• Tidak ada hasil yang ditemukan

Thesis Sitwasyong Pangwika Sa Kabataan Sa Kasalukuyang Panahon

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Thesis Sitwasyong Pangwika Sa Kabataan Sa Kasalukuyang Panahon"

Copied!
18
0
0

Teks penuh

(1)

CONCEPCION CATHOLIC SCHOOL CONCEPCION, TARLAC

SY 2016 - 2017

UNANG SEMESTRE

Sitwasyong Pangwika Sa Kabataan Sa Kasalukuyang Panahon

LINGUA FRANCA: Jake P. Cortes Ann Francesca C. Muñoz Erlsus Jeinda B. Magcalas

John Mandy M. Dayrit Karlo E. Pangilinan

(2)

Pasasalamat i

Kabanata 1: Panimula 1

Kabanata 2: Kaugnay na Literatura 3

Kabanata 3: Disenyo ng Pag-aaral 6

Kabanata 4: Paglalahad at Pagkakahulugan ng mga Datos 11

Kabanata 5: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon 13

Talasanggunian 16

(3)

Pasasalamat

Guro, mga mag-aaral, mga magulang at sa lahat-lahat ng mga taong tumulong, nagkontribusyon, at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito. Isang matagumpay at makabuluhang pamanahong papel ang siyang naging resulta. Instrumental, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko at Impormatibo ang mga naging gabay mula sa una hanggang sa huli.

Isang matamis na pasasalamat ang siyang hatid namin sa mga taong nakilahok upang matapos ang pananaliksik na aming isinagawa; kay Bb. Jinkie Galindo, ang aming minamahal na guro dahil sa walang sawang pagsuporta, pagtulong, pagagabay at pag-unawa sa amin habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik at lalong-lalo na sa pagbabahagi ng kaalaman ukol dito, sa mga rospondenteng mag-aaral na pumunan sa aming mga katanungan sa isang panayam, mga magulang na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa aming mga pangangailangan, sa mga kaibigang nagbigay lakas-loob, sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik, at higit sa lahat sa Poong Maykapal , sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral sa aming pananaliksik, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa mga pagpapala at pagbibigay sa amin ng kalakasan lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinaghinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

(4)

Panimula

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbigay daan sa pagkakaisa ng mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspeto sa isang bansa. Bawat bansa ay nangangailan ng sariling wika sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Dahil kung ang mga tao ay hindi nagkakaintindihan at nagkakaisa, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad.

Mga Dayuhang sumakop sa ating Bansa, mga wikang umiral at mga bagong tradisyong nagsulputan. Ilan lamang yang sa mga dahilan kung bakit dumaan sa napakahabang proseso ang wikang Filipino. Dahil sa mga impluwensya ng mga dayuhan nagkaroon tayo ng mga iba’t-ibang Barayti ng wika, nagsilabasan din ang mga dayuhang wika o wikang pandayuhan na sinasalita na rin ng mga Pilipino. Hindi masama o walang masama sa pag-gamit ng mga ibang wika, ngunit kailangan huwag nating hayaang maibsan ang sariling atin; tangkilikin at pagyamanin.

Ang daloy ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Nauso narin ang mga pagpapaikli ng mga salita sa iba’t-ibang paraan, ilang halimbawa ay ang pag-gamit ng akronim o pag-gamit ng mga letra sa nagrepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Pinapalitan na rin ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At isa pa ay ang paggamit ng mga salitang balbal na pinakauso sa ngayon.

“Ang ating pambansang wika ay pahalagahan, kilalanin ang mahaba at makulay nitong kasaysayan, alamin ang konsepto, elemento, at gamit sa Lipunan, taglay ng mga ito, sarili nating pagkakakilanlan” (Pinagyamang Pluma; Pahina 7). Dumaan ang ating wika sa napakahabang proseso para maituring wikang pambansa, pinag-isipan, pinag-aralan, at pati na rin mga panayaman na isinagawa. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na natin naiisip ang mga iyon, atin nalang pinagwawalang bahala, kung

(5)

anong wikang ginagamit. Hindi na natin ito nabibigyan ng kahalagahan. Dahil doon sinasayang natin ang mga pagod na kinaharap ng mga namuno sa pagtatakda ng wikang pambansa.

Napakahalaga ng wika para sa ating lahat, dahil ito ang instrumento na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at transaksiyon. Hindi lang naman ang Wikang Filipino ang mahalaga para sa ating mga Pilipino, pati na rin ang mga kinagisnang wika o mother toungue na ating ginagamit. Ngunit dahil sa pag-labas-pasok ng mga dayuhan sa ating bansa, sa mga Pilipinong pumapasok sa migrasyon, at sa pakikipagtransaksiyon na rin ng mga Filipino sa ibang bansa nagkaroon tayo ng kaalaman sa pag gamit ng mga ibang wika. Hindi natin maipagkakait ang ating mga sarili sa pagkatuto ng ibang wika, dahil sa kasalukuyan mas kailangan na nating makadiskubre ng mga bagong wika tulad na lamang ng Ingles na tinaguriang Global Language na siyang pinakamadalas na gamitin ng mga tao sa sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa iba-ibang paraan; sa mga magasin, telebisyon, radio, mga produkto, dyaryo at marami pang iba. Ngunit ang dapat lang nating pakatandaan at isiksik sa ating isipan na huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng ating sariling wika na syang ating sariling pagkakakilanlan.

(6)

Kaugnay Na Literatura

Nangarap nang minsan si Manuel L. Quezon, Na ang wika niya’y magtibay-panahon, Tumatag, tumimo sa bukas at ngayon, Bigkasin ng masa, sa daang kalyehon. Huwag mong biguin itong namayapa,

Ating patatagin ang tindig ng wika, Lubusing mainam, bigkasin ng tama,

Ating palakasin ang igkas ng dila. Sa pagsasalita’y gamitin ng lagi, Kahit ang kausap – may islang na gawi,

Mahalagang usap at pagmumuni-muni, Gamiting salita’y ang wika ng lahi! Sa pagsasabi mo ng iyong damdamin,

Sa liyag na sinta’t ibig na giliwin, Wikang Filipino ang iyong gamitin,

Mailalahad mo ang nais sabihin. Sa kapwa tao na masasasalubong, Sabayan ng ngiti ang “Magandang hapon.”

At tiyak na sigla ang hatid ng layon, Siglang darating saan man dumoon.

Iyong salitain sa lahat ng dako, Damdamin sa dibdib paindakin sa puso

Sapagkat iyan nga ‘y tatag at lakas mo At pagpapatunay na ikaw’y Filipino.

Ang tula na ito ay hango sa akda ni Avon Adarna na pinamagatang “Palakasin Mo”. Nangangahulugan lamang na dumaan muna sa butas ng karayom ang mga namumuno sa pamahalaan noon, tulad ni Manuel L. Quezon upang maitakda ang Pamabansang Wika. Ngunit kung titignan natin sa kasalukuyang panahon, napakalaki na ng pagbabago, tuluyan nang kinakalimutan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng ating wika. Huwag nating hayaang mauwi lahat sa wala ang pagsisikap na ibinigay ng mga namuno sa pagtatakda ng ating sariling wika. Kailangan natin itong pahalagahan at tangkilin bilang iisang dugong Pilipino upang lubos tayong magkaintindihan at magkaunawaan. Dahil kahit sa mga simpleng paraan ng pagbati ibang wika ang siyang ginagamit, tulad nalamang ng pagsambit ng

(7)

“Magandang Umaga”. Ang wikang Filipino ang siyang magpapatunay na tayo ay Pilipino, kaya wag natin itong tatalikuran kailanman.

Si Allaine (2012) Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.

“Magmula no’ng ako’y natutong umawit, nagkabuhay muli ang aking paligid, Ngayong batid ko na ang umibig, sa sariling tugtugin o himig, sa isang makata’y maririnig, mga titik, nagsasabing, kay ganda ng ating musika, kay ganda ng ating musika, ito ay atin, sariling atin, at sa habang buhay awitin natin” hango sa awit ni Hajji Alejandro “Kay Ganda Ng Musika” (2010), kung tunay mang naghihingalo ang bayan, wikang Filipino ang siyang gamot upang muling buhayin ang nanlulumong kalagayan ng mga awiting Pilipino!

Ayon kay dating pangulong Gloria Arroyo “higit na bumilis ang pag-unlad ng Pilipinas noong panahong mataas ang literacy rate ng bansa kaysa mga kapitbahay nating mga Asyano tulad ng Thailand, Indonesia, at Singapore. Idinahilan din niyang ang malawak na pagpapalaganap ng Ingles sa mga bansang ito ang siyang naging sanhi ng pagbulusok ng mga ekonomiya nito.”

Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa gaya ng inang sa atin ay nagpala.

(8)

Disenyo Ng Pag-aaral

Napatunayan ng mga mananaliksik at nabigyang linaw ang ginawang proyekto sa pamamagitan ng pagharap ng mahabang proseso. Mga aklat na hinalungkat sa paghahanap ng mga bagong impormasyon. Internet na pinagbasihan para sa dagdag kaalaman. Mga respondenteng mag-aaral na tumulong para mapunan ang aming mga katanungan. Mula sa panimula hanggang sa Konklusyon nagsalin-salin ang mga opinyon at ideya upang maitakda ang proyektong ito. Ang mga mananaliksik ay naghanda rin ng sarbey kwestyuneyr na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman ang sitwasyong pangwika sa kabataan sa kasalukuyang panahon.

Instrumento ng Pag-aaral

Nagsagawa ng isang sarbey ang mga mananaliksik na kung saan ito’y pinaghandaan at pinagplanuhan ng grupo. Inihanda nila ang kanilang mga kwestyuneyr para sa mga respondenteng sasagot sa mga katanungan. Unang hakbang, nagtanong ang mga mananaliksik para sa pangalang ilalagay sa Questionaire Paper. Ikalawang hakbang, nagtanong ang mananaliksik mula sa una hanggang sa huli. Ikatlong hakbang, ngayong na sa ka nila na ang mga datos, ito ngayon ay kanilang pag-aaralan at bibigyang linaw para maintindihang mabuti. Ano na nga ba ang mga naging resulta ng mga mananaliksik sa sarbey na kanilang isinagawa? Iisa-isahin ang mga katanungan upang maging klaro ang lahat-lahat. Naging matagumpay ang pagsasarbey dahil sa mga respondenteng pinagtanungan na bumuo sa pamanahong papel na ito.

Respondente ng Pag-aaral

Mga respondeteng kamag-aral at mga kaibigan na ginawan ng isang sarbey. Dalawampung respondente na nasa 13-19 taong gulang na nagbigay kasagutan sa mga katanungan, 10 lalaki at 10 babae.

Triment ng Datos

(9)

FILIPINO ENGLISH TAGLISH 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 LALAKI BABAE Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?

(10)

Na sa Wikang Filipino Na sa Wikang Ingles 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 LALAKI BABAE Mas madalas kabang manood ng pantelebisyong nasa Wikang Filipino o nasa Wikang Ingles?

Tanong Blg. 2 A

Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?

Ingles Filipino Iba pa

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50 LALAKI BABAE

(11)

Tanong Blg. 2 B

Na sa Wikang Filipino Na sa Wikang Ingles

0 10 20 30 40 50 60 70 LALAKI BABAE

Mas madalas kabang manood ng pelikulang nasa Wikang Filipino o nasa Wikang Ingles?

Tanong Blg. 3

Wikang Katutubo Sa Inyong Lugar0 Filipino Taglish

10 20 30 40 50 60 70 80 LALAKE BABAE

Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?

Tanong Blg. 4

(12)

Mahalagang-mahalaga Mahalaga 0 10 20 30 40 50 LALAKI BABAE Tanong Blg. 5

Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

Mahusay na mahusay Mahusay Hindi gaanong Mahusay

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 LALAKI BABAE

(13)

KABANATA IV

Paglalahad at Pagpapakahulugan sa mga Datos

Ang mga pag-aaral na ginampanan ng mga mananaliksik ay hindi naging madali para sa kanila. Maraming mga suliranin ang hinarap bago ito maisagawa. Maraming mga katanungan ang bumalot sa kanilang mga isip na inibig hanapin ng mga kasagutan nang sa gayon ay kanilang mapahusay at maipaliwanag ng maayos ang kanilang isinagawang pag-aaral.

Mula sa katanungang “Anong wika ang ginamit sa pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?”. 85% ang sumagot na Filipino, 5% naman ay English at ang natitirang 10% ay Taglish ang siyang ginamit na wika. Sa sumunod na katanungan na “anong mas madalas mong panoorin na palabas pantelibisyon, nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?”. Ang sumagot ng Wikang Filipino ay 85%, samantalang ang sumagot sa Wikang Ingles ay 15% lamang.

Nasa wikang Filipino 17/20 (85%)

Nasa wikang Ingles 03/20 (15%)

Mula naman sa ikalawang katanungan na “Anong wika ang ginamit sa pinakahuling pelikulang pinanood mo?”. 50% sa kanila ay Ingles, 25% ay Filipino at ang natitirang 25% ay para sa mga gumamit ng iba pang wika, tulad ng Korean. Sa sumunod na katanungan na “Anong mas madalas mong panoorin na pelikula , nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?”. Ang sumagot na nasa Wikang Filipino ay 65% at ang nasa Wikang Ingles naman ay 35%.

Nasa wikang Filipino 13/20 (65%)

Nasa wikang Ingles 07/20 (35%)

Mula sa katanungang “Anong wika ang madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?”. 70% sa kanila ang ginagamit ay ang kanilang katutubong wika, tulad ng Kapampangan, waray-waray, Cebuano, 25% ay Filipino at ang nalalabing 5% ay Taglish.

(14)

Mahalagang-mahalaga 15/20 (75%)

Mahalaga 05/20 (25%)

Hindi gaanong mahalaga 00/20 (0% )

Hindi mahalaga 00/20 (0% )

At sa pinakahuling katanungan na “Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng Wikang Filipino?”. 85% ang sumagot ng mahusay at ang 15% ay hindi gaanong mahusay.

Mahusay na mahusay 00/20 (0%)

Mahusay 17/20 (85%)

Hindi gaanong mahusay 02/20 (15% )

Sadyang di-mahusay 00/20 (0% )

KABANATA V

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

BUOD

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung ano na nga ba ang kalagayan ng ating wika sa Makabagong Henerasyon, wikang itinakda sa loob ng napakahabang panahon. Na kung saan ang pagbabago ng oras, buwan at taon ay kakambal ng pagbabago ng kalagayan ng wika.

Inilahad sa pag-aaral na ito na ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nanguna upang pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang pambansa.

Mula sa isinagawang sarbey, napatunayan na may mga Pilipino pa rin ang nagbibigay halaga sa ating wika. Ito pa rin ang ginagamit sa mga tahanan, sa paaralan at paglalakbay sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa pakikipagtalastasan upang lubos na magkaintindihan at magkaunawaan. Ngunit dahil sa

1

2

(15)

impluwensiya ng mga banyaga, marami na ang naganap na pagbabago na nakakaugalian na ng mga Pilipino, at ang mga pagbabagong ito ang silang nagiging dahilan sa pag-iiba ng kalagayan ng wikang pambansa. May mga Pilipino na rin na mas tinatangkilik ang mga Pelikulang nagmula sa mga ibang bansa, na kung saan kaakibat nito ang mga makabagong pananaw na mabubuo sa mga isip ng mga manonood, na nagiging dahilan ng pag-usbong ng mga bagong tradisyon ng mga Pilipino. Ang paggamit ng Filipino ay mahigpit na ipinatupad sa buong bansa, ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapuwa Pilipino kundi gayundin sa iba’t ibang lahi, ang impluwensya ng iba’t ibang wika sa buong mundo ay hindi maitatanggi. Ang paggamit ng wika ay hindi dapat limitahin. Kailangan itong payabungin at papagyamanin upang makaagapay sa mga pagbabago at mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan.

Nabigyan ng kasagutan ang mga katanungang gumugulo sa utak ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey. Mula sa 20 respondente na nagmula sa iba’t-ibang lugar na nasa edad 13-19 nakabuo ng mga iba’t-ibang konklusyon ang mga mananaliksik. Dahil sa mga salitang na namutawi sa kanilang bibig, napahayag nilang maayos ang kanilang mga Personal na kasagutan patungkol sa kalagayan ng wika sa kasalukuyang panahon.

KONKLUSYON

Batay sa pagsusuring isingawa ang mga sumusunod na konklusyon ay nakuha:

1. Mas tinangkilik parin ng mga Pilipino ang mga palabas pantelebisyon na ang gamit na wika ay Filipino.

2. Marami na ring mga kabataan na mas naiibigan ang panonood ng mga pelikulang pambanyaga, ngunit mas nakakarami parin ang tumatangkilik sa mga pelikulang Pilipino dahil mas naiintindihan ang ginagamit na wika dito.

3. Napakahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino, dahil ito ang sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

(16)

Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Alamin ang mahaba at makulay na kasaysayan ng wikang Filipino.

Ipakita sa mga mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon ng wikang pansarili, para maibuklod ang bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika na nakikigamit lang ng wikang banyaga. Bilang mamamayang Pilipino, tangkilikin ang sariling wika, sapagkat mahalaga ito sa pagkakaugnay ng isang bansa. Gamitin ito at ipalaganap dahil dito nasusukat ang inyong pagiging Malaya. Tularan si Manuel L. Quezon, na nagsulong at nagtakda ng Filipino bilang wikang pambansa hanggang sa kasalukuyan. Laging isaisip na saan mang daku ng daigdig, “Pilipino ako kaya wikang Filipino ang gamit ko”. Ipagmalaki ang wikang gamit mo, hindi lamang sa buwan ng Agosto kundi araw araw at bawat segundo. Gawin ang lahat nang ito hindi lamang sa salita kundi nang buong pusong panggawa.

(17)

TALASANGGUNIAN

AKLAT:

Dayag, A.M., Del Rosario, M.G. Pinagyamang Pluma; Komunikasyon at Pananliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc., 2016: 7

Dayag, A.M., Del Rosario, M.G. Pinagyamang Pluma; Komunikasyon at Pananliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc., 2016: 119-120

MGA WEBSITES: http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2012/07/tatag-ng-wikang-filipino-lakas-ng-pagka.html? m=1 http://wikangfilipinosahinaharap.blogspot.com/2012/03/wika-filipino-sa-makabagong-panahon.html http://matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_filipino.htm https://kawika2010.wordpress.com/mga-sanaysay/ang-ating-awit/

1

6

(18)

Pangalan (Opsiyonal): Edad:

Kasarian:

Mga Katanungan:

1. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?

______________________________________________________________

Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?

______________________________________________________________

Mas madalas kabang manood ng pantelebisyong nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?

2. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo?

_______________________________________________________________

Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?

______________________________________________________________

Mas madalas kabang manood ng pelikulang nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?

3. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?

wikang katutubo sa inyong lugar _________________________________ Filipino

Ingles Taglish

4. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?

Mahalagang-mahalaga mahalaga

hindi gaanong mahalaga hindi mahalaga

Bakit?__________________________________________________________ 5. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

mahusay na mahusay mahusay

hindi gaanong mahusay sadyang di-mahusay

Referensi

Dokumen terkait

Medikua etorri de N ARTE , ezin izan dugu ezer egin  Hasta que ha venido el médico, no hemos podido hacer nada Ez mugitu HARIK ETA nik esaten dizudan ARTE  No te muevas hasta

Melakukan kerjasama jejaring kerja dengan rumah sakit , lembaga-lembaga yang bergerak dalam bidang VCT untuk memfasilitasi pengobatan, perawatan dan dukungan.. Menyediakan

Beberapa metoda yang banyak digunakan dalam karakterisasi bahan polimer adalah metode analisa termal, yang meliputi DTA, DSC dan TGA, analisa permukaan dengan SEM dan TEM,

Kinetika reaksi enzimatik dapat diukur dengan mengukur jumlah substrat yang diubah atau produk yang dihasilkan per satuan waktu, dan pada suatu waktu yang sangat pendek,

(4) Hambatan dalam penerapan kurikulum yaitu perencanaan pembelajaran yang tidak tepat waktu, Guru dituntut harus kreatif dalam mengembangkan RKM dan RKH serta keterbatasan

Jumlah guru dihitung dengan membagi jam tersedia dengan wajib mengajar (24 jam). Apabila jam yang tersedia kurang dari 24 jam, kebutuhan guru dihitung satu sesuai

2015, secara umum persen- tase penduduk yang bekerja pada sektor industri mengal- ami penurunan sebesar 0,16 persen bila dibandingkan dengan tahun sebelumnya yaitu dari 10,23

Akumulasi biomassa seresah di lantai hutan sangat dipengaruhi oleh kecepatan dekomposisi seresah tersebut, kecepatan dekomposisi ini salah satunya dipengaruhioleh nisbah C-N yang