• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG TALUMPATI SA GETTYSBURG Salin ni Veneranda S. Lachica

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 109-113)

YUNIT VI – MALIKHAING PAGSULAT

ANG TALUMPATI SA GETTYSBURG Salin ni Veneranda S. Lachica

Apat na dalawampu at pitong taon ng nakaraan nang dalhin ng ating mga ninuno sa lupaing ito ang bagong bansa, binuo sa kalayaan, at inialay sa proposisyong ang lahat ng nilikha’y isinilang na pantay-pantay.

Ngayong nagdaranas tayo ng isang malubhang digmaang sibil, sinusubukan na ang nasabing bansa, o alinmang bansa na sadyang binuo at inialay, ay tunay na magiging matatag.

Nagkatagpo tayo sa gitna ng malaking larangan ng nasabing labanan. Kailangang ialay natin ang isang bahagi ng lupaing ito bilang huling hantungan ng mga nagtigis ng kanilang buhay upang ang nasabing bansa ay maging matatag. Karampatan lamang at na gawin natin ang bagay na ito.

Subalit, sa isang banda, hindi tayo makapaghihintay hindi tayo makapagtalaga hindi tayo makapagpabanal ng lupaing ito.

Ang mga nagpakabayani, buhay man o patay, na buong giting na nakipagtungali dito’y nakapag-alay ng higit pa sa ating payak na kapangyarihang magdagdag at magkaltas.

Ang daigdig na ito’y di man lang magbibigay kahit kaunting pansin o kaya’y sandaling kalimutan ang anumang sabihin natin dito, subalit di kailanman malilimutan ang mga ginawa natin dito.

Nasa atin na, tayong mga buhay, na matutong italaga dito para sa kanilang di natapos na pagpupunyagi na ikinarangal sila sa kanilang pakikipagtungali.

Higit na makabubuti para sa ating mga naririto na laan ding maghandog para sa dakilang gawain na ating kinakaharap  na para sa mga bayaning nagbuwis ng buhay na bigyan ng ibayong karangalan ang kanilang marubdob na pagmamahal; na tayong naririto’y naniniwalang ang kanilang kamataya’y di nawalan ng saysay; na itong ating bansa, sa ilalim ng Maykapal, ay tumanggap ng bagong sinag ng kalayaan; at ng isang pamahalaang para sa mamamayan, ng mga mamamayan, sa mga mamamayan, ay di maglaho sa balat ng lupa.

2. PAGSULAT NG LATHALAIN

Ang lathalain ay isang uri ng sanaysay na pampahayagan na nagtatampok sa isang piling tao, pook, ritwal at sa mga paksang kinalulugdang basahin ng mga tao. Isang uri ito na ang kawilihan ay nasa ibang bagay sa halip na sa mahahalagang tala.

Ang sumusunod ay ilang katangian ng lathalain:

1. Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita,

2. Nakalilibang, at nagbibigay ng kaalaman, nakikipagtalo, o nagpapayo. 3. Payak, madaling maunawaan, maaaring gamitan ng tayutay o idyoma kung kailangan, at

4. Maaaring isulat sa anumang porma, anyo, istilo o pamamaraan.

Ang lathalain ay naglalaman ng kuru-kuro ng may-akda tungkol sa isang balita ang binigyang diin ay ang mga nalikom na tala at ulat kaya’t naiiba sa pangulong tudling. Naiiba rin ito sa balita na nag-uulat lamang kung ano ang mga nangyari.

Nasa pagitan ito ng balita at pangulong tudling.

May Lihim Sa Sandata Ang Iraq

Sa pagitan ng mga taong 1990 at 1991, nagpadama ng takot ang Iraq sa daigdig sa ulat na may taglay itong mahusay na uri ng biological weapon. Pinangilagan ng mga bansang makabangga ang Iraq dahil dito.

Noong Setyembre, inamin ng Iraq na ang kanilang kasalukuyang germwarfare program ay higit na malaki at malakas kaysa unang naiulat. Sa katunayan, habang naghahanda ang Iraq sa Kuwait, ang kanilang mga siyantipiko ay naghahanda ng tinatantiyang 25 missile warheads na nagtataglay ng 5,000 ay botulism, gayundin ang germ na maaaring magdulot ng anthrax.

May karagdagang 15,000-kilogram din ng biological agents ang ikinarga sa mga bomba na handang ibagsak ng mga eroplano o kaya naman ay reserba ng bansa.

Sinasabing kung ginamit ni Saddam Hussein ang mga naturang armas, kasama ang kanilang scud missile, maaaring ang naturang pangyayari ay maging isa pang Hirohima at Nagasaki o kaya ay higit pa.

Napigilan lang marahil ang pagpapatuloy nito dahil sa walang hintong banta mula sa Washington. Nagpadala ng babala si dating Pangulong George Bush na ‘’extreme measures’’ ang gagamitin sakaling magbalak ang Baghdad na gumamit ng mga armas na makasisira sa malawakang pamamaraan, ito’y nangangahulugang nakahandang gumamit ng armas- nuclear ang Amerika kung hindi sila mapipigilan.

Sa naturang panahon, labis na nag- alala ang Amerika sa chemical sock pile ng Iraq tulad mustard gas at nerve gas na unang ginamit nito sa mga tropang Iranian at mga rebeldeng Kurds.

Dahil dito, naniniwala ang Amerika na naroon at pinangangalagaan pa rin ng Iraq ang kanilang biological weapon sa kabila ng pag- uulat ng bansa na wala na at naitapon na ang mga iyon. Gayunman, hindi sila nakapagkita ng patotoo sa naturang ulat.

Bukod sa anthax at botulism, nasa kamay rin ni Saddam ang paggamit ng pitong pangunahing biological agents kabilang na ang ilang virus na sinubukan para sa posibleng paggamit.

Ang mga naturang lason ay ipinoprodyus sa isang pabrika sa Al- Hakim, 50 milya mula sa timog-silangan ng Baghdad.

Dahil sa delikado ang mga natirang lason, hindi ito inilagay sa mga warheads maliban king kakailanganin na. Samakatuwid, nakahanda ang bansa anumang digmaang kemikal sa hinaharap.

Nakakalason ang germ- welfare program ng Baghdad noong unang bahagi ng Setyembre nang aminin ng ilang kawal na Iraqi ang katotohanan ng pagkakaroon ng bansa ng biological weapon program.

Sa kasalukuyan, nagpagpapatuloy pa rin sa pagsisikap si Saddam upang mapigilan ang rebelyon laban sa kanya. Lalo pa nga at wala pang mapili na maaaring pumalit sa kanya dahil sa kanyang taglay na kakayanan.

Ang pagkakatuklas ng kanilang kakayahang pang-militar ay nagbibigay- daan upang malaman ang naturang lihim ni Saddam at ng kanyang pangkat upang higit silang paghandaan ng malalaking bansa sa daigdig. Gayunman, ayon sa ulat, kung nais ng Bagdad na makaalis na sa economic sanctions o paghigpit sa ekonomiya na unti- unting pumapatay sa bansa, ang tanging kailangang gawin ng Iraq ay patunayan na binitiwan na nga nila ang kanilang mga ‘’doomsday weapon’’.

Talasalitaan

1. Botulism - pagkakalason ng pagkain.

2. Anthrax - bukol na nagnanaknak dahil sa mikrobyo o baktirya o ang tinatawag na skin antharax . May tinatawag ding pulmony anthrax.

4. Isang uri ng gas- pandigma na nakapapasok sa katawan sa pamamagitan ng balat, pagfkain, at paglanghap. Ang resulta nito’y paralysis at masamang epekto sa sistema ng paghinga at nerbyos.

3. PAGSULAT NG MANIPESTO

Ang manipesto ay pagpapahayag sa publiko ng layunin, hangarin, motibo o balak; sanhi o dahilan; ideya, kaalaman o anumang nais ipahatid sa madla tulad ng pasasalamat o pahatid- mensahe.

1. Maaari rin itong paglalahad sa publiko ng patakaran, pamamalakad, palakad o pagsundo; pasya, payo o hatol; paniniwala, kuru-kuro o palagay. 2. Ang manipesto ay maaari ring tawaging proklamasyon o pahayag.

3. Ang pagsulat ng manipesto at katularin ng pagsulat ng balita at anunsyo tulad ng mga ss:

3.1 Simpleng lingguwahe at tuwirang pamamaraan ang kinakailangang gamitin,

3.2 Maikli ngunit makatawag- pansing paglalahad ang nararapat, 3.3 Ang pamagat ay nagtataglay lamang ng ilang makatawag – pansing salita.

Manipesto ng PALEA sa Muling Pagbubukas ng PAL Marami pong salamat, Pangulong Joseph Ejercito Estrada!

Taus-puso pong nagpapasalamat kami sa diplomatikong pamamaraang ginawa ninyo para malutas ang pinakamalalang problemang kinahaharap ng sasakyang ekonomiya ng bansa sa pamayanan ng mga nasyonal sa daigdig.

Ikinalulugod po nami ang ginawa ninyong matatag subalit walng kinikilingang paghaharap sa suliranin na naging daan sa pagkakasundo ng pamunuan ng kompanya, ng pangkaraniwang mga kawani at mga lider ng nagwelgang unyon.

Ang ginanap na referendum sa PAL na kumatig sa muling pagbubukas ng flag carrier ng ating bansa ay resulta ng iyong matatag na determinasyon para mapairal ang demokrasya sa pinakamahalagang sector ng ating pambansang buhay.

Pinupuri rin namin ang inyong desisyon na hindi nanghimasok sa

posibleng negosasyon sa ng pamunuan ng PAL at ng mga imbestor mula sa ibang bansa para muling mapatatag ang kakayahang pananalapi ng industriya.

Sa pamamagitan po ng katatagan ng inyong hakbang at mabilis na pag-aksyon , Ginoong Pangulo, nailigtas ninyo ang PAL sa pagkamatay na hindi naman dapat maganap, binuhay ang dignidad na pinaghirapan ng mga

manggagawa ng PAL na inalagaan namin sa mahabang panahong paglilingkod sa PAL.

Sa pagliligtas sa PAL, nailigtas din ninyo ang hindi mabilang na

manggagawa at kanilang pamilya at mahal sa pagkawala ng hanapbuhay sa isang panahong may nagaganap na kagipitan pangkabuhayan sa Asya at rehiyong Pasipiko.

Ang buong pwersa ng manggagawa ng PAL ay nagpapasalamat sa inyo Ginoong Pangulo sa paggamit ng inyong buong kapangyarihan sa pagliligtas sa PAL para ito’y muling mabalik sa himpapawid.

Ang aming tinanggap sa inyo Ginoong Presidente, ay mahigit pa sa aming trabaho o salapi, walang iba kundi puri at digndad; ang pagkakaroon ng bahagi sa kompanya at pagkakaroon ng puwang sa pagpapatatag ng Republika.

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 109-113)