Komunikasyon
Kahulugan ng Komunikasyon
1. Tahasan itong binubuo ng dalawang panig; isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang ng walang lamangan. (Atienza. et al. 1990) 2. Ang masining at mabisang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay ang
mayo, maganda, malinis, tama, at epektibong pagpapahayag ng anumang maisip, madama, at Makita sa paraang pasalita at pasulat. (L.T Rueben, et. al. 1987)
3. Ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng ganitong lipunan. (E. Cruz, et. al. 1988.)
4. Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan. (Webster)
5. Ang komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng organism sa anumang bagay na nangagailangan ng pagkilos o reaksyon. (S.S. Stevens)
6. Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaaring verbal o di-verbal. (Bernales, et. al.)
7. Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas. (Barnhart)
8. Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa kanyang kapaligiran.(Dalubwika)
Kahalagahan ng Komunikasyon
1. Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng kanyang pakikipag-unawaan. Pinatatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan at binibigyang halaga ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba, nakakagawa siya ng
desisyon tungkol sa anumang bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon, at pulitika. (Panlipunan)
2. Anumang propesyon upang maging tagumpay, ay nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan. (Pangkabuhayan)
3. Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika sapagkat ito ang gamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at maipaabot sa kinauukulan. Kailangan din ito upang maliwanag na maisulat at maipatupad ang mga batas. Maging ang pakikipag-ugnayan sa iba pang bansa ay hindi kailanman magiging possible kung hindi dahil sa komunikasyon.
Uri ng Komunikasyon
1. Verbal na komunikasyon – ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng saloobin, paraang pasalita. Wika ang pinakamabisang gamit sa komunikasyon dahil bawat bagay o damdamin ay may katumbas o katapat na salita upang maihayag nang maayos o maintindihan ang anumang gustong ipahayag.
2. Di-verbal na komunikasyon – ito ang komunikasyon na naip[apahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo, atbp gaya ng mga sumusunod:
a. Ekspresyon ng mukha – nakikita o nababasa sa mukha kung ano ang gusting ipahayag ng isang indibidwal, kung gusto, ayaw, masaya, malungkot, takot, nababahala, nagugulat, o nasasaktan.
b. Pandama (sense of touch) – ang paghaplos, pagyakap o pagkalong ng ina sa kanyang sanggol ay pagpapahayag ng pagmamahal, ganoon din sa paghawak ng kamay ng nag-iibigan, pagtapik sa balikat o pagyakap sa panahon ng kagipitan o kalungkutan o kasayahan, maaaring ito ay nagpapatibay ng loob, tiwala sa sarili at pagmamahal. Ang bawat paghawak o pagdampi ng tao sa kapwa ay may taglay na iba’t-ibang kahulugan.
c. Mata – may kasabihan na ang mata ang bintana ng iyong kaluluwa. Kung ano ang nararamdaman ng isang tao ay nakikita sa lanyang mga mata. Nababakas kung siya ay umiibig, nagsasabi ng totoo, nag-aalala,
nagsisinungaling, natatakot, at iba pa. Kaya kung kaharap natin ang ating mga kausap ay tingnan natin ang kanyang mga mata.
d. Galaw o kilos – tumutukpy sa mabilis na pagkilos maaaring nagmamadali, kamot ng ulo, hindi sigurado o di alam, pagkibit-balikat, maaaring hindi alam o ayaw, padabogng pagsara ng pinto, at iba pa. e. Awit o musika – naghahatid ng damdaming masaya, malungkot,
masigla. Ang hindi masabi ng bibig ay daanin na lang sa awit o musika. Nagpapakilala rin ito ng panahon, kailan naging sikat ang awit o himig. Maliban sa nagpapakilala ng bansang pinagmulan, maaari ring nagpapakilala ng kasaysayan ng bansa.
f. Pananamit – nagpapakilala ng lahi o tribung pingmulan, panahon at kasaysayan, nagpapakilala rin ng antas ng buhay, uri ng hanapbuhay, edad ng tao, pook na kinalalagyan.
g. Tunog – busina ng sasakyan maaaring may kakilalang tao o mahalagang tao na darating. Ambulansya, bumbero o pulis ay may hinuhuling salarin. Ang kampana – masaya maaaring pyesta, binyagan, kasal, pagdiriwang. Mabagal – agunyas, libing, malungkot. Mabilis – may panganib.
h. Sayaw – nagpapahayag ng panahon, lahi, tribu, o kasaysayan ng bansa.
i. Kulay – nagpapahayag ng kalungkutan – itim na telang nakalahad sa harap ng isang bahay – ibig sabihin at may patay. Kulay berde o lunti – maaaring ito ay buhay, pag-asa o makakalikasan. Pula – pakikibaka, araw ng mga puso.
j. Ilaw trapiko – pula – hinto, berde – lakad, dilaw – hintay. k. Bandila – simbolo ng bansang malaya
l. Kumpas ng kamay – konduktor ng musika kung malakas, mahina, mabilis, mataas ang tunog. Maaari rin na nagpapatahimik sa mga estudyante, nagtatawag, nagpapabilis mh kilos o ginagamit sa talumpati.
m. Kulay ng balat – nagsasabi ng lahing pinagmulan, kayumanggi – Pilipino, puti – Amerikano, itim – Aprikano.
o. Bulaklak – nagpapahayag ng pagmamahal, pag-aalala, paghanga, pagbati, pakikiramay, paumanhin, atbp.
p. Senyas – ginagamit ng mga referee ng basketball at lahat ng iba’t ibang laro o isports. Ginagamit din ito ng mga pipi at bingi.
Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal na Komunikasyon (Pansarili) – Ito ang komunikasyong pansarili. Nagaganap sa isang indibidwal lamang.
2. Interpersonal na Komunikasyon (Pang-iba) – ito ang komunikasyong nangyayari sa dalawa o mahigit pang tao. Ito ay maaaring mangyari sa loob ng klasrum, sa pagitan ng professor at mga estudyante, sa mga pangkatang gawain ng mga mag-aatal, maaaring magkaroon ng palitan ng opinyon o kaisipan – brain storming.
3. Komunikasyong Pampubliko – isinasagawa ang komunikasyon sa harap ng mararaming mamamayan o tagapakinig, halimbawa talumpati sa harapan ng maraming tao gaya ng panahon ng pagtatapos, pagtanggap ng karangalan, o pagpaparangal.
4. Komunikasyong Pangmasa – ito ay komunikasyong gumagamit ng mass media, radio, telebisyon, o pulong o miting sa barangay, pangagampanya ng mga pulitiko.
5. Komunikasyong Pang-organisasyon – ang komunikasyong na nangyayari sa loob ng mga organisasyon o samahan gaya ng PASADO. Ang pagpupulong ng pamunuan at mga kasapi ng samahan ng anumang proyekto o gawain sa ikabubuti at ikauunlad ng organisasyon.
6. Komunikasyong Pangkultura – ang komunikasyon para sa pagtatanghak o pagpapakilala ng kultura ng isang bansa sa pagtatanghal o pagpapakilala ng kultura ng isang bansa, gaya ng mga pelikula, dula, panonood sa mga mueso o kaya sa isang parada na naglalarawan ng kaugalian at paniniwala.
7. Komunikasyong Pangkaunlaran – ang komunikasyong pangkaunlaran tungkol sa industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan, pangkaunlaran sa lahat ng larangan sa buhay gaya ng Economic Asia Conference.
1. Konteksto – tumutukoy sa kalagayan kung saan nagaganap ng komunikasyon.
a. Pisikal – tumutukoy sa kalagayan na pinagyayarihan ng komunikasyo gaya ng oras, pook, pagitan o layo ng nag-uusap, tahimik o maingay, maliwanag na kinalalagyan ng nag-uusap.
b. Kontekstong Sosyal – sa kontekstong soysal ay tumutukoy sa kung ano ang relasyon ng mga kalahok sa komunikasyon.
c. Kontekstong Pangkasaysayan – sa kontekstong pangkasaysayang, maaaring may kaugnayan o walang kaugnayan sa mga nauna nilang pinag-usapan.
d. Kontekstong Kultural – ang kontekstong kultural ay tumutukoy sa kinagisnan ng bawat indibidwal, maaaring sa paniniwala, kinagawian, kaugalian, o pananalig sa Diyos.
e. Kontekstong Sikolohikal – kontekstong sikolohikal ay tumutukpy sa kasalukuyang kalagayan ng indibidwal gaya ng nakikibaka sa sakit, panahon ng pagdadalamhati, may malaking problema sa pamilya, pagod, gutom, puyat, o bagong gising.
2. Kalahok – tumutukoy sa mga taong kasali sa komunikasyon. Sila ang tagahatid o tagatanggap ng impormasyon. Ang kalahok ay magkakatulad ng lebel gaya lahat ay enhenyero, lahat ay doktor, lahat ay estudyante, lahat ay administrador, mas madali silang magkaintindihan dahil magkakatulad ang lebel nila.
3. Mensahe – tumutukoy ito sa pinag-uusapan o paksa ng mensahe, ideyang gustong ilipat sa pamamagitan ng wastp at tamang wika at kilos. May kaugnayan din sa paraan ng paghahatid ng mensahe, verbal o di-verbal at paano rin ito tinatanggap.
4. Midyum o daluyan – tumutukoy ito sa daluyan o daanan ng inihahatid na mensahe. Maaaring gumamait ng verbal na paraan, pasalita o pasulat, di-verbal, simbolo o senyas gaya ng elektronikong paraan.
5. Pidbak o tugon – tumutugon sa sagot o tinanggap na mensahe. Dahil dito nalalaman kung nauunawaan o naiintindihanang mensahe batay sa tugon o sagot ng tagatanggap.
6. Ang Ingay – may mga panlabas na ingay na naririnig gaya ng tunog, nakikita sa kapaligiran, iba’t ibang tanawin. May panloob na ingay rin gaya ng may
sariling problema, mga iniisip o suliranin na nakakapekto o sagabal sa proseso ng komunikasyon.
Elemento ng Komunikasyon
1. Pinagmumulan ng mensahe – ang nagpapadala ng mensahe, maaaring isa o higit pa.
2. Ang mensage – tumutukoy sa ipinadalang salita o mensage, maaaring masaya, malungkot, impormati o anumang gustong ipahatid.
3. Daluyan – maaaring ipahatid sa pamamagitan ng sulat, telegrama, o anumang eletronikong kagamitan o gamitin ang di-verbal na komunikasyon. 4. Tagatanggap – ito ay ang tumatanggap ng mensahe. Siya ang
nagpapakahulugan ng mensahe kung naiintindihan o nauunawaan ang ibinigay na mensahe.
5. Tugon o Pidbak – ang mga sagot o tugon. May sagot na agad na sinasabi o may naaantalang mga sagot.
Sangkap at Proseso ng Komunikasyon 1. Modelo Ni Aristotle
3 Sangkap :
1. Nagsasalita 2. Ang Sinasabi 3. Ang Nakikinig
2. Modelo nina Claude Shanman at Weaver 5 Sangkap
1. Pinanggalingan
2. Tagapaghatid (Transmitter) 3. Senyas o Kodigo
4. Tagatanggap ng Pahatid (receiver) 5. Distinasyon
3. 3. Modelo ni Berlo 4 na Sangkap
1. Pinagmumulan - Maaring isang tao o grupo ng mga tao,tagapagsalita o tagapanayam kung may pulong o seminar,professor sa loob ng klase o estudyante na nagpapaliwanag.Maaari ring isang brodkaster sa radio o telebisyon,manunulat sa isang pahayagan,magasin,mga aklat,o anumang babasahin,karaniwan usapan ng mag-ama o mag-ina o isang pamilya.
2. Mensahe - anumang ideya, opinion, kaisipan; maaaring ay nagtuturo, nagpapatawa, nagbibigay ng impomasyon pormal o di pormal at iba pa
3.Tsanel o daluyan ng mensahe - ang daanan o daluyan ng mensahe, gaya ng fax machine, celfon, telepono, radio, telebisyon, advertisement, sulat, email, senyas, verbal o diverbal. Tinanggap ang mensahe sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, paningin, pandama, at iba pa.
4.Tagatanggap ng mensahe - Ang taong tumatanggap at nagpapakahulugan ng mensahe. Halimbawa: ang taong nakabasa ng pahayagan, paano tinanggap ang mensahe ;ang taong nakarinig, paano tinanggap ang narinig na mensahe; ang taong nakapanood, ano ang reaksyon o pagpapakahulugan ng mensahe.
4. Modelo ni Wilder Schram 3 Sangkap
1. AngPinanggalingan - halimbawa: taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, palimbagan, estasyon ng radio at telebisyon o mula sa tanghalan.
2.Ang Mensahe - halimbawa; porma ng tinta sa papel, usok buhat sa siga, tunog ng tambol o kampana, tunog na dala ng hangin, kampay ng kamay, bandilang iwinagayway, kodigong morse.
3.Ang Distinasyon - halimbawa: taong nakikinig, nanonood o nagbabasa, pangkat ng ngtatalakayan, pangkat na nakikinig sa panayam, pangkat na nanonood ng basketball, nagbabasa ng pahayagan, nanonood ng telebisyon, nakikinig sa radio at iba pa.
5. Modelo nina Richard Swanson at Charles Marquard 5 Sangkap
1. Pinanggalingan - mensahe(sumulat/nagsalita) 2. Ideya o mensahe
4. Paraan ng paghahatid - (limbag,alon ng hangin,pahatid-kawad) 5. Tumatanggap ng mensahe - (bumasa o nakinig)