ang mag-asawa ay palaging nagbubugan, sigawan at hagisan ang gamit ay apat na kamay at katulong ang mga paa, sa lahat ng ito ay nakapagbibigay sila ng libreng panoorin sa nagkakatuwaang mga kapitbahay.

Sa tuwing makakarating sa kaalaman ni Padre Salvi ang nasabing pag-aaway ay ngumingiti ito at nag-aantanda, at pagkatapos ay magdarasal ng isang Ama Namin;31 kung tinatagurian siyang bugaw,32 nagbabait-baitan, carlista, sakim, ay nakangiti rin si Padre Salvi at dinaragdagan pang lalo ang dasal.33

Maraming mabubulgar na kahindik-hindik ukol sa babaeng ito sa kabanata 39.

29 Iba ang tawag ng alperes kay Dna. Consolacion – minumura siya ng alperes sa ibang katawagan na higit na mapanlait. Isipin mong ang ganda ng pangalan tapos ay tatawagin mo sa mapanlait at mapanlibak na katawagan.

30

Sa mga tinatamong bugbog ni Dna. Consolacion mula sa alperes ay daig pa niya ang nag-penitensiya at nagtamo ng maraming mga indulehensiya. 31 Nagpapasalamat si Padre Salvi sa Diyos tuwing nagbubugbugan ang mag-asawa, dahilan sa ginagamit ng Diyos na kasangkapan si Dna. Consolacion upang masaktan ang alperes na kinamumuhian ni Padre Salvi. Ano ang ebidensiya na nagpapasalamat si Padre Salvi sa Diyos?

“Ama namin sumsasalangit ka… Sundin ang kalooban mo”

32

Bugaw - Isang tao na nag-iinpluwensiya o nagtutulak sa iba na gumawa ng masama.

33 Bakit nakangiti pa rin si Padre Salvi sa kabila ng masasakit na sinasabi ng alperes laban sa kaniya? Naniniwala siyang ipaghihiganti siya ng Diyos sa masakit na paraan – mas higit pang mabubugbog pa ang alperes at si Donya Consolacion.

Bakit dinagdagan ni Padre Salvi ang pagdarasal? Para higit na maraming bugbog ang tumama sa parehong mag-asawa na kinaiinisan niya.

(12)

Lagi nang isinasaysay ng alperes sa mangilan-ngilang Kastilang dumadalaw sa kanya ang ganitong pangyayari: “Magpupunta ba kayo sa kumbento upang dalawin ang kurang Moscamuerta (langaw na patay)? Mag-iingat kayo! Pag kayo ay inahinan ng sikulate, bagay na inaasahan kong hindi mangyari…34 ngunit kung mangyari na kayo ay ahinan, ay talasan ninyo ang inyong pakinig. Pag tinawag ang alila at ang sabi ay: “Hoy Kuwan, maghanda ka ng isang tasang sikulate, eh” ay huwag kayong umalis; nguni’t kapag ang sinabi ay: “Hoy Kuwan, gumawa ka ng isang tasang sikulate, ah” ay kunin ninyo ang inyong sumbrero at tumakbo na kayo.”

“Bakit?” gulat na tanong ng kausap, “naghahain ba ang kura ng lasong ipinaiinom nang palihim?”

“Putris!” “Hindi naman!” “Kung gayon ay…”

“Ang kahulugan ng sikulate eh ay malapot at ang sikulate ah ay malabnaw.”

Sa kabilang dako, ito ay isang upasala lamang ng alperes dahilan sa marami ding mga ganitong usapan ang inuukol sa mga prayle.35 Liban na kung ang ang ganito ay sadyang pag-uugali na ng mga corporacion religioso.36

Upang makaganti ang alperes sa kura, ay ipinagbawal ng una (sa udyok ng asawa nito) ang maglakad ang sinuman sa pagsapit ng ikasiyam ng gabi. Ito ay dahilan sa sinasabi ni Donya Consolacion na nakita niyang naglalakad sa hatinggabi ang kura, ngunit nakasuot ng barong pinya at salakot.37 Ang ganti naman ni Padre Salvi sa bagay na

34 Patawang pagsasabi na kuripot si Padre Salvi.

35 Iniintriga ng alperes si Padre Salvi na hindi niya kasundo. Subalit sa ganitong paraan ay ipinapakita naman ni Rizal na ito ay kalakaran na sa mga hindi nagkakasundong mga alperes at prayle sa mga bayan-bayan ng Pilipinas.

36 Subalit ang sinasabi ng alperes ay maaring hindi isang pang-iintriga, dahilan sa maaring talagang ganito ang ugali ng mga prayle.

37

Ipinahihiwatig ni Dna. Consolacion na may lihim na ginagawa si Padre Salvi sa pagsapit ng gabi, Kaya lumalabas ng hindi nakasuot ng habito. Maaring may pinupuntahan o kinakasamang ibang babae gaya ng pahiwatig sa tala ni Jagor sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas. Ang sabi nga ni Rizal sa

El Filibusterismo ay higit na mapagmilagro ang mga prayle kapag hindi nakasuot ng abito.

(13)

iyon ay sa pamamagitan ng banal na pamamaraan: Kapag nakita niya ang alperes ay pumasok sa simbahan, ay lihim na iniuutos sa sakristan na isara ang mga pintuan, at siya ay aakyat sa pulpito at pasisimulan ang isang napakahabang sermon, hanggang sa makatulog ang mga santo, at siya ay bulungan ng kalapating-kahoy, na larawan ng Ispiritu Santo, na nasa ulunan ng “tama na!” Gaya ng lahat ng matigas ang ulo, ang alperes ay hindi naituwid ang pamumuhay at ugali sa gayong paraan: nagtutungayaw na lumalabas ng simbahan at kapag siya ay nakahuli ng isang sakristan o isang alila ng kura ay ipinakukulong, ipalalamog sa bugbog, paglalampasuhin ng sahig ng kuwartel at pati na sa kanyang bahay na noon lamang nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng disenteng kaayusan. Ang kahabag-habag na sakristan na nahuli, kapag nagsusumbong at nagpapahayag ng mga kadahilanan kay Padre Salvi ay nagbabayad pa rin ng multang dahilan sa hindi niya pagsipot sa trabaho sa simbahan.38 Walang imik siyang pinakikinggan ni Padre Salvi, itatago ang salapi, at pakakawalan ang kanyang mga kambing at tupa upang manginain sa halamanan ng alperes,39 samantalang nag-iisip ng isang bagong paksa na babanggitin sa isang sermon na lalo pa manding mahaba at makapagtuturo ng mabuti. Subalit ang lahat ng ito ay hindi nagiging balakid upang kung sila ay nagkikita, ay magkamayan at mag-usap nang magalang.40

38 Makikita rito ang labis na pagkahilig ni Padre Salvi sa salapi – talagang kamukha ni M. Rodin na isang paring Jesuita na kontrabida sa nobelang Wandering Jew ni Eugene Sue.

39

NAG-AALAGA SI PADRE SALVI NG KAMBING!!!Sa simbolismo pa lamang ni Rizal sa hayop na inaalagaan ni Padre Salvi ay ipinapakita rito na hindi isang tunay na alagad ng Diyos ang nasabing pari. Ang tunay na alagad ni Cristo ay nag-aalaga ng tupa, at ang kambing ay walang bahagi para magmana ng langit. Pansinin na ang mga kambing ni Padre Salvi ay nanginginain sa halamanan ng Alperes. Ibig ipakita rito ni Rizal na ang mga tauhan ng prayle ay umaagaw sa kita ng alperes. GANYAN KALUPIT SI RIZAL SA SIMBOLISMO UPANG GAMITING INSTRUMENTO SA PANUNUDYO.

40

Tandaan na kalimitan sa mga bayan ay dalawa lamang ang Espanyol na naninirahan – ang prayle at ang alferes ng. Makikita na malimit ay hindi sila nagkakasundo at mayroong malamig ngunit matalim na paglalaban. Sa kabila ng hidwaan ay nandoon ang civility sa pagitan ng dalawa. Ano ang simbolismo ng civility sa pagitan ng dalawa? katulad ng hidwaan ng kolonyal na pamahalaan at simbahan sa panahon ng Espanya sa Pilipinas. Hindi nila ipinapakita ang hidwaan sa harapan ng mga tao.

(14)

Kapag ang asawa ay natutulog dahil sa kalasingan o natutulog ng tanghali at hindi siya inaaway, ay magmumura si Donya Consolacion na nakasupalpal sa bibig ang tabako at ang suot ay barong pranelang bughaw ang kulay. Siya na naiinis sa kabataan, mula sa bintana ay pinanlilisikan ng mata at kinukutya ang mga nagdadaang mga dalaga. Dahil naman ng labis na pagkatakot ay patuloy sa matulin na lakad ng mga dalaga na pigil halos ang paghinga at di man lamang maitaas ang tingin. Si Donya Consolacion ay may isang taglay na kabutihan: at ito ay ang hindi niya pagharap kailanman sa isang salamin.

Figur

Memperbarui...

Referensi

Memperbarui...

Related subjects :