• Tidak ada hasil yang ditemukan

VISITING FORCES AGREEMENT

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 88-93)

Yunit IV- ANG PAGSUSULAT NG KOMPOSISYON

VISITING FORCES AGREEMENT

Hindi masamang sumang-ayon gayundin ang sumalungat. Subalit timbangin natin kung ang pagsang-ayon ay makapagdudulot ng kabutihan, kaginhawahan, o kaya'y kapahamakan.

Lalo't ang isasaalang-alang ay kapakanan ng bansa. Bilang mamamayan ng bansang Pilipinas, hangad nating lahat ang kabutihan, kaunlaran at higit sa lahat - kapayapaan, katahimikan.

Ayon nga sa pangulo, kung ang bansa ay tahimik, ang bansang ito ay uunlad, susulong at ang ekonomiya ay lalago. Ayaw ba natin ito? Hindi ba ito ang hangad natin sa bansang Pilipinas?

Kaya naman hindi marahil magiging hadlang sa mga hangaring ito kung tayo'y tatanggap ng tulong mula sa ibang bansa lalo't tatanggap ng tulong mula sa ibang bansa lalo't manggagaling sa kaibigang bansa ng Pilipinas, ang Estados Unidos.

Ang VFA ay isang kasunduan sa pagitan ng RP at US. Nakapaloob dito na tutulungan ng mga Amerikano ang Militar Defense ng Pilipinas.

Magsasagawa sila ng exercise, ang sundalong Amerikano ay bibisita rito sa Pilipinas upang sanayin ang mga sundalong Pilipino sa pakikipaglaban.

Lubhang nangangailangan ang Pilipinas ng malakas na pwersang masasandalan dahil sa lumalalang kaguluhan sa Spratly Island.

Kung hindi tayo hihingi ng tulong sa mga Amerikano ay may posibilidad na masakop tayong muli ng bansang Tsina.

Maraming mga beterano na makasama sa World War II ay pabor sa VFA, sapagkat ayon sa kanila, kung pagtitibayin ang VFA, ang mga beterano ay

umaasang makatutulong sa kanila dahil mabibigyan sila ng maraming benepisyo. Ayon sa grupo ng mga beterano, itinaya nila ang kanilang buhay kaya't nararapat lamang na ito'y masuklian.

Ayon sa isang retiradong Army Master Seargent na si Abasolo Apolinar, 78 taong gulang, isang survivor sa death march, wala nang iba pang bansa ang nagpahirap sa Pilipinas kundi ang Tsina.

Maaaring maging solusyon ang VFA sa lumalalang kaguluhan sa Spratly Island na inaangkin ng bansang Tsina.

Sa pagkakabuo ng VFA ay sinisiguro na walang anumang kasunduan sa pagitan ng RP at US na madedehado ang isa sa kanila. Kung lumabag sa batas ang mga Amerikano, nakasaad sa VFA na parurusahan sila sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Kailangan natin ang VFA sa maraming kadahilanan. Una, upang

palakasin ang seguridad sa buong Asya. Ikalawa, upang magbigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa mga makabagong paraan ng pakikidigma. Ikatlo, upang makalikha ng matatag at matibay na pundasyon hinggil sa kalagayan ng ating bansa.

Sa panahon ngayon, kailangan nating lumikha ng makabagong seguridad sa ating bansa upang hindi na muli tayong manakawan ng kalayaan.

P AKIKIPAGTALO

Ang pakikipagtalo ay pangangatwirang pasalita ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang tiyak na paksa, alinsunod sa mga tanging tuntunin.

Ito'y nagbibigay-kasanayan sa wasto't matuling pag-iisip, sa pagtatangi sa tama't maling katwiran, sa maayos at mabisang pagsasalita, at sa pagpigil sa sarili't pagsunod sa kabutihang-asal sa pakikipagtalo sa taong kasalungat ng palagay.

Ang pagtatalo ay maaaring ipalagay na siyang sining ng paggagantihang-katwiran o matuwid ng dalawa o mahigit pang magkasalungat na panig hinggil sa isang kontrobersyal na paksa.

Sining ang pagtatalo sapagkat dinaraan ito, sa isang pagpapahayag, mapapampubliko man omapapampribado, na ang mga katwiran ay naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan nang lubos na makapang-akit,

makapagpaniwala at makapanghikayat ng madlang nakikinig at higit sa lahat ng katalo o kasalungat na panig.

Ang gawang ito ay nakasalalay sa maanyo at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat; anupa't ito'y pinipiling tiyak, binibigkas nang malinaw, at ipinapahayag nang maliwanag, bukod sa makulay na inilalarawan sa

pamamagitan ng pagbibigay-halimbawa, sa gayo'y maging mabisa at mapanghimok ang pangangatwiran.

Kaya gantihang-katwiran ang pagtatalo dahil hindi iisa lamang ang nagsasalitang pakikinggan, kundi, dalawa, dalawang magkasalungat na panig, grupo o koponan -- isang sumasang-ayon, ang sang-ayong panig at isang tumututol, ang salungat o di-sang-ayong panig.

Sa paghahanda ng isang pakikipagtalo, dapat linawing mabuti ang paksa. Bawat tagapagtanggol ng panig ay nararapat makaalam sa buong

pangangatwirang gagawin ng pangkat, bukod sa tanging katwirang nakatakda sa kanya.

Dapat din niyang paghandaan ang sagot na maaaring maisip na katwiran ng katalo, sa lalong mabisang paraan, kung paanong ang katwiran niya'y dapat ihanda sa paraang pinakamahirap salungatin.

Ang pagbubukas at pagtatapos ng pakikipagtalo ay ang panig ng sang--ayon. Ang pagsasalita ng bawat kasama sa pangkat ay binubuo ng dalawang bahagi: ang kanyang talumpati, at ang kanyang tuligsa.

Ang talumpati ay ang kanyang pangangatwiran sa pagtatanggol ng kaniyang panig. Ang tuligsa ay bilang sagot sa katwiran ng katatapos na nagsasalita sa kabilang panig.

Ang wastong pagkakasunud-sunod ng tagapagsalita'y ito: 1. Unang tagapagsalita sa panig ng sang-ayon.

2. Unang tagapagsalita sa panig ng salungat. 3. Ikalawang tagapagsalita sa panig ng sang-ayon. 4. Ikalawang tagapagsalita sa panig ng salungat. 5. Ikatlong tagapagsalita sa panig ng sang-ayon. 6. Ikatlong tagapagsalita sa panig ng salungat.

7. Huling tindig ng unang tagapagsalita sa panig ng salungat. 8. Huling tindig ng unang tagapagsalita sa panig ng sang-ayon.

Ang bawat tagapagsalita'y dapat bigyan ng magkatulad na haba ng panahon sa pagsasalita.

Ang lupon ng tagahatol ay siyang nagpapasya kung aling panig ang dapat manalo. Kabilang sa kanilang isinasaalang-alang sa pagbibigay ng hatol itong mga sumusunod:

1. Bilang ng mga katwiran o katunayan 2. Kawastuan ng mga katwiran o katunayan 3. Kahusayan sa pagbibigay-katwiran 4. Kahusayan sa pagtuligsa

. 5. Kawastuan ng tayo at bigkas URI NG PAGTATALO

Sa pag-aakala ng nakararaming mag-aaral' ng asignaturang Filipino, ang pagtatalo at ang pakikipagtalo ay iisa lamang ang ibig sabihin, o di-kaya'y magkasingkahulugan lamang.

Dito sila nagkakamali. Ang pagtatalo ay ang lalong kilala sa katawagang hinalaw sa Ingles na pagdidebate (debate), at ang pakikipagtalo naman sa salitang Ingles ay 'argumentation' na ating hinalaw bilang pag-aargumento.

Bagama't ang dalawang katawagang ito na kapwa pagpapalitan ng katwiran, opinyon at usap, ay kapwa rin naglalayon ng pagkakalinawan, pagkakaunawaan at pagkakasunduan hinggil sa isang isyu na maaaring

kontrobersyal na nag-aanyaya ng iba't ibang magkakasalungat na kaisipan na lahat naman ay may ipinakikitang kahalagahan.

Ngunit kailangan nga lamang paghambi-hambingin at pagtimbang-timbangin nang lubos na mapagpasiyahan ang inaakalang pinakamahalaga nang mapaniwalaan ng lahat at nang masang-ayunang tangkilikin, itaguyod, at palaganapin.

A. ANG PAGTATALONG IMPORMAL O PAKlKIPAGTALO O ARGUMENTASYON

Ang pakikipagtalo na isa ng pagtatalo, ay isang pang-araw-araw na aktibidad ng tao, may pinag-aralan man o wala, sa pakikisalamuha sa kapwa.

Isang karaniwang pagtatagisang-kuro o pala-palagay at iba pang mga personal na katwiran ng bawat isa saan man sila abutin ng di pagkakasunduang isip: sa mga pag-uumpuk-umpok sa tindahan, sa kanto, sa restawran, sa pulung-pulong, sa klase, kahit saan, habang sila'y nagkakatuwaan, nagtsitsismisan, nag-iinuman, naglalaro, - nag-aaral, atbp.

Ang pakikipagtalo, kadalasan ang mga isyung tinatalakay ay iba-iba. Ang puno at dulo ay hindi malaman kung minsan.

Mula sa pinakamaliit at di-gaanong mahalaga, halimbawa na'y tungkol sa isang butones, tungkol sa sukling diyes sentimos, tungkol sa kasal nina, Nora

Aunor at Christopher de Leon, tungkol sa kasong rape ni Pepsi Paloma, tungkol sa pag-aaway ng aso't pusa ng magkapitbahay, tungkol sa isang pantalon; anumang may kinalaman sa buhay at lipunan magpahanggang sa politika at ekonomiya,

halimbawa nga'y tungkol sa layunin ng pagbisita ng Pangulong Erap sa Amerika, tungkol sa talagang dahilan ng pag-iistrayk ng mga manggagawa sa pabrika, tungkol sa pagkakahinto sa paggawa ng mga kalsada, tungkol sa tinatawag na hamletting kaya'y pagsa-salvage at marami pang iba.

Ang pakikipagtalo na karaniwan ay pasalita ay masyadong impormal na pagmamatwiran dahil hindi gaanong pinag-aaralan ang isyu, basta ibinabatay na lamang sa tawag ng sandali o pagsulpot nito sa usapan at ang mga pinagkukunang impormasyon ay buhat lamang sa mga naririnig o nababasang bali-balita o usap-usapan, hindi galing sa puspusang pananaliksik.

Kaya, magkaroon man ng pagbibigayang-opinyon, nakahihigit ang pagkabayas nito dahil sobrang personal o pawang haka-haka lamang, hindi mapanghahawakang lubusan ..

Ang pakikipagtalo ay masyado ring malaya. Walang oras na pinipili o tinatakda sa pagsasalita.

Maaaring basta na lamang sumisingit ang isa kapag may naisip kaagad na sasabihin, may kinalaman man o wala sa isyung tinatalakay. Kahit mga biro ay hinahayaan. Walang paghihintayan

. Maging ang mga katwiran kung minsan ay walang lodyik o lohika, basta sige na lamang nang sige.

Tandaan:

Impormal ang pagtatalo kung random lamang ang pagpapaganap nito. Kalimitan itong mangyari sa mga paaralan o oras ng klase.

Dahil walang sapat na panahon ng paghahanda, o kaya'y sadyang hindi na pinaghahandaan, ang sinumang may katwiran ay maaaring tumayo o magtaas ng kamay para magsalita.

Hinahayaan siya, maikli man o mahaba ang sasabihin hanggang matapos nang walang pagpigil, pagtutol o pagsingit ng sinumang nakikinig. Ang bilang ng bawat panig ay walang katiyakan. Maaaring marami ang di-ayon sa sang-ayon.

B. ANG PAGTATALONG PORMAL

Debate kung tawagin sa Ingles ang pagtatalong pormal.Binubuo ito ng dalawang panig: ang panig ng sang-ayon at ang panig ng tutol. Karaniwan nang ang bawat panig ay binubuo naman ng dalawa (2) o tatlong (3) kasapi.

Bawat kasapi ay may takdang oras ng pagsasalita na kung tawagin ay talumpati na naglalaman ng mga katibayan at pruweba hinggil sa paksang kanyang ipinakikipaglaban ng katwiran.

Ang paksa ay pinakapipili. Ito’y pinaghahandaang lubos ng

magkabilang panig. Pinag-uusapan pa muna ang proposisyon bago itakda ang panahon - araw at oras - na ito ay gaganapin.

Isinasapubliko ito para malaman ng lahat dahil sadyang mahalaga at makabuluhan sa pang-araw-araw na buhay

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 88-93)