• Tidak ada hasil yang ditemukan

MGA URI NG LAGOM

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 63-67)

Yunit III - ANG BALANGKAS AT ANG LAGOM

MGA URI NG LAGOM

Maraming anyo ang lagom ngunit tatalakayin at bibigyang pansin dito ay mga karaniwang anyo gaya ng PRESI, HALAW, BUOD at HAWIG.

1. Presi- ang maayos at nauunawaang pinaikling pahayag ng isang

orihinal na katha na nagpapanatili sa pangunahing kaisipan, kayarian o balangkas pananaw ng awtor at nasusulat ayon sa himig ng orihinal.

1.1 Nararapat na maikli ngunit malaman, wasto at malinaw na ipinahihiwatig sa pamamagitan ng maayos at buong mga pangungusap.

1.2 Hindi ito sinasamahan ng sariling pagpapakahulugan o pagbibigay ng komentaryo.

1.4 Maikli ngunit walang maaalis na mahalagang kaisipan. 1.5 Maaring isang talata o isang buong sulatin.

1.6 Ang karaniwang ginagawan ng presi ay mga sanaysay.

1.7 Maaaring gawan ng presi ang isang editoryal o panayam sa isang kilalang tao.

Halimbawa

Ang Wikang Filipino: Tungo sa Pambansang Kaunlaran

Ang mabagal na pagkamit ng inaasam-asam na kaunlaran ay maaaring dulot ng tatlong kaganapan: Pananakop ng mga Kastila, Kaisipang Kolonyal na iniwan ng mga taga-kanluran at ang ang ating pagpapabaya sa sariling wika.

Ang dalawang nabanggit ay maaaring masisi sa mga dayuhan subalit walang dapat managot sa huli kundi tayo rin. Ang ating wika ay di nabigyan ng nauukol nitong pansin at importansya samantalang napakalaki ng ginagampanang papel sa kaunlaran ng bansa ito ang isang paraan upang ang lahat ay magkaunawaan at magkaisa, nang sa gayo’y hindi na maantala ang ating pagsulong.

Apollo G. Brillano Sining ng Komunikasyon

2. Hawig- Hindi itinuturing ng ibang mga eksperto sa pagsulat ang hawig bilang anyo ng lagom, ngunit itinuturing naman ito na isang uri ng pag-uulat ng mga binabasa.

2.1 Hindi ito gaya ng presi na isang lagom na kahulugan ng orihinal na katha.

2.2 Ang layunin nito ay mapalinaw ang malalalim at malalabong pakahulugan ng orihinal na katha.

2.3 Gumamit ng diksyunaryo para maunawaan ang mga salitang mahirap unawain.

2.4 Gumamit ng sariling pananalita na mas simple at mas maiintindihan.

2.5 Ang hawig ay kaiba sa presi sa dahilang ang presi ay paglalahad ng orihinal na katha sa mas maikli at mas malinaw na paraan,

samantalang, ang hawig ay pagpapakahulugan o interpretasyon ng isang sumusuri sa sa kahulugan ng orihinal na katha.

2.6 Walang limitasyon ang haba ng hawig . Karaniwan pa ngang mas mahaba ang hawig kaysa sa orihinal.

2.7 Karaniwang ginagawan ng hawig ay ang mga tula dahil sa malalim na pagpapakahulugan nito.

Halimbawa

Isang Punla

Ang punlang isinasaad ay ang tao. Maraming mga paniniwala ukol sa pinanggalingan, komposisyon, at paggalaw ng tao. Para sa akin, ang tao ay lika ng isang Nakatataas na Eksistensya na nagkaloob sa atin ng isipan.

Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng kontrol sa kung anong direksyon pumaparoon ang ating buhay. Ang tao ay parang space craft na naglalakbay sa pang-araw-araw na na pamumuhay patungo sa pagpapatupad ng plano ng Lumikha sa kanya.

At kapag natapos na ang kanyang paglalakbay ay babalik siya sa piling nito.

Crecencio G. Clemente Sandiwa

3. Halaw- Ito ay isang maiksing lagom ng isang pormal na paglalahad. 3.1 Ginagamit sa panitikan, kasulatang akademiko at legal.

3.2 Hindi dapat mawala ang tatak, kayarian, pananaw at layunin ng orihinal na katha.

3.3 Huwag maglagay ng sariling kuru-kuro at palagay.

3.4 Ang haba ay naayon sa sa haba ng orihinal. Maaring itong isang pangungusap lamang, isang talata, o isang buong lathalain, batay sa orihinal na katha.

Halimbawa

Ang Tunay na Tagumpay

May dahilan ang Diyos kung bakit niya nilikha ang bawat bagay sa

daigdig. Ang tao ay nilikha niya upang Siya’y kilalanin, paglingkuran, at dakilain. Subalit marami sa atin ang nakakalimot sa tunay na dahilan kung bakit tayo narito.

Nasisilaw tayo sa kinang ng karunungan at kayamanan, sa maling akala na kapag meron ng mga ito ay matagumpay na ang ating mga buhay.

Alalahanin na ang daigdig na ito ay pansamantala lamang. Ang tunay na tagumpay ay kung ating maisasakatuparan ang mataas na layunin ng Diyos sa buhay na ito.

Rogelio M. Lota Sandiwa

4. Buod- Sa pagkukuwento ng mga napanood sa sine at telebisyon,

napakinggan sa radyo at nabasa sa mga pahayagan at magasin ang isang mabisang paraan ng pagbubuod. Mabisa rin itong gamitin sa mga pananaliksik at

panunuring pampanitikan.

4.1 Bai-baitang na pagsasaysay ng banghay ng mga pangyayari. 4.2 Maayos na nilalagom ang naganap sa isang kwento mula sa

simula hanggang sa wakas.

4.3 Ang hindi mahalagang detalye ay hindi na isinasama sa pagbubuod.

Halimbawa

Ang Alamat ng Duryan

May naninirahang Sultan sa dakong Mindanaw na may anak na dalagang napakaganda. Ang sultan ay may kahigpitan sa pagpili ng kabiyak para sa kanyang anak. Sila’y hindi nabinyagan kaya’t tutol siyan mapakasal ang anak niya sa isang Kristyano. Ang nais niya ay iyong kauri at kalipi nila.

May nakilala ang dalaga na Kristyanong binata, at nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Nalaman ito ng Sultan at sila’y pinaghiwalay. Pinabantayan ang dalaga subalit nagkita ang dalawang nagmamahalan naang magpanggap ang binata bilang isang tanod. Naisipan nilang magtanan at pumunta sa ibang nayon subalit sila ay nakita at natamaan ng sibat kaya namatay.

Inilibing silang magkasama. Mula sa kanila libingan ay may tumubong halaman na namunga ng ng bungang malakas ang amoy, bilugan,at matinik ang balat. Nang buksan nila ito ay nakita nila na ang laman ay parang utak ng tao. Pinaniwalaan na ito’y buhat sa nasawing magkasintahan.

Casanova et al

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 63-67)