• Tidak ada hasil yang ditemukan

Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration"

Copied!
13
0
0

Teks penuh

(1)

TOMAS CLAUDIO MEMORIAL COLLEGE Morong, Rizal

Elementary Department Special Education

Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 1

I. Layunin

Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon, at mga bahagi

b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan II. Paksang Aralin

Paksa: “Ang Aking Paaralan”

Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1 Alma M. Dayag (pahina 161-166)

Kagamitan: Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan (Flashcards), Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide

Presentation), Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain

at Sagutang Papel

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata. III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro 1. Panalangin

-Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Susundan ng bata ang pagbigkas ng guro ng panalangin)

Gawain ng Bata

TCMC Ecumenical Prayer Panginoon, maraming salamat po sa dakilang araw na ito! Kami po ay nagpupuri at niluluwalhati ang inyong mga kaloob na biyaya sa amin.

Gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral at pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod sa amin upang maging mahusay mong tagapaglingkod.

Ipadala po ninyo ang inyong banal na Espiritu upang magningas sa puso ng bawat isa sa amin ang maalab na pagnanais na maging mahusay na mamamayan na may malasakit sa pamilya, kapwa, kalikasan at sa mahal na bansang Pilipinas.

Ang lahat ng ito ay hinihiling naming sa matamis at dakilang pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas. Amen.

(2)

2. Pagbati

-Magandang umaga mga bata! -Maaari nang umupo ang lahat.

3. Balitaan

-Ang araw ngayon ay Martes, ano ang araw ngayon? Exodus?

-Ang araw kahapon ay Lunes, ano ulit ang araw kahapon? Sam? -Ang petsa ngayon ay ika-isa ng

Oktubre, taon dalawanglibo at labingtatlo, ano ang petsa ngayon? Zaldy?

-Ang panahon ngayon ay Maaraw, ano ulit ang panahon ngayon? Vincent?

-Maaari bang tumayo ang mga batang lalaki? Ilang batang lalaki ang pumasok ngayon? Patrick? -Maaari bang tumayo ang mga

batang babae? Ilang batang babae naman ang pumasok ngayon? Jilliane?

-Maari mo bang iulat kung ilan lahat ang mga batang pumasok na nasa baitang isa? Gab?

4. Balik-Aral

-Kahapon ay pinag-aralan natin ang aralin tungkol sa “Ang Aking Pamilya” na kung saan ay pinag-aralan natin ang mga kasapi ng isang pamilya.

-Sinu-sino ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya? Magbigay ka ng isa, Jasmine?

-Magaling!

-Sino pa ang kasapi ng isang karaniwang pamilya? Mark?

-Tama!

-Bukod sa tatay at nanay, sino o sinu-sinu pa ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya? Exodus?

Magandang umaga din po, Sir John!

Ang araw po ngayon ay Martes.

Ang araw po kahapon ay Lunes.

Ang petsa po ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon dalawanglibo at labingtatlo.

Ang panahon po ngayon ay Maaraw.

Pitong batang lalaki po ang pumasok ngayon.

Dalawang batang babae po ang pumasok ngayon.

Siyam po lahat ang mga batang pumasok na nasa baitang isa.

Tatay po!

Nanay po!

(3)

-Magaling!

-Napag-aralan din natin ang mga tungkulin ng mga kasapi ng pamilya.

-Anu-ano ang mga tungkulin ng tatay at nanay? Sam?

-Tama!

-Ano naman ang tungkulin ng mga anak? Zaldy?

-Magaling mga bata, natutuwa ako dahil natandaan niyo pa ang pinag-aralan natin kahapon.

B. Pagganyak

-Mga bata, may ipapakita ako sa inyo na iba’t ibang larawan. Ang

mga larawan na ito ay may kinalalaman sa ating aralin.

-Anu-anong mga larawan ng bagay ang inyong nakita? Magbigay ng isa, Vincent?

-Tama!

-Anu pang bagay ang iyong nakita? Patrick?

-Magaling!

Ang tatay at nanay po ang nagtu-tulungan sa pagha-hanapbuhay, paggawa sa bahay at pag-aalaga sa mga anak.

Ang anak naman po ang tumutulong sa gawaing-bahay.

(Upuan) (Libro)

(Kompyuter) (Pagkain)

(Mga Bola) (Lagayang Gamot) Upuan po.

(4)

-Magbigay ka pa ng isang bagay na nasa larawan, Jilliane?

-Tama!

-Anong bagay pa ang nasa larawan, Gab?

-Magaling!

-Magbigay ka pa nga ng isang bagay na nasa larawan, Jasmine? -Tama!

-Bukod sa upuan, libro, kompyuter, pagkain at mga bola, ano pang bagay ang nasa larawan, Mark? -Magaling!

-Sa tingin ninyo saan kaya madalas makita ang mga bagay na inyong nakita?

-Tama ang lahat ng inyong mga sinabi, ang mga bagay tulad ng upuan, libro, kompyuter, pagkain, mga bola at lagayan ng gamot ay kadalasang nakikita natin sa loob ng paaralan.

-Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong aralin, handa na ba kayo?

C. Paglalahad/Talakayan

(Magpapakita ang guro ng “slide

presentation” para sa bagong

aralin)

-Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa “Ang Aking Paaralan”

-Ang paaralan ay mahalaga

Kompyuter po.

Pagkain po.

Mga Bola po.

Lagayan ng Gamot po.

Sa paaralan po!

-Opo!

(5)

sapagkat dito natututo ng maraming bagay ang mga batang tulad ninyo. -Ang paaralan ay tulad ng

pangalawang tahanan at ang mga guro naman ang ating pangalawang magulang.

-Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College. Ang lokasyon ng ating paaralan ay nasa Taghangin, Morong, Rizal. -Ano ang pangalan ng ating

paaralan? Gab? -Magaling!

-May iba’t ibang bahagi ang paaralan tulad ng aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina, gymnasium at klinika.

- Anu-ano ang mga bahagi ng isang paaralan? Magbigay ng isa, Jasmine?

-Tama!

-Ano pa ang bahagi ng paaralan? Mark?

-Ang pangalan po ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College.

Silid-aralan po.

Silid-aklatan po. Tomas Claudio Memorial

College

(6)

-Magaling!

-Magbigay ka pa ng isang bahagi ng paaralan, Exodus?

-Tama!

-Ano pa ang bahagi ng paaralan, Sam?

-Magaling!

-Magbigay ka pa nga ng isang bahagi ng paaralan, Zaldy?

-Tama!

-Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina at gymnasium, ano pa ang bahagi ng paaralan, Vincent?

-Magaling!

-Makatutulong ang mga bahaging ito para lalo pang matuto ang mga mag-aaral.

-Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo ang mga guro at natututo ang mga mag-aaral.

-Anong bahagi ng paaralan nagtuturo ang guro at natututo ang bata? Patrick?

-Tama!

-Ito naman ang silid-aklatan. Dito natin madalas makikita ang mga aklat at magasing nagagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Kompyuter Rum po.

Kantina po.

Gymnasium po.

Klinika po.

Sa silid-aralan po. Silid-Aralan

(7)

-Saan madalas nakikita ang mga iba’t ibang aklat? Jilliane?

-Magaling!

-Ang ibang paaralan ay may mga espesyal na siliid tulad ng kompyuter rum. Dito natututo ang mga bata na gumamit ng kompyuter.

-Anong bahagi ng paaralan natututong magkompyuter ang mga batang katulad niyo? Gab? -Tama!

-Ito ang kantina. Dito bumibili ng masusutansiyang pagkain at kumakain ang mga mag-aaral.

Sa silid-aklatan po.

Sa kompyuter rum po. Silid-Aklatan

Kompyuter Room

(8)

-Saan madalas bumibili ang mga bata ng masustansiyang pagkain? Jasmine?

-Magaling!

-Ang paaralan ay karaniwang mayroon ding gym o gymnasium kung saan ginagawa ang malalaking okasyon tulad ng pagtatapos o graduation.

-Anong bahagi ng paaralan madalas ginaganap ang

graduation? Mark?

-Tama!

-Ito ang klinika. Dito binibigyan ng pangunang lunas o gamut ang mga simpleng sakit ng mga mag-aaral.

-Saan naman binibigyan ng paunang lunas kapag nagkasakit ang mga bata? Exodus?

-Magaling!

-Ang ating paaralan ay mahalaga dahil ito ang ating pangalawang

Sa kantina po.

Sa gymnasium po.

Sa klinika po. Gym

(9)

tahanan kaya’t ating mahalin at ipagmalaki dahil dito tayo natututo ng maraming mabubuting bagay. D. Paglalahat

-Mga bata, may ipapakita ako sa inyong larawan at sasabihin ninyo sa akin kung ano ang inyong nakikita, Sam?

-Ano ang pangalan ng ating paaralan?

-Anu-ano pa ang mga larawan na inyong nakikita?

-Ano ang tawag natin sa mga lugar na nabanggit?

-Maari mo bang basahin ang nakasulat sa pisara, Zaldy?

-Maari mo bang bashing muli ang nakasulat sa pisara, Exodus? -Sabay sabay nating basahin ang

nakasulat sa pisara. E. Paglalapat

-Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang batang tulad mo? Zaldy?

-Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang paaralan mo? Vincent?

F. Talang Gawain

-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng isang Talang Gawain. Maaari niyo bang ilabas

Tomas Claudio Memorial College

Silid-aralan po. Silid-aklatan po. Kompyuter rum po. Kantina po.

Gymnasium po. Klinika po.

Mga bahagi po ng paaralan.

1. Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College. 2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan

tulad ng silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina, gymnasium at klinika.

Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito po natututo ng maraming bagay ang mga bata.

Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng kalinisan po ng paaralan.

(10)

ang inyong mga pangkulay?

-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.

Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.

-Bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto para sa pagkukulay.

-Maaari niyo nang ipasa ang inyong mga talang gawain.

IV. Pagtataya

-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng Sagutang Papel para naman sa isang maikling pagtataya. Ito ay inyong sasagutan sa loob ng limang (5) minuto.

-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.

Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

V. Takdang Aralin

Gumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa loob ng paaralan. Lagyan ng pangalan kung saang bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit ito sa inyong kwaderno.

(11)

T

alang

G

awain

Pangalan:

____________________________________________________________________________________

Petsa:

______________________________

(12)

S

agutang

P

apel

Pangalan: _________________________________________________________________ Petsa: ____________________

Nakuha: __________

Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

HANAY A HANAY B 1. 2. 3. 4. 5.

(13)

Inihanda ni:

JOHN EMMANUEL H. VILLARIÑA Gurong Nagsasanay Iwinasto ni: MS. BERNADETH B. RIVERA Gurong Tagapagsanay Sinuri ni: G. RUEL G. MANALO

Head Teacher, Elementary Department

Pinagtibay ni:

G. DINDO C. PUNZALAN Principal

Referensi

Dokumen terkait

= binabati ang mga babaing magdaan sa kanilang harap ng mga salitang dahil sa pagbaligtad na banggit ay tinatawag na bulaklak sa Madrid gayong kung minsan ay nangahahawig

Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng mga ninuno ng pagsusulat di lamang upang makipag-usap sa isa’t isa kundi makita rin nila ang kanilang mga paniniwala sa

Sa pamamagitan ng iba’t ibang paksa na may kaugnayan sa katatagan ng kalooban sa pagbibigay ng pasya sa sarili at pamilya, bigyang laya ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang

Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao (ikalawa pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang

Silang apat ay kumukuha ng kanilang mga karunungan at Kapangyarihan mula sa AMA, INA, ANAK, at ESPIRITU SANTO, upang ang lahat ng bagay ay magkaroon ng paglikha. Ang apat na Ina

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Lilikumin ang mga datos sa pamamagitan ng deskriptibong talatanungan kung saan sinususi at siniyasat kung may kaugnayan ang bilis sa pagbasa ng akademikong teksto at ang kakayahan sa

Paghahawan ng landas laban sa pagbabalewala sa bata Ang mismong paggamit ng wikang Tagalog upang maitawid ang akda para sa mga bata ay kaugnay ng isang aspekto ng ideolohiya ni Rizal