• Tidak ada hasil yang ditemukan

Halimbawa ng tanka.docx

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Halimbawa ng tanka.docx"

Copied!
6
0
0

Teks penuh

(1)

Halimbawa ng tanka

Baság na bungo

Ang bumabangong buwan Sa puntod-ulap.

Alaala! Ako ay Isang sepulturero. Halimbawa ng haiku

naghihintay ako . nananabik ako sayo . pikit mata nga ako . Halimbawa ng pabula

1. ang pagong at ang kuneho 2. ang pagong at ang matsing 3. ang langgam at ang tipaklong 4. 3 baboy at ang lobo

5. ang lobo at ang ubas

Halimbawa ng maikling kwento

1. Kuwento ni mabuti - Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga

pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.

Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya," ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo nsa bahaging to Mabuti Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa

(2)

ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito"..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang

paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon na…iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.

Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na

maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming

pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na

"pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y

(3)

magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.

At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimtan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin" Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At

naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

Halimbawa ng sanaysay

ANG PAGHALIK NG KAMAY

Ang paghalik ng kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na hanggang ngayon ay ginagawa parin ng ilang mga Pilipino. Humahalik sila ng kamay pagkatapos ng pagdarasal gayon din bago matulog sa gabi para mabigyan naman ng bendisyon. Bukod diyan ay mayroon pang ibang pagkakataon na ang mga bata ay humahalik ng kamay sa mga matatanda tulad ng pag-alis o pagdating buhat sa malayong pook, matapos

makapagsimba, o makapaglakad at makapamasyal sa gabi.

May malaking kahulugan napapaloob sa ugaling ito. Sa pamamagitan daw ng paghalik sa kamay ay nagpapakilala ng kabutihang asal ang isang anak. Iginagalang nila ang karapatan ng kanilang mga magulang. Ang pagkilala sa

kapangyarihan ng mga magulang ay isang dakilang tungkulin ng mga anak. Ang kabutihan lamang ang laging hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya't ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo at tagubilin ng mga magulang at karaniwang nagbubunga nang masasaya at mauunlad na kabuhayan ng mga anak.

(4)

Halimbawa ng dula

Act 77. Sa Kalsa. Umaga.

Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal.

MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin.

Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa katawan.

TAGABARYO: Nabuhay si Chua! CHIEF DE LA CRUZ: Sino ba 'yun?

LUCIO: (lalapit at titingin din). Kapatid ho 'yun ni Chua. Baka isa pa ho 'yang me sakit din.

Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila.

BALDO: O, 'yung mga may sakit, dito lang. O paraanin 'yan, paraanin! O kayo d'yan, dito kayo! Lapit! Sa isang tabi'y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales. LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita n'yo ba si Bella?

Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang tinedyer. TINEDYER 1: Napa'no 'yan?

TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen!

Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti.

IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl? TURISTA: Yeah? Where?

IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only. TURISTA: Sure, where?

Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayo'y seksi na ang ayos at naka-make up. TURISTA: In green, over there?

IGMENG BUGAW: Yeah.

Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao. Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan.

LALAKI 1: Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa

MGA TAO: (palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa! ALING RISING: (makikisigaw na rin). Elsa! Elsa' Elsa!

Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling. Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado.

MGA TAO: (patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa!

Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga kamera.

Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niya'y nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen. Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa't magsisimula siyang magsaiita.

(5)

Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat.

ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga ito. Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino.

ELSA: Maraming sakit ang gumaling, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya. Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng krimen at panloloko.

Mapapalapit si Mrs. Alba.

ELSA: Kapag may masamang nangyayari'y sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang. Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon.

Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling.

ELSA: Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito'y gawa ng langit. Gawa ng Birhen. Gawa ng himala.

Nakatingin si Sepa.

ELSA: May ipagtatapat ako sa inyo.

Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao.

ELSA: Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat' Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos!

Walang makakakibo. Walang makakapagsalita.

ELSA: Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala!

Sa umpukan ng mga tao'y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang sasabihi'y papailanlang ang isang putok. Pagtama ng bala sa puso ni Elsa'y awtomatikong mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba'y magagaya niya ang anyo ng Birheng may sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang anak.

Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo. Magtatakbuhan lahat papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari. Magkakatapakan, rnagtutulakan. Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga magnanakaw.

Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-iiiyak siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot. liwan ng tucistang Puti si Bella.

Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police. MAYOR: Hepe, dakpin mo ang bumaril!

Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin. CHIEF OF POLICE: Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano?

Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o kaya'y bangag at wala sa sarili.

Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair at bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit ang abito ng madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan ang batang napilay. May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo. Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling Saiing. Ang lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang nagtatakbuha't naghahalu-halo sa isang walang katapusanglarawan ng kapahamakan. Papatak ang luha niya. Ito ang mga kaguluhan at kabaiiwang kanyang

pinasimulan Lalapit si Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang kamera ni Oriy. Mag-iiyakan ang Siyete Apostoles.

BALDO: (sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa!

Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa.

Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo'y nawala nang tuluyan lahat nang pag-asa at iayunin sa buhay.

(6)

sa mga tao si Aling Saling. Pipigilan ni Bino si Sepa.

BINO: Sepa, h'wag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano ka ba? Pero makakawala si Sepa.

Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya.

Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.

SEPA: Si Elsa'y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa! Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa Mahal na BIrhen!

Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa gitna ng mga

nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na dugo'y nakaluhod na aakyat uli sila sa burol, sabay-sabay na nagdarasal.

Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan. Gayundin ang bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng isang babae si Mrs. Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang ulo habang umiiyak. Nakatingin lang si Orly sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa, sa kanyang mukha.

Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting dumidilim. MGA TAO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya … Bukod kang pinagpala sa babaing lahat…

Referensi

Dokumen terkait

menyajikan program kejuruan yang dapat membekali siswanya mendapatkan keahlian yang nantinya dengan berbekal keahlian siswa dapat memperoleh lapangan pekerjaan atau

Koreksi radiometrik sebagai pengukuran nilai radiasi elektromagnetik pada panjang gelombang tertentu dari sinar ultraviolet, sinar tampak, inframerah hingga

Düşüncenin getirdiği bu aynştırrna zorunlu olarak aynı zaman­ da yeni bir ilkenin doğuşudur. Düşünce genel bir şey olduğu ölçü­ de aynştıncıdır: bu aynştırmada

Menyebutkan nilai(nilai p,siti+ dari pr,dukti+ dalam +en,mena kehidupan 1).&.). Menunjukkan ',nt,h sikap Menunjukkan ',nt,h sikap berilmu* kerja keras* kreati+ dan berilmu*

Bendera negara Malaysia mengandungi 14 jalur merah dan putih (melintang) yang sama lebar bermula dengan jalur merah di sebelah Bendera negara Malaysia mengandungi 14 jalur merah

Kata Sambutan dari Sekretaris Dinas Kesehatan Simalungun Ibu Sarmauli Siadari Menyampaikan terimakasih Kepada Lintas Sector, Bapak Camat dan jajaranya di minilok triwulam , peran

I - MIS Wareng 2 RT 3 RW 5 Wareng Butuh Purworejo - Guru Kelas 35 ZAHROTul HASANAH,S.Pd.I 150 288 800 MI At Taqwa Sendangsari, Bener Purworejo - Guru Kelas 36 ALIFAH HANUM,S.Ag - MI

Emas native terbentuk karena adanya kegiatan vulkanisma, bergerak berdasarkan adanya thermal atau adanya panas di dalam bumi, tempat tembentukan